Truyen3h.Co

A Royal Visit in Brooklyn

Epilogue

heartlessnostalgia

This is ARVIB's Epilogue in Mr. Crab's P.O.V! Thank you so much for flying with us all the way from Lost Island, Italy and finally to Brooklyn! Sebastian's story isn't planned in the first place, I am not planning writing a story for him but luckily, my fellow amazing co-authors invited me to join and the first person that comes in mind are Sebastian and Gabriela (na may exposure as cousin ni G sa SOTS).

It took a while for me to continue writing this one since naghahanap ako ng motivation and luckily! Posted na ang last part ng book. I decided to also include the untold part for Lost Island's tale which is supposedly to be revealed in the book version in the near future and I thought that part would suit Seb and Gab-Gab. Sana nag-enjoy kayo sa kanila! Please try and read my amazing Brooklyn Love Affair's co-author's books! May ibang story na ring natapos sa series and you can try reading their other stories. You can check the first part of this book or my reading list to check their works!

Thank you for giving ARVIB a shot! I am aware there is a lot to improve and thank you for believing in me and my characters. I hope they made you laugh and learn something you could carry in your hearts. I mahal you to the bottom of Bikini Bottom!

--

Epilogue

"Sandali lang ang buko, Sebastian," ani Ate Cora kaya tumango ako at naupo sa upuan doon sa tapat ng tindahan niya.

Inilibot ko ang tingin, pasipol-sipol pa nang maramdaman ang tingin sa akin mula sa harapan. Bumaling ako roon, nagulat at napahawak pa sa dibdib.

"Madam Yuka naman!" suminghap ako, "kakagulat ka naman! Akala ko aswang!"

Tumawa siya bago naupo sa tabi ko at ngumiti, "nagliliwanag ka, ah? May love life ka na, Baste?"

"Love life?" tumawa ako at umiling, "kilabutan ka nga, Madam! Nagliliwanag ako kasi gwapo, 'yon lang. Nakakapangit ang magkajowa."

"Hmm... gusto mo hulaan kita?" biglang tanong niya, "pakiramdam ko kasi may darating."

Doon na ako naging interesado, "ay, weh? Ano? Pera? Sige nga, Madam! Baka maging milyonaryo na ko nito. Tignan mo dali, alis na alis na ako sa barkong 'to, inaalila ako!"

"Hindi natin malalaman kung hindi ko babasahin ang palad mo, hijo," aniya.

"Weh," bumusangot na ako, "mamaya n'yan takutin mo 'ko, eh? Naalala ko nga 'yong ginawa mo kay terrorista, oh? Baka mamaya..."

"Binabasa ko lang ang nakikita ko," tumawa siya, "pero sige, iiwasan ko 'yong nakakatakot kung mayro'n man. May nagsasabi kasi sa 'kin, nakikita ko may darating."

Inilahad ko ang palad ko. Kinuha iyon ni Madam para basahin.

"Asul ang nakikita," biglang sinabi niya.

"Ah! One thousand? Mga ilan?" ngumisi ako pero 'di niya ako sinagot.

"Pulang hiblang sumasayaw sa hangin," ulit niya at saglit na natigilan pero maliit na ngumiti. "Bakit ko ba madalas na nakakalimutang may iba pa bukod doon sa prinsesa,"

"Huh?" kumunot ang noo ko pero inalis niya ang kamay sa palad ko at tumingin sa malayo. "Ay, wow, Madam. Ganda kausap, ah? Thanks."

Tumawa siya sabay sulyap sa akin, "Baste, sa isang kwento, ang mga pangunahing bida lang ba ang may istorya?"

"Hindi," sabat ko, "s'yempre may side character, bakit?"

"May naiwan pa pala, akala ko maisasarado na pero habang 'di natatapos mauulit lang kaya mas mabuti kung masimulan na..." aniya.

"Huh?" napakamot ako ng kilay, "Madam, seryoso, anong nahithit mo?"

"May darating, Sebastian," aniya.

"Ano? Ten million ba?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya. "Ano ba 'yan, pangit naman nito ka-bonding ni Madam! Basta ten million, claim ko na." Tinaas ko ang kamay, "lord, ten million parang awa mo na..."

"Mas malaki pa r'yan ang darating," aniya kaya napanganga ako at kumislap ang mata.

"Weh?! Twenty? Fifty? Bilyonaryo na ba?"

"Mas malaki at mas mahalaga," sabat niya sabay ngiti, "'yong akala mong hindi mo kakailanganin ay darating na pero bago 'yan, may isang lugar kayong dapat puntahan... kasama ang barkong ito."

"Ah? Ano? Necessary ba 'yon para sa ten million ko?"

Tumawa siya at nagkibit-balikat, "Brooklyn. Maghanda ka, may bisita." Sabay ngiti niya sa akin at tapik sa balikat ko.

Tss... ang daming say ni Madam, gusto ko lang naman malaman kung valid ang ten million ko!

Sumimangot akong lalo habang nakaupo sa sun lounger habang iritadong nakatingin sa mga lumalangoy sa pool. Inangat ko ang buko juice at sumimsim mula roon.

"Yay! I wanna swim! I wanna swim!" mula sa panunuod sa mga tao sa ibaba ay bumaling ako sa may gilid nang marinig ang boses ng conyong bulol.

"Careful, baby," ani Cap na inalalayan pa ang asawang umaga pa lang ay hyper na hyper na. Naka-swimsuit kahit bilugan ang tiyan at pasayaw-sayaw, malaki ang ngisi.

"Magandang morning, everyone!" bati niya sa mga lalaki sa pool at mula roon ay kumaway kaagad sila kay G.

"Good morning, G!"

"Nakakasira naman ng araw!" mabilis kong sabat at unti-unti'y binalingan niya ako. Nasira kaagad ang mukha niya at sumimangot sa akin.

"Hindi maganda ang morning for you, basher!" she hissed.

"Sebastian..." sita kaagad ni Cap pero nginisian ko lang sabay angat ng buko juice. "Hindi ko bibigyan 'yang si bulol pero ikaw, gusto mo, Cap? Mayro'n pang buko juice doon kina Ate Cora, masarap. Fresh-"

"No thanks daw," sagot no'ng bulol. "No need na to offer kasi nag-BJ na kami ni Luci."

Umalog ata ang balun-balunan ko sa gulat. Nabilaukan ako't nabuga ng kaunti ang iniinom ko at muntik nang mahulog sa lounger. Nakita ko ang mabilis na pagtakip ng namumulang Castanier sa bibig ng asawa niya at umiling-iling sa amin.

"It's not what you think it is!" depensa pa niya pero pinanliitan ko na ng mata at tinignan na nanghuhusga.

Namumula pa ang marupok na kapitan!

"What ba?" hinila ni G paalis ang palad ng asawa sa bibig niya at tinitigan kami, "what I meant is BJ! Buko juice! We just drank it a moment ago before going here, I didn't meant blow-"

"Guinevere!" Nag-panic na naman ang kapitan at pinipilit na patahimikin ang asawa niyang daldalita.

"Why? Oh, sorry!" suminghap siya, sumulyap pa siya sa p'westo ko pagkatapos at nang makita ang mata kong nanliliit sa kanya ay kaagad siyang ngumanga at namaywang.

"You talaga basher super judger ka!" bintang na niya. Nahulog ang panga ko.

"Aba't!" singhap ko, "inaano kitang terrorista ka? Nananahimik ako rito, ako na naman nakita mo?!"

"I saw you, eh! Your mata is so suspicious!"

"Anak ng..." ngumiwi ako, "nananahimik ang mata ko rito! Wala ka namang narinig sa akin, ah? Ikaw nga ang terrorista rito pinalayas ba kita?"

"Hmp!" humalukipkip pa si gaga. "Oh! Look at your eyes glaring and rolling! Basher na mean boy! Wala pa you na-say, nangdya-judge na you!"

Napanganga na lang ako sa pinagsasabi niya.

"Hoy! Ikaw nga judger-"

"Sebastian..." biglang tawag ni Cap. Nilingon ko na siya at nang inilingan niya ako't tahimik na pinarating na h'wag nang pumatol ay mas bumusangot ang mukha ko.

"Cap!" reklamo ko na, "siya nga nauna! Nananahimik ako ritong nagbu-buko juice inaaway ako!"

"No kaya!" ngumuso ang conyong terrorista, "I'm good girl nga here, ikaw mapagbintang!"

Ngumanganga ako para gumanti, hindi papatalo sa kanya pero sa talas ng tingin ni Cap ay mas nainis lang ako.

"Shhh..." he mouthed, nagpapaalalang h'wag na akong sumabat kaya iritadong inilapit ko ang lagayan sa bibig ko at kinagat ang straw, inis na sumipsip habang pinanlalakihan ng mata si terrorist ana kumurap-kurap pa na akala mo'y inosente.

"Cap, tawag ka!" biglang tawag ni Owen kay Cap.

"Wait here, baby, I'll go check it first." Aniya sa asawa at binalingan ako, "Sebastian, h'wag mong ibubuka 'yang bibig mo. Busalan ko 'yan." Banta pa niya.

