Kabanata 23
Kabanata 23
"BAKIT wala ka sa bahay ng tatlong araw?" tanong ko habang nakasandal sa balikat ko si Dash.
"Hmm?" he hummed. "Nakipagpalit ako ng shift. I did all my paperwork in advance so I could come with you." He held my hand and caressed it gently. "Sa condo ako natulog, don't worry."
"Bakit ka ba sumama sa akin?"
"Because I want to," he whispered. "I can't let you slip away like that."
"A-akala ko na-realize mong si Rheallyn talaga ang gusto mo," may hinanakit kong sabi. Umalis siya sa balikat ko at nilingon ako.
"You know who I like." Sinapo niya ang mukha ko. "Why did you cry, hmm?" aniya habang pinaparaan ang daliri sa ilalim ng mata ko.
"I just missed your family. At saka ikaw, you didn't even show up," I confessed.
He smiled before leaning in to press a kiss on my forehead.
"Fleureah," aniya. "I don't even think I could ever move away from you."
I bit my lip and nodded. He touched my face once again and guided me back to lean on his chest.
"And I fucking hate Trevor..." malamya niyang sinabi kaya nagulat ako.
"Bakit?" Nangunot ang noo ko at sinilip siya at nakita kong nakapirmi ang labi niya.
He stared at me and gave me that look. Nangunot ang noo niya at madilim ang mga mata niya.
"Bakit? Akala ba niya hindi ako napupuno sa pinanggagawa niya no'ng dinner?" he huffed. "He even has the same name as the asshole I know."
Napapangiti ako sa kanya.
It's the same Trevor you know, Dash...
"Iisa nga ba?" tanong ko. Nilingon niya ako at nagkibit-balikat.
"I don't even know what that Trevor in Sta. Monica looks like. At talagang magkaparehas pa sila ng lugar!" Napangiti ako at muling sumandal sa balikat niya.
The six-hour trip was no joke. Sa akin, ayos lang dahil sanay na ako pero hindi si Dash.
Pagkababa namin ng bus at pagkakuha namin ng gamit ay kita ko kaagad ang pamumutla nito.
"Are you fine?" Nag-aalalang tanong ko. Lumingon siya sa akin na kagat-kagat ang labi niya.
"Y-yeah..." Natigil siya at napatakip sa bibig niya. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumakbo at pumunta sa trash can para sumuka.
Napailing ako at sumunod sa kanya. Hinaplos ko ang likod niya habang sumusuka.
"You okay?" I asked but he only puked again to answer. I chuckled.
Nang matapos siyang sumuka ay kaagad ko siyang inabutan ng tubig pangmumog at candy na kaagad niyang kinain.
"Thanks..." Napapagod at hinahapo pa niyang sabi.
Napanguso ako sa itsura niya. Para siyang basang-sisiw at lutang. Hinilamos pa niya ang kamay sa mukha bago humugot ng hininga.
"I-I will never ride that bus again," he breathed. Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya bago siya hinila palapit sa mga gamit namin.
"Hindi ka pa ba nakasakay ng bus?" I asked. He glanced at me, his lips protruding.
"I did but only for short rides. I've only been in a plane or a chopper my whole life going here," he confessed.
"Rich kid ka talaga," biro ko pang may ngiti.
"Whatever, Reah. Whatever..." Umiling ito. "This will be my cause of death."
Kumain muna kami saglit at pagkatapos ay sumakay ng jeep para makapunta sa mismong barangay namin. It's a fifteen-minute drive, so I'm sure Dash would handle.
Weird kung makatingin ang mga tao kay Dash pagkasakay namin ng jeep. They were eyeing him as if they were mesmerized.
I mean, who wouldn't? Seeing a man with mesmerizing darkish blue–almost black in shade eyes?
At ngayon dahil maliwanag ay mas kita ang pagkaasul no'n.
Si Dash naman ay mukhang walang kaalam-alam sa mga tingin sa kanya dahil nakasandal lang ito sa akin at hawak ang kamay ko.
I saw two girls ogling over him. Nakita ko pa nga ang isa na inilabas ang phone niya at pasimpleng itinatapat kay Dash kaya nangunot ang noo ko.
Jealousy took over me kaya hinawakan ko ang kulay puting cap ni Dash at ibinaba pa sa may ulo niya para matakpan ang mata niya.
"What..." Napaayos ito ng upo at akmang magtatanong kaya nilapit ko ang bibig sa tainga niya.
"They're taking photos of you!" mariing bulong ko. Nakita kong napatingin siya doon at may maliit na ngiti na gumuhit sa labi niya.
Humagikgik ang nasa harapan ko kaya napangiwi ako at kinunutan ng noo si Dash. Nakuha naman kaagad niya at ngumuso bago tumango.
"Okay..." he hummed at ibinaba ang cap niya para matakpan ang mukha. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakasandal sa balikat ko para bumulong. "Aren't you going to tell me I'm a good boy?"
