Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 18
Kabanata 18
TOTOO nga talaga and tarot card dati ni Heart...gwapo sana kaso palpak.
We all panicked. Nakita ko ang pagsapo niya ng kanyang ilong at nahulog ang chart na hawak niya sa lapag.
"Doc!" they exclaimed. Napatakip na lang ako sa bibig ko.
Lumuhod na ang ibang nurse para tumulong, at ang ibang nasa room ay napalabas din dahil sa biglaang sigawan.
"Doc! Ayos ka lang—"
"Y-yeah, guni-guni n'yo lang 'yon!" his panicking voice said.
Gusto ko siyang silipin pero natulos ang mga paa ko habang nagmamasid. Sapo niya ang bandang ilong at noo at umiiling-iling sa mga nurses na tutulong sa kanya sa pagtayo.
"Doc—"
"I'm okay, I'm okay...imagination n'yo lang 'yon..." his calm voice insisted. Hinawakan ng mga nurse ang braso niya patayo.
"Hijo, are you okay?" Dr. Sean asked worriedly.
"I-I'm fine...thank you," he muttered and the nurses let him go. Marahang humarap siya sa amin, sapo pa rin ang ilong.
He walked a bit closer pero biglang nawalan ng balanse na parang nahilo at napaabante kaya napasinghap ako. He almost fell but I caught him in shock. Nahawakan ko ang kanyang likod at napasubsob siya sa balikat ko.
"Oh my God!" I gasped in shock.
"Doc!"
Nalanghap ko ang kanyang pabango nang mapasubsob siya sa akin. Para alalayan ay inabot ko ang braso niya at nanlalaki ang mata. I could feel the electricity running strumming through my veins from him. My gut twisting in surprise.
"Louis, hijo...are you fine?"
Biglang napalayo sa akin si Atlas.
"Y-yeah," he muttered and glanced at me, his eyes still so wide. I noticed his red nose and forehead, mapupungay ang mata pero namumula ang mukha.
"O-okay ka lang?" I couldn't help but ask.
"H-hindi, e..." Umangat ang kamay ko sa gulat nang muling bumagsak ang kanyang mukha sa balikat ko. "P-parang medyo nahihilo pa ako..."
"You should rest first, hijo! Clinic!" ani Dr. Sean at hindi ko alam ang gagawin.
Nanigas lang ako sa gitna habang ang mukha ni Atlas ay nasa may aking leeg. I could feel his breath touching my ear, at dahil matangkad siya at malaki ay nagmistula akong maliit na pixie habang nandito siya.
Hindi na ako nakagalaw nang ang mga lalaking nurse ay kinuha sa akin si Atlas. He looked hesitant at first, nagsalubong pa ang mata namin kaya tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Clinic," ani Dr. Sean kaya nagtungo kami sa clinic nila for employees.
Sa ibaba lang iyon. Ayaw ko man ay nakakahiya kaya sumama na lang ako sa kanila. Dr. Sean was there, at naglalakad si Atlas habang hawak ang ilong at may katabing isang babaeng nurse at isang lalaki rin.
"Pasensya na, Ms. Argueles," ani Dr. Sean kaya bumaling ako sa kanya.
"Po? Ayos lang."
"Masyadong focused lang yata sa binabasa kaya nakaligtaan ang pintuan," aniyang natatawa at naiiling. "Maayos at attentive naman ang batang 'yan, ewan ko at bakit bangag ngayon."
I just chuckled and nodded. "Ayos lang po, baka pagod lang."
"Probably." He nodded.
I was chewing my lip while walking with them to the clinic. Umayaw si Atlas na pupunta pero pinagalitan ni Dr. Sean kaya hindi na nakipagtalo.
I caught him staring at me kaya nagbaba ako ng tingin at tumitig na lang sa paa ko.
Well...this was awkward.
I didn't know he was working here. Nasabi niya noong gusto niyang medicine related ang kurso pero 'di ko akalaing itutuloy niya—and now, he was a licensed physician.
It had been what? I didn't know...it had been years since I last saw him.
Buong kolehiyo at med school? Ang tagal no'n.
Ni hindi ako nag-attempt na i-search siya sa social media noong nagka-telepono ako. I haven't returned to Cagayan for years now kaya wala akong naging balita.
