Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under Wattpad x LIB)

Kabanata 7

heartlessnostalgia

Kabanata 7

DAYS passed like a bliss, nang matapos ang exams ay nagkaroon kami ng oras magpahinga. Tapos magpapapirma lang ng clearance at grade ten na ako! Finally!

Ayos naman ang grades ko, sa tingin ko ay ayos din ang exams ko nitong nakaraan kaya hindi naman siguro ako mahihirapang magpapirma ng clearance.

"Lia, anak, sa Peñablanca tayo magbabakasyon, ah?" ani Nanay habang inaayos ko ang shirt ko.

"Okay po." I smiled.

"Ang lolo at lola mo ay nagpapabisita, ayos lang din at magsa-sideline muna ako sa plantation doon. Sa susunod na ako babalik sa palengke, kapag pasukan n'yo na ulit."

"Sige po, papapirma lang naman kami ng clearance tapos okay na. Kung hindi ko matatapos 'to ngayong araw, Nay, baka mga bukas or sa sunod na bukas," ngiti ko.

Ngumiti rin siya sa akin, naglakad siya palapit at inayos ang buhok ko.

"Mabuti na lang at kahit tayong dalawa lang, hindi ka nawawalan ng pag-asa, Lia." She smiled softly, her wrinkles showing a bit but her beauty never fades.

"Ano ba, Nay," tawa ko. "Habang may buhay may pag-asa, magtiwala lang tayo at darating din ang araw para sa atin."

Namungay ang mata niya, naluluha kaya inabot ko ang pisngi niya.

"'Wag kang iiyak, Nay..." marahang sabi ko. "Pagkatapos ko ng senior high ay kolehiyo naman na ako, pagsisikapan kong makakuha ng scholarship sa CSU o kaya kung papalarin, sa Manila."

"Ang swerte ko talaga sa anak ko," she said softly. "Magtatrabaho rin ako nang maigi para mabuhay tayong dalawa."

"Pwede naman ako tumulong, Nay, e," I said. "Ayaw mo lang."

"Dahil gusto kong ma-enjoy mo ang kabataan, anak. Time flies so fast, na minsan hindi na nararanasang magpakabata ng mga kabataan. Sa hirap ng buhay ngayon, sa batang edad ay marami nang kailangang magtrabaho at ayokong maranasan mo iyon. I want you to experience the best things life has to offer and that is your youth."

While saying it, I could see her eyes glistening with the thought of my future and it touched me. Mag-aaral talaga ako ng mabuti.

"Gusto kong maging masaya ka habang nag-aaral, have friends, have crushes and love..." Nanliit ang mata niya. "Pero hindi ko sinabing mag-boyfriend, Amalia, ha?"

Doon na ako natawa, yumakap ako kay nanay.

"W-wala nga ako kahit crush,"

"Tss, naku, Amalia, matuto ka kasing makisalamuha. Ilabas mo ang pagkamadaldal mo." Lumayo ako sa kanya.

"Sige na, Nay. Masyado na tayong nag-da-drama, papasok na ako at baka pagsaraduhan ako ng gate,"

"Oh, siya, sige. Mag-iingat ka, Lia. Ang mga gamot mo, 'wag tatakbo at 'wag hahabol sa teacher!" aniya kaya kumaway ako at mabilis na lumabas para pumara ng tricycle.

"Lia, sabay tayo!" Nagulat ako pero napangisi nang makita si Ted na naupo sa tabi ko sa loob ng tricyle.

"Magandang umaga, Ted!"

"Good morning, gusto mo bang dito sa may pinto uupo o d'yan na?"

"Um." I bit my lip. "Pwedeng palit?"

"Sure." He smiled at natuwa ako nang lumabas siya at sumunod ako para magpalit kami ng pwesto.

"Salamat! Gusto ko kasi sana rito sa may pinto kasi ang ganda ng view sa biyahe."

"Walang anuman." He smiled. "Clearance din kayo?"

"Hmm," tango ko at nagsimula nang umandar ang tricycle. "Kayo rin?"

