Chapter 5 - Rut
Miguel's POV
Wala akong mukhang maiharap kay Mikhael nang pumasok kami pabalik ng classroom. Hiyang-hiya ako! Hindi ako makapaniwalang tinanong ko siya kung magse-sex kami sa loob ng banyo!
Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Halos hindi ko lingunin o matingnan manlang si Mikhael sa classroom. Gusto ko man makita kung anong ekspresyon at itsura niya ngayon, sa tuwing lilingon ako sa kaniya ay mabilis din itong titingin sa akin, kaya agad akong nagpapatay-malisya at kung saan-saan nalang lumilipad ang paningin ko.
Pagkatapos ng klase ay mabilis kong inayos ang gamit ko. Agad kong isinakbat sa balikat ang bag ko bago nagmadaling lumabas ng classroom at bumaba ng hagdan.
"Sorry, sorry," ilang beses akong may kamuntikan na mabangga at ilang beses akong muntik na mahulog sa hagdan.
Nang makalabas ako ng gymnasium ay nakahinga ako nang maluwag. Napasapo ako sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga.
Mabuti nalang at natapos na. Kung nagtagal pa ako doon ay baka bumulagta nalang ako bigla sa sahig. Para akong nalulunod habang nasa klase. Para akong sinasakal at hindi makahinga.
I asked him if we were gonna have sex! In the bathroom! Nakakahiya!!
Napahilamos ako sa mukha. Nang mapagtanto kong pawisan ang noo ko ay kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at nagpunas ng pawis sa noo.
"Miguel!" Agad akong napalingon kay Mikhael nang marinig ang boses nito sa likuran.
Namilog ang mga mata ko bago agad nag-alis ng tingin at akmang maglalakad palayo nang magsaita ulit si Mikhael, "Bakit ka umiiwas?" Matigas ang pagkakasabi niya nito.
Napapikit ako nang mariin bago ako napakagat sa labi.
Hinarap ko siya at ngumiti nang peke, "Hindi ako umiiwas." Tanggi ko.
Umangat ang isang kilay ni Mikhael bago humakbang palapit sa akin na siyang ikinahakbang ko paurong, "Oh, bakit...!?" Taranta kong tanong habang nakalahad ang kamay sa harapan para pigilan ito kung lalapit pa siya lalo.
Kumunot ang noo ni Mikhael, "Lalapitan kita. Ihahatid kita pauwi-"
"Hindi na!" Agad akong tumanggi.
Namilog ang mata ko, "Kaya ko na, Mikhael!" Nag-thumbs up ako sa kaniya at nagpilit ng ngiti.
Kumiling ang ulo ni Mikhael at nanliit ang mata, "Was this about what happened kanina?" Nadali mo!
Naitikom ko ang bibig ko bago ngumirit, "Oo, eh. Nahihiya ako, okay? Nakakahiya! You were just trying to help, and I assumed we were gonna have sex and... that was just really embarrassing, Mikhael. Hindi ko kinakaya. Nahihiya ako sa'yo. Ang bait-bait mo sa akin, tapos bigla akong mag-iisip ng ganun. I'm sorry." Hindi na ako nakatiis.
Muling kumunot ang noo ni Mikhael, pero ngayon, may maliit na ngiti siya sa labi.
"Miguel... how old do you think are we? We've been dealing with this heat-rut bullshit for years, and what happened a while ago was understandable. If I were in that situation, if my rut were in spike and starting to be uncontrollable, and you were there, I would think of the same thing. Iisipin ko rin na magse-sex tayo sa banyo para lang maibsan yung pinagdadaanan ko. And that's unfortunately normal to us."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Mikhael. Ang hiya at kaba na nararamdaman ko kanina'y kahit papaano ay nabawasan.
Oo nga naman... hindi ko naman kasalanan kung hindi ko makontrol ang sarili ko kanina. Hindi ko kasalanan kung hindi ko mapigilan ang sarili ko na gustohing maapila ang apoy na nagninitsa sa loob ko.
Naglakad papalapit si Mikhael, "So please, stop worrying and stop getting embarrassed about what happened kanina. It's okay. Hindi ako na-awkward-an, hindi ako na-weirdo-han, at hindi ako nagalit. Naiintindihan kita." Ani niya at nagkibit-balikat pa.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko bago tumango, "Okay, sige. Pero I'm sorry pa rin." Napasinghal ako.
"Ang weird kaya na tinanong kita kung magse-sex ba tayo!" Dagdag ko na, ikinahagikhik niya lang bago tuluyang makalapit sa akin.
"So... tara na, ihahatid na kita para makapagpahinga ka na." Ani niya, at tumango ako bago siya sinundan sa kaniyang sasakyan.
"Gusto mong maghapunan mamayang gabi?" Tanong ko bago kami makarating sa babaan.
Nakita kong kumunot ang noo niya bago ako nilingon, "You're inviting me for dinner?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya at ang maliit na ngisi rito.