Anak ng tupa!

Sumulyap ako kay G na ngumisi-ngisi pa sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero hinawi niya lang ang buhok kaya tumama sa mukha ko.

"Aba't-"

"Oppss! You can't away me right now!" ngumisi pa siyang pabebe, "mad si Luci, bahala ka, want mo ba na-push ka niya sa sea?"

Nanlaki ang butas ng ilong ko at kulang na lang ay tirisin si terrorista na kumakanta pa roon sabay utos.

"Basher, can you give me my swan floater?" she asked, "want ko maglutang-lutang there and everywhere!"

"Tss, butasin ko 'tong floater mo para lumubog ka." Sabat ko pa at nang samaan niya ako ng tingin ay nginisihan ko na. "Tapos palutangin kita-"

"Isa pang tabas niyang dila mo, Sebastian, ikaw papalutangin ko." Nawala na ang ngisi ko nang makitang nando'n na pala si Castanier.

"Luci! Away ako ni basher, oh?" sabay yakap niya sa asawa at kumurap-kurap pa. Tumiim ang panga ko.

"Kunin mo na 'yong floater ni Guin, Baste," ani Cap kaya mas sumimangot ako, masama pa ang loob na nagdadabog papunta sa pato ni Guin. Nanlalaki ang butas ng ilong ko habang nagbobomba ng hangin at pairap-irap sa dalawang asawang naglalandian sa may gilid ng pool.

Walang forever!

Sumulyap ako sa baba para makakita ng iba habang nagbobomba ng floater pero mas sumama lang ang mukha lalo nang makitang pati roon sa ibaba ay punong-puno ng mga taong marurupok.

Nakakakilabot silang lahat! Nakakapanggigil! Batuhin ko kayo nitong pangbomba ko ng floater, eh! Naku, ang sarap ipanglululublob sa tubig.

"Alunin sana kayo," bulong ko.

"Lumangoy ka na rin, baka malunod ka sa sama ng mukha mo." Komento ni Owen.

"Tang ina mo, nang-iinsulto ka ba, ah?" sabay amba ko sa kanya ng pangbomba pero humalakhak lang si gago at iniangat ang parte ng floater para tulungan ako.

"Mag-jowa ka raw kasi para 'di mo na kailangan magpaka-bitter kina Cap." Humalakhak siya.

"Tss, makapagsalita 'to. Ikaw nga walang girlfriend! Makapagsalita 'tong..."

"Wala 'kong gana kasi," humalakhak siya, "mas gusto ko lang muna mang-asar sa gilid, tamang kilig lang sa relasyon ng iba."

"Oh, 'di ba? Tapos dadamay mo pa 'kong animal ka!" Tinuktukan ko na sa irita.

Tumili bigla iyong terrorista kaya sabay kaming napasulyap sa pool at nakitang naghaharutan na naman sila ni Cap. Walang katapusan! May hagisan pa ng bola, oh? Kung ihagis ko rin kaya itong floater sa ulo nila?

"Hays! Bakit pa tayo matutulog kung mamamatay din kayong inggit sa relasyon ng iba?" biglang sabat ni Romeo at 'di ko na napigilan. Hinagis ko na ang pangbomba pero nasalo niya't humalakhak.

"Tang ina ka," Owen hissed.

"Hays! Mabuti na lang ako may love life!" kumanta pa siya sabay sandal sa lounger at nakita ko ang paglapit ni Ian na may dalang platito ng pagkain. "Kawawang Baste, Owen at Ian... tamang sana all na lang ba?"

"Gago ka, inaano ba kita?" reklamo ni Ian na sumabat na habang nakabusangot sa isa. "Sumbong kita kay Juliet, eh. Sabihin ko no'ng nakaraan naglasing kang umiiyak kasi may nag-hello sa kanyang mas pogi sa 'yo."

Natigilan si Romeo. Napahagalpak na ako at sinipa siya sa sun lounger, walang pakialam kung bumalikwas siya ng tayo nang nahulog sa lapag.

"H'wag ako! 'Di ako ang topic dito! Sige, sabihin n'yo kay Juliet, mayayari kayo sa akin!" pananakot pa niya pero ako pa ba matatakot? Umiling ako at inabot muli ang pangbomba para hanginan ang floater no'ng terroristang conyo.

Baka mamaya 'di ako gawing ninong ni Magnus!

"Ikaw nagsimula, gago." Reklamo ni Ian sabay lapag ng platito sa lamesa kaya kumuha ako at kumain sabay bato ng balat sa mukha ni Owen na muntik na akong bigwasan.

"Hanapan ko na lang kayo, h'wag na kayong malungkot! May mga kaibigan ang Juliet ko, gusto n'yo ba? Magaganda! I-blind date ko kayo, ano? Owen? Ian?"

"Pass," Owen shrugged.

"Ian?"

"Ayaw," umiling ang huli at tahimik na pumapak na lang ng pagkain kaya nang balingan ako ni Romeo ay naghanda na ako ng panlaban pero tinuro-turo niya ako at dismayadong umiling.

"Ay, ayoko na magreto kay Baste," he commented. "Puta, no'ng pinakilala ko sa blonde na guest na may crush sa kanya, aba't inirap-irapan! Na-trauma na ata ang girls sa 'yo! Nagpapanggap ka raw 'di marunong mag-Ingles!"

Ngumiwi ako, "ayoko makipag-usap, dumudugo ilong ko. Gago ba kayo? Atsaka, ayoko makipaglandian, ang creepy. Gago ka ba, nakakakilabot kaya. Anong gagawin namin, magtitigan? Baka malait ko lang, h'wag na." Kumunot ang noo ko, "wala pa ako sa point na 'yan ng buhay ko."

Kinikilabutan ako, naalala ko tuloy 'yong set-up ng gagong Romeo sa akin sa blonde na pakurap-kurap ng mahabang eyelashes niya sa akin. Pabangga-bangga pa ng dibdib sa balikat ko, anak ng tinapa nakaka-stress!

"Baste, right?" kuminang ang mata niya. "After dinner, maybe we could watch a movie inside my cabin? You know, Netflix ang chill?"

Anak ka ng... ang haharot!

"Huh? What?" tanong ko.

"I said, we could watch movies and chill..." she gave me a knowing look, "you know the next-"

"Sorry, sorry, no understand!" umiling-iling ako sabay mukhang nalilito.

"Baste-"

"No English! Sorry, me no understand you. Apology, sorry. No, no, no." Umiling pa akong nagtataasan na ang balahibo.

Napanganga lang siya. Isa 'yong sa pinakaunang set-up ni Romeo pero hindi na naulit. Madalas na lang na mga nagpapa-cute na guest pero mas mahalaga trabaho ko. Wala 'kong oras makipaglandian. Nakakakilabot lang.

Hindi ako naniniwalang permanente ang pagmamahal na 'yan-s'yempre except kina Cap at terrorista atsaka sa mga kaibigan ko. S'yempre gusto ko silang makaranas ng panghabang-buhay na pagmamahal. Ano 'yon, nasaksak ako para kay terrorista tapos wala silang forever?

Aba, gago, edi sana pinatay n'yo na lang ako?

'Di p'wede 'yon. Kung sakali man, talagang bibigwasan ko ang dahilan kung bakit magkakagulo ang dalawang 'yan. Inis ako kay G kasi daldalita at mapagbintang, laki pa ng bibig, walang katapusan ang pag-iinarte kay Cap pero ayaw kong may mangyaring masama sa kanya-sa kanila.

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig na 'yan dahil sa ginawa ng magulang ko sa 'kin pero para sa mga naging pamilya ko sa barkong 'to, ayos lang sa 'king mamatay makuha lang nila 'yong kasiyahang wala ako.

Prinotektahan ko ang sarili ko sa sakit sa pamamagitan ng pang-aaway at hindi pagbubukas ng sarili kahit sa kanino man pero no'ng tumuntong ako sa barkong ito, nakahanap ako ng totoong mga kaibigan. Pamilya.

Naging close ko ang mga pinsan ni Cap at tinuring na kapatid ang mga pangit na mga kasama ko sa trabaho pero minsan talaga maki-kwestyon mo ang dedikasyon mo kung ikaw palagi ang kawawa at ginagawang api.

"Hanapin mo, Baste," ani Cap na mukhang nag-aalala na.

"Ako na naman! Palagi na lang ako!" Sumimangot ako, "Cap! Bigat nga no'ng inakyat kong maleta! Anong laman no'n? Buong cabinet? Tapos ako uutusan mo-"

"Tutulong ka maghanap o ihuhulog kita sa dagat? May pating daw," panakot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Palagi na lang ako!" reklamo ko at nagdabog. "Kapag ako talaga nanalo ng ten million sa lotto, Cap, makikita mo. Maglalayas ako rito tapos ilalantad ko favoritism mo papainterview ako kay Jessica Soho kapag lumipad ang team nila rito sa Brooklyn!"

