Truyen3h.Co

Blind Love (Published Under Wattpad x LIB)

Kabanata 21

heartlessnostalgia

Kabanata 21

"HI, Reah!" I stopped writing.

"Oh?" Nilingon ko si Trevor sa tabi ko.

"Wala naman ang tahimik mo," aniya at pinagmasdan ako.

"Pagod lang kasi ako," sagot ko at tipid na ngumiti. He nodded at nagulat ako nang kunin niya ang notebook ko roon sa lamesa ko.

"You're really good at this," turo niya sa sinulat ko.

Wala kaming professor ngayon sa Literature, but he left us an activity. We should elaborate on our favorite myth at pagkatapos ay ibabase namin sa real-life situations.

Well, ano pa bang paborito ko? Of course, it's the story of Eurydice and Orpheus. I don't know why, but even among the myths with happier endings, this one remains my favorite. Somehow, it carries a deeper weight for me now, a value that feels greater than the rest.

Ani nga nila, may kurot sa puso. That's why I think I am drawn to this story. Isa pa, nakaka-relate ako at saka may naaalala akong tao kapag ito ang topic.

"Paborito ko kasi 'to."

"Why this? I mean, it's tragic. Most of the girls love love stories with happy endings, right?"

I nodded. "Well, that's true. Pero siguro depende lang sa tao 'yan, I love happy endings too, but tragic is not that bad..." I shrugged.

"You know, Reah, you're really different." Nilingon ko kaagad siya.

"Bakit naman?"

"There's something unique about the way you think and talk," he answered. "That's why I really like you." Natawa naman ako at napailing sa kanya.

This man, really...

"Whatever, Trevor." I shook my head. "Sabi ko naman sa 'yo, we can be friends but more than that? I can't assure you." He pouted. Natawa ako.

"Reah, I have a question..." he asked.

"What is it?"

"Hmm, last sem," he started. "May nabalitaan ako, is it true that you already have a boyfriend?"

Natigil ako sa sinabi niya.

"Saan mo naman nakuha 'yan?" tanong ko at tumikhim.

"Just heard about it, at saka sabi ng mga kaibigan mo. Is it true?"

I remembered that. This was when Dash went to our university and my friends saw him.

"Wala 'yon," sabat ko.

"Sa pagkakatanda ko, his surname sounds like Sam or San–" I cut him off.

"Hindi 'yon totoo," agap ko.

'Di na siya nakakontra nang may pumasok na instructor para kolektahin iyong kailangan naming ipasa.

Pagkalabas ko ay nakasunod si Trevor, nagtatanong tungkol naman sa OJT na sinagot ko.

May mga oras pa kasi akong pupunan sa OJT at practice teaching na kami. Student teacher na rin ako kaya plano kong itigil na rin ang part-time para makapag-focus sa OJT at requirement at malapit na ang graduation.

"Okay naman iyong sa OJT mo?" aniya. "Kung gusto mo, p'wede kang lumipat doon sa school ko–"

"I'm fine dito sa ngayon, Trevor. Saka ayaw ko ng special treatment."

"Special treatment?" Natawa siya. "Wala kaya–"

"Oh, really? Kilala ang mga Sanchez mo sa school doon, h'wag ako. Ayoko, masaya na ako rito."

"Alright..." Tinaas niya ang kamay. "Pero kung–"

I gave him a look. Natikom niya ang bibig at tumango.

"Uuwi ka na kaagad?" aniya at inakbayan ako kaya tumigil ako at sinamaan siya ng tingin.

"May kikitain lang ako," I told him. "At saka h'wag mo ako akbayan..." Reklamo ko sabay hawi sa kamay niya.

"Bakit ayaw mo? You said na wala kang boyfriend and ako lang sa pagkakaalam ko ang nanliligaw sa 'yo so, why does it matter?"

"Oh, nanliligaw ka pala?" Nangunot ang noo ko. Sumimangot naman siya at lumapit sa akin.

"Hindi mo ba ramdam? I give you flowers everyday, Fleureah..." ungot niya.

"Which I don't accept," sabi ko. "Sinabi ko naman sa 'yo na tumigil ka na lang. You know, Trev, marami pa r'yan. I doubt na mahihirapan ka. Sa gwapo mong 'yan?"

His lip twitched.

