Brave Hearts (Published Under Wattpad x LIB)
Kabanata 22
Kabanata 22
WAS it possible to love for a long time? Ang pag-ibig ba talaga'y nanatili kahit walang kasiguraduhan? Lahat naman ay may hangganan...ito ba ay wala?
It had been what? A decade—o higit pa? It was a long time, but why was he saying that he still loves me like before? That he waited for me? Totoo ba 'yon?
Nasapo ko ang mukha ko sa lakas ng sigaw ni Montezides no'ng hinabol siya ng aso, nahulog pa niya ang ice cream na hawak at umakyat sa bench at doon silang dalawa naghabulan.
"Oh my God..." I gasped in frustration, afraid the dog might bite him or something.
"Bruno!" A lady in jogging pants and a shirt came running towards us, nagkatinginan kami.
"Is that your dog?" I asked. Parang mahihimatay na si Atlas doon paikot-ikot. Umawang ang bibig ng babae at napasigaw.
"Oh my God! Bruno, my baby!" she exclaimed, nagtatakbo sa kinaroonan ng aso na tahol nang tahol.
"Bruno!" she called. The dog stopped. Ngumisi si Atlas nang tumama ang siko niya sa bench.
The lady took the dog na biglang naging parang isang maamong tuta. Napasalampak naman si Atlas sa lapag, hinihingal.
I immediately walked towards him. Nilagyan ng leash ng babae ang aso niya. Dumukwang ako kay Atlas, nagkatinginan kaming dalawa.
He was sweating, habol niya ang kanyang hininga.
"What happened?" I asked worriedly. "Bakit ka tumakbo kasi?"
"H-hindi..." He huffed, panting for breath. "Hindi ako hinabol ng aso, bibi, imagination mo lang 'yon."
"Whatever, Atlas. I saw it." Ngumuso siya at pinasadahan ng daliri ang buhok. That made me laugh.
"I'm sorry! He got out of my sight! Mabait naman ito at nakikipaglaro lang," the lady suddenly said, lumapit sa amin.
I helped Atlas up.
"Pinapalaro ko lang naman kasama 'yong ibang aso kaso biglang nawala..." ani ng babae at nang tingnan ko ang aso ay nakalabas na ang dila at gumagalaw ang buntot, mukhang nakikipaglaro lang talaga.
"Hindi naman 'yan nangangagat, ano?" I asked. She nodded, smiling.
"He's pretty playful but he won't bite," ani ng babae.
Bumaling ako kay Atlas at nakita kong kakaangat lang ng tingin. "Hindi naman pala mangangagat," I told him but his eyes widened, recognizing the woman.
"Inez?" he said in shock.
Nangunot ang noo ko sabay balik sa babaeng nagulantang din.
"Atlas!" She grinned at nagtaka ako nang magtawanan silang dalawa.
"That's your dog?" he asked and the beautiful lady nodded.
"Yes! This is Bruno! Oh my God! Hindi ko alam na narito ka sa Manila!" She chuckled.
"Well, yeah. I am working at St. Lukes," ani Atlas. "Ikaw, akala ko nasa Peñablanca kayo?" tanong ni Atlas, mukhang magkakilala talaga sila.
"Yes." She chuckled. "I have some stuff to do here. I just walked Bruno out today kasi palaging nasa bahay, pasensya na at hinabol ka. Alam mo namang alam niya kapag may may bulldog."
Napatawa ako. Namula si Atlas.
"Sama talaga ng ugali nito," ungot ni Atlas. Ngumisi sa kanya ang babae.
"Tatawanan ka ng kuya mo kapag nalamang hinabol ka."
"Ah, 'di kaya ako hinabol..." Sumulyap pa ang loko sa akin. "Nakikipaglaro lang ako sa aso, right, Lia?"
I shrugged.
"'Di ba? Bakit mo ako tinatawanan?" Nakagat ko ang labi ko at tumango na lang, sumulyap sa babaeng naaaliw sa amin.
"Oo, nakikipaglaro lang siya. Sumisigaw 'yan ng ganyan kapag nakikipaglaro," I told the girl who only giggled.
"Lia!" Atlas whined.
"What?" I asked innocently.
Napailing na lang ang huli at hinuli ang baywang ko palapit sa kanya, inihaharap ako sa babae.
"Anyway, Inez. This is Lia, bibi ko," he introduced.
My eyes widened and my heart pounded, pasimple kong siniko si Atlas.
