Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under Wattpad x LIB)

Kabanata 24

heartlessnostalgia

Kabanata 24

THE last time I talked to him was in the terrace that night when I saw a shooting star. Ni hindi nga malinaw sa akin kung pag-uusap nga ba iyon. He asked me if I had eaten and how I was feeling. That was it.

Sinabi ko sa kanyang ayos lang ako at bago pa man kami may mapag-usapang iba ay nagpaalam na akong matutulog na kanyang pinagbigyan.

These days, we haven't been seeing each other that much. Kinabukasan ay nagkaroon siya ng convention sa ibang bansa, tatlong araw lang naman daw, nalaman ko lang noong nag-text siya.

I didn't tell him to text me if he had something like that pero 'di naman mapagkakailang masaya akong nag-message siya para ma-inform ako.

It wasn't like I was sad not having his presence around...I mean, okay. I kinda missed him.

Pagkabalik ko noon sa ospital pagkatapos ng emergency off ko para makapagpahinga ay naabutan ko si Dr. Sean sa station.

"Lia!" Napaayos siya ng tayo nang makita ako.

"Hello, Doc. Magandang umaga po." I flashed a small smile.

"Good morning," he greeted then stared at my face. "Are you alright? Louis informed me about what happened."

"Uh, opo." I smiled brightly para hindi siya mag-alala. "Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko pero ayos na ako, Doc."

"Really?" I saw the obvious concern on his face, suminghap siya bago umayos ng tayo. "Let's go to cardio department and get you checked."

"P-po?" Nanlaki pa ang mata ko at mabilis na umiling. "Naku, Doc, hindi na po...ayos lang ako."

"I insist, Doktora," he said.

"Hindi na, Doc. Ayos naman po ako, nakapagpahinga po ako kaya—"

"You can't say no, Lia," aniya at kumunot ang noo. "You have to get checked, hindi ako matatahimik habang hindi ako siguradong ayos ka lang."

"Pero po..." Kinagat ko ang labi, nahihiya na. "Ayos lang, Doc. Hindi naman po kailangan—"

"Pusong makulit, tara dito." Biglang may kinawayan si doc sa may likuran ko at napalingon ako at nakita si Heart na patapos lang yata ang shift sa night duty.

"Po?" She smiled, nang mapalingon siya at nakita ako ay lumaki ang ngiti niya. "Hi, Lia! BFF ko! Good morning!" she cheered happily kaya napangiti ako. She hopped towards me and encircled her arms on my own.

"Good morning din." I smiled at her.

"Ang pretty mo naman, sana all blooming! Haggard ko yata, ang toxic kagabi!" she explained and frowned kaya natawa ako at nahihiya man ay inangat ko ang kamay ko para ayusin ang buhok niya kasi medyo magulo.

"Hindi naman, maganda ka pa rin naman," I mused.

"I know pero gusto ko lang na batiin mo ako!" She beamed. "What are friends for, right?"

We both chuckled. Even Doc Sean. I caught him watching us with amusement.

"Heart, kumbinsihin mo nga iyang kaibigan mong magpa-check-up."

Heart's eyes widened, napabaling siya kaagad sa akin at nagtanong. "Masakit na naman? Are you okay? No'ng binisita kita kahapon sabi mo ayos ka na—"

"Ayos naman na talaga ako," I explained. "Si Doc kasi, sabi magpa-check-up ako."

"I'm worried, Lia. Oo, ayos ka pero hindi ako makakapante na gano'n lang. I believe more in test results than that," he pointed out.

"Pero Doc—"

"You should really get checked, Lia," ani Heart kaya napabaling ako sa kanya at nakitang nag-aalala na rin siya. "Mapapanatag ako kung magpapa-check-up ka. Boplaks is worried too, tawag nang tawag sa akin.

"R-really?"

"Oo, gusto ka sana tawagan kaso nahihiya at baka magalit ka raw kaya ako ang ginugulo. I know it'll relax him a bit if you go for that check-up."

"See?" Dr. Sean smiled when he heard Heart. "Nag-aalala rin ang batang 'yon and for our peace of mind, you should have a check-up."

Natigilan akong saglit, nahihiya kasi ako dahil sobrang effort naman nila para sa akin. "H-hindi po ba nakakahiya—"

"Oh, kasama 'to sa benefits," ani Dr. Sean kaya natigilan na ako, si Heart naman ay tumango-tango at ngumisi.

"Oo, kasama 'to sa benefits, Lia. Free check-up tayo kaya you should grab this," aniya.

Free?

Sa huli ay pumayag na ako.

Tuwang-tuwa ang dalawa sa pagpayag ko, nag-apir pa silang dalawa kaya natawa ako. Sumama pa si Heart sa amin kahit pauwi na siya and it touched my heart.

Maybe I needed time so I could listen to her and Atlas' story further. To clear everything Mahirap makinig sa mga taong nasaktan ka pero mas masakit ang magtanim ng galit, mahirap.

