Kabanata 27
Kabanata 27
"D-DAD, we can talk about this, right?" itinaas ko ang kamay.
"Tayo, Sandejas!" he hissed.
"S-sir, pag-usapan—"
"I will fucking kill you!" I screamed when he pointed the gun at his direction.
"Dad! Dad! Calm down!" I exclaimed. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.
"You fucking asshole! Hinayaan kitang matulog dito para magpahinga, hindi ang pakialaman ang anak ko!" My Dad exclaimed furiously.
"S-sir, I'll explain..." napatayo bigla si Zeijan at halos mawalan na ng kulay.
"You fucking—"
"Dad!" I screamed nang biglang tumakbo ang Daddy ko.
"Oh, shit!" Zeijan cursed at nagulat ako nang bumalikwas siya at tumalon sa sofa bago tumakbo palabas ng bahay.
"Oh, my god!" napatakbo ako palabas at sumigaw.
"Dad! Zeij!" I screamed pero hindi matigil ang dalawa.
My Dad is running after Zeijan, he was holding his gun with his hand at nakatutok iyon kay Zeij. I cursed nang pumutok iyon at tumama sa may malapit sa paa ni Zeij.
"God!" napahawak ako ng dibdib ko sa kaba.
"S-sir! M-mag-e-explain ako!" Zeijan exclaimed.
"Explain my ass! You bastard! Come here, I will kill you!" Naka-paa si Zeij habang naghahabulan sila doon sa may garden.
"Tiger, sorry na!" he stopped and shook his head. "Mahal ko ang anak mo—"
"Mahal?! Anong mahal?!" binato ng tatay ko si Zeijan ng tsinelas at natamaan ang balikat niya kaya napadaing siya.
"Promise po!" Itinaas niya ang kamay niya at hinahapong nagsalita. "I love Ree! Real na real!"
"Hindi ako naniniwala!" my Dad gritted his teeth. Halos mamula na siya roon.
"It's real! Mas real pa sa dalandan ni Kendra—joke lang!" he screamed nang magpaputok si Dad at tumakbo ulit.
"Halika ka ritong lalaki ka! You took advantage of my daughter—"
"Hindi po!" iling ni Zeij at ikinross ang kamay sa dibdib. "Love din niya ako!"
Aawatin ko na sana silang dalawa nang magsiakyatan sila sa may bench doon at doon na nagpatintero.
"What the heck?" My brow lifted. Napasinghap ako nang akmang magpapaputok muli si Dad pero wala ng bala at itinapon niya iyon sa lapag sa inis at nahaklit si Zeijan.
"In your dreams, Sandejas! Mataas ang standards ng anak ko!" nabatukan ni Daddy si Zeij kaya nanlaki ang mata ko.
"Gwapo ako, Sir! Maganda ang genes ko! Ay! Aray!" Nahila ni Dad ang tainga nito.
"Sumama ka sa aking hinayupak ka!" Nahila niya ang taga ni Zeijan kaya napatalon-talon ito at napahawak sa braso ni Dad.
"S-sir! Sorry na! Babait na ako!"
"Jerk!" he hissed kaya mapatakbo ako at mabilis na hinarangan si Dad.
"Dad!" I hissed kaya napatingin siya sa akin. "W-what are you going to do with him?"
Napatingin ako kay Zeij at nakitang naiiyak na siya sa kaba. He mouthed 'help' kaya napaharap ako kay Dad.
"Ibuburol ko," he answered seriously. My eyes widen.
"D-dad, magpapaliwanag kami!" iling ko.
Damn, no!
"No! Stay right there, Alicia. Usapang lalaki 'to! Go to your Mom at babalitaan na lang kita kung kailan ang lamay," aniya at hinila ang taiga ni Zeijan.
"Sir! Bubuo pa kami ng pamilya—"
"Makipagkaibigan ka sa mga uod sa lupa!" iritang sabi ni Daddy rito at hinatak ito papasok ng bahay.
"Dad!" I exclaimed at sinubukang lumapit pero sinimangutan ako ni Daddy kaya nanahimik ako.
"Misis!" Zeijan whined when our eyes met at napailing lang ako sa kanya at ngumuso.
"Goodluck..." I mouthed at mas namutla siya roon.
Bago pa man ako makapasok sa kwarto ni Mommy ay ipinagdasal ko na si Zeijan. I don't know what will happen to him, but I am certain, my father won't kill him, at least.
Mula sa labas ay dinig ko ang daing niya roon sa loob ng library kung nasaan sila ni Dad kaya kumatok ako.
"Dad! Don't hurt him!" I exclaimed from outside.
Sayang ang face ng Zeijan ko. I hope my Dad won't ruin it.
"Misis ko! Aww!" Zeijan exclaimed.
"Alis, Alicia!" my Dad exclaimed at napakurap ako bago nakagat ang labi at umalis.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
I helped my Mom with changing her clothes and taking a bath. Ibinaba ko siya gamit ang built-in elevator sa mansyon at kaagad kong nakita ang dalawa na naroon na sa dining.
