Truyen3h.Co

Arrowed Hearts

Simula

heartlessnostalgia

Hi, Archers! This is Arrowed Hearts' Simula. I posted this for fun kasi ginugulo ni hubadero ang mind quh hehe, not sure when ang future updates. We'll see pa. Also, in case you missed it, available na po for preorders ang SIGNED Taking Chances (Special Edition) on Shoppe and Lazada! Kindly visit Anvil Publishing's shop to purchase! Thank you!♡

Simula

ˋ°•*⁀➷♡

"Inez, gising ka na ba? Tinatawag ka na ng Mommy mo!"

I sighed, shut my eyes tighter, and buried my face in my pillow. I'm still sleepy!

Wala akong naririnig, wala...

"Ysabella!"

Napaupo ako, nahulog pa ang libro sa mukha at sumigaw.

"Palabas na po!"

"Bilisan mo at mamaya-maya'y aalis na kayo pa-simbahan!" Ulit niya. "Nakaligo ka na ba?"

Nakaligo na ako? E, kakagising ko nga lang!

"Opo!" sagot ko at umahon na sa higaan. "Nagbibihis na!"

Tinakbo ko na ang banyo matapos hablutin ng tuwalya para maligo. My head's still spinning. I spent the whole night reading tapos nakatulugan ko na lang!

When I got out of the bathroom, I chose a white dress and flats. Sinuklay ko ang pino at itim na itim na buhok, siniguradong pantay ang hati sa gitna, walang tikwas at maayos. My eyes even lingered to the drawer where some things I bought from the mall was hiding and thought of it.

Binuksan ko pa iyon, tumitig sa lipstick na binili at sa huli'y bumuntonghininga na lang at ibinalik iyon para mag-powder at lipgloss na lang.

When I was satisfied, I took my bag and went to bed to fix it and hid the book I was reading. I waited.

"Inez?" I smiled when I heard his voice.

"Dad? Nand'yan na po!" Sagot ko bago tumayo at lumabas.

My old man smiled when he saw me.

"Good morning! Ang ganda naman ng dalaga ko,"

"Good morning, Dad! Did you have breakfast?" His face softened. He shook his head.

"Of course not, you know I won't have breakfast without my unica hija. Come on, your mother's waiting. Kanina pa mainit ang ulo at nasiraan pa ata ang sasakyan."

"Oh..." Kumapit ako kay Dad. "Male-late po ba sa church or 'di na tutuloy?" My voice lit up.

Sana 'di matuloy! Sana 'di matuloy! I know my inner thoughts were wicked–evil, perhaps–pero ayaw ko lang talaga. Kumpleto ang attendance namin sa church since then. We never missed pero gusto kong magpanggap na may sakit ngayon at lumiban.

I love going to church, I love listening to the sermon and to our parish priest but not the people attending it.

"Makikisabay tayo sa Tita mo," aniya. "Susunduin tayo."

My shoulders fell. My dad noticed it but he didn't comment right away.

"Bakit? Masama pakiramdam mo, 'nak?"

"Huh? Uh..." Umiling ako.

"We can tell your mom you're under the weather," aniya pero muli akong umiling.

"Ayos lang, Dad." Ayaw ko kasi siyang mapagbuntunan ng galit ni mom.

"Alright..." He breathed. "Just tell me if you need anything, okay?"

"Opo..." Muli kong niyakap ang baywang niya.

Sabay kaming pumunta sa kusina kung nasaan si Mommy. Humiwalay ako kay Dad.

"Good morning, Mom–"

"Ano'ng oras ka na nagising, Inez?" bungad niya't ibinaba ang kape. "I told you to sleep early, right? Look at you! You looked haggard!"

I was?

"Uh, nagbasa kasi ako last night, Mom."

"I hope it's for your class," aniya. Nang 'di ako nakasagot kaagad ay tumaas ang kilay niya.

"Ethel," Dad called.