May sakit na nga ako, dadagdagan ko pa ba ng sakit ang puso ko? Maybe I just needed time so I could open my ears to listen and my heart to accept things that didn't go exactly my way and how I would've liked it to happen.

That shooting star definitely gave me a sign. Itinuturing kong sign ang pagkakakita kay Atlas pagmulat ko ng mga mata ko.

Maybe I had to keep my distance a bit to prepare myself and to try listening.

"Are you regularly taking your meds, Ms. Argueles?" ani ng doktor.

"Yes po," I answered.

She stopped listening to my heartbeat and sat in front of me, si doc at Heart naman ay nakatayo at nag-aantay sa sasabihin.

"Do you often have shortness of breath or chest pain?" she asked. I thought of it and slowly nodded.

"These days po medyo pero mabilis naman pong mawala," I told her. She nodded, may sinulat pa sa kanyang papel doon bago ako binalingan.

"Ms. Argueles, you should watch over your health, kapag mas dumalas ang chest pains mo, I advise you to visit me again. For now, you can maintain your meds pero please stay away from stress, okay?"

"Yes po." I nodded and smiled.

"Also, try not to be emotional for it may affect your heart. Don't engage in strenuous activities too, it's okay to exercise pero 'yong hindi ka mape-pwersa," she continued.

"Noted po."

"You're good for now but we still can't say since CHD is unpredictable and sometimes, it might be dangerous so watch over your health, okay? Bumisita ka buwan-buwan para magpa-check-up."

After that, umayos naman na ang dalawa. Umuwi si Heart at naiwan kami ni Doc Sean na bumalik sa station kaya sinamantala ko iyon para magpasalamat.

"Salamat po sa concern, Doc." I started. "I don't know how much I can say thank you para malaman n'yo na lubos akong nagpapasalamat. Si Tita Marichu po ay nagpadala pa ng pagkain kagabi para sa akin, pakisabi po ay maraming-maraming salamat."

His eyes softened, pinauna niya ako sa elevator.

"I'm glad she offered you food, at walang anuman, Lia. I just want you healthy, para kahit sa ganitong paraan ay makabawi..."

"Po?" I asked. He smiled and shook his head.

"Nothing, gusto ko lang na maalagaan ang staff dito sa ospital. You know you're the heart of our institution, the least I can do as a direc—I mean, as a senior is to make sure you're all healthy."

"Maraming salamat po talaga, Doc." I offered my gratitude again. "I'm super thankful at ang babait n'yo, I'm lucky to have my internship here. I feel so honored."

"Nah, we are honored to have you here, Lia," he reassured "This is the least I could do for all the things I missed...for you."

Hindi na ako nagtanong kahit medyo naguluhan sa kanyang sinabi at muling nagpasalamat.

I spent my day helping the resident doctors, mga filing lang ang documents ang madalas naming ginagawa dahil intern pa lang o kaya ay kasama kasi sa rounds. Sometimes, we had the chance to watch live surgeries and observe.

When I had my break time, pumunta akong cafeteria kasama ang mga co-intern para kumain ng lunch. I opened my phone and browsed my Facebook when I saw new friend requests.

My forehead creased. I created my account pero kaunti lang ang friends ko. Maybe I was really an old-fashioned individual at hindi pa lumalagpas sa five hundred friends ang mayroon ang account ko. I didn't accept much requests dahil nakakatakot at mas marami pa yatang strangers na nag-add.

Tanging memes lang yata ang laman nito at ang profile picture ko ay noong college graduation ko pa, ang litrato ko kasama si nanay.

I clicked and opened it.

Atlas Louis Montezides sent you a friend request.

/Confirm/ /Reject/

My eyes widened. Napatitig lang ako. I even scrolled a bit and saw Heart's friend request! Si Ted din at...Josh!

Wow. They really found my account?

Mabilis na in-accept ko ang tatlo at nang maiwan si Atlas ay natulala lang ako. I clicked on his profile and saw his profile picture.

He was wearing a gray dress shirt there and slacks, nakasuot ng doctor's coat. His hair was kinda messy, may suot pa siyang salamin at nakapamulsa at sa kanyang background ay ang isang sikat na medicine school sa ibang bansa.

His cover photo was just a photo of him wearing a red and black jersey shirt with the number ten. Nakatalikod sa camera at may hawak na bola. Sigurado akong no'ng high school pa kami nito. Kabisadong-kabisado ko.

I scrolled down his account and found nothing but his cover photo, naka-private yata. Slowly, I clicked on the confirm button at wala pang ilang segundo ay may nag-pop na message kaya napatalon ako sa gulat.

Atlas: Hi, bibi ko😗

I gasped and bit my lower lip, humugot ako ng hininga at tumipa.

Amalia: Hi rin :)

Atlas: It's lunchtime there, kumain ka na?

Amalia: I'm currently eating, ikaw? Kumusta convention?

Atlas: Boring kasi wala ka :)

Nakagat ko ang labi ko at mahigpit na napahawak sa scrubs ko.

