Truyen3h.Co

A Bloodless War

Simula

heartlessnostalgia

Sandejas Siblings Series #3:
A Bloodless War

Simula:

WEARING my red stringed bikini, I walked with oozing confidence. Sinuot ko ang aviators ko at ang natural na kulot kong buhok ay inilagay ko sa aking likod.

I walked with a bright smile on my face and almost blew my fans a kiss. Ang mga naglalakihang camera ay nasa harapan ko at nagsasalita na ang direktor sa harapan.

"Okay, Alyx, all you have to do is to play with the water," ani ng direktor sa akin.

"Sure, direk." I smiled sweetly and gave him an okay sign. Nang tumalikod ang direktor ay kaagad akong naglakad patungo sa dagat kung nasaan sila nag-sho-shooting.

I smiled.

I can see the crowd habang pinapanuod ng mga ito ang shooting na nagaganap sa beach. Cameras and smart phones are all over, para lang makuhaan kami, well, I mean ako lang pala. Sa sobrang ganda ko ba naman sa suot ko ay hindi ako mapapansin?

That's impossible! Alam ko sa sarili kong ako ang ipinunta ng mga tao rito at wala nang iba. I knew it too well, I'm that confident.

Nang mapunta ako sa dagat ay kaagad akong napatili sa lamig ng tubig. Kailangan talagang matapos na ang scene na ito para makapunta na ako sa lilim!

I can't afford sacrificing my skin for this show! Damn, I spent thousands to maintain my beautiful smooth skin! Kung magpapa-tan naman ako ay sa susunod na lang at hindi ngayon!

"Okay, stand-by!" the director shouted. Mas umayos ako ng tayo at hinawi ang buhok ko.

A group of men waved at me with their cameras on kaya tinagilid ko lang ang ulo ko at ngumiti.

They are my fanboys, I guess.

I was about to blow a kiss for them when the director shouted, stopping me from what I'm doing.

"Alyx! What are you doing?!" Napaayos ako ng tayo at lumingon sa direktor. Tinanggal ko ang aviators ko at sumimangot sa kanya.

"What? I am blowing a kiss to my fans!" I shouted. Nakita ko ang pag-iling nito at maya-maya pa ay narinig ko ang tawanan sa paligid.

My forehead creased. Nilingon ko ang mga tao at nakita kong nagsisikuhan ang mga babae roon at nagbubulungan habang ang mga kalalakihan ay napatawa.

"Okay, okay..." Naiiling si direk na nagsalita bago pumalakpak.

"Okay, Tessa and Brandy, pwesto na kayo." My co-artists stood in front of me sa may buhanginan kaya napairap ako at napataas ang kilay.

Naghawak ng kamay ang dalawang artista sa may buhanginan habang ako naman ay naroon sa may tubig at nagpapanggap na interesado sa ginagawa.

"Rolling... In three, two, one..." sigaw ni direk. "Action!"

"I love you, Tessa," ani Brandy sa babae na kapartner niya. I rolled my eyes.

"But—" ani Tessa.

Ang arte-arte niya, oh! Napangiwi ako.

I have no choice but to do what director has told me to do, I played with the water and found myself enjoying a moment later.

"Ay!" I exclaimed and laughed softly. Tumama sa akin ang alon at kunwari'y naglaro ako roon.

Hindi ko na rin pinansin ang ginawa ng mga tao roon at natuwa na ako sa alon.

Isn't it amazing? How water changes color?

Minsan blue, minsan green. Depende sa panahon. One of the best things I like from the Almighty's creation is the sea. I don't know why, siguro kasi dahil maginhawa sa pakiramdam kapag lumalangoy ka?

Siguro kasi kagaya ng alon ay sumasabay lang rin ako sa agos ng buhay?

Lumingon ako sa mga tao at pagkatapos ay ngumiti nang malambing. I know, I'm gorgeous plus a body to die for. Alam ko rin namang maraming naiinggit sa katawan ko dahil sa hulma nito.

My body is a fucking coca-cola bottle! I worked hard for this, 'no! I always take care of my body, dahil ang itsura ko ang puhunan ko para mabuhay.