"Why would I tell you that?" tanong ko. He groaned and sighed.
"Well, I was just expecting a kiss after the sacrifices I made." Natawa ako.
"Ang arte nito, sakripisyo na 'yon? Saka bakit ka hahalikan, mag-toothbrush ka muna!"
"Uh-huh, so kapag nag-toothbrush–" Natigilan ako.
"'Di pa rin!" agap ko at 'di na pinansin ang ingay niya.
Pagkarating namin ng mansyon nila ay malakas ang kabog ng dibdib ko.
Napatingin ako kay Dash na nag-uunat sa tabi ko at tinanggal ang cap niya at ipinatong sa ulo ko.
"Finally!" he exclaimed.
Napahikab siya at napakamot ng batok. A glimpse of the past passed through me. I remembered when Dash told me we'll come back here together and we did. He made that happen.
He made that unconsciously, kahit na hindi niya alam na ako ang nakasama niya noon. He came back with me.
"Are you fine?" tanong nito sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanya at mayamaya'y tumakbo ako payakap sa kanya.
"Dash..."
"Why? Is there any problem?" Umiling ako at sumubsob sa dibdib niya at naramdaman kong niyakap niya akong pabalik nang mahigpit.
"Sshh, it's alright," ani Dash habang hinahaplos ang buhok ko. He whispered sweet words in my ear, and I just kept nodding along. He held my cheeks gently and looked at me with eyes full of life.
I remember staring into his blue eyes in this house, and now I can't believe that those same eyes—now darker—are looking back at me here again, in the very place where it all began.
"Fleureah," he rasped. "I don't know why but seeing you here now, being with you now feels different yet... all the same."
He smiled at me.
"P-paano?" tanong ko. He bit his lower lip and leaned in and kissed the tip of my nose.
"It felt like I finally fulfilled an unfulfilled promise. It's weird, but it feels right."
Binati kami ng guard at ng mga tauhan pagkapasok pa lang namin. They were shocked seeing us together pero umiling lang ako kaya hindi sila nagsalita.
"May ipapakilala ako sa 'yo," aniya.
"Who?" tanong ko.
"My baby." He smiled at me. Kaagad naman akong napaayos ng upo sa sinabi niya at nakaramdam ng excitement.
Si Skye!
"Skye! Where are you?" sigaw ni Dash pagkapasok ng bahay. Napalingon ako sa hagdan nang may tumahol kaya tumayo ako.
"Come here, boy!" Dash exclaimed.
Skye barked at mabilis na bumaba.
"Medyo mailap lang siya but—" Naputol ang sasabihin ni Dash nang lagpasan siya ni Skye at tumakbo papunta sa akin. Miski ako ay nagulat sa pagtalon sa 'kin nito.
"What the?" Nakita ko ang gulat kay Dash at natawa ako nang umakyat sa hita ko si Skye at tumahol sa akin.
"Hello!" I smiled at Skye at mas napatawa ako nang dilaan nito ang mukha ko.
Niyakap ko si Skye at pi-nat ang ulo nito.
Napatingin ako sa naguguluhang si Dash na nakatulala sa aming dalawa. Bigla akong natauhan kaya pumirmi ako ng upo at pinatigil si Skye na excited na excited at tahol nang tahol.
"Go back to your Dad," mahinang sabi ko rito. Napaayos ng upo si Skye sa may hita ko at nilingon si Dash. Bigla siyang umalis sa hita ko at tumakbo kay Dash.
He barked at dumamba kay Dash na kaagad itong kinarga.
"Skye," ani nito at naupo bago inilapag sa lapag si Skye. He patted his head.
"Last time I knew, he's aloof from people, then why..." Nilingon niya ako pabalik kay Skye. "Do you like her, Skye?" Skye barked at tumakbo na naman papuntang hita ko.
"Uh, baka hindi na siya takot?" sabi ko na lang kay Dash.
He's not aloof because he knows me already, Dash.
Sumapit ang gabi na halos ayaw lumayo ni Skye sa aming dalawa ni Dash. He's tailing us at nakakatuwa dahil halatang miss na miss na niya si Dash... kami. Hinatid ako ni Dash sa bahay namin at nakasunod pa rin si Skye. Hindi ko na rin siya napapasok dahil maggagabi na at baka may gawin pa siya.
Nanay and Allia were glad to see me again.
Madalas ding nagpupunta si Dash sa bahay namin pero nagpapanggap ako natutulog o may pinupuntahan para hindi siya makausap. Nagtataka rin si Nanay kung bakit nandito si Dash pero hindi ko na lang sinabi.
Loko kasi 'tong si Dash, I already told him the reason why I'm going back here to our province para sa peace of mind but he keeps on visiting from time to time.
"You can have your peace of mind." He sighed at inabot sa akin ang isang piraso ng puting rosas. "But dito lang ako..."
