Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 3
Kabanata 3
NAPABUNTONGHININGA ako habang nakatitig sa maliit na medicine organizer na hawak ko. May mga label iyon ng oras ng iinumin at ang pangalan ng mga gamot.
Nakakasawa rin minsan na kailangan kong i-monitor at inumin ito, minsan nga ay nasusuka na lang ako, pero kailangan ko talagang inumin. Ayaw ko namang mag-alala ang nanay ko sa akin.
Ginagawa niya ang lahat para buhayin ako, ayokong maging pabigat sa kanya. Kapag natapos akong mag-high school, gusto ko kumuha ng medicine-related course para matulungan ang sarili at ang nanay.
Kaming dalawa na lang ang magkasama, sino't magtutulungan kung hindi kami lang?
It was hard living like this, but I should be thankful because I was still alive. 'Yong iba nga, gustong-gustong mabuhay pero hindi na kinaya kahit ilang operations at pera ang naiwaldas, kaya ang swerte ko pa rin.
Ang swerte kong nagising pa rin ako sa panibagong umaga.
I would never tire of thanking the Almighty for waking me up for another day. It was such a blessing and a gift. Life was a gift kaya ang buhay, dapat iniingatan at minamahal.
"Lia, magandang umaga!" Napangiti ako nang makita ang pagsakay ni Ted sa tricycle.
"Magandang umaga,"
Umayos siya ng upo sa tabi ko, nilagay niya ang bag sa may hita.
"May klase?" he asked. I nodded.
"Oo, English Lit. Gusto ni ma'am mag-klase, e."
"Oh, foundation, ah?" natawa siya. "Sinong teacher ba sa inyo?"
"Si Ma'am Santos," sagot ko. Umawang ang labi niya at tumango.
"Ay, oo. Si Ma'am KJ."
Natawa ako at napailing. Ngumisi siya.
"KJ?" tanong ko, natatawa.
"Oo, no'ng naging teacher namin 'yan kahit foundation may klase!" he said. "Buti pa si Ma'am Aquino sa Math. Masungit daw 'yon dati pero maluwang na ngayon pagdating sa ganyan.
"Ayos lang naman, gusto ko nga iyong klase niya."
"Oh? Kahit foundation? Dapat nga nag-sasaya ka, e? Gala kayo sa mga booth kasama ang kaklase," aniya pero nagkibit-balikat lang ako.
"Wala naman akong nakakasama," tawa ko pa at umiling.
"Friends?" he asked pero maliit lang ako ngumiti at tumitig sa kamay ko.
"Wala," I said and looked at him. "Pero ayos lang, sanay naman akong ako lang."
Nakita ko ang paglambot ng mata niya, kumunot ang noo niya at handa nang magsalita pero pinutol ko kaagad.
"So...may laro ulit mamaya?" tanong ko at alam niyang ayaw ko sa topic kaya tumango siya.
"Oo, mamayang hapon. Ayusin muna namin ang booths ngayon."
Nanlaki ang mata ko at na-excite.
"T-talaga?" nang mautal ay tumikhim ako. "I mean...nando'n kayo sa booth ng grade eleven?"
"Oo," sagot niya. "Walang practice game ngayong umaga, pahinga muna sabi ni coach kaya ro'n muna kami sa mga booth ngayon. Bantay lang."
"Buong..." Lumunok pa ako. "Buong basketball team ba?"
"Oo," sagot niya at napangiti ako. "Masaya ka, ah?" biglang pansin niya kaya tumikhim ako at umiling.
"Wala lang, uh, anong oras ang game?"
"Alas kwatro ang basketball kaya hanggang alas dos siguro nasa may quadrangle lang din kami. Nando'n ka ba sa booth ng grade nine mamaya?"
I nodded. "Uh, after ng English Lit, pinayagan kasi kong maghanda lang ng palamig kaya..." Napangiti ako.
Pagkarating namin sa school ay hindi mawala ang ngiti ko.
"Saan ang room mo, Lia?" tanong ni Ted habang naglalakad kami sa school grounds.
"Sa third floor lang, sa may quad,"
"Hatid na kita," aniya kaya nanlaki ang mata ko.
"'W-wag..." I shook my head. "I mean, nakakahiya! Kaya ko naman."
"No, I insist." He smiled humbly. "Minsan lang tayo magkasabay papasok kaya hayaan mo na ako."
