Truyen3h.Co

Blind Love (Published Under Wattpad x LIB)

Kabanata 9

heartlessnostalgia

Kabanata 9

"ATE, aalis ka na?" malungkot na sabi ni Allia habang pinagmamasadan akong ayusin ang mga gamit ko.

"Oo, Allia," malungkot kong sabi.

Saglit kong iniwanan ang mga gamit ko na inaayos ko kanina pa at lumapit sa kanya. Dumukwang ako sa kanya sa sofa.

"Kailangang umalis ni Ate, e." I smiled at her.

"Bakit ka aalis, Ate? 'Di ba, pumapasok ka na? May pasok ka, 'di ba? Bakit ka aalis?" malungkot niyang tanong. Miski ako ay nalulungkot na mahiwalay sa kanila pero wala naman akong magagawa.

"Allia," tawag ko sa kapatid ko, marahang hinaplos ko ang pisngi niya. "Si Kuya Dash mo, kailangan niyang operahan."

"Si Kuya?" I nodded.

"Si Kuya Dash, kailangang dalhin sa ospital para gumaling na siya. Para makakita na siya," sabi ko sa kanya.

She had known Dash since then. I told her stories about Dash, everything. His situation and how much I like Dash. We're really close, and sometimes, she shares her crushes with me, too.

Too bad, she can't talk to Dash kaya hanggang kwento lang ako sa kanya. Hindi rin p'wedeng ipakilala ko ang kapatid ko kay Dash dahil baka magkagulo pa.

"Paano ang pag-aaral mo, Ate? Paano na kami ni Nanay, high school pa lang ako, tapos aalis ka pa." I sighed and sat beside her on our sofa. Kinabig ko siya at niyakap.

"I won't leave you, Allia," sabi ko naman. "Babalik naman si Ate, kailangan ko lang tulungan si Kuya Dash."

Niyakap ko pa siyang lalo at hinaplos ang buhok ng bunso kong kapatid.

"Hindi ko kayo pababayaan ni Nanay, saglit lang naman ako roon. Hindi mo namalayan nakabalik na ako," alo ko. "At saka, doon ako mag-aaral sa Maynila kaya walang magiging problema. Hindi naman ako titigil."

"Hindi mo kami iiwan, Ate?" she asked innocently.

My heart broke but I gave her a sweet smile while shaking my head.

"'Di mo gagayahin si Kuya Johann?" aniya sa lalaki naming kapatid. "'Di mo kami iiwan ni Nanay, kagaya niya?"

I felt the pain throbbing in my chest hearing her say that. At a young age, alam na niya ang depinasyon ng sakit at lungkot.

Hindi lang kami noon ni Nanay ang nalungkot sa nangyari kay Tatay noong namatay siya. Allia got hurt, too. Tanging si Johann lang ang natirang lalaki sa pamilya namin, at siya ang kinapitan naming mag-iina, but he left us, too.

Ang sabi niya magtatrabaho lang siya sa Maynila but we later found out na nag-asawa na pala siya, ni hindi man lang namin kaagad nalaman.

"Hindi, hindi ko kayo iiwan." Umiling ako sa kanya at hinawi ang buhok niya. "Allia, hindi naman tayo iniwan ni Kuya Johann mo, may family kasi siya kaya nandoon siya ngayon."

Johann left us, his family, but I can't let my sister think he abandoned us. She's young at ayoko tumatak sa isip niya ang tampo sa Kuya niya.

If possible, I want my family to be back together. Gusto kong masaya lang kami, kagaya ng dati. Kahit simple lang ang pamumuhay namin ay masaya kami at para sa akin 'yon ang pinakaperpektong nangyari sa buhay ko but I know it was beyond impossible dahil unang-una, wala na si Tatay at may pamilya na si Johann.

Kaming tatlo na lang ang magtutulungan para maging matatag ang isa't isa.

"Bakit hindi na siya tumatawag sa atin? Ate, ilang taon nang walang balita kay Kuya."