"Sige," tumawa siya, "patingin ako kung nanalo ka na, ah?" asar pa niya at pagkalabas ko ng opisina ay walang ingay kong hinampas ang pader at sumigaw na walang tunog sabay takip ng mukha at yupyop.

"Hoy, Baste, para kang tanga!" humalakhak si Romeo nang madaanan ako roon, "hanapin natin 'yong pinsan ni G! Gago 'to, baka iyon na ang forever mo!"

"Forever mo mukha mo," tumayo ako sabay sabunot ng buhok at alis. "Sana pala talaga sinangla ko na lang si terrorista dati para may sarili na akong yate. Alipin ako sa barkong 'to, mas mahalaga pa 'yong bisita kaysa sa crew? Mga walang puso!"

Iritado akong nag-iikot ng mata ko para humanap ng pinsan daw kuno ni G. Ni hindi ko nga alam ang mukha no'n!

Nang makita ko ang babaeng pula ang buhok ay napakamot na ako ng kilay. Sino pa bang may pula ang buhok at kulay pang-adik ang mata panigurado? Edi si Guinevere!

"Hoy, prinsesang conyong sindikato!" tawag ko para tanungin kung anong mukha ng pinsan niya.

Aba't naghahanap ako ng bulag! Malay ko sa itsura?!

Handa na akong away-awayin si terrorista pero parang natanggal ata ang angas ko nang makita ang ibang mukha roon na kagaya ng buhok ni G.

"Oh? Akala ko..." nanlaki pa ang mata ko sa gulat pero bigla niya akong ngitian ng malambing.

Maputi siya, malambing ang mga ngiti sa mapulang labi. Natigilan ako nang makita ang pagkislap ng asul niyang mga matang kakulay ng malinaw na tubig-dagat. Sakto ang tangkad, may tuldok-tuldok pa sa pisngi at kulot ang pulang buhok.

"Hi, I'm not G but you can call me Gab!" buhay na buhay niyang pakilala.

Napalunok ako ng bahagya at nakita ang sariling pinagmamasdan ang kabuuan ng itsura niya, medyo natitigilan pa dahil iba ang kislap ng malambing niyang mata.

Hmm... Gab, may itsura naman. Maganda-

"Filipino ikaw? I'm not sanay pa to speak Tagalog but it's nice na makilala you!" biglang tuloy niya. Nahulog ang balikat ko.

Ay, puta. Conyo! Ayoko! Joke lang pala! Binabawi ko na! Taympers!

"Luh, may conyong shokoy." Komento ko sabay ngiwi na.

"Huh? What's... what's shokoy?" marahan at malambing niyang tanong na. Nagsalubong ang kilay ko.

H'wag mong sabihing magkakaroon ng dalawang conyo sa barkong 'to?!

"Conyo amputek... kampon ka ba ni terrorista?" I asked.

"Excuse me? G's my cousin. Sorry but I don't understand too much kasi you're super mabilis mag-speak, eh. Medyo super mabagal lang so I could comprehend." Paliwanag pa niya sa pabebeng tono kaya napaawang ang labi ko't mas lalong 'di na makapaniwala. Ngumisi siya.

"You're super tang ina." Biglang sinabi niya kaya napanganga na ako ng tuluyan.

"What? Gaga 'to, ah-" Singhal ko pero biglang naisip ang malamang na definition niya ng tang ina kaya sa huli ay napahawak na lang sa batok. "Ay, jusko, ayoko na pala makipag-usap sa mga conyo."

Jusko, mukhang may bago na namang biktima ng vocabulary no'ng palaboy naming conyo dito! Makikita talaga ng terrorist ana 'yon, mukha nagdagdag pa ng ikakataas ng altapresyon ko.

She remained staring at me, blinking. Para akong nakakita ng totoong manika sa real life. May pagkahawig sila ni terrorista pero 'yong isang 'yon kasi may pagka-attitude ang mukha tapos ito ano... parang purong lambing.

Ay gago, ang dami kong explanation sa utak. Pabebe na lang for short!

Kumirot ang ulo ko't nanlaki ata ang ulo, malamang ay tataas na ang altapresyon. Pinanlakihan niya lang ako malambing na ngiti at bago pa man ako mapatitig na naman sa mukha niya ay tumikhim na ako.

"Tae, ang creepy. Chaka doll ata 'to." Bulong ko na, "oh, siya. You stay there. They'll come to you."

Pero sa halip ay mas ngumiti pa siya habang nakatitig sa akin, umiwas ako at tumikhim.

"Tingin-tingin mo?" tanong ko ulit sabay sulyap pero nginitian lang ako ulit na parang 'di ako naiintindihan kaya napailing na lang ako't hinilot na ang batok. "Gago, bakit ba ako nakikipag-usap sa conyo? Oh, diyan ka na, pakain ka sa pating."

"What's pating?" malambing ang boses pero halatado ang sinseridad sa boses kaya umiling na lang ako at umiwas para walang masabing iba.

"Never mind, sige, enjoy." Paalam ko, pagod na. Nagpamulsa ako at handa na sanang umalis pero narinig ko ang boses na naman niya sa likod ko.

"Mister! Want mo ng BJ?!" malakas na sigaw niya at doon na ako tuluyang natigilan. Mabilis akong lumingon, namimilog ang mata.

Aba! Bastos 'to, ah?

"C-Come again?" I asked, "B-BJ? A-Ano?!"

"I said, you like ba ng BJ?" she asked casually, mahulog na ang panga ko ng tuluyan.

"Aba, ang conyo na 'to-" bigla siyang may iniangat sa tapat ng mukha ko kaya napatitig ako roon at napasinghap.

"Anong..."

What the fuck... does it mean...

"BJ, as in Buko Juice." Sagot niya sabay ngiti kaya nag-freeze ang mukha ko, unti-unti kong natanto ang lahat at doon napahagalpak ng tawa.

"Puta..." bulong kong tumatawa pero paunti-unti habang natatantong may panibago na naman akong kalbaryo ay nauwi iyon sa singot ko, napapaiyak na sabay palakpak at tingin sa langit.

"Lord... Lord, ang sabi ko gusto ko ng ten million, bakit mo na naman ako binigyan ng conyong little mermaid?!" sigaw kong naiiyak na.

Lord, Jesus! Bakit mo ako pinabayaan?!

Wala akong pakialam sa mga babae o kung ano man pero no'ng dumating 'yong babaeng pangarap daw maging Little Mermaid para hindi ko na kilala ang sarili ko.

Para akong tangang nag-aabang t'wing umaga kung kakain sa breakfast.

"Baste, pasundo naman si Gab." Utos ni Cap.

Bumusangot ako, handa na magreklamo pero isang tingin lang ay iritado na lang akong umalis pero sa loob-loob ay ayos lang nang maalalang nagbigay siya sa akin ng bracelet kasi raw maitim ang budhi ko.

Walang-hiya ang gagang 'yon. Akala niya ata nakakatawa siya.

"Baliw," bulong ko at nangiti sabay katok sa pintuan niya, nag-aantay para manundo.

'Di ko na napansin. Katagalan ay nakita ko ang sariling nag-aantay ako ng ngiti na palagi niyang sukli kahit iniirap-irapan ko na siya. Minsan sinasagot niya ako na parang 'yong pinsan niya pero sa mas malambing na boses pero madalas ay tatawanan niya lang ako na para bang aliw na aliw siya sa bawat sinasabi ko.

Tumitig ako sa salamin at inayos ang uniporme, naghahanda para sa panibagong pang-aaway ko sa mga tao sa barkong 'to pero nawala ang sabik no'ng wala pala 'yong isang conyong inaabangan ko.

"Hoy, G," tawag ko sa pansin no'ng buntis na puno ang bibig ng prutas.

Sumulyap siya sa akin at tumango-tango, nakasandal sa mahabang sofa ni Cap habang nagpipyesta ng lamon.

"Why, oh, why?" pakanta pa niyang tanong.

"Saan 'yong isang conyo?" tanong ko.

"Hmm..." sa halip ay tinuro niya ang paa kaya umirap ako sa hangin at naupo rin sa paahan ng buntis para hilutin ang paa niya saglit.

Madalas kasi ay namamanhid at hindi naman oras nandito si Cap kaya para siguradong hindi magka-cramps ang paa niya ay pasalit-salit kami ng schedule sino ang hihilot sa paa ng bulol na 'to.

Hindi naman sa nag-aalala ako kay G. Concern lang ako kay bebe Magnus. S'yempre, gusto ko mag-Ninong!

"Saan nga?" tanong ko.

Ngumiti siya, binigyan ako ng prutas pero umiling ako.

"Ih! One! Dalawa..." inarte niya kaya nakabusangot na tinanggap ko ang prutas na bigay niya.

"Ayan, oo na, masaya ka?" tanong ko nang ngumisi-ngisi siya sabay hawak sa tiyan niya.

"Yes! Baby Magnus and Mama G is masaya," she sang. "Anyway, Gab-Gab's in her room. She might not be joining us today kasi she has a conference to attend for the palac-I mean her work."

Doon na nawala ang mood ko.

"Mas mahalaga ba ang conference para sa pagkain?" bagnot kong tanong.