"I know. Marami pa pero ikaw ang gusto ko,"

"The only label I can offer you is friendship, Trevor," mahinang sabi ko sa kanya. That made him stop.

"'Yon lang ba talaga?"

"Yes, hindi ako handa sa mga ganyang bagay sa ngayon. Sorry."

"I understand." He sighed. Inakbayan niya ako ulit. "But I won't stop."

"Trevor!" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Ngumisi siya at kumindat.

"You think I followed you here in Manila for nothing? I will get your attention, Reah."

Hindi ko na siya pinansin at inirapan lang. Sumunod naman siya sa akin at inagaw ang librong hawak ko.

"Bawal."

"Hahatid na lang kita."

Gusto ko sanang tumanggi pero nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan sa parking lot ay binawi ko at sumama na lang ako sa kanya.

Ano'ng ginagawa ng lalaking 'to rito?

Last night was not really a good time for me. Kagabi ay napagdesisyonan ko nang umuwi sa probinsya para sa sembreak namin. Tatapusin lang namin ang thesis at ilang requirements ay tapos na ang sem na ito kaya uuwi ako.

Kailangan ko pang tapusin ang OJT kaya baka mag-apartment lang ako tapos doon na dederetso o 'di kaya'y sa Sta. Monica na lang mag-second sem at maghahanap ng bagong school?

I should think first and consult Tito Ejercito and Tita Lena. Hindi ko naman pera ang pinang-aaral sa akin kaya importante ang desisyon nila. Kapag pumayag sila, sa probinsya na lang ako. Doon mas tahimik ang buhay. Walang gulo, walang sakit, walang Rheallyn, at lalong walang Dash.

Para na nga akong tanga kung umiwas kaninang umaga sa mansyon. Hindi na ako nag-agahan kanina dahil nasa kusina siya at kumakain. I was doing my best to avoid him, malapit na rin naman matapos ang pasukan ko at uuwi na ako.

I was positive he saw me entering the kitchen at bago pa man siya makagawa ng kung ano ay tumalikod na ako at pumasok na lang sa eskwelahan nang maaga.

Kanina ay magang-maga ang mata ko. Absent nga ako sa first subject ko at natulog lang ako sa library dahil wala akong tulog kagabi. Sa pangalawa at last lang ako pumasok at dahil walang professor at dahil half day lang din sa trabaho ang kapatid ko ay napagdesisyunan naming magkita.

.ೃ࿔ ✈︎ *:·

SA isang fast food chain lang kami magkikita ng kapatid ko. Nang makaalis si Trevor matapos niya akong ihatid ay kaagad akong pumasok.

Hindi rin ako nahirapang mahanap ang kapatid ko dahil sa height niya. I know his face well and he looks more handsome now.

Mana kay Tatay. Hawig na hawig talaga si Johann at ang Tatay ko. My Dad was a half-Filipino and half-Spanish kaya nakuha namin marahil sa kanya ang itsura namin.

"Ate!" Tumayo si Johann pagkakita sa 'kin.

"Hello..." I smiled. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng kapatid ko.

"A-Ate..." aniya.

I want to stay casual. It's been a while since I talked to him but my defenses melted and slowly, I raised my arms to embrace him.

"Johann, kumusta ka?" Tanong ko nang humiwalay sa kanya.

"Ayos lang kami. Kayo, kumusta na? Ang ganda mo na lalo..." Natawa ako sa sinabi niya at may mainit na humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kapatid ko.

He looks more mature now. Parang dati totoy pa 'to!

Naupo kami at napansin kong naka-uniform pa siya, 'yong uniform sa airlines.

"Ayos lang naman kami." I smiled. "Ikaw, kumusta na? Ang gwapo-gwapo mo na lalo!"

Nakita ko ang pagpula ng pisngi ng kapatid ko.

"Ate Reah naman!" he said shyly. Sinuklay niya nang bahagya ang buhok niya na ngayon ay malinis ang gupit.

"Oo nga, ang gwapo at mas tumangkad ka! Flight attendant ka, 'di ba?" tanong ko.

"Opo, Ate. Ikaw, Ate, nag-aaral ka ulit?"

Napatingin ako sa uniform ko at tumango.

"Education pa rin?" Tumango ako sa kanya.

"Last sem na ako next sem kaya ga-graduate na rin ako." Nangiti siya at tumango, namumungay ang tingin. Nagulat pa ako nang may kunin siya sa tabi niya at namilog ang mata nang makitang may dala siyang pumpon ng pulang rosas.

