Brave Hearts (Published Under Wattpad x LIB)
Kabanata 16
Kabanata 16
I only wished for a simple and happy life. Ang hiling ko lang naman ay maging mapayapa, ang magising sa bawat umaga at maging masaya kasama ang aking nanay—pero bakit ganito naman?
I never wanted to question God and His plans for me but...there will always be a time when your faith will start shaking.
Bakit naman po ganito, Panginoon? Bakit ako nahihirapan nang ganito?
"G-gusto ko lang naman po ng k-kaibigan, gusto ko lang po maging masaya," I whispered while I was alone inside the chapel where I decided to hide and cry.
My knees were wobbling as I knelt, weakened while staring helplessly at the altar. When I couldn't help myself anymore, nahulog ako ng upo sa lapag.
"H-help me, God," I whispered painfully. "I-I feel so lost."
I touched my chest, willing it stay brave. Medyo bumibilis na rin ang paghinga ko para maghabol ng hininga. Sa takot na mahimatay ako ay ipinikit ko ang mata, nag-exercise breathing para kontrolin.
Thankfully, no one entered the chapel after I left Heart.
I believed them, sobrang nagpasalamat akong may mga totoo na akong kaibigan pero...bakit naman gano'n?
I liked her so much, she was like the sister I never had. She said she'll be my human shield...pero how could she be my shield when she was the one who hurt me instead?
Kahit kailan ba 'di niya ako tinurong na kaibigan?
I trusted her...and Atlas too. I did love him, kahit mahirap at 'di kaya ng puso ko, tumibok iyon para sa kanya.
He was the man I wished to be with until the end, maybe, just in my head, maybe just in the pages of my diary but reality slapped, turns it's farfetched dream.
He made me feel like I was something. But he made me realize I was nothing.
I felt so bad about myself for not having a better judgment. If only I was just contented being alone, sana ay 'di ako masasaktan ng ganito.
I rested my back on the wall, slowly hugging my knees as I stared at the replica of the Almighty on the altar.
"H-hindi ko alam kung anong plano mo," I whispered as if He could hear me from above. "I-I trust you but please...I'm so lost, give me the strength to be brave."
Nakalabas na ako ng CSU na madilim na. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagtago at nagmukmok. Paglabas ay kitang-kita ko ang papalabas na buwan na natatakpan ng ulap.
The weather was gloomy, madilim, maulap. Walang buhay kagaya ko.
"O-oh, Amalia? Bakit ngayon ka lang?" ani ng guard nang makita akong palabas sa exit.
I was shocked but I flashed a small smile at him. Mabuti na lang din at hindi na masyadong namamaga ang mata ko.
"U-uh, may inasikaso lang po," marahang sabi ko.
"Oh? Napagabi ka, ah? Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo," aniya at natahimik ako.
"S-sino po?" I asked.
"Uh, sina Heart?" aniya.
Kaibigan ko sila. Pero 'di naman nila ako tinuring na kaibigan.
"Gano'n po ba?" Matamlay akong ngumiti. "Magandang gabi po, uuna na ako."
"Sige, hija. Okay ka lang? Tamlay mo, ah?" aniya kaya mas nilakihan ko ang ngiti at tumawa pa.
"Ayos lang po ako,"
"Sige, samahan na kita magtawag ng tricycle at gabi na." He smiled kindly.
He was kind enough to come with me while I waited for the tricycle, at nang makasakay ay kumaway.
"Maraming salamat po."
"Walang anuman, hija!" Kumaway din siya at nang mawala siya sa paningin ko ay muli akong nanghina at tahimik na napatitig sa daan.
I could see the leaves dancings from the trees we passed. Ang malamig at sariwang simoy ng hangin ay tumama sa aking mukha at pumikit ako at dinama iyon.
I remembered how happy I was these past few months—but it faded away. Tila hangin na nadama lang pero ni minsa'y 'di nahawakan at naglahong parang bula.