"I told her nga, eh, kaso it's work." She explained.

"Pero saglit lang kakain, ah? Mas importante ba 'yon kaysa pagkain niya? Paano kung magutom 'yon habang nagko-conference tapos humimlay sa gutom? Ikaw talaga, bisita mo 'yon. Dapat concern ka, sabihan mong kumain."

Nawala ang susunod kong sasabihin nang makita ang malisyosang tingin niya.

"Ano? Tingin-tingin ka?"

"Hmm... you tell me nga, basher," naupo siya ng maayos at kinuha ang paa mula sa akin. "You like ba my cousin?"

Kumalabog ang dibdib ko at namilog ang mata.

"H-Hoy, 'di 'no!" Singhal ko at nag-init ang mukha, "'di ko bet mga conyong kagaya mo! Bakit ko siya magugustuhan, ah? Ni hindi ko nga crush! Ikaw mapagbintang kang Guinevere ka!"

"Eh?" ngumisi siya sabay kain ng strawberry. "I'm nagtatanong only, ah? Why ka galit? Ikaw, Baste, ah? You sounded so defensive..." bumungisngis siya.

"Ma-issue ka," binasa ko ang labi sabay hawi ng buhok ng daliri. "Wala, nagtatanong lang. Masama ba?"

Ngumisi lang siya at nagkibit-balikat, halatadong nang-aasar ang mukha kaya tumayo na ako mula sa kinauupuang sofa.

"Don't worry, of course, we're gonna make hatid ng foods for her. I won't let my Gab-Gab starve, okay?" aniya kaya sinulyapan ko na.

"Nahanda na ba ang pagkain?"

"Hmm... I'm not sure," sagot niya kaya sumulyap ako sa relo at lumalim ang gatla sa noo.

"Ano? Anong oras na! Baka humimlay na sa gutom 'yong shokoy!" umiling ako, "anong gustong pagkain no'ng conyo mong pinsan? Ako na magluluto."

I cooked her foods to deliver it later to her room. Namangha pa ako nang makitang naka-long dress si gaga, ang ganda pero 'di ko sinabi. Bakit ko sasabihin, ah? Kaya tinanong ko na lang kung saan party niya.

Kaso gago, sana pala umalis na lang ako kaagad pagkahatid ng pagkain para hindi ko siya nahalikan.

Hindi ko napigilan! Ang ganda! Anong gagawin ko? Iiyak na lang?!

Pero mas bobo pa pala talaga na hindi ko matanggap na humalik ako ng babae. Ni minsan sa buong buhay ko hindi ako nagkainteres sa kahit kaninong babae. Kay G lang ako nagkainteres kasi masaya siyang awayin pero kung 'yong pakiramdam na kumakalabog 'yong tang inang puso?

Ewan ko. Kay Gabriela lang.

Sa sobrang indenial ko sa sarili, umiwas ako at kung ano-anong nasabi, hindi matanggap na nangyayari sa akin 'yong bagay na isinumpa kong hinding-hindi ko dapat maranasan.

Basang-basa ako ng gabing 'yon kakasisid sa pool mahanap lang 'yong beads sa bracelet na binigay sa akin no'ng prinsesa ko. Nangangatal pa ako sa lamig no'ng katukin siya para itanong kung kumpleto 'yong beads pero galit niya lang akong pinagsarhan kaya hindi ako nakatulog buong gabi sa sakit ng ulo't kakaisip paano hihingi ng tawad.

Masaya akong hindi ko namana ang itsura ng mga magulang ko. Lalo na no'ng tatay kong babaero, pangit naman. Ang kapal ng mukha pero kakaiwas ko ata na maging kagaya nila na-develop ko naman 'tong bibig na walang preno.

Gago naman, Sebastian. Ang gago-gago mo lang.

Maaga akong nagising-dahil 'di naman ako talaga nakatulog. Naghalukay ako ng mga sinulid para subukang buuin iyong bracelet na bigay ni Gabriela, baka sakaling kapag nakita niyang suot ko ay mas madaling patawarin ako kaya kahit masikip at kulang ata ang nahanap ko ay sinuot ko.

Namili ako ng tsokolate atsaka halaman sa may flower shop doon kasi nagandahan ako sa kulay at naisip kaagad si Gabriela pagkakita ng halaman. Mahilig kasi iyon sa makulay na gamit, pansin ko. Madalas siyang nagsusuot ng mga long dress tapos ang leeg o kaya ang pulsuhan ay may mga kwintas o bracelet na siya mismo ang may gawa.

'Yong kulot niyang buhok madalas niyang lagyan ng makukulay na sanrio o kaya mga hair clip na bagay naman sa kanya dahil magaan siyang tignan at madalas ngumiti ng matamis... kasing tamis ng labi niya.

Naalala ko tuloy 'yong halik. Lasang strawberry.

Bumuntonghininga ako sabay sapo sa buhok.

Sebastian Leandro, hindi na ikaw ang dating Baste na kilala ko!

Gabriela... bakit nakakabaliw ka? Hindi kaya ginayuma ako no'n? O kaya, naengkanto? Hindi na ako ang dating Sebastian!

Hindi kaya kailangan ko na talaga ng albularyo?!

"Cap, paano magpa-schedule sa albularyo? Parang nabarang ata ako..." bulong ko kaya natigil sila sa pang-aasar sa akin.

"Ano? Ano? Natanto mo rin?!" halakhak ni Romeo Save Me, "nand'yan ata si Madam Yuka baka mahulaan niya sinong espirito sumapi sa 'yo?"

"Hindi 'yan sinapian, baka binabarang na." Sabat ni Owen.

"Papa-schedule ba 'ko?" hagalpak ni Cap, "alam mo na, baka pinakulam ka na ng isa sa mga taong inaway mo!"

Nakarinig ako ng hagikhik. Unti-unting bumaling ang tingin ko kay G na nakangisi na sa akin ng nakakaloko.

Napatalon ako sa upuan sabay hawak sa brasong nagsisitaasan ang balahibo.

Gagang chaka doll. Tang ina, ang creepy.

Inalog ni G ang vocabulary ko pero no'ng sumama pa 'yong isa, bumaligtad na talaga ng tuluyan ang buong mundo.

Grabe ka, Lord. Ang hilig ko noon ten million cold cash kahit isampal mo pa sa akin pero binigyan mo ako ng additional conyo for deposit!

Pero... p'wede na rin.

Pasimple akong tumitig kay Gabriela na masayang nakatingin sa dagat at nakalahad ang kamay. Mula sa pwesto namin ay kitang-kita ang Brooklyn Bridge. Maganda rito, pero wala nang mas gaganda sa conyong katabi ko.

"I hope talaga before kahit in my past life na sana I'm a beautiful sirena," aniya habang nakalahad ang kamay.

"Bakit gusto mong maging sirena? Paano 'yon kung langoy dikya ka?"

She glanced at me with her maldita girl glare. Napatawa ako at unti-unti'y umusog para lapitan na siya.

"'Di ba, I told you before na except that time that it was the only story book I saved from the fire, I am fascinated with water. Kaya nga even if I'm not good with swimming, I find it therapeutic to swim."

Hmm... naalala ko tuloy 'yong kwento no'ng isla. May mga sirena ro'n, eh. Bigla kong naisip si Gabriela na may perlas-perlas tapos may buntot-kaso buntot ng tilapia.

Humagalpak ako.

"Why ka nag-laugh-laugh?" biglang tanong niya kaya nakain ko ang tawa ko't umiling sa kanya. Sinara niya ang nakaangat na kamay bago nagtatakang tumitig sa akin.

"Wala, cute mo kasi, 'te. Hayaan mo, 'di ba nga tuturuan na kitang lumangoy?" unti-unti'y nagtungo ako sa likuran niya at inilagay ang palad ko sa magkabilang-gilid niya habang nakatalikod sa akin.

"Seb...?" takang tanong niya sabay sulyap sa akin kaya iginilid ko ang ulo para titigan siya.

"Hmm, mahal?" marahang tanong ko.

"U-Uhm..." nahuli ko ang pagpula ng pisngi niya't pagkagat ng labi. Bumaba tuloy ang tingin ko roon at napatitig.

P'wedeng pakagat din, Gabriela?

"U-Uhm, nothing naman." Nahihiyang bulong niya at sumandal sa dibdib ko. Mas inilapit ko ang braso para mas ikulong siya sa bisig ko.

"Nilalamig ka?" bulong ko at nang tumango siya ay unti-unti ko nang niyakap at isiniksik ang ulo ko sa kanyang leeg, humuhugot ng hininga.

Ganito siguro 'yong nararamdaman ni Cap sa asawa niya. Ganito siguro si Romeo kay Juliet. Ganito siguro pakiramdam ng mga taong nagmamahal sa minamahal nila.

Natatakot pero susubok. Masakit pero tuloy-tuloy na magmamahal. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari at biglaang ikot ng buhay ko pero sa lahat ng hindi ko inaasahan ito... ito ang paborito ko.

Si Gabriela ang paborito ko.

