Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 8
Kabanata 8
"AYAN kasi, Cap, sabi sa 'yo, don't get distracted in the court!" Namaywang si Josh. "Kapag laro lang, laro lang, 'wag titingin kung saan-saan!"
Nagpigil ako ng tawa sa litanya ni Josh habang nakatayo sa gilid ng kama kung nasaan si Atlas, si Heart ay humalukipkip lang at nakanguso.
"Gago, I didn't see the ball coming," Atlas hissed, sinuklay ang buhok ng daliri, bahagya pang tumungo kaya muli kong hinuli ang baba niya.
I tilted it a bit and our eyes met. I saw the embarrassment and blush staining his cheeks kaya ngumiti ako, muli kong idinikit ang compress para sa pasa niya sa may pisngi, may band aid pa ang ilong at may kaunting galos ang labi.
"Ayos ka lang?" tanong ko ang pinagmasdan ang pisngi niya, idinikit ko roon ang compress.
"No." He sighed and spoke a little too low, "Sobrang hiyang-hiyang-hiya na ako sa 'yo."
"Show the kids what you got pa more," hagalpak ni Heart kaya sabay kaming napalingon sa kanya. She bit her lip to stop her laugh no'ng siniko siya ni Josh.
"The kids in question be like: Hala, gago, 'yon na 'yon?" agap ni Josh.
Naghagalpakan sila at nag-apir. Tumitig lang ako sa kanila kaya natahimik at tumikhim.
"Oh, sorry, 'di na," ani Josh. May ngisi at tinaasan ako ng kilay.
Ngumuso ako, siguro akong mang-aasar na naman si Heart kaya ibinaling ko ang atensyon kay Atlas na mukhang may sama ng loob na kinikimkim, namumula pa siya.
Naawa ako.
"It's okay, hindi mo lang naman kasi nakita talaga ang bola," pag-aalo ko sa kanya.
"'Di ba, Lia?" He glanced at me hopefully. "'Di ko lang talaga napansin."
"Luh, nagpapa-baby si boplaks," ani Heart pero siniko siya ni Josh. Halos matawa na ako nang magsikuhan silang dalawa, mukhang mag-aaway na.
"Manahimik ka," baling ni Atlas kay Heart na umayos lang na tumayo at ngumisi.
"Aw, kawawa naman, right, Lia?" baling sa akin ni Heart kaya tumango ako at muling bumaling kay Atlas.
Sinuklay ko ang buhok niya nang marahan gamit ang daliri ko. I pushed it back a bit para hindi mahulog sa noo niya at mas makita ko ang mukha niya.
The try-outs resumed, pagkatapos dalhin si Atlas sa clinic ay nagpatuloy sila at si Ted na muna ang nag-aasikaso kasama si coach. I remembered how much laughter coach let out while we were on our way to clinic, halos magsakalan na sila ng bagnot na si Atlas dahil malakas itong mang-asar.
Bumukas ang pintuan ng clinic, napabaling kami roon ng sabay-sabay at nang bumukas ang kurtina kung nasaan kami ay nagitla pa ako nang makita ang ex ni Heart.
Umismid si Heart at napairap sa hangin habang sumulyap naman si Matt doon sa kanya bago bahagyang tumabi, kakausapin yata si Atlas.
"Cap," he called.
Atlas' hard expression shifted to a much colder one, masama at iritado ang mukha niya nang bumaling sa lalaki. "O?"
"Pinapasabi ni coach na magpahinga ka muna, tapusin mo na lang daw ang clearance mo after lunch at 'wag na sumali sa try-out," ani nito at nakita ko ang pagtama ng siko niya kay Heart na kunot na ang noo, parang ilang saglit ay sasabog na.
"Okay, wala naman akong balak bumalik doon," bagnot na sabi ni Atlas at muling inabot ang kamay ko para dalhin ang compress na hawak ko sa pisngi niya at muling idiniin sa pasa niya.
"Heart, can we talk?" Natigil lang ako bigla nang marinig iyon. Sumama ang mukha ni Atlas, mukhang magsasalita pero hinuli ko ang kamay niya at pinisil.
