Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 14

heartlessnostalgia

Kabanata 14

LIFE is a gift we all must cherish, yet a lot of people tend to throw it away or waste it. I envy them, honestly, ako kasi palaging nangangarap na magising pa ng panibangong umaga sa mahabang panahon.

I still wanted to fulfill my purpose, to help my family, have a family and be happy, kaya ang bawat umaga sa akin ay mahalaga. I didn't know how much I begged the Almighty to give me another waking moment, and every time He gave it to me, I was more than grateful.

Life is important yet I wonder why some people spend it in cruelty and selfishness, a gratification for their own happiness...kahit ang kapalit ay ang pagiging miserable ng iba.

Masaya ba talagang manakit ng kapwa? Masaya ba talagang mag-asam ng ka-miserablehan ng iba? Bakit gano'n sila?

"She'll be okay, Nurse, right?" a familiar baritone voice echoed beside me, bago ko naramdaman ang haplos sa mga daliri ko.

"Yes," sagot ni nurse. "She just has to rest. She panicked kaya nawalan ng hininga. She's good once she wakes up but it may traumatize her. Nasaan na ang mga estudyanteng nanakit?"

"Nasa office na, Nurse," narinig ko si Ted. "Kausap ni Dean, tatakas nga sana pero mabuti na lang at nando'n kami kaya nahuli."

"Ang mga batang 'yon talaga, hindi ko alam kung bakit palaging pinagti-trip-an si Amalia." I slowly moved to find my strength. "Alam naman nilang may sakit ang tao."

"I'm sorry for the word, Nurse, but they are insensitive bitches," narinig kong sabi ni Heart at biglang dumaing. "Aray, dahan-dahan naman, Josh!"

Narinig ko ang tawa ni nurse. "I understand, Heart. That's true anyway, hindi ako natutuwa sa mga batang 'yon. Alam naman nilang gano'n si Amalia yet..."

I opened my eyes. Nanlaki ang mata ni nurse nang makita ako at napalapit kaagad.

"Lia, hija!" she called.

"N-nurse," I muttered faintly.

"Lia." Nagkagulo ang mga kaibigan ko, kaagad kong nasalubong ang mata ni Atlas na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"H-hey," I greeted weakly.

His soft black eyes immediately scanned my face. Nang umakma akong uupo ay mabilis siyang tumayo at inalalayan ako.

"Careful," he reminded soothingly. Naramdaman ko ang pag-aayos niya ng unan sa likod ko at pinasandal ako roon.

I glanced in front and saw Josh, Ted and Heart looking worried. I flashed a smile.

"Hi?" magaang bati ko.

"L-Lia..." My mouth parted when Heart ran towards me. Mabilis siyang yumakap kaya ngumiti ako at yumakap sa kanya. "S-sorry, sorry, 'di kita napagtanggol kaagad..."

"Ayos lang," I whispered and caressed her back. "I'm okay naman na. Don't worry."

"K-kung 'di sana ako umalis kaagad, s-sabi ko kasi sa 'yo sabay ka na sa 'min sa kotse. 'Yan tuloy!" she said, scolding, yet her voice sounded so sad.

"Sorry, sana nakinig ako," I whispered. "And thank you, 'di ko alam ang gagawin ko kung 'di kayo dumating."

Lumayo siya nang bahagya sa akin, malungkot ang mata. I immediately noticed her messy hair and the red scratches on her cheek and arms.

"Heart! Anong..." Kinuha ko ang braso niya.

"Nakipag-bardagulan kina Anya," ani Josh na natawa na lang at marahang kinuha sa akin si Heart.

My eyes widened. "Huh? Bakit?"

Heart pouted. "I couldn't stop myself, they're annoying. Bullies."

"Tara na nga kasi, ayusin natin 'yang kalmot mo," hila ni Josh kay Heart at naupo sila sa kabilang kama.

"Nauna si Heart sa loob, pagpasok namin nakikipagsabunutan na kina Anya," paliwanag ni Ted kaya umawang ang labi ko at sumulyap muli sa kaibigan na nakanguso sa akin.

"Sorry, Lia. Nagalit lang ako," she said.

"Ayos lang pero sa susunod 'wag kang makikipag-away, huh?" I told her softly. "Baka mapahamak ka pa."

She sighed and nodded. Napatingin ako sa tabi ko at pumilantik ang puso nang magsalubong ang tingin namin ni Atlas. Malamlam iyon at puno ng pag-aalala.