"Kailan pa?" ani Dad sa nakatalikod mula sa pwesto kong si Zeijan.
"Three turning four years—"
"What?! Binahay mo ang anak ko nang tatlong—"
"She left me." Natigilan din ako nang marinig ang boses ni Zeijan. I heard his sad voice at napatingin ako sa Mommy ko na malungkot na ngumiti.
I'm really sorry, Zeij...
"Why?" ani Dad at nakita kong sumeryoso siya at pinakatitigan si Zeijan.
He didn't answer kaya roon na ako pumasok sa kusina.
"Tapos na kayo sa bakbakan?" I cheered. Napatingin sa akin ang dalawa at sumimangot si Daddy bago tumayo at lumapit sa amin ng Mommy ko.
"Explain, Alicia," ani Dad at kinuha ang Mommy mula sa akin.
Nang bumaling ako kay Zeijan ay nakita kong nakanguso at nanlaki ang mata ko nang makita ang sugat sa may labi niya.
"Dad, anong ginawa mo sa mukha ni Zeij?!" I exclaimed at mabilis na lumapit sa asawa ko. Dumukwang ako palapit sa kanya at mas nagpaawa siya sa akin.
"Baby, may sugat..." turo niya sa labi niya. Inabot ko naman ang pisngi niya at pinakatitigan ang labi.
Hindi pa nga magaling ang sugat niya kagabi ay may bago na naman. Sumimangot ako at humarap kay Daddy.
"Dad, bakit mo naman sinugatan?"
Umirap si Daddy at umupo sa kabisera ng lamesa.
"Serves him right, buti nga hindi pisngi ang nagkapasa. Mas lalong papangit 'yan kung sakali..." ngiwi ni Dad kaya napalabi ako.
"Misis, I'm weak..." inarte ni Zeijan kaya napailing ako at pinisil na lang ang ilong niya.
"I'll take care of your lips later," bulong ko bago tumayo at nakita kong nagpigil siya ng ngiti at tumango.
"Set a schedule, I have to meet your family." Napaubo ako nang biglang magsalita si Dad sa hapag.
"A-agad?" napatingin ako.
"Agad? Ikaw nga, nag-asawa ka kaagad nang walang paalam so, I have to meet his parents to talk." Nanlaki ang mata ko roon at nakita kong ngumisi si Zeijan at itinaas ang tinidor niya.
"Boto ka na sa akin, Dad?" ani Zeijan at nakita ko ang pagsama ng mukha ng Dad.
"Anong gusto mong kulay ng kabaong, Sandejas?" sikmat ni Dad kaya nanahimik si Zeijan at ngumiti ng parang anghel siya.
"W-wala naman po, nagbabaka sakali lang," tikhim niya.
Ayaw pa akong payagan ni Daddy na umalis kasama si Zeij noong una pero sa huli ay wala na siyang nagawa. Nagbihis ako at naabutan kong kinakausap ni Zeijan ang Mommy ko sa may sala.
"Hi, Tita, sorry kung hindi ako kaagad nagpakilala..." I saw my Mother smiled at him at pilit inaangat ang kamay niya at tumalon ang puso ko nang abutin ni Zeij ang kamay nito at nagmano.
"Promise po, aalagaan ko nang mabuti si Ree. Sana po magustuhan mo ako kahit ayaw sa akin ni Dad..." ngisi ng asawa ko. My Mom nodded slightly making my husband cheeks flushed.
I kissed my parent's goodbye before we go. Habang naglalakad patungo sa sasakyan ay natigil ako nang maramdaman ang hawak sa kamay ko. Napalingon ako at napangiti nang makita si Zeijan.
"Let's hold hands?" aniya sa akin. I smiled at him and nodded, bahagya akong umatras palapit sa kanya at pinagmasdan ang kamay naming magkahawak.
He intertwined our fingers to fill the gaps and pulled me closer before kissing my head.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"WHERE are we right now, Misis?" aniya sa akin.
"Hospital..." sagot ko at nilingon siya.
"Huh? Bakit? May masakit ba sa'yo?" he suddenly sound worried, humiwalay siya sa akin para sipatin ang mukha ko pero ngumiti lang ako at umiling.
"No, hindi ako..." I said.
"Then, who?" his forehead creased.
"You, pa-check natin 'yong sugat mo..." turo ko sa braso niya.
Tumagal kami sa pilitan pero sa huli ay pumayag rin siya. We had his wounds check. Wala namang komplikasyon at pinalagyan ko rin ng ointment ang mukha niya para sa mga galos.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
EVERYTHING is good to go—my friends are fine; Brad is on jail at nakausap ko na rin ang manager ko at sinabing niyang nagkalat na sa mga headline ang pagiging drug lord ni Brad.
And now? I don't have any partners. Na-cancel na rin ang movie namin dahil sa issue at solo flight ako.
But anyway, I gained a lot of endorsements. Nasama rin ako sa isang foundatoin na naglalayon na ilayo ang kabataan sa ipinagbabawal na gamot.
How ironic was that, right? I used to deliver drugs and now...