Tumawa ito nang pagak, "Bago 'yan, ah. Does this mean we're friends already?" Tanong niya na ikina-irap ko.
"Hindi. Kasi ayaw mo pa rin sa mga Omega, eh." Ani ko, bumagsak ang balikat ni Mikhael.
"Hindi nga sa ayaw ko sa Omega. Ayaw ko lang na baka mapunta kung saan kapag nakipag-close ako." Ani niya, napailing ako habang nakangisi.
"Marupok ka ba, Mikhael? Natatakot kang ma-fall?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Inaasar ba ganun?
Nakita kong nagparte ang labi niya, kumurap nang ilang beses bago nag-iwas ng tingin at tumawa nang pagak, "Baliw," bulong niya na ikinahagikhik ko.
"Sige na," pabiro ko itong hinampas sa braso gamit ang likod ng palad ko, "Add mo 'ko sa Facebook, Miguel Tan, tapos message kita kapag kakaain na tayo." Ani ko rito.
Tumango ito pero nakatingin pa rin sa unahan.
Inalis ko ang seatbelt na suot ko. "Mga... 7:30, ganun. Magbabasa lang ako ng readings sa PI 10." Sagot ko at kumunot ang noo niya bago humagalpak ng tawa.
"Babasahin mo pa yun?" Taas-kilay niyang tanong.
Napa-iling ako habang nakangisi bago binuksan ang pinto, "Siyempre, good student 'to 'no!" Ani ko bago bumaba ng sasakyan.
"Bye na! Add mo 'ko ha!" Paalam ko rito bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Bumusina pa si Mikhael na kinawayan ko pabalik habang pinapanood na umalis ang sasakyan niya.
Pagdating ko sa dorm ay naabutan ko si Kuya Chris na natutulog, kaya dahan-dahan akong gumalaw sa kwarto. Nag-body wash muna ako at nagpalit ng damit para mawala ang amoy ng pheromone ko sa akin.
Pagkatapos ko mag-body wash at nakita kong nag-send na ng friend request sa akin si Mikhael.
Mikhael Anthony Zamora V
5.7k followers • 790 following
🌻UPLB-MechEng👷
Sasablay pero sasablay 🌻☝️☝️
Wow, may paganun siya. Yung profile picture niya, halatang kuha pa sa ibang bansa dahil naka-premium ang lighting. Yung cover photo naman niya ay scenery galing sa tuktok ng bundok. Hiking? Kung mahilig pala siya sa hiking, sana nag-forestry na lang siya. Dun, hiking siya halos araw-araw.
Pagka-accept ko ng friend request niya ay inilapag ko muna sa lamesa ang cellphone ko at nag-set up ng laptop para magbasa ng readings.
Bandang alas sais ay may nag-message sa akin. "Ang aga naman, Mikhael. Gutom ka na ba?" bulong ko bago dinampot ang cellphone ko.
Pagbukas ko ng Messenger ay message ni Lexi ang bumungad sa akin.
From: Alexi Hyacinth
Dinner tayo sa Kuya Dags!!!!
Nagparte ang labi ko bago agad nag-type ng reply.
To: Alexi Hyacinth
Pass muna, may kasama akong mag di-dinner mamaya.
From: Alexi Hyacinth
ahyyy, okay!
From: Alexi Hyacinth
Ay! Oo nga pala! Musta ka? Meron ka ngayon, diba? Kaya mong lumabas?
From: Alexi Hyacinth
Ahyyyyy, baka naman ikaw ang maging dinner ha! ayusin-ayusin mo!
Muntikan na akong mapahagalpak ng tawa sa message ni Lexi.
To: Alexi Hyacinth
ewan ko sa'yo!!! eat well nalang sa inyo
Natatawa akong inilapag sa lamesa ang cellphone ko bago nagpatuloy sa pagbabasa ng readings ko.
Bandang alas syete ng gabi ay nag-message na ako kay Mikhael kung game na ba siyang kumain.
From: Mikhael Anthony
G, paalis na ako ng apartment.
Nag-thumbs up lang ako sa message niya bago nagsimula nang mag-ayos ng gamit at sarili. Saktong palabas na ako ay siyang message sa akin ni Mikhael at nagtatanong kung saan daw ako nakatira.
To: Mikhael Anthony
Kita nalang tayo sa may agapita
From: Mikhael Anthony
Puntahan kita, send loc.
Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya at nag-on na lang ng location.
"Saan ka?" Tanong sa akin ni Kuya Tim na kalalabas lang ng banyo nang makita akong nagsusuot ng Crocs.
"Kakain lang sa labas." Sagot ko at tumango ito. "Sige, ingat ha." Bilin nito at tumango ako bago lumabas na ng kwarto.
Paglabas ko ng dorm ay pinapanood ko ang location ni Mikhael na isinend din niya na papalapit nang papalapit sa location ko. Ilang minuto pa akong naghintay doon hanggang sa maya-maya ay natanaw ko na itong lumiko sa kanto ng dorm namin.