"Oo, 'yon lang naman ang gagawin buong araw kaya masaya," ngiti niya. "May kasabay ka bang mag-lunch mamaya?"

"Hmm, si Heart," sabi ko.

"Great, baka naman pwedeng makisabay?" he asked lightly. Mabait talaga ito si Ted lagi at approachable. Tumango ako.

"Sure, bakit hindi?"

Habang nasa biyahe kami ay nabusog ang mata ko habang nakatitig sa daan, sa mabato at malalaking mga puno. Inangat ko ang kamay nang kaunti para damhin ang hangin at hinayaan ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

It always made me happy and grateful being able to see the sun and feel the fresh air, ibig sabihin lang no'n ay nagising ako sa panibagong umaga.

Nang makarating kami sa school ay kaagad akong bumaba, sabay sana kami ni Ted papasok pero tinawag siya ng teacher nilang palabas.

"See you mamaya, Lia. Una ka na,"

"Sige, see you." Kumaway ako sa kanya bago tumalikod at nauna na.

Pagkapasok ko pa lang ay nakita kong may mga magbabarkada na na nag-aayos ng mga kailangang requirements para sa clearance. Naka-sibilyan kami na damit ngayon at wala namang klase kaya pagkatapos ng clearance, malamang ay gagala ang mga 'to.

I was wearing a gray shirt and black pants, naka-sneakers lang at nakalugay ang buhok. Pagkatapos naman nito ay uuwi rin ako kaagad kasi at wala naman akong gagalaan.

Abala ang lahat sa pag-picture din sa may Rotunda ng Red Eagle sa pinakagitna, sa may fountain sa CSU. Sa gabi ay maganda rito lalo at iba-iba ang ilaw.

Papasok sana ako sa may building namin nang mahagip ng mata ko si Atlas na nakaupo sa bench sa may hindi kalayuan. He was wearing a dark gray shirt and maong pants, magulo ang buhok at mukhang 'di mapakali.

Sasandal siya, mukhang may binubulong sa sarili. Bigla siyang umayos ng upo at nagde-kwatro pero umiling at humalukipkip at kumunot ang noo.

Anong nangyayari dito?

I pursed my lips, inayos ang shirt ko at marahang hinawi ang buhok ko para i-composed ang sarili.

Nang malapit na ako sa kanya ay nagkunwari akong hindi siya nakita. I could feel his stare but I decided na kunwari ay wala akong alam.

I walked closer, diretso ang tingin at napatayo siya bigla at lumapit.

"L-Lia!" he called kaya mabilis akong sumulyap, nilakihan pa ang mata, kunwari'y nagulat.

"Bakit?" baling ko sa kanya bago inilagay ang kaunting buhok sa likod ng tainga.

"Good morning!" he greeted and smiled. I saw how the rays of the sun from his back gazed upon him and he shined more. Kumalabog ang puso ko.

"M-magandang umaga," bati ko bago maliit na ngumiti. "N-nand'yan ka pala."

"Uh..." He licked his bottom lip, a few strands of his hair fell on his forehead and it made him look cute.

"Atlas?" I called.

"Uh, oo nga 'no..." He laughed awkwardly. "N-nandito pala ako, 'di ko rin napansin."

He realized what he said that his cheeks flushed. Napahawak siya sa batok at sabay kaming natawa.

He loosened up, tumikhim siya at umayos ng tayo. "Ako na sa bag mo," aniya at sumulyap sa bag ko kaya umiling ako sa kanya at inayos ang backpack.

"No, ayos lang. Kaya ko."

"'Di mabigat?" He asked worriedly. Umiling ako at tipid na ngumiti.

"Hindi naman,"

"Uh, 'yong folder na lang." Nangiti ako, hindi na umalma nang kunin niya ang folder na hawak ko.

"Sige, maraming salamat." He nodded. He fixed his backpack on his left shoulder. Magkasabay kaming maglakad at palihim akong kinikilig habang naglalakad kami papasok.