"Okay, Alyx! One, two, three..." I posed at the camera.
I gave a seductive look before swirling as the photographer captured every moment.
I am doing a project with a well-known liquor, cover girl for their magazine this April. I am only wearing a two-piece, black stringed bikini.
"Okay, Lyx. I want you to kneel on the sand and raise your arms." I did what I was asked. Lumuhod ako at itinaas ang kamay sa may ulo ko.
"Excellent! Few more shots, Lyx!" I smiled and sat on the sand, lifting my other leg and placing my hand on the sand.
"Bravo! Amazing, Alyx!" puri sa akin ng photographer.
"Thank you," ngiti ko at tumayo. Tumalikod ako sa camera, there, I saw the ocean, nakaka-miss rin pala. I suddenly remembered the time when I first met my husband.
"Ibaba mo ng kaunti ang cover mo, Lyx." Bahagyang humarap sa camera at patagilid na ibinaba ang cover up ko mula sa balikat.
I stared at the camera seductively, I am aware na maraming nakatingin sa akin, kinukuhaan pa nga ako ng mga litrato kaya palagi akong nakangiti.
I don't need to look snob in the camera, baka mamaya'y ma-issue na naman ako.
"Oh, Tessa. You're here!" ani ng isang staff doon. Napaayos ako ng tayo at inayos ang cover up ko.
"Hi, nice meeting you, guys!" she said bubbly, I frowned.
"What is she doing here?" takang tanong ko kay Jana.
"Kasama mo siya sa ibang shots," aniya sa akin.
Napangiwi ako roon. I watched the woman as she greeted the people on the set.
"Plastic..." I sneered at napatawa si Jana sa tabi ko.
"Chill, Lyx. Baka makita ka ni Zeijan d'yan na mukhang constipated," aniya sa akin.
"He's not here, 'no," sabat ko. "He didn't know na magsho-shoot ako wearing bikinis. Ang sabi ko lang ay photoshoot sa isang brand."
"Loka! Buti pinayagan ka?!" Ngumisi ako at tumango.
"Oo naman, tinutulungan kasi no'n 'yong kapatid niya sa company kaya hindi nakasama and if he had known I'll wear these, baka ikulong ako no'n sa unit niya." Tawa ko pero hindi naman na ako sinagot ni Jana at nakita kong napatulala siya kung saan.
"Hoy," tawag ko sa kanya pero 'di niya ako sinagot. I followed her gaze at halos mabuwal ako nang makita ang tingin niya.
My eyes widened when I saw Zeijan there, wearing his navy-blue polo and slacks. Nakahalukipkip siya roon at seryoso akong tiningnan kaya napalunok ako.
"Shit..." I murmured.
Pinasadahan niya ako ng tingin at maya-maya'y tumaas ang kilay.
"Hi, Miss Alyx! Crush na crush ka ng kaibigan ko! Pwede raw bang magpa-picture?" napalingon ako nang may magsalita.
I saw a bunch of teenagers, mga bata pa iyon at napansin kong nagtutulakan pa sila.
"Uhm," napalingon ako sa kanila.
"Please, Miss Alyx. Gusto ka talaga naming makita sa personal at s'werte kami ngayon!" tuwang-tuwa pa nilang sabi.
"Oh, ano..." napasulyap ako sa asawa ko at nakitang nakaigting na ang panga nito at halos manugod na. "Sure." Ngiti ko.
Damn it!
Alangan ang ngiti ko sa camera habang nagpapa-picture sila.
"Uh, pwede po paakbay?" tanong ng isang medyo maputi.
I smiled softly and shook my head.
"Sorry, hindi pwede, eh, baka may magalit," sagot ko.
"Ayos lang po! Salamat, Miss Alyx! Ang ganda mo!" paalam nila at nang makaalis ay nakitang halos takbuhin na ako rito ni Zeijan pero nagtitimpi siya.
His jaw's tight, I am sure he's gritting his teeth kaya ngumiti ako nang maliit sa kanya.
You are fucking dead, Alyx.
"Girl, doon muna ako, huh. Kausapin mo si Zeij, yari ka baka maging tigre 'yan mamaya..." aniya sa akin at nang balikan ko ng tingin ang asawa ko ay tumulis ang mata ko.
I saw Tessa talking to him. Kita ko ang malamig na mga mata ni Zeijan habang seryosong nakatingin sa babae.
Nagmartsa ako palapit sa kanila.
"Grabe, ang gwapo mo pa rin pala!" ani ni Tessa. "Mas gumwapo ka from the first time I saw you."
"Baby!" maarteng tawag ko at kaagad silang natigil doon.
Kumunot ang noo ni Zeijan at nagmartsa ako bago kumapit sa braso niya at nilingon siya.
Zeijan is mine.
"Oh, Alyx! Fancy seeing you here!" Tessa suddenly exclaimed at kaagad akong ngumisi sa kanya.
"Nice seeing you here too," sabat ko at bago pa man siya makapagsalita ay hinarap ko na kaagad ang nag-aalburotong si Zeijan.