Ang kaso, natanto ko na may mga bagay pa rin kahit pagkatapos ng lahat ng ibinigay at isinantabi mo para sa kanila, may mga ibang hindi nagtatagal.

Iniwan niya 'ko. Nag-alala ako't napuno ng takot nang mauwian siyang wala sa kwarto ko. Halos balibagin ko na paalis ang mga gamit magkaroon lang ng kahit anong tanda para malaman kung nasaan siya pero sa huli'y malalaman ko lang na magpapakasal na siya sa iba?

Galit na galit ako pero ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya kahit hindi magandang tignan at magagalit sa akin ang dating Sebastian ay nagmakaawa ako. Lumuhod ako, umiyak, nagmakaawa pero sa huli ako itong nagmukhang gagong nagmamakaawang ako ang piliin niya.

Magiging reyna siya, samantalang ako... ano nga lang ba 'ko?

Walang-wala ako kumpara sa kanya. Baka nga libangan niya lang ako habang bakasyon niya pero para naman akong aso kakasunod, nagmamasid no'ng una sa malayo. Nagpapanggap na sumama kina Cap at G pero gusto lang talagang makasulyap... kahit saglit lang.

Pinapalibutan siya ng guards, halos magparada na iyon habang may nagpapayong sa kanya at balot na balot ang mukha. Hindi ko na kinaya kaya tumayo na ako.

Gab, miss na kita, mahal... pakita ka naman sa akin.

Naglakad ako habang kumakalabog ang puso at kinakabahan sa magiging reaksyon nito.

"Gab..." tawag ko nang 'di pa ako masyadong nakakalapit ay hinarang na ako no'ng mga guard. Saglit siyang napasulyap pero kaagad ding nagtago ng mukha kaya tinawag ko ulit, nagmamakaawa na.

"Can we talk, Gab?" marahang sinabi ko kahit tinutulak at pinapagalitan na ng mga guard. "Gab, please. S-Saglit lang, gusto lang kita-"

"I said don't come near her highness!" galit na sigaw ng guard sabay tulak pa sa akin.

"No," umiling ako, determinado. "I-I have to talk to Gabriela! Gab, Gab, please... saglit l-lang, 'di naman kita g-guluhin-" isang suntok sa pisngi ko'y napaupo ako, gulat sa nangyari pero hindi ko iyon ininda at muling pinilit ang sarili ko.

"M-Mahal..." sa nanginginig na boses ay tinawag ko, "m-mahal, saglit lang..."

"Your majesty, what do we do with this one?" tanong sa kanya ng guard kaya muli akong tumawag.

"Gab... Gab, mahal, s-saglit lang..." nakita ko ang bulong niya kaya nagliwanag ang mukha ko, umaasang baka bigyan niya ako ng pagkakataong makausap siya pero sa gulat ay muli akong tinulak ng guard at pinagtulungan ng suntok habang gulat lang ako nakatingin kay Gabriela na nanunuod lang habang suot ang shades.

"Gab..." I called again but she shrugged, got inside her limousine while I was outside, getting beaten helplessly like a puppy.

It went on and on like a broken record. Ilang ulit na akong pinigilan nina Cap na gawin iyon. Kahit mismo si G ay gumamit na ng titulo niya para hindi ako masaktan ng mga guards na 'yon pero sa huli'y sinukuan ko na lang.

Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko sa taong ayaw na ako? Bakit ko nga ba pinipilit ang sarili ko sa taong kahit anong gawin ko, kahit kailan hindi magiging sa akin?

She only looked at me like I was a piece of toy she could happily play with anytime.

Pagak akong natawa at hinawi ang luha.

Tang inang buhay nga naman ang para sa 'yo, Sebastian. Parang gago, unang beses na nagmahal pero ganito ang nangyari. Sana pala nakontento na akong mang-alaska at kilabutan na lang sa relasyon ng iba.

Tang inang pagmamahal. Unang beses kong naramdaman pero mukhang huli na rin. Huli na. Hindi na ako uulit. Hinding-hindi na muli.

Akala ko iyon na ang pinakanakakabaliw na nangyari sa buhay ko, may iba pa pala.

May nagsabi sa aking maaaring nawawala raw akong anak ng isang pamilya sa barko kaya tinawan-tawanan ko lang pero pinagbigyan din. Nakita pa nga ako no'ng daldalitang Guinevere kaya sinama ko siya sa secret namin pero hindi ako naniniwala.

Baka nga pakana pa nila 'to!

Ano 'to, teleserye sa hapon? Mema, walang gano'n! Sa T.V. lang 'yon! Mga kagaguhan ng mga tao, baka pinapatawa lang ako nito. Baka nga kasabwat si terrorista! Alam ko ugali nito, eh.

Umalis ako at nagpaalam na magpapahinga. I handed my resignation pero mukhang wala silang balak kunin no'ng una pero hinayaan na rin akon umalis kaya pumunta akong Tagaytay para mag-relax at alisin ang mga bad spirit na sumama sa akin pero anak ng... sinundan ako?

"You are a prince, Sebastian. You are our missing son, the rightful heir of Spain." Tumitig ako sa babaeng nagsabi no'n at mamaya-maya ay humagalpak ng tawa at pumalakpak.

"No offense, Miss, but..." I was still stifling my laughter while trying to stay formal, "the joke was great, I give you that. Hindi naman sa pang-aano pero naka-drugs ka ba?"

The lady's eyes widened.

"I-I'm sorry?" kumurap siya, "I didn't get that last sentence, I just understood the word drugs?"

"Ah!" napatawa ako, "sorry, sorry, akala ko conyo ka rin kagaya ni Gab-" nawala ang ngisi ko bigla at tumikhim. Nahuli ko ang tiim ng titig ng babae sa akin kaya binasa ko ang labi at diretsong ininom ang tubig.

"Nothing, what I meant to say was..." sumulyap ako sa paligid at napapatawa na naman sa nakitang dami ng guard. Itong mag-asawa pang pumunta ay titig na titig, lalo na 'yong babaeng umiyak pa kanina bago ako kinausap.

"I'm sorry but I hate to break this to you, I'm no heir or someone's missing son. I have parents-tho, I don't call them one since they abandoned me. Those people are neither the two of you so I doubt. Why don't we just stop the joke and rest? You made me laugh, I give you that. Pasabi kay Cap havey ang mga artista niyang kinuha, may pa-costume effect pa. Havey ang joke, ten over ten."

Pero nanatili lang silang nakatulala sa akin. Ang babae ay nagpahid pa ng luha at sumulyap sa katabi.

"Look, Felipe, he got your eyes..." aniya kaya napakurap na ako't sumulyap sa lalaki at medyo napansin ngang may pagkakahawig kami.

"Yes, I could definitely see it, Mila." Tumawa 'yong lalaki, kumikislap din ang mata sa luha. "H-How could we let him believe us, darling?"

Nanliliit ang mata ko sa kanilang nag-uusap ng Ingles pero biglang mag-e-espanyol. 'Di ko ma-gets malamang, kaya pinanuod ko lang sila at kumain habang nakatitig.

Galing ng nakuhang artista nina Cap, ah? Panigurado may ambag 'yong si terrorista, nahuli ko kasing nakasilip na parang Marites kaya siguro nakikisakay. Inferness, A for the effort ang mag-asawang marupok.

"Mila, how 'bout we take this slow instead of..."

"We have to let him know, Felipe. It's been a long time, I can't let my son leave my sight. After all those years we are gone, he probably was sad and alone... I could never bear seeing my unico hijo like that..."

Ngumuya ako ng tinapay sabay higop ng softdrinks sa plastic. Nakakagulantang naman kasi ang grand entrance ng mga artista na 'to at may pa-limousine at parada pa ng guards. 'Yong monay lang tuloy nabili ko kina Aling Mimi.

Ganda ng uniform ng guards, ah.

Tinanguan ko 'yong isang nanunuod.

"Musta taping sa Encantadia, pre?" tanong ko pero tumungo lang siyang parang natakot at umayos ng tayo.

Napadighay ako kaya napatakip ako sa bibig at nanlalaki ang matang tumitig sa dalawang mukhang importanteng tao sa harapan ko.

"My apologies, Sir, Madame," tumikhim ako. "Masarap kasi 'yong monay, lamon lang." Nilahad ko ang plastic pero napatitig lang sila sa aking dalawa.

The man looked so amused and thrilled. I almost caught him grinning while the woman's eyes are gentle and sweet.

"Ah! English spokening nga pala," tumikhim ako. "Mukhang nose bleedening na naman ako nito. Ano, you should try this one. This is a bread we called monay."

They glanced at it kaya tumango-tango ako, "go, go, try it." Pag-anyaya ko pa at nang kumuha sila at kumagat ay ngumisi ako sabay thumbs-up.

"Yummy delicious, right?" tanong ko at naaliw nang makitang nasarapan nga sila. Pinainom ko rin sila no'ng coke na nasa bote, kakabadtrip pa nga at may deposit tapos kapag binalik ang bote 'di naman ibabalik ang pera!