Akalain mo 'yon?

"Nice one, Argueles!" Nawala lang ang ngiti ko nang madaanan ang mga grade twelve seniors na nakaupo at tumatambay sa bench.

"Nice one, Montezides talaga? Swerte!" hagalpak pa nila.

The cheerleader glared at me and rolled her eyes.

"Don't look at them." Nawala ang paningin ko sa mga seniors nang lumipat sa kabilang side ko si Atlas, blocking my view from them.

Kunot ang noo niya at nang akmang sisilip ako muli sa mga seniors ay tumakip siyang muli.

"Atlas..."

"Don't," he said firmly, annoyed now. Nagitla ako nang bahagya niyang inilagay ang braso sa balikat ko habang hawak niya sa kabila ang folder ko, 'di ko alam kung ayaw niya lang na may makita pa 'kong iba o tinatakpan ako sa sinag ng araw.

My heartbeat quickened. Malamig lang ang tingin niya sa daan at mukhang iritado.

"Careful," he said and pulled me softly towards him at nang napabaling ako sa daanan ay muntik na pala akong mabangga sa basurahan.

"O-oh..." I gulped and nodded, sumabay ako sa kanya sa paglalakad at halos manginig na ang tuhod habang pinapakiramdaman ang braso niya.

Inakbayan niya ako! Inakbayan niya ako!

"Inaaway ka no;ng mga grade eleven?" aniya at sumulyap sa akin at parang lumulutang akong umiling.

I could smell his perfume. I wasn't sure if it's just his body wash or what pero sa bagay, kahit pawisan naman ay mabango siya palagi. Kahit nagba-basketball, mabango pa rin.

He was tall and I could only reach his shoulders. Kapag titingkayad ay aabot ako sa ilong niya.

Hmm, pwede na, abot naman ang labi niya.

Nag-init ang mukha ko.

What? Anong iniisip mo, Amalia?!

"L-Lia..." Nawala lang ang kilig na nararamdaman nang sumalubong sa amin si Heart na magulo ang buhok at namumugto ang mga mata.

"Heart?" I called, kaagad na kinabahan sa itsura niya.

"I..." she muttered. I panicked. Umalis ako sa pagkakaakbay ni Atlas at mabilis na tinakbo ang kaibigan ko.

I hugged her, yumakap siya pabalik at napasinghap ako nang malakas na umiyak na.

"H-he cheated on me, Lia," she cried. Umawang ang labi ko.

Mabilis kong hinaplos ang likod ng kaibigan para patahain siya.

"Sino? 'Yong gago ba, Heart?" I heard Atlas ask coldly and hardly.

"G-gago siya..." Heart muttered.

"Shh, tara, upo muna tayo," I muttered. Inaalalayan ko ang umiiyak na si Heart sa pinakamalapit na bench para maupo.

Thankfully, wala masyadong estudyante rito. Nang maupo si Heart sa tabi ko ay muli siyang yumakap sa akin at suminghap.

"Heart," I called softly.

"Si Assuncion ba, Heart?" Atlas asked, his voice stiff. Nang sulyapan ko siya ay madilim na ang mukha niya, iritado at galit.

Our eyes met and he was enraged. Madilim ang ekspresyon at napailing.

"Heart, what happened?" he asked coldly.

"H-huwag mo na puntahan, Atlas!" she exclaimed, lumayo sa akin at marahas na pinunasan ang luha. My heart ached at the sight of my friend, kinuha ko kaagad ang tissue sa bag ko at inabot sa kanya.

"S-salamat..." Her voice shook again, sumulyap siya kay Atlas at umiling. "'Wag na, Atlas..."

"No." He shook his head. "I let him court you because you said he's a good guy tapos ngayon ganyan?"

"Ayoko na ng away! He cheated on me and kawalan niya 'yon!" she exclaimed.

"Sino bang...paano mo nalaman?" I asked, marahan para hulihin ang mood niya.

"I-I saw him kissing Anya! That bitch! Sabi na at nang-aahas!" she exclaimed.