"How can I have what I want kung nand'yan ka?"
"Basta, sige, mag-relax ka lang d'yan. I'll visit your house to check on you kahit 'di mo ako labasin." He smiled softly.
"Anong pinagkakaabalahan mo sa mansyon?" I asked him. Nilingon naman niya ako umiling sa akin.
"Wala naman, I am just trying to figure out things and I think my instincts were right," aniya at sumulyap sa akin.
There's something in his eyes na hindi ko mabasa.
"I just need evidence, Reah." His lips twitched at humalik siya sa noo ko bago tinawag si Skye para makauwi na sila sa mansyon.
.ೃ࿔ ✈︎ *:·
HALOS tatlong araw na hindi nagpakita sa akin si Dash pagkatapos no'n, ang sabi ni Nanay ay nasa mansyon lang naman daw si Dash at nagtatrabaho.
Siguro ay sa online lang iyon. Baka sa kliyente. Impossible namang magpalipad ng eroplano online, 'di ba?
Loko talaga ang lalaking 'yon, hindi ko nga alam kung bakit pa siya sumunod pero hindi ko naman p'wedeng lokohin ang sarili ko. Of course, I am glad that he's here.
What shocked me was when I found out that there will be a celebration at their mansion tomorrow. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Nanay ay hindi ko malalaman. Ang alam ko'y post-birthday celebration ni Dash.
Ganito talaga ang mayayaman siguro at ang daming birthday parties?
Hindi ako sigurado. Basta may party. Nagulat na lang ako kinabukasan nang may kumatok sa bahay namin at nagulantang ako nang makitang si Zidney iyon kasama si Thallia.
"P-paanong—"
"We missed you!" Dinamba ako ng yakap ng dalawa. Naguguluhan may ay niyakap ko sila pabalik.
"Paano kayo napunta rito?" Naguguluhang sabi ko pa.
"May post birthday celebration si Dash!" ani Thallia. "When his parents learned that he was here, kaagad silang nagplano ng celebration at dito gaganapin. We actually don't know why Dash cancelled his celebration last time but itutuloy naman ngayon! Super late nga lang pero okay na."
"You mean, totoong may party talaga?"
Zidney nodded. "Yes, Ate. May mga tao na sa mansyon ngayon, there's actually plenty of them na hindi ko kilala," sagot niya.
"Siguro celebration na rin sa pagbabalik ni Zid?" ani Thallia na malambing na sumulyap sa bunso.
"I don't think so, Ate," ani Zid na naging mailap ang mata. "I-I am not ready to face those people."
Naka-gown ang dalawa sa harapan ko. Thallia was wearing an elegant red gown and Zidney was wearing a royal blue one.
Nakapusod ang buhok ni Zid habang kulot naman at nakabagsak ang buhok ni Thallia.
"T-then what are you doing here?" tanong ko.
"You're joining us!" She chirped. I blinked.
"H-huh?"
"Come on, Zid. Let's transform her!" Bago pa ako makapagsalita ay halos malaglag ako sa kinauupuan nang makitang may pumasok na taong may dalang mga gamit doon.
"Jho, you can leave it here." Thallia smiled at miski ako ay naguguluhan na sa nangyayari.
"Y-you can't! S-si nanay!" sabi ko pa.
"Don't worry, Reah, nagpaalam na kami and she allowed you to come with us!" She cheered. "And Allia is in the mansion already..."
"Pati si Allia?" Tukoy ko sa kapatid. Tumango siya.
Hindi na ako nakaalma nang ipaupo nila ako. They shaped my brows at kung ano-ano pang pinanggawa nila hanggang sa nahilo na lang ako sa iba't ibang brushes na tumatama sa mukha.
It was my first time! Ngayon lang ako naayusan ng ganito!
Noong JS prom namin no'ng high school ay hindi ako um-attend at hindi rin ako pumapayag kapag sinasama nila ako sa santakrusan but these girls? They managed to fix me like this!
Hindi ko alam kung paano at kung ano ang ipinapahid nila sa mukha ko. Thallia was fixing my face while Zidney was straightening my hair!
Nang matapos ay kaagad nila akong ipinasok sa kwarto ko. They made me wear a white gown!
It was an off shoulder gown, napansin ko ang makikinang na maliliit na kristal sa may pantaas at sumasabay sa paglalakad ko ang slit sa may hita ko.
Napatitig ako sa salamin ng kwarto ko at nagulat sa itsura ko. Napahawak pa sa pisngi at sa buhok ko. Biglang nahiya at ayos na ayos ako.
"Reah! Are you done?" Thallia's voice echoed.
"H-huh? Nand'yan na." Tinitigan ko muna ang itsura ko sa salamin at napangiti bago lumabas.
"Wow! You looked gorgeous, Ate!" Zidney exclaimed when she saw me. Dinapuan akong lalo ng hiya.
"Gorgeous, Reah! Dash will definitely have his jaw drop when he sees you! Napakaganda mo!" Thallia praised.