I was busy with my studies and work, sa pag-aalaga sa nanay na hindi ko na masyadong naasikaso ang gusto ko. I never even thought of reconciling with my past until now...
I promised to never hurt myself again, to love myself now so I could have a long life ahead of me.
Like what my Nanay wants.
While staring at his back, I couldn't help but think of the past.
First and young love...first kiss, secrets and wishes. My young heart craved for him dearly but I wasn't going to do it again. Never again.
Pumasok kami sa clinic at kaagad na napatayo ang nurse doon nang makitang may papasok.
"Oh, Dr. Sean!" The lady smiled then, glanced at him. "Oh, nangyari sa 'yo, Atlas?"
My forehead creased when the beautiful lady walked towards him and touched his cheek. Napaatras si Atlas doon bahagya.
"I'm fine, Lyka," he said.
"Oh, no...namumula nga ang mukha mo!" she fussed sweetly.
"I'm alright, Lyka." Tipid na ngumiti si Atlas, nang mapasulyap siya sa akin ay kinagat ko lang ang labi at bumaling sa paligid ng clinic.
I was so tempted to touch my throbbing chest but I decided not to.
"What happened, Doc?" ani ng babae sabay baling kay Dr. Sean.
"Naumpog ang mukha sa salamin, lutang yata," tawa niya. Sumulyap ako pabalik.
Everyone laughed. Atlas just pouted. Ako lang yata ang hindi natawa dahil sa masyado akong naka-focus sa kanya.
He looked mature. Kung sa itsura wala namang masyadong nagbago but I noticed how he became a lot taller now. He's in 5'9 before and now? I think he's six foot and up.
His shoulders are broad. His features sharpened even more too. Mas nadepina ang panga niya, he had this strict aura around him but not really...
I didn't know but maybe, this was the look when you mixed the old and new Atlas?
"Maupo ka nga muna," malambing na sabi no'ng nurse.
Atlas glanced again at me kaya iniba ko ang tingin ng pasimple, takot na makita niya ang emosyon sa mga mata ko.
The nurse sat on the bed beside him. Ang nurses na kasama namin ay nag-uusap-usap. Si Dr. Sean ay bumaling sa akin.
"Upo ka muna, hija." He offered the sofa.
"Salamat po." I smiled and followed.
I noticed Atlas following my every move...or not? I didn't know, I could just feel the stares through my peripheral vision.
"Hoy, Atlas, sabi ko, masakit pa ba?" I heard the nurse ask.
"Huh?" Sumulyap akong kaunti sa kanila at nakita ko ang pagbaling niya sa dalaga.
While looking at them, I couldn't help but notice that they looked good together.
Baka girlfriend niya?
"Sabi ko, ayos ka lang?" the nurse repeated.
"Yes, uh, hindi ko lang napansin ang pintuan kaya tumama," paliwanag niya.
"Ikaw kasi...bakit bangag ka ngayon? You're always composed, ah? Nangyari?" The lady laughed. Natawa rin si Atlas pero awkward 'yon. I saw the way his head tilted kaya bumaling ako sa palad ko.
"Hmm, dumating kasi 'yong nagpapayanig ng mundo ko," I heard him say.
"Oh? Ano 'yan?" tawa ni Dr. Sean. "May girlfriend ka na—"
Lahat kami ay napunta ang atensyon sa pintuan nang biglang sumabog iyon sa biglaang pagpasok ng kung sino.
"What happened?! Nasaan na si boplaks?!" the woman wearing white and blue scrubs who just entered exaggeratedly exclaimed.
I froze on the spot when I saw her face.
"Oh, Heart!" Dr. Sean laughed. "Na-bangag itong pinsan mo!"
"Tss, nangyari sa 'yo?" she hissed, namaywang pa, marahil ay 'di ako nakikita pa.
I glanced at Atlas whose eyes were wide. Gumalaw bigla ang kilay ni Atlas at kumunot ang noo ni Heart.
"Huh? Anong sinasabi mo r'yan—" Her voice faded when her eyes caught mine. Nagkatitigan kaming dalawa at napalunok pa siya.
"Nagulat kami, Heart, lumagapak si Doc," tawa no'ng isang lalaking nurse na lumapit sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin si Heart at bumaling sa lalaki.
