Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 12

heartlessnostalgia

Kabanata 12

"C-CALM down...calm down..." I kept on telling myself, nakaupo sa nakatakip na bowl at hawak ang dibdib ko.

"'Wag ka iiyak, Amalia," I chanted, caressing my chest.

Sobrang sikip ng pakiramdam ko, halos fifteen minutes na yata akong nagtatagal rito at ikinakalma ang sarili mula sa pag-iyak.

It was my birthday, bakit kailangang ganito?

Binuksan ko ang bag ko para uminom ng tubig habang marahang hinahaplos ang dibdib kung nasaan ang puso ko para kahit papano'y kumalma. Mabilis ko ring kinuha ang gamot sa bag ko para uminom.

I shouldn't feel stress...hindi pwede, ayaw ko na sa ospital.

Paglabas ko ay laking pasalamat ko dahil walang tao sa banyo. Lumapit ako sa salamin at naghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko pagkatapos at nakita ang mga mata.

I sighed, alam kong mahahalata nila na umiyak ako, pero ano pa bang magagawa ko? Baka nag-aalala na sila dahil kanina pa ako nawawala.

Inayos ko ang bag at buhok ko, nakatungong lumabas ng banyo nang biglang nasalubong ko si Ted na napadaan at mukhang nagmamadali.

"Lia!" he exclaimed when he saw me.

"T-Ted." I flashed a small smile.

Mabilis siyang nakalapit sa akin, he touched my shoulder and stared at me. "Ayos ka lang? Saan ka nagpunta? We've been looking for you!" he said worriedly.

"H-hinahanap n'yo ako?" I asked. He nodded.

"Kanina pa, Heart and Josh is looking around too, anong ginagawa mo—"

"P-pasensya na sa abala, ah?" I smiled softly again. Tumitig siya sa mata ko kaya mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Tara na—"

"What happened, Lia?" he asked stiffly. Tumikhim naman ako at napailing sa kanya.

"Wala...ano, napuwing lang ako," marahang sagot ko.

"You don't look—"

"Lia! Oh my God! There you are!" Biglang narinig ko ang boses ni Heart, at sa paglingon ko ay magkasama na sila ni Josh na patakbo palapit sa akin.

"Heart," I murmured and gasped when she suddenly hugged me.

"What happened?! Saan ka galing?! We've been looking for you!" she exclaimed worriedly, at nang sumulyap ako kay Josh ay nakatitig din siya sa akin, magulo ang buhok at halatang tumakbo.

"D-d'yan lang," I muttered as she pulled away from me, at nang masalubong niya ang mata ko ay kumunot ang noo niya.

"Did you—"

"Napuwing lang ako, a-ayaw maalis sa mata ko kaya naghilamos na lang ako." I smiled softly at her. "Sorry, ah? Nawala ang makeup."

"You can't fool me—"

"Tara na, Lia?" biglang ngiti ni Josh at sumingit sa gilid namin.

"Josh, look, she's—"

"Hindi, ah, napuwing lang si Lia." Josh smiled again, at nakita kong pasimple niyang kinukuha ang siko ni Heart na naguguluhan.

I knew what he was trying to do and I was grateful for it.

"B-but..." Heart glanced at me.

"Tara na, Lia, hayaan mo si Cap. Bahala siya walang pagkain, gutom na ako," ani Ted na ngumiti rin kaya tumango ako at maliit na ngumiti.

"T-tara," sabi ko, "may pa-lechon ang nanay, masarap yata ang handa."

Heart looked so bothered. Josh whispered something to her. Ted smiled and took my bag. Nagpasalamat ako at tahimik kaming sabay na naglakad, kasunod ang dalawa na nag-uusap pa ng mahina.

"Hindi sumasagot si boplaks, Josh," I heard Heart say. "Even Kuya Dame and Kuya Hunter. I don't know."

"Baka may emergency?" Josh asked.

"If there was, dapat ngayon ay alam ko," ani Heart na nang makita akong sumusulyap ay ngumiti bigla at biglang tumakbo sa akin.

"Hi, Lia! Malutong kaya ang balat no'ng lechon?" she suddenly asked, pinapagaan ang usapan namin kaya ngumiti ako at tumango.