Gusto ko sanang tumanggi pero nakakahiya, lalo na nang makita kong sinsero naman siya.
"Sige," pagpayag ko.
Nakita ko ang malaking ngiti niya, masayang tumango at nagitla pa ako nang hawakan niya ang braso ko ng marahan habang papasok at muntik na akong tumama sa may alambre.
"Nice one, Argueles!" Napatalon pa ako nang sumipol sina Catherine na nakatambay doon sa may ilalim ng puno.
Napalunok ako, kinuha ang braso kay Ted na mukhang nagulat din yata.
"Bagay, ah. Ayie!" She teased, smiling mockingly.
"That woman..." Ted muttered pero hinawakan ko ang braso niya at umiling.
"Ayos lang, hayaan mo na," mahinang sabi ko.
Sumulyap siya sa akin, kunot ang noo pero umiling lang ako ulit at ngumiti.
"Ganyan lang talaga sila. Tara na," aya ko.
Naririnig ko pa rin ang kantyaw ng mga grade eleven pero hindi ko na lang pinagtuunan at pumasok na. Nakita ko kaagad ang quadrangle, wala pang masyadong tao sa mga booth pero maingay na ang sa mga grade eleven at twelve.
Napangiti ako nang makita ang basketball team, lalo na nang makita si Atlas na nakasandal sa may pader, nasa gilid ang saklay at nakasuot na itim na shirt at puting jersey shorts.
I saw him smirk when a girl told him a silly joke. His black eyes glistened a bit and he laughed. Sinuklay niya ang buhok ng daliri at gumalaw ng bahagya ang panga. A girl then smacked his arm playfully and he chuckled, winking a bit at her at mas nagtawanan sila.
I just smiled, hindi ko alam kong nakita niya ako pero nakita ko ang bahayang pagkawala ng ngisi niya nang dumaan kami.
"Ihatid na kita sa taas," ani Ted.
"Sige, salamat." Maliit akong ngumiti at sabay kaming umakyat sa hagdan.
Nagpasalamat ako kaagad pagkarating namin sa classroom, wala pa ang teacher kaya maingay pa rin ang room. Madaming nagrereklamo kung gaano ka-KJ si Ma'am Santos. Nakita ko rin ang tingin sa amin ni Ted nang ihatid niya ako pero wala naman silang sinabi.
"Sige, Salamat," kaway ko.
"Alright, nood ka game mamaya, ah? Kapag wala ka nang gagawin?" ngisi niya kaya ngumiti ako at tumango.
"Sige, susubukan ko."
"Ako ngayon ang acting captain ball," tawa niya. "Talo ko 'yon si Montezides."
Natawa na rin ako roon, sumaludo siya at saka ako pumasok sa room.
Doon ako naupo sa may unahan dahil ang mga kaklase'y naipon sa likod at halatang labag pa sa loob na may klase kapag foundation. Isa lang naman, ako ayos lang na may klase. Gusto ko naman ng English. Ito at science ang paborito ko.
Ang ayaw ko ay math, kinikilabutan ako sa numbers. Para silang may buhay na dadalhin ko hanggang bangungot.
"Hi, Lia! Paupo, ah?" Halos mapatalon pa ako nang may tumawag sa pansin ko.
Nakita ko si Heart, ang kaklase ko. Medyo kikay ito at sikat sa room kaya nagulat ako nang tumabi pa sa akin. Nagulat pa ako pero wala nang nagawa nang naupo na siya sa tabi ko. She flashed a smile at me as she offered her hand.
"Matagal na tayong magkaklase pero ngayon lang kita nakausap nang maayos." Medyo natulala pa ako dahil maganda talaga siya at alam kong alam niya iyon. "Ay, kita mo 'tong tint ko? Bago lang 'to, may extra ako, gusto mo?"
My mouth parted. I blinked.
"Ay, sorry..." She chuckled and covered her mouth. "Masyado ba akong feeling close?"
"H-hindi naman, ano, nagulat lang," I muttered. She smiled at me and moved to whisper.
"Sorry, but can we be friends?" she asked. Umawang ang labi ko.
"Huh? Seryoso?"
"Ayaw ko na kina Anya." Her forehead creased as she glanced at the back kaya napasulyap ako roon at nakita kong nagbubulungan ang mga dating barkada niya sa likod at tumitingin sa amin.
