Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 19

heartlessnostalgia

Kabanata 19

HINDI ko na alam ang gagawin ko. Should I go and help Atlas o matutulala lang kay Heart?

Sa huli, mas nangibabaw sa akin ang daing ni Atlas sa lapag. I immediately stood, nagmamadaling tumungo sa kanya at naabutang nakaupo siya at hawak ang kanyang balakang.

"A-are you...I'm sorry!" I exclaimed, lumuhod para daluhan siya.

I touched his elbows at natulala siya sa akin bago napatikhim.

"M-masakit? I'm sorry," I apologized.

"A-aray," he groaned. I bit my lip.

Nang humawak ako sa balakang niya ay napatalon siya. Nakita ko kung paanong kumalat ang pula sa kanyang mukha roon.

"D-doc?"

He blinked and suddenly frowned again.

"P-parang nanghihina ako, Lia..." He puffed out a breath, at nang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko ay suminghap ako.

Napalingon ako sa may likod at naabutan si Heart na nakanganga sa aming dalawa. Awkward man ay tumikhim ako at kinuha ang atensyon niya.

"P-pwede patulong?" I asked and her eyes widened, napahawak siya sa dibdib at napatalon.

"A-ako?" she asked, stunned. I nodded. "S-sure! Sure, why not!"

Hindi ko alam kung bakit siya masaya kahit tumambling ang pinsan sa ginawa ko.

She helped me pull Atlas up. Hindi naman nagpabigat ang huli at tumayo rin pero mukhang nanghihina talaga at kahit nakatayo na kami ay nakasubsob pa rin sa balikat ko.

"Here, sit down," I instructed and he did. Si Heart ay nakatayo sa gilid pagkatapos tumulong pero nakatutula lang, sulyap nang sulyap sa akin at nangingiti.

"Sandali," I said, akmang lalayo pero sa gulat ko ay marahang humawak sa siko ko ang huli at muli akong ibinalik sa pwesto.

"M-medyo ano...nahihilo ako," he whispered and rested his face further on my shoulder.

"Kukuha sana akong tubig para inumin mo—"

"I volunteer!" Heart suddenly cheered and grinned, raising her hand. "Ako na kukuha!"

I hesitated for a while but slowly nodded. "Alright, maraming Salamat."

She grinned and nodded, sa sobrang saya niya habang papaalis ay medyo napapasayaw pa siya. Napalabi ako at sumulyap kay Atlas na nasa balikat ko pa.

I lifted my hand, nagdadalawang-isip pa no'ng una but later on, I found my hand slowly stroking his hair. Lumalim ang kanyang paghinga.

"M-masakit pa?" I asked worriedly. "S-sorry...medyo nagulat lang ako."

"I-I'm sorry too," he whispered back. "'Di ko naman alam na mahuhuli mo ako."

My forehead creased, ngumuso at lumayo sa kanya. He groaned but I was too fast at ang isang daliri ko ay ipinantulak ko sa kanyang noo paalis.

"What do you mean by that? Kapag 'di ko nakita, 'di ka magso-sorry?" I scoffed.

"Huh? Ow!" ngumiwi siya at nanlaki ang mata ko nang matantong ang napindot ng daliri ko ay ang bukol niya kaya dali-dali ko iyong tinanggal.

"Sorry!" I exclaimed again, ibinaba ang kamay. "Ikaw kasi..."

Ngumuso siya, namumungay pa ang mata nang magkatinginan kami.

"Ay, luh, ang pangit mo na, bobo. Ano ka unicorn?" Natigil kaming dalawa nang biglang dumating si Heart na may dalang bottle ng mineral water. Nanlaki ang mata ko nang idiniin niya ang malamig na bote sa noo ni Atlas.

"Aray!" he groaned, glaring at the laughing cousin, and took the water from her.

Atlas opened the bottle to drink. Nakatingin pa siya sa akin nang gawin iyon kaya bumaling ako kay Heart.

I caught her eye and she immediately stood straight, smiling cutely.

"H-hi, Lia," she said, biting her lip.

Hindi ko alam kaagad ang sasabihin, medyo natulala pa. I missed her, I admit. Siya ang kasa-kasama ko noon pero nang bumalik sa alaala ang nangyari bago akong umalis sa Cagayan ay kaagad itong naglaho.

"Hello," I said formally and glanced at my hands instead.