"Oo, malutong. Sina lolo yata ang naghanda, masasarap gumawa ng lechon 'yon." I smiled.

Sa sasakyan kami nina Heart sumakay papunta sa bahay, at habang nasa biyahe ay inayusan ako ni Heart, walang tanong-tanong. Pinagpasalamat ko iyon dahil ayaw ko ring mahalata ni nanay na umiyak ako.

Birthday ko, dapat masaya ako, right?

Pagkarating namin sa bahay ay tahimik. I was confused for a while, ang expected ko'y dapat marami ng tao pero wala.

"Nasaan sila?" I muttered, napasulyap kay Heart na nakangiti lang.

"Tara, pasok na tayo, baka nasa loob na," aniya at tumango ako.

Pumunta kami at mabilis kong binuksan ang pinto at halos magulat ako nang may confetti at nahuli ko sina nanay na may hawak na cake, kasama ang mga kakilala namin.

"Happy birthday to you!" they all sang kaya nakagat ko ang labi, masaya na hindi ko maintindihan. Nagulat din sa kanila.

"Happy birthday, Lia! Happy birthday! Happy birthday!" they sang.

Nangilid ang luha kong muli. Nakisabay pa si Heart, Josh at Ted, pumapalakpak pa sa habang kumakanta.

"Happy birthday to you," they sang, at nang makita si Nanay na nasa tapat ko na ay mas napaluha ako, sa magkasamang sakit at saya. I didn't know what to feel, hinawi ko ang luha ko at nakita ko ang malambing na tingin ni Nanay sa akin.

"'Wag na iyak, Lia." She smiled.

"N-nay naman..." I muttered, hinahawi ang luha.

"Iyakin talaga ang apo ko," lola muttered.

Nagtawanan ang mga kasama namin. Kinagat ko ang labi, nakitang nakangiti at nagbi-video si Heart sa gilid.

"Ang puso mo, anak." Nanay smiled and moved the cake near me, ang kandilang nakahugis na 18 ay nasa harapan ko na.

"Nay," I muttered.

"Make a wish, Lia," she told me. I sighed. Marahang inabot ko ang dibdib at pumikit para humiling.

God, please make me stronger. Please keep and guide my heart to be brave enough for any heartaches.

I opened my eyes, blew out the candle and they all clapped their hands, greeting me a happy birthday.

Luckily, hindi napansin ni nanay na namamaga ang mata ko kakaiyak, marahil ay inisip niyang dahil iyon sa kaninang pagkakita ko sa kanila.

I was touched and happy, but at the same time, hindi ko talaga magawang maging sobrang saya dahil sa nalaman ko.

I was happy because my friends did not brought up what happened earlier. They enjoyed the small celebration too, magkakasama kaming apat habang pumipili ng pagkain at nakikita kong nage-enjoy naman sila.

Heart kept on staring at her phone pero kapag nakikita akong tumitingin ay ngumingiti. I knew she was checking things out at hindi ko na siya inabala.

I tried lifting my mood to greet those who attended my birthday celebration, kinumusta ko at nag-picture. I received gifts too, which was really amazing.

Nae-excite na ako kung kailan ko bubuksan ang mga 'yon. Even Heart, Josh and Ted brought their gifts too.

"Lia, picture!" Heart cheered. I smiled at the camera.

"Ang ganda talaga ng ating birthday celebrant!" she cheered happily.

"Mas maganda ka," I praised. She frowned at me, pinching my cheek.

"Maganda tayo dalawa, Lia. Period," she clarified kaya natawa ako at niyakap siya.

"Thank you for coming, Heart," I said softly.

"No worries, I wouldn't miss this," aniya sa akin bago marahang hawakan ang kamay ko. "Anyway, I wanna tell you something."

Sumulyap ako sa kanya at inilahad niya sa akin ang phone niya. Kinuha ko iyon at nagtatakang binasa.

To: Boplaks

Hoy, bobo! Nasaan ka na?!!!!

I read her message and I scrolled it para mabasa ang kasunod.

From: Boplaks

Please tell Lia I'm sorry, I can't make it today. Babawi ako.