"Busy lang 'yon sa trabaho niya." Ngumiti ako. "Basta Allia, huh? Alagaan mo si Nanay at mag-aral ka nang mabuti, kapag tapos na akong mag-aral, pangako makakapili ka ng course na gusto mo kapag college ka na tapos hindi na tayo mahihirapan nina Nanay."

"Opo, Ate." Namula ang mata niya at nang mag-umpisa na siyang maluha ay kaagad ko siyang niyakap at inalo.

"I love you, Ate. Pangako mag-aaral ako nang mabuti, hindi ko pababayaan si Nanay. Ingat ka roon, huh?" I smiled and nodded against her shoulder.

"Oo naman, Allia. Mahal ko kayo. Mag-aaral din nang mabuti si Ate roon sa Maynila para makatapos ako kaagad tapos 'di ka titigil at makakapasok ka kaagad sa college." Tumango siya at ngumiti sa akin.

"H'wag mo papabayaan sarili mo, huh? At saka si Kuya Dash, mabait naman siya kaya h'wag mo akong alalahanin. Ang gusto ko'y sana maging maayos kayo ni Nanay kahit wala ako."

Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko at si Krista ay rito natulog kagabi para makapag-bonding pa kami kaso nga lang ay maaga siyang umalis dahil ayaw niya akong makitang umaalis at baka maiyak lang daw siya.

Bitbit ko ang isang backpack at dalawang travel bag ay hinatid ako nina Nanay sa mansyon ng mga Sandejas. Nakangiti sa akin ang kapatid ko habang si Nanay ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Anak..." tawag niya.

Napahugot ako ng hininga at kaagad na lumapit at yumakap kay Nanay. "Mag-iingat ka roon, ah? H'wag mong pababayaan ang sarili mo."

"Kayo rin dito, 'Nay, h'wag ka papakapagod," sabi ko, 'di na rin napigilan ang mga luha. "Babalik ako, 'Nay. Pangako hindi ako mawawalan ng komunikasyon, tatawag ako lagi."

Lumayo sa akin si Nanay at pinunasan ang luha ko.

"Magiging ayos lang kami ni Allia rito. Ikaw ang iniisip namin, napakalaking lugar ng Maynila at mahirap mag-adjust."

I thought about this already. She's right, Manila is a huge place but a huge place means a greater opportunity.

Susubukan kong maghanap ng part-time para makapagpadala ako rito kina Nanay at makatulong pa kahit papaano.

"At saka, anak. Kumustahin mo si Johann doon sa Maynila, ah? Kapag may oras ka, sana ay madalaw mo siya." Ngumiti ako at tumango.

Pinagmasdan ko ang Nanay at kapatid ko at hindi ko na napigil ang luha ko. This is the first time I'll go to a new place without them and I will miss them.

"Mahal ko kayo..." Yumakap ako kay Nanay at sa kapatid ko nang mahigpit bago kumaway at tumalikod sa kanila.

Mabibigat ang hakbang ko papasok sa mansyon at nang lumingon ako ay kumaway pa sila sa akin bago tumalikod.

Halos ayaw ko nang umalis habang nakikita pa sila pero kailangan... para kay Dash.

"Nasaan po si Dash?" tanong ko kay Mang Kulas nang masalubong.

"Nasa kwarto niya, Ma'am," aniya.

Kinuha niya ang mga gamit ko at dinala sa van. Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko at inayos ang buhok ko habang papaakyat.

Nakita ko siyang kinakausap si Skye na nakaupo sa tabi niya sa sofa.

"I'll come back, Skye..." he told him. Skye barked at mas sumiksik pa. Dash laughed and continued. "I'll come back, I promise. Sa susunod na balik ko rito, nakakakita na ako."

Skye barked, obvious that he was happy. Saktong napansin ako ni Skye kaya walang pasubaling tumalon siya papunta sa 'kin.

"Hi, Skye..." I greeted him while he was excitedly wiggling his tail. Nakalabas pa ang dila nito kaya dumukwang ako at hinaplos ang balahibo niya.

