CHAPTER SIX
CHAPTER SIX
PRESENT time.
Hindi magkandaugaga si Bea pagdating niya sa opisina ng ama. Alam ng kanyang secretary at kaibigan na si Maggie kung saan siya galing. Napailing na lang ito sa nakitang itsura ni Bea.
"Mam..." tawag nito kay Bea at sinenyasan nito na palapitin dito.
"Yes Maggie?"
"Di po pantay pagkabutones ng polo nyo po." Sambit nito sa mahinang boses.
Yumuko si Bea at mabilis na inayos ang damit.
"Anong meron? Bakit biglang nagpapatawag ng meeting si Papa?" Ani Bea habang naglalakad papunta sa kwarto ng ama sabay ayos ng damit at kuha ng ipad kay Maggie.
"Wala pong sinabing agenda Mam. Sabi lang po ni Mayor na punta daw po kaayo agad."
Bumuntunghininga na naman si Bea kasi paganitong walang agenda ang meeting ay malimit sa hindi ay papakialaman na naman siya sa mga desisyon niya o may minumungkahi na naman ito at ang kuya niya na di ayon sa kanyang paniniwala. Tumigil si Bea sa nakasarang pintuan ng opisina ng ama at sinipat ang damit kung nasa tamang ayos ba ito pati ang buhok at tinanong si Maggie kung ok na ba ang itsura niya. Nung tumango si Maggie ay saka lamang niya binuksan ang pintuan.
Isang masayang halakhakan ang bumungad kay Bea. De ja vou kasi parang ganito din ang nangyari ilang taon ng nakalipas.
"Finally you're here anak. Come join us." Masayang sambit ng kanyang ama.
Nakikita ni Bea na maging ang kanyang Kuya Marco ay nandun din at nakangiti din ito habang sumisimsim ng scotch.
"What's the urgent matter Papa?"
"Sige na Maggie, we can take it from here." Pasimpleng pagdismiss ni Mayor Rosario kay Maggie na ipinagtataka ni Bea kasi tuwing may meeting ay laging nandun si Maggie.
"Iha, someone came to visit."
Bago pa magkapagtanong si Bea kung sino ay tumayo na ang bisita na kausap ng ama. Napasinghap si Bea nung matanto kung sino iyon.
"Long time no see Bea. How have you been?" Tanong nito sabay lapit sa kanya at halik sa kanyang pisngi.
"Diego! You're back." Nalalaki pa din ang mata ni Bea sa natuklasan.
"What's with that reaction Sis? Parang nakakita ka ng multo ah?" Di maiwasang komento ni Martin na isa ng board member ng kanilang probinsya.
Napangiti si Diego sa napunang reaction ni Martin kay Bea. At niyakap pa nito ang natulalang dalaga.
Nung maramdaman ni Bea ang mahigpit na yakap ni Diego ay dun siya natauhan at biglang nailayo ang katawan sa huli. Napailing na lang na nakangiti si Diego sa huli.
"Ok enough with all the greetings, lets all settle and get down to business." Nakangiti pa ring sambit ni Mayor Rosario sa kanila.
Umupo si Bea sa tabi ng ama at sa kabisera naman sina Diego at Martin. Di maiwasang bumalik ang alaala ni Bea sa nangyari sa kanila ni Diego simula ng nakilala niya ito.
"SENYORITA... senyorita..."
Nagmamadaling binuksan ni Bea ang pintuan ng kwarto. Galing siyang cr at kausap si Nico.
"Bakit Andeng?"
"Tinatawag na po kayo ni Mayor. Baba na daw po kayo at estimahin ang bisita."
"Bisita nila yun ah bakit ako mag eestima." Reklamo ni Bea.
"Yun po sabi ng Papa nyo po."
"Sige na Andeng. Pakisabi na baba na ako. Mag-aayos lang ako." Sabay sara na ng pintuan.
"Sorry ha. Talk to you again later. Tinatawag na ako ni Papa eh." Muling binalikan ni Bea si Nico.
"Sino ang bisita niyo?"
"Diego Dela Rama. You know him right?"
Bumuntunghininga lang si Nico sa kabilang linya.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Bea sa kasintahan.