"What? I was just asking your daughter if she spent her time right! Malapit na ang pasukan at high school na ang anak mo! She should be spending it studying. Did you?" baling niya.

I nodded and flashed a smile. "Yes, Mom. Napuyat ako sa text books."

"Good. Dapat lang." Doon na siya nagbaba ng tingin para mag-slice ng karne niya. "Umupo ka na't kumain. Mag-dahan-dahan ka't lumalaki ka, ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko?"

"Ethel..."

"Ano?" Irita niyang baling kay Dad kaya umiling na lang ako pagkahuli ng tingin sa ama.

"Okay, Mom," I agreed.

Kumuha ako ng pagkaing sakto lang sa iilang subo. My father even tried sneaking a few more in my plate pero nakabantay si Mom. Ayaw ko namang mag-away sila kaya ako na ang tumanggi.

"Busog na 'ko, Dad,"

I saw the satisfaction in Mom's eyes and without a word, nauna na siyang tumayo at tumawag ang Tita.

My father sighed. "'Di ka naman tumataba, anak. Sakto lang iyong ganyan. Ang bata-bata mo pa, dapat nag-e-enjoy ka sa mga kinakain mo. Oh, sumubo ka pa."

He's correct but I know his words of encouragement weighs nothing than the words from other people in the church.

"Ethel! Gael! Kumusta ang linggo n'yo?" Nakangiting bati ng bagong luwas na amiga ni Mommy. 'Di ko nga makuha paanong amiga niya 'to, e, nakilala niya lang naman 'to sa tsimisan nila no'ng ibang kumare niya last Sunday.

"Doing great, Erna," ani Mommy. Pasimple akong pumunta sa likod ni Dad para magtago, iniikot ang tingin ko sa mga papasok ng simbahang iba pa.

"Oh, that's good! Is that..." I almost made a face when I was noticed. Kahit gaano ko pa kagustong magtago sa likod ni Dad ay hinila na ako ni Mommy paharap.

"Is this Inez? Ang laki mo na! Huling kita ko pa sa 'yo maliit ka pa!" aniya.

Kinurot ako ni Mommy kaya ngumiti ako at nagmano.

"Pagpalain ka ng Diyos," ani no'ng babae sabay pasada sa akin ng tingin. "Tumaba ka, hija, ah?"

Oh, come on...

Pagpalain ng Diyos sabay gano'n?

"Ayan na nga ang sinasabi ko, Erna! Nasabihan ko na rin ang batang 'to pero 'di nakikinig! Pinagda-diet ko!"

"Dapat lang! Naku, pangit kapag mataba! Kahit ano'ng ganda mo 'di pansinin kasi dabyana ka!" Nagtawanan sila. Kumunot ang noo ko at nakagat ang labi.

"Pero h'wag ka! Matalino iyang anak ko! Alam mo bang valedictorian 'yan nitong elementary? Diyos ko at sa awa ng Diyos sinimot lahat ng awards! Walang iniwan sa mga kaklase!" yabang niya.

"Talaga?! That's good! 'Yong anak ko rin..."

Dad cleared his throat and placed a hand on my shoulder.

"Why don't we sit first, hija?" ani Dad na ipinagpasalamat ko. Iniwan namin sila at naupo ro'n sa madalas naming puwesto sa unahan.

Binati ng mga kakilala niya si Dad. Inayos ko ang dress at tahimik na tumitig sa gitna, sa replika ni Jesus. In this place, you thought everyone's holy and great but the truth was, this place was also filled with sinners and great pretenders.

"Sandali lang, 'nak," ani Dad bago ako iwan do'n at dumiretso sa mga bagong dating.

I squinted my eyes to see that it was the famous family.

The Montezides'.

Mayor iyong tatay. Si Mayor Louis. Kasama ang asawa niyang si Beatrice at ang panganay na anak nila, si Damon. Ang alam ko'y tatlo silang magkakapatid pero itong panganay ang madalas kong nakikita at saka 'yong bunsong si Atlas.