I smiled at him. "Thank you."

He closed his eyes and didn't speak. Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at suminghap.

My gut twisted. Muli akong bumaling kay nurse na ngumiti sa akin.

"Tawagan ba natin ang nanay mo, Lia?" she asked softly. I immediately shook my head.

"Nurse, ayos naman na ako, 'di ba?" I asked.

"Yes." She nodded. "Nag-panic ka lang, but still, that's scary. Umiwas ka sa stress, hija, hmm? Paano ka uuwi? Papasundo ka sa nanay—"

"Ayaw ko pong malaman ni nanay, Nurse," agap ko.

"Lia..." she muttered. I shook my head.

"Please, Nurse. A-ayaw ko pong mag-alala ang nanay. Ayos na rin naman ako," I assured he. She hesitated but respected my request.

"Sige pero sa susunod, ah?"

I heaved a relaxed sigh. "Opo, salamat."

"Sino ang maghahatid sa 'yo? You can't go home alone in that state."

"Kami na ang bahala, Nurse," ani Ted.

"Alright, thank you. Masaya akong naging kaibigan kayo ni Lia." Her eyes are gentle, she was genuinely happy. "Sige, maiwan ko muna kayo, mamaya ka na muna lumabas, Lia. Magpahinga ka pa."

"Opo, maraming Salamat," sabi ko at nang umalis siya ay napabaling ako sa damit na suot ko nang maalalang binuhusan nga pala nila ako ng tubig.

To my shock, I was now wearing a dress. Suot ko rin ang varsity jacket ni Atlas.

"Sinong..." Bumaling ako kina Heart at ngumiti siya sa akin.

"Mabuti na lang may spare clothes ako sa kotse," she said. "You were so wet, Lia. Natakot kami baka magkasakit ka."

My heart softened. "Thank you, Heart."

"Welcome, are you okay now?" she asked, napapangiwi pa habang ginagamot ni Josh ang mga kalmot niya.

"Ayos na ako,"

Bumaling kay Atlas na nakahawak lang sa kamay ko, nakapikit at nakadikit ang mukha ro'n, humihinga nang malalim.

"Lia, I'll check the guidance first." Napabaling ako kay Ted nang magsalita siya. "Hihingi ako ng update kung anong punishment nila."

"Thank you, Ted." I smiled.

He nodded and left, isinara niya ang kurtina at nang mawala siya ay muli akong bumaling kay Atlas na hindi gumagalaw. Magulo ang kanyang buhok at halatang mukhang balisa.

I bit my lip. He looked so worried, I could feel the fear he had. It moved me.

"Ayos lang ako," I reassured.

I moved my hand. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko at dumukwang para hagkan ng saglit ang noo niya.

He quickly opened his eyes and my cheeks flushed when our eyes met. Narinig ko ang impit na tili ni Heart kaya natigil siya at kinagat ang pang-ibabang labi, biglang sinampal ng kaunti si Josh na nagulat.

"What?" naguguluhang tanong ni Josh pero ngumisi si Heart at muling nanghampas.

Napapailing na muling bumaling ako kay Atlas. "Magsalita ka naman d'yan, galaw-galaw."

He sighed, tumayo siya sa upuan niya at umupo sa gilid ng kama. Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

"I'm okay, I promise," I assured him dahil mukha pa rin siyang bothered sa nangyayari.

"Sorry," he sighed, tila bigo. He unconsciously tucked my hair behind my ear.

From my hair, his fingers found their way back to my cheek as he slowly caressed it.

"Nahuli ako, sorry."

"Hindi mo kasalanan 'yon, Atlas," I told him. "Hindi natin kasalanan ang nangyari, it was their fault. Hindi natin alam na mangyayari 'yon kaya wala naman na tayong magagawa at 'di mababalik."

"The girls are in the guidance now," he said, his voice strained.

"Atlas—"

"Don't tell me to forgive them because I won't, Amalia. I am not a harsh person pero ibang usapan na kapag sinasaktan na 'yong mga taong mahal ko," mariing sabi niya.

My heart jumped and it made me feel happy kaya I smiled. Umiling ako sa kanya at nagsalita.

"Wala naman akong sinasabi, they should be punished. Hindi maganda iyong ginawa nila sa akin," I said and he let out a relaxed sigh.

"I thought you were going to ask me na pabayaan sila."