My eyes widened, nagkatinginan kami ni Atlas at napailing siya. He brushed his hair with his fingers frustratedly.

"I will talk—"

"No!" Heart hissed. "Wala na akong pakialam sa kanila, magsawa silang dalawa sa isa't isa, sana mabaog!"

Atlas was about to speak again but the look on Heart's face was so strong, ayaw talaga na pakialaman siya kaya umiling ako kay Atlas.

"Atlas," I called and he glanced at me. "Hayaan na muna natin."

"Lia, he hurt her—"

"Let's just protect Heart sa ngayon," sabi ko at tumango si Heart at muli akong niyakap. "We shouldn't let him near her."

Atlas looked so baffled yet I know he understood me, napapikit siya at naupo sa bench kaharap namin, ginulo na ang buhok.

"A-ayokong magmukha akong naghahabol. Gago siya, akala mo gwapo! Makapagsalita parang kasalanan kong gago siya! Mukha namang suso!" Heart hissed and cried again kaya niyakap ko siya at dinamayan.

I felt so bad because I didn't know exactly how to comfort someone, ngayon lang ako ulit nagkaroon ng mga kaibigan kaya bago sa akin ang lahat but I think I did my best, kahit papaano.

Heart opened up about seeing the two together, turns out ilang linggo na pala silang may issue. Atlas came to us and he never left our side, si Ted din pagkaraan ay dumating kasama si Josh na galit na galit, muntik pang sumugod pero mabuti ay napigilan namin.

Umalis lang ang mga lalaki pagkatapos ng lunch kaya kami ni Heart lang ang magkasama habang nag-aayos ng requirements.

I admired my friend for being so strong, kahit mugto ang mata niya kakaiyak ay ginagawa niya ang best niya para maging masaya. Nakipagbiruan na siya sa akin pagkatapos ng lunch at medyo gumaan ang loob ko roon.

I knew she wasn't fine but I could sense her positive spirit was still there and I'm good with it. Paunti-unti.

"Hoy, Amalia, umiiyak lang ako, ah." Nanliit ang mata niya habang nakaupo kami sa may bench pagkatapos magpapirma sa isang teacher.

"Huh?" Sumulyap ako sa kanya.

"Umiiyak ako pero nakita ko ang landian n'yo ni Montezides!" she exclaimed kaya natigilan ako, pumilantik na naman ang puso.

"L-landian?" tanong ko. "'Di naman, ah?" Nag-iwas ako ng tingin at nag-init ang pisngi.

"Ngi..." Tinusok niya ang pisngi ko. "E, bakit ka namumula? Nakita ko e, nakaakbay sa 'yo si bobo."

Mas kinabahan ako. "K-kasi...ano, muntik na akong mabangga sa basurahan do'n, hinila niya lang ako palayo."

"Oh? E, bakit 'di bumitaw kaagad?" She raised her brow. "Ano 'yon, pati sa basurahan na susunod muntik kang mabangga?"

Oh, my God...

"Hindi." Umiling ako, nag-iisip na naman ng paliwanag.

Umakbay lang siya kasi concerned siya! 'Yon lang 'yon!

She snickered, may nakakaloko ng tingin sa akin.

"Oo nga! Ano, n-nakalimutan lang niya tanggalin," sabi ko pero mukhang 'di ko siya napapaniwala dahil humagalpak siya ng tawa.

"'Wag ako, Lia, 'wag ako...ano, niligawan ka na?" walang pasubali niyang tanong. Mas marahas ang pag-iling ko.

"'D-di, ah! B-bakit naman ako liligawan no'n, e, ako lang naman ang may gusto sa kanya," I muttered, clearing my throat.

"Tss." She rolled her eyes. "Torpe na, bobo pa." She sighed then froze as if she realized something. "Lia," tawag niya, tulala na.

"Huh?"

"Magpinsan nga talaga kami ni Atlas," aniya at napahawak sa pisngi niya.

