Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 28

heartlessnostalgia

Kabanata 28

"AY, alien na gago! Bakit nandito 'yan?!" halos maghisterikal na si Heart nang makita namin kung sino ang nag-aabang sa labas ng airport.

Josh was resting his back in a car, wearing his shades. Napaayos siya ng tayo nang makita kami at ngumisi.

"Cap! Lia!" He smiled brightly, jogging towards us, tinanggal niya ang shades at bumaling sa kaibigan ko.

"Hi, love." He smiled at Heart.

"Yuck..." Heart frowned and rolled her eyes.

My eyes widened, narinig ko ang hagalpak ni Atlas sa tabi ko at mas pinirmi ang kamay sa aking baywang.

"Should we go, Josh?" Atlas asked. Josh's gaze lingered on Heart for a few moments until he nodded.

"Saan gamit n'yo?" he asked. Inabot ni Josh ang ibang gamit do'n bago binuksan ang sasakyan niya. Nagreklamo ni Heart sa tabi ko.

"Gago ka, boplaks, ano 'to?!" she hissed, slapping her cousin's arm.

Sa akin agad ang tingin ni Atlas.

"Bibi ko, away ako ni Puso." He pouted.

"'Wag mong landiin si Lia, sagutin mo ako!" she hissed kaya tumango ako.

"Sagutin mo na kasi 'yong tanong," I encouraged Atlas who only grunted.

"Siya kasi ang nagpresenta sa catering mamaya," he explained. "We talked to Dr. Sean and okay na okay sa kanya so...siyempre, helping a friend?"

Ngumiwi si Heart. Bumaling si Atlas sa 'kin.

"I'm gonna help Josh fix our things first, are you okay now, bibi?"

"Hmm." I smiled. "Okay lang ako."

He nodded and kissed my head before helping Josh. Kinuha niya rin ang bagahe ni Heart bago nagtungo sa sasakyan. Kaagad na kumapit sa akin si Heart at suminghap.

"Lia, si gago," she whined.

"Sa catering naman daw," alo ko. "Malay mo, this is the opportunity for the both of you to make up, right?"

"Make up, huh!" She rolled her eyes. "Ayaw ko na, hindi na ako marupok, Amalia."

"Parehas tayo," I said kaya tumikwas ang kilay niya. "'Di rin ako marupok," dagdag ko para gumaan ang atmosphere kaya nagkatawanan.

"The blind leading the blind," she whispered teasingly.

Dr. Sean came to us after checking the other vans for the staff. Personal van ni Josh ang gagamitin namin ngayon kaya 'di kami sasabay sa kanila.

"Lia," Doc called when he came near us. "Ayos ka lang ba talaga? We could check if you're okay or not,"

His worry touched my heart.

"Okay lang po talaga ako, Doc."

"But you're pale," he said, inangat niya ang kamay at dinama ang noo ko. "Are you sick? Hindi ka naman mainit, masakit ba ang ulo mo?"

"Nahilo lang po siguro, Doc," I answered. "First time po kasi sa eroplano."

He watched me for a while, mukhang tinitimbang ang reaksyon ko kaya ngumiti ako. When he was satisfied, he decided to let it go.

"Basta, promise na kapag may nararamdaman kang hindi maganda, sabihin mo kaagad sa akin...o kahit sa mga kaibigan mo, okay?"

"Yes po."

"Ako bahala kay Lia, Doc!" Heart cheered, nakipag-apir pa kay Doc Sean.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawag kami ni Atlas para pumasok na sa sasakyan. Josh's staff was in another van, kasama raw ang mga iluluto nilang pagkain mamaya. Heart had no choice but to sit in the front seat beside Josh dahil nagsabi si Atlas na sa likod kami at magpapahinga ako.

I was worried for Heart because I saw her glaring at Josh pero ngumisi lang ang huli sa kanya at sinapok niya ang ulo nito kaya natawa na lang ako at gumaan ang pakiramdam.

They're casual, I think?

Atlas was so attentive to me while on the way to the site. He was worried, I could sense it pero hindi siya nagsasalita at pinagmamasdan lang ako. He even hugged me and asked me to rest on his chest while we were traveling.

The pain lessened but I was still confused. Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang naging pagsakit ng dibdib ko. Sometimes, I felt like I couldn't breathe kahit wala naman akong ginagawang kahit ano. Sometimes, it hurt even in my sleep kaya nagigising ako ng madaling-araw.

Akala ko no'ng una ay nagkataon lang but these days, it was doubtful to me. I was so tempted to go and visit a clinic but I was scared about what the doctor would tell me. I was scared and worried if malalaman ito ni Atlas at ng mga kaibigan ko.

Isa pa, my board exam was nearing. If ever the doctor will tell me to stop stressing myself, it would mean stopping me from taking my exam...hindi ko kaya.

I prepared so much for this. Habang nasa internship ako sa ospital at nagtatrabaho sa pharmacy ay nag-aaral ako. I wanted to become a doctor so much and I couldn't take it if will be delayed.

Kaya ko 'to. Kayang-kaya ko 'to.

I slept on my boyfriend's chest and he woke me up when we reached the site. I was relieved when I felt great and relaxed. Nang magising ay niyakap ko si Atlas.

"Hmm, ang lambing ng bibi ko, ah?" Atlas chuckled, slowly touching my waist so he could hug me.

Sumiksik ako sa kanyang leeg at mas yumakap. He chuckled when I kissed his neck.

"Love you, Atlas," I whispered.