"I mean...soon-to-be bibi," he corrected. "Lia, this is Inez," pakilala niya sa babae na nakangiting naglahad sa akin ng kamay.
After the introductions, the lady bid her goodbye, humihingi pa ng pasensya sa amin tungkol sa aso kaya matapos ay muli kaming naupo ni Atlas sa swing. Malungkot na naman ang lalaki.
"Nahulog ang ice cream, bi," aniya at kinuha ko ang panyo ko at muling pinunasan ang pawisan niyang noo at leeg.
"It's okay, 'wag mo na isipin, ang mahalaga ay 'di ka nakagat ng aso," alo ko.
He was hiding a smile and when I caught him, nagseryoso siya bigla at ngumuso.
"Hayaan mo, i-upgrade ko ulit ng version, Lia. Simula ngayong oras na 'to, version 3.2," sabi niya kaya natawa na ako.
"Akala ko ba 3.1 na? Bakit may bago ulit?" Inabot ko ang kanyang buhok para suklayin ng daliri ko.
"Nag-glitch, Lia. Pangit ang update, mabagal siguro ang net," he explained.
Aliw na aliw ako. Since high school pa ang update na 'yang 'di matapos-tapos.
Nakita ko ang paglambot at pagsayaw ng tuwa sa kanyang mata. Nagbaba ako ng tingin pero nahuli ng mata ko ang kamay niya.
"What happened?" I asked worriedly when I saw a scratch near his palm, medyo mahaba iyon at namumula. There was a part na may dugo at medyo malaki.
"Ah." He sighed. "Sumabit lang sa may bench pag-ikot ko."
I sighed, tinitigan ko iyon at napailing. "Masakit?"
"Hindi—I mean, oo." Ngumuso siya, tila nagpapalambing. "Sobrang sakit, Lia, parang mamamatay ako..."
"Baliw," I muttered. He grinned.
"Totoo nga, Lia, parang nanghihina ako—" I flicked his lips. He frowned. "Lia!" Inarte pa niya.
I looked around and when I saw a pharmacy across the street ay bumaling ako sa kanya. "Stay here, bibili lang ako sa pharmacy."
"Huh?" His forehead creased. "Para saan?"
"Sa sugat mo," I answered.
"Ako na lang, you stay here."
"No," I insisted. "You stay there, ako na." I stood at wala na siyang nagawa nang pumunta na akong mag-isa sa pharmacy.
Mabilis naman akong nakabalik, naabutan ko siyang nakahawak sa kadena sa gilid ng swing, at marahang pinapaandar ito na parang bata. Nakasayad pa ang paa sa lupa at minsa'y inaangat kaya napangiti na ako.
"Hey," I called at saktong nag-s-swing pa kaya ang cute niyang tingnan.
"Bilis, ah?" He smiled, ibinaba ang paa sa swing kaya tumigil.
Naupo ako sa kanyang tabi at binuksan ang mga binili ko. He watched me silently, a smile plastered on his lips. Ang poste lang sa parke ang nagbibigay ilaw sa aming dalawa.
Natapos na ang mga nagzu-zumba at iilan na lang ang nanatili sa may damuhan kaya kami lang ang sa may swing.
"Sa susunod ay mag-iingat ka, hmm?" I told him and when I heard no response ay nag-angat ako ng tingin at nahuli siyang nakatulala lang sa akin. "Atlas?"
"Huh?" He blinked.
"Okay ka lang?" I asked. He was flustered and lowered his gaze to his scratch.
"Yeah, anong sabi mo ulit?" he asked.
"Sabi ko, mag-iingat ka," I repeated. "Be mindful of your surroundings, I mean, maging attentive ka. Tignan mo ang paligid para 'di ka nadudulas o nauuntog kung saan. You know bumping your head often can cause certain conditions, right?"
"Hmm, sorry na, bibi." His lips pursed. "Mag-iingat na ako, I'm just...I'm attentive naman palagi."
"Oh, nangyari?" Tumaas ang kilay ko.
"Ikaw kasi..." he sulked. My eyes widened, napahawak ako sa dibdib.
"Bakit kasalanan ko?"
He pouted more, naiiling sa sarili.
"Wala lang, nalu-lutang ako kapag nand'yan ka." Umawang ang labi ko. "You know, parang nawawala ako sa sarili at focus."
"You mean, distraction?" I asked curiously pero mabilis siyang umiling sa akin.