"Huh? Sino ka?" she asked him.
"Huh?" Kumunot ang noo ng lalaki. "Bakit, Heart—"
"Sino ako?" Heart looked around, slowly hugging herself. "Nasaan ako?"
"Huh?" the nurse asked.
"Wrong room...wrong room!" Heart raised her hand, iwinasiwas niya iyon sa ere, paunti-unting umatras at lahat kami ay nagulat nang bigla siyang tumakbo palabas.
When she vanished, the people around me laughed, napakurap-kurap naman ako, nawe-weird-uhan.
"She just came back from her break, right?" Dr. Sean laughed.
"Well, yeah," ani no'ng nurse.
Atlas groaned and face-palmed. Mas umugong ang tawanan.
"Magpinsan nga yata kayo, hijo." Dr. Sean commented. Atlas looked so embarrassed. Sumulyap siya sa pwesto ko at napailing.
"Pagpasensyahan n'yo na, nalipasan na naman yata ng gutom," agap niya.
Napalabi ako at bumaling sa pintuan kung nasaan siya lumabas.
She was here, too? What a coincidence.
"That was one of our nurses, si Pusong makulit," Dr. Sean called my attention. "Si Heart. Medyo may pagka-kalog, pinsan ni Dr. Louis." He pointed at Atlas na nang lingunin ko ay walang-hiyang tumitig lang sa akin.
Tumikhim ako at umiwas. "Gano'n po ba," ngiti ko sa doktor na natawa at napailing.
"You two will be close, for sure. Friendly iyan si Heart," aniya at tinapik ang balikat ko bago nagtungo kay Atlas.
Friendly, huh...sa sobrang friendly ba ay kinaibigan ako noon para lang makapaghiganti?
I could feel the pain throbbing in my chest. I shrugged it off.
Now that I found out they were here too, aalis ba ako?
Thinking of leaving was tempting. Naisip ko ang ibang offers sa akin na pwede kong makuha pero naisip ko rin ang mga benepisyo ng ospital na ito kapag dito ako.
The free unit was a big help to me and I wouldn't waste this opportunity because of what happened in the past, ayaw ko na ng gano'n. I had dreams and if reaching that dream would mean meeting them again then I'd accept it.
If I had to close that chapter of my life then I will, if they talked to me about what happened in the past, then I'll listen kahit na masakit.
It would be painful but I had to accept it so I could move on. Walang mapapala kung maiiwan ako sa nakaraan at makukulong lang.
It was traumatizing. Naalala kong wala na akong pinagkatiwalaang maging malapit na kaibigan sa takot na mangyari ulit ang sa dati. I had friends in my workplace and school pero hindi ganoong kalapit. I'd never disclosed my feelings to someone else, mas nakuntento na lang na mag-isa.
In that way, alam kong 'di ako masasaktan. In that way, my heart would be saved from heartache and disappointments.
I just...didn't want to trust because, in the end, they would only break me.
"Oh, I'm late!" ani si Dr. Sean at bumaling sa orasan. "I have a meeting to attend!"
"Meeting?" the lady nurse stopped and glanced at her watch. "Oh my God, tara na, Doc!" she exclaimed but then stopped. "Pero si Atlas..."
"I'm okay, Lyka," Atlas assured her. "I'm fine, pumunta na kayo sa meeting."
The woman hesitated. "But you're injured..."
"Oh, don't worry about them, Lyka," ani Dr. Sean at ngumiti nang magtagpo ang mata namin. "Come on here, Ms. Argueles, let me introduce you."
My heart dropped. I almost chickened out but I'm a professional so I stood with my back straight. Naglakad ako palapit at sinundan nila akong lahat ng tingin.
"Here is our newest intern." Dr. Sean smiled. "Amalia Lorraine Argueles."
"Hello, you can just call me Lia," I introduced with a smile.
"This is Nurse Lyka," ani Dr. Sean na inilahad ang sopistikadang babae. "She's the one managing this infirmary. Lyka, here's Lia, our new intern."
"Nice meeting you, Ma'am." I offered my hand.
Her lips pursed then accepted my hand. "Nice meeting you too, Ms. Argueles." She flashed a small smile.
"She's a Summa cum laude, you see," pagyayabang pa ni Dr. Sean.