"Ayan, tapos na kayo kumain. Thank you so much for making me laugh today, thank you. Kindly tell Cap and G I appreciate this much, do you want me to take you to the limousine?"

"That..." the lady cleared his throat, "we should show him, Felipe."

"Well, Sebastian, mi hijo..." ani no'ng lalaki kaya binalingan ko siya. "We just wanted to make it clear to you but we are not the duke or Princess Cathalina's people. We came here not because of them, we came here because..."

"Because?" tumaas ang kilay ko.

"Because we wanted to let you know. You are our son. Those men who came and talk to you in the ship was from us, it was true. It wasn't just Princess Cathalina or the duke's funny joke. We came here to tell you that you are our unico hijo, the rightful heir and our missing son."

"Owws?" humalakhak ako, "do you have proof? Can I see? 'Di ako mabilis ma-joke time, sorry."

The two handed me an envelope. I took it, watching their reaction, still having a ghost smirk on my lips.

Binuksan ko iyon at narinig ang boses ng babae, "that was the DNA results, son."

Tumango-tango ako, natatawa pa rin pero nag-freeze ang ngisi nang makita ang resulta sa papel.

"You are the missing heir of the crown, Sebastian. You are Spain's royal prince." Ani ng babae kaya napakurap-kurap ako at parang nahilo.

Sigaw na lang nila ang huling narinig ko nang mandilim ang mata ko at bumaligtad pahulog sa upuan nang mahimatay.

Puta. Prinsipe ako?!

Tinanggap ko rin pagkaraan nang malaman ang katotohanan bakit wala ako sa piling ng mga magulang ko paglaki. My parents are persistent, I pushed them away, still can't believe their claims before but they stayed despite my attitude.

Hari't-reyna sila pero nanatili sila sa bahay ko sa Tagaytay na parang normal na tao, walang kaarte-arte. Si Papa ang magluluto o kaya ako, si Mama naman ang magpiprisentang maglinis sa bahay kahit may dala silang maids at doon, ramdam na ramdam ko ang isang bagay na hindi ko man lang naramdaman mula sa pamilyang kinalakhan ko-pagmamahal.

Maiksing panahon ko lang nakasama ang dalawa sa Tagaytay pero ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila. Wala silang reklamo kahit binilhan ko ng sardinas sa tindahan sa hapunan kahit may chef pa silang dala at doon ko natantong kung mahal mo, mahal mo. Na hindi sila mamimilit na ibigay mo pa ang hindi na abot ng makakaya mo.

Sumama ako sa Spain kung saan sikreto muna akong pinatira. Nalaman ni Mama ang lahat ng tungkol sa akin no'ng tinanong niya ako saan galing ang bracelet na hanggang ngayon ay suot-suot ko pa rin. Kahit dumugo na ng literal ang ilong ko kakakwento sa kanya ay tiniis ko. Magaan ang loob ko kay Mama, natural na sa akin ang magkwento kung siya at parang bumalik ako sa pagkabatang masayang-masaya sa atensyon na ibinibigay nila.

Nalaman ko rin na si Anton-ang Anton na 'yon na pamangkin nila at pinsan ko ang ikakasal kay Gab at nang malaman ni Mama ay s'yempre... kanino ang boto?

Malamang sa akin! Anak 'to, eh? Anak? Hello, anak ako!

Wala akong paki. Para saan pang nakilala ko ang magulang ko kung 'di ko gagamitan ng aking mahiwagang "Mama Card"?

Natatakot ko na sina Cap! Huh! Matapos nila akong alipinin! Ito na ang ganti ng isang api!

Kaso, tanggal lahat ng angas ko isang sulyap lang sa conyong shokoy, baliw na naman ako.

Ay gago, Sebastian. Hindi ka dapat pala rurupok kay Gabriela! Ni hindi pa nga niya pinapaliwanag bakit siya umalis? Ni hindi pa nga niya sinasabi bakit lang siya nanuod habang binubugbog ako ng mga guard niya pero si Sebastian ay kauri pala ni Captain Lucian Castanier... marupok din sa conyo.

Nakita ko ang sariling baliw na baliw kay Gabriela, handang magmakaawa ulit na parang hindi iniwan kahit gustong-gusto protektahan ang sarili ulit sa sakit na hatid niya pero nang malaman ko ang tunay na dahilan ng nangyari noon, unti-unti kong naintindihan at sa isang kisapmata ay napatawad ko na siya.

Wow... magic yarn, Sebastian? Rupok yarn?

Putang ina.

Akala ko 'yon na talaga ang pinaka-final na twist ng buhay ko pero sheyt na malagket, oo! Hindi lang pala-mala telenovela ang buhay ko! Pang Mexican drama na sa sobrang drama!

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad sa barko nang makarinig ng lagabog at sa malapit ay nakita ko ang batang nadapa.

Nagulat ako at nag-alala, nagmamadaling tumakbo palapit sa kanya para tumulong.

"Uy, bata, hala! Bakit ka tumatakbo? Ayan, nadapa ka tuloy." Tawag ko kaagad sabay hawak sa bulilit at alalay sa kanya pag-angat.

Kaagad na nagsalubong ang mata namin kaya nagulat ako nang matantong parang pamilyar siya pero hindi ko lang masabi. Ang pulang buhok parang 'yong sa conyo tapos 'yong mata...

Cute naman, be. Ganito siguro ang itsura ng souvenir ko no'ng bumisita ako sa Bikini Bottom.

Hindi, hindi... gago ka ba, Sebastian. Masyado ka nang madrama, ang dami nang nangyari sa buhay mo naghahanap ka na naman ng makikwestyon.

Bumuntonghininga ako sabay alalay sa bata para umayos ang kanyang tayo, malambing na ngumingiti dahil napapansin kong nakanganga siya at nakatitig sa akin.

Nangiti ako. Ang cute naman ni bebe, parang barbie doll. Ang sarap ipasok sa box tapos i-display.

"Ang ganda naman ng buhok mo. Ayos ka lang?" marahang tanong ko, naaaliw sabay haplos sa buhok niyang kulot. "Saan Mama mo, be?"

Nanatili siyang nakatitig kaya napailing ako bigla.

Kabobohan, Baste!

"Ay, baka Englisher ka pala." I cleared my throat, "where's your mother, baby?"

Pero nanatiling nakatitig lang siya sa akin, nagtutubig ang mata kaya kinabahan ako.

Hala, masyado bang masama mukha ko na natatakot ka sa akin, be?

Binasa ko ang labi at tumungo saglit para mag-isip ng sasabihin pero nakitang nahulog ang phone ng bata.

"Oh, nahulog pa 'yong phone mo," marahang sinabi ko nang madampot ang phone pero 'yon din ang pagkakatigil nang makita ang nasa screen at pinapanuod ng bata.

The phone's familiar and she's watching an episode from Spongebob... does this mean...

"Bakit 'to..." gulatang kong sabi sabay angat ng tingin sa kanya. "B-Bakit na sa 'yo..."

Pero ang sinunod niyang sinabi ay nagpaalog na ng mundo ko.

"Pa..." she mumbled, started sniffing now. "P-Papa..."

Ay, gago. Souvenir ko nga! Tang ina, Papa na si Mr. Crabs?!

Dapat ay magalit ako dahil sa pagtatago sa akin ni Gabriela sa souvenir ko. Mas tumibay lang ang pakiramdam kong akin si bebe nang lumitaw iyong Nanay niyang pinsan raw siya pero ang tawag sa kanya Mama Gab, parehas na pula ang buhok, hawig na hawig at nakiki-sleep over sa kwarto niya!

Her name is Melody! It strengthened my beliefs more and I know I should confront Gabriela after she hid me our child pero napaisip ako.

Ayoko nang magdesisyon ng mabilisan. I have a child now, too. Kapag nakagawa na naman ako ng kagaguhan ay paniguradong hindi lang si Gabriela ang mawawala ko, pati na rin ang anak namin kaya no'ng gabing iyon ay kinausap ko ang mga mapagkakatiwalaan kong guard, pati na rin sina Cap.

Hindi ko pa alam ang buong nangyari, kung bakit hindi sa akin sinabi ni Gabriela pero ang una kong prioridad ay ang kaligtasan nilang dalawa. She's hiding it, trying hard at least. Pati rin si Hernando ay nabakasan ko ng panic na nalaman ko kaya sigurado akong may dahilan iyon.

Nalaman ni Mama ang ginagawa ko kaya lumapit siya.

"What is it, hijo? You looked panicking, you alright, son?" iniangat niya ang kamay para haplusin ang pisngi ko.

"Ma..." tawag ko't tumungo sa balikat niya, "Ma, what if I tell you... what if I tell you I'm already a father?"

She froze. I was expecting her to exaggerate and ask me in details but she just moved away from me and cupped my cheek.

"What... what if I told you I knew?" she asked me back. Napanganga na ako.

"Ma...?" singhap ko, "what do you mean you knew? Is Melody..."

"Pearl Melody, hijo," she smiled, startling me. "I prepared some paper works proving what your investigator might find are all manipulated."