His gaze fell on my hand in his and then his expression softened, natulala lang doon.
"Wala tayong dapat pag-usapan," Heart said coldly.
"Please." Matt sighed. "Magpapa—"
"When the lady says no, then fuck off," ani Josh na iritado, hinawakan niya sa braso ng kaibigan ko. He changed their positions, ngayon ay nasa gilid na si Heart na mukhang paiyak na at ang kaharap na ni Matt ay si Josh.
"Ano ngayon? Ikaw ba ang kausap ko—"
"My cousin says no, Assuncion," Atlas' cold voice echoed. Natigilan si Matt at sumulyap sa huli. Madilim na ang tingin nito.
"Atlas, magpapaliwanag—"
"She doesn't want to talk to you so leave her alone," mariing sabi niya. "Isang lapit mo sa pinsan ko at ako na ang sasapak sa 'yong gago ka."
Matt sighed, iritado na at napailing. Bigla siyang tumalikod at padarag na hinawi ang kurtina at umalis.
I sighed, sumulyap kay Atlas na galit at kay Josh na nakatitig lang kay Heart na nagpupunas na ng luha.
"May sumapak na sa kanya?" I asked.
"Ako," Josh said coldly at nanlaki ang mata ko roon. Nang napahikbi na ang kaibigan ko ay napatayo na ako.
"Heart—"
"It's okay, Lia. Ako na bahala, dito muna kayo," Josh said, at hindi na ako nakaalma nang hawakan niya ang kaibigan ko at dinala palabas sa clinic. Naiwan kaming dalawa ni Atlas doon.
I knew my friend wanted to be alone now and as much as I wanted to come with her, I trusted Josh knew what to do. Binalingan ko ulit si Atlas na kunot ang noo't nakaigting ang panga.
He looked hotter with that smug look kaso ayaw ko namang batiin na gwapo siya at galit kay Matt.
"It's okay, Heart is strong, kaya niya 'yan." I smiled to assure him.
"I just...it annoys me. Hinayaan ko 'yong gagong 'yon na manligaw sa pinsan ko pero ginago lang," iritado niyang sabi at hinuli ang kamay ko.
He opened my palm, hinuli ko ang daliri niya nang haplusin niya ang palad ko, mukhang nagpapakalma. Hinuli ko ang daliri niya. Nag-angat siya ng tingin at lumambing ang mata.
"Sorry, Lia. I was just annoyed at that asshole and at myself." He sighed.
"Bakit?"
"Kasi palagi na lang, kapag nand'yan ka para akong lutang," he said. Bigla akong natawa at inabot ang pisngi niya. "Ikaw kasi, kumindat ka..."
"Huh?" Napalunok ako at umiling. "'Di ah, napuwing lang ako! Kaya isinara ko isang mata ko!"
I saw him hide his smile but he didn't say anything against it.
"Gano'n ba?" He pouted a bit. "But still, it was pretty embarrassing. You saw me like a fool again."
"Okay lang, gwapo pa rin naman," agap ko kaagad. Nang tumaas ang sulok ng labi niya at natantong kong nahuhuli talaga ang daga sa bibig niya ay kumalat ang init sa mukha.
'Di ko na kilala ang sarili ko!
⋆˙⟡♡⟡⋆˙
FOR the next days, laking pasalamat namin ba hindi na nanggulo pang muli si Matt, susubok siya pero 'di magawa dahil nilalayo namin si Heart sa kanya.
My friend was brokenhearted but she reassured me she'll be alright. That it's just a phase and she'll move on.
"Lalaki lang 'yan, 'di ko kawalan." She pushed her hair back while we were seated sa may ilalim ng puno sa may field, hinihintay ang mga lalaki dahil sabay-sabay kaming magla-lunch at last day na ng clearance.
"Tama, sa ganda mong 'yan? Marami pa r'yan, Heart," I cheered her up.
Dami kayang gustong manligaw kay Heart! Sa ganda ba naman niya?
"Yeah, right! Hindi ko sila kawalan, sila ang nawalan!" she said confidently at sabay kaming nagtawanan.
