Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 4
Kabanata 4
"HOY, Argueles! Oh, ayusin mo 'yan bago ka lumayas, ah? Mamaya ay iwanan mo 'yan at lumandi kung saan!" Itinapon sa akin ni Anya ang bilog na basahan at mabuti na lang ay nasalo ko iyon.
"Sige," mahina kong sabi at sumulyap sa lilinisin.
"Siguraduhin mong aayusin mo 'yan, naiintindihan mo?" she muttered. "Ayaw kong makikita kang nag-iikot habang madumi 'yan!"
Hindi na ako sumagot, kumunot lang ang noo at nagsimula ng magpunas ng kalat sa booth namin.
"If you're thinking that Atlas sided with you, 'wag ka nang umasa, naaawa lang iyon sa 'yo," she mocked. "I bet you let him see you touching your chest and pretend you can't breathe—"
"Bobo mo, Anya. Ikaw ang 'wag umasang papansinin." Mabilis akong napalingon at nakita si Heart na nakapamaywang lang doon, mukhang kararating.
She was even holding a mini fan at nakatutok pa sa mukha niya.
"So?" Anya hissed at her. "Atlas likes mature girls! Not some weakling—"
"You don't look mature to me," Heart snapped. "You look immature, sa true lang, 'te, ah? No offense."
Anya's face flushed, umawang ang labi niya at ngumisi si Heart.
"I hate you! I hate you so much! Buti na lang at wala ka na sa barkada!" She glared at her. "Magsama kayo ni Amalia, losers!"
Nagdadabog na umalis siya at nagkatinginan kaming dalawa ni Heart.
"H-hinayaan mo na sana, 'yan tuloy napaaway ka..." mahinang sabi ko.
"Duh, hayaan mo sila. Mga pathetic losers!" she made a face but immediately changed when she grinned. "Anyway, Lia, done ka na? Hatid na kita sa gym."
Nanlaki ang mata ko, napalunok ako nang matantong ilang saglit na lang ay mag-uumpisa na ang basketball game.
"P-paano mo nalaman?" tanong ko. Natigilan siya at kinagat ang labi niya.
"Ah, ano, narinig ko lang," sagot niya.
"Pero 'di ba, nag-CR ka?" nangunot ang noo ko.
Namula siya nang bahagya at binaba ang mini fan na hawak niya, kinuha niya sa akin ang basahan at siya na ang nagpunas doon.
"Heart?" tawag ko.
"Wala, ano, mabilis ako nakabalik kanina. Narinig kong nag-uusap kayo ni Atlas tapos 'di ako lumapit kasi moment n'yo ng crush mo."
Nanigas ako. She beamed. Natulala ako. Natawa siya at kumindat.
"Don't worry, Lia. 'Di ko naman sasabihin kay bobo 'yon." She smirked.
Nangunot ang noo ko.
"Bakit bobo?" I asked and she laughed again, umiiling.
"Wala, inside joke lang. Boploks kasi 'yon, mas gustong titingin sa malayo, kunwari walang paki tapos kung kailan nakakuha ng tyansa magpapansin, ang bagal-bagal."
"Huh?" Mas nangunot ang noo ko. "Sorry, hindi ko maintindihan."
"Wala!" She grinned at me, tinapos ang pagpunas at nilingon ako. "Ang sabi ko, mag-ayos ka na. Game! May lip tint akong maganda! Try mo!"
"Hindi na!" Umiling ako at inangat ang kamay ko para ipakitang 'wag na.
"E, hindi ka mag-aayos?" Namaywang siya sa harapan ko at pinagmasdan ako.
"Hindi..." Binasa ko ang labi ko. "Ayos naman 'to, ah?"
"Tss, hindi ayos!" Ngumuso siya. "Ang putla mo, Lia. Tara, akong bahala, promise, gaganda kang lalo! Baka ayain ka kaagad sa marriage booth ni Atlas!"
"Huh?!" Mas nag-init ang pisngi ko. "Anong..."
"Tara, bilis!" hagikhik niya. "Akong bahala sa 'yo!"