"What? No, Lia, hindi pwedeng pabayaan ang mga gagang 'yon!" ipinaglaban ni Heart kaya tumango ako at sumulyap sa kanya.

"No, wala naman akong sinasabi and tama kayo. Dapat managot sila sa ginawa nila, hindi magandang hahayaan na lang natin sila kasi 'di sila mag-re-reflect sa ginawa nila. They would think it's okay to bully other people kasi walang sumisita sila." I sighed. "I hope they learn, ayaw kong gawin nila ito sa ibang tao."

"Good." Napasulyap ako kay Atlas na nakangiti na. He touched my chin and slowly messed with my hair. "That's my girl."

Nag-init ang pisngi ko bago napatawa ng bahagya. "Your what?"

"My girl." He winked at me kaya ngumuso ako.

"Hindi pa rin kita papayagang manligaw, Atlas," I reminded.

"Akala ko nakalusot," ungot niya. His shoulder fell and his lips pursed. Nagtawanan sina Heart doon sa tabi.

"Aww, 'yon lang, Cap," Josh muttered.

"Aww, wawa naman si boplaks." Heart laughed.

"A-ayaw mo ba talaga subukan ang bibi mode?" Atlas asked.

"Ayaw," I said straightforwardly and his jaw dropped.

Inihatid nila ako sa bahay. I was so thankful na may mga kaibigan akong kagaya nila. Bago rin kami umuwi ay ipinatawag ako ni Dean.

They talked to me about what I wanted to do with the girls and I told her to make them receive what they deserved for what they did to me.

Ayaw ko silang hayaan na hindi matuto at ulitin pa iyon sa ibang tao. Nakiusap din ako kay Dean kung pwedeng hindi na rin malaman ni nanay ang tungkol dito dahil ayaw ko siyang mag-alala.

The girls were crying inside the office. Si Catherine na senior ay malakas ang loob at hindi man lang natakot kay Dean, pero sa huli ay humingi rin ng tawad and I accepted their apology, even though I knew they didn't really mean it.

The dean punished them. Bukas na bukas din ay kakausapin niya ang parents nila, they were suspended for two weeks and may record na sila sa office at sa good moral nila'y mahihirapan sila. After that, they had to be a student assistant until the end of this school year.

They were devastated that some of Anya's friends even knelt. Nagulat ako pero ayaw kong kaawaan sila ng gano'n kadali dahil may kasalanan sila at naagrabyado ako, so I immediately said no kaya lahat sila ay napatawan ng punishment ng student affairs.

It was okay to forgive. That was a part of life but you must teach a lesson too, para matuto sila at hindi na gawin sa ibang tao.

"Ihahatid ka namin sa loob," Heart said. Tumango ako bago sumulyap muna sa suot na damit.

"Hindi kaya mapansin ni nanay?" I asked. "Iba ang suot ko tapos medyo basa pa ang bag ko?"

"Hindi 'yan, sabihin mo nasira ang tubo sa banyo ng school at nasabuyan ka tapos 'yong dress sa akin." She smiled at me.

I hesitated for a while, minsan lang ako magsinungaling kay nanay, kadalasan ay tungkol sa mga crush lang o 'di kaya sa pagsikip ng dibdib ko. Ngayon ang pinakasobra kaya medyo kinakabahan ako.

"It's okay, Lia. We got you," ani Atlas na bumaling sa akin para tanggalin ang seatbelt ko.

"Nasa loob si nanay, sasama kayo?" I asked. They nodded. "Is it okay?" Bumaling ako kay Atlas na ngayon lang pormal na makikita si nanay, madalas kasi ay wala rito ang nanay kapag sinusundo nila ko o hinahatid.

"Huh? Hmm." Atlas nodded, clearing his throat. "I was supposed to meet her formally no'ng eighteenth mo anyway."

Tumikhim ako at tumango. "S-sige, um, tulungan n'yo akong magpalusot, ah?"

Nauna sa pagbaba sina Ted, Heart at Josh na sumama talaga sa amin. Inunahan na ako ni Atlas na kumalas ng seatbelt ko at tumakbo sa kabila para pagbuksan ako.

"Thank you,"

Kinuha niya ang bag mula sa akin at dumiretso kami sa loob. Si nanay ay naabutan naming nagdidilig ng halaman.

"Nay," I called and she rose from checking her plants.