Napaubo siya, nagtaka ako at akmang sisilip pero hinigit niya lang ako lalo at yumakap.

"Fuck, don't look at me, bibi. I'm blushing," he mumbled.

Napatawa ako. "Bakit ka naman mahihiya?"

"Basta, para siguro akong kamatis na napisat ngayon," he whispered back and I wanted to see it so I pulled away from him.

Wala na siyang nagawa nang makawala ako at makita ang kanyang mukha. Totoo ngang namumula talaga siya.

"E, I told you," he whined, mag-iiwas pa sana pero sinapo ko ang pisngi niya.

"Bakit ka nahihiya?" I asked.

"I'm just shy," maliit niyang sabi.

I chuckled, finding him so adorable kaya I slowly tilted my head and captured his lips for a quick kiss. Nang lumayo ako sa kanya ay nakatunganga lang siya sa akin.

Napalingon ako sa harapan ay nag-init ang pisngi nang mahuling nakadungaw at nakatunganga sa amin si Josh at Heart. Mula sa amin ay bigla silang nagkatinginan, nagkatitigan pero sabay ding tumikhim at nag-iwas na parang walang nangyari.

We had to climb up the area at naroon daw ang site namin. Medyo matarik ang mga daan paakyat at batuhan, may mga dadaanan din kaming mga sapa at hindi na ako nagulat na hindi nakakatanggap kaagad ng medical na atensyon ang mga nakatira doon.

Malayo sa kabihasnan, maraming tatahakin ang mga doktor at miski ang mga pasyente kaya mahirap.

I felt sad hearing these kind of stories, nakakalungkot na ilang oras ang dapat tahakin ng mga tao para lang magpagamot o bumili man lang ng gamot.

Dr. Sean checked on me and told us that the other team and medical staff located here around Cagayan Valley were now on the site, kahapon daw sila dumating.

Hindi ko sigurado but Heart walked first, ka-kwentuhan niya si Dr. Sean na nauuna sa amin habang papaakyat. I was with Atlas and Josh so I had a hunch na umiiwas siya kay Josh.

"Careful, bibi." Atlas touched my hand to assist me, ngumiti naman ako at mas kumapit sa kanyang kamay.

"Thank you," I said.

Halos sabay na kaming naglalakad dahil inaasikaso at tinitingnan niya ang bawat apak ko sa batuhan.

For almost fifteen minutes, we continued walking, magkausap si Josh at Atlas at naririnig ko rin kaya napapatingin ako.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?" I heard Atlas ask him.

"I don't know, ayaw naman niya akong kausapin," Josh answered at alam ko na kaagad ang tinutukoy niya.

"Tell her why you're going to Manila, she's making her own conclusions. Ayaw ko namang sabihin ang dahilan mo kasi kayo dapat ang nag-uusap."

"Gusto ko nga sana, kaya nga akong bumalik ng Maynila nitong nakaraan. Ako ang nag-asikaso sa kanya no'ng nagwalwal kayong dalawa at nagpabida sa bar, 'di ba?"

I suddenly laughed when I remembered what the two did, napatingin sa akin si Atlas at tumalim ang tingin.

"Amalia," he whined kaya nakagat ko ang labi, nagpipigil na ng tawa.

"H-hindi na." Tumikhim ako para 'di mapatawa. "Ano, panaginip ko lang 'yon."

He smiled brightly and nodded. "Okay, bibi. Good girl." Hinaplos pa niya ang buhok ko kaya nakagat ko ang labi, nagkatinginan kami ni Josh at nakita ko ang pagpigil niya rin ng tawa.

The two continued talking. Narinig kong kaya pala palihim na nagpupunta si Josh sa Maynila na hindi sinasabi kay Heart ay dahil sa nag-aayos pala si Josh ng papeles sa tinatayo niyang restaurant ulit sa Manila.

He wanted to surprise Heart na doon na siya sa Manila magba-base dahil naging successful ang mga branch niya sa Peñablanca. He was planning to surprise her for their anniversary pero nakipag-break naman daw ang huli at 'di siya pinapakinggan.

I was shocked and thrilled. I knew Josh loved Heart so much that he was doing his best to settle in Manila with Heart, kaysa raw dito sila sa probinsya at iwanan ni Heart ang magandang trabaho.

This was the problem if relationships lacked communication, may mga pagkakataon talagang hindi magkakaintindihan na nauuwi sa hiwalayan. I wanted to tell Heart about this but like Atlas, this wasn't my story to tell, I could just help by listening to Heart.

Twenty minutes of walking and I was tired, pinagpapawisan na. I could feel my feet shaking and my heart aching, ayaw ko mang sabihin kay Atlas ay napansin niya iyon agad at nagpaalam kay Josh.

"Samahan ko na kayo," Josh offered but Atlas refused.

"Sige na, mauna na kayo. You still have to cook, right? Ayos lang, sunod na lang kami ni Lia," ani Atlas.

Pinaupo ako ni Atlas sa may batuhan at nagkatinginan. I smiled apologetically.

"Pasensya na, Atlas. Medyo...napagod kasi ako," I said softly.

"It's okay." He smiled gently. He took his handkerchief and wiped my sweat. "Let's rest for at least five minutes, okay?"

"Sige, sorry ulit," nahihiya kong sabi pero umiling lang siya.

"You don't have to be sorry for things like this, baby. You should take a rest first, here." Kinuha niya ang backpack at kumuha ng mineral water para iabot sa akin.