I felt the tears on my cheek. Muntik na akong mapahikbi pero pinigilan ko ang sarili, ang mga alaalang masaya ay bumalik.
Yakap ko ang libro ko habang papatawid sana ng quadrangle para makapunta sa kabilang building at madala ang mga libro sa library nang biglang tumunog ang kampana at nag-Angelus.
Natigilan ako kagaya ng ibang estudyante.
I closed my eyes and muttered a prayer. Halos ilang sandali ang itinagal no'n at nang matapos ay umayos ako ng tayo.
"Thank you, Lord," I whispered.
I slowly opened my eyes, and it was as if the heavens opened their gates for me. I almost heard the angels singing when I saw who was standing in front of me, just inches away.
He was in a black shirt and jersey shorts, magulo ang buhok at seryosong nakapikit. His jaw moved a bit when his lips quivered.
His eyes slowly opened, his long eyelashes moving, and our eyes met.
My heart pounded, the side of his lips rose while looking at me, tila nagpipigil ng ngisi. I panicked, mabilis akong gumalaw pero sa taranta no'n ay nalaglag ang libro ko.
"Hala," I said quietly, my cheeks flushing, nahihiyang tumungo ako para damputin ang libro.
Kinuha ko ang isang libro pero nanigas nang kasabay ko'y inabot niya rin.
The electricity ran from his skin to mine.
We both stopped, nagkatinginan at nanghina ang tuhod ko nang masalubong ko ang mata niya kung hindi niya lang nasalo ang baywang ko bago pa ako mawalan ng balanse.
"Careful," his baritone and sweet voice echoed like a soft kiss in the wind. Tumuwid ang pagkakadukwang ko, hiyang-hiya.
"S-sorry," I muttered in a small voice, nag-iinit ang pisngi nang ngumiti siya. His face lit up brightly and he looked like a gift I was willing to take.
"No worries," he chuckled at sabay kaming tumayo, halos magkabungguan ng katawan at inilahad niya sa akin ang libro ko. "Whoa! Here."
"T-thank you." My voice sounded weird. He smiled. Nahulog ang buhok ko sa pisngi at nakita niya iyon.
His forehead creased. He lifted his hand and was about to do something when his friend from the varsity team tapped his back.
"Cap, tara!" Josh, ang miyembro ng team niya. "Oh, hi, Miss," ngisi nito sa akin.
"H-hi..." Napatikhim ako at niyakap ang libro ko.
Atlas was just staring at me, as if memorizing my face. But I know better. As if!
"Cap, tara na," tawag sa kanya ng kaibigan kaya napatalon ito at tumikhim bago umatras.
"Sige, Miss...bye, be careful next time, hmm?" He smiled and I nodded, hindi alam ang gagawin.
Gusto kong magpakain sa lupa sa pamumula ng pisngi ko sa harapan ng crush ko.
"Miss?" He even waited for my reaction, looking so amused.
"O-okay, s-salamat," I muttered shyly.
"Tara na, Cap!" Umakbay sa kanya ang kaibigan at umalis na sila sa harapan ko. Pinagmasdan ko silang lumalayo sa akin at napangiti ako habang pinagmamasdan ang likod ni Atlas nang bigla siyang lumingon.
My smile faded when our eyes met. Nanlaki rin ang mata niya nang makita akong nakatingin pero maya-maya'y umangat ang labi.
He winked at me and my eyes widened, suminghap at mabilis na tinakbo ang quadrangle, nag-iinit ang pisngi.
"Hija, dito ang sa inyo, 'di ba?" Nawala ang iniisip ko nang magsalita ang driver at nang paglingon ko ay nasa may bahay na kami.
"A-ah, opo." I smiled, mabilis na lumabas ng tricycle at nagbayad. "Salamat po."
"Magandang gabi, ingat!" saludo niya.
"Ingat din po," magalang kong sabi bago tumawid sa kalsada.
Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang ilaw sa bahay namin. Si nanay ay sapo ang noo at pabalik-balik na naglalakad.
My heart dropped. Bumalik ang hapdi sa puso ko habang nakasulyap sa kanya.
I stepped on some dry leaves and that made a sound. Natigilan si nanay at manlaki ang mata niya at tinakbo ako.
"A-Amalia!" she yelped at halos mabuwal ako nang takbuhin niya ako at niyakap.
"A-anak, b-bakit ngayon ka lang?" Her voice shook. "A-akala ko anong nangyari sa 'yo!"
Lumayo siya at nang hawakan niya ang balikat ko ay nakita kong may luha na sa mga mata niya.
"Amalia, sumagot ka! S-saan ka galing? N-nasaktan ka ba? Kanina pa kita hinahanap!" she exclaimed and I didn't know why she was so shaken.
Habang pinagmamasdan ang takot niyang mga mata'y mas nanghina ako.
"N-nay..." My voice broke.
"O-oh?" A tear fell on her worried eyes. "N-nag-aalala ako sa 'yo, Anak, anong..."
"A-are you a mistress?" I asked weakly and her eyes reddened more. Doon na siya napahagulgol at natigilan ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"L-Lia..." Her voice broke.
"Nay, a-are you?" I sobbed.
"H-hindi...hindi..." she whispered, at nakita kong hinawi niya ang luha nang lumayo siya sa akin. She looked around, pulled my wrist and closed the door.
Pagod lang akong nakatingin sa kanya at hilam ang mga mata sa luha ay umiling-iling siya sa akin.
"N-nag-uusap lang..." she cried harder and my heart broke while looking at her. "M-may kasalanan ako..."
"N-nay, bakit..." I whispered painfully. She shook her head.
"H-he's always going to m-meet me, Lia," aniya. "M-mali pero ginusto ko rin, m-may kasalanan pa rin ako k-kahit tinaboy ko na siya."
"K-kasal na siya, Nay!" I exclaimed and she cried more, halos mapaluhod na. "T-tatay iyon ni Atlas!"
"A-alam ko...mali ako, anak..." she cried.
"B-bakit, Nay?" I sobbed, tinakpan ko ang bibig ko at suminghap. "B-bakit mo ginawa 'yon?"
"W-we're only talking, w-wala naman na bukod doon...I'm just, m-mali pa rin ako, anak," she sobbed and my hands dropped when she knelt in front of me and hugged my waist.
"N-nay, anong ginagawa mo," I cried, tinatakpan ang bibig para pigilan ang pagkawala ng malalakas na hikbi.
"I'm sorry, anak..." She cried harder. "M-mali ang nanay, maling-mali ako. I'm sorry."
Mas nanghina ako nang makitang ang pinakamalakas na babae sa buhay ko ay hinang-hina ngayon at umiiyak.
She did something wrong and I will never tolerate it but still...she was my mother at mahal na mahal ko siya.
I found myself kneeling and hugging her back.
"N-nay," I uttered and we cried together on each other's shoulders.
Siguro sa sobrang pagod at panghihina ay doon na ako tuluyang naghabol ng hininga. Napansin ng nanay iyon at nag-panic siya.
"L-Lia?!" She shook me.
"I-I can't breathe..." I murmured. She ran towards the kitchen for water at mabilis kong inabot ang bag ko. Kahit nanghihina at nanginginig ay kinuha ang medicine kit para sa gamot.
Nanginginig pang inabot niya sa akin ang tubig at tumulong nang muntik ko nang mabitawan ang lagayan ko ng gamot.
"L-Lia..." Her voice shook, mabilis na inabot sa akin ang gamot. Nahihilo ako pero pinilit kong gamitin ang natitirang lakas para inumin iyon.
Nagpumilit si nanay na dalhin ako sa ospital pero umayos naman na ang pakiramdam ko kaya tumanggi. Humingi pa siya ng tawad para sa stress at sa nalaman ko pero hindi na ako umimik.