"Lia—"

"Oh, there you are!" Sabay-sabay kaming napalingon at nakita si Dr. Sean na dumating kasama si Nurse Lyka, mukhang katatapos lang ng meeting.

Mabilis akong tumayo sa gilid ng kama. I caught the smile from the old doctor and the frown on the woman's face.

That frown looked so familiar, alam kong may ayaw siyang nakikita kaya ganyan.

"How are you, hijo? Okay na?" he asked, walking towards us.

"Uh, yes, Doc," ani Atlas at sumulyap sa akin. "Magaling mag-alaga ang bi—doktora ko."

My heart skipped a beat. Napahagikhik si Heart sa tabi ko pero nang lingunin ko siya ay ngumuso siya bago kumamot sa kilay.

"Oh, I see." Dr. Sean chuckled and tapped my shoulder. "Nice work, Dra. Lia."

"Wala po 'yon, salamat."

Biglang dumaan sa aking harap si Nurse Lyka at napaatras ako roon, lalo na nang pumunta siya sa kama kung nasaan si Atlas at inabot ang pisngi nito.

"Atlas, are you okay?" she asked. Atlas smiled firmly and nodded, clearing his throat.

"Yeah, I'm fine," he said, slowly taking her hand away from his cheek.

"Luh, pa-paper..." Napasulyap ako sa bulong-bulong ni Heart sa tabi ko.

"What?" ani Lyka na mukhang narinig siya.

"Huh? Sabi ko, 'yong mga papers ko," ani Heart na may kinuhang kung anong papel sa may gilid ng kama.

Nurse Lyka frowned. Natawa na lang si Dr. Sean at bumaling kay Heart.

"Pusong makulit, you take care of your cousin first, I have time now. I can tour Dra. Lia for now."

"What?" ani Atlas na napaayos ng upo. "Akala ko ba ako, Doc—"

"You're injured, Louis," aniya. "And I'll just tour her a bit for now. Ikaw sa susunod, don't worry."

His eyebrows furrowed but agreed. "Alright...just, ako sa ibang floor, ah?"

Humalakhak si Dr. Sean at sumulyap sa akin.

"Alright, alright. Sure," he agreed before glancing at me. "Come on, hija?"

"Sure po," I said, glancing at the three people looking at me. "Excuse me first," paalam ko bago tumalikod sa kanila.

Laking pasalamant ko nang makalabas na kami sa clinic. My heart was pounding so hard I think I'll hyperventilate, laking pasalamat ko lang talaga't niyaya ako ni doc na lumabas!

I heaved a relaxed sigh. Napasulyap sa akin si Dr. Sean at ngumiti.

"You okay, hija?"

"Yes, Doc."

He stepped aside to let me in the elevator kaya nauna ako.

The hospital was larger than I thought it would be. Halos kompleto sila ng department, ipinakilala rin sa akin ang mga kapwa ko intern na galing sa mga sikat na med school. Ilang buwan na sila rito at ako ang pinakabago kaya nag-offer silang tutulungan ako.

"Thank you," I said.

"No worries." One of them laughed and offered his hand. "I'm Laurence, by the way."

"Hi, Laurence, Lia." I accepted his hand.

"Mababait ang mga 'yan, hija," ani Dr. Sean na ngumisi pa. "I'm glad na nagkakakilala na kayo. Next time, you'll meet your other co-interns, nasa night shift pa kasi ang iba mamaya."

"I'm excited to meet them po," I chirped.

Napatitig si Dr. Sean, malambot pa rin ang mga mata bago inilahad ang daanan.

I waved at the co-interns I met, kumaway sila sa akin bago ako tumalikod at sumunod kay doc.

"If it's your break, you can check out the food stalls right here," ani doc at nadaanan ko na kanina ay 'di ko pa rin maiwasang mamangha sa mga nakitang mga kainan sa loob.

This really looked like a hotel and mall to me! Sa may reception kanina ay mukhang nasa isang metikuloso at sikat akong hotel, tapos pagdating sa mga stalls ay para akong nasa mall!

From food stalls, cafes, and other shops, complete siya!

When I was young, I never thought I'd experience this. Naisip ko nga noon na sa Cagayan ako makakapag-aral, tapos magiging pharmacist dahil naisip na mahirap i-push ang pagiging doktor dahil wala naman kaming pera pantustos.