"Ate..." Inabot niya sa akin. Gulat man ay tinanggap ko iyon.

"Salamat, Johann. Nag-abala ka pa," I told him. Nilagay ko sa kandungan ang bulaklak.

"Nako, Ate. Wala pa 'yan sa lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko," sabi niya. "Pinauna mo ako mag-aral tapos nagawa ko pang mag-asawa kaagad. Sorry, Ate," humina ang boses niya, nabakas ko ang sinseridad do'n.

"Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko kasi kahit tawag 'di ka makaalala..."

Tumungo siya at tumango. "Pasensya na, Ate, nahihiya kasi ako sa 'yo..."

I smiled and nodded. Inabot ko ang kamay niya sa labas niya.

"Matagal nang tapos 'yon. At saka, matatapos na rin naman ako. Masaya ako at may maayos kang trabaho at may pamilya na."

"Salamat." He smiled softly. Saglit siyang umalis para bumili ng makakain namin, pinagmasdan ko lang siya.

He grew up so fast. Kahit siguro tingnan lang kami ay pansin na pansin na magkamukha kami. Kaming dalawa ay may malaking pagkakahawig kay Tatay at si bunso ang hawig kay Nanay.

It took us a couple of hours to talk and catch up with each other. Kumain kami at nag-kumustahan. Nangako rin siyang uuwi sa Sta. Monica kasama ang pamilya. Nalaman ko rin na kaninang umaga ay tumawag na siya kanila Nanay para mangumusta.

"Ingat, Ate Reah..."

"Ikaw rin. Uwi ka sa atin, ah? Miss ka na namin. Lalo na si Allia, maliit pa 'yon no'ng umalis ka."

Nahihiyang nagkamot siya ng batok at tumango sa akin. "Nga pala, kilala mo si Dash Sandejas?" Natigil ako pagbanggit niya sa pangalang iyon.

"Bakit? What about him?"

"Wala naman. He's the airline's director, he went to our department kanina tapos nagtanong kung kailan ako makikipagkita sa 'yo," aniya.

"Sinabi mo?" Umiling naman siya kaya napahinga ako nang maluwang.

"Bakit, kilala mo? He seems concerned..."

I shook my head.

"H-hindi, hindi ko kilala." I smiled awkwardly. Nakita ko ang tanong sa mga mata niya pero 'di na nangulit pa.

Nagpaalam naman na siya at siya pa ang nagpasakay at nagbayad ng taxi ko pauwi.

Saglit kong nakalimutan ang mga bagay na nagpasama ng loob ko noong nakaraang gabi dahil sa pagkikita namin but now that I am going back to this mansion again, ayaw na naman pumirmi ng puso ko.

Bitbit ang rosas na bigay ng kapatid ko ay pumasok ako ng gate. I saw Zidney watering the plants at nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at kumaway.

"Hi, Ate Kaia!" she exclaimed. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na iniikot ang tingin ko. Nang makitang walang tao ay dagling lumapit ako sa kanya.

"W-what did you call me?" mahinang tanong ko.

"Ate Kaia?" patanong niyang sagot.

"H-hindi, that's not my name." Umiling ako. Her forehead creased. Her soft black eyes were full of curiosity.

"Talaga? Then why did Kuya Zeijan say your name is Fleureah Kaia?" she asked. Napapikit naman ako at napabuntonghininga.

Zeijan couldn't really shut his mouth! Busalan ko kaya nang manahimik?

"Yes, that's my name but can you call me Fleureah or Reah instead?" Napanguso siya sa sinabi ko. "H-hindi ko kasi gusto 'yong Kaia, e."

"Why? It's pretty naman," she mumbled and smiled adorably, placing strands of her hair behind her ear.

"Uh, wala lang..." sabi ko.

"Noted, Ate Reah!" she stopped at mukhang napaisip. "But on the other hand, I'll call you Ate Fleureah na lang."

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi, I think of Rheallyn the bitchy when I hear the 'Rhea' name..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya natawa siya at umiling.

"Sshh lang, Ate. Baka marinig ni Kuya Dash," aniya at ngumiti sa akin.

"Sige," I told her, nagpipigil ng ngiti.

"Ang ganda naman ng flowers mo, Ate! Kanino galing?" tanong niya at sinilip ang mga rosas ko.

