Truyen3h.Co

A Bloodless War

Kabanata 8

heartlessnostalgia

Kabanata 8

"ARE you fine?" kaagad akong napatingin kay Zeij nang magsalita siya at kaagad na tumango.

We were sitting on my sofa, kanina lang ay dumating ang mga kaibigan niya sa unit niya. He took me back to my room after that, sabi niya ay may pupunta raw na pulis roon at mag-aasikaso.

He took me to my unit, so I won't be seen there, panigurado kasing kapag umabot pa ito sa media at masangkot ako ay malaking gulo kung nagkataon.

Mabuti na lang at marunong si Zeijan makipaglaban kaya hindi kami nahirapan.

"Sino ang mga 'yon?" I asked him. Nilingon niya ako at nagkunwari akong nagtataka at natatakot.

"I don't know," he sighed, filling the gaps in between my fingers with his.

"P-Paanong nandoon sila?" I asked again.

"I just woke up when I heard noises, hindi ko na dapat papansinin but when I heard them saying a certain name, I don't know who was it, tumayo ako," aniya. "I walk outside and find them ruining my unit," he sighed. "Of course, I tried talking but they attacked me," paliwanag niya.

Sumulyap ako sa mukha niya at doon ko nakita ang pasa at sugat sa may gilid ng labi niya. It must have been the punch from one of those bastards.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. I gently held his face and touched his bruise, making him whimper.

"Ree..." reklamo niya. I sighed.

"Bakit ka kasi nakipaglaban mag-isa do'n! They have guns, Zeijan! Paano kung napuruhan ka?!" inis kong sabi.

"I can fight," aniya at napatango ako. "I trained in the military before, baby."

Nagitla ako pero napatango.

"Yes! But what if—"

"I'm safe, okay? Ikaw lang inaalala ko kanina, the men attempted to go inside the room kaya hindi na rin ako nakapagpigil."

"You should have called me so, I can help!" sabi ko.

"If I called you, dalawa tayong mapapahamak!" His forehead creased. "Tapos kanina, I told you to stay inside the room, but you didn't!"

"I-I stayed!" sabi ko pa. Nakita ko ang titig niya sa akin nang sabihin ko iyon, tila naninimbang at binabasa ang nasa utak ko.

"I stayed! Hindi mo nakita kasi abala ka, 'di ba?" ulit ko at nang bumuntonghininga siya at tumango ay napanatag ako.

Damn, I thought he saw me fighting!

Tumayo ako at pumunta sa banyo para kumuha ng medicine kit at naupo ako pabalik sa harapan niya. Sumunod ang tingin niya sa hawak ko pabalik sa akin.

"Why?" aniya. Kinunutan ko siya ng noo at napailing.

"Anong why? Let me clean your bruises," sabi ko at umayos siya ng upo.

"H-huh?"

"Sabi ko gamutin natin 'yang pasa tsaka sugat mo sa may labi," sabi ko sa kanya. He stayed still, nakita kong napatulala siya nang ilabas ko ang alcohol.

"M-misis, magaling naman na ako," aniya at hinanap ang mata ko.

"Magaling? Look at your face, namumula tapos may dugo pa 'yang sugat mo!" I hissed. Nilagyan ko ng alcohol ang cotton at nang i-angat ko iyon ay nanlaki ang mata ko nang biglang umatras si Zeijan at napunta sa kabilang dulo ng sofa.

"What are you doing?" takang tanong ko.

"I-I am completely fine! You don't have to..." Lumapit ako sa pwesto niya at napasinghap siya at mas sumiksik sa gilid.

"Zeijan!" I hissed.

"Ayos nga lang!" kumbinse niya. Nabakas ko ang takot sa mga mata.

What the heck, Zeij?

"Are you afraid of this?" Itinaas ko ang cotton at napamura siya bago umiling.

"Hindi! Hindi! Ano lang..." he cleared his throat.