Naisip ko noon, kailanman ay hindi marahil ako makakatuntong ng Maynila para sa mga oportunidad pero ngayon...I didn't know, hindi ko pa rin maisip kung paanong nakarating ako sa parteng ito ng buhay ko.

What I went through was really hard. My mother was sick, I worked multiple jobs just to live and eat. Nagsunog ako ng kilay para gumanda ang grado pero nawala ang nanay.

It was a long process and a hard journey yet I didn't give up even when I wanted to. Masakit man isipin ang mga pinagdaanan ko, I think this is God's way to make me stronger, to keep my fragile heart brave.

"What do you think, Doktora?" ngiti ni Dr. Sean. "Hindi ko pa napapakita sa 'yo ang ibang department at baka mainis si Louis dahil nakontrata na niyang siya ang magto-tour sa 'yo."

"Po?" I asked, nanlaki ang mata.

Napatikhim siya, umiling at napahawak sa batok. "I mean, si Louis talaga madalas ang nagto-tour sa intern kaya..."

"Hmm." Tumango na lang ako. "Maganda po, nakita ko na ang ospital na ito sa brochures at pictures pero mas malaki at maganda talaga sa personal."

"I'm glad you liked it, Lia." He smiled in a soft, fatherly way. "What do you think, is it okay na dito ka mag-intern? I know there are a lot of credible and great hospitals around kaya we're thrilled you chose this."

"Yes, Doc," I said. "I'm really glad you offered me a spot, it's such an honor."

"Oh, don't mention it," iling niya. "It's the other way around, actually. We're glad and honored you accepted our offer."

I was overwhelmed.

"Did you read the contract?" aniya. "We have breaks and offs, based sa nakita ko...you have CHD?" he asked. I simply nodded.

"Yes, Doc."

Mas lumambot ang ekspresyon niya. I thought I saw worry and pride in it. He smiled gently.

"Oh, that's a really tough heart you have for reaching where you are now, Lia," he said and tapped my back, "I'm so proud of you."

Umalon ang sikmura ko at ngumiti.

"Thank you, Doc."

"Health is wealth, you should have enough rest. You are still working in a pharmacy?" I nodded to answer him. "Kada off or palagi?"

"Kapag may oras lang po, Doc. Nakausap ko na rin po ang senior pharmacist namin and it's okay with her since matagal ko na rin nasabi sa kanila ito, I still have to study for boards too kaya dapat ay may oras."

"That's good." Naglakad kami papabalik sana sa elevator nang biglang may mga staff ang nabigla at biglang nag-bow, which wasn't the first. Kanina pa ganyan.

They really respected seniors, hmm?

"G-good afternoon—"

"Good afternoon." Dr. Sean smiled a bit and nodded.

Bumukas ang elevator, pinauna kami ng mga staff at kaagad akong bumati sa kanila. They nodded at us at nagtataka ako nang mukhang ayaw na sumabay.

"Uh..." I muttered but Dr. Sean spoke.

"Why aren't you entering?" he asked. Mas napaayos sila. "It's alright, come on, sumabay na kayo sa amin ni Dra. Argueles."

The doctors hesitated at first but then entered the elevator. Nang bumukas ang floor nila ay muli silang sumulyap at yumukod.

"Excuse us first, Dra, Doc," they said. I smiled.

"Good day." Dr. Sean smiled too.

Noong nakabalik kami sa pinanggalingan kanina ay nagtungo kami sa kanyang opisina, I signed the contract at no'ng matapos na kami ay nagkamay pagkatayo.

"Thank you so much, Doc," I said softly.

"No, thank you so much to you, our future doctor." He squeezed my hand happily. "Kailan ka lilipat sa unit mo, hija? Do you need assistance para maglipat? We have services here for our staff."

"Really po?"

I needed it!

"Yes, medyo malayo ang address mo rito sa ospital and it will be a hassle if magba-biyahe ka nang matagal so I suggest you take the unit. We reserved one for you," aniya at nasisiyahang tumango ako.

"Yes, Doc. Sa totoo lang, naghahanap pa ako ng pwedeng marentahang sasakyan para makalipat, kaunti lang naman ang gamit ko."

"That's good, saktong-sakto. Kailan mo balak maglipat, hija?" he asked.