"Bakit?" tanong ko. "E 'di ba, kaibigan mo sila?"
"Ex-friends," she explained. "Ayaw ko ng kaibigang plastic. I don't want people talking ill about me kapag nakatalikod ako, mga ipokrita."
My eyes widened nang tumalim ang mata niya. Napatawa siya at biglang kinurot ang pisngi ko.
"You're pretty, Lia," tawa niya. "'Di ka lang nag-aayos, maputla. Magkakulay lang ang pisngi at labi mo nang kaunti, lilitaw ang ganda mo lalo."
Nag-init ang pisngi ko, didn't expect an actual pretty girl would tell me that.
"Saan banda?" Natawa pa ako. "Hindi ako maganda."
"You're too hard on yourself," she sneered. "You're actually prettier than these girls here, trust me."
Nahihiyang umiling ako at mas lalong nahiyang kinakausap niya ako.
"Ikaw nga ang maganda r'yan," I said.
"I know how to emphasize my features kasi," she said, bigla niyang inangat ang bag at halos magulantang pa ako sa mga beauty products niya. "Ikaw, you have softer and angelic features, baka maging totoong anghel ka na kapag naayusan ka."
Natawa na ako.
"Hindi, ah?"
"Trust me, you will." She smiled. "I'll help you emphasize your features, basta ba payag kang maging friend na ako?"
I froze, nanlaki pa ang mata ko.
Oh my God...magkaka-friend na ako?
"Gusto mo akong maging kaibigan?" gulat ko pang tanong at ngumiti siya at tumango, inilalahad ang kamay.
"Matagal na kitang gustong maging kaibigan, last year pa no'ng lumipat ako rito kaso kasi nahihiya ako, 'tsaka ayaw sa 'yo nina Anya. Baka kapag kinaibigan kita, aawayin ka nila," she said.
I stared at her, baffled and shocked. She looks sincere kaya ngumiti ako, may sayang bumabalot sa puso at tinanggap ang kamay niya.
"O-okay, friends na tayo," I said, smiling.
She squealed. Natawa pa ako nang bahagya niya akong yakapin at nang lumayo siya ay sumulyap siya sa buhok ko.
"Bagay na bagay sa 'yo my bangs," she said.
"Really?"
"Hmm." She grinned at me. "Baka may crush ka r'yan? Gusto mong tulungan kita?"
Atlas...
I immediately thought of him kaya nag-init ang pisngi ko.
"Ah-huh! Mayro'n, ano?!" she exclaimed kaya halos mamula ako at paulit-ulit na umiling.
Nakakatuwang may kaibigan, lalo na no'ng activity by partner lang ang pinagawa ni Ma'am sa amin. Usually, mag-isa lang ako gumagawa pero ngayon ay may kasama kaya mas napadali kami ni Heart.
Dati, kapag by partner, nahuhuli ko ang mga kaklase kong nagtitinginan kaagad at siguradong may partner na sila. Sumubok ako pero wala namang may gusto, walang tumitingin, biglang may partner na sila kaya ako na lang mag-isa. Masaya akong may kasama na ngayon.
Kaya kami ang unang pair na pinakawalan ni Ma'am Santos, paglabas ng room ay mas lumakas ang tugtog mula sa mga booth sa quad. Nakakaindak kaya excited kaming sumilip ni Heart sa may bintana at dinungaw ang baba.
My mouth parted when the booths were much more lively today, siguro ay dahil nandito ang buong senior high? Hindi lang ang representative?
"Yeah! Whoa! Waste your time ang kanta! Maganda 'yan!" Heart giggled, pointing at our university dance troop practicing in the middle. Kanya-kanyang kuha ng picture ang mga juniors at ka-batch kahit practice lang.
Working full-time at a job you hate
Try'na pay your bills but you're always late
Had a couple dreams back when you was a teen
But responsibilities meant it had to wait
Nagtitilian na sila, may mga nakalabas pa mula sa room na nagtatakbuhan na bumaba pero ako'y nanatiling nanunuod, hindi sa nagpa-practice ng sayaw pero sa lalaking nakaupo sa may bench doon sa may gilid.
You got a bunch of friends but you feel alone
They try and get you out but you stay at home
They wanna hit the club but you wanna fall in love
With somebody you can trust 'cause there's been
He was surrounded by his friends but his eyes were on our direction. Nagitla pa ako nang akala ko'y magkatitigan kami. Nagtatawanan ang mga katabi niya but his eyes remained on me.