Hindi ako nakapagsalita at natulala lang sa kanya, "how... I mean, why didn't you tell me I already have a daughter?"

"It's for her highness and the little princess' safety, mi hijo. Eleonor, that woman's been manipulating them all these years and I-no, we must do something quietly not to place those girls in harm's way. I'm sorry, my son. I hope you won't get mad at me for hiding this, hmm? I just wanted the best for you... for them and of course, for a friend..." sumulyap siya sa may likod kaya sumulyap din ako at natigilan nang makita ang isang babaeng nakaputi at nakatago ang mukha sa mask.

The nurse? Akala ko ba sa mga Romanov ito...

I trusted my mother. Nagtatampo ako kay Gabriela pero nang marinig ko ang side ni Mama ay mas nakuha ko kung bakit niya kailangang itago si Melody at sabihing pinsan niya. Gusto ko nga mag-inarte dahil sa hindi ko man lang nakasama si Melody habang lumalaki at hindi man lang naalagaan si Gabriela pero itinabi ko na lang ang emosyong iyon at hindi hinayaang mamuhay sa puso ko.

Hindi ko naalagaan ang mag-ina ko. Hindi ko naalalayan si Gabriela habang nagbubuntis siya. Sumagi sa utak ko ang ala-ala no'ng buntis si G. Madalas siyang magka-cramps, magutom, umiyak at sumakit ang likod. Gano'n din kaya ang Gabriela ko? Ni hindi ko man lang nahilot ang paa niya, ni wala man lang ako no'ng naghirap siyang magbuntis.

Sa pagsisising iyon, may lugar pa ba ang galit at tampo? Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay marpotektahan ang mag-ina ko kaya isipin n'yo 'yong galit ko no'ng pagpunta namin sa mall, si Gabriela ang kasama ko, pagkauwi ko parang hindi na.

"Baby..." aniya sa malambing na tono. Ang paraan ng pagkakasabi ay kasing hinhin ng kay Gab pero ang timbre... hindi, mali. Mas pabebe rito ang Gabriela ko!

"What's the matter?" seryosong tanong ko, pinagmamasdan ang mukha niya.

Her face's definitely Gab's but... this isn't her. I'm sure as fuck.

Suot niya ang kwintas na kahawig ng kwintas na bigay ko sa prinsesa ko pero panigurado, hindi ito ang totoo. Mine was slightly out of shape while this one's a perfect circle. Alam ko kasi ako pa nagsisid noon.

"Anong masasabi mo sa bisita natin sa Bikini Bottom, 'te?" biglang tinanong ko at huling-huli ko kaagad ang pagkakabigla sa mga mata niya.

"What do you mean, Seb?" tunog inosente niyang tanong pero nangunot ang noo ko.

Dimunyo. Hindi talaga ito ang Gabriela ko! Gago, si dugong ba 'to?

"Sabi ko, anong masasabi mo sa bisita natin sa bikini bottom? Nalaman mo na ba ang secret recipe ng krabby patty?" hamon ko pa pero tumawa lang siya sabay hampas sa akin.

"You're funny, Seb! You're crazily funny, you know I couldn't understand you, right?" hinampas-hampas pa niya ang balikat ko kaya kinilabutan na ako at pasimpleng lumayo.

Gago, ano 'to? Sandy low budget version?!

"Buang ang gaga," bulong ko, kinakabahan na kung nasaan ang prinsesa ko. Pasimple kong inabot ang telepono at nagtipa ng message para kina Cap.

Pirated version 'to ng Gabriela ko!

I should be panicking but I shouldn't let her know. Dapat chill lang, kunwari maniniwala ako sa acting niya. Maniniwala naman 'to kung magkunwari akong walang alam sa nangyayari.

Tanga 'to, eh.

"What is it you're watching, Melody?" biglang tanong niya sa anak ko na nasa pagitan namin, nakikisilip sa phone.

Natahimik si Melody, nakita kong nag-angat siya ng tingin sa babae at minata iyon mula ulo pababa sabay simangot.

"No!" she snapped.

"Huh?" gulong sabi ng isa, "Mama Gab just wanted to look-"

"Who... who kowntrabida?" biglang tanong niya. "Who witch? Little Mewrmaid?" nahihirapan man buohin ng maayos ay malinaw niyang naitanong kaya tumitig ako sa dugong at mas nairita lang nang mukha siyang litong-lito.

"Huh? Aww..." sabay acting niyang masakit ang ulo, "s-sorry, Melody, Seb. I'm... I think I'm dizzy!" sabay sapo niya ng ulo kaya tumaas ang kilay ko.

Ha-Ha-Ha! Gagang 'to, napakapangit gumanap! Tuktukan kita, eh!

Binuhat ko si Melody mula sa pwesto niya sa gitna dahil masama na ang tingin sa isa na nahihilo pa kunwari.

"Tara dito, be. H'wag ka d'yan may Ursula," kausap ko kaya nagpabuhat siya kaagad.

"Mr. Kwabs..." biglang suminghot siya kaya lumambot ang tingin ko at bumulong.

"Yes, bebe kong bulol?"

"No, Ma Gab," she whispered back. "No, no, Mama. Bad witch. Urwsula ugwly!"

Oh, 'di ba? Anak ng tupa! Kahit ang bebe ko alam na hindi siya ang Mama Gab namin!

"Sshh, quiet lang, be." Bulong ko pa, "dapat hindi malalaman ni Ursula na alam natin na hindi siya ang totoong Little Mermaid kasi baka mapunta sa danger si Mama."

"Dangwer?" she mimicked with her wide, black eyes. Namumula pa ang pisngi at ang buhok ay may makukulay na hairclip kasi inayusan ng Mama Gab namin kanina.

"Opo, bebe bulol," sagot ko. "Ano sabi ni Mama Gab? Kapag may witch, ano dapat ang gagawin?" marahang tanong ko at kumurap-kurap siya sabay pakita ng kamay niya.

"Pakyu!" sabat niyang masaya sabay labas ng gitnang daliri kaya napasigaw na ako at tinago ang kamay niya.

"Pearl Melody!" namilog ang mata ko sabay yakap sa kanya, "sheyt na malagket! Bad 'yon, be! Bad!"

We did our very best to save my princess after finding out where she is. Nagplano pa kami ng pangmalakasan para maniwala 'yong tandang at dugong at luckily, sa awa ni Lord Jesus kahit marami na akong nagawang minus points sa heaven ay nagtagumpay kami.

Pero may huling pa-effect pa iyong tandang, nasaksak niya ang tagiliran ko kaya double dead na sabay tulak kaya nawalan ako ng balanse at nahulog sa yate.

I even saw my mermaid princess coming to my rescue. I tried reaching my hand up but water filled my lungs and slowly, I started losing consciousness.

Tila panaginip ang nangyari.

Nagsimula ang panaginip na 'yon no'ng nag-ikot kami sa Zarina.

Isabelle... Leandro...

Tila palabas na nakita ko nang mawalan ng ulirat ang nangyari. Sa panaginip na iyon ay nakita ko ang sariling kaharap ko, sinasabing kagaya niya'y maililigtas ako panigurado.

At tama nga siya. Sa muling pagmulat ko ay nakita ko si Gabriela na umiiyak sa harapan ko.

Unti-unti ay bumalik sa ala-ala ang sinabi ni Madam Yuka.

Asul ang nakikita... tumitig ako sa mga mata ng mahal ko.

Pulang hiblang sumasayaw sa hangin... pinagmasdan ko si Gabriela na hawak-hawak si Melody habang nag-iikot at gumagawa ng sand castle sa dalampasigan ng Zarina, sumasayaw ang hibla ng pulang buhok sa hangin.

Ang ganda talaga ni Gabriela, tang ina.

Umangat ang tingin niya kaya nagkatitigan kami. Unti-unti'y ngumiti siya ng matamis, kumindat ako.

"Ih, Seb nga! Don't kindat, ah?" biglang reklamo niya.

"Bakit?" natawa ako at muling sumandal sa lounger.

"Ih! It's early pa, I'm still playing with Melody pero crying na si Sandy..."

Tumikhim ako sabay ayos ng upo, umiiling kahit nanunuyo na ang lalamunan.

"Sandy, behave," mahinang sinabi ko at nahuli ko ang pamumula ng pisngi ng asawa ko sabay nguso at irap sa akin.

"Hmp! Later talaga ikaw!" reklamo niya sabay sulyap kay Melody na abala sa paglalaro. "Come, baby Melody! Let's make another castle!" hagikhik niya at naupo silang muli sa buhangin at gumawa ng sand castle.

Kulit talaga ng asawa ko...

Naks, asawa! Gago ka, Baste! Kilig ka naman?!

Kakakasal lang namin ni Sandy no'ng nakaraang araw at nagdesisyong mag-honeymoon dito sa Lost Island. Marami kaming plano at ang ihuhuli namin ay ang sa Brooklyn, kung saan kami nagkita para memorable.

Malay n'yo, makagawa na rin kami ng Melody 2.0!

"Baste!" nawala ang atensyon ko sa mag-ina ko nang marinig iyon at nakitang papalapit si G at Cap.