"Then, let me clean that! 'Yong mga gilid lang." Nang umusog pa ako ay bigla siyang tumayo sa sofa pero bago pa man siya makalipat ay buong lakas kong nahila ang shirt niya kaya napabalik siya ng upo sa sofa.

"Baby!" he shook his head. I held his shoulder to let him stay on his place so I can clean his wounds but he's just too strong.

Kahit anong pigil ko sa kanya at nag-uumalpas lang siya sa akin.

"Come on, wife! 'D-Di naman masakit!" iling niya at akmang tatayo na naman but I was too fast to move. I pushed his body and immediately straddled him.

His eyes widened. The side of my lips shifted.

"B-baby..." aniya.

I just raised my brow and shook my head. I'm straddling him to make him stay, habang siya nama'y hindi gumagalaw at nakamasid lang sa akin.

"Stay," sabi ko. He pouted.

"Ree..." umiling siya.

"Come on, Zeij. 'Yong gilid lang. It's just liked a sting of an ant.," sabi ko. Humawak naman siya sa baywang ko at umayos ako ng upo sa hita paharap sa kanya.

"And the ant bites like a dinosaur," he hissed.

I laughed, "Come on, Zeij."

"I really hate that," nguso niya sa bulak na hawak ko.

"Lahat naman hate mo, lakas mong makipag-away kanina pero sa ipis at alcohol, takot ka?" He sighed and rested his head on the back of the sofa.

"Okay but, will you kiss me if I let you do that?" My brow raised and I laughed mockingly.

"Talino mo, huh?" He grinned and nodded.

"So, what? Deal?" he asked me attentively, amusement and naughtiness are on his eyes. Humaplos pa ang kamay niya sa baywang ko paakyat at pababa kaya hinampas ko ang braso niya.

"Zeij!" I hissed.

"What? Hmm? Will you kiss me if I..." hinanap niya ang mata ko. He stared at me deeply and moved his head towards mine. His lips twitched as he moved his lips to catch mine at nang mailapit niya iyon ay walang sabing sinalubong ko ng cotton ang sugat niya.

"Aww!" he shrieked. "Alyx!"

I laughed. Namumula na ang mukha niya at tinakpan niya kaagad ang labi niya ng kamay.

"Ang kulit mo kasi, para rin naman sa 'yo 'yan," sabi ko. "Akin na, 'di pa 'yan tapos..."

"Ayoko," iling niya. "Sabi mo kagat lang ng langgam pero bakit..." I laughed again.

"Sorry, sorry..." I shook my head. "Pero mabilis lang 'to, I swear."

"Ayoko pa rin," tinatakpan pa rin niya ang bibig kaya nagbuntonghininga ako at inabot ang kamay niya.

I moved closer to him. I am fully aware that I am to that extent where I sat fully on his thing down there na nagpatigil sa kanya. Marahang tinanggal ko ang kamay niya sa labi niya bago ko ito dalhin pabalik sa baywang ko.

He stared at me with his starry eyes, malamlam iyon at nakita ko pa ang paglunok niya.

"R-Ree," aniya.

"Hmm?" I hummed sensually and moved my waist lightly, brushing his lower part. He froze. I saw how his body tensed up with my action kaya napangisi ako.

"Stop it, Lyx..." mariin at malalim na bulong niya at humigpit ang hawak sa baywang ko. I gave him a light kiss on the lips, umangat naman ang ulo niya at sinalubong ako.

I bit his lip and my eyes shined when I met his blue ones.

"Hmm..." I hummed and let our lips touched again. Umangat naman ang kamay niya sa batok ko para hagkan ako at bago pa man lumalim ay humiwalay ako sa kanya.

"Zeij," hapong tawag ko. Nakaawang ang labi niya nang tingnan ako kaya ngumiti ako at hinagkan ang noo niya.

"There's your kiss, now, let me clean that." He showed me his loopsided smile, making him look more manly and hot.

"Okay," aniya at humugot ng hininga. His hand moved back to my waist before clenching his jaw, probably calming himself and his growing erection.

I smirked.