"From my brother." Tumango naman siya at napabilog ang bibig niya. "Gusto mo?" Nakita ko ang pagliwanag ng mata niya at ang pagtango, napansin kong may kakaiba roon pero 'di ko na masyadong pinansin. Ngumiti ako at kumuha ng tatlong tangkay ng rosas at ibinigay sa kanya.

I saw her eyes shift in a sudden emotion na kaagad ding nawala. She smiled and thank me, nakita kong mahigpit ang hawak niya sa bulaklak. Sa muling pagsulyap ko ay nakita ko ang blankong mga mata niya pero hindi na ako nagkomento roon.

I always see those blank emotions in her eyes and I always wonder why she's faking her smile sometimes.

"Yes, I'll just take my remaining units next sem," ani ng bisita nila roon nang pumasok ako.

I saw Dash there with his fiancée, Tita Lena and Tito Ejercito were there too, as well as Zeijan and...

My feet froze when I saw the person talking.

"Fleureah!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Trevor na mabilis na tumayo nang makita ako.

"What—?" Mabilis siyang naglakad at napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin.

"What are you doing here?" Gulat kong tanong sa kanya nang humiwalay siya sa akin.

"You know each other?" Tita Lena asked. I was about to speak when Trevor started talking.

"She's the one I was talking about, Tita!" Trevor exclaimed. Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan at iharap sa mga gulat na taong nasa lamesa. "Siya 'yong nililigawan ko!"

My jaw dropped. Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumagsak na kung ano kaya napalingon ako at nakita si Dash na nakatitig kay Trevor.

"Magkakilala kayo?" biglang sabat ni Zeijan.

I saw him glance at Dash, who's been eyeing Trevor at napangisi siya. My forehead creased.

"What a small world!" Zeijan exclaimed happily. "Who would have thought na magkikita kayo rito? Trev, sinagot ka na ba?"

Natulala lang ako nang bigla akong hapitin palapit ni Trevor sa kanya at mas inakbayan ako.

"Not yet..." I saw him smile. "Pero malapit na raw..."

Huh?!

"Wow! I never expected you two know each other!" Tita Lena smiled happily. "Fleureah lives here, hijo..."

Mula sa pagkakaakbay sa akin ay nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko at hinila ako palapit sa lamesa.

"W-what are you doing?" Pinigil ko si Trevor sa paghila sa akin.

"Kakain tayo." He smiled at me.

"B-but..."

"Uy, Reah! May flowers ka pa pala! Galing kay Trevor?" Nagulat ako nang tumayo si Zeijan at kunin sa braso ko ang bouquet na hawak ko para itabi.

Mabilis akong umiling at magsasalita pa sana ako nang sumabat na naman ang hunghang na si Zeijan para putulin ako.

"Ay, hindi? Sa isang manliligaw mo pa?" Tumawa pa ang baliw sa harapan ko!

Nakita ko ang pagnguso ni Trevor dahil marahil alam niyang galing ito sa kapatid ko pero hindi siya nagsalita.

"H-hin—"

"Kumain na kayo..." Ngisi ni Zeij at inilahad ang kamay niya at tinuro ang lamesa. Tatanggi sana ako pero nahila na ako ni Trevor at halos matulala pa ako at nanigas ang paa ko nang makita ang seryosong mga mata ni Dash habang nakatingin sa akin.

I saw how his jaw clenched, his eyes serious and obviously annoyed. Mahigpit ang hawak niya sa kutsara na tila nagpipigil.

"Let's eat!" Nabaling ang pansin ko kay Rheallyn nang bigla itong magsalita sa kabila ng katahimikan. Nakapirmi ang mga labi niya at matiim ang tingin sa akin.

She glared when she caught my eye.

"Here." Ipinag-angat ako ng upuan ni Trevor at nang makitang makakatabi ko si Dash ay umiling ako kay Trev.

"Dito na lang ako uupo." I pointed to the other seat.

"Huh? Sige." Akmang lalapit ako roon sa kabilang upuan nang may magsalita.

"Why don't you sit beside me, Fleureah?" Matigas at malamig na boses ni Dash ang nagpatigil sa akin. Nilingon ko siya at sinalubong ang mata niya.

"I'm comfortable sitting there inst—"

"Are you uncomfortable with me?" he cut me off. I was about to say something again when Tita Lena spoke.