"Dito ka lang, huh? Babalik si Dash dito, h'wag kang mag-alala. Saglit lang naman kami..."

"Hey, babe," ani Dash. Napangiti ako at lumapit sa kanya, nanginginig ang kamay kong hinaplos ang mga mata niya at humalik sa sentido niya.

"Ready ka na?" I asked him. He smiled and caught my hand, napangiti ako nang dalhin niya iyon sa labi niya.

"I'm more than ready!" he cheered happily. "Ikaw?" Natulos ako at napatungo.

"O-oo naman," mahinang sabi ko pero nangunot lang ang noo niya at iniangat ang kamay sa mukha ko.

"You're not..." he immediately concluded and just that instant, I felt my tears falling. "Fuck!" he cursed when he heard me sob. Mabilis niya akong nahila kaya nahulog ako paupo sa hita niya.

"Dash..." I whispered.

"Sshh..." he hummed. Yumakap ako sa leeg niya at hinigit naman niya ako sa baywang para yakapin. "Why are you crying?" marahang tanong niya.

He was caressing my hair softly, he held my cheek and kissed my jaw.

"I-it's just..." I stopped and bit my lip, thinking of the other possible reasons why I am crying. "I... I will miss the people here, Dash. They've been good to me," sa halip ay sabi ko.

"It's alright, you'll see them again, I promise. We'll go back here, that's for sure..."

Tumango ako kahit na hilam sa luha ang mga mata ko.

I will go back here, for sure. Hindi ko nga lang alam kung kasama pa kita...

We were silent the whole ride, nakasandal lamang ako sa dibdib ni Dash at akbay-akbay niya ako at nakasandig din nang bahagya ang ulo niya sa akin.

I know he could sense something kaya hindi siya umiimik. Hawak-hawak niya lang ang kamay ko at panaka-nakang humahalik sa noo ko.

We reached their private helipad kung nasaan ang chopper. Pagkababa pa lang namin ng van ay rinig ko na ang malakas na ingay at ang hangin mula ro'n.

Sumulyap ako at nakita kong may kumuha ng mga gamit namin sa sasakyan at kaagad kong hinawakan si Dash at naglakad kami palapit. He was holding his cane at nakaalalay naman ako sa braso niya.

I was startled when a man in a uniform appeared in front of us.

"Captain!" he said at sumaludo. Nakita ko ang pagseryoso ni Dash at saglit na bumitiw sa akin para sumaludo pabalik.

"Ferron?" tanong ni Dash. The man in front of us smiled and waved at me. Ngumiti ako't tumango.

"Yes, Cap!" he exclaimed. "Nice seeing you again, Cap!"

"Yeah..." aniya at humawak sa kamay ko.

"Who's this beautiful woman with you, Cap?" ani ni Ferron. Nakasuot siya ng unipormeng pangpiloto, may badge pa at cap.

Nagulat ako nang biglang dumulas ang kamay ni Dash sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Nangunot ang noo ko at nang bumaling kay Dash ay nakapirmi ang mga labi niya at nakaigting ang panga nito.

"Fuck off..." he harshly said. Nanlaki ang mata ni Ferron bago tumawa at nagtaas ng kamay.

"I won't do anything!" he said, amused. "I was just asking!"

"Don't even ask," sumimangot si Dash kaya napangiti ako at binalingan ang kaibigan niya.

"Pilot? Friends kayo?" I asked him. Tumingin naman sa akin si Ferron at maluwag na ngumiti.

"Yes." He grinned. "I am usually the captain's first officer," ani kay Dash.

Magsasalita pa sana ako pero tumikhim si Dash at dumaing kaya napatingin ako sa kanya, nag-aalala nang makita ang itsura niya.

"Are you alright?" Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang braso niya. I panicked when he shook his head, inabot niya ang kamay ko at umubo.

"Dash!" I hissed. "Ano'ng masakit?"

He coughed at pinalo ang dibdib niya, hinawakan ko naman ang braso niya at mas kinabahan.

"Dash!"

"Pu..." He coughed. "Puso ko..."

My jaw dropped.

