Part 11
Naalipungatan ako nang may umaalog sa akin. Nakatulog pala ako kagabi.
"Andrea andrea! "
"Oh bakit kamille?"
"Gising ka na, Tanghali na. Kumain ka muna. "
"Ayoko."
"Hayaan mo na yun. Nagtretrending nga pala siya sa twitter ngayon"
"Bakit daw?"
"Ngayon siya aalis papuntang london. "
"Hah?! Ngayon?!"
"Oo Hindi ba niya sinabi sayo? "
"Hindi, Teka teka. Hindi pa naman naka lipad yun diba? "
Nagsuot ako ng tsinelas at nagpalit ako nang damit at tumakbo ako palabas.
"Teka, Saan ka pupunta? "
"Dalian mo samahan mo ako!"
"Saan ka pupunta?!"*Tumakbo kasunod ko
Nang makakita ako nang taxi agad kaming sumakay ni kamille.
"Kuya sa airport nga."
"Andrea!"
"Kamille, Pipigilan ko siya."
"Andrea ano ka ba. Hayaan mo na siya!"
"Hindi alam kong makikinig saakin yun."
"Eh paano kung hindi? Alam mo ba pinagagagawa mo?! "
"Basta, kamille! Alam kong pakikinggan niya ako."
"Tama na bumalik na tayo."
"Kamille, Pag bigyan mo na ako."
"Tama na. Ipapahiya mo lang sarili mo."
"Hindi kasi alam kong mahal niya din ako."
"May iba na nga. Andrea ano ba naman eto nanaman ba tayo?!"
Nang makarating kami sa airport agad akong bumaba at hinanap ko siya. Hinahabol lang ako kung saan ako magpunta ni kamille, Wala na akong makita. Baka nasa loob na siya. Nang mapagod ako kahahanap tumungo ako. May van na huminto sa entrance ng airport pagkita ko, Bumaba si Louis.
"Loueh!!!"
Nang lalapitan ko na siya, Biglang may humarang saakin na dalawang malalaking lalaki. Pinipilit ko yung sarili kong pumasok kay louis kaso pinipigilan ako ng mga lalaki hanggang sinabi ni louis na hayaan ako. Umalis sila sa harap ko.
"Loueh, don't go."
"Andre.."
"I'll be here beside you always i promise."
"Andrea..."*Nakatingin lang nang malungkot saakin.
"Tell me you won't go."
"I need this. We need this."
"No, I don't need everything. Please louis don't go."
"Andrea!!!"Kamille shouted.
Hinawakan ko sa braso si Louis "Louis, Tell me you wont go louis! "* Pero nakatingin lang siya ng malungkot saakin. Madami nang nagsilapitan na mga tao.
"Andrea..."*Di pa siya tapos magsalita, Lumuhod na ako sa harap niya at umiiyak iyak.
"Louis, Don't leave please. Donnt."
"Andrea, up. Up! "
Hinawakan ko yung isang binti niya at niyakap ko, Ang daming tao kumukuha ng litrato saamin pero hindi ko parin binitawan yung binti niya hanggang yumuko siya sakin at niyakap ako nang mahigpit.
"I'm sorry it's for..." Sabay tumayo siya at naglakad. Sinubukan kong habulin siya, Kaso hinaharangan ako ng mga body guard niya.
"LOUUEHHH!!!!" *Sumigaw ako nang napakalakas, habang umiiyak. Bigla akong niyakap ni kamille.
"Tama na tama na."
"Kamille, Pigilan mo si loueh dali pigilan mo!"
"Tama na tama na, "
Sa huling pagkakataon, Tumayo ako at tumakbo papasok ng airport kaso may mga security guard na humarang, Napaupo ako habang umiiyak
"LOUEH!!!!"
"Andrea. Tama na. andrea"
Hanggang sa di ko na makita kung nasan si louis. Iyak lang ako nang iyak habang madaming nakatingin at kumukuha ng litrato sa akin habang yakap yakap naman ako ni kamille.
"Tara na...Umuwi na tayo."
"Kamille... si loueh.."
"Tama na andrea, Wala na siya. Umalis na siya. Umuwi na tayo."*Binuhat niya ako patayo at tinakpan yung muka ko habang naglalakad.
Nang makasakay kami sa taxi Hindi parin ako natigil kaiiyak. Bakit ganito? Bakit nandito nanaman ako sa sitwasyon na to? Diba dapat natuto na ako kay kyle? Bakit eto parin yung nararamdaman ko. Yan yung mga tanong na paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko.
Nang makauwi kami, Agad kong nakita sila mama at papa na nakaabaang sa gate. Pero mas pinili ko na pumasok nalang muna sa kwarto ko. Si kamille yung nakipagusap kila mama at papa.
Pagpasok ko sa kwarto ko. Agad akong humiga at umiiyak. Hanggang sa narinig ko yung boses ng kapatid ko. Pinunasan ko agad yung mata kosala humarap sakanya
"Ate.."
"Ohh, Bakit butchay?"
"Anong nangyari sayo ate andeng?"
Pinunasan ko yung luha ko ulit saka ko binuhat at inupo si butchay sa tabi ko.
"Anong anong nangyari naman butchay?"
"Ikaw...Bakit ka po naiyak? "
"Huh? Wala to butchay.. Sobrang saya kasi ni ate eh."
"Break na po ba kayo ni kuya loueh?"
"Ikaw talaga butchay.. Ang bata bata mo pa.. hindi kami ni kuya loueh mo.."
"Eh bakit ka nga po naiyak?"
"Kasi sobrang saya ko nga butchay.. Gabi na ah? Hala sige, Pumunta ka na sa kwarto mo at matulog ka na ha? "
"Ate.. Dito nalang ako sa tabi mo matulog."
"Ha?"
"Please ate?"
"Osige, O dali matulog ka na "
Habang pinagmamasdan ko si butchay matulog. Naiisip ko parin yung mga tanong na lagi kong tinatanong sa sarili ko. Hanggang sa nakatulog na ako kaiisip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co