"Layo 'no? Sabi ko sa'yo magkita nalang tayo sa Agapita, eh." Sinalubong ko na siya sa may kanto.
Umiling si Mikhael, "It's fine, it's a good walk anyway." Ani niya at tumango ako.
Nagsimula na kaming maglakad. Napansin ko ang pananamit niya ngayon na medyo ikinakunot ko ng noo, "Nakaporma ka, ah? May lakad ka?" Tanong ko, nilingon ako ni Mikhael, nakakagat sa pang-ibaba niyang labi bago umiling.
"Wala naman, pupunta lang kaming Puesto nila Karl mamaya." Sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Wow ha," napasinghal ako, "Gabi-gabi talaga kayong nasa Puesto?" Biro ko rito.
Sa apat na beses ko siyang kaklase sa isang linggo, madalas kong marinig ang mga kaibigan niyang ayain siyang mag-inom at mag-bar. Parang wala yatang araw na absent sila sa inuman.
"Hindi naman gabi-gabi," ani niya, na ikinalingon ko sa kaniya, "Talaga?"
"Minsan nasa Tresto naman kami o LB Square." Dagdag niya na ikinabuntong-hininga ko bago ikina-iling.
"Komedya ka," ani ko na ikinahagikhik niya sa tabi ko.
Wala rin! Bar din! Sunugan din ng atay!
Tumatawa kami ni Mikhael nang maka-amoy ako ng malakas na pheromone ng isang Alpha. Agad napakunot ang noo ko at napatakip sa ilong at bibig. "Shit!" Napamura ako nang mahina. Pagtingin ko sa unahan ay nakita ko ang isang Alpha na pagewang-gewang maglakad at halatang nasa cycle niya.
"Dito ka," nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Mikhael at hinigit papunta sa kaliwa niya para hindi ako mapapalapit sa Alpha.
Nang makasalubong namin ito ay bahagyang nanghina ang tuhod ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang paghigpit ng kapit ni Mikhael sa balikat ko hanggang sa makalabas kami sa madilim na eskinita.
Tumigil kami ni Mikhael sa may intersection. "Okay ka lang?" Inalis ni Mikhael ang kamay sa balikat ko.
Agad naman akong tumango habang inaayos ang hoodie ko, "Oo, nagulat lang talaga ako sa amoy niya at natakot na rin para sa ating lahat." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit? Eh, Alpha naman ako." Tanong niya at umiling ako, "Paano kung mag-release ako bigla ng pheromone? Tapos madamay ka? Edi tatlo na tayong nagpapasingaw dun?" Tanong ko na ikinahagikhik niya bago tumango.
Wala kaming nagustuhan na makakainang karinderya kaya nauwi kami sa Jollibee sa may UP Gate kung saan dagsa pa rin ang mga estudyante.
"May energy pa sila kasi simula palang ng sem." Ani ko, nang maupo kami ni Mikhael habang hawak ang pager.
Napalingon ako sa gawi ng mga estudyante na medyo maingay bago napatingala sa kisame ng fast food chain, "Bakit gusto mo rito sa Jollibee kumain? Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ko bago nagbalik ng tingin sa kaniya.
Nagtaas ng magkabilang kilay si Mikhael, "Ang layo na kasi ng nilakad natin-"
"Ahh, napagod ka na?" Putol ko at agad siyang umiling.
"Kasi pagod ka na. Nakita kaya kita, hinihingal ka na. Tapos red phase mo pa. Ang sama ko naman na paglakarin pa kita ng malayo, diba?" Sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Uy! Hindi, baliw! Kaya ko pa talaga." Sagot ko at tumango siya na parang napipilitan nalang siya at hindi naman naniniwala sa akin.
"Pero naaawa ako. What kind of Alpha am I to tire out an Omega who's in his heat cycle?" He cocked a brow.
Napatawa ako nang pagak, "You're being too good to be true. Alam mo ba yun?" Tanong ko at napakunot ang noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Pinag-cross nito ang braso sa tapat ng dibdib at sumandal.
Nagkibit-balikat ako, "Masyado kang mabait, masyado kang maalaga sa'kin kahit last week palang tayo magkakilala. Alam mo yun... you're an Alpha and I'm an Omega. Siyempre, madalas naming isipin na... mabait lang kayo dahil may gusto kayong makuha sa amin." Paliwanag ko at nagparte ang labi niya at halatang natigilan.
Naningkit ang mata niya. "So... you think I'm doing all these because... I wanna have sex with you?" tanong niya bago itinaas pa ang magkabilang kilay.
Napatawa ako nang mahina at napatungo pa. Nang muli kong i-angat ang ulo ko ay malalim na ang tingin niya sa akin. "If I wanna have sex with you, diba dapat pumayag ako sa tanong mo kanina? Dapat... nag-sex na tayo sa banyo." Dagdag niya at napabuntong-hininga ako.