Amalia: Ah, gano'n ba? Ah, una na ako kasi busy may gagawin pa.

Atlas: Okay, take care. Don't skip your meals. Mamaya pa ang uwi ko kaya baka sa susunod na araw nandyan na ko. Kapag nakauwi na ako, can we go out?

Nakagat ko ang labi ko.

Amalia: Huh? Kailan?

Atlas: Wednesday, nandyan na ako. 8 PM at Luxe's?

Wala naman siguro masamang makipagkita? Isa pa...I kinda missed him.

Amalia: Ok, take care.

Atlas: I miss you.

Napasinghap ako at halos paypayan na ang sarili nang may nag-pop ulit na message.

Atlas: I love you😘

Doon ay pinaypayan ko na ang sarili ko. I thought I'd hyperventilate kaya nag-react na lang ako ng mabilisan at mabilis na nag-off ng data.

Santisima, Montezides. Parang nagdalawang-isip yata akong in-accept ko 'yan?

Kinabukasan ay naging abala ako sa pinapaayos na medication chart, checking kung tama ang mga gamot na inireseta ng mga doktor. I was glad na binigyan nila ako ng opportunity to check dahil pharmacist naman daw ako kaya hindi na bago sa akin ito.

I talked to my co-interns about most common side effects ng mga gamot na ibinibigay sa pasyente at masaya akong kahit papaano'y may natutunan din silang mga bagay na hindi pa nila alam dahil daw iba ang pre-med courses nila.

For our lunch, nagulat ako nang bigla na lang lumitaw si Heart na malaki ang ngisi, may hawak pang pumpon ng bulaklak.

"Oh, may bulaklak ka, ah?" I noticed kaya nagulat ako nang iabot niya sa 'kin 'yon.

"Loka, hindi. Galing 'yan kay bobo." She smirked.

I froze. "H-huh? 'Di ba, nasa flight pa 'yon—"

"Girl, pabida, tawag nang tawag, nag-order daw siya nito, kunin ko at babayaran niya ako. Siyempre may tubo ako, twice sa presyo kaya gora," tawa niya.

I was hesitant at first pero kinuha ko iyon at pinagmasdan ang mga rosas sa loob, I saw a small note kaya kinuha ko iyon at binuksan.

I miss you, bibi ko😘😘😘

Napakurap ako at nag-init ang pisngi. Nang makitang nakatitig sa akin si Heart ay umayos ako ng tayo, ngumisi naman siya at sinundot ako.

"Ayieee? Kilig siya!" asar niya.

"H-hindi, ah!" I exclaimed.

"Sige, maniniwala akong hindi basta sabay tayong magla-lunch?" She smiled.

Hindi kasi ako sumasabay sa kanya at wala namang masama, 'di ba? Gusto ko rin.

I nodded. She squealed and danced happily.

It was refreshing having lunch with her, parang bumalik sa akin ang pagkain namin noong high school pa kami sa may field o kaya ay sasamahan niya ako sa clinic. Hindi rin siya nauubusan ng topic kahit na wala ako masyadong nake-kwento kasi medyo nahihiya pa ako.

"Oo, grabe, Lia! Tapos no'ng board ng nurse para akong mababaliw sa gedli!" she said animatedly.

"Paano mo nasiksik ang aral mo ng tatlong linggo?" I asked, chuckling.

"Hindi na ako natulog, grabe, ginawa ko ng tubig 'yong kape!" she explained. "'Yong puso ko no'n puro dug-dug-dug lang—"

Her phone suddenly rang, sabay kaming napalingon sa phone niya sa lamesa at nakita ko ang tumatawag.

Alien na gago calling...

"Ay, pota!" Mabilis na ni-reject ni Heart ang tawag kaya napakurap ako.

"Okay lang, pwede mo namang sagutin—"

"Hayaan mo, wala akong paki sa mga alien! Mabulok pa siya sa gedli!" she snapped at sa lakas ng boses niya ay napatingin sa amin ang mga tao kaya siniko ko siya.

"Oops?" She chuckled awkwardly and covered her mouth.

Wednesday came and I got off work early because of a call from my senior pharmacist asking me to attend her birthday celebration. Ma'am Dina, our senior pharmacist was almost like my second mother, sobrang bait niya at maraming beses ko na siyang napakiusapan sa mga schedule ko na palagi niyang pinagbibigyan kaya I should really go today.

I totally forgot about it, kung hindi lang siya personal na tumawag at nag-imbita. Even Kid, my co-pharmacist called, sinusiguradong pupunta ako kaya dali-dali akong nagbihis at pumunta sa sinasabi nilang location.

I was really frantic dahil sa sobrang abala ko ay nakalimutan ko! Nagmamadali pa akong pumunta sa mall para bumili ng pabango na ipanreregalo ko at sumakay ng taxi para makapunta sa venue.

My phone beeped.

From: Kid

Lia, saan ka na? Nasa resto na kami, nandito na si ma'am. :)

To: Kid

I'm on my way, sorry, medyo busy kasi sa ospital late na ako nakapag-out.