"Oh, Lia, Anak." She immediately smiled. "Late ka na nauwi at kasama mo pala sina Heart."

"Ah, opo," ngiti ko.

Nanay moved her eyes, smiling at my friends but then she paused, as if stunned when she saw Atlas.

"O-oh." She flashed another smile. "Si Atlas pala ito."

"Good afternoon po, Tita," Atlas' cold voice said. Napasulyap ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa nanay ko, walang ngiti.

"Ngayon lang kita nakita rito na kasama sina Lia, hijo." I even noticed her lips quivered a bit. "Mabuti at nakasama ka ngayon, nai-ki-kwento kayo ni Lia."

"That's good to hear po, nice meeting you, Tita," Atlas said formally.

Kinabahan ako. Ngayon lang sila formal na magkakausap!

"O-oh, siya..." Nag-iwas si nanay at inilahad ang bahay namin. "Pumasok muna kayo at mag-meryenda, may ginataan akong iniluto."

"Ay, gusto ko 'yan, Tita. Salamat!" Josh smiled, napangiti ako nang kinausap niya si nanay na papasok na sa bahay kasunod si Ted.

"Tara, kain muna," I told Atlas and Heart but I caught them exchanging looks.

"Guys?" I pressed.

Heart immediately smiled and nodded. "Ay, gusto ko 'yan ginataan. May bilo-bilo ba?" Tumakbo siya papasok at humabol. "Tita! Pa-juice ka naman d'yan!"

I glanced at Atlas. He was staring at our house. Nakapunta naman na siya rito minsan para ihatid ako pero 'di pa siya nakakapasok at wala ang Nnnay.

"Atlas?" I waved my hand in front of his face.

It was as if he came back from his reverie. Mabilis siyang bumaling sa akin at napakurap. "Hmm?"

"Tara, pasok ka. Kain tayo," anyaya ko bago siya tahimik na sumunod sa 'kin papasok.

Nakalusot kami kay nanay tungkol sa damit kong suot ngayon, kinagat naman niya at nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan kong kumakain ng ginataan.

Atlas was unusually quiet, tahimik na pagmamasdan lang ang nanay na parang may malalim na iniisip. Kapag mapapatingin si nanay sa kanya ay ngumingiti ito at si Atlas ay gano'n din bago tatango at muling ibabaling ang pansin sa pagkain.

Nakakuha lang ako ng tyansa na magtanong no'ng pumasok sa kusina si Nanay.

"Ayos ka lang?" I asked when I saw him staring at the empty bowl of his food.

"H-hmm?" Bumaling siya sa akin, mukhang nalilito.

"You seem so quiet," pansin ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Uh, no." He smiled pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. "I'm fine, Lia. Naisip ko lang kung...ano kaya kung nakausap ko si Tita no'ng eighteenth mo?"

"Bakit? Kinakabahan ka ba?" I asked, concerned for him. "Mabait naman ang nanay at 'di ka na rin naman tutuloy sa panliligaw, ah? Bakit kinakabahan ka?"

He chuckled, tinagilid niya ang ulo at pinagmasdan ako. Kinalabit niya ang ilong ko.

"Who told you I'll stop?" he asked. Umawang ang labi ko.

"Huh? Akala ko ba nag-usap na tayo—"

"Hindi tayo nag-usap nang maayos, Argueles. You decided for us." He pinched my nose, gulat lang akong napatitig sa kanya at umiling.

"Wala kang mapapala r'yan," sikmat ko sa kanyang pilyo lang ang ngiti.

"I'm a persistent man, Amalia," he said. "I don't quit that fast."

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

ANG mga sumunod na araw sa CSU ay napuno ng excitement nang i-anunsyo ang nalalapit na junior ball. Everyone was talking about the clothes they were going to wear, some were asking their classmates as their dates...pero ako? Hindi ako excited.

Noong junior ball no'ng grade nine ay 'di ako sumali. Una, para saan pa? I was a loner, wala rin akong gown na susuotin. Aasa pa ba ko may magsasayaw din sa akin sa ball?

That day last year, taong library lang ako habang halos lahat ay excited at naghaharanahan para kumuha ng date.

They looked lovely and I was happy for them.

Wala naman talaga akong plano rin na sasama, pero isang araw ay niyaya akong mamasyal ni Heart at siyempre sumama ako. Sinabi niya rin kasing wala sina Atlas na iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon.