This is my life and if I ruin my image, then say goodbye to showbiz na ako.

May kumaway sa akin kaya napangiti ako. I waved back softly.

"Cut!" ani ng isang sigaw. "Alyx! What the hell are you doing?!" That stopped me. Kaagad na napalitan ang tuwa ko ng inis.

"What?!" naiiritang sabi ko bago humarap sa direktor.

"Anong ginagawa mo?!" bulyaw nito sa akin at kaagad na nagpanting ang tainga ko.

"I'm not doing anything!" I exclaimed. Namaywang pa ako at nakita kong napangiwi ang baklang direktor sa akin.

"Diyos ko, lord!" sigaw nito. "H'wag kang papansin d'yan sa likod!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito at napatawa roon. I shook my head.

Is he serious?

"Hindi ako nagpapapansin! I am doing what you asked me to do!" sagot ko rito. Napairap din ako nang makitang vi-ni-video-han ako ng mga tao.

"I told you to play with the water! Bakit ka puro pose at kaway r'yan?" sita nito sa akin. I scoffed.

What?

"What? Of course not!" I hissed.

"Yes, you do!" sita nito. "Matatagalan tayo sa pinaggagagawa mo, Alyx!"

Napahawi ako sa buhok ko at nagpamaywang.

"Artista ako kaya dapat mapansin ako! What's the purpose of this film if—" The director stopped me from speaking.

"Ayon nga, eh, hindi ka naman ang bida! Sila ang bida!" Turo nito sa dalawang artista sa may buhanginan na nagpahinto sa akin.

"Extra ka lang, okay? Extra!" sigaw nito.

Kaagad akong natigil. Umawang ang labi ko at nanuyo ang lalamunan ko roon. I felt the familiar tug on my chest. I was about to say something when I saw my gay friend, Jana, mouthing something.

"Quiet!" Jana mouthed. Inilagay pa nito ang daliri sa labi nito kaya nanahimik ako at hindi umimik.

"Okay! Ulit!" sigaw ng direktor.

Natameme ako at napatikhim, nakita kong nakatingin lang sa akin si Brandy, ang male lead, habang si Tessa naman ay nakangiti kaya sumimangot ako.

"Plastik!" I whispered and almost cursed her.

"Alyx, focus!" sigaw ni Direk at maya-maya pa'y nag-umpisa muli kami. Sumimangot ako at kulang na lang ay sipain ko ang tubig sa inis.

Kasalanan ko bang marami akong fans? S'yempre ay dapat na pansinin ko sila!

At ang baklang direktor na 'to! Halos mamutok na ang pisngi ko sa inis kaya tumalikod na lang ako sa may camera at nagpanggap na naglalaro ng tubig habang nakabusangot ang mukha.

"H-Hindi tayo pwede." Narinig ko ang iyak-iyakan ni Tessa. I rolled my eyes.

"Hindi tayo pwede..." I mimicked. "Ang corny, pucha."

"Okay, cut!" sigaw ng direktor. "Good job, Tessa! Brandy!" Doon na ako humarap.

Taas noo at diretso ang lakad ko palapit sa direktor na binabati ang dalawa pang mga artista. Halos mapangiwi ako.

"Oh, Alyx, good job," biglang sabi ni Direk sa akin.

I almost puked but chose to fake a smile instead.

"Thanks, direk..." maarteng sagot ko at tumango lang si direk sa akin kaya ngumiwi ako at umalis.

Kaagad naman akong sinalubong ng kaibigan kong si Jana bitbit ang isang tuwalya para sana sa akin pero umiwas lang ako rito.

I'm kinda cold but not that much to cover myself with the towel. I need to show them what I got.

"No, I want them to see my body," sabi ko. "I worked hard for this, hindi pwedeng itago."

"Gaga ka, ano 'yong pinanggagawa mo kanina?" Sa halip ay bungad niya sa akin kaya napasimangot ako.

"I didn't do anything," sikmat ko.

"Didn't do anything?! Naku, Alyx! Ikaw na naman ang trending niyan! Nag-video sila!" sita niya pero tumaas lang ang labi ko sa isang ngisi. I laughed and removed my aviators.