To: Boplaks

Bobo ka ba??? Bakit hindi? Hoy! Montezides! Anong nangyari? Bakit mo kasama 'yong babaeng 'yon?!

To: Boplaks

Hoy! Atlas! You're unattended! Pati sina Kuya!

Nang i-scroll ko ulit ay wala nang lumitaw kaya tumikhim ako at ibinalik sa kanya ang phone bago ngumiti.

"Pakisabi, Heart, ayos lang," marahang sabi ko.

"Anong maayos?" Kumunot ang noo niya. "I saw your eyes, umiyak ka—"

"Baka importante ang ginawa," I muttered, hindi na sinabi sa kanya ang sinabi sa akin ng mga seniors kanina.

"Naabutan mo ba siya? Natanong?" she asked curiously. Umiling lang ako.

"Hindi, n-nakaalis na agad, e," I answered quietly.

Mukhang 'di siya naniniwala pero napansing ayaw kong pag-usapan kaya humugot na lang siya ng hininga at tumango.

"Alright." She smiled. "Basta ba, mag-enjoy ka ngayong birthday mo, ah? 'Wag mo na isipin si boplaks, may paglalagyan sa 'kin 'yon kapag nakita ko."

"Just..." I sighed and stared at her. "Pwedeng ano...'wag mo sabihin sa kanyang umiyak ako?"

She hesitated for a while but understood. She nodded. "Okay, I won't tell him."

Nang medyo gumabi na, nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ko para umuwi. I was happy and sad at the same time because of what happened today but still grateful, I survived another year.

That was a blessing.

Hindi na ako pinatulong nina nanay na maglinis kaya umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos, pero kaagad na natantong mag-isa na naman ako. Dahil do'n ay muli na namang bumalik sa utak ko ang nangyari.

I sat on my bed, nakita ko ang notebook na hilig kong pagsulatan ng nararamdaman at marahang binuklat iyon.

I saw my latest input. I sighed, reading it. It was all my feelings and excitement about my coming eighteenth birthday, sinulat ko ito no'ng nakaraang araw. I was so excited envisioning how my birthday would be like, dapat ngayon din magpapaalam si Atlas kay nanay na liligawan na niya ako pero...wala.

Paano naman siya magpapaalam kung wala siya? Paano naman siya manliligaw kung may nililigawan na pala siya?

I flipped the page and saw the rose he gave me way back. Nakaipit ito sa pahina ng notebook ko, patay na pero maganda pa rin. I touched it and didn't know why, but I felt the tears fall on my cheeks again.

You said you'd be here...

Hinawi ko ang luha pero tila talon na nahulog lang iyon sa pisngi ko. I touched the petals. A sob left my lips.

I really thought he liked me. Ipinakita naman niya sa akin iyon pero bakit...bakit iba na ang gusto niya? Maybe what I heard from the seniors were true, baka nga...baka pinagti-tripan niya lang ako.

Was I not enough? Oh, maybe because I was just Amalia.

Ano nga bang ipagmamalaki sa akin? I was just that weak girl, a weak woman who'd easily clutch her chest if she couldn't breathe, ang babaeng kaunting bagay ay matutuwa at kikiligin.

It was just that my heart yearned for him, dearly, that I assumed he would really like me too but I was wrong all along. Parang maling masyadong na-invest sa ganitong pakiramdam ang bata kong puso kaya ngayon parang ang hirap naipagsawalang-bahala kaagad.

Like a fool, I cried, pouring my heart out, letting the pain go.

He said he'd be here but he never showed up. He said he likes me but in the end, he just left me hanging.

"Amalia? Amalia? Umiiyak ka ba?!" Narinig ko ang katok sa pinto kaya natigilan ako.

I tried covering my mouth but the sobs were so loud that my mother panicked.

"Buksan mo 'to!" She knocked again. "Amalia!"

"N-nay, a-ayos lang po ako!" I tried saying kahit paputol-putol pa ang boses pero mukhang 'di niya kinagat.

"Amalia!" She knocked again.

I felt my chest tighten, kumunot ang noo ko nang medyo magdilim na ang paningin ko at naghahabol na ng hininga.

"Amalia! Buksan mo ang pinto!" Kinalabog na ni Nanay ang pinto.

