BL Special Chapter
Blind Love Special Chapter
PAGKAPASOK ko ng bahay ay tahimik ang paligid, which was unusual. Kadalasan kasi ay maingay rito pagdating ko, lalo na kapag dating ni Dash galing sa flight niya.
He's always playing with the kids every time he has a chance. Kaya nakakapagtakang walang ingay ngayon ang bahay.
"Dash? Marcus? Daru?" I called them.
Naglakad ako papasok at kaagad akong nangiti nang sumalubong sa akin si Skye.
"Hey, boy," I greeted.
He barked. Tumungo naman ako at napatawa nang dumagan siya sa hita ko at pilit na nagpapakarga.
"Ikaw, may anak ka na, nagpapa-baby ka pa rin kay mommy?" tanong ko.
He barked again, getting more and more playful. Mas napatawa ako at naupo sa carpet at hinaplos ang ulo ng alaga namin.
"Nasaan sila?" I asked him. He barked again at nang tumayo siya at tumakbo ay sumunod ako sa kanya.
Umakyat kami sa hagdanan at nang tumapat siya sa pintuan ng kwarto namin ni Dash ay napangiti ako.
"Thanks, Skye." I smiled and patted his head. Tumahol siyang muli at lumapit ako para buksan ang pinto.
"And that's it, Psyche is curious about her husband's face, so she went out to get a lamp to see his face," natigil ako nang marinig ang boses ni Dash.
Pumasok ako sa kwarto nang tahimik at sumunod naman si Skye na natahimik din. Naabutan kong nakaupo ang mag-aama ko sa kama namin.
Dash was sitting on the bed, his back facing me. Nakasandal naman si Marcus sa headboard ng kama at ang bunso naming si Darshana ay nasa kandungan ni Dash.
"Papa, ano pong nangyari pagkuha niya ng lamp?" Macky asked his Dad. Tumakbo naman si Skye sa may higaan nito sa gilid at nanahimik.
"Hmm, she entered her husband's room," ani Dash. Nakita kong nagpumilit na tumayo si Daru sa hita ni Dash at kumapit sa leeg nito.
"Tapos..."
My daughter's blue eyes widened when she saw me. Iniabot niya ang kamay niya sa akin at tumawa kaya napangiti ako.
"Yes, Daru?" Inabot ni Dash ang anak na nangungunyapit sa leeg niya.
Daru pointed me. Umiling naman ako at inilagay ang daliri ko sa labi kaya ngumiti ang anak ko at mas tumalon-talon.
I suppressed my laugh. Nakita kong napatingin din sa akin si Macky at akmang magsasalita pero agad akong umiling sa kanya.
"Why, Daru? Papa is telling you a story, come on," sabi niya habang sinusubukang kalmahin si Daru.
Mas tumalon-talon pa ito kaya umayos ng upo ang asawa ko.
"Are you bored?" he asked.
Hinubad ko naman ang blazer ko at naglakad papunta sa puwesto ni Dash na nakatalikod mula sa akin.
"'Pa! 'Pa!" Daru exclaimed. Dash laughed.
"Come on, baby, why?" Inabot niya si Daru.
"'Ma!" She exclaimed.
"Si Mama?" Dash asked at binalingan si Macky na nakangiti sa akin ngayon.
"Marcus, call your Mom, ask her where she is. Gabi na, dapat kanina pa nandito 'yon," aniya. Mas nangisi ako at mas lumapit.
I tiptoed and put my face near his from the back.
He smells nice, halos mahalikan ko siya. Mas naging hyper si Daru sa ginawa ko kaya mas lumawak ang ngiti ko.
"Papa, what's Mama's name here?" Macky asked.
"Babe," he answered. Kumalabog ang dibdib ko.
"Babe?" Macky laughed.
"Hmm." He pouted. "Tell her to come home, I want a kiss," Dash told our son kaya nanlaki ang mata ko.
This man!
Kinausap ni Dash si Daru na nagtatalon-talon.