"Let them, ayaw mo no'n? Sisikat na naman ako?" sabi ko.

"Gaga, sisikat ka sa attitude mo!" reklamo nito na mukhang naiinis sa akin pero matayog ang paninidigan ko.

"Atleast, sisikat." Walang pakialam na sagot ko bago humalukipkip. "Bad publicity is still publicity, Jana. So..." I shrugged at napailing na lang siya.

I saw men staring at me kaya umangat ang sulok ng labi ko.

Naku, men are men.

"Mas maganda at mas magaling naman ako sa Tessa na 'yon," sabi ko sa kanya na naiiling na akin. "Pabebe um-acting." Ngiwi ko.

"Hay nako, sissy. Goodbye career ka na naman ba?" ani ni Jana pero hinawi ko lang ang buhok at dumiretso sa suite ko para makapagpahinga at makapag-beauty rest.

My nagging friend won't do any good for me now.

I decided not to open my social media accounts that night, nagkulong lang ako sa kwarto ko at nag-preserve ng kagandahan.

I need to stay away from stress. I need to relax! Party!

Niyaya ko si Jana pero hindi naman ito sumama kaya ako na lang ang dumiretso sa bar sa islang iyon. Balita ko ay dinadayo rin iyon ng mga turista kaya why not try? Isa pa, gusto ko ring mag-aliw-aliw. This day's been tiring for me.

Pagkatapos ko pa sa shoot ko ay marami pa akong responsibilidad at misyon.

Wearing my black halter dress and three inches stiletto, I walked with my chin up inside the club. Malakas na musika kaagad ang sumalubong sa akin pagkapasok at halos mapaindak ako. Napangisi ako at hinawi ang buhok ko.

May mga usok at maingay ang mga tao. Lights are dancing all over the place at miski ako ay napapasabay na sa tugtog.

Nakangising umupo ako sa bar counter at pinagmasdan ang mga tao roon.

Damn yes, this is life!

"What can I offer you, beautiful lady?" Napawi ang tingin ko sa mga tao at kaagad na napatingin sa bartender doon sa counter.

"One martini, please," I smiled seductively.

"One martini for the beautiful lady, coming!" ani ng bartender kaya napangisi na lang ako at bumaling muli ang tingin sa mga tao roon.

Well, he's cute but sadly, I'm not here to flirt.

"Hey, lady, care to dance?" Isang mestiso ang naupo sa harapan ko at kinausap ako. Sumulyap ako sa mukha nito at pagkatapos ay ngumiti nang maliit.

A typical handsome face, hmm...

"Sorry, handsome, I'm not in the mood to dance." I smiled.

"Oh, you must be alone," ani nito sa matigas na ingles.

"Yeah, I wanna have fun." Tumango ako at napansing dumating ang martini na in-order ko.

"Thanks!" I winked at the bartender who just grinned at me at kaagad kong ininom ang martini.

May sinabi ang lalaki sa harapan ko na pilit kong iniintindi kahit walang napa-process pero naputol lang siya nang magsalita ang Dj sa harapan.

"Good party evening!" she exclaimed. Nagpalakpakan at nag-ingay naman ang mga tao sa dancefloor habang ako'y umayos ng upo.

"Guess who's our Dj for the night?" Mas sumigaw ang mga tao roon habang ako nama'y nakatitig lang at sumisimsim sa baso ko.

"Zeijan!"" The people cheered at nagpalakpakan. Miski ako ay natahimik ng marinig ko ang pangalan nito.

The name seems familiar, parang narinig ko na pero 'di ko lang maalala. Tsaka, marami naman sigurong kaparehas ng pangalan ng ganoon 'di ba?

"Are you excited?" Masayang sabi ng babaeng Dj doon at halos magwala na ang mga tao sa paligid at nagulat ako.

"Zeijan! Zeijan! Zeijan!" they cheered.

He seems pretty popular, huh?

Napangisi ako at tinagilid ang ulo ko.

Mas lumakas ang tugtog at mas umusok ang lugar kaya napatawa at naaliw ako roon.

"Zeijan! Zeijan!" They cheered at maya-maya pa'y may lumabas na lalaki roon sa stage na mas ikinaingay ng mga tao at mas ikinalakas ng musika.