"Pero gagawin mo ba? Would you have sex with me?" Prangka kong tanong bago siya tinaasan ng isang kilay.
Bumaba ang tingin nito sa akin bago muling tumaas, "Hindi," diretso niyang sagot.
"But not because you don't attract me, but because I'm trying to protect you." He replied, which made me confused.
"Protect? Saan? Ayan ka nanaman! Letche!" Singhal ko at agad siyang umiling. "Secret," nakangisi siyang sabi na ikinabuntong-hininga ko.
"Siguro halimaw ka sa kama 'no?" Direkta kong tanong. Si Mikhael, na nagulat sa tanong ko, ay biglang humalakhak, na ikinalingon ng ibang tao.
Agad itong nagtakip ng bibig, "What the fuck, Miguel!? That's too blunt! I didn't expect you to ask that!" He whispered-shouted at me.
Humagikhik ako, "Oh, bakit? How old do you think are we? Of course, alam ko 'yon," sagot ko, at tumango siya.
"So this is how you want to know things about me? By asking about my libido and sex life?" Tanong niya at ako naman ang muntikang mapahalakhak.
"Nagbibiro lang naman kasi ako sa tanong ko. Pero ikaw ang bahala kung sasagutin mo yung tanong ko." Sagot ko sa kaniya at nagkibit-balikat pa.
Tumango siya bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya, "Alright, I can answer that while waiting for our food." Ani niya at tumango ako.
"Sige, habang naghihintay," mas naging komportable ang upo ko sa bangko at pinag-cross na rin ang braso gaya ng sa kaniya.
"Well... to answer your question, yes, I get too rough during sex. Just... an Alpha thing, you know? We tend to last longer, too, and take too long to ejaculate. Mataas din ang libido namin kaya ganadong makipag-sex." Sagot niya at tumango ako.
"Gets naman. Lahat naman ng Alpha ganiyan, eh 'no? Kahit mga kaibigan ko na Alpha, nakakapagkwento minsan tungkol sa sex life nila and ganiyan din sila." Sagot ko at nag-hum si Mikhael.
"Eh, ikaw? How's your sex life? How long do you last in sex?" Tanong niya at bahagya akong napatawa.
"Hindi ko na maalala kasi matagal na yung last time na nakipag-sex ako." Sagot ko sa kaniya at kumunot ang noo niya.
"Really? You don't do sex kapag in-heat ka?" Tanong niya at umiling ako.
"I do, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Lahat ng na-experience kong sex ay dahil sa heat cycle ko. Pero huli kong sex dahil sa heat ay noong freshie pa ako, tapos hindi na nasundan ulit." Sagot ko at utay-utay siyang tumango.
"Tagal na rin pala-"
"Three years na akong celibate." Putol ko sa kaniya na ikinahagikhik niya.
"Ikaw? When was your last time?" Tanong ko at mukhang nagulat pa siya sa tanong ko.
Bahagyang naging malikot ang mata niya at kung saan-saan tumingin. "Well... uhm... medyo matagal na rin. Mga... last November," sagot niya at tumango ako.
"Hindi ka nakipag-sex noong rut cycle mo noong December? Ngayon hindi rin? O hindi pa? Mamayang gabi pa?" Pabiro kong tanong na ikinahalakhak nanaman niya.
Umiling ito, "Hindi 'no! I'm trying to be celibate too." Sagot niya at tumango ako. Inabot ko ang pager sa lamesa at pinaglaruan iyon.
Tagal naman, gutom na ako. Pero gets naman dahil ang dami rin ng tao.
"Nagka-pregnancy scare kasi yung huling naka-sex ko. Kinabahan ako-"
Napahagalpak ako ng tawa. Sa sobrang hiya ay napasubsob ako sa lamesa habang humahagikhik nang walang tunog. Ang balikat ko ay umaalog-alog pa habang nagluluha na ang mata ko. Halos isang minuto rin akong nakasubsob sa lamesa at nang mag-angat ng ulo ay agad akong nagpahid ng luha.
Si Mikhael ay nakangisi lang sa harap ko, pero namumula na, halatang nagpipigil ng tawa.
"Muntikan na palang maging tatay." Ani ko habang pinupunasan ang lens ng salamin ko.
Mas lalong ngumisi si Mikhael bago tumango, "Natakot ako, eh." Ani niya na mas lalo kong ikinabungisngis.
"Takot palang magka-anak-"
"Ayoko na rin," putol niya na ikinahulog ng panga ko.
"Wow. Nagka-trauma bigla na magka-anak matapos magka-pregnancy scare, eh." Ani ko na ikinangisi niya bago umiling.
"Hindi dahil dun. Kasi-"
Parehas kaming napatingin sa pager na tumunog at nag-vibrate. "Ako na," kinuha niya ito mula sa akin bago tumayo.
Pagkain lang pala ang makakapagpatahimik sa amin. Laking ginhawa siguro ng mga taong nasa paligid namin dahil sa wakas ay matatahimik na rin kaming dalawa.