I heard the two other nurses clap. Nag-init naman ang pisngi ko at mahinang natawa.
"Wow, Doktora! Sabi na, e! Aura pa lang halata ng pang-professional! Ang galing!" the male nurse cheered kaya bumaling ako sa kanya.
"Thank you, Sir Jonathan." I smiled softly his eyes widened, bigla siyang namula roon at siniko ang katabing nurse.
"Ay, hala! Jonathan na lang, doktora!" he exclaimed, blushing. "'Tsaka ano...naalala mo ang pangalan ko! Wow!"
Nagkatawanan kami at nagkabiruan nang may marahas na tumikhim kaya natigilan kami.
"Excuse, hello, baka naman...may tao rito!" Itinaas ni Atlas ang kamay at ngumuso.
"Oh, I almost forgot!" Dr. Sean laughed. "Come here, Ms. Amalia."
I puffed out a breath and followed Dr. Sean as he walked towards Atlas sitting on the bed. The bed looked too small for him, sa tangkad ba naman niya.
Our eyes met. I was honestly bothered by the loud thumping of my heart but I remained professional as I looked at his eyes with nothing but coldness.
"Louis, hijo, this is Lia. Lia, this is Dr. Atlas Louis Montezides, one of our resident doctors. He topped the boards too, second place," he said.
I was surprised. Atlas' eyes brightened when he caught my reaction. He smiled with amusement and offered his hand.
"Nice meeting you, Dra. Lia," he murmured and my hand even trembled a bit, but I cleared my throat before flashing a small smile.
"Nice meeting you too, Dr. Montezides," I said professionally and I felt a weird feeling inside me when our palms touched.
His rough yet warm one touched mine and he shook it firmly while staring at my eyes.
"Dra. Amalia here is a Summa cum laude, Louis." Dr. Sean laughed. "You two would make a good team."
"Yeah, we'll be a good team," Atlas said, staring into my eyes intently.
I couldn't take that stare so I tried withdrawing my hand but his grip was too firm, not letting me go.
Nanatili pa rin siyang nakatitig kaya labag man sa loob, hindi rin ako umiwas.
Akala niya siguro'y iiwas na ako dahil hindi siya kayang tingnan? Huh! Tignan natin!
"Bagay kami, Doc, ano?" ani Atlas na lumingon kay Dr. Sean at ngumisi.
"Huh?" Dr. Sean asked but Atlas only grinned.
"I mean...as a team?" His mouth twitched. He glanced at me again.
"Oh." Dr. Sean laughed. "Of course, bagay na bagay!"
My lips pursed with the intensity of his stare.
"Excuse, Doc, but my hand..." I retorted glanced at my hand na hindi niya pinapakawalan.
"Oh." He didn't even look shocked. "Sorry, Doktora. It's nice meeting you, anyway," he said and my breath almost hitched when he lowered his face and kissed the back of my palm, still staring at my eyes.
I gulped, pasimpleng hinila ang kamay ko nang pakawalan niya at pekeng ngumiti.
"I can see the potential, huh!" halakhak ni Dr. Sean. "Anyway, Lia, hija. I have a meeting to attend with Nurse Lyka. For now, is it okay if you take care of Dr. Louis first? Para makapag-usap na rin kayo, he'll be your guide anyway."
My eyes widened, napabaling ako sa kanya.
"Yes, he's the resident doctor I was talking about. I'm sure you two would be close, I'm positive." He smiled and nodded. "Nurse Lyka, let's go. Guys, come on."
I saw the look on the nurse's face. "Doc, walang kasama si Atlas—"
"He can do it, he's a doctor anyway. Nand'yan na rin naman si Dra. Lia." Dr. Sean even smiled at me. "Kaya naman 'di ba, Doktora?"
"S-sure po," I muttered and cleared my throat. "We'll be fine."
The nurse's face crumpled a bit pero napailing na lang at nagsalita. "Atlas, are you sure—"
"I'm more than fine, Lyka. Thank you," Atlas told her formally kaya wala nang nagawa ang nurse at sumunod na.
Nang kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng clinic ay nagkatinginan kami. Malalim ang tingin niya kaya tumikhim ako at binasa ang labi ko, pasimpleng ibinaba ang gamit sa may gilid ng kama at lumapit.