"No, no." He shook his head. "Not that way, I mean, my focus is just on you tapos nagbu-blurb ang paligid kaya nawawala ako sa sarili. Promise, ano, babawasan ko na pagkalampa ko kapag nand'yan ka. Sa next update, mas maganda."
"Ewan ko sa 'yo, mauubos na yata ang update niyan, wala namang naiba?" I teased.
"Mayro'n 'yan sa susunod, 'tsaka sa update na 'to napatunayan na sa sobrang gwapo ko kahit aso humahabol na." Kumindat siya.
I laughed and shook my head, kinuha ang band aid para takpan ang scratch niya sa parteng may kalakihan. "Ano 'yong 3.1?"
"Uh, beta version. Trial ba," he answered at nang nagkatinginan kami ay sabay na natawa, namula siya. "Medyo under maintenance kasi kanina, may free dog trigger. Free rabies."
Kung malakas ang tawa ko kanina ay napahagalpak na ako ngayon, nag-init ang pisngi ko at napahawak sa tiyan ko. Kung 'di ko pa napansing 'di na tumatawa si Atlas at nakatitig na lang sa akin ay 'di pa ako matatahimik.
Napatikhim ako at pinigilan ang tawa. "Sorry..."
He chuckled.
"It's great, that laugh made my day," he murmured. Umayos ako ng upo.
"B-baka ano...sa susunod lasog-lasog ka na, mag-ingat ka nga," sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Nah, I don't care kung malasog-lasog ako," aniya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit naman?"
"Because you complete me." It was very corny but coming from him? It only made my heart throb and fluttered. His eyes were so gentle that they resembled the sky. Dark but beautiful.
Staring at him, swept me off my feet. Like the young Lia, those eyes could still make me fall head over heels with him.
His eyes could still make my heart flutter, I was still willing to get lost in them and...I hated it.
He moved his face closer. His eyes darted on my lips and I unconsciously licked mine. Mula sa kanyang mata ay bumaba rin ang tingin ko sa kanyang labi, mahigpit na ang hawak sa hawakan ng swing.
Muling naalala ang unang halik sa ball. Nagwala ang bata kong puso.
Mas bumaba at lumapit ang kanyang mukha at para na akong naghahabol na naman ng hininga. Our noses touched and I felt his breath caressed my parted lips.
Naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko at mas nagwala ang puso ko. I found myself closing my eyes and his forehead touched mine. I was anticipating his kiss when we both jumped after hearing a sound.
"Shit!" Narinig ko ang lagapak.
Nanlaki ang mata ko, napasulyap sa smart watch ko na nag-iingay at kay Atlas na nahulog sa swing at nakasalampak sa lupa.
It was a mess, hindi namin alam kung anong uunahin, ang puso kong mabilis na naman ang tibok o ang pwet ni Atlas na sumalampak sa lupa. Sa huli ay tumayo siya kaagad at inalalayan ako. Tinakbo pa ang pharmacy para sa tubig habang kinakalma ko ang sarili.
What are you doing, Amalia? You're hyperventilating again!
And...we almost kissed! Oh my God! Was that a good thing or what?
Sa sobrang tagal yata namin ni Atlas sa swing ay naabutan pa kami ni Heart kaya nagtatatalon siya roon sa tuwa nang makita kami. To my shock, sa iisang building din pala kaming tatlo nakatira.
I never thought of it, akala ko'y dito lang din sila pero ibang building—pero sa iisa lang pala kami!
"Here is my unit, oh!" turo ni Heart sa kwartong dalawang pinto ang layo sa akin.
"Magkalapit pala tayo!" I was surprised. Naglakad silang dalawa kasabay ko at tumigil si Atlas sa pintuan at may tinuro.
"Here's mine." He pointed at the door beside mine kaya napakurap-kurap ako.
"Magkatabi ang atin?" I gasped. His eyes widened, napatakip pa ng palad sa bibig.
"Weh? Talaga, saan 'yong iyo?" he asked kaya mas nagtaka ako at tinuro ang pintuan katabi ng kanya.
"There," I pointed. "Alam mo, Atlas, h'wag ako. Hinatid n'yo 'ko rito, 'di ba?" I made a face.
"Oo nga 'no? Ngayon ko lang napansin!" He even pretended.
Napahagalpak ng tawa si Heart, nilingon ko siya at bigla niyang kinagat ang kanyang labi at umiling.