Napapangiwi man at napapamura ay hindi nagreklamo si Zeijan. He just let me clean his bruise, humihigpit lang ang hawak niya sa baywang ko kapag nahahapdian siya.

"'Di ba, 'di naman masakit?" tanong ko. He sighed and opened his eyes.

"If it wasn't for your kisses then I'd rather receive punches than having that piece of shit." Napailing ako sa sinabi niya.

"Mas masakit nga ang suntok kaysa r'yan sa alcohol, tsaka sa gilid lang naman tapos..."

"I just don't want that..."

Sumulyap ako sa medicine kit at in-extend ang kamay ko para sana sa betadine pero hindi ko siya maabot.

"Wait, I'll just get something," paalam ko kay Zeij at ibinaba ang isang paa ko sa sahig pero ibinalik niya ito paakyat sa sofa at binuhat ako kaya nanlaki ang mata ko.

Napayakap ako sa leeg niya sa gulat dahil ipinaikot ang hita ko sa baywang niya.

"What are you doing?" takang tanong ko. Zeijan chuckled a bit and held my butt.

"Sama ako," aniya at naupo sa sofa habang nakasampa ako sa kanya.

Kaagad kong inabot ang betadine ro'n sa medicine kit at nilagyan ang sugat niya bago ko tinapalan ng band aid.

He keeps on staring at me while I fixed the band aid on his face, I didn't know why. A mixed of amusement and wonder is visible on his eyes.

Nang maayos ko ang band aid sa may labi niya ay napangisi ako. He looks like a gangster or a mafia boss I've seen in movies and yeah, in person, but more handsome in his case.

"There," I smiled. Humawak ako sa balikat niya para makatayo at hinayaan niya naman ako. He sat there, staring at me while I fix the kit.

"Hindi ka ba hahanapin ng pulis do'n?" I asked and glanced at him.

"Hmm, I don't think so," aniya. "Don't think about it, ako na bahala. I'm sure it won't leak since hindi papayag ang hotel na masira ang reputasyon nila. Weak security."

I nodded but stopped when I remembered something.

"Zeij," I called him. "Uh, you said, they've been searching for a certain name, right?"

He nodded.

"Uh, what is it?" tanong ko.

Hindi siya kaagad nagsalita. Nang mapansing pinagmamasdan niya ang itsura ko ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang tingin sa kit na hawak ko.

"I just want to ask, baka kasi kilala ko," sabi ko.

"Viper..."

I froze. Naiwan sa ere ang kamay ko at kumalabog ang dibdib ko.

"That's the name, kilala mo?"

I shook my head, not looking at him. "Hindi," mabilis kong sabi at saglit na lumingon at nakita ko ang seryosong tingin niya. "Sige, I'll just put this back."

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"DAMN it!" I was cursing non-stop when I reached the restroom.

I knew it! They've been searching for me!

Nagpaalam si Zeij na aalis at naiwan ako sa kwarto ko at hindi mapalagay. Jana and the director kept on calling me, but I ignored their calls.

What I need right now is Archer! I have to find him! Now that he knows where I am, kailangan ko nang kumilos. I still have more than a week to find him.

"Hawk, they found me..." mariing sabi ko sa kausap.

"Damn, anong nangyari?" I shook my head and sighed.

"I survived, you see, but I know alam na ni Archer kung nasaan ako," sabi ko.

"Mapapahamak tayo niyan, Viper! If the supreme found out about this, then you're dead." I nodded. Nasabunutan ko ang buhok ko at nagpalakad-lakad pabalik.

"I know and sabi sa akin ni Trece, nasa Cilyest Hotel siya. I was there earlier and that's when his men attacked me. Muntik pang may madamay!"

"That's why you have to work harder, we're a team and once you lose, tayo nina Trece ang madadamay, you know that right?"

"I know but can you give me more infos about that man? I have to find him quickly."

"Open your laptop, we'll talk to you."