"Sit beside Dash, hija." Napatingin ako sa kanya.

She smiled at me gently and I don't know, knowingly? Kaya sa huli ay wala na akong ibang choice kung hindi ang tumabi roon.

Halos hindi ako makahinga pagkaupo sa tabi ni Dash. I can feel the tension beside me. Ni hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang nakakapasong tingin niya sa tabi ko.

I did my best to toughen myself. Hindi ko nga lang mapigilan ang bilis ng tibok nito.

Dumating ang mga pagkain at dumating din si Zeijan galing sa labas at dala na niya si Zidney pagkapasok. Pagkapasok ay nasalubong ko kaagad ang mata ni Zidney at ngumiti siya sa akin.

"Hi, Ate Kaia!" Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo.

"I—"

"Hello!" Natigil ako nang may magsalita. Lumingon ako at nagulat ako nang makitang kumaway si Rheallyn kay Zidney na sumimangot at bumaling na lang sa Kuya Zeijan niya.

Something inside me stirred.

So she's claiming she's Kaia now, huh?

Well, bahala na sila.

I swallowed the bitterness in my mouth.

Hinanda ang pagkain sa harapan namin. Nagpasalamat ako kay Aling Wanda nang maglagay siya ng pagkain sa may bandang harap ko at tumango siya at ngumiti.

"Walang anuman, hija. Napakabait mo talaga." She smiled.

"Opo naman, kaya love ko 'tong si Reah, e!" ani Trevor. Nakarinig kami ng kalansing.

Lumingon ako at nakita kong natumba ang baso ni Dash.

"What's that, Dash?" Tito asked him.

"Nasagi ko, sorry..." Dash apologized but I couldn't sense the remorse.

Kumuha na sila ng pagkain sa hapag at nanatili muna akong tahimik doon. Nang makakuha na sina Tito at ang iba ay bahagya akong tumayo para kumuha.

"Do you like veggies, Rea—"

"Gusto mo ng gulay, Reah?" Natigil ako nang may sabay na magsalita. Napalingon ako kay Dash na nagsalita pabalik kay Trevor na akmang tatayo para sa ulam ko.

"Uh, ano..." Nakagat ko ang labi ko at umiling. "Ako na lang ang kukuha."

"But—"

"Siya na nga kukuha, 'di ba?" Dash cut Trevor off.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Trevor sa sinabing iyon ni Dash at mukhang papatol pa ay inilingan ko agad siya at ngumiti ako.

"Ako na, Trev, salamat," I said. Bumuntonghininga siya pero ngumiti rin sa akin.

"Okay, then," he said.

"Dash, babe, I want veggies..." Dinig kong sabi ni Rheallyn sa may tabi ni Dash. Hindi naman ako lumingon at sumandok na lang mula sa pinggan ko.

"You get it, malapit lang naman sa 'yo," Dash said in a cold voice.

"But I can't—" maarteng sabi nito.

"I won't tolerate your whims now, Rhea..." mariing sabi ng katabi ko at bumaling na lang ako kay Trevor para magtanong at hindi sila mapakinggan.

"How come you're here?" tanong ko kay Trevor.

"I told you, destiny tayo," bulong niya pabalik.

"Baliw ka talaga, 'no?" My forehead creased.

"Oo, baliw sa 'yo." Sinipa ko ang paa niya sa ilalim kaya napangiwi siya pero tumawa rin. I chuckled and shook my head.

"You two seem very close, hija," biglang sabi ni Tita Lena na may ngiti at naaaliw na tingin.

"Uh, ano... medyo po," I mumbled, then smiled at her.

"Medyo ka r'yan, don't believe her, Tita. Patay na patay sakin 'to, e, feeling ko nga minsan siya na gusto manligaw sa akin." Humagalpak si Trevor.

Ang kapal ng mukha?!

"Hindi, a!" Kumunot ang noo ko.

"Trevor is a family friend, Fleureah. Pangalawang anak ng kaibigan namin ni Jer na nasa Sta. Monica, sina Cecille and Floyd. Nakausap mo na ba sila ulit, hon?" ani Tita Lena at bumaling kay Tito Jer.

"Not yet, nasa ibang bansa ata ang dalawa," ani Tito.

"Opo, Tito," Trevor answered. "Nag-enjoy masyado pero uuwi naman 'yon siguro next month."