Hindi na ako nakatanggi nang hilahin ako ni Heart papunta sa restroom. Tumanggi ako nang lagyan niya ako ng tint pero ayaw niya talaga paawat.
"Manipis lang!" she said. "Promise, hindi mapapansin, parang ano...natural."
"S-sige," tango ko.
Naglagay siya ng manipis na tint sa labi ko, naninibago pa nga ako dahil hindi talaga ako sanay at first time kong mag-tint. Pati nga sana ang pisngi ko umayaw ako.
"Powder na lang,"
Sumulyap ako sa salamin pagkatapos mag-ayos, medyo nanlaki pa ang mata nang matantong bagay nga sa akin ang tint.
Sumulyap ako kay Heart na excited na nakangisi, nag-aabang sa reaksyon ko.
"So..." she started.
"Maganda." Napangiti ako. "Ngayon lang ako nakagamit nito, salamat."
"No worries! Maganda ka naman talaga kahit wala iyan! Mas na-emphasize nga lang ang labi mo! Naku, sinasabi ko sa 'yo baka maihi pa sa salawal si Montezides kapag nakita ka!"
"Heart!" I exclaimed at mas lumakas ang kanyang tawa.
"You're really cute, Lia. Tara, hahatid kita!"
Gusto kong pasama sana sa kanya sa may court pero hindi siya pwede dahil may date raw sila ng boyfriend niya kaya pagpasok ko sa court ay umaapuhap ang dibdib ko.
Para akong hinahabol sa sobrang kaba at hiya, napansin ko kaagad ang paglingon sa akin ng iilang senior na nakasalubong ko sa court.
"Oh, Argueles. Nakaayos, ah?" ani ng kaibigan nila Catherine, kaklase nina Atlas nang makita ako.
"Baka may crush," tawa ng isa. "Papaganda si Amalia."
Bigla akong nahiya, I wanted to suddenly remove the color in my lips.
"Ah, sina bet mo? Si Johann? Aba, bagay kayo! Nerd siya tapos ikaw—"
"E-excuse po..." I muttered and lowered my head. Suminghap ako, mabilis na nagtungo sa CR sa may court at mabilis na pinunasan ng panyo ang labi ko.
Hiyang-hiya na naman ako sa sarili at sa kanila.
Masama ba talagang...sumubok maging maganda kahit saglit?
Bagsak ang balikat ko pagkalabas ng banyo, nag-iisip kung dapat pa ba akong tumuloy sa usapan namin ni Atlas.
Sabihin ko kayang sumama ang pakiram ko? O may pinapautos ang nanay? O kaya...
"Lia!" halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nang napasulyap sa may ibabang bleachers ay nakita ko ang nakangising si Atlas at kumakaway sa akin.
Dahil sa pagtawag niyang malakas ay pinagtinginan kami pero walang pakialam ang huli.
He looked dashing, medyo maayos ang buhok at hindi mukhang sinuklay lang ng daliri ngayon. Napangiti ako pero napawi rin nang mapansing maraming mata ang nakatingin.
Nakakahiya.
Napalunok ako, handa na sanang umiling pero masayang tinapik niya ang tabi niya, sinasabing doon ako maupo.
I looked around. Everyone is watching. Ayaw kong mapahiya si Atlas kapag umiling ako at talikuran siya kaya marahang naglakad ako palapit sa kanya.
He smiled widely. "Hi, Lia!" he greeted when I reached him.
"H-hello..." I smiled shyly.
"Upo ka!" aniya at muling tinapik ang kanyang tabi.
Nahihiya man ay naupo ako sa tabi niya. Nahuli ko pa siyang gustong tumayo para alalayan ako pero biglang naalalang pilay siya kaya ngumuso na lang at humawak sa braso ko habang papaupo sa tabi niya.
"Sorry, uh, I wanted to help you but..." Ngumuso siya sa paa.
"Ayos lang, kaya ko naman maupo,"
"Hayaan mo, mawala lang 'tong pesteng balot sa paa ko..." May hinanakit pa niyang sabi kaya gumuhit na naman ang ngiti.