"Oo, bakit—"

"Kasi bobo siya tapos ako...bobo rin. Pareho kaming bobo, Amalia!" she exclaimed at halos malaglag ang panga ko sa gulat nang bigla siyang suminghot at maya-maya'y umiiyak na naman sa tabi ko.

Akala ko ay matatapos ang clearance namin sa isang araw o bukas pero hindi pala. Turned out, may mga schedule ang mga teacher sa school kaya hindi lahat ay maaayos ng isahang lakad.

"Where's the justice in that, right? Akala ko start na tayo ng bakasyon pero ito tayo ngayon, isang linggo pa yatang maghahanap ng teacher. Pwede namang isang araw na lang, ah?" reklamo ni Heart no'ng malamang gano'n ang mangyayari sa amin ngayong linggo.

"Baka busy," sagot ko at hinagod ang blouse ko habang papasok kami sa school.

"Pero pwede namang a day or two, right? Like pumunta sila sa isang lugar tapos magpapapirma tayo, kompleto naman na ang requirements," himutok nito habang nakahalukipkip.

Sabagay, tama naman si Heart, kaya namang isa o dalawa pero ayaw nila pero wala naman kaming magagawa at susunod na lang.

Maaga pa naman kaya hindi kami nagkukumahog na dalawa ngayon, after lunch pa ang naka-schedule na teacher ngayong araw kaya magkasama kaming dalawa papunta sa gym.

"Tara, bilis, maglalaro si Montezides ngayon!" she cheered.

"Huh? Bakit? May game ba kahit clearance lang?" nagtataka kong tanong.

"Hindi, may try-outs sa basketball!" She giggled. "Alam mo naman ang captain ball ang lalabs mo kaya siyempre, nando'n 'yon, nanunuod o nagpapakitang-gilas."

The butterflies in my stomach danced. Nae-excite akong sumama sa kanya.

Nakasalubong pa namin ang barkada ni Anya. I caught their mocking stares towards my friend and I, at hindi na sana namin papansinin pero nagsalita.

"Ops, iniwan ng boyfriend, boring daw kasi." Napatigil kami sa paglalakad. My friend's face hardened when she heard her. "Tapos itong isa, taong clinic lang dati pero ngayon 'di na masyado, paano ba naman kasi at may nauto ng kaibigan."

Humalakhak sila. "Poor Amalia having a loser friend like her..."

I could feel the tension from Heart. Kinabahan ako. Ayaw kong mapaaway siya.

"Heart," I murmured, inaaya siyang umalis na lang pero bigla siyang ngumisi, hindi na ako nakaalma nang harapin niya ang mga babae at taas noong tumingin. She crossed her arms on her chest and smirked.

"Grabe, basurera ka na pala, Anya?" She smiled coldly. Anya stopped.

"Anong pinagsasabi mo—"

"Taga-pulot ka na kasi ng mga tinapong basura," she said coldly and smirked.

Napaawang ang labi nila, mukhang na-eskandalo sina Anya pero ngumisi si Heart, hinarap ako at hinawakan sa braso.

"Let's go, Lia," she said cheerfully and pulled me away from the bullies.

Nang makalayo kami ay nagkatinginan kami at sabay na natawa.

"Ang cool!" sabi ko at pinakitaan siya ng thumbs-up.

Magkasama kaming nagtungo sa gym at nakita may mga lower batch na nagta-try out nga.

"Pakitaan mo na kasi ng moves, Montezides!" ani coach kay Atlas na nasa tabi niya lang, nakahalukipkip.

"Ayoko nga, Coach! May lakad ako mamayang lunch, dapat hindi pawisan," kontra ni Atlas.

"Ang arte! Sige na!" Coach pushed him pero ayaw patalo ng huli. "Bida naman talaga, boss ka?!"

Atlas laughed and brushed his hair, nag-asaran sila ni coach at hindi talaga napapapayag ang huli na maglaro.

He was wearing a black shirt and jersey shorts, naka-sapatos ding pang-basketball at napangiti ako dahil likod pa lang ay ulam na.