"They better be." Tita Lena smiled beautifully. "Ilang buwan ko na rin kasing 'di mahagilap ang mga 'yon at puro text lang but wow! Who would have thought na magkakilala pa kayo?"

"I met her last sem, Tita, no'ng pumasok siya sa university. Classmate kami sa ibang subject," ani Trevor.

"Oh, you mean, magkakilala na kayo sa Sta. Monica pa lang?" ani Tita Lena.

I saw through my peripheral vision how Dash stopped eating.

"S-she's from Sta. Monica?" Dash blurted out na ikinatahimik ni Tita Lena.

I saw her froze at nagbaba siya ng tingin at mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang inabot niya ang juice niya para sumimsim, akala mo'y walang sinabi.

Tumaas ang kilay ni Tito Jer at may ibinulong sa kanya. She made a face and said something only the two of them could hear.

"Oo, galing kami ro'n. Gusto ko na siya ro'n pa lang kami," ani Trevor. Halos mapa-facepalm ako.

"Bakit may problema ba, babe?" ani Rheallyn.

Nakita ko ang pagpatong niya ng kamay sa kamay ni Dash. Hindi naman ito sumagot pero nakita ko ang tingin nito sa akin kaya dagli akong nag-iwas ng tingin.

"So, nililigawan mo simula pa no'n si Reah-to—" Pinanlakihan ko ng mata si Zeijan kaya natahimik siya. "I mean si Reah?"

"Hmm, kinda..." Trevor answered. "But I followed her here in Manila nang nalaman kong umalis s'ya. Then luckily naging magkaklase kami." Trevor glanced at me and smiled.

"Anong program mo, hijo?" Tito Ejercito asked him.

"Uhm, Education po, Major in English. Just like Reah," ani Trevor. "This girl has a thing for Literature. She loves myths, actually..." Mariing napapikit ako sa sinabi niya at malakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

Damn you, Trev!

Halos sumabog na ang puso ko sa bilis dahil sa kaba.

"Right, Fleureah?" ani Trevor kaya napatingin ako sa kanya at alanganing ngumiti.

Humanda talaga sa akin 'to!

"Fleureah's a catch, Trev. Treat her well," ani Tita Lena na may ngiti.

"I will, Tita." Trevor smiled. "Who would dare hurt a girl like her? I mean, she's wonderful and only those who're not in their right mind will hurt her," he said, looking at me.

I smiled at that, not wanting to look at Dash, who was obviously piercing me with his deep stares.

The whole dinner was quiet afterwards. I mean, on my part. Sina Tita lang ang nag-uusap at saka sina Trevor. Hindi naman na ako kumikibo. Dash was quiet too, kinakausap siya ni Rhea pero wala rin itong kibo.

"Kapag uwi nga namin sa probinsya, kakausapin ko na si Tita," ani niya sa Nanay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Para saan, hijo?" Tita Lena asked.

Sumandok ako ng salad bago sumubo.

Bakit kakausapin nito si Nanay–

"Papaalam ako para sagutin na ako ni Reah!" Nabulunan ako at napaubo. Nabitiwan ko hawak kong kutsara.

"Reah, are you oka—"

"Here..." Mabilis kong tinanggap ang juice na inabot ni Dash at ininom. Nang mawala na ang nakabara sa lalamunan ko ay binaba ko ang baso at nilingon siya.

I met his black eyes again. He was staring at me intently, like I had done something wrong, or a recognition. I don't know...

"T-thanks..." sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Seryoso na talaga 'to, Reah!" ani ni Zeijan. "Sagutin mo na!"

Napatingin kaming lahat kay Dash nang malakas siyang tumikhim.

"Ayos ka lang, babe?" ani Rheallyn. Sumulyap muna sa akin si Dash bago bumaling at tipid na tumango rito.

"I am looking forward to her 'yes'," Trevor said, smiling.

"Asa!" Gulat akong napatingin kay Dash na mariing binulong iyon at nang mahuli akong nakatingin sa kanya ay kinagat niya lang ang labi at nag-iwas ng tingin, iritado.

Ano na namang problema nito?

Hinatid namin sa labas ni Zeij si Trevor pagkatapos hanggang sa sasakyan niya bago kami sabau na pumasok ni Zeijan sa loob.