Tumayo ako at lumapit, kahit medyo nagdidilim na ang paningin at naghahabol ng hininga ay nagawa ko pang pihitin ang pintuan pabukas.

Bumukas kaagad ito at naabutan si nanay na gulat na nakatingin sa akin.

"N-nay," I muttered, mahigpit na napahawak sa dibdib ko at parang namamanhid na ang katawan.

"Amalia!"

Ang sigaw niya ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa sahig at nagdilim na ng tuluyan ang paningin.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

THE familiar and scary smell of antiseptic was the first thing I noticed when I woke up. I heard faint voices beside me, at sa pagmulat ko nang bahagya ay nakita ko kaagad ang pamilyar na puting pader sa harapan ko.

Natigilan ako.

"Sa ngayon, kaya pa ng mga gamot ang kondisyon ni Amalia, Ms. Argueles."

Nang marinig ang boses ng doktor at makitang nasa may gilid ko lang sila nag-uusap ay mabilis akong pumikit at nakinig.

"Magiging maayos naman po ang anak ko, Dok, 'di ba? Magiging maayos si Amalia?" rinig ko ang pag-aalala sa boses ni nanay.

"Yes, but she has to stay away from stress, nasabi ko na 'to noon. Dapat ay hindi napapagod si Lia, severe stress is not advisable, ni pisikal man o emosyonal. You said she was crying. That's stress and it triggered her kaya ganyan."

Miski ako ay nasaktan sa sinabi ng doktor, nangingilid ang luha ko at gusto na namang maiyak pero dahil nagkukunwari akong tulog ay pinigil ko iyon.

Kinuyom ko na lang ang kamay.

"Anong p-pwede naming gawin, Dok? Parang maging maayos ang anak ko?" Nanay sounded so sad and worried and it pained me more. Dumoble ang sikip sa dibdib ko.

"She has to stay here in the hospital first for observation, kahit mga dalawa o tatlong araw lang. I will prescribe new meds for her too," he said. "I suggest you tell her to stay away from stress for now to protect her heart. She's fragile, Ms. Argueles."

"K-kailangan ba niyang tumigil sa pag-aaral?" She sounded worried at miski ako, takot na takot.

Ayoko...ayokong tumigil sa pag-aaral!

Paano ako tutulong sa nanay? Paano 'ko babawi kung 'di ako mag-aaral?

"Hindi naman sa gano'n, Miss Argueles. Pero kung sa eskwela ang stress, kailangang mag-lie-low muna siya. Her condition is stable for now but we'll never know as she gets older. Ngayon, kaya pa ng gamot na kontrolin ang sitwasyon niya. The worst that can happen if she's always stressed, our last option is only surgery."

"'Wag naman sana...ang bata-bata pa ni Lia." When I heard her cries, I could feel my heart breaking even further.

"'Wag kayong mag-alala, Ms. Argueles. She can do it, Amalia is brave. She was weaker when she was younger, nakaya nga niya noon, ngayon pa kaya? She can still go to school, just advise her to stay away from stress and she's good."

Nang umalis ang doktor ay narinig ko pa rin ang iyak ni nanayhabang kausap si Lola. My heart broke hearing one of the strongest people I knew crying because of me.

"Ang hospital bills, Nay?" She asked lola.

"Kaya natin iyan, Liv," ani Lola. "Malakas iyang si Amalia, kaya niya 'yan."

"K-kung...isangla muna natin ang truck, Nay?" I heard her ask.

"'Yong pang-deliver ng mga galing sa plantation?" Lolo asked.

"Opo, Tay. Isangla ko muna para may pang-maintenance si Lia 'tsaka sa hospital bills," ani nanay at kahit nakapikit ay naramdaman ko ang pagkawala ng luha ko. "Tutubusin ko na lang kapag kaya na sa budget, mas importante ang anak ko kaysa doon."

I knew I had to take care of myself, not just for me but especially for my mother who sacrificed a lot to help me live the life I was living today.

Kami na lang ni nanay ang magkasama ngayon, kami na lang ang magkakampi. Kung kaya niyang magsakripisyo para sa akin, at least I could help her by protecting myself and my health.