"Why, Daru? Mama's on the way—"
"Hi, babe..." I whispered and blew in his ear na nagpatalon sa kanya. He was too quick to move his face, his eyes widening upon the sight of me.
"Kaia!" He exclaimed. Natawa ako.
Umayos siya ng upo kaya naupo ako sa tabi niyang may ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang pamilya ko.
"'Ma! 'Ma!" Daru exclaimed.
"Hi, baby!" I greeted her and got her from Dash na natulala lang sa 'kin. Inilagay ko si Daru sa hita ko at ngumisi sa asawa. "Tulala ka d'yan?" I teased.
"I missed you," he hissed.
Napatawa ako at napasinghap nang marahang hawakan niya ang braso ko at niyakap kaming dalawa ni Daru.
"Dash!" I exclaimed, giggling in excitement. He hummed and settled his face on my neck.
"I missed you, babe. I'm sorry, hindi kita nasundo," aniya.
"It's fine, ano ka ba." I laughed. "Alam ko namang kakagaling mo lang sa flight. Isa pa, I'm sure, miss na miss ka nitong mga anak mo!"
Gamit ang isang kamay ko ay niyakap ko siya at ang humahagikgik na si Daru ay nakisiksik din.
"Sama!" Macky exclaimed at napatawa kaming dalawa ni Dash nang sumugod siya sa aming tatlo.
I hugged them. Nang humiwalay si Macky at Dash ay marahang inilapag ko si Daru na gumapang papunta sa Kuya niya.
"Anong pinagkekwentuhan n'yo?" I asked them.
Lumuhod ako at humalik ako sa pisngi ng dalawang bata nang ang panganay ko–namely Dash pulled me close to him that I almost fell on his lap.
"Dash!" I exclaimed. He pouted, his eyes sparking.
"Where's mine?" he asked.
"Your...?" tanong ko.
"Kiss..." He pouted his lips.
Natatawang humarap naman ako sa kanya nang tuluyan at lumuhod sa kama sa tapat niya.
I fixed his hair. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko habang nakatingala lang siya sa akin.
"Babe..." he whined.
"Oh?" Ngumiti ako at sinilip siya.
"Kiss!" He demanded, pouting at napailing ako at hinalikan ang noo niya.
"May mga bata," paalala ko sa dalawang mga anak na nakatunganga lang sa amin.
He whined. Napatawa rin si Macky sa kalokohan ng ama niya at napatingin pa kami kay Skye na tumahol at tumalon sa kama.
Dash laughed at mabilis na binuhat si Skye sa hita niya.
"Okay, let's continue our story," ani Dash kaya nilingon ko siya.
Doon ko rin napansing hawak niya ang textbook na ginagamit ko sa pagtuturo. He must have read that.
Aba't nahilig na rin kasi ang isang 'to sa Greek myths!
"What happened to them, Papa?" Macky asked his Dad.
Si Daru naman ay naglalaro ng unan o 'di kaya'y babalingan si Skye para harutin at hinayaan ko lang siya.
"Let your Mom continue the story, expert 'to," he teased, then laughed. Nailing naman ako at umayos ng upo sa kama bago mas lumapit sa asawa na kaagad na hinawakan ang baywang ko.
"Nasaang part na ba kayo?" I asked.
"Do'n po sa pumasok si Psyche sa loob ng room dala 'yong lampara," my son answered.
"Hmm." I nodded.
"So, Psyche was really curious about what her husband looked like. She loved him but she was scared of him. Naisip niya, paano kung monster 'yong pinakasalan niya?"
"Yeah, Macky. Psyche's like me, too. No'ng hindi ko nakikita si Mama mo dati, natakot ako kasi baka mukhang monster siya—"
"Dash!" I hissed and when he laughed heartily again ay inabot ko na siya.
"A-aray!" he whined habang kinukurot ko siya, natatawa pa sa itsura niya.
"Anong monster ka d'yan?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Babe! Aww!" Kinurot ko pang lalo ang tagiliran niya.
"Monster, huh?!"