Umalis din kami agad pagkatapos dahil dumadami pa lalo ang mga tao at may mga naghihintay na ng lamesa.
Naglalakad kami papasok ng UP papunta ng Raymundo nang may i-abot siya sa akin.
"Ano 'to?" Taka kong tanong habang pinagmamasdan ang supot.
"Suppressant, yung brand na ginagamit ko." Sagot niya at napakunot ang noo ko.
"Bakit? Eh meron pa ako." Taka kong tanong bago binuksan ang supot.
"Just to ensure longer effectiveness. Para hindi kana malagay sa alanganin kagaya ng kanina." Sagot niya at tumango ako bago ibinulsa ang supot.
"Naks, thank you. Baka manibago ako niyan. Mamahalin yung suppressant na gagamitin ko." Biro ko na ikinahagikhik namin parehas.
Umalis din agad si Mikhael nang maihatid ako sa dorm. Nagbilin din ako sa kaniya na mag-ingat, lalo pa at nasa red phase din siya tapos pupunta pa sa bar.
Kapag gagawin ko 'yon, baka umuwi ako na nagdadalang-tao, eh.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. May message rin sa akin si Lexi na sumabay daw ako sa kanila magtanghalian. Sa loob lang din naman ng Raymundo ang aya nila, kaya pumayag na ako.
Walang klase si Kuya Luke, kaya dalawa kami sa kwarto na nagpapalipas ng oras. Naligo ako at isinuot ang hoodie ko kagabi dahil malamig sa labas. Umaambon din nang bahagya pero hindi ko na inabalang magdala ng payong at lumabas nalang dala ang cellphone, wallet, at susi ko.
"Ayan na siya. Ang in-heat na Omega ng San Pedro, Laguna." Kadadating ko palang pero napag-trip-an na agad ako ni James.
Napangisi ako habang umiiling nang maupo sa tabi ni Faith, "Ako nanaman, ako nanaman." Singhal ko rito na ikinahagikhik nina Lexi at James.
"Alangang si kuya sa kabilang table, diba?" Singhal pabalik sa akin ni James na ikinabuntong-hininga ko.
Patayo na sana ako para bumili ng pagkain nang bigla akong higitin ni Faith na muntikan ko pang ikatumba.
"Amoy Alpha ka!" Halos sumobsob na ito sa leeg ko na ikinalaki ng mata ko at nila James at Lexi sa harap namin.
"Uy...!" Agad akong lumayo sa kaniya at inayos ang kwelyo ng hoodie ko na nagusot, "Lumabas ako kagabi kasama ng kaklase kong Alpha sa GE tapos ito rin yung suot ko. Hindi palang siguro natatanggal yung pheromone." Paliwanag ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Faith, nang lumingon naman ako kila James ay magkaparte ang mga labi nito at pakurap-kurap pa.
"Alpha pala yung kasama mo kagabi?" Tumuwid ang likod ni Lexi bago kunot-noo akong tiningnan.
Tumango ako habang kinukuha ang wallet sa bulsa ng hoodie, "Yep, hindi ko ba nabanggit? Bili muna akong pagkain." Paalam ko sa mga ito.
Pagbalik ko sa lamesa ay hindi pa rin nila ginagalaw ang kanilang pagkain at hinihintay akong dumating.
"Hay salamat, dumating din." Daing ni James na ikina-iling ko pa bago naupo.
"Anong ginawa niyo nung Alpha kagabi?" Tanong ni Faith habang kumakain kami.
Si James, na mukhang may naisip na agad na kalokohan, ay nag-angat ng tingin sa akin habang nakangisi.
"Kumain ng hapunan. Yun." Sagot ko, medyo nagtunog defensive pa na mali ko.
Tumango si Faith, "Habang red phase mo?" Sa tono ng boses ni Faith ay parang pinagdududahan niya ako.
Kumunot ang noo ko bago tumango, "Oo. Wala namang mali dun. Parehas naman kaming naka-stabilizer kaya okay lang kahit parehas naming red phase." Sagot ko bago sumubo ng pagkain.
Nakita kong sabay-sabay silang tumingin sa akin na ikinatawa ko nang pagak, "Ang OA niyo. Ano naman, diba?" Natatawa kong sabi.
Si Lexi ay nag-ayos ng upo bago uminom ng tubig. Inilapag nito ang baso sa lamesa, "Ang weird lang kasi parehas ninyong red phase tapos magkasama pa kayo. Wala lang, ang weird lang sa'kin. Kasi kung ako yun, ma-te-tempt ako." Ani niya na ikina-iling ko.
"Ayan, ganiyan kayong mga Alpha. Mga walang self-control." Biro ko rito na ikinanguso ni Lexi habang nilingon naman ako ni Faith.
"'Wag kang makinig kay Lexi. Hindi lahat ng Alpha, malibog kagaya niya." Prangka nitong sabi na ikinahagalpak namin ni James.