Gusto kong makapagtapos, gusto kong maging pharmacist o kaya ay maging doktor kung ibibigay ng tadhana sa akin. Gusto kong tulungan ang nanay, gusto kong makita siyang masaya. Gusto ko pang magkapamilya at mabuhay nang matagal.

I had a lot of goals and I knew I shouldn't let a heartbreak stop me from achieving it.

There were far greater things than young love and that was my dreams...and my future.

Kaya pagkaraan ng ilang araw na um-absent ako sa klase dahil sa pag-i-stay ko sa ospital, I decided I would just live my old, boring life. Kahit wala nang kasama, basta napo-protektahan ko ang kalusugan at ang puso ko...kahit hindi na sa akin, para kahit kay nanay na.

Heart was frantic when she saw me entering the room. Napatingin pa sa amin ang mga kaklase nang yakapin ako ni Heart.

"Bakit absent ka? Ayos ka lang ba? Anong..."

"Ayos lang ako, Heart." I smiled at her. "Salamat, tara, upo na tayo."

Sabay kaming naupong dalawa. Kaagad niya akong tinanong pero hindi ko sinabing na-ospital ako.

"Nagka-emergency lang kasi si nanay, kailangan kong tulungan kaya ayon, m-medyo ano...'di nga nakapasok," sabi ko. Bakas na bakas ko ang pag-aalala niya.

"Okay naman ba kayo? Is there something I can do to help?" she asked worriedly.

You are a great friend, Heart.

I smiled and shook my head.

"Ayos naman, Heart. 'Di na kailangan,"

"I know what happened to Atlas, Lia," aniya kaya natigilan ako. I was so tempted to ask her but I chose not to.

Stay away from stress, they said.

"Ah, okay lang kahit 'wag mo na sabihin," I said. Her forehead creased.

"Huh? Bakit—"

"Good morning, class!" masayang bati ng teacher na pumasok kaya hindi na nakapagsalita si Heart at tumitig na lang sa akin.

Masakit but I knew I had to slowly detach myself from my friends.

I had to go back to my old life, malungkot dahil walang mga kaibigan pero mas napo-protektahan ko ang sarili...walang sakit.

"Lia, lunch?" ani Heart habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng libro.

"Uh, sorry, Heart. 'Di ako makakasama," I answered. Natulos siya.

"Huh? Bakit naman?"

"Uh, kailangan ako ni Nurse Anna sa clinic kaya—"

"Sasama ako—"

"'Wag na." I shook my head. "M-matatagalan kasi ako, sabay ka muna kina Josh, pasensya na, huh?"

She looked confused but then nodded, staring at me. "Okay,"

For days, I avoided them, pero mukhang napapansin na ni Heart kaya may isang beses ay sumabay ako sa kanya at mabuti na lang ay 'di niya kasabay sina Ted at Josh.

Atlas was still not here. Halos isang linggo na siyang wala kaya nagtataka na rin ako pero ayaw kong magtanong, natatakot sa sarili ko.

Heart said she now knew what happened pero ayaw kong marinig kaya hinayaan na niya ako. She was observant kaya alam kong napapansin na niyang medyo lumalayo ako.

I was eating lunch in the clinic, nakikisabay kina nurse na nagtataka na rin pero sinasabi ko lang na abala ang mga kaibigan ko kaya 'di na nagtanong.

Isang araw, pagpasok ko ay nakita ko na sa 'di kalayuan si Yui kasama na ang mga barkada. I immediately knew Atlas was here kaya hindi kaagad ako pumasok. Sumilip ako at nagwala ang puso nang makita siyang nakaupo sa may hagdan kung saan siya palaging nag-hihintay para masalubong ako pagpasok.

Magulo ang kanyang buhok, nakauniporme at nasa harapan niya ay si Heart na nakapamaywang sa harapan niya at mukhang galit.

"Bobo ka ba? Bakit 'di n'yo sinabi sa amin?" she hissed.

"Ayaw ni dad na mag-alala kayo, he asked to keep it a secret first," he explained.

"Bakit hindi? We're family too!" she hissed.

"I don't know, I wanted to tell you but he said sa amin muna ito," aniya. "My phone was off that time kaya si Yui ang tinawagan nila. She told me and I panicked, pagbukas ko ng phone ay nag-message sina kuya na pupunta na kaming Maynila."