I closed my eyes. Marahang niyakap ko ang nanay, dinarama ang kanyang init at narinig ko ang hikbi niya at ang paulit-ulit na halik niya sa ulo ko.
"S-sorry, Lia...nagkamali ang nanay, nagkamali ako," she whispered painfully.
Nakatulog akong pagod at masama ang loob. Nagising na lamang ako nang maramdaman ang haplos sa buhok ko at ang tawag sa pangalan ko.
"Anak?" Nang imulat ko ang mata ay ang malambing at namamagang mata ni nanay ang nasalubong ko.
"Nay?" I croaked, mabilis na umupo at kinusot ang nananakit na mga mata.
"Mag-ayos ka, anak," aniya kaya napatingin ako sa orasan at nakitang alas kwatro pa lang ng madaling-araw.
"Po?" Kumunot ang noo ko at sinulyapan siya at nakita ko kung paano nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Aalis tayo." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig doon.
"Huh?" hindi makapaniwala kong sabi, mabilis na tumingin sa gilid ng kama at nakitang may mga maleta at bag doon. "S-saan? K-kina lola?"
"Hindi." She looked so sad and pained. Nakita kong bukas ang cabinet kung nasaan ang mga damit ko at wala akong nakitang natira doon.
"Huh?" Kumalabog ang puso ko. "S-saan tayo?"
"Hindi ko alam." Tears escaped her eyes. "M-magsisimula tayo ng bagong buhay, anak, tayong dalawa...malayo sa lugar na ito."
"P-paano ang pag-aaral ko?" I asked. She sighed heavily and took my hand.
"Ayaw kong pagkatuwaan ka sa eskwela, anak, dahil sa kasalanan ko. Hindi ka damay dito. Ayokong saktan ka. G-gagawin ko ang lahat para makatapos ka, anak. Pangako."
My lips quivered and my body shook as I cried, leaving the place I grew up with throughout my life but I know it was for the best–for the both of us.
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
MAHIRAP ang naging simula namin ng nanay nang mapadpad sa Maynila ng walang kahit ano kung hindi ang kaming dalawa.
Malungkot at nasasaktan akong lumayo sa lugar kung saan ako lumaki...sa Cagayan, sa Peñablanca—pero kailangan. Hindi lang para makaiwas sa issue pero para na rin sa kapakanan ko at si nanay na alam na may mali siyang nagawa.
Hindi namin kaagad sinabi sa lolo at lola ang paglayo namin ni nanay. The issue spread like wildfire, nagkasakit daw ang mommy nina Atlas dahil sa nangyari at napuno ako ng lungkot at guilt na dahil sa isang pagkakamali ay makakasira ng pamilya.
"Paano nagsimula, Nay?" I suddenly asked while we were eating. Inayos ko ang munggo na ulam namin at ang kanin sa maliit na lamesa na kasya lang para sa aming dalawa.
"Ang?" tanong niya at bumaling sa akin. Habang nakatitig kay nanay ay nakita ko ang pagbagsak ng katawan niya.
She looked years older now than she was no'ng nasa Cagayan pa kami. She looked stressed and tired.
"Ang sa inyo ni Sir Louis," I said, hindi na napigilan ang magtanong dahil sa tagal ko nang naiisip iyon.
She sighed. I saw how sadness filled her black eyes.
"Naalala mo, anak, noong kinwento ko sa 'yo ang first love ko?" she asked and I recalled it kaya tumango.
"Opo."
"He was who I was talking about. Louis Montezides is my first love," she confessed.
My eyes widened, tumitig ako sa kanya at bakas ang lungkot sa kanyang ngiti.
"It was him, we didn't fight for our love because I'm no one, Lia. Years later, noong nagtrabaho ako sa plantation nila ay muli ko siyang nakita. Noong una'y 'di ko alam na siya ang may-ari noon. H-he...didn't even tell me that he's married."