"Hi, Mister!" I cheered. Ngumuso lang siya at tinaasan ako ng kilay.
"What the heck are you wearing, woman?" aniya sa akin.
"Bikini?" ngiti ko. Kumunot ang noo niya at inabot ang cover up ko bago takpan lalo ang dibdib ko.
"Nagpaalam ka ba, huh?" iritang sabi niya.
"Oo..." I nodded. "Sabi ko may photoshoot ako."
"You did." Ngumiwi siya at sineniyasan si Jana na kunin ang towel at nang makuha ay kaagad niyang binalot ang katawan ko. "But you didn't tell me na ganyan ang suot mo," pagalit niya.
"Ganoon na rin 'yon," I smiled cutely pero sumimangot lang siya sa akin at sa gulat ko ay hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya.
I fell on his chest, nanlaki ang mata ko nang makarinig ng bulungan.
"Sila nga talaga ata!" napatawa ako.
This possessive man!
Maya-maya'y iniangat niya ang baba ko, he then gave me a peck on the lips at nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya.
"I... sound so possessive but," he bit his lip and sighed. "damn, woman, ayokong may nakatingin sa katawan mo," reklamo niya.
"Bantayan mo na lang ako," I told him. Lumayo ako sa kanya at pinakatitigan siya.
"Ano pa nga ba?" iling niya. "But next time you do this without telling me, bubuhatin kita paalis kahit may mga tao."
"Yes, mister!" saludo ko. Inabot ko ang kwelyo niya at inayos. Napangiti ako habang inaayos ang cuffs ng damit niya.
"You looked like a businessman, baby," puri ko. "Look at those people looking at you, buti na lang sa akin ka na."
He stared at me with those blazing blue eyes again, he licked his lower lip at nakita ko ang pagtago niya ng ngiti sa kabila ng kaseryosohan.
"Whatever, Misis. Go there, I'll watch you, one wrong move and I'll get you from there at iuuwi kita, naiintindihan mo?" I nodded and kissed his cheek. Nang tumalikod ako mula sa kanya ay ngumisi ako kay Tessa na masama ang tingin sa akin.
"Mr. Sandejas, upo ka rito!" nagkagulo ang mga staff pag-alis ko para bigyan ng upuan ang asawa ko. May nag-abot sa kanya kaagad ng mineral water at may itinapat sa kanyang mini fan kaya napatawa ako.
What?
"You think you're a star now, huh?" nawala ang tingin ko sa asawa ko nang magsalita si Tessa sa tabi ko.
"Excuse me?" my brows lifted.
"Having a Sandejas as a fling and being a cover of the magazine?" aniya sa akin. "Nothing will stay forever, Alyx. Zeijan will leave you soon, lalo na kapag laos ka na."
"Maybe you don't know what you're saying." Tawa ko at hinawi ang buhok ko. "Kahit malaos ako, Tessa, kung para sa akin, para sa akin." Ibinagsak ko ang towel na nakabalot sa katawan ko sa lupa at tiningnan siya.
"And FYI, Zeijan isn't my fling," sagot ko bago sumulyap sa asawa kong nanliliit na ang mata sa pinaggagawa ko.
"He's my husband." I said confidently.
I saw her jaw dropped. I smirked and flipped my hair.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
I sat on the wooden chair in the middle of the beach, may manipis na tela ang nakalagay sa upuan na 'yon na kinuha ko at inilagay sa balikat ko. Tessa was kneeling beside me, hawak ang isang parte ng tela at parehas kaming nakatingin sa camera.
I was very conscious the whole time, hindi dahil sa tingin ng maraming tao kundi sa tingin na ibinibigay sa akin ni Zeijan.
Ilang oras na rin ako rito at ilang palit na ako ng bikinis pero ngayon lang ako nahiya.
"Alyx, you seemed awkward. Look natural!" ani ng photographer sa akin.
Natahimik ako, napatawa naman si Tessa at nilingon ako.
"Sorry," I smiled a little, sumulyap ako kay Zeij at nakitang masama na ang tingin niya roon sa mga lalaki sa paligid na kumukuha ng litrato.
"Gago, pre, ang sexy!"
"Bawal 'yan!" he exclaimed kaya napatingin ang lahat sa kanya.
"Huh?" ani ng lalaki.
"Taking pictures is not allowed here!" animo'y manager ko siya na halos mamaywang na. Tumayo pa siya roon para manermon.
"So? Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw ang pipicturan—"
"Hindi pwedeng picturan si Alyx!" aniya. "Picturan mo 'yong iba, h'wag siya!"
"Pero—"
"Tama na 'yan! Siya sige, bawal kumuha ng litrato rito!" ani ng photographer at umiling na. "Go, sige, bawal na rito."
"Ang damot naman! Picture lang, eh! Makikita rin naman 'yan sa mga magazine—"
"Then why are you taking photos here, wala kang pambili, huh?" sikmat ni Zeijan. He seems annoyed kaya mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang pulsuhan niya.
"Baby," tawag ko. His forehead creased at nilingon ako. "Calm down."