Humagalpak ng tawa si Ferron sa tabi ko samantalang nakatulala ako kay Dash, 'di maiproseso ang sinabi niya.

"What..." Nag-init ang pisngi ko at tumawa si Dash bago umayos ng tayo. I hissed and smacked his arm. "Puro ka biro!"

"I was just kidding." Dash chuckled and caught my hand, marahang hinila niya ako palapit sa kanya kaya yumakap ako sa kanya.

"I thought..." I hissed. He laughed and hugged my waist.

"Stop talking to him, nagseselos ako..." bulong niya at humalik sa pisngi ko bago lumayo at halos mamutok ang pisngi ko sa init.

"Yuck! Kadiri!" Ferron hissed, earning a frown from Dash.

"Asshole."

Nang makapasok kami sa chopper ay inabutan ako ni Ferron ng headset para 'di mabingi sa ingay.

"Ikaw na maglagay kay Cap, baka sumakit ulit ang puso..."

I laughed.

"Fuck you," Dash scoffed at him, earning a laugh before he left.

"Dash..."

"Hmm?" He hummed.

"Let me put your headset," I said. Sumunod naman siya pero napansing medyo nanahimik. "Ang tahimik mo yata?"

"Hmm, I was just thinking of something."

"What is it?"

"Nothing, I just thought that someday, I'll fly a plane for you."

My heart raced in anticipation and comfort. He noticed it caught me off guard, kaya siya na ang kumuha sa kamay ko ng headset at isinuot iyon.

The whole ride was great! It was my first time riding an aircraft kaya excited ako! I was fascinated by the view. Ang dagat sa ibaba, ang mga bahay na unti-unting naglalaho at ang mga ilaw mula ritong tila nagiging bituin na kumikislap habang papalayo.

Sa condo unit ni Dash kami dumeretso pagkatapos, dahil gabi na rin at magpapahinga pa siya. "Did you enjoy the flight?" he asked.

"Yes!" I exclaimed. "The view was beautiful! Ang kalmado ng mga ulap! Grabe, 'yong mga tubig sa ibaba tapos 'yong bundok! Mas better kung mula sa itaas mo makikita. Gano'n pala itsura no'n, 'no, kapag malayo?" amazed kong sabi. Umupo ako sa stool katabi niya at pumahalumbaba siya roon.

He closed his eyes and smiled. "Parang first time mo lang makasakay, huh?" he said in amusement.

Natigil naman ako at mariing napapikit.

Ang careless, careless ko!

"Ah!" Awkward akong tumawa. "N-nakakatuwa lang na nakita ko kung anong itsura kapag nasa helicopter ka tapos nasa probinsya." Halos may lumabas na hangin sa ilong ko dahil sa pagsisinungaling. "You know, uh, international flights palagi..."

"Uh-huh..." He nodded and smiled at me. He lifted his hands and touched my cheek.

"You're adorable. It makes me wanna kiss you..." bulong niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa labi niya at kaagad na dumukwang at pinatakan iyon ng halik.

He was stunned when he felt my lips at bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na akong lumayo at tumakbo pabalik sa niluluto ko.

"Rheallyn!" he hissed at nang lingunin ko siya ay namumula ang mukha niya kaya natawa ako.

"Sunog na niluluto ko! Mamaya na lang!" I squealed.

.ೃ࿔ ✈︎ *:·

"I can stay in the guest room," suhestyon ko kay Dash na hinuhubad ang polo niya.

"No. You'll sleep beside me," aniya pero ang mata ko'y 'di na napigilan ang pagsunod ng tingin sa butones niyang kinakalas.

Nanuyo ang lalamunan ko habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa isang butones na lang ang bubuksan!

Ayan na, isa na lang!

"Rhea..." Napakurap ako.

"H-huh?"

"What are you staring at?" He tilted his head at halos magkanda-bali-bali ang leeg ko kakasilip sa ilalim ng polo niya.

"W-wala naman..." I stuttered.

"Then why could I feel it?" he retorted.

"H-hind—"

"You can't lie to me." He grinned boyishly.