"Hmm, anong gagawin mo?" I asked.
His lips twitched, nagtagpo ang mata namin at nahuli ko ang pagkislap ng kanya. While looking at his eyes, hindi ko alam pero nawala bigla sa isip ko ang opinyon ng ibang tao at nangibabaw ang lambot ng tingin niya.
"You'll see." He smiled handsomely again. Nagitla pa at natigilan nang i-angat niya ang kamay at hulihin ang mga takas na buhok sa may pisngi ko.
Marahang inilagay niya iyon sa likod ng tainga ko. "You'll meet Atlas version 2.0."
That made me laugh. I bit my lip.
"Anong...version ba 'yong ngayon?" I asked.
"Seven days free trial pa lang," aniya at mas napangiti ako.
"Kapag nag-expire na ang free trial?"
"Hmm, it'll be your decision if you want to try the premium version," he answered and smiled. "It's your decision, Lia, pero tip. Purchase mo na, worth it 'yon."
Nagkangitian kami, parehong sumasayaw ang aliw sa mga mata nang may magsalita sa harapan namin.
"Uy, Lia, ang sarap ng melon sa booth n'yo, ah? Maraming sahog!" Josh suddenly said kaya napabaling ako sa kanya.
"H-huh?"
"Sabi ko, bibili ako sa booth n'yo bukas ng melon. Masarap, e! Daming sahog, 'yong gulaman kasi parang puro asukal—"
"Akin lang ang melon!" sabay kaming nagulat ni Josh nang i-angat ni Atlas ang saklay at ihampas sa hita ni Josh.
"Cap!" sigaw nito at ngumiwi.
Nang sulyapan ko si Atlas ay nakangiwi na, kunot ang noo at masama ang tingin sa kanya.
"Bakit? Pinalitan ko naman 'yong melon mo kanina, ah—"
"You asshole, ininom mo pa rin ang akin! Pinalitan mo nga, kaunti na lang ang natirang sahog dahil ininom mong peste ka!" he whined.
I bit my lip to stop my smile, hinahagip ni Atlas si Josh ng saklay niya at dumadaing na ang isa.
"Cap! Tama na! Paano ako makakalaro nang maayos—"
"Akin ang melon! Akin!" he hissed, pinagtitinginan na dahil sa ingay niya at mas nakagat ko ang labi sa tuwa sa kanya.
He's so...adorable.
"Luh, inangkin, 'di mo naman binili lahat—"
"Akin lang ang melon ni Lia!" he hissed and Josh stopped. Natigilan din si Atlas, sabay silang napatingin sa akin at ako'y napakurap lang at nagtaka.
"B-bakit?" tanong ko.
Biglang ngumisi si Josh, nagpalit-palit ang tingin ko sa kanya at kay Atlas na unti-unting nilalamon ng pula ang mukha.
"Yie, Cap—"
"Punyeta ka, gago. Manahimik ka," he hissed timidly.
"A-anong mayro'n?" I asked, medyo nalilito pang lalo.
"Ah, sabi ni Atlas na sa kanya lang daw ang melon mo—"
"Putang ina mo, manahimik ka!" Malakas na hampas ng saklay ang natanggap ni Josh. Lumagutok pa 'yon kaya 'di na ako nagulat nang dumaing siya sa sakit.
"Cap!" he grunted.
Atlas glared at him and showed him his middle finger.
"Fuck you—"
"Montezides!" biglang sumigaw ang coach sa may gilid at nakita kong naiwan sa ere ang kamay ni Atlas.
Slowly, he added another finger hanggang sa naging peace sign na ito at ngumisi siyang alanganin kay coach.
"P-peace sign lang, Coach! Bakit ka gagalit?" he asked innocently at mas napangisi ako.
"Nakita ko 'yon!" Coach hissed, napalingon siya sa akin kaya nahihiyang ngumiti ako. "Oh, kaya pala! Nand'yan pala si crush—"
"Coach!" Halos mapatayo na si Atlas pero napadaing lang nang hindi siya nakatayo.