Mabilis siyang lumapit sa akin at inayos ang damit ko. Nahihiya pa ako dahil labas ang balikat ko at tumawa si Thallia at umiling sa akin.
"No, Reah. Don't be shy! You're beautiful, let others see that," she mumbled gently, then she smiled at me.
"Ay, Ate, naiingit ako sa collarbone ni Ate Reah!" Zidney said. Ngumuso siya at napatingin ako sa itsura kong muli.
"Uh, ayos ba?" tanong ko.
"Definitely!" They both exclaimed at napangiti ako nang mag-apir silang dalawa.
Natanto ko lang na walang-wala pala talaga ang pag-aayos nila sa 'kin sa hirap ng pagsusuot ng may takong. What's the hardest thing I will be doing today? Wearing three-inches stilettos.
Ilang beses akong napatid at napahawak kay Thallia habang naglalakad papunta sa sasakyan. It was already six in the evening at pupunta na kami sa mansyon.
They look so great, lalo na si Thallia na mukhang sanay na sanay sa pag-aayos ng sarili. Si Zidney naman ay gano'n din pero mukhang 'di rin sanay at nahihiya pa.
I asked her earlier kung saan nanggaling ang gown. She told me it was from her sister's boutique na isang sikat na fashion designer.
Pagkapasok pa lang ng sasakyan sa mansyon ay nagulantang na ako sa dami ng sasakyan sa labas.
The last time this mansion was crowded was when I first saw Dash at ngayon na lang ulit but I know na mas dumoble ang dami ng tao rito.
Miski sa may labas ay may mga upuan at lamesa.
"Let's go!" Thallia exclaimed. Lumabas siya ng sasakyan kasunod si Zidney at nahuli akong lumabas.
Nakita ko ang mga pumapasok sa loob. They looked elegant and sophisticated! Halatang mayayaman sila sa unang tingin pa lang!
Nakaramdam ako ng hiya, pakiramdam ko ay 'di ako bagay sa lugar kaya nakagat ko ang labi ko at nilingon si Thallia.
"Uh, I-I think I should go home," mahinang sabi ko. She shook his head at lumapit para hawakan ang braso ko.
"No, Reah! You look beautiful, okay? H'wag kang mahihiya," she encouraged.
"B-but..."
"Zid, let's drag her inside."
Hindi na ako nakapalag nang hawakan nila ako at halos sila na ang humila sa akin papasok ng mansyon.
The mansion was bright and lively with the light. Malawak ang bulwagan. The mansion was designed for hosting parties like this kaya marami din ang tauhan para ma-maintain ang mansyon.
The massive chandeliers are open, the mansion has tables and chairs adorned with pretty flower arrangements, with an orchestra playing by the man-made stage.
We walked on a red carpet pagpasok pa lang. Nakagat ko ang labi ko nang bulungan ako ni Thallia na maglakad nang maayos dahil may nakatingin sa akin at para ata akong takot sa tao.
I sighed.
Loosen up, Reah. It's fine. They're here. Hindi ka mag-isa.
I did what she told me. I walked with confidence, well, a bit of it. Kinakain pa rin ako ng hiya gayong pinagtitinginan ako ng mga taong bisita sa loob.
Nauna sa paglalakad si Thallia, Zidney at ako ang nahuli sa bagal ko. Saglit pa akong napapikit nang may tumamang flash sa mukha ko at nag-iwas ng tingin.
This party was way more extravagant than the last time. I wonder how they managed to pull this off in such a short time?
Pagkapasok ko sa mismong loob ay inobserbahan ko ang mga bisita. Men and women were dressed formally, mga naka-coat and tie ang mga lalaki at naka-gown o dress naman ang mga babae.
Napatingin ako sa suot ko na hindi nalalayo sa kanila.
Hindi naman siguro halatang 'di ako sanay sa suot ko?
Hinawi ko ang buhok ko at sumunod sa kanila.
Napadpad kami sa table nina Zeijan na kaagad na kumaway pagkakita sa 'kin. I smiled back, nodding.
"Reah-tot!" Zeijan exclaimed. Mabilis siyang lumapit sa akin at napaawang ang labi niya. "Wow! Ang ganda mo!"
Nag-init ang mukha ko.
"U-uh, Thallia and Zid did this..."
"Ang ganda mo!" he cheered. Nakita kong sumulyap siya at nakita kong napatingin siya sa leeg ko. "Ang ganda naman ng necklace mo."
Napahawak ako sa leeg ko at halos masapo ko ang noo nang maalala ang kwintas na ibinigay ni Dash.
Suot ko pa pala 'to!
"U-uh, wala lang 'to." Mabilis kong kinapa ang lock sa likod at dali-dali kong hinawakan at itinago sa kamay ko.
"O, bakit mo tinanggal?" he asked me, confused. "Maganda naman, a?"