I sent it to him at iba-back ko pa lang sana sa home screen ang phone ay bigla na lang namatay ang telepono ko kaya napasinghap ako at napailing.

Lowbat na ako! Bakit ba hindi ako nakapag-charge?

Pagkarating ko sa resto ay nagsisimula na ang kasiyahan pero luckily, naabutan ko ang kantahan nila ng Happy Birthday kay ma'am. We took photos at si Kid ay mabilis na nag-upload at ngumisi.

"Tag ko kayo, ah!" aniya.

Ma'am Dina was really happy seeing me, pinakilala pa niya ako sa mga bagong Pharmacists na nakasama sa aming celebration na parang proud na proud na Nanay kaya tuwang-tuwa ako.

"I'm really glad you made it here, Lia!" she cheered. Yumakap ako sa kanya.

"Happy birthday, Ma'am! Pasensya na po at na-late ako." I showed her the paper bagt. "Ito po, gift ko. Pasensya na, Ma'am at huli na ako nakabili."

"Ay, naku! Wala iyon, hija!" She chuckled. "Masaya na ako na nandito ka, kahit walang regalo!"

I had fun with them, nagkakantahan pa sila sa private room na kinuha ni ma'am at nag-iinuman.

"Inom, Lia!" Kid offered me a drink which I immediately rejected.

"Ah, salamat, Kid pero hindi kasi ako umiinom."

"Oh, bakit?"

"Wala naman, ayoko lang. Ayos na ako sa juice." I showed him my glass.

"Alright, alright." He chuckled and placed his hand on the back rest of my chair.

Pinanuod ko lang silang nagkakasiyahan, napasulyap ako sa orasan at nakitang mag-e-eleven na ng gabi. I took my phone and tried opening it pero namatay din kaagad kaya napanguso ako at kinalabit si Kid.

"Kid, may charger ka? Pwedeng pahiram?" I asked.

"Oh, sure, sure." He smiled and took his bag, inilahad niya sa akin ang charger kaya sinaksak ko roon sa may outlet ang charger bago nag-charge ng phone.

I waited for my phone to have at least ten percent before I opened it at halos malula ako sa sunod-sunod na mga text at missed calls.

Anong mayro'n?

My forehead creased as I scrolled through the messages.

From: Sir Alex (LBG)

Hi, bibi. I'm here.

From: Sir Alex (LBG)

Sabi ni Heart maaga ka raw nag-out? I'm here early if gusto mong pumunta kaagad :)

From: Sir Alex (LBG)

Take your time, dito lang ako.

From: Sir Alex (LBG)

Where are you? Are you alright? Nandito lang ako.

From: Sir Alex (LBG)

May pinuntahan kang birthday?

From: Sir Alex (LBG)

It's okay, ingat ka pag-uwi :)

"O-oh my God." I covered my mouth and gasped.

I forgot! We scheduled dinner tonight at eight, eleven na!

Mabilis akong napaayos ng upo at halos hilahin na ang buhok sa frustration.

To: Sir Alex (LBG)

Atlas! I'm so sorry! Nakalimutan ko. May birthday kasi ang senior pharmacist namin. I forgot to message you. I'm sorry.

To: Sir Alex (LBG)

Nakauwi ka na? Sorry, babawi ako, promise.

To: Sir Alex (LBG)

Can I call?

Kinuha ang phone ko at nagpaalam para lumabas ng resto at tawagan si Atlas pero dalawang ring na ay wala pa rin. Binabagabag na 'ko sa kaba.

Is he okay? Is he mad?

I touched my chest to calm myself down, muli akong tumawag at halos mapatalon nang may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

"Hello, Atlas?!" I almost screamed his name.

"Uh...is this bibi?" Nagtaka ako nang natantong iba ang sumagot.

"Hello? Who's this? Saan si Atlas?" I asked the man on the other line. "This is Amalia, his friend. Pwedeng pabigay—"

"Lia! Thank God, you called!" Narinig ko kaagad ang ang maingay na background.

"Who's—"

"This is Ted, sandali, maingay..." aniya at maya-maya'y tumahimik. "Hello?"

"Ted?" Kumunot ang noo ko. "Si Atlas? Bakit na sa 'yo ang phone? Ayos lang ba siya?"

"Yes...no." He sighed. "May ginagawa ka ba? If it's okay, I need rescue."

"Huh?" Mas kumunot ang noo ko at kinabahan na. "B-bakit? Ayos lang ba kayo?"

"Oo na hindi." He sighed again. "Ang hirap i-explain, Lia. Is it okay if you come here?" Sinabi niya ang lugar.

"Sige, pupunta ako. Ano bang nangyari?" I asked.

"Ewan ko, kinukulit ko nga kanina si Atlas na manlibre kasi birthday niya ngayon pero ayaw at may date raw kayo?" Mas nanlaki ang mata ko.

"B-birthday?!" I exclaimed. "T-talaga?"