"How can I? They're—"
"Come on, it's alright..." mahinang sagot ko at hinaplos ang likuran niya. Marami na ang nakatingin sa amin kaya marahang hinila ko si Zeijan paupo sa upuan niya.
"Hey," I started.
"Wala kang naaalala ngayon?" aniya sa akin at napaisip ako roon.
Ano bang araw ngayon? Hindi ko na nga rin alam ang petsa sa sobrang busy ko.
"Wala naman. Meron ba?" I asked. Napalabi siya at tumango bago haplusin ang daliri ko.
"Uwi na tayo," he sighed. Nakagat ko naman ang labi ko roon at nakita kong inabot niya ang bathrobe at ipinatong sa balikat ko.
"Ngayon na?" He nodded. Inabot niya ang kamay ko at hinagkan.
"Sorry, Ree, if I was too jealous. Hindi pa rin kasi ako sanay na ganoon... na maraming may gusto sa 'yo. I am jealous. Sorry," aniya at bumuntonghininga.
My heart melted. Muli akong napaharap sa mga tao roon na si Tessa naman ang kinukuhaan bago hinawakan ang kamay ni Zeijan patayo.
"Paalam mo ko," I saw his eyes shined. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako sa photographer.
"Excuse me." Napatingin ito rito.
"Yes, Mr. Sandejas?" ani nito.
"Can I take Alyx home?" he said. Humawak siya sa baywang ko at nakita ko ang pagtingin roon ng photographer bago tumango.
"Sure, Mr. Sandejas..." tumikhim ito at ngumiti sa akin.
"Pahinga ka na, Alyx," ani sa akin.
"Thank you." I smiled at nakita ko pa ang pag-irap sa akin ni Tessa kaya tinaasan ko lang siya ng kilay bago kumapit kay Zeijan.
Kaagad na may lumapit sa amin pagkaalis namin doon sa set.
"Ms. Alyx! Pa-picture po!" Napatingin ako kay Zeijan na nakahawak sa baywang ko at maya-maya'y ngumiti siya at binitawan ako.
"Miss, sama po natin iyong boyfriend mo!" ani ng dalagang chinita at tinuro ang nakahalukipkip na asawa ko roon sa gilid.
"Uh, Zeij?" tawag ko at tinitigan niya ako. "Sama ka raw."
"Me?" itinuro niya ang sarili at nang lumapit siya ay nagtilian ang mga dalaga roon kaya napatawa na rin ako.
"OMG! Hi, Kuya!" kaway nila.
"Hi..." he gave a small smile at nagsikuhan ang mga babae. Napalabi ako at napatawa si Zeijan at kinindatan ako.
Seriously? Feeling ko, siya 'yong artista at hindi ako!
We rode his motorbike as we went back to the city. Mahigpit na nakayakap ako sa baywang niya habang nakatitig sa tanawin. It was probably one of tbe best views ever. I suddenly missed our life back in the island where we first met.
"Zeij?" I called him.
"Yes?" aniya at mas yumakap ako sa baywang niya at humilig sa likod niya.
"If... if ever, can we go back to the island where we first met?" I felt his hand on mine as he chuckled and nodded.
"Definitely," aniya.
"Can we meet again but this time with our real selves?" tanong ko.
"We will, Alicia. We will."
We decided to go to the cinema once we reached the mall. Pinasuotan ako ng cap ni Zeijan at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami sa mall.
He is a head-turner, mukhang kilala rin naman na siya kaya hindi na ako nagtaka na pinagtitinginan siya habang naglalakad kami and because we are linked to each other, alam na agad na ako ang kasama nito.
Marahil ay walang nakakakilala sa kanya noon noong nasa isla kami, I think it's because we're in a small place, malayo sa siyudad. I don't know he came from a wealthy and known family. Hindi naman kasi sila showbiz people at puro business kaya hindi ako pamilyar.
I saw someone taking a photo of my husband kaya tinanggal ko ang cap na suot ko at sa halip ay inilagay sa ulo ni Zeijan.
He's startled kaya napatingin siya sa akin.
"Ikaw ata ang kailangan ng cap," ngiwi ko at nang mapatingin siya sa paligid ay natawa siya at mabilis akong inakbayan.
"I love you..." he chuckled against my ear.
"Excited na ako!" I cheered as we walked inside the cinema. Dala ang dalawang popcorn at softrdrinks ay naupo kami sa gitna.
Kaagad na umakbay sa akin si Zeij at humalik sa pisngi ko.
We decided to watch a horror movie, wala naman na kasing magagandang palabas at ito lang ang alam kong maganda kaya ito ang papanoorin namin.
"Misis, h'wag kang matatakot, huh?" ani Zeijan nang mag-umpisa ang movie.
"I won't," tawa ko. "I am an inborn horror lover, Zeij..."
"Parehas pala tayo." Ngisi niya sa akin at sinubuan ako ng popcorn. "Mga kapatid ko, takot na takot sa ganyan tapos ako lang 'yong hindi," pagmamayabang niya.
"Asus," tawa ko. "Baka mamaya naman, takot ka pala?"