"Char lang," she chuckled. "Medyo nagugulantang pa rin ako sa ka-boplaksan ng mundo." She even spread her hand, tumama iyon sa mukha ni Atlas na kaagad siyang sinamaan ng tingin kaya napangiti ako.
"Manahimik ka, Puso. Magpinsan tayo, kung bobo 'ko, ikaw din," he spat.
Magtatalo na naman yata ang dalawa kaya tinawag ko na ang atensyon nila at napabaling sila sa akin.
"Uh, uuna na ako?" I said.
"Hatid ka na namin," ani Atlas na parang 'di lang ilang hakbang ang kwarto ko.
Sinabayan nila ko't pagbukas ko ng pinto'y naroon lang sila't nakamasid.
"Thank you, goodnight." I smiled.
"Good night, Lia!" Heart smiled.
"Good night..." ani Atlas at nagpamulsa, nakatitig sa akin. "Double-check your doors, okay? Before sleeping?"
"Alright, thank you again," I mumbled. "Uh, ano...gusto ko sanang papasukin kayo but I'm kinda tired, pasensya na, babawi ako next time."
"Oh, it's alright," ani Heart. "You should rest, sa susunod na lang kami tatambay."
I nodded, muli akong bumaling kay Atlas na nakatitig sa akin. He smiled and I smiled back, at nang maramdamang hindi na naman mapakali ang puso ay bahagya akong umatras at sinara ang pinto.
"Bye." I closed the door.
Nang mawala sila sa paningin ko ay napasandal ako sa pintuan, marahang hinahawakan ang dibdib ko at napabuntonghininga.
I wanted to talk to them so bad...but I was afraid. Ni hindi ko alam kung paano sila kakausapin nang maayos.
I remembered the kiss Atlas and I almost had. I touched my chest and closed my eyes, feeling the thumping of my chest.
Takot na takot ako pero gusto ko na ng kapayapaan sa puso ko. I couldn't get hurt now, hindi na ako bumabata. The scar inside my heart should start healing itself now...pero sa tagal ng panahon ay parang 'di ko pa magawa, nahihirapan pa ring gumaling at mawala.
I took a shower and put on my comfy sleeping wear. I tried sleeping but I couldn't and that was when I found myself going out of the terrace to get some air.
Humawak ako sa barricade at tinanaw ang malawak at maliwanag na city lights sa ibaba. Ibang-iba talaga ang itsura ng siyudad sa probinsya. I admired the infrastructures and the view here but I knew nothing could beat home.
I missed Cagayan Valley. I missed Tuguegarao.
The smell of the fresh air, the dancing of leaves and the warmth of Peñablanca was what I'd always crave. How I wish I could go back home again.
Narinig ko ang pagbukas ng glass door. No'ng una'y akala ko sa akin pero sa terrace yata sa katabing kwarto ko kaya nilingon ko.
My eyes widened when I saw Atlas step out to his terrace, half-naked—naka-pajama lang. Mula sa pwesto ko kita ko ang dibdib niya pababa sa nakakagulantang na abs niya, napahawak pa ako sa gilid ng labi ko para masiguradong 'di ako naglalaway at napakurap.
His triceps flexed when he stretched his other arm and tilted his head. Pumunta siya sa may barricade, nakatitig sa tanawin at nang i-angat niya ang isang kamay ay nakita kong may baso doon ng sa tingin ko ay kape na sinimsim niya.
I think I was bewitched that I couldn't take my eyes off him. Nakita kong sumisimsim pa rin siya sa iniinom nang napalingon sa pwesto ko.
Bigla niyang nabuga ang iniinom. Nanlaki ang mata ko at napaayos ng tayo nang maubo siya, mukhang nabilaukan.
"A-ayos ka lang?!" I asked, panicking.
"Y-yeah." Nababa niya ang tasa at tinakpan ang bibig niya, napaiwas ng tingin. Mas nag-alala ako.
"Atlas," I called worriedly and he lifted his hand, showing me an okay sign. Tumalikod siya sa akin, kita ko ang likod niya at napanguso ako dahil ang ganda ng katawan niya.
It wasn't that I've seen male bodies, nakikita ko lang sa mga movies or ano...kapag anatomy subject namin.
No'ng nakalma siya ay bumaling siya sa akin, kahit dim na ilaw sa terrace lang ay kita ko ang pagpula ng kanyang mukha.