"Oh, bakit?" Coach grinned.
"W-wala! S-sorry na." Atlas cleared his throat and glanced at me. "Okay ka lang, Lia?"
"Oo naman, ikaw?" I asked, sumulyap pa sa paa niya.
"Aba, ayos na ayos," Josh said and smirked. "Sa kanya nga lang daw ang melon—"
"Damn you, bumalik ka na roon!" Atlas hissed kaya mas napangisi si Josh. Bigla siyang sumaludo sa amin at mabilis na naglakad paalis at bumalik sa court.
I watched Atlas' face as it turned bright red. Ngumuso ako at nag-alala kaya inabot ko ang pisngi niya.
"Ayos ka lang?"
"Oo!" His mouth parted and moved a bit, mas namumula na. "Ayos lang, ayos na ayos."
My lips pursed pero sa huli'y napangiti.
Bumaling ako sa court at nakitang naroon na ang kalaban galing sa ibang university, sina Ted at Josh ay naroon na rin. Ted was watching me kaya ngumiti ako at kumaway.
He smiled, bumaling saglit sa tabi ko at kumaway pabalik.
"Gagalingan ko!" he exclaimed. Nag-thumbs-up ako sa kanya.
"Abangan ko 'yan, ah!" I exclaimed back.
May malakas na tumikhim.
"Tss, mas magaling pa ako r'yan..."
Mabilis akong napasulyap kay Atlas at nahuli siyang nag-iiwas ng tingin, nakasimangot pa.
"Hmm?" I hummed, raising my eyebrow.
"Wala." He licked his lower lip and shook his head. "Pesteng pilay kasi 'to."
"Atlas?" tawag ko. Hinuli ko ang mata niya at matamis na ngumiti sa kanya para 'di na siya malungkot sa pilay niya.
"Gagaling ka rin, 'wag kang mag-alala. Ano, um, ingat-ingat ka lang palagi para hindi mabinat ang paa mo. 'Wag mong pwersahin."
His eyes softened again. Binasa niya ang labi bago tumango-tango, maamo. Inangat niya ang kamay at ipinakita sa 'kin ang pink na mini fan.
"Baka ano...naiinitan ka."
"'Wag na. Ayos lang, salamat," ngiti ko.
"I insist." Hindi na ako nakapagsalita at natawa na lang nang buksan niya ang mini fan at itinapat sa akin. "Ayokong naiinitan ka."
My heart hammered. I felt like I was fleeting that I had the urge to kick my feet to hyperventilate.
Nagtitigan kami at mas napansin ko ang mahahaba niyang pilik-mata at ang kanyang manipis na labi. Mapungay ang tingin niya. Hindi ata kaya kakayanin ng puso ko.
Mabuti na lang ay nag-announce na mag-i-start na ang laro kaya nakakuha ako ng tiyansang umiwas at ikalma ang sarili bago pa 'ko magkalat sa harapan niya.
Dream come true, Amalia, ano? Kilig na kilig ka namang babae ka!
Napansin kong ang mga babae sa bleachers ay nakatingin at nangingiwi pa sa akin. Catherine with the cheering squad didn't have enough energy. Nakasimangot sa akin, pero masyado akong masaya para magpaapekto.
The game started na chill, kada-minuto ay ramdam ko ang tingin ni Atlas sa akin. Nahihiya naman ako tumingin dahil baka sabihin niyang patay na patay ako sa kanya kahit oo nga...
Crush na crush ko siya.
"Lia, oh." May inilahad sa aking pagkain si Atlas kaya sumulyap ako sa kanya at nakitang chips iyon. "Kain tayo."
Oh my God...niyaya niya akong kumain kasama siya!
"S-salamat..." Kumibot pa ang boses ko sa kilig at nanginig pa ang kamay habang kumukuha. Sa sobrang kaba ko pa at at nabitawan ko ang chips kaya napasinghap.
"Calm down." He chuckled huskily, humawak siya sa pulsuhan ko para kalmahin ako pero 'di niya alam mas nagwawala lang ako!
