Chapter 22
Selos
Halos ibalibag ko ang mga papeles na nasa harapan ko na ikinabigla naman ni Marga.
"Oh?" tumawa ito. "Highblood ka yata."
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "W-Wala naman."
Ngumuso ito. "Naku! alam mo excited na ako bukas sa outing natin! Alas singko ng umaga ang assembly dito ha."
Tumango nalang ako. Hindi parin maalis sa isipan ko ang nakita kong babae na kasama ni Faustino! Naaawa ako para sa anak ko. Nandito lang ako na nakikitang lumalandi ang ama niya at hindi niya man lang alam na may dugo at laman siyang buhay!
Hindi niya deserved si Ginger lalo!
Sumapit ang lunch at nakita ko si Austin na pumasok. Binati siya ng mga nakakakita at napaayos ako ng tayo nang lumapit siya sakin.
"Lunch tayo?" Anyaya niya. Siniko ako ng palihim ni Marga.
"Uh sige! Mag aayos lang ako."
Narinig kong tumikhim si Marga. Hindi ko na yun pinansin at nag ayos nalang muna sa banyo. Hanggang ngayon hindi pa lumalabas yung babaeng kasama ni Faustino.
Halos umirap ako sa ere nang maisip iyon. Baka ano ano na ang ginagawa?
Hindi ko nga siya nakitang naglibot o pumunta dito. Matik na yun' kung anong ginagawa!
Halos hindi ko masakto ang paglalagay ko ng lipstick dahil sa inis ko!
Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Austin na naninigarilyo. Ngumisi siya nang makita ako at tinapon ang sigarilyo. Ngumisi rin ako pabalik sa kanya. Simple lang ang suot niya. Kulay blue lang na thirt at itim na pantalon.
Binuksan niya ang kanyang kotse para makapasok ako.
"Saan tayo? One hour lang break time namin."
"Sa cliff tayo. Maganda yung view doon."
"Ang pagkain natin?" tanong ko.
"Mayroon nakong niluto diyan." ngumisi siya. Tumawa ako.
"Wow. Marunong ka palang magluto?"
"Of course. Invite kita sa birthday ng aso ko para makapunta ka sa bahay. Ipagluluto kita."
Naningkit ang aking mata at kalaunan ay humagalpak sa tawa. Hinampas ko ang braso niya.
"Ba't aso?!" tumawa ako ulit.
Ngumisi siya. "Bawal ba? Ang sakit ah! Halikan kita diyan mamaya." banta niya sakin na ikinakagat ko ng labi.
"Ang b-bastos mo!" kunwaring singhal ko. Umiwas ako at nakitang papasok kami sa Balicaocao at lumampas sa barangay namin.
"Totoo. Pag nasolo lang kita hahalikan talaga kita. Your lips looks delicious."
"Ano iyon lollipop?"
"Oo. Sarap sipsipin at kagatin."
Hinampas ko ulit siya at sabay kaming dalawang tumawa.
Bumalik sa aking alaala ang gabing kumain kamo dito no Faustino at ang gabing nasa loob kami ng sasakyan niya.
Ba't siya pa ba iniisip ko habang si Austin ang kasama ko?
Nakita kong binuhat niya ang basket na may lamang pagkain at dalawang mineral water.
Tinulungan ko siyang ipuwesto ang tela sa damuhan at ilagay doon ang pagkain. Ang sarap tingnan ng caldereta niya.
"Ang sasarap naman nila!" puri ko.
"Masarap kasi ang nagluto kaya ganyan." sabay tawa niya. Umirap ako.
"Wag’ kang iirap sakin ng ganyan Ava nagtitimpi ako ng sobra sayo kung alam mo lang."
Umawang ang labi ko at hinampas siya ulit pero sa pagkakataong iyon ay pinigilan niya ang kamay ko at hinila ako sa kanya. Muntikan na kaming magkahalikan!
Napatili pa ako dahil natukod ko ang kamay ko sa kanyang batuta.
"Austin naman!"
Tumawa siya ng malakas at pinakawalan ako. Hindi ko na siya ulit hinampas pa.
Alam kong hindi ako malinis na babae. Hindi si Faustino ang unang lalaki na nakahawak sa katawan ko. Marami akong mali. Kaya ngayon, ginagawa ko ang tama lalo na may anak na ako. Ayokong matulad ang anak ko sa akin.