"Akalain mo 'yon, magkakilala pala kayo ni Trevor, Reah-tot!" tuwang-tuwang sabi ni Zeijan at ginulo ang buhok ko. Umangil ako at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

"Alam mo, pabibo ka..." sikmat ko. Humagalpak naman siya ng tawa sa akin at inakbayan ako.

"Why, Reah-tot? Selos nga 'yong gagong kapatid ko, e!" tuwang-tuwa pa niyang sabi.

Kung 'di ko lang alam na ganito talaga ang ugali niya sa normal na araw ay iisipin kong palagi siyang naka-energy drink sa dami ng energy sa katawan.

Hyper.

"So?" Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. "I don't care if he'll get jealous or what..."

"Weh?" He gave me a taunting face. Nasa punto na akong gusto kong lamutakin ang mukha niya para manahik.

"Ikaw nagpapahamak sa akin kanina, e," reklamo ko.

"What? Hala, si Trev nga!" Sumimangot ako at siniko siya.

"E bakit mo sinabi kay Zid na— " We stopped when we saw Dash standing in the doorway. Matiim itong nakatingin sa aming dalawa ni Zeijan.

Dagli akong nag-iwas ng tingin nang makita si Rheallyn sa tabi nito at lumingon kay Zeijan.

"Bitiwan mo 'ko," bulong ko.

"Ayoko..." Zeij grinned. Deretsong naglakad kaming dalawa kahit pilit kong tinatanggal ang akbay niya sa akin at nagulat na lang ako nang tumigil kami bigla sa paglalakad.

I saw Dash standing in front of us. My heart leaped.

"Tabi..." he said coldly, eyeing his brother intently, almost clenching his jaw.

"Huh? Daan ka na lang sa gilid, maraming daan o..." ani Zeijan, nagmamaang-maangan.

"I want to walk here. Now, move," mariing sabi nito. Pinilit ko namang makaalis kay Zeijan at nang mahiwalay nang kaunti ay dumaan si Dash sa gitna namin.

My forehead creased when I saw Dash bump his shoulder against his brother as he was passing by. Zeijan cursed. I saw a glimpse of a successful smile on Dash's face when he passed through us.

Hindi ko na binigyan ng meaning 'yon.

Inayos ko ang bulaklak na bigay ni Johann pagkapasok ko ng kwarto. I put it in a vase at nilagay sa may dresser.

Nag-shower ako at nagpalit ng damit bago humilata sa kama. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa lahat ng nangyari ngayong araw.

Just a few more days, Reah, aalis ka na r'yan...

Hindi ako makatulog kinagabihan. Nanatili akong tulala roon sa kisame, I started counting sheep, imagining stars but still, I couldn't sleep.

I groaned out of frustration. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at umiling bago nagdesisyong lumabas ng kwarto.

I was fixing my hair in a bun as I walked outside. Hanggang sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin at saan pupunta para malibang. Maybe I'll go to the garden?

I stopped when I saw a familiar figure walking towards my direction. Kaagad kong naibaba ang kamay ko nang masalubong si Dash doon na mukhang nagulat nang makita ako.

I noticed his tired eyes, nakita ko ang pagkabahala roon na halos nagsusumamo na rin habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagbitiw, malamig at blankong tingin din ang ipinukol ko sa kanya bago tumikhim at nagdesisyong dumeretso ng lakad.

I passed by him, nakita ko ang pag-awang ng labi niya at hindi na ako nagulat nang tawagin niya ako pagkalagpas ko.

"R-Reah..."

Narinig ko siya pero hindi ako lumingon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"R-Reah..." tawag niya ulit. Hindi ko siya muling pinansin at nagtuloy lang paalis sa hallway na iyon pero napasinghap ako nang mamatay ang ilaw sa buong bahay.

Darkness filled the hallway. I panicked. Napigil ko ang hininga ko at in-adjust ang tingin ko sa paligid at pilit na humagilap ng liwanag.

"Shit!" Napaayos ako ng tayo nang marinig ang boses ni Dash. "F-fuck..."

Lumingon ako sa likod pero pulos kadiliman lang ang nakikita ko. Nakarinig ako ng pagbagsak kaya nangunot ang noo ko.

"R-Reah..." I heard Dash's faint voice. "P-please, R-Reah..." His voice was shaking.

He's afraid of darkness! Nakagat ko ang labi sa naalala.