Was it really me? Sa taas siya nakatingin! Sa pwesto namin!
Ako kaya o... sinulyapan ko ang katabi.
Hindi kaya kay Heart? Ginagalaw niya ang ulo at bahagyang sumasayaw at nakikitili sa dance troop na nagpa-practice.
Muli akong bumaling at nakasalubong ang mata ni Atlas na nakatitig pa rin. My mouth parted a bit when his serious and playful eyes smiled when he his lips did.
Nag-aalangan man kung ako ba ang pinapanuod niya ay ngumiti rin ako, napapalunok at mas kumalabog ang puso nang kumaway siya. I was hesitating at first, afraid that it wasn't me he was waving at, but I found myself waving back.
Josh caught Atlas waving kaya nanliit ang mata nito at lumapit sa huli, he followed his gaze but Atlas noticed it kaya mabilis niyang hinila ang tainga nito para hindi mapatingin sa pwesto ko.
I bit my lip to stop myself from smiling, ibinaba ko ang kamay ko at nangingiting pinagmasdan si Atlas na binabatukan si Josh na pilit na sumusulyap sa kung saan man siya kumaway.
"Hoy, Argueles! Tumulong ka sa booth!" biglang sigaw ng vice president ng room kaya nawala ang tingin ko kay Atlas at bumaling.
"O-oo, sige..." I nodded.
"Tara, Lia! Nood tayo sa baba!" mabilis na sabi ni Heart at hinawakan ang pulsuhan ko.
We made our way to the quadrangle, nag-iingay na ang mga seniors at juniors. Ang section lang namin ang may klase kaya hindi na nakakagulat na nagsasaya sila roon sa baba ngayon. Kaagad na nagsalubong ang mata namin ni Atlas pagkababa namin ni Heart, halos mapatayo pa nga siya pero may binulong sa sarili at nakangiwing napaupo sa bench pabalik.
Maybe he forgot na pilay siya ngayon?
Natawa na lang ako, nagpahila kay Heart sa booth at saktong pagdating namin ay natapos ang mga dance troop at nagsibalikan na sa booth ang mga tao. Ang sa grade nine ay mga drinks, sa ten at eleven ay ibang pakulo, may mga jail booth pa, mga kakanin at food, sa grade twelve ang mga wedding booth at horror house.
"CR lang ako, Lia," paalam ni Heart kaya nakangiting tumango ako at nag-asikaso sa booth.
"Oh, ikaw dito." Halos ihagis na sa akin ni Anya ang sandok sa may palamig at nang makuha ko iyon ay pairap siyang umalis.
Nanatili akong nakatayo habang nag-iikot na ang mga kaklase sa mga booth. Iniwan nila ako pero mas okay na walang tao ang booth at tahimik ang buhay ko. Ang barkada ni Anya ay nagre-retouch sa gilid dahil pupunta raw sina sa may mga senior.
"Si Atlas nand'yan!" I heard her exclaim, mas kinukulayan ang labi. "Maganda na ba ko? Lalapitan ko lang, tanungin ko kung ayos na ang paa."
Mas gumanda siya sa pulang labi.
I pressed my lips. Napahawak ako sa labi kong maputla raw sabi ni Heart at wala sa sariling napasulyap sa pwesto nina Atlas. Catherine was beside him, mukhang may sinasabi, malaki pa ang ngiti at mukhang kinikilig pero mukhang walang pakialam si Atlas.
His hand was resting on his uninjured foot, nakapahalumbaba at pinaglalaruan ang ibabang labi habang nakatitig sa akin. My heart jumped, nag-init ang pisngi ko at mabilis na ibinaba ang daliri mula sa labi.
I saw his lips twitch, napapangiti siya at halos manghina ang tuhod ko nang bigla siyang kumindat.
Nag-init ang pisngi ko at nanlaki ang mata, humigpit ang hawak ko sa may booth at napakurap-kurap. Napapangisi siya pero pinigil at kinagat ang ibabang labi.
He looked so amused at me pero nawala ang atensyon niya nang tapikin ni Catherine ang balikat niya. Napabaling siya at nakinig sa sinabi nito. I saw Catherine put her hair behind her ear, mukhang nagpapa-cute kaya kumunot ang noo ko.
"Akala mo kagandahan," I whispered, annoyed.