"I've been preparing my things po since last week, baka bukas or makalawa po," I answered and he offered me a calling card.

"That's good, kindly call this number if you'd like to check. Next week pa naman ang simula ng internship mo kaya mas magandang mag-ayos ka muna at maging komportable sa unit mo."

"Yes, Doc. Thank you very much," sabi ko at tinanggap ang calling card.

Gusto sana akong samahan ni doc hanggang sa may labasan no'ng pauwi na ako pero nagkaroon siya ng emergency call sa isa sa VIP patients nila 'di natuloy.

Pagkalabas ko sa kanyang opisina ay dumiretso ako sa banyo para mag-ayos. I applied a thin lipstick and put on some powder at a thin blush on para mawala ang pagkaputla ko. Sinuklay ko rin ang buhok ko at nang makuntento sa itsura ay napatitig sa salamin.

It was really a long day, Lia, ah?

Who would've thought na I'd meet your old friends...no, I wasn't their friend in the first place.

"It's okay, mas okay na ako na lang," I told myself.

Lumabas ako ng banyo at inayos ang bag ko. Ang ibang staff na nakilala ko ay binati ko at gano'n din sila sa akin. It was too early to say pero masaya akong mababait sila sa akin kahit bago pa lang ako.

Papunta na sana ako sa elevator para makababa at makauwi nang mapansin kong may nagdidiskusyunan doon sa walang taong nurse station ng palapag.

"Bobo ka kasi, ano, 'di ka ba tumitingin?! Ayan, first meeting pahiya!" I heard Heart's familiar laugh.

"I was startled! Akala ko sa susunod na araw pa kasi—"

"Sus, palusot sa pagiging palpak sa harap ni crush! Kahit anong araw naman basta nand'yan, lutang ka!"

"I am not!" I heard Atlas hiss, medyo lumapit ako nang marahan. "I was just shocked kaya nauntog ako. Para akong nayanig, Puso."

"Ayan, mukha ka nang unicorn, yanig pa more—"

"Luh, akala mo siya 'di nayayanig kapag nand'yan si Jo—"

"Oh, pakyu ka, bobo, walang personalan!" Binatukan ni Heart si Atlas na humahagalpak, 'di ko alam pero sumandal ako sa may gilid habang pinagmamasdan silang nag-uusap.

"Sus, kunwari, ikaw nga pinepersonal mo ako—"

"Ibang usapan 'yon kasi, wala na akong paki do'n, mabulok pa siya sa Cagayan!" Heart hissed, nagtaka pa ako anong pinag-uusapan nila pero ngumisi si Heart. "So, ano, patingin nga no'ng yanig."

Atlas frowned. "Ayoko nga."

"Sige na! Kapag hindi ka—"

"Oo, ganito, oh." Biglang umayos ng tayo si Atlas, tinaas ang kamay at biglang nagpakitang nangingisay.

Humahagalpak si Heart. Natatawa ako bigla kaya napailing ako para pigilan ang sarili, umayos ako ng tayo, nagdesisyong magpakita at tumikhim.

"Hello, thank you for today. Uuna na ako," marahang sabi ko.

Natigil sa paghagalpak si Heart. Si Atlas ay nanlaki ang mata at mabilis na ibinaba ang kamay.

"H-hindi ako n-nangisay, ah. Panaginip mo lang 'yon!" he stammered.

Napakurap ako. I even heard Heart muttering the word boplaks.

"Ah, may ginawa ka ba?" maang kong tanong. "I didn't see anything."

"Right?" His eyes brightened and licked his lower lip. "Walang nangyari."

I just shrugged.

"Thank you, sige, uuna na ako, Doc, Nurse," paalam ko bago nagtungo sa elevator.

Narinig ko ang bulungan nilang dalawa. Hindi ko na nilingon at pumasok na sa elevator. I was looking at my feet while waiting for the door to close but a hand stopped it from closing.

Nagulat ako, pinindot ko ang open at nagulat nang may pumasok.

It was Atlas. Kita ko ang ngisi niya nang masalubong ang mga mata ko.

"Thanks, Doktora," he said and my heart pounded even if I kept on denying it.

Sa huli ay tipid lang akong tumango at nag-iwas ng tingin sa kanya.

We were quiet the whole time. Nang bumukas ang elevator ay nagkatinginan kaming dalawa, gusto ko sana siyang paunahin out of respect but he motioned to the door.