"Sorry," I started. "Nagulat ba kita?"
"No...no." He shook his head. "I was just shocked to see you here." Umayos siya ng tayo paharap sa akin, kinuha ang tasa na iniinuman niya at sumimsim.
"Okay ka lang? Nabulunan ka?"
"Medyo, um, pumasok lang yata sa ilong ko," aniya kaya namilog ang mata ko! That hurt, I'm sure!
Nanlaki rin ang mata niya nang may matanto.
"I mean...nabulunan lang," aniya. "Hindi pumasok sa ilong ko, ah?"
I don't believe it but I let it go. Mukhang nahihiya siyang pumasok sa ilong niya kaya 'di na ako nagtanong.
"Uh, gabi na, ah? Can't sleep?" he suddenly asked, humawak naman ako sa barricade at tumango.
"I'm tired, sinubukan kong matulog kaso wala e, kaya dito muna ako nagpapahangin. Ikaw?" Bumaling ako sa kanya, pasimpleng sumusulyap sa abs niya.
"Nagpapahangin din," he said and smiled, binaba niya ang tasa at napatingin sa katawan niya bago tumikhim, nakita kong kinuha niya ang shirt sa kung saan at mabilis na sinuot kaya napalabi ako.
Ay, ano ba 'yan, sayang...
"Like what you see?" Napatalon ako. Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata niya kasabay ng pag-angat ng labi niya.
"H-hindi, ah! Asa ka namang gusto ko makita 'yong katawan mo—'di ka naman yummy!" I hissed.
To my shock, he burst out laughing.
"I meant the stars, bibi." Ngumisi siya. "The stars look good tonight, malay ko bang sa katawan ko ikaw nakatingin?"
"M-Montezides!" I hissed, inatake ng init ang mukha. It amused him he couldn't stop laughing until I was glaring at him.
"Joke, hindi na. Hindi na." He chuckled.
"F-feeling mo naman...as if macho ka!" I snapped.
"Uh-huh, hindi ba?" he teased, lifting his arms and flexing it in front of me.
"H-hindi, ah!" Ngumuso ako. "Mas marami pang maganda katawan sa 'yo..." Which was a lie.
"Talaga, Argueles?" Biglang nagseryoso siya. Hinarap ko siya at taas noong humarap.
"Oo, bakit?" laban ko.
Akala mo, ah, gwapo ka? Huh! Oo, gwapo ka!
"You've seen naked bodies, Argueles?" he asked seriously, matiim akong tinignan.
Nakakanginig ng tuhod pero hindi na ako ang dating Lia, mas palaban na ako ngayon!
"Oo, angal ka?" I said, nangingisi pa kasi iritado na siya.
"Aba't..." His jaw clenched. "Binantayan naman kitang maigi! Sinong nagpanuod sa 'yo ro'n? 'Yong pharmacist? O 'yong ka-grupo mo sa thesis?"
"Huh?" Doon na ako nalito.
"Ay, fuck, baka 'yong may gustong gagong umaaligid sa 'yo—"
"You mean, ikaw?" I asked. He froze, napakurap-kurap pa siya. Humalukipkip ako.
"What? I'm not gago, Lia." He glared at me.
"Uh-huh, I don't curse, Atlas." Well, minsan sa isip lang. "But well...yeah, that's you,"
"Kailan pa?" His eyes widened at me.
"Matagal na," sagot ko. Mukhang napaisip pa siya bago napatango't sumimsim muli ng kape.
"Sabagay, pero at least gwapo, bawing-bawi naman," aniya kaya natawa lang ako at nagkibit-balikat. "Pero seryoso, Amalia, nakakita ka na talaga ng hubad?" Bigla siyang sumeryoso na naman kaya tumango ako.
"Oo nga kasi," I answered. Kumunot ng noo niya. His jaw clenched, humugot ng hininga at ininom ng diretso ang kape niya, parang 'di napapaso habang nakatitig sa akin.
"Sa ano, sa anatomy class. No'ng nag-dissect kami ng cadaver," dugtong ko at ako naman ang napatawa nang mabilaukan siya sa narinig.
"What the..." He coughed a bit and glared at me. "B-bangkay, Amalia?!"
"Hmm." I smiled. "Bakit ikaw, 'di ka ba nakakita ng cadaver? We can't pass anatomy without it. So..." I shrugged.