"Of course not!" depensa niya. "Basta gusto ko mga ganyang palabas and if ever na takot ka, ako bahala sa'yo. H'wag ka sisigaw, 'kay?"
I gave him a thumbs-up.
The movie started, sa una ay chill lang, usapan ng mga bida at nakasandal lang ako sa balikat ni Zeijan na pansin kong popcorn ang nilalantakan.
"Hoy, pahingi..." pinalo ko ang kamay niya.
"Say ahh..." I opened my mouth at kaagad na kinain ang ibinigay niya.
Sa muling pagharap ko ng screen ay may lumitaw kaya napatalon ako at napahawak sa damit ni Zeijan.
"Huh? Huh? Why?" ani Zeijan at nang ituro ko ang screen ay napaharap siya roon.
"Ay multo! Shit!" nanlaki ang mata ko at napaharap sa kanya at nakitang nakatakip na siya ng mata.
"Zeij?" My forehead creased. Hinila ko ang damit niya.
"H-huh? May multo pa?" aniya. Napaharap ako sa screen at nakitang hinahabol na ng multo 'yong bida.
"Takot ka?" I asked pero umiling siya at kinusot ang mata.
"Napuwing lang," aniya at unti-unti akong napangisi. Nakita ko ang pagkuha niya ng bucket ng popcorn at nakatungong kumain doon.
The screen went black, tanging ang tunog na lang ng paghinga ng bida ang naririnig at wala nang ano.
"Wala na. Pwede ka na tumingin," sabi ko kay Zeijan.
"Hindi ako takot, huh?" nilingon niya ako at nakita kong namamawis na ang noo niya kahit malamig naman.
"Napuwing lang ako—" humarap siya sa screen at biglang lumabas ang mukha ng madre kaya nasigaw si Zeijan at mabilis na umakyat sa upuan.
"Fuck! Takbo! Shit!" sigaw niya at napatingin sa amin ang mga tao at napatakip ako sa mukha ko sa kahihiyan.
"Ayan! Sige, shit!" nakatakip ang kamay ni Zeijan sa mga mata niya habang bukas ang isang daliri.
Napakain ako ng popcorn nang wala sa oras at napahigop sa softdrinks habang nakatingin sa kanya.
"Ayan na, Misis! Shit! Hinahabol siya!" sigaw niya at napailing ako nang kumapit siya sa braso ko at nagtago sa leeg ko.
He's hopeless...
The whole duration of the movie is full of his screams. Natatawa na ang mga tao sa amin at wala naman akong magawa kung hindi ang hayaan siya dahil kahit takpan ko ang bibig niya ay hindi siya mapigilan kaya paglabas namin ay parang siyang hihimatayin.
He's almost paper white, namumutla ang labi niya at tulala habang palabas kami.
"Mister," tawag ko at nang hindi siya tumingin ay ikinumpas ko ang kamay ko. "Ayos ka lang?" He nodded, still disoriented.
"H-hihilamos lang ako." Naguguluhang tumango ako at pinagmasdan siyang dahan-dahang naglakad papasok ng banyo.
I also went to the restroom and saw the people around, looking at me. Bahagyang tumungo ako at pumuntang salamin.
I fixed my hair and tied it in a ponytail, inayos ko ang kulay puti kong shirt at nagpahid ng kulay pulang lipstick at lalabas na sana nang may humarang sa akin para magpa-picture.
The moment I stepped out of the restroom ay naroon na sa labas ang asawa ko habang kunot ang noo at nagtitipa sa telepono niya. He's panicking. Nakita kong palakad-lakad siya roon habang lumilinga sa paligid kaya lumapit ako.
"Zeij—" I stopped when he suddenly moved and held my waist.
"Where did you go?! I've been searching for you!" kunot noo niyang sabi. Nabakas ko ang takot at kaba sa mukha niya kaya inabot ko ang panga niya at hinaplos.
"I went to the restroom..."
"But you're almost twenty minutes in there!" he sighed.
"May mga tao kasi..." paliwanag ko na kinain lang sa biglaang pagyakap niya sa akin.
I stilled and felt my heart beating faster, iniangat ko ang kamay ko para yakapin siya at naramdaman ko ang malalim niyang paghinga sa balikat ko bago nagsalita.
"I... can bear watching all those fucking horror films but please... H'wag ganoon, Ree. I'm more scared losing you," mahinang sabi niya.
"You won't lose me," sagot ko.
"I know, I just..." lumayo siya sa akin at napatungo. "I was just paranoid, kapag nawawala ka sa paningin ko, kinakabahan kaagad ako."
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
NAGPAALAM si Zeij sa Daddy ko na kakain muna kami bago niya ako iuwi sa bahay namin. Sa condo unit niya kami kakain dahil lulutuan niya raw ako kaya dumiretso kami roon.
Pagkapasok pa lang ay kaagad kong nilaro si Didith at Duduth. Si Zeijan naman ay dumiretso sa kusina para magluto.
"Hi, babies. Inaalagan ba kayo ni Daddy?" tanong ko.