"S-sorry, ano lang..." I smiled nervously.
"It's okay, I'm shaking too, 'di mo lang napapansin," aniya at umawang ang labi ko. He licked his lower lip and smiled shyly. "Sige, kain ka muna."
"Salamat," bulong ko habang paulit-ulit na sinasabi sa sariling 'wag magpahalatang nanginginig.
Para kaming nagpi-picnic habang nanunuod. Mas nagiging intense ang laro sa mga sumunod na quarter kaya 'di na 'ko mapakali.
"Go, Ted!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw nang na kay Ted na ang bola. He dribbled it, mabilis na umiwas sa mga kalaban kaya napatili ako.
"Ted!" impit na sigaw ko, biglang napasulyap si Ted sa akin at ngumiti kaya naagaw ng kalaban ang bola.
Nagmura siya roon at hinabol ang bola. Ngumuso ako.
"Tss, feeling magaling..." Atlas muttered beside me. "Dapat sa iba siya dumaan! Tingin-tingin pa kasi..."
Sumulyap ako kay Atlas na kunot na ang noo, nakatitig sa may court. Nakasimangot at mukhang bugnutin na.
Kakausapin ko na sana siya nang muling magtilian at na kay Ted na muli ang bola, mabilis ang bawat galaw niya roon at dinig ko ang tilian, napapapalakpak naman ako at sumisinghap.
"Ibigay mo kay Josh!" Atlas hissed. "Malapit sa ring, o!"
But Ted didn't do what Atlas was muttering beside me, nakipagpatintero pa siya roon.
"Go, Ted! Go, Ted! Oh my God!" Napatili na ako nang muntik na niyang ma-shoot ang bola sa ring pero nahawi ng kalabang team.
"Shit, sabing ibigay kay Josh..." Atlas hissed. "Pasikat, tss..."
"Mukhang mananalo naman kayo, e," I said instead at mukhang stressed na siya.
Lamang naman ang score board ng malaki kaya feeling mananalo. Nahuli ko ang tingin niya. I smiled reassuringly.
Nawala ang kunot ng noo pero mukhang iritado pa rin. He brushed his hair frustratedly. Gumulong muli ang buhok niyang nakaayos kanina, nahulog ang ilang hibla sa noo.
"Mas mataas ang score kung binigay niya kay Josh," he defended.
"Malaki naman ang lamang," I insist. "'Tsaka ang galing ni Ted."
Mas dumilim lang ang itsura niya.
"Mas magaling pa ako d'yan," he muttered lowly but I heard it kaya napangiti ako at tumango.
"Magaling ka nga. Nakita kitang naglalaro at magaling ka."
His shoulders squared at muling umamo. "Talaga? S-sinong mas magaling?"
"Hmm, lahat naman kayo magaling..." I murmured.
"Hindi pwede 'yon, siyempre mayro'ng mas," he insisted.
"Hmm, paano kung magaling lahat?"
Tumikwas ang kilay niya't may pinaglalaban.
"May mas dapat, Amalia. May pilay lang ako ngayon kaya 'di ko makalaro. Huh, kapag ako gumaling, mas mataas ang score. Dapat mamili ka. Hindi naman palaging pantay—"
"Siyempre, ano..." Natigil pa ako at mas kumalabog ang puso.
"Ano?" he asked playfully. Tinagilid niya ang ulo at tumitig.
"Ano..." Mas nag-init ang pisngi ko sa titig niyang naaaliw.
"Hmm?" A smile almost escaped his lips but he stopped it by biting it.
"M-mas ano...mas magaling ka." My cheeks flushed.
Ngumisi siya, napasulyap sa may gilid ko at nakita ko ang unti-unting pagpawi ng ngiti niya't pag-awang ng labi niya.
"Atlas—"
"Lia!"
He pulled my head down with his palm covering the back of my head. Tila iniwas ako kung saan at ibinaon sa dibdib niya kaya suminghap ako't naguguluhan kung anong nangyari hanggang sa... marinig ko ang kalabog ng bola at ang sigawan ng crowd.