"W-wala lang 'yon." I shook my head.
"Dash!" Natigil ako nang tawagin ni Kuya Iñigo si Dash kung saan. Naglakad siya palapit sa puwesto namin na nakakunot ang noo.
He's wearing a black three-piece suit over a white dress shirt. He had no necktie, with the first two buttons of his dress shirt undone. His black leather shoes gleamed as he walked toward us, looking effortlessly handsome.
"What?" he asked his brother.
Paniguradong hindi ako nakita dahil nakatakip sa akin si Zeijan.
His brow was furrowed, biting his lip. Pinasadahan ko siya ng tingin. That's when I noticed his hair—combed just right, slightly tousled, yet still making him look striking, dashing, and effortlessly debonair.
"Can't you see someone?" ani Kuya Iñigo.
"Someone?" Iniikot niya ang paningin at nang makita ako ay napaayos siya ng tayo, umaawang ang labi. "Reah?"
"Ganda, 'no?" Zeijan patted him. Hindi naman siya sinagot ni Dash at naglakad ito patungo sa akin.
"H-hi?" I murmured. Nang makapunta naman siya sa harapan ko ay mabilis niyang hinawakan ang pisngi ko.
"Fleureah?" He lowered his head. His beautiful, dark blue–almost black eyes fixated on me, as if he were taking everything in. Then, his lips parted again and closed. "Wow..."
Ang maliit na ngiti sa labi niya ay unti-unting lumaki at bigla niyang niyakap ang baywang ko.
"Hoy! Nasa party kayo!" ani Zeijan.
"You looked beautiful," bulong ni Dash. Napangiti ako at kumabog ang dibdib ko. Nang humiwalay siya sa akin ay inayos ko ang kuwelyo niya at sumulyap sa kanya.
"Y-you look handsome too," I told him. Mas napangiti ako nang makita ang pagpula ng pisngi niya.
"Fuck..." he cursed.
Nakatitig lang naman siya sa akin at pagkatapos ay sumulyap siya sa damit ko. I saw him pout before pushing some of my hair off my face.
"You're sexy, babe," aniya at tumingin sa balikat ko.
Mas nag-init ang mukha ko nang dumilim ang tingin niya.
"'D-di naman..." Tumikhim ako.
"Look..." He barely touched my shoulder. "So damn sexy, if only you could see you in my eyes.
"P-pangit ba?"
"No." He shook his head. "You're breathtaking, Rhea. I just... I think, naninibago lang ako. Not in a negative way, of course. I was just amazed. You looked beautiful. As always." He chuckled lowly. "Damn it, I hated being overly possessive but I don't want to prick anyone giving you googly eyes."
Natawa ako.
"Napaka-OA mo naman," biro ko.
"I am not, Fleureah." Muli siyang tumitig sa akin, may sinimangutan sa likod ko bago ako marahang hinila palapit. Hinawakan ang baywang ko bago ako inakay paupo sa lamesa namin.
Kasama namin sina Kuya Iñigo, Thallia, Zeijan, at Zid. Nasa may unahang parte kami at nakita kong nasa kabilang side sina Tita Lena nakaupo.
Tita Lena smiled when she saw me. I wonder why she always has this soft smile whenever she's looking at me.
Kumaway ako at ngumiti pabalik.
"I honestly don't know if I hate it when men are looking at you." Dash leaned in and whispered. "Or loved it because I know they can't have you... but I do."
"Huh? Saan?" Akmang iikot ko ang paningin ko ay pinigilan ni Dash ang pisngi ko at pinaharap akong muli sa kanya.
"Just look at me, Reah. I just realized I hate it," reklamo pa niyang mabilis na nakapagdesisyon kaya natawa ako at tumango.
"Happy?" I asked him.
He smiled gently, his fingers grazing and reaching for mine under the table until he intertwined our fingers together.
"Happy," he answered me huskily.
The program started and was hosted by Tito Ejercito. Tama nga ako, it was Dash's post-birthday celebration. Everything was going smoothly. Nagkekuwentuhan ang mga tao at si Dash nama'y kanina pa kuwento nang kuwento habang kumakain kami.
Natawa ako nang sinabi niyang inaway raw siya ni Skye no'ng nakaraan kasi hindi sila pumunta sa bahay.
"I didn't know na may plano silang ganito," he said. "Nalaman ko na lang na papunta na sila rito at nag-aayos. I wanted to fetch you personally but Thallia and Zid insisted that they'd do it."
He was about to say something more nang biglang lumapit sa amin si Zeijan na nakakunot ang noo.
"Dash..." he called him kaya lumingon si Dash sa kanya. May ibinulong si Zeijan dito at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dash.
"What?" he hissed. Napatayo siya at tumingin sa akin saglit kaya tumango ako at naglakad na siya paalis kasama si Zeijan.
"Ano 'yon?" Zidney asked.
"I don't know..." Umiling ako.
Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik sina Dash at Zeijan. He looked problematic when he left kaya nag-aalala ako kung anong nangyari.
I was about to tell them na lalabas ako nang may pumasok sa pintuan. Nangunot ang noo ko nang makita ang mag-asawang Cindy at Lucio Lejez na magkasama pagkapasok.
I felt the shift of heavy tension beside me.
"What are they doing here?" Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Thallia.
Sumunod ang mga anak nila at nagulat ako nang makitang pumasok si Rheallyn at Dash. I saw how Rheallyn put her hand on his arm and I can't see any reaction from Dash.
Nakita kong nabaling ang atensyon doon ng mga tao at nakarinig kaagad ako ng mga bulungan.
"Is that his fiancée?"
"I think so, ang ganda no?"
Kuya Iñigo and Zidney went to their parents' table at nakita kong papunta din sina Rheallyn at ang mga magulang nito sa puwestong iyon
Nakakapit pa rin si Rheallyn sa braso ni Dash at nang sumulyap ako sa kanya ay nakita kong nakatingin ito sa akin.
His eyes were apologetic, may sinasabi ang mga mata niya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin at uminom ng wine na 'di ko ginagalaw kanina. I saw how Rheallyn's parents talking to Dash's parents, halos sa kanila nakabaling ang usapan ng mga tao.
"If that was his fiancée, then who is that girl he's with earlier?" narinig kong usapan sa table katabi namin.
"I don't know. Maybe some bitch?" Then they laughed.
"Really? But you know what? I think I already saw that woman dati." Napatitig naman ako sa table napkin na nasa harapan ko at hindi ko maiwasang makinig.
"Anak..." Ngumiti ako nang makita si Nanay.
She was wearing her uniform at nang makita ako ay kumaway siya. Kaagad naman akong tumango at tumayo palapit sa kanya.
"'Nay!" I smiled at her.
"Anak! Ang ganda mo!" Mas kumalabog ang puso ko sa papuri nang pinanasadahan niya ako ng tingin.
"Salamat, 'Nay..." I smiled at her. "Mana lang po ako sa 'yo."
"Ikaw talagang bata ka, sige na, bumalik ka na roon at magpakasaya," masayang sabi niya sa akin. "I-enjoy mo ang party."
Nakarinig ako ng tawanan sa may likuran ko at paniguradong galing ito sa mga babae kanina. Akmang lilingon ang Nanay ko roon ay tinakpan ko siya para hindi niya makita ang kabastusan ng mga babaeng iyon.
"Opo, 'Nay, salamat po at pinayagan n'yo ako,"
Mukhang pagod na pagod si Nanay dahil siya ang nag-aasikaso rito. Nakita ko ang pawis sa noo niya kaya mabilis kong kinuha ang panyo ko sa pouch at pinunas sa noo niya.
"'Nay, tulong na lang kaya ako sa kusina?" pag-alok ko sa kanya.
"Loko kang bata ka, tingnan mo ang itsura mo! Nakaayos ka pa! Nako, hayaan mo ang nanay at magpakasaya ka d'yan!"
"Pero 'Nay..."
"Sige na, anak, pumunta ka na roon at babalik na ako sa kusina." Ngumiti siya. Inayos pa niya ang buhok ko at niyakap ko siya bago siya pumasok ng kusina.
Pinagmasdan ko siya habang papalayo, kalmado at payapa ang puso na napalaki niya kami ng maayos. I am very lucky to have her. Not everyone has a mother like her, so I always consider myself lucky and blessed for having her.
"Kaya pala pamilyar, kasi anak ng katulong." Narinig kong tumawa sila. I froze.
Hindi ako nagsasalita at nagtitimpi lang sa kanila kahit na gusto kong sumabat.
"Yes, I remember her serving us no'ng event dati!" They laughed at kahit na nasasaktan na ako sa sinasabi nila ay pormal pa rin akong bumalik sa upuan ko. Ayaw kong gumawa ng eksena.
Napatingin ako kina Dash at nakita kong nakahilig na si Rheallyn sa balikat nito. Wala namang imik si Dash habang nakapirmi ang mga labi. I saw her whisper and kiss his cheek pero wala akong nakuhang reaksyon kay Dash at bahagya itong umusog palayo.
He looks grumpy, irritated, and pissed. He didn't even bother hiding it.
"Yeah, maybe his bitch. Binihisan para umayos pero alam mo naman ang basura, pabanguhan mo man, mabaho pa rin."
"Kahit saang anggulo naman tingnan, mas bagay si Dash at 'yong fiancée niya. Look at her, she's classy! Magkapantay pa sila ni Dash!"
Nang sumulyap ako sa kanila ay nag-iwas sila ng tingin.
I suddenly felt the tension. Kaya napasulyap ako. I saw Rheallyn go up the stage. Napako ang tingin sa kanya ng lahat nang umakyat siya roon at kinuha ang mikropono.