"Fuck!" He cursed. Nanlaki ang mata ko. Namula siya nang matanto ang nasabi sa harapan ng mga anak.
"Ano'ng sinasabi mo?! May mga bata!" I hissed.
"W-wala! W-wala! I-I was just kidding, babe!" Tunog nahihirapan na siya.
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa tagiliran niya at no'ng nakita kong namumula na siya ay saka ko lang siya binitiwan.
I rolled my eyes.
"Aww..." He whined.
Nakangiwi pa siya habang nakahawak sa baywang niya at nang nakitang masama akong nakatingin sa kanya ay nagpa-cute siya.
He blinked but I just rolled my eyes and moved away. Tumahol din si Skye kay Dash at narinig kong bumulong si Dash dito.
"Patay, galit si Mommy," he whispered to Skye.
Skye barked, hindi ko naman sila nilingon at bumaling ako sa dalawang anak ko.
"Come on, babies. Mama will tell you the story sa room n'yo," sabi ko.
Napatingin si Macky sa abnormal niyang Tatay na bumulong-bulong pa sa aso niya.
Napangiwi ako ulit. Childish.
"Babe?" he said.
Umusog siya sa kama pero bago pa man niya ako maabot ay dagling tumayo ako at mabilis na kinarga si Daru at nagsalita.
"Come on, Marcus. It's late, I'll tell you the story sa room n'yo," sabi ko habang karga si Daru na yumakap na sa leeg ko.
"Goodnight, Papa," Marcus kissed his Dad's cheek pero nanatiling tulala lang si Dash sa akin.
Akala mo, ah? I almost smirked but I bit my lip to stop myself.
When our eyes met, ay umirap lang ako sa kanya at umalis na kami ng mga bata.
I tucked them to bed, tinapos ko rin ang istorya sa kanila at nang makatulog silang dalawa ay roon na rin ako nag-shower sa kwarto nila.
Dash was just annoying, may oras na sweet siya tapos may time na nang-aasar at hindi ako natutuwa sa kalokohan niya ngayon.
Like seriously? Me? A monster?
Ang lakas nga niyang makasabing "I bet you're beautiful" eme niya pero ngayon sasabihin niyang monster?!
Ang lokong 'yon!
Inayos ko ang bathrobe ko at nagmartsa patungong kwarto namin. Marahil ay tulog na 'yon at mas maganda ngang gano'n kaysa naman mairita lang ako. Mag-aayos na lang ako ng lessons ko kaysa sa kanya.
Annoying.
Pagkapasok ako ay kaagad akong natigilan nang magtagpo ang mata namin.
He was sitting on the bed at nang makita ako ay dagling tumayo.
"Kaia," he called me.
Umirap ako at nilagpasan siya.
"Babe," he called me at sumunod siya sa akin.
Dumeretso ako sa teresa at napasinghap pa sa lamig ng hangin, biglang nagsisi sa damit na isinuot ko.
Naka-underwear lang ako at robe!
"Kaia ko..." He followed me.
Hindi na ako nagulat nang sumiksik siya sa likod ko at hinagilap ang baywang ko.
"Sorry na," he whispered sweetly. "I was just kidding, 'di ka naman gano'n. I just had a fucking humor."
Muntik na akong matawa pero kinagat ko ang labi.
Dapat nagtatampo, Kaia! Ano 'yan, Ma'am?!
"Ang kapal ng face mo, dati nga makasabi ka sa 'kin na feeling mo maganda ako no'ng 'di mo pa ko nakikita tapos ngayon..." himutok ko.
"Joke lang. I just want to make you laugh. We are used to teasing each other like this, so I thought... still it was wrong of me. Sorry, babe. 'Di na ako uulit," lambing niya. Humalik pa siya sa pisngi ko kaya nag-init ang mukha ko.
He's right though, we are so used to teasing each other like that pero wala lang siguro ako sa mood ngayon at kanina kasi sa university ay may problema sa mga estudyanteng hawak ko.
"Not funny," I murmured.