He was just persistent, sobrang kulit. Tuwing umaga ay nakaabang sa may gate para sa bulaklak niyang kinuha lang naman sa garden. Napagalitan nga iyon no'ng nakaraang araw kasi nahuli ng janitor na pumipitas. Kumaripas naman ng takbo si Atlas pero nahuli, ayon at napagsabihan.

"Alam mo, Atlas, tama na ang pagbibigay ng bulaklak," I said and glanced at the roses in my hand.

"Gusto ko, bibi, bakit ba? Pipigilan mo ako?" He smiled sheepishly, inangat ang kamay at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.

"Oo," I said. "Napagalitan ka na kakakuha mo sa garden tapos..."

"Hindi naman na sa garden 'to galing, sa mansion na." He even smiled innocently.

"Atlas," I warned.

"Ayaw mo kasing tanggapin ang bouquet ko kaya pitas-pitas na lang.Tignan mo, bibi, oh." He showed me his finger kaya kumunot ang noo ko.

"Ano 'yan?" I asked.

"Come closer."

I moved a bit closer to see his finger at nakitang may maliit na sugat doon. "Anong nangyari d'yan?" I asked.

"Natinik ako sa rosas," he said sadly. "I'm so sad, sobrang sakit nito, bibi ko. Muntik na nga akong masugod sa clinic."

"O-oh?" Inabot ko ang daliri niya para suriin. "Paano? May pumasok bang tinik o ano? Pina-check mo ba?"

My voice vanished when I realized our faces were only inches away. Nanlaki ang mata ko nang masalubong ang tingin niya.

"Atlas—" I gaspd when he stole a quick kiss on my cheek. Umawang ang labi ko at nakita kong namula siya.

"P-parang magaling na ako, ah?" Napalayo siya at napahawak sa batok. "W-wow, salamat, bibi. Magaling na ako. Um, bye!"

I blinked when he turned his back on me. Nagmamadali siyang tumakbo paalis sa soccer field, at nakita kong muntik pa siyang matalisod no'ng nasa may batuhan kaya lumingon siya sa akin at kumaway.

"Guni-guni mo lang 'yon!" he exclaimed, mabilis na tumakbo sa loob at iniwan akong tulala.

Every year kapag junior at senior, mayroong ball kadalasan sa university. Hindi pa ako nakakadalo pero ang sabi nila, iisang lugar lang ang juniors at seniors pero magkahiwalay ng bulwagan.

Juniors was for juniors and seniors was for seniors, too. Wala naman akong intention talagang sumali pero no'ng dinala ako ni Heart sa isang boutique ay hindi na ako nakatakas.

"Nah, hindi ka sumali last year kaya sasali ka ngayon!" she cheered happily while swirling in her red gown.

"A-ayoko." Napailing ako. "Wala akong gown—"

"Kaya nga nandito ka para sukatan!" she cheered.

"Heart." Nag-init ang pisngi ko. "Ano namang ipangbabayad ko—"

"E 'di friendship!" she squealed at halos mapasigaw ako nang lapitan ako ng mga staff na may hawak na tape measure.

"'Wag po—" Pero 'di ko na nagawa pang umalma nang makitang si Heart ay tumulong na rin para 'di ako makaalma.

Ako'y nahihiya at masaya si nanay na sasali ako sa ball namin sa taong ito. Last year pa niya ako sinasabihan ng tungkol dito pero ayaw ko talaga at magastos.

Nanay insisted that she'd pay for the gown pero ayaw ni Heart at regalo na raw niya iyon sa akin.

"Ang ganda-ganda mo, Amalia." Nangilid ang luha sa mata ni nanay nang makita ako pagkatapos ayusan ng mga artist na kasama ni Heart.

"Nay," I called.

"OMG!" Napasulyap ako kay Heart na sobrang ganda sa suot na pulang gown, kulot ang kanyang buhok at mas na-highlight ang features ng mukha.

"Ang ganda mo, Heart!" I said adoringly.

"No," she gasped. "Oh my God, no! Mas maganda ka! Bruha ka!" she exclaimed, tumakbo si Heart at hinarap ako sa salamin na nasa likuran.

My eyes widened dramatically when I saw how I looked for tonight's ball.

I was wearing an spaghetti-strapped gown in rose, manipis ang sa balikat ko at medyo lubog sa may dibdib. Kitang-kita at litaw na litaw ang kaputian ng balat ko, miski ang collarbone ko ay nakita. Ang buhok ko'y nakaparte sa gitna, tuwid at diretso kaya mas mukhang naging malambing.