I cut the line. Kaagad akong sumalampak sa kama bitbit ang laptop ko at kaagad na tumawag ang dalawa roon.

Trece, wearing her black headband, waved at me, smiling.

"Hi, Vipe!" I smiled and when Hawk called ay kaagad ko ring sinagot.

"Are you fine?" ayon kaagad ang bungad niya. I nodded.

"So, talagang sinugod ka ng tauhan ni Archer?" Trece asked me.

"Yes, mabuti na lang may kasama ako but it's not good since may sibilyan pang muntik madamay," sagot ko sa kanya.

"Nasaan na 'yong mga tauhan niya?" Hawk asked.

"Don't worry, they've been dispatched," sagot ko at nang maalala ang telepono na nakuha ko kanina ay kaagad kong kinuha ito sa bulsa ng shorts ko.

"But I got this," I smirked and showed them the phone. Napaayos ng upo si Trece at lumaki ang ngisi niya.

"Open it!" aniya.

"Send me a code to unlock this, Trece. May password," sabi ko at nakita ko ang pagtipa niya ng mabilis sa laptop at kasabay nito ang pagtunog ng laptop ko.

"Done!" I put the code in replacement of the password and grinned when it opened.

Habang nagtitipa ako sa telepono ay nanatiling nakamasid sa akin ang dalawa sa screen.

"Uy, Viper, anyway, why are you wearing a big shirt? You're not like that..." ani Trece kaya bumaba ang tingin ko sa damit ko.

It was Zeijan's shirt!

"So?" I raised my brow.

"So ka r'yan! Mostly, kahit umaga hindi ka papayag na ganyan ang suot mo! You're always aiming for an OOTD style kaya nakakapanibago!" napangisi ako.

"Wala lang 'to," I smiled at nang sumulyap ako sa screen, kay Hawk ay nanatili lang itong nakatitig sa akin habang nakasandal sa swivel niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ang tingin sa telepono.

There's nothing weird on the phone, it was almost empty, but a number caught my eye. It wasn't registered but the message gave me chills.

Kill her.

It's what's written at kahit sanay naman na ako ay hindi ko naiwasang kabahan at matakot. Humigpit ang hawak ko sa telepono at mabilis na tumingin sa dalawa sa screen.

"I'll send you a number, track this and call me. ASAP." I typed the number and sent it to her.

Nang matapos ay kaagad akong nag-ayos na parang walang nangyari pero bitbit ko ang telepono ko.

I know he's just here. Probably planning to catch and kill me. Damn him, uunahan pa ata ako sa pagtapos sa kanya!

Kaagad akong bumaba sa backdoor sa may emergency exit at laking pasalamat ko nang makita ang baril kong nakatago sa may halaman.

I sighed, took a glance around me and placed the gun inside my handbag before leaving.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

PARANG mamatay na sa stress 'yong baklang direktor pagkarating ko sa site. He was shouting his lungs out, probably searching for me.

"Hi, guys!" I said sweetly and smiled. I walked towards them wearing yellow summer dress, big sun hat and round sunglasses.

"Alyx Riadna!" malakas na sigaw ni Direk pagdating ko pero ngumiti lang ako.

I am more than an hour late!

"Hi, Direk!" I called him sweetly and waved my hand.

"Bilisan mo!" galit niyang sigaw. I chuckled, there goes the boss!

"Alyx!" Jana came rushing, hinila niya mula sa akin ang bag ko at hinatak ako palapit sa upuan doon.

"Kanina ka pa namin tinatawagan!" my friend hissed.

"Sorry, I was busy kasi..." maarteng sabi ko at tinanggal ang sunglasses ko.

I saw a group of men taking a video, I smiled and waved, receiving an "Ohs!" from them.

"There she is again!" A woman whispered from somewhere pero narinig ko. Ngumisi ako sa kanya.

"Alyx!" sigaw ng direktor sa pangalan ko. Halos manginig na siya sa galit kaya natatawang iniabot ko kay Jana ang glasses ko.