"Oo?" he answered, confused. "Pero bigla na lang tumawag, libre daw niya tapos walwal kami kaya pumunta ako...maayos naman na kanina pero ngayon..."

Humapdi ang dibdib. Humugot ako ng hininga. "Ano? Anong nangyari?"

"Okay naman kanina tapos ngayon...pinipigilan ko naman, Lia, pero nagsho-showdown na sila ni Heart sa dance floor." I closed my eyes tightly.

"Oh my God," I whispered.

"Oh my God talaga." Natawa pa siya. "Can you come here, please? I'll wait for you outside. Hindi ko na mapigilan 'yong magpinsan, lasing na at nagbibida roon sa gitna."

"Sure, sure," I said at mabilis na tumakbo sa loob para magpaalam.

When they let me go, nagtawag ako ng taxi at mabilis ding nakarating sa bar na sinasabi niya. Pagkababa ko pa lang ay naabutan ko kaagad si Ted na nakasandal sa kotse at may katabing babae.

"Lia!" he called when he saw me. Tinakbo ko sila.

"Hello, Ted. Sina Atlas?" I asked. He pointed at the entrance.

I nodded and smiled, napabaling sa babae sa kanyang tabi.

"Hello, good evening," she greeted.

"Good evening din,"

"Oh, anyway, Lia this is Cristina, my girlfriend." Nanlaki ang mata ko at natuwa. "Love, this is Amalia, kaibigan ko."

"Hello, Amalia." The lady smiled. She offered her hand which I happily took.

"Hello rin, Cristina. Nice meeting you."

"Oh, sakto, nandito na ang bagong luwas..." Tumawa si Ted kaya sinundan ko ang tingin niya't napasinghap pagkakita kung sino iyon.

"Josh!" I exclaimed.

He suddenly stopped, umiinom pa siya ng tubig habang hila ang maleta niya at nang mapabaling siya sa akin ay biglang nabilaukan at nabuga ang tubig.

"L-Lia?!" he exclaimed.

"Hello!" I laughed and waved. Tumakbo siya para yumakap. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik at nang maglayo kami at 'tsaka niya ginulo ang buhok ko.

"Ngayon lang kita nakita ulit! Kaka-accept mo lang sa akin sa Facebook, ah?" Tumitig ako sa kanya, namamangha.

"Kakarating mo lang? Tumangkad ka lalo, ah?" I noticed. He was wearing his white shirt and pants, magulo pa ang buhok! Mas lalo siyang gumwapo!

"Siyempre, ako pa ba? Doktora?" He grinned kaya natawa ako at napailing.

"Wala, 'di pa, mag-e-exam pa ako,"

"Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Alam na alam nga ni Cap na makakapasa ka!" He grinned kaya tumawa lang ako at napailing.

"I hope so,"

Inilagay muna ni Josh ang gamit niya sa sasakyan ni Ted at kagaya ko ay pinakilala rin niya sa kanya ang girlfriend niya at mukha namang mabait at mahinhin ang babae. Palangiti rin kaya magaan ang loob ko sa kanya.

"Buti dumating kayong dalawa, 'di ko na alam paano pipigilan 'yong dalawa doon," ani Ted na inaalalayan ang girlfriend niya.

"Sinong dalawa? May kasama si Cap?" ani Josh na sinuklay ang buhok ng daliri.

"E 'di si ano..." Biglang tumawa si Ted. I was confused when he smirked knowingly. "'Yong puso mo—"

"Heart?" Biglang sumeryoso si Josh. "Kasama ni Cap?"

"Oo, ayon, nagsho-showdown—"

"Hindi mo sinabi kaagad!" Biglang bumusangot si Josh at bumaling sa akin. "Tara, Lia, sunduin natin 'yong magpinsan!"

He pulled my wrist, nagmamadali papasok. Nang makarating kami sa may dance floor ay maingay na ang mga tao roon pati ang DJ.

"Excuse me." Hinawi ni Josh ang mga tao at tinakpan ako para 'di ako matamaan. "Tara, Lia, careful. Baka matamaan ka."

We got past the crowd at nakita kong biglang natigilan si Josh.

"Tang..." he muttered loudly kaya nagtaka ako at napabaling sa stage at parang lumuwa ang mata ko nang makitang nasa may stage si Atlas at Heart at doon na sumasayaw.

I blinked, still couldn't believe what I'm seeing. Si Heart ay todo hataw doon sa gitna, gusto pa nga yatang umakyat sa pole pero 'di niya abot kaya sumasayaw na lang sa gilid at nakita kong tuwang-tuwa ang mga nanunuod.

Kahit makulay ang ilaw ay kitang-kita ko ang pula sa mukha ni Atlas dahil sa kalasingan. Nakataas ang kamay niya sa ere at ginagalaw ang balakang niya, may step pa na bigla niyang itinaas sa may ere ang kamay at naalala ko ang "yanig" dance step niya kaya napakurap-kurap ako.

"He's so handsome! Kilala n'yo?!" I heard the drunk girls giggling beside me.