"Good evening, everyone!" She started.
She looked so beautiful in her white gown, nagmumukha siyang anghel lalo na at maamo ang mukha niya.
"I just want to thank you all on behalf of my fiancée for giving him this time for his special day," aniya sa mikropono. Nakarinig ako ng mga bulungan, admiring her for her sweetness. I saw Dash sa baba ng stage at nakatitig lang nang matiim sa babae at hindi nagsasalita.
His jaw was clenched. He looked pissed.
Nang bumaling ako kanila Zeijan ay madilim din ang itsura nila.
"Late na siguro kung tutuusin but I wanted to greet my love a happy, happy birthday!" She smiled sweetly.
"Bagay kayo!" I heard cheers at nakita ko ang ibang bisita na pilit pinaakyat si Dash sa stage. I saw him look at me, alerted, pero nagbaba lang ako ng tingin.
"Hi, Dash. Happy birthday..." she said sweetly na nag-ani ng palakpakan. "And guys, I just want to invite you all to our upcoming wedding!" Itinaas niya ang daliri niya para ipakita ang singsing niya. They clapped.
Nangilid ang luha ko. Nag-angat ako ng tingin.
"We can't wait to get married!" Nakita ko ang paghawak ni Rheallyn sa kamay ni Dash at ang paghilig niya rito, pero ang mata ng huli ay nasa akin, punong-puno ng mga salitang 'di ko makuha.
Napatayo ako.
"And now, she was trashed." The woman beside our table murmured when I passed through them.
A tear fell. I harshly removed it from my face.
Napunta ako sa may likod ng pool at hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong tulala. Nanatili lang ako roon at pinakalma ang sarili.
Hindi ko maintindihan paanong gano'n ang nangyari. I heard, even Dash said they were over but I couldn't understand what happened.
Namamanhid ako but I want to trust Dash and his love for me. Sinabi niyang gusto niya ako at naniniwala ako roon. Maybe Rheally and his family came here uninvited if I'd base it on Thallia's reaction.
I'll wait for them to explain before I conclude.
Tumayo ako at humugot ng hininga bago naglakad pabalik sa party. Nang makalabas ay nakita kong nasa may pool ang mga bisita.
I saw Rheallyn near the pool halos malapit lang sa puwesto ko. May hawak siyang baso ng wine habang may kausap. Si Dash naman ay nakatayo roon at parang may hinahanap.
Nakakunot ang noo niya at nakapamulsa.
May mga babae rin sa may malapit sa akin na kaagad akong pinag-usapan pagkakita sa 'kin. The girls from the other table were also here. I saw one of them smirk at may kung anong ibinulong sa kasama niya at kumuha ng telepono.
"Reah!" Napalingon ako at nagulat ako nang makita si Trevor doon.
"Trev?"
"You looked beautiful! Kanina pa kita gusto lapitan kaso nawala ka!"
Nang sumulyap ako kina Dash ay nakita kong may kausap sa telepono si Rheallyn habang si Dash ay kausap si Zeijan. I saw Rheallyn glanc at me, nang mahuli niya ang tingin ko ay ngumisi siya at inirapan ako. She whispered something to her friends at ibinigay ang baso ng wine sa mga ito.
Nagsasalita si Trevor pero hindi ko siya pinapakinggan at nakatingin lang ako kay Rheallyn na umaatras sa may pool.
I heard giggles near us at umawang ang labi ko nang makitang tumili si Rheallyn at nagpatihulog sa pool. Kinabahan ako at naglakad palapit pero may pumatid sa paa ko at bago pa man ako makakuha ng suporta ay nawalan ako ng balanse at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa tubig.
I heard screams at ang sakit sa may noo ko sa puwersa. Sinubukan ko namang abutin ang dulo ng pool pero hindi ko magawa sa sobrang lalim at gulat na rin sa nangyari.
'Di ako marunong lumangoy pero sinubukan kong umangat. Sinubok kong abutin ang itaas sa kabila ng bigat ng gown at nang bahagyang makakita ay nakita ko kung paano tumalon si Dash sa tubig para sagipin si Rheallyn.
Muli akong lumubog.
I was silently asking for help dahil sa unti-unting nawawalan ako ng hininga at nagdidilim ang paningin ko.
I could feel the water filling my lungs, my limbs weakening as I started struggling to breathe.
That's when I heard a faint splash of water at ang paghawak ng kung sino sa baywang ko at ang pag-ahon nito sa akin.
I think I blacked out.
But moments later, I heard voices at mayamaya pa'y naramdaman kong may nagpa-pump sa dibdib ko pero hindi ako makagalaw, nagdidilim ang paningin, 'di makamulat man lang.
"Reah! Reah! Wake up!" a faint voice called me.
I was still disoriented, pakiramdam ko ay sobrang sikip ng dibdib at pilit na iminulat ang mata ko pero hindi ko nagawa.
"Please, Reah!"