"Sorry, Direk, I was just—"

"Stand by! Kanina ka pa!" stressed niyang sabi. I shook my head. Naglakad ako palapit sa kanya at nakita ko ang iritang si Tessa habang nakatingin sa akin.

"So unprofessional..." bulong niya sa ere kaya natawa ako.

Sa scene na 'to, mag-on na sila at kung extra lang ako noong nakaraan, I'm their antagonist now. Kahit gaano ako nairita sa role ko ay wala na akong nagawa. Once na ipalabas 'to, I'm sure as heck, my haters will be doubled.

Natapos ang shoot na puro sermon ang inabot ko and I don't get it why! I am doing everything right! They're just mad at me for being late and all kaya ako ang pinagbubuntungan.

Alas-syete na nang gabi kami natapos, it was tiring but I stayed fresh. Hindi ko pa rin naipaliwag kay Jana ang nangyari kahapon.

"Lyx," nagulat ako nang humarang sa daanan ko si Brad.

"Yes?" I raised my brow. Iniikot ko ang tingin ko para makakita kung may paparazzi.

"Let's talk," aniya at hinanap ang kamay ko pero itinago ko 'yon sa likod ko at tumaas ang kilay ko.

"There's nothing to talk about," sagot ko.

"About yester—"

"Forget that," sabi ko at umayos ng tayo. Nang akmang magsasalita siya ay kaagad ko siyang tinalikuran at dumiretso kay Jana na nag-aantay sa akin.

"Ano raw 'yon?" he asked me.

"Wala," nilingon ko ulit si Brad at nakitang kinakausap na siya ni Tessa.

Jana and I talked. Halos sabunutan na niya ako habang pinapaliwanag ko ang tungkol sa amin ni Zeij. Of course, minus the inappopriate scenes and that scene earlier with the goons.

"Gaga ka! Paano ang career mo?" aniya.

"This is gonna be a secret for now, kakausapin pa namin ang judge para sa annulment," sabi ko sa kanya.

"You just have to make sure na hindi ito kakalat, Lyx. Say goodbye to your endorsement kung sakali." He shook his head. "And your contracts! Baka makasuhan ka."

"I know, I know. It will just take some time," sabi ko.

"Too bad, separated ka kaagad sa unang kasal mo pa lang..." aniya at napailing ako. "Pero, girl, what does he looks like? Is he hot? Or mukhang tambay lang? Does he have work?"

"Well, he's fine..." sabat ko, nangingiti.

He's goddamn hot! That deep blue eyes, thick brows which has small cut on his left, pointed nose, reddish lips and a prominent jaw! I can't say anything!

He looks ruthless but scared of so many things!

"Fine? Do you honestly settle to a man just fine?" I smirked. "Anong work niya?" tanong niya.

"Hmm, iba-iba, eh." Natawa ako.

"Paano?"

"Hmm, he's a DJ when I met him, sometimes, he's a cook, waiter, housekeeper?" natawa ako habang naiimagine ang iba t ibang uniform ni Zeij.

"Seriously?" he was shocked, his mouth parted.

"Hmm..." I nodded.

"Alyx Riadna! Do you honestly married a—"

"It was an accident, 'kay? But he's good," sabi ko.

"Good? Baka naman sobrang payat na no'n sa iba't ibang sideline, Alyx! I can't believe you!" he exclaimed, eksaherada kaya humagalpak ako ng tawa.

"You know, Jana, trust me, he's not thin," tawa ko. "Magugulat ka."

"Magugulat sa sobrang laki ng katawan? Don't tell me body builder 'yan?!" I laughed and shook my head.

"No, no... he's not that bulky," sabi ko. His body's well built, more than enough para pantayan ang mga models ng sikat na mga brands.

Mas bagay nga sa kanya ang mag model, eh. He can also pass as a CEO or an heir of an elite family.

"I wanna meet him," ani Jana sa akin kaya tumingin ako sa paligid at ngumiti.

"Come on," tawag ko sa kanya.