Napainom ako ng tubig. "We started talking, mga maliliit na bagay lang hanggang sa natuwa akong makipag-usap sa kanya. It was as if I was back to my in love stage, Lia." She wiped her tears. "Akala ko pwede na kami pero...kasal pala siya." She sighed. "Umiwas ako, ayaw kong makasira ng pamilya dahil may anak ako, ikaw...ayaw kong maging masama akong ihemplo sa 'yo, anak."
"T-then why...bakit kayo nag-uusap pa rin?" I asked, nangingilid na ang luha.
Halos isang taon na ang nakalipas mula noon pero malinaw pa rin sa akin ang lahat, malinaw pa rin sa akin paano nagulo ang payapa kong buhay. Kung paanong ang mga itinuring na kaibigan ay kinaibigan lang ako para maghiganti sa nagawang kamalian.
"Sabi niya gusto niya ng closure. Na pag-usapan ang nakaraan...bilang magkaibigan, at um-oo ako pero mali pa rin." She chuckled sadly, uminom ng tubig at hinawi ang luha. "K-kahit simpleng usap lang iyon, hindi iyon maganda lalo na't pamilyado na siya."
"You said...he's unhappy with his marriage?" I asked. "Bakit gano'n? A-ayaw ba niya sa pamilya niya?"
"He said he was forced to marry and have his heirs," aniya at nadurog akong lalo.
That's why there's this tension between him and Atlas.
Kahit may masamang nagawa si Atlas sa akin, kahit sinaktan niya ako ay hindi maiwasang mapunta ang puso ko at awa sa kanyang pamilya.
I suddenly remembered him and his brothers, sina Kuya Damon at Kuya Hunter. I knew how much they cherished their family, alam ko marahil pati ang kanilang tatay pero ganito ang nangyari.
Atlas had wronged me but my heart ached for him and his family.
"Alam kong hindi ako naging kabit pero may nagawa pa rin akong mali, ang nagawa kong pakikipag-ugnayan pa kay Louis ay hindi tama. Hindi ko matanggap na naging tanga na naman ako sa kanya, Amalia," she mumbled weakly. "Hindi ko matanggap na pinagbigyan ko ang sariling maging masaya sa simpleng usapan namin at dahil doo'y may nasaktan akong pamilya."
I finally got to understand everything.
"Kasi anak, Lia, kahit anong isipin ko, kahit anong paliwanag ko, somehow...parang naging kabit pa rin ako. We may not have done it physically, still, emotional cheating is the same," she said. "M-mahal ko pa rin si Louis pero mali ako, mali kami...maling-mali."
Hindi na ako nakaimik at nagbaba na lang ng tingin.
"P-pasensya na, anak, kung kailangan nating lumayo. Ayaw kong ma-stress ka sa eskwela at paniguradong mapag-uusapan iyon. Pasensya na kung hindi ka man lang nakapagpaalam sa mga kaibigan mo, kina Heart, Atlas..."
Hearing those names, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Nililigawan ka niya, 'di ba? I know Atlas is a good kid, anak and I have nothing against it."
"H-huwag na nating pag-usapan, Nay," tanggi ko. She stopped. Mukhang nabasa niya ang reaksyon ko kaya tumango.
"Mahal kita, Lia." She smiled. "P-pasensya na sa mga maling desisyon, anak. S-sana 'wag mong tularan. Nagkamali ako."
My eyes swelled, mabilis akong tumayo para yumakap kay nanay.
"Mahal din kita, Nay," bulong ko pabalik.
Naging mahirap sa amin ang panibagong buhay sa siyudad. Nagsimula kami sa wala at nahirapan si nanay na maghanap ng trabaho dahil bago pa lang.
Bilang isang janitress, naitaguyod ako ni nanay at mabuti na rin ay maganda ang grado ko noong high school kaya nakapasok ako sa scholarship program ng isang maliit na paaralan sa Maynila. I took BS Pharmacy at pagkatapos nito, magta-trabaho muna ako at mag-iipon para makapasok sa medicine school.