"I thought...fuck." Ngumiwi siya at napailing. "And you're seriously comparing my body to cadavers, Amalia?"
"Saan ko ba iko-compare?" I asked and he eyed me knowingly, slowly, at parang na-gets ko ang gusto niyang sabihin kaya nanlaki ang mata ko. "Y-you think I've seen a naked body s-sa buhay?"
"No." Ngumuso siya at mas kumunot ang noo.
"And what?" Kumunot ang noo ko at namaywang. "Y-you think I watch porn?!"
"No!" His eyes widened too, nag-init ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. "No, Lia. I was just jealous because you can only see my body—"
"What?!" Tumili ako.
"No!" Marahas siyang umiling. "I mean kapag nagpakasal—"
"What?!" mas eksaherada kong sabi. "W-why would I see your n-naked body?"
"Because—"
"Why would we get married?!"
"Kasi ikaw ang bibi ko–"
"Q-quiet!" I hissed, covering my ears. Natahimik naman siya. Nag-init ang mukha ko lalo at sinamaan siya ng tingin.
"Lia..."
"Let's not talk about naked bodies," I hissed.
"Alright, alright, I'm sorry," he muttered. "Pero 'yong cadaver lang talaga 'yong nakita mo—"
"I said..." I warned. He bit his lower lip, pretending to zip his mouth before smiling cutely.
"Okay, good boy na ako, bibi."
I shook my head, nahihiya pa sa bigla naming napag-usapan kaya sumulyap ako sa madilim na langit at nakita ang maliliwanag na bituin sa itaas. The half-moon was covered with dark clouds and it felt so relaxing, so I closed my eyes and felt the cold wind touching my face.
"Ang ganda ng gabi, 'no?" I asked and looked at him. He was staring at me as he nodded.
"Ang ganda nga, sobra." He smiled.
"Bakit ka sa 'kin nakatingin?" I asked and pointed at the sky. "I mean the night, ang ganda ng gabi."
"Nah, I got the prettier one here," he said kaya napalunok ako.
"Hmm?"
"I said, hindi ko na titingnan ang langit kasi nasa tabi ko na 'yong mas maganda," he said, making my heart flutter.
Kinikilig ako pero dapat ay pormal at disenteng babae kaya tumikhim ako at nahuli siyang may ngisi sa labi.
"I love the view," I suddenly told him, 'di pinansin ang pasaring niya.
"Hmm, I love you."
Napasulyap ako sa kanya. Parang nakalunok ako ng fireworks at sasabog sa loob ko anong oras man pero napanuod ko yata 'to sa social media kaya alam kong hugot lang iyan.
"What?" I asked. "Anong connect? I said, I love the view."
"I love you," ulit pa niya.
"Ngi?"
When his shoulders fell ay bumughalit ako ng tawa, nananakit na ang tiyan.
"Lia!" He stomped his foot.
"Ang corny ng hugot mo, Atlas. Nakita ko na 'yan sa Facebook," sikmat ko.
"May bago ako—"
"Save it, next time. I'm kinda sleepy." I chuckled and yawned. "Night."
"Good night." He smirked, leaning on the barricade. "Dream of me, bibi."
"Asa," I muttered and waved a bit. "Bye. Ayan ba 'yong bagong version? Palpak pa rin, ah?"
"What..." he gasped. "Upgraded na 'to! No bugs!"
"Bye, tulog na ako," tawa ko.
"Parehas tayo ng schedule bukas, Lia! Sabay na tayo, ah!" agap niya no'ng binuksan ko na ang glass door.
"Ayoko nga," I answered.
"Ah, wala, basta. Antayin kita sa lobby d'yan sa baba!" he shouted. Nginitian ko lang at pumasok na.
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
AYAW ko man ay nakita ko ang sariling nag-aayos para sumabay kay Atlas papasok ng ospital. Pumunta siya kanina pagkagising sa kwarto para ipaalalang sabay kami, na aantayin niya raw ako sa lobby kaya wala na akong naging takas.
Heart was scheduled for a night duty today kaya tulog pa raw.
I dried my wet hair, inayos ko ang scrubs na suot ko at ang name plate pagkatapos at ang kulay puti kong sneakers. While watching myself in the mirror, I couldn't help but see the young version of me, the pale kid in her uniform who was now wearing scrubs...a medicine intern.
I am proud of myself. I just hoped to be finally happy now.