"Thank you,"

Nawala na ang mga kasama namin pero Atlas remained relax and pampered me, nakangiting nag-uusap lang kami habang magkatabi sa bato at magkahawak ang mga kamay. He was even feeding me his packed biscuits.

He's really thoughtful...how could I deserve him?

"You think I'll pass the boards, bibi?" I asked while resting my head on his shoulder.

"Of course," he muttered, slowly stroking my hand with his thumb. Dinala niya iyon sa labi para magpatak ng halik. "Kayang-kaya mo 'yan, I know you'd ace the boards too like med school."

"But I'm nervous," I whispered. "Mahirap ba?"

"Hmm, practical questions, drug of choice and situational questions. I can teach you some ways to memorize the mechanism of actions per drug," he offered and kissed my hair.

"Sure, thank you. Nakaka-excite namang magpaturo kay Dr. Montezides." I chuckled. "Swerte ko naman at tutor ko ang topnotcher sa physician board exams."

He chuckled too, muling hinalikan ang buhok ko. "Nah, it is me who's lucky 'cause I get to use my pretty and amazing bibi as an inspiration,"

My heart jumped, nag-angat ako ng tingin.

"Really?" I asked softly, my cheeks flushing and he nodded, kissing my forehead.

"Hmm, I told myself I want to be better for you so when I pursue you again, I'll be deserving of you."

"Bakit naman hindi? Baka ako nga ang 'di deserving sa 'yo," I told him. "You see, Atlas. I have nothing, wala naman akong pera. The only treasure I have is my education."

"Nah, your degree is just a bonus, bibi." He touched my hair, slowly putting it behind my ear. "What I don't deserve is your kind and brave heart, what I don't deserve is your attention and love. So, until now...I'm still doing my best to deserve you—all of you."

Natulala ako sa kanya. He winked when he noticed my expression kaya ngumuso ako at pinalo ang braso niya.

"H-huwag mo nga akong pinapakilig," I scoffed.

"Don't you think I deserve a kiss?" Nag-beautiful eyes pa siya. Pinagbigyan ko.

"Sarap naman!" he cheered when we were done kissing and smirked, nagulat ako nang tumayo siya at nag-inat bago dumukwang at tumungo sa harapan ko. "Hop in, bibi ko."

"Hmm?" My eyes widened.

"Piggyback," he said at kahit anong tanggi ko ay wala ring nagawa dahil halos mabuhat na niya ako para lang mapapayag.

Hindi na ako masyadong nagulat nang halos tatlong beses na muntik madapa si Atlas habang nasa likod niya ako at muntik na akong maihagis sa sapa kapag may kumikiliting tubig sa paa niya.

"I-imagination mo lang 'yon!" he exclaimed when he almost slipped. I pinched his cheek.

"Opo na, Doc. Sa dami ng imagination at panaginip ko pwede na akong magsulat ng comedy book," I teased.

I was shy yet thrilled at the same time when we reached the site. Atlas carried me all the way, refusing when I told him I could walk.

He was such a gentleman. I didn't know I could fall even harder now. Pagod na pagod siya pagkarating namin sa site at tawang-tawa sina Doc, Josh at Heart nang parang mahihimatay na si Atlas pagkarating.

Of course, para makabawi, inasikaso ko muna ang boyfriend ko habang nagsasalita pa si Dr. Sean at pinapakilala ang mga kasama namin ngayon sa aming volunteer work.

"Taas mo damit mo, Atlas," I told him. Namilog ang mata niya.

"Huh?" he asked, slowly crossing his arms on his chest.

"Sabi ko, taas mo damit mo," I repeated. He gasped.

"L-Lia, grabe ka, sabi ko na at may pagnanasa ka sa katawan ko...maraming tao tapos pinagnanasaan mo ako,"

Doon na nahulog ang panga ko.

"I-I mean." Nag-init ang pisngi ko. "H-hoy! Hindi, ah! G-gusto ko lang punasan ang pawis mo!" I hissed.

He laughed, sigurado na akong namumula na ang mukha ko. "Sa 'yong-sa 'yo naman ang katawan ko para pagnasaan, bibi ko—"

"Montezides!" I hissed, hinampas na siya ng twalya pero tawang-tawa lang ang loko, hinila pa ako para makayakap.

Wala na sigurong mas ikakagulat ako nang makita ang mga staff mula sa ospital dito sa Cagayan at may nakilala.

It was Yui, a nurse, at nagulat din at nagmumura na si Heart sa tabi ko. Nang sumulyap ako kay Atlas ay nahuli kong kunot ang kanyang noo at umiigting ang panga.

He looked so pissed. Napansin ko ring tumitingin si Yui sa may amin at tumataas ang kilay bago napapangisi kaya kumunot ang noo ko.

"Lia, I didn't know she'd be here," Atlas explained. "I promise."

"Ayos lang," I answered. "Hindi naman siguro siya manggugulo."

"Don't worry, Lia, kapag nilapitan ka no'ng babaeng 'yan? Ready ako makipagbardagulan," ani Heart na pinakita pa sa akin ang braso niya, pinapakita ang muscles kahit wala naman.

"Salamat, Heart." I chuckled. "Pero hindi naman siguro."

"Huh, subukan niya, baka bukas may mabalitang may lumulutang na r'yan sa ilog!" ani Heart doon na may conviction pa.

We became busy the moment the program started. Bukod sa mga cook, physicians, nurses at dentist, may mga feeding program pa kami para sa mga bata, free check-up at tuli at pa-seminar para sa mga magulang. I assisted in any way I can, usually getting interviews sa mga bata at mga matatanda.