"Anong pinagkaiba no'ng nalaman nina mommy? Wala rin, 'di ba?" she hissed. Atlas sighed and pulled his hair, mas nagulo iyon at nagsalita siya.

"Heart, si Lia," he said, his voice weak. "I just want to see Lia."

"Ayan, isa pa 'yan!" she snapped, hinampas niya ang balikat ni Atlas. "Bobo ka talaga!"

"I know," he sighed. "Nawala na sa utak kong magsabi nang personal. I was panicking, Heart. My dad was hospitalized and..."

"At sinama mo pa si Yui?!" she hissed.

"She insisted on coming, pinapapunta rin siya ng magulang niya," Atlas explained and stared at her. "Si Lia, Heart? Come on, I have to apologize."

"She's avoiding me now, boplaks ka kasi!" Heart snapped angrily.

I bit my lip, turned my back, and walked away from their direction.

Kahit malayo ang iikutin ay nagdesisyon akong sa kabilang gate na lang dumaan para makaiwas.

When I entered the classroom ay nakita ko sina Anya na kumaway pa sa akin.

"Oh, lover boy is back, nakita mo?" sigaw ni Anya.

"'Wag mo awayin, baka sumakit na naman ang puso." Her friend touched her chest. "Ouch! Aray! 'Di ako makahinga, Nurse!"

Nagtawanan sila.

Hindi ako umimik, tahimik akong naupo sa pinakagilid sa unahan at binuksan ang notebook ko para magbasa na lang.

"Aww, poor Amalia," I heard Anya say.

"Aww, really? No, you're the poor one Anya, taga-landi ng boyfriend at taga-salo ng basura." Natigil ako nang marining ang matinis na boses si Heart na nakapamaywang sa pintuan. "Cheap."

They gasped. Nagmura si Anya sa likod pero hinawi lang ni Heart ang buhok at nag-martsa palapit sa akin.

"Hi, Lia. Morning!" She smiled.

"Magandang umaga," tipid kong sabi at bumalik ang tingin sa notebook.

She sighed and said, "Ayoko sanang tulungan kaso ayoko makakita ng kawawang bobo."

Napalingon ako sa kanya. She had this hesitating smile.

"Tingin ka sa pintuan," aniya.

My forehead creased. Lumingon ako sa pinto at nanlaki ang mata nang makita doon si Atlas, nakadungaw sa room at may hawak na pumpon ng bulaklak.

It made a commotion, miski ang mga napapadaan ay natitigilan.

My throat dried up, tatayo para sana makausap siya pero dumating ang teacher na ngumisi pa.

"Aba, may nililigawan ka ba rito sa room, Mr. Montezides?" ani sir na ngumisi pa.

Atlas nodded. All eyes were on him.

"Oh? Talaga?" He chuckled. "Akala ko ba 'yong kaklase mo?"

Atlas' forehead creased. "Po? Sino?"

"Si Ms. Hernandez," he said.

"No, Yui's just my friend, Sir," ani Atlas. Natawa si sir.

"Oh, I see. I heard rumors. At sino naman ang maswerteng dalagang nililigawan mo?" he asked and Atlas shifted his gaze to me kaya natulala ako.

"Si Amalia, Sir," ani Atlas na nakatitig sa akin. "And it's not her that's lucky, it's the other way around. I'm lucky to meet her, Sir."

Mas umingay ang room. Mabilis akong nagbaba ng tingin. Narinig ko ang tawa ni sir.

"Oh, siya, sige, mamaya na ang ligaw. Magka-klase muna kami," ani sir at nang sumulyap ako ay nakita kong tumango si Atlas at ngumiti.

"Salamat po," he said and glanced at me again before deciding to leave.

Good thing habang nagka-klase ay hindi naman ako inasar. Sir was professional and set that aside and discussed his lesson for today—but me, I was bothered.

Natapos ang sunod-sunod na klase at no'ng lunch ay nasabi ko kay Heart na kailangan ako sa clinic. Ayaw ko sanang isama siya pero nakita kong nalungkot siya.