"Oh? Cap!" I greeted, mas lumaki ang ngisi nang makitang naka-awra ang terrorista.

"Naks naman, nakaayos ka, ah? Gusto mo lublob kita sa dagat?" asar ko pa pero bumusangot lang nang ngumisi siya sabay bad finger sa akin.

"Pakyu, basher! Crabs ka naman!"

"Guin..." ani Cap kaya nagpaawa ang isa. Natawa na ako.

"Bakit, akala ko ba kakain na?" tanong ko sabay sulyap doon sa pag-iihaw nila.

"Yes, but I have tanong," ani G kaya nilingon ko na. "You won't really accept the crown? You don't like maging hari-hari sa Spain?"

"Hari-hari?" tumawa ako at umiling sa mag-asawa, "alam n'yo namang 'di ako napalaki sa ganyan. Hindi ako nakapag-aral para sa pamumuno na 'yan, nand'yan si Anton, oh?"

"Yes, no doubt naman na super galing ni Duke Anton," ani G kaya nawala ang ngisi ko.

"Nag-aaya ka ba ng away, terrorista?"

"What?!" humalakhak siya, "of course not! I'm just saying the duke is great! Not to mention, hot and handsome too-"

"May sinasabi ka, Guinevere Castanier?" biglang putol ni Cap kaya natigilan si bulol at suminghap.

"N-Nothing! Of course, you're more tang ina, baby. Master Eagle, too! Want mo ba mag-play sa garden ni G? Hi-hi-hi!" aniya.

Napangiwi ako at umaktong nasusuka pero nang mapasulyap ako sa dalampasigan at nakita ang mag-ina ay nawala ang pagka-bitter.

Ay, mayro'n na pala 'ko ng akin!

"Pero won't you try?" bawi ni G nang tapos na sila maglandian ng asawa.

"Mas may pinag-aralan 'yang si Anton, mas handa 'yang maging hari kaysa sa akin. Ayoko mag-hari, gago, kinikilabutan na nga ako sa your majesty nila! Prinsipe pa rin naman ako kahit hindi ko tanggapin. Nasabi ko na rin kina Mama, ayos lang sa kanila. Ayos na ako, masaya na ako. May reyna ako ro'n, oh." Sabay sulyap ko sa dalampasigan at nangiti nang makita si Gabriela na buhat si Melody.

"Mas gusto kong alagaan ang reyna ko kaysa sa titulo na 'yan, Cap, G." Marahang sinabi ko, "'yang dalawang conyong bulol na 'yan? 'Yan 'yong titulo na gusto ko, maging Papa ni Melody at hari ng puso ni Gabriela."

"Yieeut!" biglang may humampas sa likod ko kaya napaubo ako at nilingon si Owen na nanggagago. "Edi ikaw na kilig eggs! Sana all pa rin ba?!"

"Tang ina ka, akala ko lalabas 'yong baga ko!" singhal ko pero naupo lang siya sa tabi ko at tumitig.

"Si Anton ang kukuha ng trono?" aniya, tumango ako.

"Mas magaling 'yan sa 'kin, malay ko ba sa batas doon sa amin baka awayin ko lang mga tao. Baka dahil 'di ko gets makagawa akong gyera 'di ko sadya. Kakatakot." Sagot ko at napatango-tango siya at napahawak sa batok sabay sulyap kay Cap.

"Cap, kapag nag-resign ako tapos sa Spain na 'ko titira, ayos lang?" biglang tanong niya kaya nanlaki ang mata naming lahat sa kanya.

"Anong gagawin mo sa Spain? Spanish bread ka na rin?" takang tanong ko pero bago pa siya makasagot ay nakarinig kami ng sigaw.

"Owen! The fuck I'm gonna do with this fish?! It's black and burning!" singhal ni Anton na iritadong nagpapaypay ng inihaw.

"Sandali, your highness! Miss mo naman ako kaagad!" tawa niya sabay tayo at lapit doon at nagkatinginan kaming lahat sabay kibit-balikat.

I just got my answer.

We had our lunch after waiting for the foods. Kumpleto kaming nakaikot habang kumakain. Kasama rin namin si Romeo na parang pangarap na maging tarsier kakalingkis kay Juliet na hindi na masubo ang kutsara sa kakakapit no'ng isa.

"Hoy, Romeo, umayos ka nga. Pakainin mo naman si Juliet," biglang sabat ni Ian kaya napatawa kami at umayos ang loko.

"Tss, naglalambingan kasi kami, gano'n 'yon," iling niya, "kung ako sa 'yo, mag-jowa ka na rin!"

Sumimangot si Ian sa kanya, iritadong kumagat ng manok at sinipa ang huli na tatawa-tawa.

"Papa... fish? Fishda?" bumaling ako kay Melody at nangiti.

"Anong fishda gusto mo, be?" tanong ko at nang ituro niya ang Tilapia ay kumuha ako para himayan siya. Tinulungan ko siyang kumain bago pasimpleng inaabot si Gabriela na binabantayan ang bawat subo ni Melody para makita ang kung may tinik ba.

"Mahal..." tawag ko at hinaplos ang kanyang braso.

"Hmm?" tanong niyang nakangiti kaya tinuro ko ang plato niya.

"Akin na 'yong plato mo, buksan ko 'yong alimango. Kumain ka na, ako na bahala magbantay dito kay bebe kong conyong bulol," sabay halik ko sa pisngi ni Melody na humagikhik at pinakain ako ng pagkain niya.

"Sorry, we're late," napabaling kami nang may dumating at napangiti ako't kaagad binati ang mga pinsan ni Cap.

"Mikmik boys!" sigaw ni G sabay tayo at lapit.

"Sorry," tumawa si Wave na pinsan ni Cap at marahang inabot ang babaeng katabi. "This is Therese, my sister. She will be your official translator if you'd push through into talking to Mr. President."

"Your highnesses," bati ng magandang babae.

"Hello, Therese! You are so maganda!" Gab greeted, standing to greet her, "anyway, I'd like you to meet my friends-" pero biglang may naubong malakas kaya napasulyap kami kay Ian na nabulunan, nakatitig kay Therese na nakatingin din sa kanyang nanlalaki ang mata.

It was a long way and journey until we reached our own definition of happy ending. Nasa balkonahe kami ng barko kong binili na nakadaong malapit sa Zarina kaya sa malayo ay kitang-kita namin ang isla.

Melody's fast asleep. Masyado kasing hyper kaya tumba ang pambato kong basher na bulol pagkatapos mag-shower at ito kami ng mahal kong reyna habang nakatayo siya at nakamasid sa dagat at yakap-yakap ko siya mula sa kanyang likod.

"I mahal you, Sebastian Leandro ko," bulong niya.

Nag-init ang pisngi ko, mas niyakap ang asawa at pinakinggan ang marahang hampas ng alon sa barko.

"Mahal din kita, Gabriela Isabelle," bulong ko pabalik at mas niyakap siya, iniharap ko siya ng paunti-unti sa akin at ngumiti nang magtagpo ang mga mata namin, dinarama ang init ng kanyang katawan.

"Mahal na mahal... salamat kasi dumating kayo sa buhay ko. Sa lahat ng inaasahan, ikaw ang paborito ko. Sa bawat pagdududa, ikaw... ikaw ang sigurado ko." Bulong ko sabay halik sa kanyang ilong.

"You, too." Bulong niya, malambing na inaangat ang kamay at hinahaplos ang pisngi ko. Mas naging malakas ang hampas ng alon. "Sa everything na I'm not sure, you ang only sure."

Seryoso na dapat pero napabughalit ako ng tawa sabay pisil sa kanyang ilong.

"Why ka nag-laugh-laugh? I'm seryoso, ah?!"

"Cute mo, gaga," halakhak ko sabay paraan ng ilong sa kanyang pisngi. "Mahal, alam ko na ipapangalan ko sa barkong 'to."

"Really?!" she jumped, "what is it?"

Sumulyap ako sa isla, pinakinggan ang tila tinig at awiting hampas ng alon pabalik sa asawa ko at unti-unti'y hinalikan siya.

"Isabelle..." bulong ko.

Nagliwanag ang mata niya, unti-unti'y kumislap iyon sa luha at nang muling magtagpo ang labi namin ay hindi na muling mapaghiwalay.

"Leandro," she whispered my second name like a prayer, "no one's gonna make hiwalay to us. I'm gonna sampal them left and right!"

"Uh-hmm..." inabot ko ang katawan niya sabay angat ng manipis na night dress at pasok ng palad sa panty niya.

"S-Seb! Oh my..." singhap niyang nanlalaki ang mata. "Why ka... hala, OMG! Sandy's gonna cry!"

"Edi paiyakin natin, mahal," bulong ko at mas idiniin siya at nang marinig ang daing niya't yakap sa aking batok ay mas nag-init ako at hinagkan na ang kanyang leeg.

"I'm grateful and forever thankful because of that royal visit in Brooklyn, Gabriela," I whispered. "How about a grand royal visit in Bikini Bottom, Sandy?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co