Atlas checked on me from time to time, kahit naroon siya sa desk niya ay tingin siya ng tingin at para ipakitang ayos lang ako ay nginingitian ko.

I kept on noticing Yui and Lyka around him, nakita kong nakikipag-usap din kahit papaano si Atlas dahil marahil sa mga pasyente at nakatingin lang ako sa kanila.

I trusted my bibi, it was just that...I didn't trust the girls so much. I still remembered how Yui lied to me in the past and I still remembered the way Lyka talked to me way back.

"Ano, ano, Lia? Pag-umpugin ko na ba?" palaban na sabi ni Heart, inaayos pa ang sleeves ng damit niya. Natawa ako at umiling.

"Hindi naman 'yan papatulan ni Atlas,"

"Tsk, patay na patay po si Amalia kay boplaks, opo," she said, nilalagay pa ang kamao sa bibig para kunwaring nagre-report. "'Wag ka masyadong ma-in love, Lia. Pangit naman 'yan."

"Oh?" Sumulyap ako kay Atlas na sinusuklay ang buhok ng daliri. His jaw moved and his red lips tugged into a smile while talking to the patient.

Hot...

I swallowed. My heart raced. Napahawak ako sa dibdib.

"Parang gusto ko rin magpa-check-up, Heart," I said absentmindedly.

"Huh?"

"Huh?" Nagulat din ako sa sinabi. "W-wala, wala." I chuckled awkwardly. Nanliit ang mata niya bago gumisi sa akin na nang-aasar.

"Hoy, bobo, papa-check-up daw si L—" I gasped and jumped, covering her mouth.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

OUR late lunch came and I was kinda hungry, nakita kong nagpaalam na si Atlas sa huling pasyente niya at lalapit na sana sa akin pero biglang hinarang siya no'ng dalawa.

Napanguso ako nang kumunot ang noo ni Atlas at pinakinggan ang sinabi noong dalawa. I noticed them holding a cup of melon juice, giving it to Atlas while saying something.

I rested my back on the wall, watching them nang biglang nangunot ang noo ni Atlas sabay kamot sa kilay niya nang biglang magtalo ang dalawa.

Nawala na ang mga pasyente sa tent kaya naiwan silang tatlo roon at ako na nanunuod sa gilid.

"No, Atlas, kunin mo 'tong melon ko!" Lyka exclaimed and showed him the cup.

"Anong sa 'yo? Take my melon, Atlas!" Yui hissed back. Atlas just blinked at them, mukhang nawawalang bata kaya napangiti ako.

He glanced at me and he looked startled when he saw me watching. Umawang ang labi niya, akmang tatawagin ako para humingi ng saklolo pero umiling lang ako, natatawa sa kanya dahil namumutla na siya.

"Girls, look—" he explained.

"Bakit, sino ka ba, huh?!" Yui hissed at Lyka at nagsamaan sila ng tingin. "We're childhood friends! We'll get married soon—"

"I'm her girlfriend!" Lyka hissed. Namilog ang mata ko.

Kung gulantang ako ay mas gulantang si Atlas, parang lalabas ang eyeballs sa mata niya sa panlalaki, napanganga rin siya roon sa sinabi.

"O-oh?" gulat na sabi ni Atlas. "Bakit 'di ko alam—"

Hindi natapos ni Atlas ang sasabihin nang biglang itapon ni Yui ang hawak na melon sa mukha ni Lyka.

"Oh, fuck!" Atlas cursed, mabilis na napaatras sa dalawa.

"Y-you bitch!" Nanginig ang boses ni Lyka at miski ako ay napanganga nang binuhos niya rin ang melon na hawak sa mukha ni Yui.

Yui screamed. She slapped Lyka at nagulantang pa akong lalo nang sinampal siya pabalik ni Lyka.

"Jusmiyo, marimar!" Atlas gasped and face-palmed when the two screamed and scratched each other.

"You two stop—"

"You bitch, Atlas is mine!" Lyka screamed and pulled her hair.

"Mas nauna ako sa 'yong malandi ka!" Yui screamed back.

"What the fuck..." Napasentido si Atlas habang pumipigil sa dalawa. Nag-loading ako sa pinapanuod.

"Ay, wow. Sabong, sayang walang popcorn." Napatingin ako sa tabi, kay Heart na sumisimsim ng juice habang nanunuod.

Ngumisi siya at tinuro ang dalawang nagsasabunutan at si Atlas ay parang mababaliw na kung paano papatigilin ang dalawa.

"Sinong manok mo? Doon na lang ako kay Lyka," ani Heart.

"Manok ko ang sarili ko," I said. "Kahit mag-away naman sila, sa 'kin pa rin si Atlas."

Nalaglag ang panga ni Heart. I smiled at her sweetly. Napatakip siya ng bibig.

"Syet, idol!" She bowed kaya nilamon naman ako ng hiya.

"J-joke lang." I chuckled awkwardly because I realized I sounded possessive.

"F-fuck! B-bakit ako nasali?!" Natigilan kami nang marinig ang sigaw ni Atlas at nang napalingon kami ay napasinghap ako nang makitang sinasabunutan na rin ng dalawa si Atlas na kanina'y umaawat lang.

Kung hindi pa dumating sina Doc Sean at ang ibang mga lalaki ay 'di pa matitinag ang dalawa kahit tumulong na kami sa pagpigil ni Heart at ang kawawang boyfriend ko ay naiiyak na sa sakit daw ng anit niya.