I know Damon. He's the high school department's SSG President and running for valedictorian. His name made a fuss recently with that boyish girl from section D. Sikat 'yan dahil do'n sa confession letter daw ni President but honestly, though, I doubt if it actually came from him.

Ang corny kasi no'ng sulat.

Pero iyong pangalawa at pangatlo, kaunti lang ang alam ko't sa Maynila kasi ata nag-aaral. 'Di ko rin kilala masyado ang mukha at wala akong pakialam sa kanila. Actually, I only know these info because my mother's such a big fan of that family.

Perfect daw kasi. Mayaman. Malaki ang rancho. Masaya ang pagsasama ng pamilya at may posisyon sa gobyerno.

Yes, it was perfect. I mean from what I see outside but who knows what happens behind closed doors? Are they still as ideal as they're showing off in public? O kagaya lang namin?

I guess we'll never know...

Ang atensyon ay napunta sa pamilya. Everyone's greeting them, even my parents. Nakatunghay lang ako sa harapan at nakikita sa peripheral vision kong sa kabila, sa gitna sa unahan ang upuan nila madalas.

Beatrice greeted everyone politely, their sons quiet. Seryosong naupo si Damon, malamig ang tingin habang hawak ang bunso na tumatayo sa luhuran para pagalitan. May dumating pang iba. 'Di ko na pinansin.

Bagot na bagot ako't 'di makapaghintay na pauwi. No'ng nagsimula lang ang misa at saka bumalik ang mga magulang.

I listened to the priest, hearing everyone muttering their "Amens". We held hands for the prayer and my eyes landed on my mother's hand when she looked around first bago ngumiti sa mga nasa likuran sabay shoot no'ng isang libo sa alay.

I sighed.

"Stop sighing, Inez," paalala ni Mom. "Nakakawala iyan ng blessings!"

"Sorry, Mom." Nagbaba ako ng tingin.

As usual ay nagtagal na naman sila kakatsismis after no'ng misa, pinag-uusapan iyong nabuntis na anak no'ng kapitbahay nina Tita.

Inikot ko ang tingin sa stand, sa mga vendor. May mga nagbebenta ng popcorns, cotton candy at drinks. Nanuyo ang lalamunan ko, gusto ko sana ng coke at last month pa 'ko huling nakainom kasi pinagbabawalan ako ni Mommy. Nakakataba raw.

I swallowed when I saw kids lining up for the softdrinks.

Gusto ko ng coke...

"Simba pa nang simba, mga kampon naman ng demonyo!" ani no'ng si Erna, akala mo siya hindi.

"Anak, do you wanna roam around first? I think mamaya pa tayo makakauwi, may kakwentuhan pa ang Mommy mo. Nando'n sina Eli, they're your friends, right?"

I cleared my throat and smiled a little.

"Okay, I'll be fine, Dad."

Inabutan niya ako ng pera bago ma-distract at tinawag ni Ninong. Muling ibinalik ko ang pansin sa nagbebenta ng mga softdrinks at nakipila.

My throat's really dry and I craved for coke so much. Magtatago na lang ako kapag iinom para 'di makita ni Mommy!

Paunti nang paunti ang mga tao sa pila. My throat bobbed when I saw my schoolmate giggling while sipping on the cold drink, refreshing her throat from this dry weather.

Mas na-excite ako no'ng ako na ang kasunod. Nag-angat si Kuya ng bote ng coke pagkatapos may tanguan sa malayo, itina-transfer iyon sa plastic.

"Ano sa 'yo, hija?" aniya. Tumitig ako sa hawak niya.

"Coke lang po–" Nabitin ang boses ko nang may kumuha sa plastic na hawak no'ng tindero.

"Salamat, Kuya! The best ka talaga!" A voice echoed.

Suminghap ako pero 'di lumingon. Nahulog ang tingin ko sa cooler.