The dogs barked, napangiti ako sa cute na mga tahol nito kaya kinarga ko iyon at inilagay sa hita ko. Umakyat ako sa kwarto ni Zeijan para humiga muna sa kama at hindi ko na namalayang nakatulog ako. I woke up with a kiss on my cheek and my husband's smile.
"Misis, dinner is ready. Let's eat?" I nodded at inalalayan niya akong paupo sa kama niya.
"What do we have for dinner?" I asked.
"Uhm, Pork Schnitzel with Dill Sauce, Pasta Pomodoro and wine?" napangiti ako roon.
"That sounds delicious..." He wiggled his brows and nodded.
"S'yempre naman, kasing yummy ko." Pinalo ko ang balikat niya. Natawa naman siya at inalalayan ako patayo sa kama niya.
Sumulyap ako sa tabi ko at nakitang naroon ang dalawang aso at tulog din kaya nagkibit-balikat na lang kami ni Zeij.
Zeij fixed his blankets to cover the puppies bago hawakan ang kamay ko pababa.
I was shocked when I saw a candlelit dinner the moment I entered the kitchen. Kumalabog ang dibdib ko at napaharap kay Zeijan at nakita ko ang ngiti niya nang makita ang reaksyon ko.
"Do you like it?" I nodded and moved closer to kiss his cheek.
"I loved it. Thank you!" masayang sabi ko. Ipinag-angat niya ako ng upuan at binuksan ang takip ng wine.
"How's your day?" I asked him.
"Great," sagot niya. "Kasama kasi kita."
Napaubo ako at sumimsim sa wine at tinitigan siya.
"You looked more and more handsome each passing day, Zeij." I saw how his cheeks flushed, napainom siya ng wine sa sinabi ko. "But I never thought na takot ka rin sa horror films."
His smile faded.
"Because they're creepy!" aniya sa akin. Napangisi ako at napailing bago sumubo ng pagkain.
"Eh, bakit sabi mo 'di ka takot?" asar ko. Sumimangot siya at inilahad sa akin ang tinidor niyang may karne na kaagad kong kinain.
"I'm shy..." he said in a small voice and that made me laugh.
"Nang takot ka sa ipis at alcohol, natanggap ko naman, ah?" I laughed.
"Kahit na! Na-turn off ka na nga sa akin dahil do'n at ayokong dagdagan but... I failed, you know what happened and now, I'm fucking ashamed."
"That's normal..." ngiti ko.
"No! Sinong lalaki ba ang takot sa ipis at multo, huh? Sa bahay nga ginagawa akong shield kapag may ipis tapos kapag nanunuod sila ng mga horror lolokohin pa akong comedy eh, pagtingin ko nga sa screen may multo!"
"Of course, there are men who are scared. Like you!"
He frowned and made a face.
"You're hopeless..." sambit ko sabay ngiwi, natatawa.
"Yeah, mas hopeless pa kasi ikaw pinakasalan ko," he said, and I glared at him. Sinipa ko ang paa niya."You're hopeless..." ngiwi ko, natatawa.
"Aww! Brutal ka 'no?" Napahawak siya sa may paa niya.
"Eh, kung kausapin ko kaya si Attorney?" natahimik siya roon.
"Joke lang! Ito naman, love na love nga kita, eh! Pa-kiss nga, Misis!" umangat siya pero hinawi ko ang mukha niya at tinulak siya paupo sa upuan niya.
"Alam mo kung saan ako hindi takot?"
"Saan?"
"Ang mamatay para sa 'yo." Nanahimik ako. Tumawa siya at kumindat. "Ayon, oh! Kilig ka? Ayiee, kinikilig siya!" asar niya pa kaya napangiwi ako pero maya-maya'y napangiti rin.
"Jerk..." I frowned.
•─────⋅☾ ☽⋅─────•
"HERE, taste this," aniya at tinanggal ang plato ko para naman sa pasta na inihanda niya. I can't get enough of his foods.
"Thanks!" tinikman ko ang ang pasta at napatango-tango sa sarap. Sakto lang ang timpla ng sauce at pati na rin ang mismong pasta.
"Misis, anong date ngayon?" aniya.
"Uh, 'di ko rin maalala, eh. Ano nga ba?" I asked at uminom ng wine. Nakita ko ang pag-nguso niya.
"Wala kang naalala?" he asked, umiling naman ako kaagad at napaisip.
Birthday ko ba? Or niya?
"Hindi mo pa naman birthday, 'di ba?" Humaba ang nguso niya at umiling.
"No..."
"Anong meron?" Napaisip naman ako roon.
I can't even remember the date and day today kaya... paano ko maaalala?
Habang nag-iisip ay kumain ako ulit ng pasta at sa muling pagsandok ko ay natigil ako nang may matusok na matigas na bagay. My forehead creased and tried getting it again.
"Anong date ba ngayon?"
"April 1..." aniya.
"Ahh, April fools?" sumimangot siya sa akin at natawa ako. "Ano nga?" napansin kong parang ziplock na maliit iyong naroon kaya kumuha ako ng tissue at kinuha iyon.