"Hindi ko na yata kailangan ng ulam mamayang tanghali, Heart," lutang na bulong ko kay Heart na nilingon ako.

"Huh? Bakit?"

"Kasi nakita ko na ang uulamin." Sumulyap ako kay Atlas at nakita kong umawang ang labi ni Heart.

"Lia! Did you just—"

"Huh?!" Bigla akong natauhan sa lumabas sa bibig ko, suminghap ako at umiling. "H-hindi, ano, kalimutan mo na." Bigla akong nahiya at napatakip sa bibig.

Ano bang nangyayari sa 'kin? 'Di na ako ito?

Ang harot-harot! Ang harot-harot mo, Amalia! Anong sasabihin sa 'yo ng Nanay niyan?!

"Yie...humaharot na!" Sinundot ni Heart ang tagiliran ko, malaki na ang ngisi at nang-aasar.

"S-secret lang," I said, nag-iinit ang pisngi at kinagat ang labi.

Pilya ang kislap ng mata ni Heart pero kumindat lang at tumango, kumakapit sa 'kin.

"Siyempre, asa pa si bobo na sabihin ko sa kanyang gusto mo siyang gawing ulam." Tumawa siya kaya ngumuso ako at inayos ang sarili.

"Secret lang," bulong ko. Natatawang tumango siya at hinila na ako papasok.

"Coach! Hello!" Halos dumagundong naman ang boses ni Heart sa gym at natigilan ang mga naglalaro.

I even caught Josh stop dribbling. Ang ex ni Heart ay natigil doon at nahuli ko kung paano hinagis ni Josh and bola rito kaya napadaing nang tumama sa tiyan.

"Oh, Heart, nandito ka pala," ngiti ni coach at napatingin sa akin bigla at ngumisi 'tsaka bumaling kay Atlas na nakatitig. "Uy, si crush—"

"Hi, Lia!" Biglang iniwan niya si coach at lumapit sa akin, ngumiti naman ako at palihim na binati ang ka-gwapuhan niyang taglay ngayon.

Magulo ang kanyang buhok pero ang mapungay na mga mata ay malambing at nakangiti ang manipis na labi.

"Hello, may try-outs?" tanong ko.

"Well, yeah." He smiled shyly and brushed his hair.

"Oh, d'yan muna kayo, Lia at bobo, kausapin ko lang si coach." Heart smirked at Atlas, nagpalitan pa sila ng tingin at nang umalis si Heart ay nagkatinginan kami.

"Yeah, mayro'n, nunuod ka?"

Tumango ako. "Sana...kung pwede?"

Tumaas ang kilay niya. "Bakit naman hindi, Lia? Ikaw pa ba?"

Umangat ang kamay niya. Nagtaka ako pero napigil ko lang ang hininga nang inipit niya ang tikwas ng buhok ko sa likod ng tainga.

"There." He smiled again and stared at me. "You're prettier without your hair covering your face."

Nagwala ang puso ko. I was happy and nervous at the same time, afraid my monitor would make a sound if it detected the abnormal beats.

"T-thank you, uh, ano, medyo manunuod lang kasi after lunch clearance na ulit," paliwanag ko.

"I see." He licked his lower lip, muling sumulyap siya kay coach na kausap si Heart, nagtatawanan pa at sumusulyap-sulyap sa amin kaya naisip ko tuloy kung kami ba ang pinag-uusapan o ano.

"Tamang-tama at maglalaro ako," aniya kaya nagtaka ako.

Akala ko hindi?

"Tara, hatid muna kita sa may bleachers, do'n kayo sa unahan para makita mo 'ko maglaro." He chuckled and took my hand.

My eyes almost went out of my eye socket when he held my hand, his fingers filling the gaps in between mine. Napalunok ako at suminghap pero 'di ako umalma kasi gusto ko rin.

Hinila niya ako nang marahan palapit kina coach, nahuli ko pa si Heart na nasa akto na ng pagtili pero 'di niya ginagawa at pinapaypayan na lang ang sarili gamit ang kamay.