"Walang anuman. Buti nakaabot ka ubos na, eh," aniya. "Ano nga ulit sa 'yo, hija?"

"Ah, coke po," I answered.

"Ay..." Kinabahan ako sa panimula niya. "Naku, huli ka na. Naubos na ang coke."

Nahulog ang puso ko. "Sure po kayo? Wala na bang..."

He opened the cooler, hinawi niya ang ibang softdrinks para ipakita sa 'kin ang laman. Nagtiim ang bagang ko.

I became hyperaware sa tunog ng sumisipsip sa straw sa tabi ko. Mas nanuyo ang lalamunan ko. Ang coke ko!

I was pissed today! That was the only thing I was looking forward to today but...

"Ikaw!" Sabay lingon ko sa kumuha ng coke na natira kanina. He jumped, sputtered on his drink, and coughed loudly.

"Hunter!" tawag no'ng tindero. "Ayos ka lang, hijo?!"

"Yes, Kuya, I'm..." Mas naubo pa siya at inilayo ang straw, tinatakpan ang bibig. "P-pumasok sa ilong ko!"

I frowned. Nagpamaywang ako bago minata ang coke na hawak niya.

"That is supposed to be mine!" I exclaimed.

"Huh?" Naibaba niya palad sa bibig at halos magkasing-height lang kami kaya matapang ko siyang minata. "Akin 'to, ah!"

"Ano'ng sa 'yo?" My nose flared. "Ako ang nakapila rito tapos biglang lilitaw ka at kukunin ang akin! Naubusan tuloy ako!"

"Hindi–"

"Hija–"

"I stayed in line here!" Turo ko sa linya at sa iilang tao sa likod ko. "We waited here patiently and you–whoever you are–bigla ka na lang lilitaw! VIP ka ba?!"

Pinagtitinginan na kami pero wala akong paki. Nakanganga lang sa 'kin ang lalaki, itim na itim ang mata at ang buhok. Naka-puting shirt at may polo na nakasabit sa balikat, mukhang hinubad.

He is handsome but I don't care! Hindi siya pogi!

What, Inez?

"Be fair naman!" I hissed and looked at the line behind me. "Pumila kami rito tas mauunanhan mo lang na biglang lumitaw? Right?"

Hindi nagsalita ang mga nasa likuran ko at sabay-sabay lang na nag-iwas ng tingin.

Ano, walang kakampi sa 'kin?!

Gusto kong magwala pa pero ayaw ko nang maagaw ang atensyon ng mga tao't papagalitan ako ni Mommy!

"Hija–" Nilingon ko ang favoritism na tindero.

"I-isang Sprite na lang po," I said with a strained voice.

"Huh? Ah, okay..." He panicked and followed.

"Miss–"

"Shhh!" I hushed and raised my finger to shut the boy up. Namilog ang mata niya lalo at maging ako rin nang matantong malapit pala siya sa 'kin. Dahil do'n ay sa labi niya nadikit ang daliri ko.

We both froze like shocked statues. My cheeks heated when I felt the warmth and moisture of his red lips.

May narinig akong umubo at doon na ako bumalik sa wisyo. I scoffed and pulled my hand away.

"Eww..." I made a face sabay punas ng daliri ko sa polo sa balikat niya.

His jaw dropped. "E-excuse me, eww? Ano'ng eww?" he asked like it was very offensive.

"Hija, 'y-yong..." Nanginig pa ang boses ng tindero sa biglaang lingon ko.

"Okay na, Kuya?"

"Oo..." Inabot niya sa 'kin ang plastic ng Sprite. Nagbayad ako sabay baling sa lalaking nakatunganga pa rin sa 'kin.

"Ano?" I asked sharply. "Mang-aagaw..."

He sighed. "Hindi nga kita inagawan! Kanina ko pa 'to–"

"May nagtatanong?" I asked bluntly. He ran his fingers frustratedly in his messy hair.