"I know you're avoiding me," she started sadly and my heart ached to see my best friend like that. "'Di naman ako si bobo, ah? Oo, sige, pareho kaming bobo pero bakit pati ako?"

"Sorry." I sighed, trying to control my tears. "M-maybe kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko."

"Kahit sabay sa lunch, bawal?" Bumagsak ang balikat niya.

"S-sige." Hindi ko na natiis at nasasaktan din ako kapag malungkot siya. "P-pero okay lang bang sa clinic tayo? Ayaw ko munang makasabay sila."

We ate together for lunch. Natapos ang klase namin kaya kaagad kaming nagligpit.

Sabay kaming pababa ni Heart at nang nasa huling step na ako ng hagdan sa may quadrangle ay nakarinig ako ng tunog ng gitara.

My forehead creased, napansing may mga estudyanteng nakadungaw na rin para manuod.

"Dami talagang paandar ni boplaks," ani Heart kaya napatingin ako sa may gitna at natulos sa kinatatayuan nang makita si Atlas na nasa gitna.

Sa gilid ay si Josh at si Ted kasama ang iilang miyembro ng varsity. Josh and Ted were holding a large cartolina. Nangunot ang noo ko nang mabasa iyon.

I'm sorry, bibi ko.

Josh looked so embarrassed, nagtago siya sa cartolina nang napasulyap sa tabi ko at nakita ang tatawa-tawang si Heart.

I heard the soft strum of a guitar and saw Atlas playing with the strings softly, forming a soft tune from it. Nakatayo siya roon sa gitna at nakasabit sa balikat ang gitara habang pinapatugtog at nakatitig sa akin.

"I'm sorry, Lia." He sighed. "I hope you forgive your bibi."

That earned a few laughs and giggles. Natatawa na si Heart sa tabi ko at iniaangat ang phone para mag-video.

Atlas cleared his throat and I almost shivered when I heard him sing.

Well, I will call you darlin' and everything will be okay

'Cause I know that I am yours and you are mine

Doesn't matter anyway

In the night, we'll take a walk, it's nothing funny

Just to talk...

I almost shivered when I heard his baritone voice as he sang Make You Mine.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

You know that I won't stop until I make you mine

You know that I won't stop until I make you mine

Until I make you mine.

Miski ang mga teachers ay naki-usyoso na. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang pinagmamasdan siyang kumakanta habang walang hirap na nag-i-strum sa gitara.

It's hard to feel you slipping (You need to know)

Through my fingers are so numb (We'll take it slow)

And how was I supposed to know (I miss you so)

That you were not the one?

Nakita kong kinakanta ng varsity at nina Josh ang parts ng back-up singers, nahuli pang pumiyok ang isa roon kaya napasulyap si Atlas at sumama ang tingin at nasira ang kanta pero bumaling sa akin at nagpatuloy na parang nangyari.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

Oh darlin', darlin', baby, you're so very fine

You know that I won't stop until I make you mine

The song ended, narinig ko ang tilian at halos sumabog na ang puso ko sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Josh left the cartolina, kinuha ang bouquet kanina bago inabot at kinuha ang gitara kay Atlas. Atlas walked towards me. Mas umingay ng komosyon.

I admit it was touching but the fear won. The fear for my young heart won–more than the overwhelming feelings of joy.

Atlas offered the flowers to me and I accepted it with a shaking hand.

"Sorry, Lia," he muttered. I just stared at him. "I know I've been a jerk."

"Bobo kamo," ani Heart bigla na ngumisi lang. "Joke, sige na, usap na kayo."

"Can I explain?" Atlas asked, a bit shy and flushing. I saw the hope in his eyes. Tumango ako.

"Pwedeng...private?" I asked softly.

"Sure." He smiled and slowly took my wrist.

"Luh, madaya, anong pag-uusapan? Wala man lang ba kaming closure dito?" ani ng isang varsity na pumiyok kanina. Nailing si Atlas.

"Sabi ko 'wag pipiyok, yari kayo sa 'kin," Atlas scoffed. The boys groaned.

Hawak ako ni Atlas, inaalalayan para makapag-usap kami.

I saw Yui in the side, kunot ang noo at nakahalukipkip. Our eyes met and she immediately rolled her eyes at me and shook her head.