"Mine! Mine!" Qng katabi niya ay tumili. "Watch me, I'll take him home. Mine!" She giggled. Mas nagsalubong ang kilay ko.

"He's mine! Watch me take him home, girls!" they giggled.

Kinuha ko ang kamay ko mula kay Josh at bumaling sa mga babae sa tabi.

"Excuse me? Anong mine? Akin 'yan!" I couldn't help but exclaim kaya natahimik sila.

"Huh? Pinagsasabi mo, Miss?!" Ang nagsabi ng mine ay nakabusangot pero masama ang tingin ko sa kanya.

"Sabi ko, 'yong mina-mine mo r'yan, akin," I said seriously and smiled when she opened her mouth to speak pero biglang ng makarinig ako ng tili ay napaharap ako sa stage.

My eyes widened when Josh took Heart, mabilis niyang nabuhat ang huli at parang sakong nilagay niya sa balikat niya. Tumitili naman si Heart doon.

"H-hoy, bakit mo kukuha pinsan ko!" Atlas stopped dancing and hissed groggily, nagkatinginan kami ni Josh kaya mabilis akong lumapit doon.

Atlas went down the stage to fight with Josh. "H-hoy! Shino ka—ba't mo kukuha si bobo—pinsan ko 'yan!"

"Cap! You're both drunk," ani Josh na seryoso pero si Heart ay tumitili lang.

"Oh! Josh!" Biglang humagalpak si Atlas at pumalakpak nang matanto kung sino. "'D-di mo babatiin ang birthday boy?!" Mas tumawa siya.

Bumaling sa akin si Josh kaya nilapitan ko si Atlas na biglang natulala sa akin.

"Oh, ayan, regalo ko, Cap," tawa ni Josh pero 'di na sumagot ang huli at nakatitig lang sa akin gamit ang namumungay niyang mata.

"Let's go," I said and took his wrist, he glanced at it and back to my face as his smile widened.

"O-oh, bibi ko!" He laughed, nanlaki ang mata ko nang marahan niya akong hilahin patungo sa kanya at hawakan ang baywang ko. "Everyone, bibi ko!"

The crowd cheered, pumapalakpak pa kaya nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.

"A-ang nagpapayanig ng mundo ko!" he exclaimed, tinaas pa ang kamay at biglang yumanig kaya napapikit ako at nahiya para sa kanya.

Nagtilian at tawanan ang mga tao at halos takpan ko na ang mukha ko.

"Putek na..." Biglang lumitaw si Ted na tumatawa at si Josh na naiiling, buhat pa rin sa balikat ang nagwawalang si Heart.

"Hilahin mo na 'yan, Lia." Ted laughed. Mabilis na humawak ako sa pulsuhan ni Atlas at hinila na siya paalis sa crowd.

Good thing, hindi naman siya nagpabigat. Nang makawala kami sa crowd ay napahugot ako ng hininga dahil lumuwang na ang pakiramdam.

"Ako na kay Cap," ani Ted bago lumapit kay Atlas na nakapikit na habang nakatayo. Pulang-pula ang kanyang mukha at parang isang tulak lang ay matutumba na.

"Sige, salamat." I nodded, pleased for his help at nakakatakot na baka kapag natumba si Atlas ay tuluyan na akong madaganan.

"Let me go! You ugly alien!" Heart screamed her lungs out. Sinipa pa si Josh kaya napadaing ang huli at nanlaki ang mata ko nang paluin ni Josh ang pang-upo nito kaya natigilan ang huli at napangiwi ako nang matinis lang ito tumili.

"Pakyu ka, Alien!" Heart screamed.

"She's usually loud when drunk," ani Ted, nasa balikat na niya ang braso si Atlas. "Ito naman si Cap, mamaya 'yan kapag medyo nakatulog," tawa niya.

Nauna na ang girlfriend ni Ted sa kanyang sasakyan, naupo ito sa shotgun seat at nagsabi si Ted na siya na ang magmamaneho.

He helped me bring the sleeping Atlas in the back habang si Josh ay marahang pinapaupo si Heart sa upuan at na ngayo'y tulog na din at humihilik.

"Here, Lia." Ted tapped the seat beside Atlas.

"Salamat, Ted." Inalalayan pa niya akong paakyat.

I sat beside Atlas and touched his face, nakasandal siya sa salaming bintana at bahagyang nakaawang ang labi at namumula. He looked so adorable, bigla kong naalala ang dance number nila ni Heart sa stage at bigla akong napangiti, natatawa sa imahinasyon.

"You okay there, Lia?" Josh asked, dumungaw pa sa akin sa likod habang inaayos ang ulo ni Heart sa balikat niya.

"Yes, I'm okay." I smiled.

He nodded, dumungaw sa amin si Ted at nagtanong kung babiyahe na ba kami pauwi at nang um-oo kami ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.

Unang paandar pa lang ni Ted ay nahuli ko na ang biglang paghulog ng ulo ni Atlas at medyo umikot pa ang ulo sa ere, at bago ko pa man maabot ang mukha niya at tumama na siya sa salaming bintana kaya lumagpok.