"What is this?" I asked. Nangunot ang noo ko at pinunasan ng tissue ang ziplock.
"Open it..." ani Zeij na nangingisi na.
"Bakit nasa pagkain?" tanong ko at naguguluhang binuksan ang ziplock. I saw something round inside at napatingin ako kay Zeijan na nakatitig lang sa akin.
I fished the thing inside the small ziplock out and stared at it at kaagad na umawang ang labi ko nang ma-realize kung ano iyon.
It was a white gold ring, filled with finest shining crystals. May malaking bato sa gitna nito na mas lalong nagpagarbo sa itsura nito. Kumalabog ang dibdib ko at kaagad kong naramdaman ang pagtayo ni Zeijan sa upuan niya.
Umangat ang tingin ko sa kanya habang hawak ang singsing at napasinghap ako nang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko.
"Happy anniversary, baby," he said. My mouth parted.
Oh, my god...
"I..." He took my hand at nanginig ang kamay ko nang hagkan niya iyon.
"We're married for four years now and yet... I haven't even had the chance to give you a ring." He was teary-eyed at nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya.
"I-I lied, we started at the the wrong foot, wrong time, and wrong circumstances..." panimula niya. "Hindi sumang-ayon sa atin ang tadhana noong una. Fate teared us apart last time because we didn't start right."
"But... If I could turn back the time, I will still choose to meet you even if it's wrong. I will do everything just to meet you again."
My tear fell.
"Z-Zeij..." hinawi ko ang luha ko at mahigpit na humawak sa singsing.
"I love you, Misis ko." Mahinang sabi niya. I saw how tears fell on his cheek as he held my hand so tight, I know he'll never let go.
He sighed and dried his tears. Inabot niya ang singsing sa kamay ko bago dinala sa labi niya at humugot ng hininga.
"Alicia Marie Buenavides," he breathes and stared at my eyes. "My Viper, My Ree, My Alyx. Misis ko..."
"M-Mister..." my voice broke because of the sudden outburst of emotion inside me.
"I love you..." I nodded and cried harder. Ang kalabog ng dibdib ko ay hindi ko na masundan.
"I am dying to make everything right this time." Pumikit siya at sa muling pagmulat ay nakita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya.
I saw how love and sincerity danced on his eyes.
"Misis ko," malambing niyang tawag at nakagat ko ang labi para pigilan ang pagluha.
"H-hmm?" I hummed.
"W-will you marry me?"
My tears fell uncontrollably this time. I bit my lip, trying my best not to cry but I failed.
"Misis..." he gasped when I suddenly hugged him.
Yumakap ako sa leeg niya at narinig ko ang pagsinghot niya sa may leeg ko.
"I-is that a yes?" bulong niya. Umiyak lang ako at hindi siya nasagot.
Damn, I am so in love with this man...
"M-misis, mamatay na ako sa kaba. Yes na ba?" I chuckled and cried harder as I nodded on his neck.
"Y-yes," bulong ko.
"Oh, yes!" he exclaimed, and I watched as he slipped the ring, fitting perfectly on my finger.
The moment our eyes met ay kaagad akong tumungo at sinalubong ang labi niya.
Our lips met in briefest instance, gasping as our lips touch. I pulled his hair at ang kamay kong hawak niya ay marahan niyang hinawakan paakyat sa balikat niya.
He stood and held my waist at napatingala ako para maabot ang mga labi niya.
He coaxed my mouth, touching every sides with his tongue. Naramdaman ko ang haplos ng isang kamay niya sa batok ko habang dumudulas ang isa sa baywang ko. I grasped his hair even more, hugging his nape and kissed him more.
"B-baby..." hinahapong sabi niya nang maghiwalay ang mga labi namin.
We were both running out of air, taas-baba ang dibdib namin para makasagap ng hangin at kaagad niyang idinikit ang noo sa noo ko habang naghahabol ng hininga.
"Happy anniversary..." bulong niya sa labi ko. I smiled and opened my eyes to stare at him.
"Sorry, nawala sa isip ko." Ngiti ko at inabot ang labi niya. "Happy anniversary, Mister ko..."
I am smiling pero nang may maalala ako ay lumayo ako at pinitik ang noo niya.
"Aww, Misis! Inaaway mo ako na naman." Napahawak siya sa noo.
"You jerk, why would you put the ring on the food, paano kung nakain ko 'yon tapos nabulunan? Huh?" nakita kong napangiti syia ng maliit at napahawak sa batok niya.
"Uh, ano..." inabot niya ako at niyakap akong muli. "Sorry, Misis..."
I rolled my eyes.
"Nakuha ko lang 'yong idea na 'yon. Sabi kasi nakakakilig daw 'yon." Napatawa ako.
"What? Where did you get that idea?" I asked.
"Sa K-drama na pinapanuod ni Ate Thallia," sagot niya at napakamot ako ng kilay.
"Bakit ba ako um-oo sa 'yo?" I asked.
He whimpered and hugged me tighter. "Wala kasing ma-search sa YouTube na nakakakilig."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co