"Coach!" sigaw nila at mula sa balikat ni Atlas ay nakita kong tumalbog at gumulong ang bola papunta saan.
I gasped, panicking. mabilis akong lumayo sa dibdib ni Atlas at sumulyap sa mukha niya.
He was bright red, nakatulala, at namumula ang ilong.
"A-Atlas, a-ayos ka lang?" I asked worriedly! Natamaan ng bola ang mukha niya.
"Y-yeah..." he muttered, wala sa sarili at napatili ako nang bigla na lang pumikit ang mata niya at natumba sa bleachers.
Dinala siya sa clinic na buhat ng stretcher.
Kagat-kagat ko ang labi 'di mapakali habang pinagmamasdan si Atlas. May ointment ang mukha at may band aid ang bridge ng ilong.
"Bakit kasi ang lakas n'yo maghagis ng bola?" pagalit ni coach sa mga ka-team ni Atlas.
"Sorry, Coach, nadala lang..." dahilan nila.
Nag-uusap pa sila kaya pinagsawa ko na lang ang tingin kay Atlas na tulog pa rin. Sabi ni nurse okay naman na siya, malakas lang ang impact ng tama ng bola sa mukha kaya nahilo at nawalan ng malay.
I sighed. He looked adorable with that cute band aid but I felt bad for him.
He helped me...he protected me from the ball.
Sa halip na ako ay siya ang natamaan, nagi-guilty ako. Ako kasi dapat. Pero ewan ba, ang sama ko siguro at kahit napahamak siya't kinikilig ako kasi...pinagtanggol niya ako!
Concern siya sa 'kin!
"Ms. Argueles, pasensya na...pwedeng ikaw muna kay Montezides?" ani coach at walang pagdadalawang-isip akong tumango.
"Opo naman, ayos lang. Ako na po ang bahala,"
He smiled. "Pasensya na, kailangang ituloy ang game. Balikan na lang kita mamaya."
"Sige po," ngiti ko.
He glanced at Atlas ang shook his head, scoffing. "Itong batang ito talaga, lapitin ng disgrasya, lutang kasi palagi. Medyo maayos naman ang mga kuya, napag-iwanan yata." Natawa na rin ako roon. "Sige, Ms. Argueles. Salamat."
Nang umalis si coach ay kinuha ko ang mini fan at itinapat kay Atlas na medyo pinagpapawisan na. Nasira kasi ang aircon ng clinic kaya medyo mainit, may electric fan naman kaso medyo malayo sa amin at hindi masyadong abot.
Drops of sweat were on his forehead kaya kinuha ko ang kanyang bimpo at pinunasan ang kanyang noo at leeg.
"Thank you sa pagprotekta sa akin," bulong ko habang pinupunasan ang noo niya.
Wala nang plain na band aid kaya pink at may melons na design ang band aid niya, mas cute kaya napahagikhik ako at pinaraan ang kamay ko sa pisngi niya. Hindi naman siya magigising, e.
May mga galos siya, namumula pa ang mukha dahil sa tama ng bola. I caressed his cheek.
Ang gwapo ni Montezides talaga...mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. His eyebrows are sloped downwards kaya mukhang masungit minsan kapag walang ngiti.
I slowly touched the side of his nose to check pero ang gwapo talaga. Sobrang rare din ng ganitong tiyansa kaya tumitig ako.
"Gwapo pa rin naman, 'no?" I froze when his lips suddenly twitched and lifted to a smile.
My heart lurched.
"G-gising ka?" My jaw dropped.
His smile widened, his eyes still closed.
"Hindi, tulog ako, Lia. Sleep talking lang," he teased.
Sumabog ang init sa mukha ko nang marahang nagbukas ang mata niya at hinuli ang akin.
"Y-you're teasing me..." I muttered.
"You're adorable." He chuckled huskily and frowned a bit when he moved his face.
"A-ayos ka lang?" I asked worriedly. "S-sorry, ano, sana ako 'yong matatamaan, e. Hindi ikaw."
Sumeryoso ang mukha niya at umiling.