"Sorry na, ganda," ginalaw ko ang balikat para makaalis siya. "You know I didn't mean it that way, right?"
Alam ko! Pero ngumuso lang ako lalo para mang-asar at mag-inarte.
It was fun watching him being clingy and asking for attention.
"Uy, sorry na..."
"Bitiw," I hissed, sounding petty.
"Babe!" he chanted. "Sorry na, Reah. Kaia ko..."
Humalik pa siya sa leeg ko at umungot.
"What can I do to make it up to you?" lambing niya. "It was my damn fault, tang ina kasi 'tong bibig ko!"
I almost let out a laugh. Umungot siya at muling nagpaulan ng halik kaya no'ng nawawala na 'ko sa focus ay tumikhim at umayos ng tayo.
"Isa, Dash! Nag-so-sorry ka o naghaharot?" sikmat ko.
"Lambing," bulong niya. "Sorry na, ikaw naman kasi talaga ang pinakamaganda para sa 'kin. You know, how I knew right away that you're beautiful the first time I touched your face, right?"
Ngumuso ako.
"Then, I confirmed I was right the moment I opened my eyes. Nagliliwanag ka sa paningin ko, para 'kong nakakakitang Diyosa!"
Natawa ako bigla roon sa exaggeration niya.
Loko talaga!
"Nagliliwanag talaga?" I asked. Natawa rin siya.
"Yeah?" He chuckled at mas yumakap sa baywang ko. Isinandal niya ang baba sa balikat ko at nag-relax naman ako bago sumandal sa dibdib niya, unti-unting naramdaman ang pagwala ng pagod sa buong araw sa trabaho.
"Hmm," he hummed. "I mean, you're shining, that sudden skip of my heart, I won't deny that," kahit madalas ko nang naririnig iyon mula sa kanya ay 'di pa rin maiwasang magwala ang puso ko.
"I hate you pa rin," bulong ko, nangingiti.
"I love you, Kaia ko," he whispered soothingly. "Alam mo namang wala nang mas hihigit sa 'yo." He chuckled.
Nag-init ang mukha ko.
"Hate you," inarte ko pa.
"Love you," he whispered back.
Hinawakan niya ang balikat ko at ipinihit ako paharap sa kanya at pasandal sa railings.
Sinamaan ko siya ng tingin.
May plano 'to, panigurado!
I confirmed it when he grinned.
His perfect set of white teeth showed. He even bit his lip and wet it with his tongue.
"I love you, Kaia,"
He tilted his head, the veins on his neck showing.
"Hate you!" I teased back, trying to glare at him but it only darkened his dark blue–almost black eyes while staring at me.
I rolled my eyes.
"I love you," he breathed. "Babe, if you're trying to look mad, then I am afraid to tell you, but you are miserably failing. Roll your eyes one more time, and I'll be on my knees."
My lips pursed, almost smirking at him.
"Hmm, it was effective then, hearing you'll be on your knees, babe." I shot my brow up. "On your knees, groveling—"
"Nah, I'd be on my knees while I fuck you with my tongue," he cut me off.
Doon na ako natigilan, nahulog ang panga.
His wicked smile widened as he caught me even further.
Napapangiti na ako pero 'di ko ginawa. His black eyes stared directly at me, shining like the stars in the dark sky.
Maliwanag ito, masaya, at kumikinang. His gaze never failed to amaze me, sa ilang taon naming kasal ay hindi nagbago ang epekto ng mga matang iyan sa akin.
"Sabi mo monster ako," I smiled.
He nodded.
"Monster in bed," he trailed off. Nawala ang ngiti ko at hinampas ang balikat niya.
"Dash Rakiel!"
"Yes, captain?" he asked. Hinawakan pa niya ang balikat ko at hinaplos ako.
"I hate you," ulit ko.
He chuckled. Napaawang ang labi ko nang bigla siyang tumungo at sinakop ang labi ko.
I was shocked. Hindi ako kaagad nakagalaw nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. He nibbled it gently while tugging my robe out of my body.
"Dash," I groaned.