I groaned at nagmartsa papunta sa harapan niya. Mabilis kong hinawi ang kamay niya at ako na ang nagtanggal ng butones niya.

"Ayan, sige na, 'di na ako titingin..." I stared again at his chiseled chest and defined abs.

"Damn, girl..." Tumawa si Dash sa inasal ko at tinulungan ko siyang alisin ang damit niya. "You'll sleep here, okay?" Ngumuso ako pero tumango.

"Sige..." Gusto ko rin naman.

"Can you please make me some milk?" aniya.

"Sige, kukuhaan kita..."

"Make one for yourself, too," he added.

"Hindi naman ako umiinom ng gatas," sabi ko.

"Tss, it's healthy, you should drink."

"Makapagsalita 'to parang vegetarian, 'di ka nga kumakain ng gulay..." Tawa ko. He smirked and pulled me close just to kiss my head.

"That's a different case." Ngiwi niya at marahang tinulak ako. I laughed. "Go, shower lang ako."

"Huh? Walang mag-aalalay sa 'yo sa banyo? Samahan na lang kita," I offered.

"What?" Tumawa siya. "Are you sure?" he said, amused.

Sumabog ang init sa mukha ko.

"U-uh..."

"Kabisado ko ang bahay ko, I lived here for years, babe," agap niya.

"Ano, okay. H'wag na." Nakagat ko ang labi.

"But if you insist, kakalimutan ko," pilyo niyang sinabi.

"Dash!" Halos sumabog sa init ang buong mukha ko sa pang-aasar niya.

"Okay, okay!" Tumawa siya at hinawakan ko naman ang kamay niya bago inihatid sa loob ng banyo. "But I won't lock the door so you can take a peek inside if you're worried I might slip—"

"Dash Rakiel! Nanggigigil na ako sa 'yo!" Humagalpak siya ng tawa habang ako nama'y halos sumabog na ang init sa mukha sa naiisip.

.ೃ࿔ ✈︎ *:·

"RHEA..." he whispered.

"Hmm?" I hummed. Mas yumakap ako sa baywang niya at sumiksik sa dibdib niya.

"Do you wanna know what my secret dream is?"

"What is it?" tanong ko.

Natahimik siya. I waited patiently until he gathered his bravery and spoke.

"It's about my younger sister, Zidney. We lost her when she was just seventeen. It was a car accident," aniya.

Natigilan din ako, naalala iyong kapatid na babae sa family portrait nila sa Sta. Monica. I have not seen her ever since pero may pahapyaw akong alam sa nangyari.

"It happened when we were about to have our vacation. March Twenty-first, I will not forget that day. My father was the driver. We were happy that time since it's been a while since we bonded." Napahinto siya sandali at huminga nang malalim. "We were on the road that time. We were happy. We're singing in the car, then a truck came in our way..." He sighed heavily.

Hinaplos ko ang dibdib niya.

"Go on. You can tell me anything, Dash. I'll listen," I urged.

"Hindi ko alam kung paano nangyari. It happened so fast, nagulat na lang ako nang sinubukang umiwas ni Dad at pagkatapos no'n naramdaman ko 'yong malakas na pagsalpok." While he was saying those words, I could hear the fear in them. "The car spinned and I hit my head. I woke up with only a scratch and some wounds, hindi kami masyadong na-injured ni Zeijan, samantalang si Dad ay minor lang. Side namin sa likod ang tumama sa bato o puno, I don't know but it was on a cliff. We almost fell on that cliff."

Hinaplos ko ang pisngi niya at pinakinggan pa siya, bumibigat ang pakiramdam.

"Kuya Iñigo was severely injured, he broke his ribs tapos nasemento ang paa niya tapos si Mommy, she was in a coma for a very long time and luckily she woke up and is still with us now but..." His voice broke.

Mabilis akong umupo at inalalayan ko siyang maupo.

"My sister, Zidney." May kumislap na luha sa mga mata niya at napatungo. "Our princess, we lost her," bulong niya.

When his voice trembled, my palms shook.