"Wala pero ikaw 'tong mapagbintang!"

I rolled my eyes and walked away, binangga ko pa ang balikat niya sabay sipsip ng Sprite ko.

I huffed.

Walang lasa! Bwiset! Puro lamig lang, e 'di sana nagtubig na lang ako! Kasalanan talaga 'to ng–

"Oh, e 'di sa 'yo na 'tong Coke!" Napalingon ako nang ilahad niya sa 'kin ang plastik niya. "Sa 'yo na!"

It was very tempting but...

"Ayoko. May laway mo na 'yan. Kadiri." Sikmat ko sabay irap at lakad palayo nang sumigaw ulit siya.

"Arte mo naman, Miss! Binibigyan ka na nga–"

"Eh, kung 'di mo sana inagaw!" I exclaimed and looked back at him, glaring. "Sa 'yo na 'yang coke mo! Inumin mo, saksak mo sa ngala-ngala mo pati straw!"

I heard the clearing of throats accompanied by laughter. I scrunched my nose and stomped my feet away, irritated at whoever that boy was!

Of course, pinag-usapan iyon. 'Di pa nakakarating sa bahay ay may sermon na ako ni Mommy.

"Ethel..."

"Shut up, Gael! Kaya ganyan ang ugali ng anak mo, sutil kasi kinokunsinte mo! Gumawa na naman ng gulo niya at 'di lang ordinaryong bata iyong sinagot-sagot niya, anak iyon ni Mayor!"

Oh...Mayor?

Hind naman iyon si Damon at Atlas, ah? E 'di...

"They're just kids,"

"Wala akong pakialam! Respetado ang mga Montezides! Alam mo namang malapit na akong maging close kay Kumareng Beatrice! Ano na lang ang iisipin niyang inaway ng anak ko si Hunter? Para saan? Sa softdrinks?!"

"Bakit ko naman 'di aawayin? Eh, sumisingit–"

"Shut it, Inez! Softdrinks ka nang softdrinks kaya tumataba ka!" She scoffed. "Mag-sorry ka! Pupunta tayo sa mga Montezides!"

No. Way.

Hindi ako pumayag. Pagkauwi sa bahay ay nagtatatakbo ako sa kwarto at nagkulong. 'Di ako umiyak pero 'di rin ako kumain.

Si Dad lang ang nakaamo sa akin at binigyan ako ng pagkain sa kwarto. 'Di rin nila ako napilit mag-sorry at narinig kong si Mommy ang nagtungo sa mga Montezides para humingi ng sorry kahit 'di naman kailangan.

Bilang parusa, 'di ako nakalabas buong summer. Like usual, na-enroll ako sa Kumon para sa advance studies for Grade 7 na ayos naman sa akin lang.

Sanay naman na akong nag-aaral at gusto ko iyon. Galit sa 'kin si Mommy at 'di ako pinapansin kaya babawi ako sa school year. Kailangang valedictorian ako ulit this high school.

Nagsunog ako ng kilay.

I went to school with my brain ready. I am beautiful but I know my brain's more attractive.

"Good morning, Inez!"

Hindi ako umimik, nakatungo lang sa binabasa at naupo sa harapan sa may tapat ng teacher. I'm sure I'll be our class' president again. No'ng nakasalubong ko nga ang adviser namin kanina'y inutusan kaagad akong humingi ng index cards sa info ng mga kaklase.

I flipped the page and realized I was already checking out the notes for the second quarter.

"Good morning, class,"

"Good morning, Ma'am!" Sabay-sabay kaming tumayo at bumati. Natigilan ako nang makitang si Ma'am Aquino iyon, ang masungit na teacher ng higher levels sa Math.

"Good morning," ulit niya nang mapansin ang pagtensyon ng lahat. "Oh, don't worry. 'Di ako ang adviser n'yo."

Everyone sighed audibly.

"Aba't..." She made a face. "Nabuhayan kayo, ah? Naku, yari kayo sa 'kin kapag Grade 9 n'yo!"