"Okay, okay..." He chuckled.
"Ikaw ang harot mo, ang topic lang dito, 'yong sinabi mo kanina. Tapos ngayon, balak mo nang tanggalin ang robe ko?"
"Try lang." Tumawa siya at inayos ang robe ko. "Anyway, hindi ka ba nilalamigan? You're only wearing your robe and underwear."
Lumamlam ang mata niya.
"And?" Sumulyap siya sa dibdib ko.
"Take it off?" he carefully asked.
Shaking my head to his request, tumingkayad at humalik sa labi niya bago hawakan ang kamay niya.
"Later, let's talk first."
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa kwarto. Naupo siya sa kama at hinila ako kaya napaupo ako sa hita niya.
"Talk, Dash. How are we supposed to talk in this position?" I asked him.
"Hmm, speak. Dati pa naman tayong nag-uusap na nakakandong ka sa 'kin."
Napairap ako at natawa siya bago yumakap sa baywang ko.
"Let's talk na, Kaia. What do you want to talk about?" tanong niya.
I was straddling him, hinawi niya ang buhok sa likod ng tainga ko bago inabot ang kwintas ko.
"Pinakialaman mo 'yong textbooks ko, huh," pansin ko.
He chuckled lowly.
"Hmm, Marcus is asking me for a story, so, naisip ko 'yong book mo. Naisip ko ngang ikwento sina Orpheus pero 'di na lang kasi tragic."
"And you chose Cupid and Psyche?" He nodded.
"They're one of the best-known myths, right?" he asked. Tumango ako. "And hindi mo pa sa 'kin nakwento 'yon," dagdag niya kaya nangunot ang noo ko.
Hindi pa ba?
"I thought you knew that," I informed and he shook his head.
"I want to hear the story, please?"
Tumango ako. Hinawi ko pa ang buhok ng asawa ko sa noo niya at napansin ko ang peklat dahil sa aksidente niya na halos 'di na pansin unless ganito kalapit sa pwesto ko. Hinaplos ko iyon at nanatiling nakatingin lang sa akin si Dash na inabot ang kamay ko at hinalikan ang palad ko.
"Hmm, so, Psyche brought an oil lamp towards Cupid's room. She wanted to see his face, kasi no'ng panahong 'yon ay buntis siya, naisip din niya na paano niya mapapalaki 'yong bata na hindi niya alam ang mukha ng asawa niya?"
"Then, why isn't she allowed to see his face?"
"Kasunduan," sagot ko. "It was in their contract not to see each other's faces. They'll meet but only when the lights are gone. Mag-asawa sila pero ang kasunduan nila, bawal ni Psyche makita ang mukha ng lalaki.
"It was their rule. Kasi noon, nagkaroon ng dilemma si Psyche. She was the most beautiful woman in their time, na iniisip na ng iba na siya na ang mortal na kagaya ni Venus. Pinagkokompara sila. Lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya kaso sa sobrang ganda niya, nai-intimidate silang lumapit."
"Parang ikaw?" he asked.
Napangiti ako.
"You weren't intimidated," I snorted.
"But you're the prettiest," pambobola niya bago ako pinaulanan ng halik.
I pushed him a little before we could end up kissing instead of talking.
"So... Dash Rakiel, isara mo 'yang robe ko!"
He was caught off guard. Nanlalaki ang matang sinara niya ang roba ko at tumikhim para makinig.
"A-and?"
Tumaas ang kilay ko pero nagpatuloy.
"His father asked the Gods to help him figure out how he can move his daughter away. Tapos ang sabi dalhin siya sa tuktok ng pinakamataas na bundok at doon niya mapapangasawa ang isang masamang halimaw na kalahating ahas."
"Ang sama naman," komento niya pero nakadungaw sa cleavage ko. Tinulak ko nga ang noo.
"Then, Psyche was crying but was shocked when the west wind, Zephyr, lifted her up from the top of the mountain to a palace. Tapos sinabi sa kanya na ang asawa niya ay nasa kwarto, at pwede niya itong puntahan kung malakas ang loob niya."