I gasped, mabilis na hinuli ang ulo niya pasandal sa balikat ko, napalingon sa akin si Josh at narinig ko ang tawa ni Ted sa harapan.

"Is he alright?" Josh laughed. Sumulyap ni Ted sa salamin.

"Yeah, tumama lang." Napailing akong natatawa.

Habang nasa biyahe ay sumandal ako para ma-relax at hinayaan si Atlas na nasa balikat ko.

Liquor and his familiar scent invaded my senses. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

It's his birthday?

I forgot about it...ni hindi ko man lang naalalang dumalo sa dinner na hinihingi niya sa akin kanina. I suddenly remembered my eighteenth birthday and how I felt...I didn't know kung anong naramdaman niya ngayon.

Nasaktan din ba siya kagaya ko noon o hindi?

I closed my eyes and sighed, nakitang ang kanyang palad ay nasa may hita ko kaya marahan ko iyong inabot. I filled the gaps in between his fingers with mine and brought it slowly on my lips, giving it a quick kiss.

"I'm sorry, Atlas," I whispered. "I'm so sorry."

I heard him groan, napasinghap ako nang gumalaw ang ulo niya at maya-maya'y nakadikit na ang kanyang mukha sa aking leeg.

"B-bibi..." His warm breath touched my neck and it made me shiver. Lumalim ang paghinga ko nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko at tumama ang labi niya sa leeg ko.

"L-Lia," he whispered and buried his face more, ang isang braso niya ay umikot na sa baywang ko at yumakap kaya napapikit ako at dinama ang init niya.

"Hmm?" I hummed. I heard his sharp inhale before kissing my neck briefly again.

"L-love na love kita," he whispered. My heart throbbed.

I felt it thumping in a familiar rhythm, that thump that was so familiar to me, the beat that only he could make me feel.

"R-really?" I whispered and lifted my other hand to caress his hair.

"H-hmm, pwamis...peksman." He giggled, his words drunk and twisting. "L-Lia lang love ko..."

It made me smile, humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay at muli itong dinala sa labi ko para hagkan.

"Just give me time," I whispered back. "Gaano mo ako ka-love?"

"Super!" he suddenly exclaimed, nagulat ako nang lumayo siya sa leeg ko at itinaas pa ang kamay pero tumama ang kamao niya sa bubong ng kotse kaya nag-ingay at nanlaki ang mata ko.

"Super dami! Abot kay Lord!" he announced loudly at lahat kami ay nagulat nang biglang napapreno si Ted. Nakita kong nawalan ng balanse si Atlas at napasinghap na lang ako nang muling tumama ang ulo niya sa bintana.

"Anong..." Ted glanced at us pero humahagalpak lang si Josh.

"Wala, naaaning si Cap, sige lang," tawa ni Josh.

"H-hoy, boplaks! Talagang aabot tayo kay lord kung palpak ka!" Mas nagulat kami nang biglang umahon si Heart sabay tawa pero biglang nahulog na naman ang ulo. Sinalo ni Josh pabalik.

Panicking, I took Atlas' head back to me, inabot ko ang mukha niya.

"Y-you okay?" I muttered softly, marahang hinaplos ang kanyang pisngi pero hilik lang ang sinagot niya sa akin kaya ibinalik ko na lang siya sa balikat ko.

Hindi rin nagtagal ay nakauwi na kami sa building. Josh carried Heart in his arms, at si Ted naman ay kinuha sa akin si Atlas na parang tarsier kung makakapit.

"Ayaw! Ayaw!" I frowned when I caught him pulling Ted's hair when he tried assisting him.

"Cap! Aray!" Ted hissed.

Natawa ang girlfriend niya sa tabi ko. Bumaling ako.

"Pasensya na, ah?"

"No, it's okay." She smiled.

Pahirapan pero nakapikit na si Atlas nang makumbinse na ni Ted na tutulungan. We went to our floor.

Atlas looked so wasted, namumula ang mukha at magulo ang buhok, medyo bukas pa nga ang polo niya. Heart was sleeping deeply too, nakaikot ang braso sa seryosong si Josh at humihilik pa kaya napangiti ako.

When we reached our floor ay nauna kaming magtungo sa unit ni Heart.

"Hala," I muttered. "Hindi ko alam ang passcode." I glanced at Josh.

"Type this," aniya kaya nagulat ako at lumapit sa passcode.

"Alam mo?" I asked. He nodded and smiled briefly.

"Yeah, she told me." He chuckled at nang sinabi niya ang code ay mabilis iyong nabuksan at pumasok siya habang buhat si Heart. Sinundan ko siya ng tingin bago tinawag ang pansin.

"Babalik ako, Josh, ah? Puntahan ko muna si Atlas," I told him. He nodded.

Lumabas ako at bumalik kina Ted at ang girlfriend niya na nasa tapat ng unit ni Atlas.