The soft features of my face were emphasized, hindi naman sa wala akong itsura pero masasabi kong maganda ako ngayong gabi! I was confident in saying that because of my look tonight! The curve of my lips showed more because of the pink lipstick.

Mukha akong senior na! Dahil sa heels din ay mas tumangkad ako.

"Wow," I couldn't help but praise myself.

"OMG, girl!" ani Heart at niyakap ako bago bumulong. "RIP boplaks!"

"Huh? Bakit?" I asked. She giggled.

"Girl, manginginig ang tumbong ni bobo kapag nakita ka!" she exclaimed, making me gasp and laughed with her.

Mula sa bahay kung saan kami nag-ayos ay sumakay kami sa van nina Heart papunta sa venue. Ang sabi niya'y sina Atlas, Josh at Ted ay magkakasama at nauna na yata roon.

I couldn't deny that I was excited for tonight. First time ko ito. No one would probably dance with me but I was looking forward to the experience.

I was still not sure if I'd see Atlas today dahil ibang bulwagan ang mga seniors at maraming tao.

Pagkarating namin sa venue ay halos maubos na ang storage ni Heart kaka-picture. Magkakapit ang braso namin habang papasok sa malaking venue para sa mga juniors.

Nakita ko rin sa hindi kalayuan ang bulwagan ng mga seniors. Maraming tao kaso 'di ko makita sina Atlas no'ng dumaan kami. Si Yui lang na kasama ang mga kaibigan ang nakita ko. Nahihiya naman akong magtanong kay Heart kaya nang makapasok ako sa hall ay natahimik na lang at namangha sa itsura.

Malaki ang bulwagan, puti ang pintura at may malaking stage sa gitna. May mga disco lights sa gitna ng dance floor at sa gilid ay may mga lamesa para sa amin, kulay puti at pink ang mga telang gamit. May mga magagandang bulaklak pa sa gitna.

Hindi ako sanay gumamit ng heels kaya halos madapa ako sa hagdan no'ng umakyat kami kanina, tawang-tawa naman si Heart dahil kapag nadadapa ako ay nadadamay din siya kaya tulungan kami para 'di matumba.

The program started. Ang mga napiling sumayaw ay nag-intro doon sa gitna at natuwa akong manuod sa kanila. Maliwanag ang chandelier at nagmukha silang mga prinsipe at prinsesang sumasayaw.

I felt like I was in a fairytale waiting for my prince charming, kaso nga lang wala talagang prince na darating.

Ganito pala rito? Ang saya kahit nanunuod ka lang!

After eating, nakipagsayaw na ang mga magkakasintahan at ang mga date nila.

"Lia, smile!" Napabaling ako kay Heart na hawak ang polaroid niya.

She took a photo of me and while we're waiting for it to develop, kinuha ko ang camera niya.

"Ikaw din!" I chirped and took a photo of her to before the two of us.

Someone asked Heart to dance kaya nagpaalam siya sa akin. Nanuod lang ako sa kanilang sumasayaw nang may mag-aya rin sa aking kaklase na nahihiya.

"A-ako? Seryoso?" I asked, shocked.

"Oo." He chuckled nervously. "Sayaw tayo, Lia?"

"S-sure!" I was stunned that I was smiling while dancing with him.

May nakipagsayaw sa akin! Oh my God! Akala ko talaga ay wala!

Matapos kong sumayaw ay may iilang nag-aya pa kaya natutuwa ako dahil hindi ko expected ito, they said nahihiya silang i-approach ako sa room. Nagkakatinginan kami ni Heart at kikindat siya sa akin at tatawa.

Hindi ko alam kung ilan ang naisayaw ko nang nakaramdam ako ng pagod. Tinanggihan ko nang nahihiya ang isang nagtanong dahil masakit na medyo ang paa ko at 'di ako sanay sa heels. May natapakan pa nga ako kaya hiyang-hiya ako.

I went back to my seat and got contented watching people dance.

My mind wandered to where Atlas might be. Ano kayang itsura ngayon? I was positive the girls were drooling over him! Gusto kong magselos kaso para saan naman? Natural namang gwapo iyon si Montezides.

Ngumiwi ako ng gumalaw at kumirot ang paa, tumungo ng kaunti para dungawin ang paa ko.