"Hmm..." He nodded and played with my fingers.
"She was strong enough to enter the palace, his room. Though it was dark, nahawakan niya 'yong lalaki pero laking gulat niya na hindi ito kagaya ng inaasahan niya.
"She was expecting a scaly, rough skin but instead she touched a soft one." Hinaplos ko ang pisngi ng asawa ko. "His lips are soft, and his nose is pointed." I touched his lips and nose. "He also has a defined chest, soft voice and gentle manner."
Nakatitig lang ang siya sa akin sa sinasabi ko at nang magtagpo ang mata namin ay ngumisi siya.
"Like me?" maliit na boses niyang tanong. I punched him playfully.
"Maisingit lang talaga, o!"
He cackled and kissed me hard.
"Okay, continue na." He shook his head.
"They fell in love, kahit hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki ay minahal niya nang sobra." His eyes softened upon hearing those words. His smile rose, inabot niya ang pisngi ko at tumango.
I know what he remembers. Us, back when he still didn't have his sight back.
"She was pregnant that time din, then, naisip niya nga 'yong itsura at kung sino ba talaga ang asawa niya. So she went inside his room one night. She just wanted a peek but was surprised when he saw the God of Love instead, Cupid."
Nakita kong matamang nakikinig siya sa akin.
"Sa sobrang gulat niya, nabitiwan niya 'yong lampara at 'yong langis mula doon ay tumapon kay Cupid."
"Then?" He asked eagerly. "When I tried reading it earlier, 'di na ako umabot d'yan."
"Cupid was disappointed. Doon din nalaman ni Psyche na ang ina nito na si Venus ay inggit sa kanya dahil sa kagandahan niya, kaya inutusan niya si Cupid na panain si Psyche, pero ang nangyari, siya ang nagkagusto sa unang sulyap pa lang niya sa dalaga. He was tasked to shoot her heart with his love arrow but accidentally pierced himself with it instead."
"Oh," he blurted, amazed. "And?"
"Ayon, he was disappointed because Psyche didn't trust and kept her promise not to know him too soon. He was injured and sad, that's why he flew away, wounded, leaving his wife alone in the palace."
"Well, that sucks..." Ayon lang ang nasabi ni Dash. Napangiti ako.
"Not everyone can easily get their own happy ending," sabi ko.
"That's somehow similar to Orpheus and Eurydice," aniya. Ngumiti ako at tumango.
"How can you say that?" I asked him.
Ginagap naman niya ang palad ko at ngumiti. He caressed my hand softly, drawing small shapes, and kissed my palm.
"Trust," aniya. "They both lack trust in their love, si Orpheus kasi lumingon siya bago pa makarating sa mundo ng mga tao and then Psyche, for not waiting for the right time to see her husband."
"Right," I agreed. "Trust is really the foundation of a relationship."
"Trust, love, and perfect timing," he murmured. "Trust in their love and perfect timing for fate to do its magic."
Hinapit niya ang baywang ko at kaagad kong pinatong ang mga kamay ko sa balikat niya.
I kissed him lightly on the lips. He smiled and planted a soft kiss back.
Nang maghiwalay ang mukha namin ay nagkatingan kami at napangiti.
"But I can't blame them," he murmured.
"Why?"
"Kasi, gusto lang naman nilang makita ang minamahal nila. I know they lack trust but if you love someone, gusto mo ring nakikita sila, 'di ba?" he asked.
"You have a point," I nodded. "Yes, I do."
"Kahit ako, noong bulag ako, walang araw na 'di ko pinangarap na sana pagkamulat ko isang umaga, nakikita na kita," bulong niya at sinalubong ang tingin ko.
Something churned inside my stomach, my eyes stung with his words, and I found myself pressing a kiss on his mouth and encircling my arms around his neck.
"Walang nagdaang araw, na 'di ako nangarap na sa pagmulat ko sa umaga, mukha mo ang masisilayan ko. I prayed hard, I begged God to give me my sight back so I could see you. Pinangarap ko 'yon, Kaia. Pinangarap kita."