Hindi ko na naisip ang oras dahil naaliw kami ni Austin sa usapan. Nakatapos na kaming kumain at nailigpit narin ang aming mga gamit. Pareho lang kaming nakaupo sa damuhan at parehonh tahimik.
"Ang sarap talaga yung ganitong katahimik na lugar no?"
Ang dalawang kamay niya ay nasa ilalim ng kanyang ulo kaya kitang kita ko ang mamumutok niyang masel.
"Yeah." maiksing sagot niya. Pareho kaminh tahimik hanggang sa.
"Kamusta na pala ang anak ni Faustino?"
Hindi ko iyon maproseso nung una hanggang sa bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong kitang kita niya ang pagkakagulat ko!
"A-Anong sinasabi mo Austin?"
Shit!
Umiwas siya at bumuntong hininga. "Alam ko. Hindi ko naman sinabi sa pinsan ko. Pero Ava imposibleng hindi niya alam lalo na ni tito Paulino gayong ilang taon ka nilang pinahanap. Gago si Faustino pero matalino. Alam mo 'yun."
Napalunok ako. Hindi na ako makatingin sa kanya.
"Hindi ko sasabihin pero inuulit ko Ava, matalinong gago si Faustino."
Kinakabahan ako pabalik sa hotel. Medyo nalate rin ako ng ilang minuto. Pabalik na ako sa puwesto ko nang kalabitin ako ni Marga.
"Natagalan ka ah?! Kanina kapa pinapatawag ni sir. May sasabihin ka raw sa kanya?"
Umirap ako. "Wala naman." bahala siya.
"Oh? Lovers quarrel?"
"Hindi no."
"Miss Ava Pojas. Pinapatawag ka ni sir Grey."
Natahimik kami nang secretary na mismo ni Faustino ang tumawag sakin.
Tinuro ni Marga ang cctv na nakakabit sa aming harapan. Umirap ako doon.
Sinamahan ako ng secretary niya hanggang sa pintuan ng office.
"Salamat." ngumiti ako.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok doon. Nakita kong wala na yung babae. Si Faustino naman ay nasa swivel chair niya nakahawak sa kanyang sentido habang inuogoy ugoy ang swivel chair.
"Pinapatawag mo 'raw ako?" Lumapit ako sa harapan niya. Pumikit siya ng mariin.
"Saan kayo pumunta ni Austin?"
Gusto kong umirap sa tanong niya.
"Sabi ko sayo di'ba? Gusto kong sumakay kaya tinawagan ko siya."
Padarag siyang tumayo at lumapit sakin. Matibay naman ang tayo ko kahit lumapit siya lalo na't galit ako.
"Saan kayo pumunta?" ulit nito. Ngayon, nakatayo na siya sa harapan ko at nakapamaywang. Parang bata naman ako na pinapagalitan ng isang nakakatanda.
"Bakit ka ba tanong ng tanong? Nagseselos ka?" namaywang rin ako.
"Bakit naman ako magseselos? Alam kong isang pitik ko lang luluhod ka sa harapan ko kaya bakit ako magseselos?!" tumaas ang boses niya at bahagya siyang namula.
Napalunok ako. Marahil ganon nga ako. Ganon na ganon ako at masakit pala kapag ininsulto iyon sayo.
" Oo nga naman. Kaya ba't kapa magtatanong kung-" napalunok ako. Nanginginig na ako at gustong umiyak! "Kung isang pitik mo lang naman pala ay luluhod na ako? Ha?"
Naramdaman kong dumaloy ang aking luha.
"Sino k-ka ba sa inaakala mo? Ha? Akala mo patay na patay ako sayo? Ano bang ginawa mo sakin noon?! Halos sampalin mo'ko paalis ng opisina mo di'ba? Galit na galit ka sakin! Hindi mo alam ang hirap na naranasan ko Faustino kaya wala kang karapatan kahit na-"
Shit. Shit!!!
Maging ito ay tulala at gulat sa himutok ko. Tumango tango ako.
"K-Kaya huwag mong iisipin na patay na patay ako sayo dahil ang totoong lalaki.Hindi sinasaktan ang isang babae."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co