"Ladies first," he said.

"Thanks."

Nauna ako. Ramdam ko ang kanyang lakad sa likod ko pero dire-diretso lamang akong naglalakad, 'di siya pinagtutuunan ng pansin.

I felt like floating, the familiar feeling rushing back now that we were so close again.

"Uuwi ka na?" he asked.

Ayokong maging bastos kaya sinulyapan at nahuli siyang nakapamulsa habang sumusunod.

"Yes, Doc," I answered, naglakad sa may gilid ng kalsada para makahanap ng sasakyan papauwi.

"Uh...anong sasakyan mo?" he asked.

"Taxi na lang po muna, Doc," I answered professionally. "Hindi pa ako pamilyar sa lugar."

Tumikhim siya. "I...have a car, I can take you home."

I felt a painful pang on my chest that I immediately shook my head. "Don't mind it, Doc. It's okay. Kaya ko naman po ang sarili ko," sagot ko at nadaanan na ang mga sasakyan.

"Lia!" I gasped when he gripped my arm, impit akong napatili pero nahila lang ako palapit ni Atlas.

My eyes widened when my face slammed into his chest. His scent assaulted my senses. Mas humigpit ang hawak niya sa aking baywang at narinig ko ang maingay na busina.

"Tumingin kasi sa daanan! Gago!" the driver angrily shouted nang paglingon ko.

"Tumingin ka rin sa pagda-drive! Lagpas ka sa lane, ah!" Atlas hissed back.

"Ano mo ba 'yang babaeng 'yan?! Sabihan mo ngang 'wag tanga-tanga—"

"Ikaw ang tanga-tanga, gago!" Tunog makikipag-away na si Atlas doon. When he moved away from me at nahuli kong iritado at mukhang mag-aaya na ng suntukan ay mabilis ko siyang hinila pabalik.

"No," I said softly. "I'm okay."

"But he's—"

"'Wag kang makipag-away," I said. He sighed, nakaigting pa rin ang panga.

"Ano, huh? Duwag ka pala, e! Ano, suntukan?!" hamon pa no'ng driver. Atlas' jaw clenched. I could feel his body tensing, pissed.

"Aba gago—" Akmang lalayo siya pero muli ko siyang hinatak at pinirmi.

"Atlas," I said instead of Doc and he stilled. Nagkatinginan kami at nanlalaki ang mata niya. "Don't fight."

"A-ayaw mo akong makipag-away?" he suddenly asked, his voice softening, sounding like a puppy. Nawala ang galit sa mata at lumambot lang ang kanyang ekspresyon.

"No," I answered and glanced at the driver na nakadungaw at mukhang naghahamon na ng away. "I don't want you fighting with nonsense people."

"Ano't..." Nanlaki ang mata noong lalaki sa akin. "Aba't gaga ka, ah!"

"Excuse me, Sir." I let go of the stunned Atlas, still looking at me like a kid, and glanced at the driver. "See this lane? This is clearly a pedestrian lane and you're crossing this line."

"I..." He blinked. "O-oo nga pero—"

"Stop justifying what you did wrong and start acting upon what is right," I said, my forehead creasing.

"Pero—"

"Reflect, Sir," I pressed timidly. "Hindi 'yong makikipag-away ka sa kalsada." Before he could speak ay hinila ko na ang namamanghang si Atlas habang nakatingin sa akin.

"Let's go." I pulled him na halos pumalakpak na ang tainga sa lapad ng ngisi.

Ang laking tao ni Montezides pero walang reklamong nagpahatak sa akin. Noong marating namin ang wala na masyadong sasakyang parte ay doon lang ako bumitaw sa kanya at tumikhim.

"Thank you for pulling me away, Doc,"

He licked his lip and cleared his throat, humabol siya sa tabi ko nang mawala ako at marahang hinawakan ang siko ko at nagpalit kami ng pwesto.

I looked at him unknowingly and he motioned to the road.

"May iilang sasakyan pa rin kasi," he explained and I realized he was putting me on the safe side of the road.

Oh...

"Thanks, Doc."

"Can you call me that again?" mahinang sinabi niya kaya hinarap ko.

"What?"

"Atlas," nahihiya niyang sabi, medyo namumula pa. "I-I missed it when you call me by my name."