"Really?" his eyes widened. I grinned and nodded.

"Yes, shhh lang..." my gay friend held my arm. We passed through a group of teens at nang makita ako ay didiretso na lang sana kami pero nang humingi sila ng oras sa picture ay pumayag ako.

"Ang ganda niyo, Ate Alyx!" the curly girl said.

"Thank you," I smiled. She screamed. May humingi pa sa akin ng autograph na kaagad kong pinaunlakan.

Well, may humahanga pa rin naman pala sa akin. That's flattering.

Tatawagan ko sana si Zeij pero hindi ko pala alam ang number niya kaya nagbakasakali kami sa bar kung saan kami unang nagkita.

He wasn't there, iyong babaeng DJ lang ang naroon kaya baka nasa kitchen siya.

We went to Cilyest, medyo alangan nga lang ako at nagmamasid sa paligid dahil baka makakita ako ng bakas ni Archer.

"Saan tayo?" Jana asked me.

"Baka nasa resto siya," I told him. Naglakad kami papasok doon at nagliwanag ang mata ko nang makita si Zeijan sa may pintuan sa entrance habang may kausap.

I was speechless as I looked at him. Nakakulay gray lang siya na shirt ngayon na hapit sa katawan niya at kulay black na khaki. He was wearing his silver dog tag again.

I can see how the shirt hugged his sculptured body. Halos mapalunok ako.

"Saan ba girl?" I pointed Zeij at nakita kong natigilan ang kaibigan ko.

"Really?!" his eyes widened.

"Hmm!" I nodded at halos hilahin na siya palapit kay Zeij pero natigil ako nang malipat ang tingin sa kausap nito.

It was a girl. Nanliit ang mata ko at tumiim ang bagang nang makitang si Tessa 'yon!

She said something to my husband and laughed. Halos mag-palpitate naman ang kilay ko nang paluin niya ang braso ni Zeijan! Sa harapan ko! Sa harapan ng misis!

This bitch!

Binitawan ko si Jana at nag-martsa palapit. Wala na akong inisip na kung ano at kaagad akong pumagitna sa kanila. Napaatras si Tessa, maging si Zeij ay nagulat sa paglabas ko kung saan.

"What?!" Tessa exclaimed when she saw me.

"Ree?" bulong ni Zeij. I smiled sarcastically at him.

"What's your problem, Miss?" iritang sabi ni Tessa kaya hinarap ko siya at mukhang nagulat siya nang makita ako.

"Alyx?" her forehead creased, mukhang gulat.

"Yes?" maarteng sabi ko.

"What are you doing here?" naiinis niyang sabi. Nakita kong sumulyap siya kay Zeij kaya sumulyap din ako kay Zeij na nakamasid lang sa akin.

He was biting his lip, supressing his smile.

"Can't you see na nag-uusap kami?" matalim na tanong niya sa akin.

"So?" I held on Zeij's arms and spoke, "Mag-uusap din kami." Itinaas ko ang mukha ko.

Nabakas ko ang galit sa mata ni Tessa. Akmang aabante siya para makipagsagutan sa akin ay mabilis akong nagsalita.

"I need him," sabi ko. "May itatanong lang ako."

"Then, ask him! We're talking here at ang bastos mo naman kun—"

"Mister," putol ko kay Tessa at bumaling kay Zeij. He has this amused face and cocky smile.

"Hmm?" naramdaman ko ang pag-angat ng kamay ni Zeij sa baywang ko kaya ginalaw ko iyon para 'di niya magawa.

"Can I ask you where the restroom is?"

I ran out of reasons! Damn it!

"It's on the right side." He bit his lip and looked down on me, his blue eyes glistened playfully.

"Tatanungin mo lang pala 'yan! You should've asked the—"

"Eh, sa gusto kong samahan niya ako, eh!" sigaw ko na nagpatigil sa kanya. I heard camera shots. Mabilis akong nagbaba ng tingin at hinatak ang natatawang si Zeijan sa tabi ko.

Damn it!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co