"Oo nga, e, pangit naman," I heard a voice say.
"Tama..." I agreed.
"Mas maganda ka pa r'yan, Lia, sinasabi ko sa 'yo..."
Napatalon ako at nanlaki ang mata nang makitang nakangisi si Heart sa likod ko.
"A-anong..."
"Atlas pala, ah?" she teased. Heat rushed into my cheeks.
"H-huh? A-anong sinasabi mo r'yan?" I muttered. She grinned.
"Bobo talaga nitong si Montezides, ayaw gumalaw. Ang tagal-tagal na," she whispered.
"Huh?" I asked, confused.
She grinned and winked at me. "Wala, sabi ko, baliw 'yang pinsan kong may katok sa utak. Si Kuya Damon lang yata matino sa kanilang magkakapatid."
Halos mawalan ng kulay ang mukha ko. "Ibig mong sabihin..."
"Ah, pinsan ko." She smiled. My mouth parted. Suminghap ako.
"A-ano, h-hindi ko naman gusto—"
"Sus, patola." She pinched my cheek. "So cute, Lia. Don't worry, 'di ko sasabihin, swerte naman ni Atlas kung malalaman niyang crush mo rin siya."
"H-huh?" Napasinghap pa ako.
"Wala!" tawa niya sa akin at umiling, nagulat ako nang kumaway siya at ngumisi. "Hoy, Montezides! Bili ka naman dito sa booth ni Lia!"
"Heart!" I exclaimed, mabilis na napalingon at nakitang papalapit na nga si Atlas sa amin.
Ang bilis? Nakaupo lang 'yan kanina, ah?
Nag-init ang pisngi ko, gusto magtago pero ang walang-hiyang si Heart ay ngumingisi na. Gusto ko sanang tumakbo sa kanya palayo pero mas nakakahiya iyon, baka malaman niyang gusto ko talaga siya!
Parang tuod akong nanatili roon at sa paglapit ni Atlas ay kaagad akong inatake ng mabangong perfume niya.
"Hi, Lia, good morning." He smiled handsomely pero hindi pa ako nakakangiti pabalik ay malakas na tili ni Heart ang narinig ko.
"H-Heart!" I pinched her waist. She smirked and winked at me.
"Yow, insan!" she greeted.
Atlas frownedat her. "Anong ginagawa mo rito?" he hissed.
"Wala, masama?" she said proudly and took my wrist. "BFFs na kami ni Lia, bakit?"
Atlas frowned more, bumaling siya sa aking natulala lang at nakita kong medyo lumambot ang mata niya.
"Inaaway ka ba nitong babaeng 'to?" he asked and I immediately shook my head.
"Friend ko," I said. He was surprised!
He smirked, napansin ko ang saya sa mata niya bago bumaling kay Heart na nakangisi habang hawak ang pulsuhan ko.
"You are?" He glanced at his cousin who nodded.
"Sorry, BFFs na kami ni Lia. Shoo! Umalis ka kung hindi ka bibili!" she exclaimed. I chuckled when Atlas frowned.
"Bibili ako," aniya at sumulyap sa akin bago ngumiti. "Ikaw ba ang mag-se-serve, Lia?"
"Uh, oo..." I said. "Ako naka-schedule."
He nodded, he glanced at Heart. They exchanged looks at nahuli ko pa ang pagtango ni Heart bago ko bitawan.
"Oh, siya, na-C-CR ako ulit. Bye, enjoy!" Umawang ang labi ko, balak sanang hindi paalisin si Heart pero tumakbo na siya paalis kaya napasulyap na lang ako kay Atlas na nakatitig lang.
"U-uh, anong gusto mo?" I asked shyly and his lips twitched.
"Ikaw," he answered.
My eyes widened, marahas na naramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko. "H-huh?"
He licked his lower lip and blushed, tumikhim siya at nag-iwas ng tingin, sumulyap sa mga palamig sa harapan.
"Uh, i-ikaw? Ano sa tingin mo ang masarap?" he asked at nagpa-panic na tinuro ko ang isa roon.
"P-pandan, masarap," I said.
"Paborito mo ba 'yan?" He glanced at me at tinuro ko ang melon.
"Hindi, ito," I said. "Masarap din ang melon."
"Gusto ko 'yan," aniya at sumulyap.
"Melon?" tanong ko at tumango siya.