"Bibi, anit ko!" he whined and I bit my lip, stopping my laugh from escaping. Instead, massaged his scalp.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang kinuha ang melon nila? Ayan tuloy," I muttered and touched his head.

"Ih! Gusto ko melon ni Lia lang." He frowned.

"Kawawa naman ang bibi ko," lambing ko. Ngumuso siya at sumandal sa balikat ko.

"Kawawa ako, 'no?" he whispered affectionately, nagpapalambing. Akala mo 'di six-footer at pa-baby.

Dumating si Josh na mukhang narinig ang ganap at nakita kong tatawa-tawa pa sila.

"Cap—" Inilingan ko si Josh kaya napigil niya ang tawa niya, nagkatinginan sila ni Heart na parehong natatawa. "Sinabunutan siya?" ani Josh sa mahinang boses.

"Oo, boplaks talaga," bulong ni Heart at nag-apir pa ang dalawa pero biglang natigilan at awkward na napaiwas.

I smiled. Halatang mahal na mahal pa ang isa't isa, oh?

"Narinig ko kayo!" Atlas whined and glared.

Napagsabihan ang dalawa tungkol sa ginawa nilang komosyon, nag-aaway pa rin ang mga ito kaya pinaglayo. It was a very petty fight. Medyo possessive ako kay Atlas pero ayaw ko namang makikipag-away ng gano'n sa maliliit na bagay.

Para lang sa melon?

I mean, sure, Atlas would fight over my melons!

I paused.

My melons?!

Napatikhim ako't umayos ng upo nang napansing pinagtitinginan.

Napapansin na rin ng mga interns at ibang staff ang sobrang lapit namin ni Atlas pero wala naman silang sinasabi. Nahihiya ako dahil baka isipin nilang ginagamit ko si Atlas sa internship pero 'di ko naman malayuan si Atlas at nag-iinarte at masakit daw ang anit niya.

"Para na akong mamamatay, bibi," naghihingalo pa kuno.

"Loko ka talaga, Montezides," I chuckled and massaged his scalp.

Dahil sa pagkakalapit naming dalawa ay sa akin nabaling ang mga galit na mata ni Lyka at Yui, hindi naman sila makalapit dahil palagi kaming magkadikit ni Heart at si Atlas ay pabalik-balik sa akin para magpalambing.

The first day was chaotic and tiring, ilang beses akong nakaramdam ng chest pains kaya nagpapahinga ako madalas at sinasabing medyo napagod lang para 'di sila mag-alala.

The locals offered us places to rest, siyempre ay magkahiwalay ang mga lalaki sa babae. Atlas was whining at Dr. Sean sa pagpupumilit pero hindi pumayag si Doc.

"No, Louis," Dr. Sean said strictly.

"Pero, Doc, si bibi ko—"

"Anong bibi..." Dr. Sean trailed off and glanced at me. Nag-init ang mukha ko. Nanliit ang mata niya at bumaling kay Atlas. "Kanina pa kita napapansing dikit nang dikit kay Dra. Lia."

"Siyempre, Doc. 'Di ba, sinabi ko na sa 'yong bibi ko si Lia—"

"Hinahamon mo ba ako, Montezides?" Biglang tumalim ang boses ni Doc. Natigilan si Atlas at namutla.

"H-hindi naman masyado." Atlas cleared his throat and laughed awkwardly. "Pero, Doc, beke nemen..."

"Baka gusto mong putulin ko 'yang—"

"Opo! Opo!" Atlas exclaimed. "Tutulog na nga, e...sabi ko nga doon ako."

Natawa ako nang bagsak ang balikat niyang tumalikod pero bumaling ulit. "Bibi, isang goodnight kiss—"

"Anong sabi mo?" Biglang sikmat ni Dr. Sean kaya natawa ako at napailing nang mapasabunot si Atlas sa buhok.

"Damot naman!" he pouted and waved at me. "Bye, bibi. Dream of me."

"Goodnight, Atlas." I smiled back at him.

Our second day was a bit tiring too pero medyo nasanay na ang katawan namin kaya medyo gumaan kahit papaano.

Bumagsak ang buhok sa aking leeg kaya napailing ako, hinawi ko iyon para maalis dahil mainit nang biglang may umangat nito mula sa likod. I shifted my gaze, only to see Atlas behind me.

"Hmm?"

"Let me tie your hair," he whispered. I smiled, nodding. Hinayaan ko siyang suklayin ang buhok ko gamit ang daliri niya bago marahang iniangat para sa ponytail.

"Thank you, bibi," I said after and smiled. He nodded, bumaling ako muli sa chart na inaayos ko nang bigla niya akong tawagin.

"Lia."

"Hmm?" I hummed.

"Look at me." I lifted my gaze and was about to ask him about it when he lowered his head and claimed my lips.

My eyes widened, hindi ako kaagad nakagalaw at nakita ko ang ngisi niya nang lumayo sa akin at pinisil ang pisngi ko.

"I love you, good work, Dra. Lia." He smirked and left me dumbfounded, napahawak naman ako sa bibig ko sa gulat at nang napabaling sa harapan ay nakitang nakatulala si Yui at nahulog ni Lyka ang hawak na chart.

Our second day which was also our last night was tiring yet fun. Kinabukasan ng tanghali ay aalis na kami at didiretso naman sa Peñablanca para mamasyal at may free days kami na award namin sa pag-participate sa volunteer work.

The buffet from Josh and his team really tasted great and we all loved it. Habang nagta-talk si Dr. Sean ay magkatabi kami ni Atlas at kumakain.