"How are you feeling, Doc?" I asked professionally. He licked his lower lip, brushing his hair with his fingers.
"Not fine," he said.
"Pero sabi mo, ayos ka lang?" I asked at napailing siya kaagad.
"Hindi na pala," aniya kaya kumunot lang ang noo ko pero lumapit.
"Can I sit?" I motioned to the bed. He immediately nodded, tinatapik ang ang tabi niya.
"S-sure, why not?"
Awkwardly, I sat beside him. Dahil nakataas ang isang paa niya at nakatiklop sa kama ay bahagya siyang nakaharap sa akin habang nakatagilid sa kanya.
He was still wearing his coat, at hindi man masyadong namumula na ang mukha ay halata pa rin ang sa ilong at noo niya. He caught me looking at him when he removed his coat. Lumitaw sa paningin ko ang kulay baby blue dress shirt niya. Nakita kong kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa suot, even his muscles looked so good I think I was drooling.
He was so hot...
Nabasa ko ang labi.
What? What did you say, Amalia?
Tumikhim ako, mabilis na bumaling sa compress at mula sa peripheral ay nakita ko ang pagtupi niya ng sleeves hanggang siko ng damit. The black watch hugged his wrist and his veins were protruding at the back of his palm.
Iniwas ko ang tingin at bumaling sa kanyang mukha at muli kaming nagkatinginang dalawa. His stare was so intense kaya nagsalita ako.
"Saan ang masakit, Doc?" I asked.
"Dito." He pointed at his chest.
I stilled. Kumurap naman siya roon.
"I mean, dito, oh," he corrected himself and pointed at his nose. Bumuntonghininga ako, inilapit ang compress sa may ilong niya para mawala ang pamumula.
He remained staring at me, tahimik lang, halos marinig na namin ang tunog ng orasan.
"How...are you? Are you okay?" he suddenly asked kaya mula sa ilong niya ay bumaling ako sa kanyang mata at sinalubong iyon.
"I'm fine, Doc," prente kong sabi. "Bakit naman hindi ako magiging okay?" I smiled.
His Adam's apple bobbed as he swallowed painfully.
"D-dito, oh." He touched my wrist, slowly taking the compress towards his forehead. "Masakit..."
I nodded, stared at his forehead and my brows furrowed, inangat ko ang kamay ko para hawakan ang noo niya. Napadaing siya.
"Ow..." He frowned. Nahawakan ko ang umbok doon kaya napaayos ako ng upo, ibinaba ang compress at inabot ang kanyang panga.
"May bukol ka?" I asked urgently and touched his forehead again.
"I-I think so—ow!"
"Ayan," I said softly, naiiling na muling kinuha ang compress, tinitigan ang noo niya. "Para ka na tuloy may sungay sa gitna ng noo."
Unicorn?
His eyes widened, bigla niyang hinawakan ang noo at napasinghap.
"W-weh? Pangit na ba?" he blurted horribly.
"Huh?"
"'Di...'di na ako gwapo?" he asked and my lips pursed. Kinuha ko ang kanyang kamay sa noo niya at pinalitan ng compress.
"Ayan pa talaga iisipin mo pagkatapos mo maumpog?" I scoffed. Mas humaba ang nguso pero hinanap ang tingin ko.
"U-uh, Lia?" he muttered kaya sumulyap ako sa kanya.
"Hmm?"
"Uh, ano...imagination mo lang 'yong nautog ako," he said.
I didn't know why but that made me chuckle.
He looked so stunned, but then amusement played in his eyes that a few moments later, I realized I was doing kaya tumikhim ako at umiwas.
"I-imagination mo lang din na tumawa ako," I said coldly.
Nagpigil siya ng ngiti, kumunot naman ang noo ko at hinawakan ang kanyang panga, muling idinikit ang compress sa kanyang noo ng maayos.
"Okay," he said. "Secret lang natin?"
Secrets...may bumalik na ala-ala sa utak ko kaya napatikhim ako at napailing.
"No secrets, Dr. Montezides." I smiled timidly. "Let's just forget about it."
I saw how hurt painted his eyes but maybe I was imagining.
There's no way he was hurt.