"Dash," bulong ko at dagli siyang niyakap at sumubsob siya sa balikat ko habang humihikbi.

"We... We later found out that the door beside her was open. It was directly on the side of the cliff."

Hinaplos ko ang buhok niya at mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"W-we never found her body. I never..." Suminghap siya. "...even told her how much I love her." I can feel his agony, his pain, and his longing for his sister.

"Sshh..." I hummed. Sumasakit ang dibdib ko sa mga naririnig ko mula sa kanya pero inakay ko lang siya at dinamayan, hinayaan ang pag-iyak niya.

"The reason why my secret dream is..." Lumayo ako at pinunasan ang luha niya.

"What is it?" marahang tanong ko.

"I wanted to be a doctor, so I can help my Mom to cope with our loss. To help her and if ever... If ever we found Zidney, I want to..." He bit his lip and lowered his head. "I want to help her, I want to help her heal. Maybe she was hurt? K-kaya 'di siya makauwi..." he whispered.

"Come on, Dash. You can cry. I'm here," bulong ko.

Yumakap siya. When it doesn't feel enough for him, niyakag niya ako palapit hanggang sa mapaupo na 'ko sa hita niya't mas yumakap.

"Always?" he whispered. I nodded and a faint, bitter smile etched on my lips.

"Always," sabi ko. He smiled and let me dry his tears.

We cuddled for a moment and when I felt he calmed down, I also shared a part of me with him.

"Do you wanna know what my secret dream is?" sabi ko.

"Would you tell me?" tanong niya. Bumaba naman ako mula sa pagkakakandong sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Yes," I answered at marahang inalalayan siya. I made him lie on my legs and caressed his hair.

"What's your dream?" aniya.

He opened his eyes. I saw how the light illuminated them.

"I once dreamt of being a teacher," sabi ko. I think I can at least say this, in his mind I am Rheallyn—I am a rich heiress from the States, he thinks I am into business, so I can at least tell him my dream as my secret.

"Really?" he rasped.

"Hmm. But my parents want me to study business, so I did, I wanted to help them..."

I'm sorry, I have to lie, Dash.

"But it was teaching I always wanted to do," sabi ko.

"What do you want to teach, babe?" aniya.

"Literature," lumuwang ang dibdib ko sa sinabi ko. There, I told you something that was true. "I really want to read myths, origins, stories..." sabi ko habang marahang hinahaplos ang buhok niya.

"So you know Greek Myths?" tanong niya.

"Hmm..." I nodded again.

"Can you tell me a story?" he asked me.

"Sure..." mabilis kong sagot at hinaplos ang buhok niya.

Tinitigan ko siya, inoobserbahan at inaalam lahat ng mga bagay na gusto ko sa kanya.

I love his face, his voice, his everything. I think... I'm in love with him.

Oh, God. I am in love with him!

The realization made me think of a particular myth–my favorite one. Something that might leave a mark, hoping it would stay with him even if I'm gone.

"This myth has many versions but this one is my favorite..." pag-uumpisa ko. "There was a young man named Orpheus. He was handsome and skillful when it came to music. He was a musician, and with the use of his lyre, he could tame everyone. Sa sobrang ganda ng boses at galing niya sa instrumento ay pati mga puno ay nagsasayawan. He can captivate anyone with his voice and music, kasama na roon si Eurydice, one of the most beautiful maidens during their time..."

Ngumiti si Dash at ipinikit ang mata niya habang nakikinig.

"It's a whirlwind romance; they immediately clicked. They got married and at their wedding, the God of marriage blessed them. They were very happy at that time until Eurydice decided to get some fresh air. She walked around, trying to find a peaceful place until she saw Aristaeus, a minor God. Because of her beauty, Aristeaus took an interest in Eurydice, and he chased after her. She was scared and ran away to save herself until she reached the woods just to escape him but she unfortunately stepped on a deadly viper, and it bit her," mahinang sabi ko.

"She died?" Nangunot ang noo ni Dash.

"Yes," sagot ko.