"Atlas," I called his attention.

"Hmm?" he asked, may inangat siyang tissue at napangiti ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko.

"Have you seen Heart? Hindi pa kumakain 'yon, ah?" I asked when I noticed she was nowhere to be found.

"Heart? Sabi niya kanina magbabanyo lang,"

I was worried. 'Di kami pamilyar sa lugar at baka naligaw iyon.

"Wait lang, ah I will just ask Josh."

"Alright, balik ka kaagad, ah? Josh's in the kitchen, tapusin ko lang pagkain ko."

"Alright." I smiled and left.

Nagtungo ako sa kitchen at lumapit sa staff para magtanong.

"Ah, si boss po? Umalis, doktora, e. May kikitain yata,"

"Uh, alam n'yo ba saan nagpunta?"

"Doon po, Doktora." He pointed at somewhere. Tumango ako at nagpasalamat.

I walked towards the direction they told me where Josh was, kanina ay pumunta ako sa may CR pero wala naman si Heart kaya naisip kong baka magkasama or nagkakitaan sila.

"Heart?" I heard faint voices when I called her name, mukhang medyo malayo sa akin kaya muli akong naglakad.

"I still love you, Heart!" My eyes widened when I heard Josh's voice.

"Love, huh? Fuck you, Josh!" Heart shouted. "I-I was alone in Manila! Malayo ka sa akin at may mga babae ka roon tapos sasabihin mong mahal mo 'ko?!"

Sa medyo dim na lugar ay naroon sila at nagsisigawan.

"I have no damn girls, Heart!" Josh exclaimed.

"Oh, really?! Sino 'yong Tanya? Sino 'yong Ella—"

"To hell with them, ikaw lang ang babae ko!" he exclaimed back. Nakita kong hinahawakan niya si Heart pero lumalayo ang huli at umiiyak na.

"Fuck you! Liar! 'Wag mo 'kong utuin!" Heart hissed.

"I'm telling the truth! I went to Manila to start another business again so I can stay with you there! Ayokong iiwanan mo ang trabaho mo para sa akin at sumama rito sa Peñablanca dahil may maganda ka nang trabaho! I went there without telling you because I wanted to surprise you but instead of listening to me, you broke up with me!" Josh exclaimed frustratedly.

Napalunok ako dahil natigilan na si Heart at maya-maya'y humahagulgol na. Nakagat ko ang labi at ayaw makaistorbo kaya tahimik akong umalis at bumalik kay Atlas na naroon at katatapos lang kumain.

"You saw her?" salubong sa akin ni Atlas na kaagad na yumakap sa tagiliran ko. "Wala raw si Josh sa kitchen."

"Hmm." I nodded. "Um...actually, they're together."

His eyes widened. "Really?"

"Hmm. They're actually fighting, will they be okay?"

Natahimik si Atlas, idinikit pa ang ulo sa balikat ko. "Maybe?"

"I'm worried, Atlas," I told him. "Maybe we can check on them later?"

"Sure." He nodded. "Let's give them five minutes, we'll check after."

"Are you worried for your cousin?" I asked, smiling. Umalis siya sa balikat ko at umiling.

"Hindi, bi. Nag-aalala ako kay Josh, baka wala nang buhay pagbalik natin. Alam mo namang Amazona si Puso—" I glared at him, humagalpak naman siya at hinalikan ang pisngi ko.

We waited for five minutes, habang nagta-talk ang sa kabilang grupo ay nandoon lang kami ni Atlas sa may gilid, sa may dilim at nagyayakapan.

Well, he was the one hugging me. Yakap niya ang tiyan ko mula sa likod at nakasiksik ang ulo sa may leeg ko.

"Bibi, miss ko na melon mo," he suddenly whispered.

"Melon ko? Sige, pagdating natin sa Peñablanca timplahan kita," I whispered back.

But then he chuckled and grunted.

"My innocent bibi." He chugged me more, naramdaman ko ang halik niya sa may leeg ko kaya medyo nakiliti ako pero pinaling din ang ulo para hayaan siya. I could feel his tiny kisses, I even felt him bite my skin kaya napapikit ako at napadaing.

"B-baka amoy pawis ako?" I asked, worried.

"Hindi, ah." He kissed my jaw and touched my cheek. "Amoy baby nga, e."

"Baby?" My forehead creased.

"Baby ko." He grinned.

Hindi ko pa rin talaga ine-expect 'yong mga hirit niya minsan! Inabot niya ang labi ko para sa halik. I immediately kissed him back, my head tilted so I could do it better.

Habang mas tumatagal, mas nasasanay ako sa halikan, ah?

I could feel how the butterflies in my fluttering, doing their silly Waka-waka dance. I couldn't ask for more. I parted my mouth and accepted his deep kisses and we only stopped when we ran out of breath.

"We...should check on them," I muttered, staring longingly at his lips.

Nakita ko ang namumula niyang mga labi. He licked it and stared at my mouth like it was some dessert he'd been wanting to devour.

"Atlas," I called. That snapped him back to his daydreams.

"Y-yeah, yeah...we should," he hummed, his eyes still on my mouth.

"Louis, hijo?" Napatalon at nang marinig ang boses ni Dr. Sean.

"Doc," we both greeted.

"Oh, and'yan pala kayo." He smiled and glanced at me. "Lia, hija, can I borrow Atlas first? May itatanong lang ako tungkol sa pasyente."

"Uh, sure po."

"Susunod ako sa 'yo, bibi," aniya bago sumunod kay doc.