Naging mahirap lalo dahil kaming dalawa lang, mahal pa ang maintenance ko ng gamot. Kulang na kulang ang kinikita ni nanay sa pagja-janitress niya para sa aming dalawa na minsan ay hindi na kami kumakain ng tatlong beses sa isang araw.
Isang araw habang nasa laboratory ako para sa aking klase ay pinatawag ako ng office dahil may emergency call daw.
Nagmamadali akong tumakbo palabas ang classroom, suot pa ang lab gown at mask.
"A-ano pong mayro'n?" I asked worriedly sa registrar.
"Uh, Ms. Argueles?" I nodded at her. "May tawag po galing ospital."
Nanginginig pa ang kamay na kinuha ko ang telepono at narinig ang boses sa kabila.
"Hello, is this Ms. Argueles?" someone asked at kinakabahan man ay pinilit kong kumalma.
"Yes po? Sino po sila?"
"Oh, hello. This is Dr. Lance Cruz. I'm a cardiologist," sinabi niya pati na rin ang hospital kung sana siya nanggaling. "Kayo po kasi ang nasa in case of emergency person ni Ms. Olivia Argueles?"
Napaayos ako ng tayo. "P-po? Bakit?" Nanginig ang boses ko. "N-nasaan po ang nanay? Anong nangyari?!"
He sighed. "Nasa ospital si Ms. Olivia, inatake sa puso sa trabaho—"
"Po?!" Halos mapasigaw na ako at napapatingin na sa akin ang mga tao pero wala kong pakialam, nanginginig na ako sa kaba at takot.
"Stable po sa ngayon si Ms. Olivia," aniyang kalmado. "But...we would like to talk to you more, pwede ka po bang dumaan sa ospital?"
"S-sige po...pupunta ako," nanghihina kong sabi.
Habang nasa biyahe ay tahimik akong umiiyak, pinagtitinginan na ako ng mga tao at gusto ko kumalma at maging malakas ay naging mahirap ito para sa akin.
"Mabuti ay naisugod kaagad si Ms. Olivia rito sa ospital," aniya. "Ang sabi ay inatake raw habang naglilinis sila."
Nangilid ang luha ko, ang imahe ng nanay na nahihirapan ay 'di mawala sa isip.
"Is she good now, Doc?" tanong ko.
I saw the worry in his eyes. It wasn't a good thing. I've seen that look before but for me.
He shook his head.
"The truth is...nakausap ko ang pasyente at nasabi niya sa aking itinigil na niya ang maintenance ng gamot niya halos kalahating taon na." My world stopped spinning when I heard that.
Napapikit ako at doon na tuluyang bumuhos ang aking mga luha. "Hindi...b-bakit siya titigil?"
"Stopping the meds affected her health so much, and as I can see, she had a drastic loss of weight too, am I right?"
I nodded, couldn't stop my cries anymore. "W-what can I do, Doc? A-ayokong nasasaktan ang nanay..."
"For now, kailangan niya munang ma-confine at ma-obserbahan. I prescribed meds for her but because she stopped it for months na, hindi ko pa masasabi kung sa anong paraan o gaano katagal bago maging maayos ang kanyang lagay."
Pagkatapos ang pag-uusap namin ng doktor ay dumiretso ako sa public room kung nasaan ang nanay. Nang magsalubong ang mga mata namin ay mas napaiyak ako at tinakbo siya.
Kahit anong pigil ni nanay ay 'di niya ako napigilang magtrabaho kasabay ng aking pag-aaral. Lucky for me, I was a scholar, kada buwan ay may allowance kami na hindi naman kalakihan at pwede na kahit papaano para sa maintenance namin ni nanay.
I applied for a student assistant job and luckily, I was accepted kaya habang nag-aaral ay tumutulong ako sa pag-aayos sa library. Kapag nawawalan ng tao ay 'tsaka lang ako mag-aaral para sa mga subject ko. If it was my off day, nagwe-waitress naman ako sa isang fast food chain at nakakapagod man, alam kong kakayanin ko ang lahat para sa nanay ko.