"Lia! Heart!" Nang makarinig ng sigaw ay napalingon kami. Si Josh na kumakaway sa malayo, sa likod niya ay si Atlas na may dalang plastic yata ng pagkain.
Our eyes met and my brave heart rebelled again. Natatamaan siya ng sinag ng araw habang naglalakad kaya kitang-kita ko ang features niya. They were sharp but his expression was soft kaya ang gaan-gaan niyang tignan. Kahit simpleng v-neck shirt at maong pants lang suot ay nagliliwanag siya.
Weh? Lia? Kahit ano namang suot niya nagliliwanag siya para sa 'yo!
The side of his lips twitched while staring at me. Ngumiti ako pabalik.
Nakarating kaagad sila sa pwesto namin at ngumisi si Josh at inilahad ang kamay sa akin.
"Apir, Lia!" natatawang nakipag-apir ako sa kanya at sumalampak ng upo siya sa tabi ni Heart at ngumisi.
"Anong ganap natin d'yan, Puso?" he asked.
"Asshole..." Sinuntok ni Heart ang balikat niya at natawa lang ako sa kanila.
I was adorably watching the two fight when I felt a pinch on my cheek. Napalingon ako at napatawa nang makitang si Atlas 'yon na tinusok pa ang pisngi ko bago naupo sa tabi ko.
"Hi, beautiful." He smiled.
Napalunok ako. "Hi." I smiled back.
He placed the plastic bag on the table where we were eating. Naglabas siya roon ng mga styro at nakitang may tatak iyon ng isang fast food chain.
"Oh, lumabas kayo?" ani Heart.
"Oo, kami ni Cap. Nadaanan namin kaya bumili na rin, tara, kain." Naglagay sina Josh ng pagkain sa harap ko kaya bumaling ako at medyo umiling.
"Uh, ano kasi, may pinabaon sa 'kin si nanay," sabi ko kaya napaharap silang lahat sa 'kin.
"Talaga? Anong ulam?" ngisi ni Josh.
"Uh..." Binuksan ko ang bag at nilabas ang Tupperware. "Menudo," sabi ko at inilapag sa lamesa.
"Gusto ko 'yan! Hatian natin!" Josh exclaimed, akmang kukunin ang Tupperware pero nagulat kami nang unahan siya ni Atlas.
"Akin 'to!" he said at natigilan kaming lahat.
"Cap!" Josh hissed.
"Hindi! 'Yang binili nating pagkain, sa'tin lahat 'yan, pero 'tong baon ni Lia, sa akin," ngiwi niya.
Natawa ako, napaharap si Atlas sa akin na halos yakapin na ang Tupperware ko.
"Pwede ba, Lia? Akin na lang?" He smiled adorably.
My heart softened. Natatawa akong tumango sa kanya at kinagat ang labi ko.
"Okay...pero paano 'tong binili n'yo?" I asked, nakitang may chicken at spaghetti pa. "Mas masarap 'to, hindi mo ba—"
"Siyempre kakainin din pero mas gusto ko 'tong baon mo," agap niya. Ikalma ko ang nagwawalang puso bago tumango.
"Sige, pahati din ako, ah?" I negotiated. He nodded.
He opened my Tupperware and opened the styro from the fast food they bought, naglagay siya ng ulam sa kanin ko kaya nakangiti ko siyang pinagmasdan.
"Cap, paano ako?" Josh whined.
"Shh, Atlas and Lia's property only," he said and smirked. Nang sumulyap naman ako kay Heart ay nakangisi siya, tinaasan ako ng kilay at kinindatan.
"Nice one, bobo!" she exclaimed kaya sinamaan siya ng tingin ng pinsan.
Maganang kumain si Atlas sa menudo na baon ko, parang siya na nga yata ang umubos. Hindi niya rin masyadong ginalaw ang binili nilang fast food at nakikipag-kwentuhan pa habang kumakain.
"Saan ka babakasyon, Lia?" ani Heart sa akin habang ipinapaikot ang spaghetti sa kanyang tinidor.
Napabaling sa akin sina Atlas at Josh, uminom muna ako ng soft drink.