Mas nagsalubong ang kilay niya at magsasalita pa sana pero pinisil ko ang kamay niya.

"Listen..." sabi ko.

He sighed and nodded.

"Orpheus was devastated by the death of his wife. He was grieving that he just didn't lose his wife, even his love and the beauty of his music," I said. "He was willing to do everything just to have her back. Later on, he came to realize that his voice and music could help him take his wife back."

"What did he do?"

"Using his shield, his lyre, and voice, he went to see Hades and Persephone, the God and the Queen of the underworld, and begged them to bring his wife back to life..."

His mouth parted a little. I smiled.

"With the alluring power of his voice and music, he sang to them. No one could resist his charms, his music. Even the beast with three heads, Cerberus, fell for his music. Hades and Persephone were swooned by his love and music and so they agreed to let Eurydice live but on one condition."

I paused. His breath labored.

"They must both travel up to the world of the living without him seeing his wife. He must play his music continuously while his wife follows him behind. He must not look or even glance at his wife, he must trust her..."

I closed my eyes as I remembered the bittersweet tragedy of my favorite myth.

"He played his music. He was hearing his wife's footsteps from behind and he was excited to see her. When he was near the world of the living, he was ecstatic but a part of him still felt doubtful of the setup. What if Hades was just fooling him? What if he will never get to see his beloved wife? For the record, it was Hades. He didn't know if he was true to his words. His mind was suddenly filled with doubt and uncertainty." I sighed as the next scene came rushing into my mind.

"Orpheus walked a little faster and the moment he stepped on the light, kahit hindi pa nakakarating doon si Eurydice, because of his urgency, excitement, and doubt, he turned around and..."

Humina ang boses ko, natatakot at nalulungkot sabihin ang kasunod.

"And he watched as his wife gave him a sad smile and even uttered a farewell as she turned into ashes and was carried by the dark wind back to the underworld..." I whispered.

Tumungo ako para makita ang reaksyon ni Dash pero hindi siya nagsalita at nanatiling nakapikit. Maybe he was asleep. Napangiti ako nang malungkot at humaplos sa buhok niya.

I was glad you never heard the ending. It was sad. You don't deserve it. Napailing ako.

"Tragic..." Natigil ako nang bigla siyang magsalita. Kaagad ko siyang binalingan at nakita ko ang pagmulat ng mata niya.

"Dash..."

"The man is a fucktard. Why didn't he trust his wife?"

"Because he was in doubt," sagot ko naman.

Akala ko tulog na siya.

"If I were given a chance, I would like to change the ending," sabi niya.

Nang mapansin kong gusto niyang maupo ay inalalayan ko siya.

"How?" Takang sabi ko.

He smiled and caught my cheek. "Let's change it, Rhea..."

"Paano?" naguguluhan kong tanong.

"I was like Orpheus." A small, sad smile was etched on his lips. "Just like him, I can't see you..."

Mas kumirot sa puso ko nang sabihin niya iyon.

"I was in the dark and like him, I couldn't even take a glance at you. I couldn't even see you..." His voice was soft. "But I won't be like him. I won't have any doubts, I will trust you. Even though I was on the dark side now, I won't look back, I will just hold onto you and trust you..." bulong niya.

Naipikit ko ang mata ko at humawak sa pisngi niya.

I don't know if I deserve that trust, Dash.

"I am in the dark but I trust you. Hindi ako lilingon, I promise. I promise I won't doubt and will not glance back if it means losing you," he whispered and kissed the tip of my nose. "I won't lose you. I would not let it."

Tumango ako at tumitig sa kanya.

"Now, Rhea..." he whispered. "Will you let me change the ending of the story? Can you promise you'll be right behind me the moment I step on the light?"

I smiled and nodded. Idinikit ko ang noo ko sa kanya at unti-unti niyakap siya nang mahigpit.

"I promise," bulong ko.

"I trust you," he whispered back before chuckling softly. A tear fell from my eye.

I promise, Dash. I will be there the moment you step on the light. Maybe not beside you, but I promise I'll always be right behind you...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co