"Uh, Lia," Ted said kaya lumapit ako sa kanila. "Anong passcode ni Cap?" he asked kaya bahagyang nanlaki ang mata ko at mabilis na napailing.

"Hindi ko alam," I muttered and bit my lip, biglang nag-panic at tinuro ang unit ko.

"U-uh...ano, pwedeng dito na lang sa unit ko," I said.

"Ayos lang?" ani Ted na medyo nangingiwi na sa bigat ni Atlas. Nahiya naman ako kaya mabilis akong tumango, binuksan ang unit ko at pinapasok na sila.

"Dito." I opened the door to my bedroom.

I watched him enter my room, sumunod ako at halos mapapikit pa sa nang 'di na kinaya ni Ted at sabay silang natumba ni Atlas sa kama.

"A-aray ko...Cap, ang bigat mo!" Ted hissed at dali-dali akong tumulong para maayos si Atlas sa kama.

Bumulagta ang huli roon, si Ted naman ay napahawak sa batok at ngumiti sa akin.

"Ah, Lia, sorry, ah? Ayos lang ba kung ikaw muna rito kay Cap?" ani Ted. Tumango ako.

"Oo naman, okay lang."

"Pasensya na, I wanted to help but Cristy..." He pointed to his girlfriend. "She has a flight tonight, ihahatid ko pa."

"Pasensya na, Lia," ani Cristina. Dagli akong umili.

"Naku, ayos lang," I assured them. "Kaya ko 'to, salamat sa tulong n'yo. Ingat kayo sa biyahe."

"Alright." Ted smiled. "Balik ako bukas."

"Sige, salamat. Ingat kayo," ngiti ko.

Inayos ni Ted si Atlas muna sa kama ko. Nakipag-beso muna sa akin si Cristina at hinatid ko sila kina Heart at magpapaalam daw muna sila kay Josh.

"Si Heart?" I asked. Josh pointed at her bedroom.

"Sleeping," aniya.

"Nakapagbihis na ba? Ako na ang magpapalit ng damit niya," agap ko.

"Not yet. Binalot ko ro'n ng kumot at kanina pa 'ko sinasabunutan. Baka kung bihisan ko, masipa pa ko't sa Mars mapadpad." He smirked. "Alien pa man daw ako."

"Loko lang 'yan si Heart." I chuckled and waved at him.

Pumasok ako at nakita ang kaibigan na nasa kama at balot na balot ng comforter, kumuha ako ng nakita kong damit sa closet niya bago lumapit sa kanya na nahihilik pa.

Tinanggal ko ang comforter, binihisan ko siya ng damit at pajama at nang matapos ay muli kong tinakpan ang katawan niya ng comforter at lumabas.

Josh was waiting.

"Is she okay?" aniya kaya kaagad akong tumango at ngumiti.

"Yes, ikaw na muna sa kanya, Josh, ah? I trust you. Punta-punta ako rito kapag kailangan ni Heart." I smiled. "Pasensya na, si Atlas kasi bulagta pa rin sa kama. 'Di mabuksan ang unit niya kaya ro'n na lang."

He chuckled and nodded. "Don't worry, you can count on me. I'll stay here outside her room. Buksan ko lang ang pintuan para makita siya at baka malunod sa suka."

I laughed. He grinned.

"If you need help for Cap too, message mo lang ako o kaya ay pumunta ka rito para matulungan na kita."

"Sige, maraming salamat."

Josh walked with me towards my unit, nang makapasok ako ay 'tsaka lang siya umalis.

I felt a bit tired, pumunta ako sa kusina para kumuha ng baso ng tubig at nag-ponytail ng buhok bago muling pumasok sa kwarto. My forehead creased when I saw no one on my bed.

"Atlas?" My forehead creased.

Nakita ko ang ilaw sa may banyo, kumunot ang noo ko at pupunta sana roon nang biglang magbukas ang banyo at nakita ko si Atlas na lumabas at mukhang lutang.

"At—"

"Ashan si Heart?" he muttered and my eyes widened when I saw him top;ess, hawak niya ang shirt na suot at ang pantalon niya ay medyo bukas na ang butones at bigla akong natakot na mahulog! "Shayaw tayo, Puso! Showdown!"

Ito ba...ang sinasabi sa akin ni Ted na pagkatapos matulog ito sinusumpong?

Halos mapatalon ako nang may tumugtog na alarm o kung ano at may napansin akong phone na umiilaw sa kama. To my horror, he suddenly swayed his hips, tinaas ang kamay at pinaikot ang shirt sa ere.

"Ihataw natin 'yan! Ihataw!" Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya at sa tingin ko'y iniisip pa rin niyang nasa bar siya.

Napainom ako ng tubig at bigla siyang napaharap sa akin at napangiti, antok pa at mapungay ang mga mata at humakbang.

"O-oh, bibi ko!" he exclaimed happily, sa muling paghakbang niya ay biglang nahulog ang kanyang pants at bigla kong nabuga ang tubig ko, nanlalaki ang mata sa nakita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co