"You know my stand on that guy di ba?"
"Hon, don't worry. Kahit gwapo siya pero lamang ka pa din ng sampung paligo sa kanya at ikaw lang ang love ko and no one can take me away from you." Pag-aasure ni Bea kay Nico.
Nung una kasing nakilala ni Bea si Diego ay tila pinapahiwatig na ng ama ni Bea na gusto nitong maging son-in-law si Diego. Pero kunyari di naintindihan ni Bea ang gusto ng ama at patay malisya lang siya. Alam din niyang may gusto si Diego sa kanya pero for her, she chose Nico despite of what's going to happen. Yun nga lang sekreto lang ang lahat. Only a few of her trusted friends knew because sila yung mga kakuntsaba niya sa tuwing magkikita sila ni Nico. Di rin iilang beses na muntik na silang mahuli.
Graduation ball yun ni Bea at kahit gustuhin man niyang maging escort si Nico ay hindi pupwede kaya napilitan siyang sumang-ayon sa ama na si Diego na lang ang kanyang naging escort. Pero yung isa niyang kaibigan naman ay mataktikang kinuhang escort si Nico para magkaroon pa rin sila ng pagkakataong magkita. Nakukuntento na lang sila sa lihim na pasulyap sulyap at nagtetext habang kasama ang mga kadate.
Medyo may kayabangan at palibhasa feel na feel ni Diego ang pagkagwapo at gustong gusto nito na binibigyan ng atensyon kaya kahit papaano ay nakakasalisi sina Bea at Nico para malapitan ang isa't isa.
Papuntang powder room nun si Bea at bigla siyang napasigaw nung may yumapos sa kanyang beywang at siniil siya ng halik sa isang tagong lugar. Kilala niya ang halik na iyon kaya yumapos na din siya rito at tumugun sa halik.
Ganun ang malimit nilang gawin. Pupunta ng bar kasama ng mga kaibigan si Bea at dun sila magtatagpo ng palihim ni Nico. Ika nga nilang dalawa, mahirap na masarap ang ginagawa nila.
Kung gaano kasarap ang relasyon nina Nico at Bea ay siya namang asim ng ugnayan ng angkan ng mga Morales at Rosario. Mas lalong tumindi ito nung parehong tumakbong konsehal sina Nico at Martin. Pareho silang nasa top pero di pa rin maiiwasang magkumpetensya kung sino ang nasa mas mataas na pwesto. At dahil sa si Nico ang nag #1 ay sobrang ngitngit ng pamilya Rosario at gusto pang magparecount.
Hindi din ilang beses na nagpapalipad hangin si Diego na may gusto ito sa kanya pero alam niyang kahit ito ay parang napipilitang lang din dahil sa kagustuhan ng kani-kanilang ama. Duda niyang may tinatago din itong girlfriend base sa salaysay ng isang kaibigan din ni Bea na kilala yung girl.
Pero di pa rin nagpupursue si Diego kay Bea dahil umalis ito papunta sa ibang bansa para mag-aral ng masters. Dahil sa kabesihan ng kuya niya sa pulitika ay nakakapuslit si Bea para makipagkita kay Nico.
Tumagal ng ilang taon ang lihim nilang ugnayan. Pero di iilang beses na nag-aaway din sina Bea at Nico dahil gusto na ni Nico na ipaalam sa kani-kanilang pamilya ang tungkol sa kanila at gusto na din nitong lumagay sa tahimik.
Ilang beses ding tinangka ni Nico na harapin ang pamilya ni Bea pero sa tuwinang nagpapanga-abot ito at si Martin ay gulo lagi ang kinakalabasan. Well gulong dulot sa pagkawar freak ni Martin.
"Iha? Did you hear what I just said?" pukaw ni Mayor Rosario sa atensyon ni Bea.
"Huh? What Papa?"
"Saang lupalop ba umabot yang pag-iisip mo?" Iritadong sambit ni Martin.
"Sorry. As you were saying Papa?"
"Ang sabi ko anak, dapat itakda na natin ang kasal nyo ni Diego!"
"WHAT?" Nanlaki ang mata ni Bea sa tinuran ng ama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co