Nagtungo kami sa may field kung saan kami madalas kumakain. Our eyes met and I admit, I missed seeing his face but...I didn't want to be hurt again.

"Lia, I'm sorry," he sighed, slowly pushing a few strands of my hair behind my ear.

"I know I promised you I'll come," aniya habang nakatitig sa mata ko. I could see how regretful he was. I nodded.

"I understand,"

"I'm sorry," he rasped and took my one hand, kita ko ang frustration niya. Hinaplos niya ang palad ko at dinala sa labi niya. He kissed it while staring at me. "Na-ospital si Dad, my phone was off and Yui answered the call. Nag-panic na ako, tumawag din sina kuya na didiretso na kami sa Maynila. Hindi na kita natawagan."

"Hindi ba alam ni Heart?" I asked. Tumango siya, malamlam ang mga mata.

"Ayaw muna nilang malaman nina Heart at baka mag-alala, we kept it a secret first pero nalaman na rin nila no'ng nakaraan. My dad just didn't want them to be worried," he explained.

"I'm so sorry, Lia, I failed you. I could've talk to you in person first but I didn't, nagsisisi ako na hindi man lang kita napuntahan para makapagpaalam. I know you're mad at me for ditching you like that." He raked his finger in his hair. "I'm sorry, Lia. I'm so sorry, please forgive me."

Tumitig ako.

"It's okay, I understand. I forgave you, wala ka namang kasalanan. Kumusta ang dad mo?" marahang tanong ko.

"He's fine now, tumaas ang blood pressure. Nasa bahay siya ngayon nagpapahinga," aniya at muling hinanap ang mata ko. "I'm sorry, bibi. I'll make it up to you, kakausapin ko na si nanay. I—"

"T-tama na muna siguro 'to, Atlas," putol ko sabay kuha ng kamay sa hawak niya.

He tensed. Umikot ang sikmura ko sa kaba sa gagawin.

"Lia," he muttered startled. "What do you mean?"

I'm in love with you, Atlas, but I think my heart can't take this. My poor and young heart can't love you that much.

Mahalaga sa akin si nanay, mahalaga sa akin ang sarili ko at ang kalusugan ko and I'm afraid, afraid that if I'll risk my heart again...it will give up on me too.

"H-hindi pa kasi ako handa," I said and I saw how pain filled his eyes.

"L-Lia, look," he stammered, swallowing painfully.

"I'm not ready for this, Atlas," I said. "I-I think—"

"I can wait, Lia," he negotiated and tried touching me pero suminghap ako at pagod na umiling. "K-kailan ba? Kapag nineteen? I can wait—"

"There are a lot of girls worthy of you, Atlas. Not me." My stomach twisted when I saw his eyes were bloodshot now. "Maraming mas deserving sa atensyon mo, mas bagay sa 'yo, 'yong mga taong abot ka. You're out of my reach because I'm just A-Amalia..."

"What are you saying? I wasn't! Nandito ako, Lia. I was never up high, I'm here. With you."

Umiling ako. "No, you're out of reach,"

"If you think of it like that then I'll reach you," he said desperately. "Kung natatakot kang 'di mo ako maabot ako ang gagawa n'on!"

I shook my head and wiped the tears falling on my cheek.

"And you are not just Amalia. You are Amalia!" he emphasized. "And it's only you that I like!"

Ang sarap pakinggan...pero hanggang pakikinig na lang.

"Sorry," I apologized and shook my head. "S-sorry, Atlas."

"Lia." He looked so hopeless and he kept on shaking his head. "I-I'm willing to wait, I'll pursue you—"

"H-huwag mo nang ituloy ang panliligaw," I whispered. Balisa na siya at nagpa-panic.

"L-Lia naman, h'wag namang ganito..." pakiusap niya pero malungkot lang akong ngumiti.

"Salamat sa pagsubok na gustuhin ako, Atlas," I said while staring directly at him. "Napasaya ako pero kasi, hindi ko 'yan deserve. 'Di ako handa."

Ibinaba ko ang bulaklak sa may damo bago tumalikod at naglakad palayo sa kanya.

I'm sorry, Atlas. I love you but you're too bad for my brave heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co