Walang imikan ang pagitan namin sa ilang sandali. I continued looking at the compress while his eyes are one me. Ni walang isang nagsalita, tahimik lang na dinadama ang presensya ng isa't isa.
I could feel the rebellious thumping of my chest, at dahil sobrang lapit naming dalawa ay amoy na amoy ko ang pabango niya. He still smelled the same, maybe he still used the same perfume.
Ang pakiramdam ngayong ganito kaming kalapit ay sobrang pamilyar, na parang bumabalik ang batang ako...na parang bumabalik ang pakiramdam ng bata kong puso.
This was so wrong.
I saw him staring at my neck. Natigilan ako nang may maalala kaya umayos ako ng upo. I was about to say something when he spoke.
"Congrats," aniya. "I'm proud of you."
Oh, are you?
"Thanks," tipid kong sabi.
"Lia, I—"
"I think you should rest first, Doc," putol ko sa sinasabi niya at nakita kong may kung anong emosyon sa kanyang mata bago marahang tumango.
"I guess so," he muttered weakly.
Mabilis akong tumayo. Nakita kong nagulat siya doon at pinagmasdan ako. "Are you leaving?" he asked, panicking.
"No, Doc." I shook my head. "Can I ask where the restroom is?"
He nodded, gulping. "Left side," turo niya kaya tumango ako at mabilis na tumalikod para iwan siya.
I walked towards the bathroom gracefully but the moment I closed the door, I immediately touched my chest. I felt the loud thumping inside. Napapikit ako at humugot ng hininga.
"Calm down, Lia...calm down," I whispered on repeat while calming myself. "It's okay."
I touched my necklace and sighed, totally regretting wearing this. Mabilis kong kinalas iyon at itinago sa palad.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa banyo para ayusin ang sarili, basta ay lumabas na lang ako at pagbalik ko sa may kama ay nakahiga na doon si Atlas at nakapikit.
His features were softer now that he was sleeping, medyo kunot pa ang noo at nakahalukipkip, at nakasandal ang ulo sa may pader.
I walked towards him. Inabot ko ang noo niya. It still looked so swollen. Malakas talaga ang impact kasi lakas ng lagabog kanina, eh.
May bukol talaga, akala ko nga'y magigising pero hindi kaya hinayaan ko na.
Mukhang pagod.
I sighed, gusto kong ipagsawa ang tingin sa kanyang mukha pero natatakot ako para sa sarili at sa pwedeng maramdaman kaya umiwas ako at sinara ang kurtina sa tapat namin para 'di makita ng papasok.
I took a small plastic chair to rest beside his bed. Naupo ako at ipinatong ang braso sa kama at tahimik na ipinikit ang mata para sana mag-relax lang pero hinatak ng antok.
I didn't know how long I slept, nagising lang ako dahil sa kaluskos. I felt a slow touch on my hair, tila sinusuklay iyon.
Akala ko noong una ay panaginip lang, pero nang may maramdamang tumamang malambot sa may sentido ay alam kong hindi na 'yon.
"I miss you, bibi..." I heard a faint, husky voice mutter.
I felt another soft thing touching my cheek and the moment I opened my eyes, I saw his face inches away from mine, matulis pa ang kanyang nguso.
Unti-unting nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi, nag-iingay na ang dibdib.
"H-how...d-did you just—"
"Huh?" Namula siya. "H-hindi kita hinalikan!" he exclaimed back, napapabalikwas ng upo.
"Y-you pervert!" I hissed.
"N-no!" He shook his head. "M-may dumi lang kasi sa pisngi mo tapos—"
"Ano, b-bakit labi 'yong naramdaman ko?!" I hissed.
"M-may dumi kasi—"
"A-ano, didilaan mo? M-manyak!" I snapped. He opened his mouth to explain but I was too shocked, dinakma ko ang buong mukha niya ng palad ko at tinulak.
Huli na nang matanto ko ang lahat. Napasinghap siya, napaatras sa kama at napatakip ako ng bibig sa gulat sa nagawa nang marinig ang lagapak niya nang tumambling siya sa lapag.
"Ay, shet na malagket! Bobo spotted!" With my wide eyes, I glanced at the curtain at nagitla nang makita ang mukha ni Heart na nakasilip sa kurtina, nanlalaki din ang mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co