There were times when I thought I couldn't do it, ni wala akong naging mga kaibigan sa kolehiyo dahil sa sitwasyon ko. Wala akong pahinga at halos walang tulog pero kinakaya ko.
I graduated with high honors in my pre-med course. Hindi man pinakamataas pero naging malaking oportunidad 'to para makapasok ako sa med school nang libre at may scholarship. Habang nag-aaral ay pharmacist ako ng isang pampublikong ospital.
There were times I was in the verge of breaking down and quitting, pero para sa nanay ko ay 'di ko ginagawa. Worth it din naman dahil naging maayos ang lagay niya—pero hindi naman pala pangmatagalan.
One night, while having my night class, the most devastating news came.
"Amalia, hija?" narinig kong sabi ni Aling Linda sa kabilang linya, kapitbahay namin at kaibigan ni Nanay.
"Po?"
"Lia..." Her voice broke and my heart pounded. "A-ang nanay mo inatake sa puso."
That's when my world came crashing down. Napaupo ako sa lapag, sinapo ang mukha at humagulgok.
That night, I lost the only person I had, the only person I loved and kept me strong. I lost everything and then...I was alone, with no one else but myself.
Nanay was dead on arrival in the hospital and when I got to her, I didn't even see her alive...
Ang tanging naiwan lang sa aking alaala bago siya mawala ang ang huling mensahe niya sa akin. Ang maiksing sulat na iniwan niya nang lutuan niya ako ng baon para sa umagang iyon.
Kumusta, 'nak? Kumain ka nang tama, mahal na mahal kita, Amalia. Salamat sa lahat, hayaan mo at babawi ang nanay kapag maayos na ako.
Be brave, my Amalia.
- Nanay
Isa iyon sa mga dagok sa aking buhay, mga bagay at pangyayaring akala ko'y 'di ko malalagpasan pero nagawa ko dahil sa tibay ng loob. Mga masakit na alaala but I believed it made me stronger.
While watching the crowd and the people inside with their togas in black and green colors, I couldn't help but smile.
"It was an honor standing here in front of all of you," I started my speech and smiled at the crowd, ang spotlight ay nakatutok sa akin. "I didn't expect it actually." Napalingon ako sa malaking screen na may picture ko habang naka-toga. "Nakakahiya tuloy, ang pangit ko sa naka-project. Pwede pong patanggal?" I chuckled.
It made them laugh, kinagat ko naman ang labi ko at tumikhim.
"First of all, I wanted to congratulate everyone for making it this far." I smiled. "Pre-med is hard but med school is the hardest. We barely sleep. The exams are nonstop, the practicals and work is just so tiring."
Nakita ko ang pagtango nila, natatawang um-agree sa 'kin.
"Dati lang, kahit sa hallway nag-aaral tayo, iiyak sa CR kapag bumagsak pero lalaban ulit," I continued. "You see, guys, life isn't that easy for me, for some of us. When I was young, naging mahirap sa akin ang lahat, no'ng lumipat kami rito sa Maynila ay walang-wala kami ni nanay. I got a scholarship and took pharmacy while my mother worked, and some of you might not be aware but I have a heart disease."
Some looked shocked at ang iilang alam naman dahil nakikita ako madalas sa clinic ay tumango.
"It's hard, I inherited it from my mother," I said. "Kaming dalawa lang ang magkasama, at noong nagkasakit siya dahil lumala ang sa puso, I worked hard para masustentuhan kaming dalawa. I worked as a waitress and a student assistant at the same time while studying. Noong nasa med school naman ako, I worked as a pharmacist while studying and we barely survived."
Nangilid ang luha ko habang naalala. "Sa kasagsagan ng second year sa med school, I received the most painful news. My mother died because of heart attack, dead on arrival."