"No," he muttered. Sumubok siyang umupo kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya at inlalayan. "Mas ayos ng ako, 'wag ka lang."
"Careful," mahinang sabi ko.
Sumandal siya sa may bed at ngumiwi. He touched his jaw and licked his lips.
"Gwapo pa rin ba, Lia?" He smirked at me. Hindi ko naman kayang magsinungaling. Tumango ako.
"O-oo naman." I smiled shyly. "Gwapo..."
"I knew it." He shook his head at me. "Tss, ayokong maangasan nila Kuya."
"Bakit?" I asked, lumapit para muling punasan ng pawis ang noo niya. Natigilan siya pero mukhang na-excite at umayos pa ng upo.
"Dito pa, Lia, o..." turo niya sa pisngi kaya ibinaba ko roon ang bimpo.
"Ano kasi, nagpapa-gwapuhan kami nila kuya," aniya kaya natawa ako.
"Talaga?"
"Oo." His mouth twitched. "Pero naniniwala talaga akong ako ang pinakagwapo sa aming tatlo. Sa tingin mo, Lia, ako ba?"
Napaisip ako. Sikat ang mga Kuya niya rito sa amin, kilala ko rin. Nagkatinginan kami't nakita kong nag-aabang siya ng sagot kaya napatikhim ako.
"O-oo naman." Nag-iwas ako ng tingin, nahihiya.
Kailangan pa bang itanong 'yan?
"I knew it..." He puffed out a breath and sighed. "Pero parang gago lang."
"Bakit?" Sinulyapan ko siya ulit.
He chuckled a bit, hinuli ang kamay ko at inilipat sa may leeg niya kaya pinunasan ko ang pawis niya roon.
"Nahihiya na ako sa 'yo," he muttered in a small voice.
"Huh? Ba't naman?" tanong ko, naaalarma. "Dapat nga, ako ang mahiya kasi ako dapat ang matataman pero pinrotektahan mo ako..."
"I just..." He swallowed hard kaya ibinaba ko ang bimpo at pinagmasdan siya. He caught my eyes and he bit his lower lip. "Ilang...beses na akong napapahiya sa 'yo."
"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Kailan?"
"Una, 'yong lampa moment ko kaya na-sprain. Tapos 'yong tumalbog ako sa hagdan." He huffed. "No'ng nakaraan pwet ko lang ang nalamog, ngayon, pati mukha ko na..."
Kumawala ang malakas at biglaang tawa sa 'kin kaya natutop ang bibig. Ngumuso siya at humawak sa batok niya.
"Tignan mo, tinatawanan mo 'ko..." Nahulog ang balikat niya.
"Hindi!" I exclaimed pero 'di ko talaga napigilan at natawa.
"Nahihiya na ako," he whined.
"Sorry!" I exclaimed and chuckled more. "N-natutuwa lang."
"Turn off ka na, wala na..." he grunted, his lips protruding.
Natigil ako. "Huh? Bakit naman ako matu-turn-off?" My forehead creased.
Natigilan siya. Ako rin no'ng may natanto kaya nagkatitigan kaming dalawa. My cheeks flushed, pinalobo niya ang bibig at biglang suminghap.
"Whoa, ang init dito, ah!" aniya at biglang pinaypayan ang sarili. Ginalaw niya rin ang shirt na tila naiinitan nga at napalunok ako, kinikilig na kinakabahan.
"O-oo nga, e..." Binuksan ko ang mini fan at itinutok sa sarili ko.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Bakit nagma-matter kung napapahiya siya?
Wala naman akong pakialam kung kahit ilang beses pa siyang matumba sa harapan ko! Okay na okay! Atlas, basta ikaw! Okay na okay!
"Grabeng init! Tss, ayaw ko na sa mundo!" He puffed out a breath at para hindi awkward at halata ako ay tumikhim ako.
"Labas na lang tayo, um...s-saan gusto mo?" Sumulyap ako sa kanya.
"Sa mundo mo..." he said and we both froze. Nagpigil siya ng ngisi at mas uminit ang pisngi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co