I heard curses, and a quick footstep approaching but I couldn't open my eyes to see. Nakarinig ako ng lagabog at pagmumura at mayamaya'y naramdaman kong may bumuka ng bibig ko at binigyan ako ng hangin.
"Fleureah! Shit!"
I felt a heavy pressure on my chest pero parang may pumipigil sa lalamunan ko para makahinga.
"Come back to me! Reah! Come back!" a very familiar voice echoed this time.
Paulit-ulit ang pagtawag sa 'kin nito, bumuga ng hangin sa bibig ko at doon ako biglang napabangon at umubo.
"Reah!" Patuloy lang ako sa pag-ubo at naramdaman ko ang paglabas ng tubig sa bibig ko. Nanghihina ako at umuubong nagmulat ng mata, nagulat nang nakita ko ang basang si Dash sa harapan ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Reah! Ayos ka lang?!" Tinakpan ni Trevor si Dash na kaagad humawak sa pisngi ko. Basa rin siya kagaya ni Dash.
"H-hey, Reah..." Nakita ko ang paglapit ni Dash sa akin pero napaatras akong bigla sa pagkakaupo.
Nilamig ako nang makita ang takot sa mata ni Dash sa ginawa ko. I shivered, shaking in cold, in fear, and in pain.
"Reah," ani Trevor at binalot ako ng tuwalya. "Reah, ayos ka lang?"
Nilingon ko siya at nanghihinang tumango ako. Nangangatal ang labi ko sa takot at lamig. Naalala ko kung paano ako kapusin ng hininga.
I thought, mamamatay na ako... Akala ko...
"R-Reah, are you alright?" Nakaluhod sa harapan ko si Dash at nang akmang aabutin niya ako ay napaatras na naman ako.
I felt the physical pain in my chest when I saw fear in his eyes.
"Reah, let's go." Hinawakan ako ni Trevor sa siko para makatayo pero nakita ko ang mabilis na pag-iling ni Dash at inabot ako.
"N-no, Reah. Come with me," he pleaded at nang akmang hahawakan niya ako ay napaatras na naman ako.
I drowned and almost died. I saw Dash save Rheallyn and somehow, it felt worse.
Tama nga siguro sila.
Tama nga sigurong mas bagay sila.
Na isa lang akong basura na p'wedeng itapon kapag tapos nang magamit. Sumisikip pang lalo ang dibdib ko sa mga naiisip ko at sa nagmamakaawang mata ni Dash na sa kanya ako sumama.
He... he saved her. He saved Rheallyn.
While I... I almost drowned.
Bumaling ako kay Trevor at humawak sa kanya at mabilis niya akong inalalayan patayo.
"R-Reah..." I heard Dash's voice pero sumama ako kay Trevor.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may humigit sa braso ko at nanlaki ang mata ko nang makita si Dash na basang-basa pa at hinabol kami.
"R-Reah," he murmured.
"L-let me go," I whispered.
"N-no." Umiling si Dash at pilit akong inakay palapit sa kanya, nagmamakaawa.
"What are you doing?" ani Trevor na akmang pipigilan si Dash sa ginagawa pero umiling ako kay Trevorn. Sa halip ay bumitiw ako kay Trev at hinarap si Dash.
"W-what do you want?" I stuttered. Pilit kong hinila mula sa hawak niya ang braso ko at napaawang ang labi niya roon.
"R-Reah, a-ayos ka lang ba?" his voice was shaking. "S-sorry kung hindi kita naligtas," aniya na mukhang kinakabahan at takot sa reaksyon ko. "S-siya 'yong malapit sa akin. I didn't know that you were drowning, too. I—"
"Y-you don't have to explain."
His fear intensified. "N-no, Reah."
"Just go back to her, Mr. Sandejas," nanginginig kong turan.
"A-ayoko..." Umiling siya at pilit na inabot ang kamay ko pero umiling ako at umatras.
"Just... Just go back. She needs you," my voice broke.
"But I-I need you..." aniya sa nababasag na tono. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya kaya mas sumikip ang dibdib ko na halos 'di na makahinga.
"P-please, bumalik ka na lang sa kanya." I almost begged.
Magkakasakitan lang naman tayo, Dash.
"Ayoko, Fleureah, please," he begged. Basag na ang boses niya.
"P-please..." pagod na sabi ko at naramdaman ang basa sa pisngi sa luhang kumawala.
"A-ayaw mo na ba sa akin?" nanginig ang boses niya. "Bakit mo ako binibigay sa kanya?" The fear and pain in his voice shattered me.
It made me sob. Tinakpan ko ang bibig ko at iniiwas ang tingin ko nang makitang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi niya.
"'Y-yon na nga, e." I sobbed and stared back at him. Halos hindi ko na makilala ang boses ko sa panginginig nito. I looked at him sadly.
"H-how can I give you to her if you weren't mine in the first place?" I asked brokenly.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co