Nahulog ang luha ko at nakita kong napapaiyak na ang iba kaya tumikhim ako at ngumiti.
"I-I didn't share this because I wanted to pity or to make you cry, I didn't share this to brag what I did—but to share my struggles to reach where I am now. I shared this to inspire, because honestly, after everything...I wanted so bad to give up. If you ask our professors, noong namatay ang nanay hindi ako pumasok ng dalawang linggo kasi ayaw ko na." Nagtanguan ang mga naging propesor ko kaya ngumiti ako.
"I-I was sad but they reached out at me, w-wala na akong pag-asa but they encouraged me tapos ayon, natanto kong hindi magiging masaya ang nanay na pinaghirapan akong pag-aralin at alagaan simula bata pa para lang sumuko ako." Hinawi ko ang luha. "I studied hard, I worked hard—not just for myself but for the people who made me who am I today, for the people who inspired me and helped me, sa mga taong tumulong sa aking tumayo noong nalugmok na ako."
I took a deep breath and continued, "I-I wanted to thank our professors. Doktora, Dok, maraming-marami salamat po sa pag-reach out sa akin. Sa mga taong umintindi, sa mga ka-blockmates, sa mga fellow graduates ko na hindi sumuko at nakarating dito, I salute you all. I salute us for having bravery, for not giving up after all the struggles. I also want to thank God for giving me the courage to fight even if I felt like giving up at times, and I wanted to thank my mother who's in heaven. Alam kong nasa langit ka na, Nay, nakangiting nakamasid lang sa akin." I smiled a bit. "This is all for you, all my achievements, dahil 'to sa pagmamahal ko sa 'yo."
Tears are falling on my cheeks. I watched the crowd again. "I know this isn't the end of our fight bagkus ito'y simula lamang. It'll be tough, but if we won't give up, pray and fight again, we'll succeed. Madadapa man ay babangon, iiyak man pero ngingiti at muling lalaban. Fight for your dreams. Education is the one of the important things we should cherish and I'm really really proud of all of us for making it this far. Laban lang tayo at 'wag susuko sa kahit anong pagsubok na ibato sa atin. Sabi nga nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulaklak. Isama mo na ang paso para may impact."
That made them laugh, pumalakpak sila kaya ngumisi ako.
"Congratulations again my fellow graduates! Cheers to us, soon-to-be-doctors!" I cheered to end it and they all stood to clap for me.
"Thank you so much for the amazing and inspiring speech, Ms. Argueles! Our soon to be doctor, I mean, I stand corrected," tawa nang master of ceremony at napangiti ako.
From the crowd, sa gitnang malayo, a familiar built stopped me. Medyo madilim pero nakita kong may nakatayo sa likod ng mga tao, nakamasid at pumapalakpak. He was tall, naka-puting dress shirt. Kumunot ang noo ko at nanliit ang mata para makita ang mukha pero ang ilaw ay nakatutok sa akin kaya tila anino ang mga tao sa banda niya.
"You may come stand in the middle to get your medals, Ms. Argueles."
Nawala ang atensyon ko nang may naglahad sa akin ng kamay para ihatid ako sa gitna.
"Congratulations, hija!" the head of the university congratulated me as I shook their hands, napapangiti ako habang isinusuot sa akin ang medals at napasulyap sa gitna pero wala na ang taong nakita ko.
"Once again, let's give a round of applause to our med school batch's Summa cum laude, Ms. Amalia Lorraine Argueles!"
Sabay-sabay kong nakita ang muli nilang pagtayo at pagpalakpak at tumalon ang puso ko sa sobrang saya na nadama.
Slowly, I touched my chest. Ang mga medal ay naroon kaya inilubog ko ang kamay doon para madama ang pagkalabog ng puso sa saya at kapayapaan.
I closed my eyes and smiled.
Thank you, God.
I might be fragile but I was grateful after everything. What a brave heart you have, Amalia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co