"W-where are you?" tanong ko nang matantong wala nang kuwenta ang pag-iwas ko ngayong dumilim.

"I... I don't know. I-I'm here." Huminga siya nang malalim.

Naglakad ako at kumapa sa dilim para hanapin siya.

"R-Reah, don't leave me," mahinang sabi nito, halos magmakaawa.

My throat tightened, remembering how afraid he was every time it was dark in his room before.

"Wait, I'll come to you," sagot ko naman. Nahawakan ko ang pader kaya kumapa ako roon.

"Nasaan ka?"

"I-I don't know..." he answered faintly. I walked again at nang may masanggi ang paa ko ay umayos ako.

"Dash?" Mabilis akong naupo nang naramdaman kong nakaupo siya sa lapag.

"R-Reah?" he whispered.

"Oo, ako 'to." My breathing hitched when he suddenly pulled me in for a hug. Napaluhod ako at sumubsob siya sa balikat ko habang nakaupo, tila nawawalang bata.

"I-I'm scared, ayoko sa dilim..." nanghihina niyang sabi.

I closed my eyes tightly.

His trauma.

"Sshh," I calmed him. Umayos ako ng upo pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

"H-h'wag mo ko iwan," his voice broke, his body trembling. "I'm scared, Reah, please." Napabuntonghininga ako at hinaplos ang likod niya.

"Liliwanag din 'yan," I assured him. "Maybe they're checking the generator now."

Hindi naman siya umimik pero ramdam ko ang panginginig. Nanatili siyang nakayakap sa akin. Halos limang minuto kaming walang imik at sinamahan ko lang siya roon sa lapag.

Bakit ba nawalan ng ilaw? And probably, even Tito and Tita are panicking!

His breathing was labored, naramdaman ko ang pagtama ng kanyang hininga sa tainga ko at mas humigpit ang yakap sa akin. Nang gumalaw ako saglit ay tila takot na mas binalot niya ako sa kanyang braso at mahinang bumulong.

"S-sorry..." bulong niya. "Please, don't leave..."

Dama ko ang takot sa kanya. I won't be shocked if he's traumatized by it. He was jailed in darkness for months!

Suddenly, the lights came back, kaagad kong naipikit ang mata sa pag-atake ng liwanag sa mata ko. I closed my eyes and slightly pushed him away from me to get some space.

Nakita ko ang pagkabigo sa mata niya sa ginawa ko pero hindi siya nagsabi ng kung ano.

"S-salamat..." mahinang sabi niya at binitiwan ako. He sat on the floor like a lost boy. Nakatungo siya at nakatulala sa lapag.

Nahabag ako at nanakit ang puso.

"I-I'll take you to your room," mahinang sabi ko sa kanya at nag-angat siya ng tingin. I was stunned to see drops of tears on his face.

"S-sorry..." mahinang sabi niya at pinunasan ang luha niya.

Tumayo siya at nanatiling nakatungo. He was just standing there kaya inabot ko ang kamay niya at marahang hinila siya papuntang kwarto niya. He stayed still, pero naramdaman ko ang paghawak niya nang mahigpit sa kamay ko.

I walked him to his room at kaagad kong binuksan ang ilaw nang makapasok kami.

"S-salamat," he whispered. I nodded, avoiding eye contact.

"Sige, labas na ako." Tumalikod ako para umalis nang pigilan niya ang kamay ko.

"R-Reah..."

Napalingon ako sa kanya na nakatayo na at hawak ang palapulsuhan ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at may kung anong kumurot sa puso ko nang makita ang relo na binigay ko na suot niya.

Gusto kong matawa at maiyak. Naninigas ang katawan ko at nanuyo ang lalamunan ko.

All the words last night came back in an instant. Pakiramdam ko ay nadudurog na naman ang puso ko.

Para saan, Dash? Bakit sinuot mo? Ano'ng gusto mong iparating?

"A-are you and Trevor dating?" mahinang sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mga mata niya. His eyes were gloomy, as if they were begging. I stared back at his eyes coldly. Ni nawala ang pagbilis ng puso ko at napuno ng sakit.

"My personal life is none of your business, Mr. Sandejas," I answered him formally.

His mouth parted.

"R-Reah, about—" Nag-aalangan niyang sabi na kaagad kong pinutol.

"I have to go." Tinanggal ko ang kamay niya at tumalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co