Nakagat ko ang labi ko at mas yumakap sa kanya, hindi na napigilan ang luhang kumawala kaya kaagad kong hinawi iyon paalis.
He hugged me back tightly and kissed my hair.
"You're the most beautiful woman I've ever seen. You're my Psyche, babe. I'd die just to touch you. Gagawin ko lahat para makita lang kita araw-araw sa buong buhay ko."
"I love you," I said.
"Thank you, Kaia," bulong niya. "For coming to my life, for being the purpose of my challenge, for being my miracle, my wife, and the mother of my children."
Huminga ako nang malalim at tumango sa leeg niya.
"S-salamat din,"
Marahang inabot niya ako at hinawakan ang mga pisngi ko.
Our eyes met, both screaming with mutual affection and love. As I stared at him, I realized how lucky I am.
How lucky I was to have him as my husband–and the father of my children.
"Dash Sandejas," bulong ko sa hangin at inabot ang mukha niya. Napapikit siya nang hagkan ko ang talukap ng mata niya at haplusin ang peklat niya roon.
"The art, God gave me..."
Nginitian ko siya at kumislap ang mata niya sa muling pagmulat niya. Hinawi ko ang nalaglag niyang luha at matamis na humalik sa labi niya.
"I promise you, every morning when you wake up, I will be there to smile at you." I caressed his cheek. "I will be there with you in every waking moment. Do you trust me?"
He nodded. "I always do, Kaia. I always do."
He nipped my lip when he caught me for a kiss. Napahawak ako sa balikat niya nang malalim at marahan niya akong hagkan.
The kiss is full of love, affection, and trust.
Trust that we'll stay to our words—'til eternity.
"Kaia?" he murmured against my lips. Idinikit niya ang noo sa akin at pumatak muli ng halik.
"Hmm?" I hummed.
"I'm in love with you," he informed. I smiled and nodded.
"I know. I'm in love with you too," bulong ko pabalik.
He nodded at nagbaba ng tingin. Napansin kong may kinakalikot ang kamay niya at nanlaki ang mata ko nang makitang pinagdidiskitahan na niya ang tali ng robe ko.
"Dash Rakiel..." I called in my warning voice but in all honesty, I sounded like I wanted it so bad, too.
"Come on, babe. We're done talking." Tawa niya at tuluyan nang tinanggal ang buhol.
"Ang harot," bulong ko habang napapalunok at pinapanuod siya.
"You're seducing me, kanina ko pa nakikita 'yang cleavage mo. Gigil ako," aniya at mas napahagalpak ako ng tawa.
"But... I'm not done yet," I insisted, teasing. "You still haven't heard their happy ending."
Natigilan siya.
"They had?"
"Hmm! S'yempre 'di naman agad-agad pero—"
"Damn it, then." Umiling siya, umiigting ang panga. "I'll listen to their happy ending but not after I get mine first."
Mas bumilis ang ginagawa niyang pagkalas kaya 'di ko na napigilan ang ngisi sa itsura niya. Medyo naawa naman na ako kaya umalis ako sa kandungan niya.
"Kaia!" he whined. Tumayo ako sa lapag at tinignan siya.
"Strip," utos ko. Nahulog ang panga niya.
"H-huh?" He blinked. Marahang tinanggal ko robe ko at binuksan.
"Come on, captain. Remove the shirt." Nguso ko sa damit niya.
Halos mapahagalpak ako nang wala pang ilang segundo'y nahagis niya ang shirt paalis.
"That was fast," I hummed, amused.
"And you're too slow," reklamo niya at lumuhod sa kama.
Ngumisi ako at ibinagsak ang robe sa lapag bago lumuhod sa kama pero 'di pa man ako nakakagalaw ay mabilis niya akong nahila at ibinagsak sa kama.
"Dash Rakiel!" I exclaimed but he watched me wickedly with those seducing eyes of his.
"Scream, Kaia," he teased and trapped me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co