"Oo, gusto ko 'yong paborito mo," he said.
My heart jumped, natatakot pa ako no'ng una na baka mag-ingay ang smart watch ko pero hindi kaya medyo nakalma.
"O-oh, hi, Atlas!" Napasulyap ako sa likod at nakita kong naroon na si Anya at ang barkada niya.
"Hi." Atlas gave them a small smile.
"Ayos na ba ang paa mo?" Anya asked softly.
"Uh, oo, pwede na siguro maglakad next week," aniya at sumulyap sa akin. "Melon na lang, Lia." He smiled softly.
I nodded, binuksan ko ang container at inabot ang sandok pero nagitla ako nang bigla akong hinawi ni Anya, sa gulat ay napaatras ako.
"Ah, melon? Ako na!" she volunteered.
I saw Atlas' face harden, kumunot ang noo niya at bumaling kay Anya.
"What are you doing?" he asked coldly.
"Uh, ako na ang magse-serve sa 'yo!" Anya said happily.
Atlas looked annoyed and mad, he licked his lower lip and shook his head at Anya.
"No, why are you pushing Amalia?" he asked sharply and my lips parted.
What...
"Harang kasi, ako na ang magse-serve—"
"No, si Lia ang gusto ko," he said coldly.
My eyes widened. Nakita ko ang pagkatulala ni Anya at ang sikuhan ng barkada niya.
"But I can serve—"
"I want Amalia, Miss." He smiled coldly, halos kilabutan din ako roon. "If you'll excuse her? I'm thirsty."
She looked dumbfounded but didn't say anything, tumalikod siyang masama ang tingin sa akin.
"Ikaw na, Argueles," she hissed coldly and walked away with her friends.
Nagkatinginan kami ni Atlas, lumapit ako at nakita ko ang pagbuntonghininga niya.
"Are you okay?" he asked.
I nodded. He glanced at my arm, akmang aabutin pero napamura bigla at napahawak sa saklay.
"Pesteng pilay 'to," he rasped.
"Ayos lang ako," I said and smiled, silently thanking him for fighting for me.
"You sure?" he made sure.
"Oo, salamat..."
Hindi na kami nag-imikan pagkatapos, kinuhaan ko siya ng melon, siyempre maraming sahog kasi gusto ko siya. Sinabihan nga ako na kaunti lang ang sahog kapag magbibigay para 'di kami malugi pero wala, e.
Atlas 'to, e. Kung gusto niya bigay ko pa sa kanya itong buong container ng melon! Treat ko pa!
I giggled, huli na nang matanto ko ang nagawa kaya nanlalaki ang matang sumulyap ako sa kanya pero wala siyang sinabi at tumaas lang ang sulok ng labi.
"May...gagawin ka ba mamaya?" he asked.
"Huh? Wala naman, kapag naubos na itong mga palamig pwede na kami mag-ikot." I said.
"Perhaps." He licked his lips again, medyo namula siya kaya natutuwa ko siyang pinagmasdan. "Uh, ayain sana kita."
"Saan?" I asked, kunwari'y kalmado pero halos mag-tumbling na sa kilig.
"Nood lang sa game," he said. "Sa may babang bleacher ako pu-pwesto. Uh, is it okay if you'd watch with me?"
Nanlaki lang ang mata ko at napailing siya kaagad.
"I-it's not like I'm pressuring you!" he added immediately, blushing harder. "Kung ano, kung gusto mo lang," he asked shyly.
"Um, sige..." I said in a small voice.
Para siyang nakahinga nang maluwag at mas lumapad ang ngiti. His red lips quivered and tried stopping his smile but walang nagawa iyon as it escaped. Nagkatitigan kami at sabay na napatawa.
"Punta na lang ako," I told him.
"Thank you!" he exclaimed happily. "I'll entertain you, promise. Hindi ka mabo-bore."
"Hoy, Montezides! Meeting daw sabi ni coach!" ani Josh na biglaang lumapit sa amin.
Atlas' and my eyes met, nakita ko ang saya niya roon.
"Uy, melon, kanino 'yan? Painom, ah?" Josh asked, walang salitang kinuha ang melon na 'di pa naiinom ni Atlas at mabilis na tinungga.
"Putang ina..." Atlas gasped. "Gago ka, akin 'yan!" he whined at napatawa na lang ako nang halos ihampas niya ang saklay kay Josh na nabilaukan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co