Kagaya nga ng usapan ay nauna na ako sa kung nasaan ang dalawa. I was confused bakit wala ng ingay sa sigawan nila kaya mas lumapit ako.

"Heart? Josh?" I called pero walang sumagot.

My forehead creased, walking closer but was rooted in place with the sight.

Against the wall near where they were earlier, I saw them kissing eagerly. Halos lumabas na ang eyeballs sa mata ko habang nakikita ang intense na halikan nila. Heart was pressed on the wall with Josh towering over her.

Eksaherada pa akong napatakip ng bibig nang nakita kong yumakap si Heart sa batok nito at maya-maya'y nabuhat na siya ni Josh na hindi naghihiwalay ang mga labi.

"Oops," I whispered a bit, paatras na naglakad, nag-iinit ang pisngi sa nakita. Halos mapasigaw naman ako nang may bumangga sa akin mula sa likod.

Napalingon ako at nakita si Atlas. "Bibi, nasaan na sila? Heart, Josh—" I jumped and covered his mouth, nanlaki naman ang mata niya sa akin kaya mabilis akong umiling.

"Shh..." I whispered. "'Wag kang maingay, okay?"

He nodded, confused. Binitiwan ko naman ang bibig niya.

"Ayos na sila," I whispered.

He grinned. "Ay pabulong dapat? Okay, bi. Tara tawagin na natin at isabay," bulong niya pabalik.

"You don't need to check—" I gasped when he suddenly walked but paused midway witnessing it, gasping scandalously.

"Ay, porn!" Atlas exclaimed.

I gasped when Heart quickly stirred, nasampal bigla sa gulat si Josh na nabitawan siya kaya bumagsak ang kaibigan ko sa lapag at napadaing.

It was an epic fail, hindi ko alam kung ma-awkward-an ako o matatawa habang pabalik kami sa site at no'ng gabi pa ay nahihiyang mag-kwento si Heart pero 'di rin kinaya.

"BFF, 'di naman sa marupok ako, ah? Ayoko sana bumigay kaso...na-miss ko kasi ang kanyang haplos at halik!" aniya, medyo napalakas pa ang boses kaya pareho kaming nahiya nang pagtingin na. "Pero, Lia." Nagpigil siya ng ngiti.

"Hmm?" I hummed.

She suddenly lifted her hand, napatitig ako roon at unti-unting nanlaki ang mata.

"We're engaged!" she exclaimed at nawala na ang hiya naming dalawa at nagsigawan na habang tumatalon at magkayap.

Luckily, natihimik din si Yui at Lyka sa panggugulo. Dahil sa ginawa nilang gulo nitong nakaraan ay may additional duty sa kanila, meaning, they won't be having their quick vacation at balik trabaho kaagad pagkauwi.

Nagpaalam kami kay Doc Sean na pupunta yata sa airport para may sunduin kinabukasan nang makababa na kami. We were now headed to our hometown, Peñablanca, and I was really thrilled and excited.

I will be staying in my grandparents' house, nakapag-usap na rin kami ni Atlas tungkol sa gusto kong pagbisita sa mansyon nila.

"I want to talk to Tita Beatrice, Atlas," I told him. "I want to apologize for what happened."

"You don't have to," he said. "I told you, we forgave everything that has happened before."

"But still...I want to personally apologize, Atlas," I insisted. "Kahit sabihin kasi nating napatawad n'yo na ang nangyari noon, we can't change the fact na may mali at hindi personal kaming nakahingi ng tawad."

He stared at me, waiting for me to continue.

"I want so bad to get this off my chest, Atlas," I said. "One of the reasons why I refused to be with you at first is also because of it. Hindi lang dahil sa akala kong panloloko n'yo sa akin dati. I was also thinking about what my mother did and naisip ko ang mommy mo."

"She likes you, Lia." He smiled at me. "And if you'd like to meet her, who am I to stop you? The truth is, when she found out we were on our way to Peñablanca, she asked us to come. She wanted to meet you."

"R-really?" My voice shook. Tumango naman siya at matamis na ngumiti.

"Yes, bibi. Really." He planted a small kiss on my lips. Nangilid ang luha ko at mabilis siyang niyakap.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

SALITAN sa pagmamaneho ang dalawang lalaki habang nasa likod kami ni Heart at nagse-selfie. She showed me her IG feed at natuwa ako nang marami kaming pictures doon. May recent lang at may mga throwback pictures noong nene pa kami no'ng high school.

Atlas said he had to go home instantly after he dropped me off at my grandparents' house. Natuwa pa ako noong nakitang nagkakatuwaan si Atlas kasama ang lolo at lola ko.

"Naku, masaya talaga ako, hijo, at kayo pa rin nitong apo ko!" tawa ni lola habang yakap-yakap si Atlas.

"Siyempre naman, La! Mahal na mahal ko iyang apo n'yo!" Atlas said happily. It made my heart happy.

"Ikaw ba, Apo? Mahal mo ba itong batang ito? Aba, alam mo bang kulang na lang ay tumambay iyan dito sa bahay na ito kapag nauuwi!" ani Lolo kaya nanlaki ang mata ko at napasulyap kay Atlas na biglang namula.

He's going here? In my grandparent's house?

"Sabi niya pa, Amalia na...La, si Lia ba uuwi rito nang masuyo ko na?" ani lola. Umawang ang labi ko.

"Lola naman!" Atlas whined, namumula at nakanguso. "'Wag mo akong ibuking!"