Nagtawanan sila. Pasimpleng ibinaba ko ang tingin sa notes ko at baka may pretest mamaya.

"Pinapunta lang ako rito ng adviser n'yo at pinatawag siya ni Dean. Who's your president?"

Tinuro ako kaagad ng mga kaklase kahit wala pang eleksyon. Tumayo ako.

"Miss Lau?" tawag niya.

"Yes, Ma'am?"

"I'd like to confirm if may bago ba sa mga kaklase mo?"

"No one, Ma'am," I said and gave her the index I collected. "May nalipat ng section but we're all schoolmates. No transferees."

"Oh, great then. Thank you." Naupo ako. "'Di na pala kayo mahihirapan magkabisado at mayro'n kayong bagong classmate for this school year."

Ah...late enrollee siguro. Wala namang bago sa class list no'ng enrolment.

I rolled the pen on my fingers and tapped it on my book, checking my side notes.

"I know for sure you knew his brother," aniya. "He studied in Manila and will be continuing his studies here at CSU. He's an achiever, a valedictorian in his class."

Nanigas ang katawan ko but I didn't move an inch. I could feel gazes on me, they're probably thinking now that I am threatened. I am not!

Nakatingin lang ako sa ibaba nang may pumasok na lalaki base sa itim na sapatos.

"Grabe naman iyong introduction ni Ma'am! 'Di naman ako super talino. Saks lang, tiyamba," he chirped. My forehead creased.

Why was that voice familiar... Saan ko ba narinig?

I heard gasps and giggles around.

"Bakit? Paano bang gusto mong introduction?" ani Ma'am.

"Simple lang. Saka kulang rin po ng pogi," dagdag niya sabay tawa.

"Loko ka talaga. Naku, ayusin mo nga iyang uniporme mo! Nahiya ka pang maghubad! Wala ka sa bahay! Yari ka sa Kuya mo! Ikaw na bata ka, ibutones mo hanggang taas!"

"Ay, sorry, Ma'am. Ang init kasi rito pinagpapawisan ako." He chuckled. "Anyway, thank you for introducing me. Hi classmates, pogi 'no? Hunter nga pala."

Muntik nang ma-dislocate ang ulo ko sa bilis ng angat no'n at muntik nang mahulog sa upuan pagkakita sa napakapamilyar na mukha.

Ang mang-aagaw ng coke! Kumulo ang dugo ko.

"Introduce yourself," ani Ma'am.

"I'm a late enrollee so my apologies if wala ako agad sa class list. My brother's Damon. Kilala n'yo?" Everyone nodded. "Mas mabait ako ro'n saka mas pogi. Ayon lang..."

Nagtawanan sila. Dumiin ang titig ko't nalukot na ang libro.

"Hunter..." ulit ni Ma'am, kulang na lang ay mangurot.

He chuckled and let out a silly grin.

"I'm Hunter Louis Montezides," he introduced and fixed his necktie.

"Hi, Hunter!" maarteng tawag ni Eli at kumaway.

Hunter just smiled, swiped his tongue in his lower lip, and looked outside.

"Anyway, pasensya na at biglaan din but I prepared something for everyone. My treat," aniya bago tumango't may pumasok na mga lalaking may dalang mga case ng...coke?

"Thank you, Hunter! Saktong-sakto at mainit!" masayang pasalamat nila pero ang kamay ko'y humihigpit ang hawak sa pencil no'ng napunit ko na ang pahina ng libro.

"Welcome..." Our eyes met, mas lumaki ang amused na ngiti niya, mukhang 'di nagulat na makita ako. Tumaas baba ang dibdib ko, nagpupuyos.

My pencil snapped in the middle. Inagawan na nga niya ako ng coke! 'Di ako papayag na miski ang rank ko kukunin niya! Hindiii!

"Please...be good to me," he said slowly and winked at me, challenge sparkling in his eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co