Kahit sa dim na ilaw sa itaas ay nakita ko ang paltos at ang pamumula ng paa ko. My lips pursed, inabot ang heels at tinanggal.

"Sinabi ko na kasi kay Puso 'yong medyo mababa lang na heels."

I stiffened when I heard that voice. Nanatili akong nakatitig sa paa ko hanggang sa may tumayo sa harapan ko na nakasuot ng gray slacks at leather shoes.

My heart quickened. Nakita ko ang unti-unting pagluhod ng isang tuhod ng lalaki sa harapan ko at halos lumuwa na ang mata ko nang makita kung sino iyon.

"A-Atlas!"

"Hi, bibi." He smiled handsomely.

"Anong..." Nanginig ang boses ko, lalo na no'ng inangat niya ang paa ko at tinanggal ang heels ko. I watched him place white sneakers on my feet, replacing the sandals. "Bakit ka..."

"I thought this would hurt your feet so I made sure to bring you these." Napakurap ako at pinagmasdan siyang isintas iyon sa paa ko.

I immediately noticed his new haircut at parang papanawan ata ako ng hininga!

His hair now was clean cut, medyo naka-shave ang gilid nito at malinis ang itaas. I saw a simple stud earring on his ear which made him look ruggedly handsome.

He was wearing a black turtleneck with long sleeves, kulay gray ang suit na suot niya, at nang tumayo siya ay napansin kong naka-tuck ang kulay itim na damit niya sa slacks.

"Did you have fun dancing?" he asked. Nagpa-process pa 'ko.

"P-paanong nakapasok ka? I-I thought seniors are prohibited—"

"We sneaked in." He smirked handsomely, the side of his lips rose.

"Huh? P-paano?"

"Come on, Lia? Bibi mo yata 'to!" he said proudly and my mouth just parted. Natawa siya sa gulat kong ekspresyon hanggang sa namungay ang mga mata.

"Can I have this dance, Lia?" He smiled, bowing a bit and placing his hand on his back. He extended his other hand at me. I was in awe.

"A-Atlas..." I bit my lip to stop my smile as I take his hand. He helped me up.

I heard a soft song in the background. Naglakad kami ni Atlas sa gitna. I saw Ted dancing with someone. He smiled when he saw me.

"O-oh, si Ted," I muttered and glanced at Atlas who smirked at me.

"Told you, we sneaked in," aniya at nang mapalingon ako ay nagulat ako nang makitang si Josh na ang ka-partner ni Heart sa gitna at nag-uusap ang dalawa, nagtatawanan.

I caught Heart's eyes. She winked at me and pouted at Atlas.

"Way to go, bobo!" she hissed.

"'Wag ka maingay," Atlas sneered. "Mahuhuli kami!"

Natawa ako at unti-unting inilagay ni Atlas ang kamay ko sa kanyang balikat bago hulihin ang tingin ko. I felt how his warm hand fell on my waist and the other gripped my back, halos magdikit na ang katawan naming dalawa.

You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

"You're beautiful, Lia." His husky voice made me shiver. Nag-init ang pisngi ko at pinagmasdan siya.

"I-ikaw din," I muttered and smiled shyly. "Ang gwapo mo."

He chuckled, habang marahang gumagalaw kami sa samyo ng malambing na musika ay ramdam na ramdam ko ang kalabog ng puso ko sa sobrang saya.

Tila lumulutang ako habang nagsasayaw sa saliw ng Sad Song na tugtog. Bagay na bagay sa kanya dahil siya...iyong pangarap ko. Ang panaginip.

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

Napapatingin na sa amin ang mga juniors at ngumuso ako nang nanlaki ang mata ni Atlas at biglang tumungo. I was startled when his hand gripped my waist harder, nagtago siya sa leeg ko at.

"Atlas?"

"Makikita ako ng juniors, bibi. Tago mo ako!" he whispered and that made me laugh, halos mayakap ko na ang batok niya habang nakatago siya sa leeg ko at nagsasayaw pa rin kami nang marahan.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

"Paano ka magtatago kung ang laki mo?" I whispered. He stiffened. I giggled. "Gusto mo lang yata mangyakap?"

"Hindi, ah. Akala mo naman patay na patay ako sa 'yo?" masungit niyang sabi kaya mas kinagat ko ang labi para pigilan ang ngisi.

"Bakit...hindi ba?" I asked.