Sa hiya ni Lexi ay napasapo ito sa mukha habang kami ni James ay parehas napatakip sa bibig namin pero humahagikhik pa rin.
"Pero sino yung Alpha na kasama mo kagabi?" Natigilan kami ni James sa kakatawa nang muling magsalita si Faith.
Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko. "Si Mikhael Zamora. Kilala mo?" Tanong ko at agad kumunot ang noo ni Faith.
"Burgis ng CEAT?" Tanong niya at napatawa ako nang bahagya bago tumango, "Siguro. May sariling kotse, eh. Naka Mercedes." Sagot ko at tumango siya.
"Sikat 'yan sa freedom wall nung freshie 'yan, ah. Hindi ka informed?" Tanong ni Lexi at umiling ako.
"Marami namang nababalita na burgis dito. Pero gets ko kung bakit na-fwall si Mikhael. Mukha naman talagang burgis." Sagot ko at tumango si Lexi.
"Apex Alpha yun diba? Buti hindi ka inaabuso?" Tanong ni Faith at kumunot ang noo ko bago umiling.
"Mabait siya actually. Nagulat din ako." Sagot ko at agad na tumango si James.
"Mabait nga raw yun. Mga kaibigan lang ang gago kaya nadadamay siya. Tapos stereotype dahil Apex Alpha. Gets naman kasi mukha naman talagang masungit at first glance." Ani ni James,
Nag-hum si Faith sa tabi ko, "Pero mag-ingat ka pa rin. 'Wag kang basta-basta magtiwala." Paalala nito na ikinabungisngis ko bago tumango. "Opo, Ate." Pang-aasar ko rito na ikina-irap ni Faith.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin ako kaagad para makapagpahinga. Gabi na ako nagising at nagpainit lang ng tubig para sa cup noodles ko. Kumakain ako habang tinatapos ang readings ko sa PI 10. Pagkatapos ay naglaro lang ako ng saglit ng Roblox bago nagturok ng inhibitor at natulog na.
Medyo magaan-gaan na ang pakiramdam ko kinabukasan, pero hindi ko pa rin pwede i-risk na hindi magturok ng suppressant dahil mahirap nang mangamoy sa kalagitnaan ng klase. Maaga akong umalis ng dorm para mag-almusal sa WeDeliver. Hindi na ako gaanong nagtagal doon at pagkatapos kumain ay umalis na.
"Okay ka lang?" Pagpasok palang ni Mikhael ng classroom ay napansin ko na ang matamlay nitong mukha.
Umupo ito sa tabi ko, ibinaba ang bag bago tumango, "Oo naman.Why'd you ask?"
Umiling ako bago pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, "Wala naman. Mukha ka lang matamlay." Sagot ko at nag-hum ito bago napahilamos sa mukha.
"Ah, baka dahil alas sais na ako nakauwi," sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Bakit naman? Puesto ulit?" Tanong ko at umiling ito. "Pumunta kami sa BGC kagabi. Sponty lang," sagot niya at nagparte ang labi ko bago napakunot ang noo ko.
Ibang klase talaga. Sponty, Los Baños to BGC, ayos. Kakaibang trip yun.
Nililingon-lingon ko siya paminsan-minsan sa klase. Tinitingnan ko lang kung okay lang ba siya dahil kakaiba ang katahimikan niya ngayong araw. Medyo naamoy ko rin ang pheromone niya na bahagya kong ikinababahala.
"For this activity, you will pick a partner!"
Bahagyang namilog ang mata ko nang napapalakpak ang prof namin. Naglibot ako ng tingin sa classroom at nakita na kaniya-kaniya silang pili ng ka-partner.
Ipinaliwanag ni Ma'am ang gagawin at mabuti nalang ay take-home assignment ito. Akala ko naman ngayon din ipapasa, eh 25 minutes nalang ang meron kami.
"Mikhael," tinapik ko ito sa braso niya.
Nilingon ako nito, nakahood at mapungay ang mga mata, "Bakit?"
Tumango ako na senyales na inaaya ko siya, "Partner tayo, madali lang naman yung gagawin. Kahit sa Sunday night na natin gawin." Aya ko at tumango ito bago nag-ayos ng upo dahil halos humiga na ito sa bangko niya sa sobrang pag-slouch.
"Sige, sabihan mo lang ako. Free ako anytime." Sagot niya at tumango ako bago gumawa ng Google Document sa cellphone at isinend iyon sa kaniya. "Ayan, sinend ko na sa'yo yung Google docs," ani ko at tumango lang ito at hindi na nagsalita.
Makalipas ang ilang minuto ay dinismiss na rin kami ni prof. Si Mikhael ay nauna-unang lumabas. Baka masama na talaga ang pakiramdam nito at matutulog kagaya ng ginawa namin noong nakaraan.
Paglabas ko ng building ay nakita ko ito sa may hagdan at may kausap. Bagong mukha nanaman iyon at mukhang isa nanaman sa mga kaibigan niya. Grabe rin talaga ang pagiging social butterfly ng isang yun.
Papaalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Mikhael. Natigilan ako sa paghakbang at nilingon siya, "Bakit?" Itinaas ko ang magkabila kong kilay.
Naglakad ito palapit sa akin, nakasuot pa rin ng hood niya at nakatungo ang ulo. "Sure kang okay ka lang? Kaya mo pa bang mag-HK?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ito.
Agad naman siyang tumango at nag-angat ng ulo. "Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Masama lang ang loob ko." Sagot niya at nagparte ang labi ko.
"Masama ang loob? Sa'kin ba?" Tanong ko at agad nanlaki ang mata niya at kumunot ang noo bago umiling, "No. Why would I be mad at you?" He sounded as if I had just offended him.
Nagkibit-balikat ako, "Awan, naisip ko lang." Sagot ko at humagikhik ito bago umiling.
"May gagawin ka ba ngayon? Nagugutom ako, eh. Sama ka? Libre ko," aya niya, at bahagyang umangat ang kaliwa kong kilay bago hindi na napigilan ang tumango, "Sige ba, basta libre mo, eh." Sagot ko at napabungisngis na rin siya bago tumango.
Kumain kami sa may likod lang ng building. Burger at fries ang ibinili niya para sa'kin habang siya itong kumain ng siomai rice at burger.
"Pwede magtanong?" Pinapanood ko siyang kumain nang hindi ako makapagpigil na magtanong na. May pagka-tsismoso rin kasi talaga akong tao.
Nag-hum si Mikhael bago nagpahid ng gilid ng labi, "Sure, go on," ani niya at tumango ako.
"Bakit masama ang loob mo? May nangyari ba? Okay lang kung ayaw mong sabihin. Baka lang may maitutulong ako." Tanong ko sa kaniya bago kumagat sa burger ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya, pero may nagbabadyang ngisi sa labi. "Gusto mong malaman?" Tanong niya na para bang nanghahamon pa. Bahagyang napakunot ang noo ko bago tumango, "Kung okay lang, oo, gusto ko." Sagot ko sa kaniya at lalo itong ngumisi.
"Lapit ka," sinenyasan niya akong lumapit gamit ang kamay niya.
Inilapag ko ang burger ko sa lamesa bago lumapit sa kaniya. Nang inalapit niya ang mukha niya sa akin ay medyo nailang pa ako.
Too close. Medyo lumalakas ang kalabog ng dibdib ko.
"I had sex last night and-"
"Mikhael naman!" Napahagalpak ako ng tawa bago siya itinulak palayo.
Napasandal ako sa bangko at gumapang ang kamay ko sa aking tiyan habang humahagikhik, "Baliw! Bakit masama ang loob mo dun?! Hindi ba... masarap?" Binulong ko ang pahuli na ikinahagikhik niya, "I mean," tumikhim siya, "It was good as far as I can remember. It's just... I wasn't really planning to have one. Inakit niya ako gamit ang pheromone niya, eh. Hindi ako nakapagpigil." Dagdag niya, tumatango akong dinampot ang burger ko at nagtatanggal pa ng tinga sa ngipin gamit ang dila.
"Trauma na sa last time na nagka-pregnancy scare." Biro ko na, ikinahagikhik niya habang umiiling.
"At least I don't know the person. Hindi kagaya noong huli na taga-rito rin." Ani niya at nagparte ang labi ko.
"Hindi mo kakilala? So wala ka nang contact sa kaniya ngayon?" Tanong ko at umiling ito bago sumubo ng pagkain.
"ONS lang yun. Bakit gugustuhin ko pang makuha ang contacts niya?" Sagot niya at napahagikhik ako bago umiling. "Ewan ko sa'yo, pre, hindi na ako magugulat kung may anak ka na tapos hindi mo alam." Natatawa kong sabi bago sumubo ng fries.
Humagikhik din si Mikhael, "'Wag naman, kawawa yung tao. Mahirap ipagbuntis ang anak ng Apex Alpha." Sagot niya na ikinahagalpak ko ng tawa. Yung tipong muntikan na akong mabilaukan ng fries.
Minsan hindi ko rin ma-predict ang mga sasabihin ni Mikhael, eh. Minsan maginoo siya, minsan bastos. Maginoong-bastos ang tamang description sa kaniya, eh.
Pagkatapos naming kumain ay pinuntahan namin ang sasakyan niyang nakapark at pumunta na sa Copeland para sa HK.
"Ginamit mo ba yung ibinigay ko sa'yo? Baka mamaya mag-aya ka nanaman, ha?" Biro ni Mikhael habang naglalakad kami papasok.
Napasinghal ako bago siya paburong sinuntok sa braso, "Baliw. Oo, ginamit ko. Nakakahiya naman kasi sa'yo." Ani ko na ikinahagikhik niya bago napa-iling.