Parang may humalukay na kung ano sa aking sikmura doon kaya nagbaba ako ng tingin at bumaling na lang sa harapan. "You're a doctor in the hospital where I will work, Doc. I am expected to use formalities."

"I know." He huffed. "Kapag ano, kahit...kapag magkasama lang tayo?"

"Hindi naman tayo madalas magkakasama, Doc," I said stiffly. "Kaya it's better if I call you by formality para masanay na rin."

"Hindi mo naman kailangan masanay—"

"I have to, Dr. Montezides. We both know we have a bad past. That's why I don't want to mix it with work, I want to be professional with you, Doc." Sumulyap ako sa kanya at nakita ang sakit sa kanyang mata. "Ayokong...maging kagaya noon."

"Lia, about..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may makita akong taxi. I immediately raised my hand para tawagin iyon. Nang tumigil ito sa harapan ko, I opened the door and glanced at Atlas, who was still staring at me.

"Lia..." he muttered.

"Thank you for today, Doc. See you again at work," I said and entered the taxi, closing the door afterward.

Napahawak ako sa aking dibdib habang nasa biyahe at ipinikit ang mata para kumalma.

"Ma'am, kilala n'yo po ba 'yong nasa likod? Kanina pa sumusunod, e," ani ng driver ng taxi kaya napabaling nga ako sa likod namin at may isang itim na sasakyan ang nakasunod.

My forehead creased, binalewala iyon at bumaling sa driver.

"'Di, Kuya, e," I answered. "Baka parehas lang ng ruta."

Weirdly, the car followed our taxi home. Medyo nakaka-curious pero 'di naman ako kinabahan. Umalis at lumagpas din kasi no'ng marating na ng taxi ang apartment ko.

Pagod ako sa bahay pagkarating. Natulog muna ako at kumain bago inayos ang kaunting gamit na natitira at napangiti nang makita ang frame na litrato namin ni nanay.

I sat on the bed, dinala ko sa dibdib at niyakap ang frame.

"I hope you're proud of me, Nay," I whispered before taking my small bag to check on the calling card Dr. Sean gave me.

Natawa pa ako noong una nang makita ang weird na pangalan ng kompanya bago nailing at di-nial ang number sa aking telepono para tumawag.

Noong unang ring ay walang sumagot kaya sumubok pa ako ng isa at napangiti nang mayro'ng boses na narinig.

"Oh, ampota naman, Kuya, sabing mamaya na tumawag at natutulog ako!"

Halos mapatalon ako sa antok na reklamo sa kabilang linya.

Nanlaki ang mata ko. "O-oh, sorry, Sir!"

"H-huh? Um, who's..." Tumigil ang boses kabilang linya at parang may nahulog na kung ano. "Shit!" he cursed, mas nagkagulo na.

"N-nakaistorbo po ba?" I bit my lip, nahiya na. "Sorry, bukas na lang po."

"No! No!" biglang sabat no'ng lalaki, mukhang nagpa-panic na.

My forehead creased because of the voice pero napailing lang ako roon. "Hello po? Tatawag na lang ako ulit—"

"No, no...I'm sorry, baby, I'm just..." Mas kumunot ang noo ko roon.

"Po?"

"Shit," he cursed. "S-sorry, Miss...um, who's this?" Biglang pumormal pero pumiyok pa kaya naubo.

"Ah, it's okay. Ako po si Amalia, Dr. Sean gave me the number, I'm a new intern," I said. "Sabi po niya'y kayo raw po ang pwedeng tumulong kapag lilipat na ng unit—"

"What?" He cleared his throat then gasped. "Oh, y-yes, I remember. Tama, tama." Medyo nag-iba ang kanyang boses at sinuklay ko ang buhok ko ng daliri.

"I would like to ask lang po if is it possible na magpatulong ako? I mean, if pasok po sa schedule or may slot kayo if hindi naman pwede pong maghanap na lang—"

"Of course, of course, pwede!" he rushed out.

Napangisi na ako at napailing, mukhang antok na antok pa si kuya kanina at nagising ko?

"Uh, kailan po ang available na slot?"

"Anytime would be okay, kahit bukas nga pwede," aniya kaya lumiwanag ang mukha ko ay nakagat ang labi.

"Well, that's great!" I cheered. "I will send you po the address of my apartment later. How much po kaya?"

"No, it's free."