"Patay na patay nga," he sighed defeatedly and hugged me more. "Payakap lang sa bibi ko."

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

I let him hug me for a while, at nang maghiwalay ay muling nagtagpo ang mata naming dalawa. His eyes reflected mine, filled with longing, hope and adoration. A dream.

Namumungay pa ito nang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko at mahinang tumawa.

"Bakit?" I asked.

"I'm just making sure I'm touching a human," he said. My forehead creased.

"Huh? Bakit naman—"

"Nothing, I just thought I'm dancing with an angel." He smirked.

Inatake ng init ang pisngi ko at hinampas ang dibdib niya.

"A-ano ba!" I exclaimed but he immediately caught my hand and brought it to his lips.

"What?" tawa niya at muling pinirmi ang kamay ko sa balikat niya. "I'm telling the truth."

With you, I fall

It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall

With you, I'm a beautiful mess

It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge

"Picture!" Napalingon kami kay Heart at napatawa nang makitang hawak niya ang polaroid at mabilis kaming kinuhaan. "Bigay ko mamaya!" She winked and went back to dancing with Josh.

"May nakapasok na senior?" narinig kong bulungan sa may tabi ko. Ngumuso si Atlas at bumaling sa akin.

"Anyway, Lia, bago pa 'ko mapatalsik dito," he started and we stopped dancing in the middle of the crowd. He took something from his pocket ang my forehead creased when I saw him lifting a small box.

"Ano 'yan?" I asked.

"My birthday gift," he whispered and opened it, inihulog niya iyon sa ere at bumungad sa akin ang isang kwintas. It was gold, ang pendant ay maliit na bilog na kung tititigan mo ay nagmumukhang mundo.

"O-oh, is that..." Napakurap ako. He smirked. Umapuhap ang dibdib ko nang bahagya siyang tumungo at isinuot sa akin ang kwintas.

I could smell his natural scent and perfume, halos mapapikit ako sa samyo at init niya. My heart was pounding happily and I'd never felt this warm before.

I felt the cold necklace on my neck and lifted it to see?

"In Greek Myths, what did the titan Atlas do?" he asked. I licked my lips and answered.

"Carry the world?" I asked and he smiled shyly, nodding at me. Namumula na siya pero determinado ang mga mata.

"You wanna know why bakit mundo ang pendant niyan?" he asked. I shook my head.

"B-bakit?" I asked kahit may ideya na.

"I gave it to you to always remind you..." he said and slowly caressed my cheek, "na ikaw ang mundo ko."

I'd never this lost for words before. Mariing nakagat ko ang labi ko at naluluha na sa tuwang hindi maintindihan pero natatakot din dahil determinado ako sa desisyon ko noon para sa aming dalawa.

"Y-you're my world too, Atlas," I muttered, my voice was so small. "But you see, you know I'm afraid risking my heart like this."

I thought he'd be sad again but his expression was calm...peaceful, perhaps.

"I'll wait for you, Amalia," he told me, as if decided, and my mouth parted in shock.

"A-are you sure? B-bata pa tayo, baka makahanap ka pa—"

"I've never been this sure my whole life, Lia." He caressed my cheek.

I couldn't help but feel emotionally overwhelmed listening and seeing his understanding and genuine eyes.

"S-sorry, Atlas," I muttered sadly.

His forehead creased, bumaba ang daliri niya sa baba ko at marahang hinaplos ito bago ang gilid ng labi ko.

"Why are you sorry, baby?" he whispered sweetly.

"Because I'm weak and scared. I'm sorry because we can't be together now because I'm too fragile," I whispered painfully.

Mas namungay ang mata niya, halos mapapapikit ako nang tumama ang kanyang ilong sa ilong ko. My lips parted as I felt the loud booming inside my chest, my feelings twisted in knots I know I could never untangle when it comes to him.

"You're not weak, bibi." He smiled and my eyes landed on his lips and it was tempting me so much.

"I am, Atlas," I whispered and gulped. "I'm fragile."

"Hmm?" he hummed and moved his fingers to my lower lip, caressing it. Umawang ang labi ko at nakita kong sumulyap din siya sa labi ko at idinikit ang noo sa akin.

"Alright, you're fragile...but very brave, my love," he whispered and my eyes shut when I felt how his lips touched mine in an instant, giving me a light and dreamy kiss I was going to definitely cherish my whole life.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co