"Missed me?" a baritone voice said. Napaayos ako ng tayo at mabilis na bumaling sa stage. The people cheered and clapped their hands.

"Let's party!" he exclaimed at mas lumakas ang sigawan.

Napakurap naman ako at mabilis na hinawi ang buhok ko. My forehead creased, animo'y nawala ang pansin ko sa maingay na paligid at ang atensyon ko'y nanatili sa lalaki roon sa harapan.

The man is wearing a black long sleeves shirt and black pants. Nang makaakyat sa stage kung nasaan ang babaeng Dj ay kaagad silang nag-apir at kaagad itong nagsuot ng headphone.

May pinindot ang lalaki roon at maya-maya'y mas lumakas ang tugtog. Mas humiyaw at sumayaw ang mga tao kaya napakurap ako.

Halos mabingi ako sa sigawan at nakagat ko ang labi ko. I focused my sight to the man and gasped when he smiled briefly, showing a bit of his teeth.

"He's so cool!" narinig kong sigaw sa may gilid ko kaya nilingon ko at kaagad kong nakita ang dalawang babaeng nag-uusap doon.

"Yes! Kaya nga rito kita niyaya kasi rito ang gig niya ngayon!" sigaw pa ng isa.

I heard the screaming crowd, tuwang-tuwa at indak na indak ang mga tao roon. I shook my head unknowingly.

"Ang saya!" sigaw ng isa at natungga ko ang iniinom ko at tumango bilang pagsang-ayon.

I couldn't agree more! That Dj's cool!

Lumingon ako sa stage kung nasaan ang Dj na ang pangalan, ayon sa narinig ko kanina ay Zeijan na may pinipindot at iniikot roon habang may headphone sa tainga.

He was dancing, tumatalon ito at itinataas ang kamay at gumagaya ang mga tao.

"Let me see your hands!" The man exclaimed and that's what the crowd did.

"Woah!" sigaw ng mga ito. I saw how the dog tag on the Dj's neck danced with his every move at sumunod ang tingin ko roon.

Kaagad na dumako ang tingin ko sa mukha noong lalaki at kaagad na umawang ang labi ko sa gulat nang makita nang maayos ang kabuuan ng mukha nito.

What...

He has a black, wavy hair, magulo iyon at nalaglag na ang ilang hibla sa noo nito. From my sight ay kitang-kita ko ang matangos nitong ilong at ang perpekto nitong panga.

I saw the man biting his lips while supressing a smile at kaagad na nanuyo ang lalamunan ko.

"What's your—"

"Sshh!" Biglang sita ko sa mestiso na nagsalita sa harapan ko na narito pa rin pala.

"What?" Gulat nitong sabi kaya kaagad ko itong nilingon at maliit na ngumiti.

"You can go now, thanks." Mabilis kong sagot bago bumaling sa lalaki sa stage na nagpipigil pa rin ng ngiti.

Kumislap ang isang kulay itim na earrings nito dahil sa mga ilaw at umawang ang labi ko nang hawiin nito ang magulong buhok.

Oh, my god!

"Mis—" I stopped him.

"Go! Go away!" iritang sabi ko sa lalaki at naguguluhang napatingin ito sa akin kaya hindi ko na pinansing muli.

This man is just...

Nag-angat ng tingin ang lalaki at kaagad na nanuyo ang lalamunan ko nang magsalubong ang mata namin.

My heart skipped a beat. Nakita kong bahagyang umawang din ang labi nito habang nakatingin sa akin pero sa huli ay tumaas lang ang sulok ng labi nito at ngumisi.

Kaagad kong isinara ang bibig at napahawak ako sa dibdib kong malakas ang kalabog.

Oh shit, what's happening? Why is my heart beating like this?!

Am I sick? Should I go the the hospital?!

I saw how his blue eyes danced with the disco lights. Mas humiyaw ang mga tao sa pagpapalit ng musika ang lalaki at ang daliri nito'y umiikot sa gear para kumalikot doon.

I followed his every move again, staring intently into his face and when our eyes met again, nakita ko ang pilyong kislap ng mga mata nito habang bahagyang tinagilid ang ulo para sa isang sulyap.