"Po?" Kumunot ang noo ko. "Talaga?"

"Yeah, para sa 'yo—" Tumikhim siya. "Para sa employees po, Ma'am, free."

That made me smile. Sumandal ako sa headboard ng kama at nagsalita. "Maraming salamat po, Sir...?"

"Uh, At—Alex," he said. "Call me Alex."

"Oh, thanks, Sir Alex," I said. "Pasensya na po sa abala, kung nagising ko kayo."

"No, no, it's alright. Ano, naalimpungatan lang..." He chuckled huskily. Napapaisip talaga ako sa boses niya.

He sounded so familiar but...

"Pasensya na po."

"Uh, anyway...did you get home safe?" he suddenly asked.

"Po?"

Marahas siyang naubo, parang nabibilaukan na.

"Sorry, sorry, m-may ano...pumasok na langaw sa bibig ko." He stopped. "N-no, fuck, I mean naubo pala."

I chuckled. "Okay po, mukhang antok pa kayo, ah?" biro ko.

"I guess so," he said. "Uh, p-pero 'di ako nakakain ng langaw, ah?"

"Okay po." I smiled and cleared my throat. "Thank you for the time, Sir. Uh, I'll send you the address and the time you'll pick me up, kaunti lang po ang gamit ko kaya a car or a van would be good."

"Sure, I'll be there. I'll wait for your text,"

"Okay po, thanks again, goodnight."

"Goodnight too, bibi..." I froze. "—Bibi ko, ang bibi ko, kahit wala ka na sa piling ko, piling ko..." he suddenly sang at nanlaki ang mata ko.

"Sir?" I called.

"K-kinanta ko lang, n-na..." Naubo siya. "Na-LSS lang ako, Ma'am ba!" Nag-iba ang accent niya kaya ngumuso ako.

Baka nananaginip pa rin si Kuya.

"Okay, Sir. You probably should sleep, goodnight."

"Goodnight, Ma'am," aniya sa kabilang linya.

Nang ibaba ko ang phone ay natawa na lang ako at napailing.

People were sometimes...really weird.

Kaya sa sumunod na araw, maaga akong nagising. I got ready, wore a comfy shirt and pants and fixed my hair up in a ponytail.

Nag-text si Sir Alex na papapunta na siya kaya naghanda na ako. Tatlong maleta lang ang narito at isang box kung nasaan ang mga libro ko para sa pag-aaral, may maliit na box din sa utensils ko sa pagkain.

"Oh, aalis ka na, Lia?" ani ng kapitbahay naming si Aling Linda na naging malapit na rin sa amin.

"Opo, Aling Linda. Nag-offer ng unit ang ospital na mas malapit sa ospital," I answered. "'Wag po kayong mag-alala at bibisita akong madalas kung may oras, ilang taon din kaming narito ni nanay."

Saglit pa kaming nagyakap at nag-usap, napahiwalay lang no'ng may-text si Sir Alex na nariyan na siya.

Tama ngang paglingon ko ay may nakaparada nang kulay puting L300 sa tapat ng apartment, at mula sa likod ay may lumabas na babaeng naka-cap kaya lumapit ako.

"Hello, Ma'am. Ako po si Lia—" I stopped when the lady lifted her head and smiled.

"Hi, Lia!" she cheered kaya napakurap ako.

"H-Heart?" I gasped. "H-how..."

"Uy, ngayon lang kita ulit nakita!" Napalingon ako nang magbukas ang bintana sa likod ng sasakyan at nanlaki ang mata nang makita kung sino ang nakangisi sa akin.

"T-Ted?!" I exclaimed.

"Hi, Lia—"

"Tagal-tagal naman, pasensya na, Doktora, kakatayo lang kasi kanina nitong kompanya namin kaya mabagal ang mga empleyado ko." Lumingon ako sa likod at umawang ang labi nang makitang nakasandal sa may unahan si Atlas, suot pa ang shades niya at nakangisi.

"H-how..." Kumurap ako. "Paanong kayo e—may tinawagan akong susundo bukas."

"Hmm? Kami nga." Atlas removed his sunglasses and winked, inilalahad sa akin ang gilid ng sasakyan.

Nagtataka, sinundan ko ang kamay niya at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang nakalagay na logo at pangalan ng kompanya ng tinawagan ko kagabi.

Lipat Bahay Gang

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co