Nakasunod lang ako sa kanya, nakita ko ang malisyosong tingin ni coach sa kamay namin pero 'di siya nagsalita at ngumisi lang sa akin at ginalaw ang kilay niya.

Nag-init ang pisngi ko, kinagat na lang ang labi at narinig ang boses ni Atlas.

"Coach, kailan ba 'ko papasok? Maglalaro ako," ani Atlas at nagulantang pa si coach pero natawa.

"Oh? Akala ko ba ayaw—"

"Wala akong sinasabi, ah? Sabi ko maglalaro ako," tikhim niya at sumulyap kay Heart. Supladong tinaasan niya ng kilay ang pinsan na nagloloko na at nagtatago ng ngisi.

"Let's go, Heart. Do'n kayo sa may bleachers," ani Atlas.

"Oh, okay." Heart glanced at me kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Sabi ni coach ayaw mo maglaro, ah—"

"Huh? Gusto, ah, sinong aayaw? Ikaw, gawa-gawa ka ng kwento." Ngumiwi siya at napailing. "Tara na."

Kumapit si Heart sa braso niya. Habang hawak ni Atlas ang kamay ko at sinamahan niya kami sa bleachers. I caught the seniors glancing our way. Si Catherine ay nakasimangot, nakaupo malapit sa steel na hagdanan paakyat kung saan kami pepwesto.

"Okay na ba kayo rito?" Atlas asked. Naupo ako. Maganda ang pwesto at kitang-kita namin ang mga nagta-try-out kaya ngumiti ako.

"Okay na rito, salamat." I smiled softly.

Heart sat beside me, nagkatinginan kami ni Atlas at nakitang sinusuklay niya ang buhok at mukhang may gustong sabihin.

"Uh, Lia," panimula niya.

"Hmm?" Hinawi ko ang buhok at lumunok.

"Perhaps, can I join you at lunch?" he asked and my eyes widened.

Narinig ko ang impit na tili ni Heart, nagitla ako nang sipain niya si Atlas na nagulat pa.

"Heart!" he hissed. Heart laughed harder.

"Tinatanong pa ba 'yan?! S'yempre pwede!" Siya na ang sumagot. Siniko ko si Heart at baka mahalata ni Atlas na gustong-gusto ko rin! Sasabog na sa init ang mukha ko!

Napaayos siya ng upo.

"Oh, I mean, okay lang ba raw na kasama siya sa lunch?" baling sa akin ni Heart. She had that silly smile. I swallowed and glanced at Atlas who looked so hopeful.

Tinatanong pa ba 'yan?!

"Um, okay." I smiled.

"Yes!" He threw a punch in the air and I chuckled, si Heart ay malisyoso rin ang tingin sa akin pero ngumisi.

"Watch me play, okay?" he reminded. I nodded. "Gagalingan ko, promise." He ruffled my hair and my heart felt so peaceful when he waved at me and ran down the stairs.

Nanlaki pa ang mata ko nang muntik pa siyang madulas pagkababa niya, mabuti na lang ay nakahawak sa hawakan!

"Fuck," he cursed loudly. Sumulyap kaagad siya sa pwesto ko kaya nag-iwas ako ng tingin, kunwari ay walang nakita at umayos siya ng tayo at dahan-dahang naglakad pababa.

Nagtatawanan si coach at si Josh sa ibaba nang sinalubong si Atlas.

"Nakita ko 'yon," coach teased. He frowned.

"Anong nakita? Wala kayong nakita!" suplado niyang sabi, nang agawin niya ang bola sa humahagalpak ng tawa na si Josh ay mabilis siyang nagtungo sa court.

"Middle name yata ni bobo, palpak," tawa ni Heart sa tabi ko kaya natawa na rin ako at nilingon siya.

"'Di naman siya palpak," I defended him and she laughed more.

"Sus, pagtatanggol mo kasi crush mo, shit, girl, hanggang ngayon 'di ko pa rin makalimutang ginawa niyang sawsawan ng kwek-kwek ang babaran ng sandok ni kuya!" Sa sinabi niya ay sabay kaming nagtawanan.