"Asus, naku, Lia," ani Lolo, "alam mo bang pinagsaka ko iyan doon sa taniman ng palay kasi gusto raw malaman saan ka nag-aral ng medisina?"

Nakatingin lang ako kay Atlas na nagpipigil ng ngiti.

"Really?" I asked.

"Well..." He cleared his throat. "Yeah. Kay Lia lang kasi ako nagpapayanig. 'Di ba, La? Lo?" aniya sabay taas ng kamay niya at nginig. Nagsitawanan na ang matatanda.

Aba't kuhang-kuha ng lalaking 'to ang kiliti nila, ah?

"Naku at lumaki ang katawan mo, Atlas! Muscles, oh! Ang ganda!" pinisil pa ni lola ang braso ni Atlas.

"Aba, ako rin may muscles no'ng kabataan!" singit din ni lolo kaya mas naging maingay ang bahay.

Umalis din pagkaraan si Atlas kasama sina Heart at Josh. He told me he'll text and call me later tonight at sinabing bibisita siya rito sa amin bukas.

Tumulong ako kay lola sa pagluluto ng hapunan nang tinawag ako ni lolo, "Amalia."

"Po?" I asked, nilingon siya. His expression was serious. I was confused by it. "Bakit, Lo?"

"May bisita ka," aniyang seryoso, sumulyap kay lola na natigilan din.

"Nand'yan ba..." Lola trailed off. Lolo nodded.

"Sino po?" I was so confused from their knowing stares, mukhang may lihim na tinginan at usapan.

"Lumabas ka muna, hija," ani Lolo. "Kausapin mo ang iyong bisita."

I removed my apron, sinuklay ko ng daliri ang buhok ko at itinali bago lumabas ng kusina. Naglakad ako sa sala at nagitla nang makita ang mga taong nakaupo sa sofa, napatayo pa sila nang makita ako.

"Lia," he called.

"D-doc? Tita Marichu?" I called, surprised.

What are they doing here?

"Hello, Lia." Tita Marichu smiled.

"Hi po," I greeted and walked towards them, naupo ako sa sofa katapat nila at nagtatakang nagtanong.

"Bakit...po kayo napadaan? May...problema po ba?" I asked.

And they knew my grandparent's house?

The two shared their own silence, nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Tita Marichu at ang pagtikhim ni doc. His eyes softened. He looked nervous at the same time.

Nakita kong parating na si lolo at lola. Nagtanguan sila bago naupo sa tabi ko ang mga matanda.

"Ano pong mayro'n?" nagtatakang tanong ko.

Lolo ang lola stayed silent kaya bumaling ako sa dalawang bisita na sabay na napabuntonghininga.

They looked nervous. Doc even shifted in his seat and brushed his hair with his fingers, his familiar eyes staring at me as if he was longing for something–or someone so much.

"I-I don't know how to start this," aniyang kinakabahan. "I-I'm afraid you'll get mad at me but I want to tell you this now, I want to get this off my chest and make up for the years I missed."

My heart rate spiked. Mabigat ang pakiramdam. I could vividly feel the tension that I had to heave a sigh.

"Your mother, Olivia," he started and gulped. Natahimik si Tita Marichu at nagbaba ng tingin.

I tensed. How did he know my mother?

"What about her?" I asked stiffly, not feeling good.

"I-I'm afraid to tell you because I know you'll get mad and hurt but..." He sighed. "O-Olivia and I had a relationship before."

My gut twisted.

I was starting to have a hunch but I didn't say anything, seryoso akong nag-antay ng kasunod, mas bumigat na ang paghinga at malakas ang kalabog ng puso sa kaba.

"T-the truth is...I-I did something wrong. I was married at that time to Marichu when I had a relationship with your mother. S-she didn't know about it, about my marriage, and I was an asshole. I left her when she got pregnant because I was a coward and you..." He swallowed, at nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya ay mas nanakit ang puso ko.

"Y-you're our daughter, Lia," he suddenly sobbed. "I-I'm so sorry, Anak..."

I've expected he'd say it but the confirmation made me ill. It was like a punch in the gut. I was expecting myself to cry too pero walang lumabas o tumulong luha sa mga mata ko.

Nanatili lang akong nakatulala sa kanya na umiiyak na, miski si tita ay nagpupunas na ng luha habang sina lolo at lola ay tahimik at nakatungo.

Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon. I was in complete shock that I thought I was going to shut down. However, I could definitely hear the aggressive thump of my heart. I was starting to catch my breath.

I didn't know why but I didn't feel any pity for myself. Instead...the pity and pain I'd been feeling was towards my mother.

I remembered how Louis Montezides fooled her and after that...this man, my father made her a mistress without her knowing...again.

"L-Lia," Doc Sean called, his voice shaking.

He knew I was his daughter and didn't tell me. No'ng kailangan namin siya ni nanay? Nasaan siya?

Tila may batong nakadagan sa dibdib ko.

"E-excuse me," I said timidly. Mabilis akong tumayo para sana pumunta sa kusina para sana kumuha ng tubig at 'di na 'ko maayos makahinga pero biglaang nanlabo ang paningin.

I paused midway.

"Lia? Apo?" I heard Lola's alarmed voice.

"A-ayos lang po." I continued walking.

Everything seemed to be moving and I felt like floating, wala pa ako sa kalahati papuntang kusina ay nawalan na ako ng lakas. The air I'd been trying to catch got snuffed. It felt like getting stabbed in the heart and I couldn't control it anymore.

I touched my chest. I lost my balance, fell to the ground, and shut down.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co