Kinuha ko ang bag ko at inilagay ang mga kailangan. I walked out and went to the elevator, lowkey excited to come to work with Atlas today.
Kahit siguro anong deny at tago ko ay bumabalik pa rin ang batang Lia, the one who was still yearning for Atlas Montezides. The young Lia who wanted to see him, always, kahit sa malayo. Ang batang Lia na nag-aantay na mapansin.
Aral, mataas na grades, trabaho at ang nanay ang iniisip ko sa buong taon mula no'ng umalis ako sa Cagayan. Ni sarili ko nga'y 'di ko na masyadong nabigyan ng atensyon, kaya makahanap ng pag-ibig pa kaya?
I never once liked someone ever since nanay and I left. May mga nagpapahiwatig noon but I easily turned them all down dahil wala akong oras doon at takot akong masaktan. Ilang katrabaho at kaklase ang sumubok pero wala talaga akong atensyon sa kanila.
Iniisip ko nga ay matagal pa bago ako makahanap ng pag-ibig o 'di kaya'y baka hindi na pero ngayon...no'ng nakaraan lang kami muling nagkita ni Atlas ay parang nahuhulog na naman ako.
Did I even stop loving him? Or not?
Maybe I should really complete collecting the courage to hear them out. Bahala na pagkatapos kung anong mangyayari.
Willing akong magpatawad pero hindi naman ibig sabihin noon ay kayang magsimulang muli. Bahala na, I believed no matter what happens, ang mga bagay na para sa 'yo ay mapapasaiyo.
If this love was for me then...it comes back. I just hoped this brave heart of mine could take it.
"Hija, good morning!"
Nabaling ang atensyon ko sa reception at lumaki ang ngiti. "Hello, Tita Marichu. Good morning."
"How's your room? Okay naman ba ang tulog mo?" she asked, she even offered her arms for a hug kaya nilapitan ko siya para yakapin.
"Yes po, maraming salamat. Komportable po ako, nakaka-relax din ang view!" I beamed. "Si Atlas po?"
"Ah!" Tumango siya at may tinuro. "There, sa may entrance. Mukhang may kausap yata, sabay kayo papasok?"
"Opo," I answered. "Maraming salamat po, una na ako!"
"Sige, mag-iingat ka. Uh, hija, pwedeng pasuyo naman ako? Padala sana kay Sean," aniya at may inabot sa aking paper bag.
"Sean po?" I asked. She gasped.
"Ay, oo nga pala. You know Dr. Alegre?" Napaisip ako. "Sean Alegre?"
"O-oh..." Napatango ako. "Kay Doc po?"
"Oo," she chuckled. "Pasensya na at pinagdala kita, ah? Naiwan lang kasi. Kailangan yata."
"Sige po, sure. Bye po ulit." I waved goodbye.
Nang makalabas ako ng building ay kaagad na hinanap ng mata ko si Atlas. He was on the far right side talking to someone kaya napangiti ako.
He wore a plain white dress shirt and slacks, bagay na bagay talaga sa kanya ang ganitong damit, kitang-kita kasi ang hubog ng katawan niya. He is very handsome, with his clean cut hair and manly stance. He looked so good...and hot.
Alam kong maganda talaga ang katawan niya, kahit cadaver lang ang pinagkumparahan.
Oh, was it creepy? But I've never seen other naked bodies! Sa mga movies naman ay kapag nags-swimming lang ang characters, gano'n.
'Di naman ako masyadong attracted, kay Atlas lang talaga...kahit palpak siya minsan, ay, palagi pala.
"At—" Nabitin ang boses ko at naiwan sa ere ang kamay nang nakita ko kung sino ang kausap niya. I couldn't see his face but I saw who he was talking to.
The woman glanced at me. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang makita ako at unti-unting nauwi sa isang ngisi.
Her face softened as she touched Atlas' arm and I felt my chest tighten. The memories came back and all the confidence and courage I'd been collecting to talk to them regarding that part of yesterday vanished.
Atlas moved a bit but Yui immediately encircled her arms on his neck. Nakita ko ang mabilis niyang pagtingkayad at paghalik sa huli at may dumagan sa dibdib ko.
Mabilis akong tumalikod, mahigpit ang hawak sa paper bag at kahit anong sabi kong 'di na muling iiyak, ang luha ay 'di na napigilan at umalpas na sa pisngi.
You're still the same naïve girl, Amalia. You keep on saying you're brave but when it comes to him...you're so damn weak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co