He licked his lips at halos magwala na ang alaga ko sa sikmura.

Fucking shit. I am fucked.

"Uh, I need a hard drink!" tawag ko sa pansin ng bartender.

"What Ma'am?" ani nito.

"I need a hard drink!" ulit ko at pinilit na h'wag tumingin sa stage kung nasaan ang binata.

"What kind of—"

"Anything will do! Faster!" I asked him eagerly at nang ibigay ito sa akin ay diretso ko itong tinungga.

Napadekwatro ako nang wala sa oras at napapikit ng makaramdam ng hilo dahil sa biglaang lagok na ginawa ko.

"Mis—"

"Ayos lang ako," sagot ko sa nahihilong boses. May dalawang lalaking nag-aya sa aking sumayaw pero umiling lang ako at muling sumimsim sa alak na hawak ko.

Wala sa sariling napatingin akong muli sa stage at halos mabilaukan ako at lumabas sa ilong ko ang alak nang makitang seryoso na ang tingin sa akin ng lalaki!

Oh, my god! What the hell, Alyx!

Something stirred inside of me, nakita kong umayos ito ng tayo at hinawi ang buhok bago inilagay sa leeg ang headphone. Nakita kong may sinabi ito sa babaeng Dj at maya-maya'y tinanggal nito ang headphone at bumaba sa stage.

Napailing ako at uminom muli ng alak.

Focus, Lyx! Focus!

What the heck, Alyx Riadna? That's just a man! Bakit ka naaapektuhan? Tanong ko sa sarili at nakagat ang labi ko.

Ang gwapo kasi! Damn it! My inner goddess is screaming.

"Beautiful ladies shouldn't get drunk at this kind of place," a baritone voice said na nagpatalon sa akin. Mabilis akong nag-angat ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaki sa harapan ko.

Napaatras ako sa gulat at muntik nang malaglag sa stool pero bago pa mangyari iyon ay may sumalo sa baywang ko kaya hindi ako nawalan ng balanse.

The arms pulled me up and my breath hitched when my face hit a hard chest.

"Are you fine?" tanong ng lalaki. Kumalabog ang dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin at napalunok ng makitang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

I can feel his minty breath on my nose kaya kahit lutang ako ay marahan ko itong itinulak palayo.

"Y-Yeah..." I cleared my throat. "Thanks."

"Welcome," sagot nito.

Napatikhim ako at nag-angat ng tingin at nakita kong nakatitig ito sa akin.

Oh, what the heck...

Napaayos ako ng upo at dumekwatro. I saw him took a glance to my long milky legs kaya napangiti ako nang wala sa sarili.

I need my composure back! Nawawalan ako ng poise sa nilalang na ito!

"What do you need?" Biglang tanong ko, matapos tumikhim at hinawi ang buhok. Medyo nahihilo na ako sa nainom pero sinubukan kong pumormal.

Nakita kong umangat ang sulok ng labi ng lalaki at pinasadahan nito ng palad ang buhok. I saw his muscled arm stretched. Napamura ako sa isip.

"I saw you when I was on the stage," prenteng saad ng binata sa akin. "And I wonder if—"

"You wanna ask me to dance? Sorry, but I am not interested," putol ko sa sinasabi nito.

He wants to dance with me, I am sure! Kaya pala tingin nang tingin!

Instead of getting disappointed, like how other men looked when I rejected them, this guy's reaction is different.

He chuckled. My forehead creased. Nakita kong binasa nito ang labi at mas kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito.

"No, no, not that." He smiled. His perfect set of white teeth is exposed.

Kumabog na naman ang dibdib ko sa pagngiti nito.

Damn, that smile! Damn, that whole existence!

"Gusto ko lang sanang itanong kung..." Tumigil ang binata at tumitig sa akin.

"K-Kung?" Hindi na ako mapakali sa titig nito. It was intense and playful and... I don't know!

His lip twitched and when he tilted his head to the side ay nakagat ko ang labi ko.

"Gusto ko lang sana itanong kung open-minded ka ba sa business?" He answered seriously. My jaw dropped.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co