Pagpasok namin sa classroom ay wala pang ibang tao. Sabagay, thirty minutes early din naman kami. Si Mikhael, na puyat kakasex kagabi, ay agad pumwesto sa bangko sa tabi ko at natulog. Hindi ko na siya pinakialaman at nagsuot nalang ng earphones ko.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nagsimula nang magsidatingan ang mga kaklase namin. Tulog pa rin si Mikhael sa tabi ko at ang mga kaibigan niya ay nakuha pa siyang pag-trip-an dahil pini-picture-an nila ito.
Nang sumapit ang alas quatro ng hapon ay inalis ko na ang earphones ko lalo pa at alam kong dadating na ang prof. Si Mikhael, na tulog pa rin sa tabi ko, ay marahan kong tinapik sa braso, "Mikhael, gising na, 4PM na." Narinig ko siyang umungol nang mahina pero hindi bumangon.
Napasaltik ako ng dila bago napakamot sa ulo, "Bahala ka na nga," ani ko bago tumayo mula sa bangko para magbanyo.
Habang nasa cubicle ay narinig kong may pumasok sa banyo. Noong una ay hindi ako nabahala rito, pero nang maamoy ang pamilyar na pheromone ay parang tumayo ang balahibo ko.
Masyado iyong malakas at mapusok. Kahit patapos na ang heat ko, naramdaman kong nag-respond ang katawan ko sa pheromone niya at nanghina ang tuhod ko.
Dali-dali kong inayos ang shorts ko at nag-flush.
"Mikhael?" Hindi pa ako lumalabas ay tinawag ko na siya.
Narinig ko ang pamilyar na ungol na ginawa niya kanina. Pero ngayon ay mas malakas at mas agresibo iyon. Tinakpan ko muna ang ilong ko bago binuksan ang pinto ng cubicle.
Naabutan ko si Mikhael na nasa may lababo, may hawak-hawak na iringgilya at malalim ang tingin sa repleksyon ko sa salamin.
"Help, please..." malalim ang bawat paghinga niya. Nakikita ko ang namumuong pawis sa noo niya at nakahubad na rin ang suot niyang hoodie at nasa sahig.
Napalunok ako ng laway habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking ilong. "A-Anong gagawin ko?" Kinakabahan kong tanong.
Nasa isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa at kahit nakatakip na ako sa ilong ay amoy ko pa rin ang sumisingaw niyang pheormone.
"Turukan mo 'ko, please~ I can't move my hands anymore. Nanghihina na ako." Kahit hindi niya iyon sabihin, alam kong iyon na ang sitwasyon niya ngayon base palang sa ngarag niyang boses.
Lumunok ako ng laway bago siya nilapitan at kinuha sa kamay niya ang iringgilya. Sa segundong alisin ko ang kamay ko sa aking ilong, ay para akong nalunod sa pheromone niya.
"Saan?!" May paghangos sa boses ko. Namuo na rin ang pawis sa noo ko at naramdaman ko ang pag-iinit sa puson ko.
Hinarap ako ni Mikhael bago hinigit pababa ang kwelyo ng T-shirt na suot niya, "Kahit saang parte ng leeg o balikat." Sa kabila ng umaatakeng init sa katawan niya, nagawa pa rin niyang magsalita.
Tumango ako bago binasa ang ibang lalabi, "Sige, ituturok ko na, ha." Paalam ko.
Kahit nanginginig ang kamay sa panghihina, pinilit kong mas lumapit sa kaniya at turukan siya sa gitnang banda ng balikat at leeg niya.
Pakiramdam ko'y kung hindi ako nagturok ng suppressant ngayon ay bubulagta nalang ako bigla sa sahig. O kung normal na araw lang ito sa akin at na-expose ako nang ganito sa pheromone ng isang Apex Alpha ay baka na-trigger na nito ang cycle ko kahit kakatapos ko lang.
"Mikhael...!" Napasigaw ako nang biglang bumagsak ang katawan sa akin ni Mikhael pagkatapos kong alisin ang iringgilya sa balat niya.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang ibinalot ni Mikhael ang braso niya sa beywang ko. Ang mukha niya ay nakasubsob sa leeg ko at mukhang inaamoy pa ako.
"Just for a while, please. Your pheromones smell nice, and it calms me down. Mabilis lang 'to, Miguel." Ani niya, bago mas hinigit ang katawan ko palapit sa kaniya at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg ko.
Napalunok ako ng laway. Hindi gaya kanina ay humina na ang pagre-release niya ng pheromones. Mukhang umepekto na ang stabilizer sa kaniya dahil nararamdaman ko rin na bumabagal na ang tibok ng puso niya.
Naramdaman ko ang maiinit na hininga ni Mikhael sa leeg ko na ikinapikit ko nang mariin. "Please don't hate me after this. This doesn't mean anything. It's just because of my rut that's why I'm doing this, nothing more."
----------
a/n: Let me know if may typo parts or confusing parts, I'm always open to explain and edit mwheehhehe. How's the story so far? Lemme know your thoughts and theories bwhahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co