Atlas started playing, pinapakitaan ang mga batang nagta-try-out. They were in grade seven or eight? He had the moves, as always. Ang alam ko'y magagaling daw talaga sa basketball ang mga Montezides, matatangkad pa.

Mabilis ang galaw ng paa niya, inaagaw ni Ted ang bola pero ayaw pahuli ni Atlas at miski kay Josh ay ayaw ibigay ang bola.

"Luh, Cap! Ang OA! Try-out lang, hindi laro talaga!" reklamo ni Josh, pawis na pawis na at tawang-tawa naman si Heart sa tabi ko.

"Tss, how would you show the kids you're a part of the varsity kung mismong try-outs hindi mo seseryosohin?" he asked and I smiled more.

That's my Atlas! Go, go, bibi!

I giggled inside my head, umayos ako ng upo at kinagat ang labi para hindi mahalatang nagwawala na ako sa kilig.

"Luh, makapagsalita, parang kanina lang ayaw mo maglaro—" coach muttered pero sumimangot lang si Atlas.

"Coach!" he whined. Coach cackled.

"Oo na, oo na...gagalit agad," asar pa nito.

I caught Ted's eyes while he was in the court. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Inangat niya ang kamay para kumaway sa akin.

I raised my hand, was about to wave back at him pero suminghap ako nang tumama ang bola sa tiyan niya mula kay Atlas na nakasimangot, mukhang iritado.

"Cap!" reklamo ni Ted sabay sapo sa tiyan.

"Show the kids what you got, don't get distracted in the court!" he commanded. "'Wag titingin kung saan-saan, kapag laro, laro lang!"

He was now very annoyed.

The game got a bit serious, 'di ko alam pero tawang-tawa si Heart sa tabi ko. Na parang iyon ang pinakainteresanteng napanuod niya. I could sense the tension.

Si Josh ay patakbo-takbo lang, mukhang pagod na. The varsity players were having a hard time getting the ball from my Atlas, kapag kasi nakukuha nila ay makukuha rin kaagad ng huli.

"Distracted, huh..." ngisi ni Heart at hinawakan ang braso ko. "Tara, Lia."

Nagtaka ako pero sumunod sa kanya. Tumayo kami at pumunta sa may bakal para mas mapanuod ang mga naglalaro. The air has shifted. It was heavier. Miski ang mga seniors ay nag-chi-cheer na. Nasa kakampi ni Atlas ang bola at nag-aabang lang si Atlas malapit sa ring.

"Lia, listen," aniya kaya sumulyap ako sa kanya. May sinabi siya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Huh?!" I exclaimed. "Bakit?"

"Basta!" Ngumisi siya nang hilaw, at wala na akong nagawa nang bigla siyang sumigaw.

"Go, Atlas!" she screamed, biglang siniko niya ako kaya gulat akong nag-angat ng kamay ko.

"Go, Atlas!" I screamed back and showed my fighting sign.

Atlas froze when he heard me, nakatalikod siya mula sa akin at napaharap sa banda ko sa gulat. He looked amazed and shocked, bahagya pang umawang ang labi, ang buhok ay nasa noo na at nakabagsak.

"Now na!" bulong ni Heart at nag-panic ako.

He smiled, ngumiti ako pabalik at pakitaan siya ng pamatay na kindat.

He stilled, natulala lang siya roon kahit nagsisigawan na ang kakampi.

"Cap! Catch!" sigaw ng kasama niya at miski ako ay napasigaw sa gulat nang hindi gumalaw si Atlas at nakatingin lang sa akin habang nakaawang ang labi kaya sumalubong ang mabilis na bola at lumagapak sa mukha niya.

"Ay, shit! Boplaks!" eksaheradang sigaw ni Heart sa tabi ko at napatakip ako ng bibig. Nagsigawan ang lahat nang maitumba si Atlas sa court, hawak ang kanyang ilong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co