"Sabi ni nanay sa Peñablanca," sabi ko. "Bibisita na rin kina lola."
"Uy, tamang-tama!" Heart exclaimed. "Sa Peñablanca din kami! Sa mga Montezides!"
My eyes widened, bumaling ako sa tabi ko at si Atlas at nangingiti pa habang ngumunguya.
"Talaga?" I asked.
"Hmm." He nodded, uminom ng soft drinks at bumaling sa akin.
"Sama ka sa 'min, ah?" ngisi ni Josh. "Iikot kami sa rancho!"
"S-sure!" I exclaimed, unti-unting nae-excite sa naiisip.
"Nakapunta ka na sa amin, 'di ba?" Atlas asked. I nodded. Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko habang nagsasalita ako.
"Oo, si nanay kasi minsan nagsa-sideline sa may plantation n'yo. Pero hindi pa ako nakakaikot sa rancho, okay lang ba na kasama ako?" Bigla akong nag-alangan.
Kumunot ang noo ni Atlas at hinawakan nang marahan ang baba ko, natahimik ako nang punasan niya ulit ang gilid ng labi ko.
"Why not? It's okay, I'm inviting you. We can look around the ranch," he said and placed a small part of my hair behind my ear.
"Okay, salamat." I smiled. Heart showed me a thumbs-up.
"Magdadala akong bikini! Ligo tayo sa falls!" she exclaimed happily.
Kaya sa mga sumunod na araw, sobrang excited ako. Gusto akong isabay nina Atlas sa van nila patungong Peñablanca pero hindi ako sumama dahil kasabay ko ang nanay.
Pagkarating namin ay masayang-masaya ang lolo't lola. Niyakap pa ako ni lola at hinalikan sa pisngi.
"Diyos ko, Amalia, at ang laki-laki mo na!" masayang sabi ni lola at niyakap ako.
"Hindi naman, La. Medyo lumaki lang," tawa ko at niyakap siya pabalik.
"Mabuti at napabisita kayo ng nanay mo, aba, akala ko wala nang balak!" aniya at nagkatawanan kami at muling nagyakap.
"Bakit naman hindi, La, e, miss na miss ka na rin namin," lambing ko pa.
Nagmano at nakipag-kumustahan din ako kay lolo bago tumulong para maghain ng pagkain sa tanghalian. Kahit noon pa man ay masarap magluto ang nanay, namana niya kay lola at ngayong nandito kami, na-e-excite tuloy akong kumain palagi dahil paniguradong masasarap ang magiging pagkain.
Lola and my nanay combined are the best! Baka araw-araw ay may pyesta kami lagi!
Ang mansyon ng mga Montezides ay nasa kabilang parte lang, isang traysikel lang ay makakapunta na ako roon pero bigla na naman akong inatake ng hiya. Usapan namin nina Heart na magkikita pero 'di ako makakuha ng tiyempo kaya kahit ikalawang araw na ay hindi pa ako pumunta sa kanila.
Nagpapakain ako isang umaga ng mga kambing ni Lola nang may pumaradang sasakyan sa tapat ng bakuran namin. Kumunot ang noo ko at umayos ng tayo para silipin kaya nagulantang akong bumungad sa 'kin si Heart pagkalabas at tumili.
"Lia!" she screamed.
"Heart?!" I exclaimed back. Nagsalubong kami at parang isang taong 'di nagkita sa excitement. Tatawa-tawa pa kami pero habang magkayakap ay tila umikot ang sikmura ko nang matanto kong may kasama siya.
My eyes widened and my heart felt like it was going to burst the moment I saw Atlas going out of the car, galing siya sa driver's seat, nakasuot ng kulay itim na plain shirt at pants. Suot ang Caterpillar boots na sobrang bagay sa kanya.
Magulo ang buhok niya, natatabunan ng shades ang mata at nang tinanggal niya iyon ay nagkatinginan kami at sabay na napangiti.
"Atlas," I called, mesmerized.
Lumayo sa akin si Heart, hinawakan niya ako at sabay kaming naglakad kay Atlas na walang hiyang pinapanuod ako habang papalapit, may tagong ngiti sa labi.
"Morning, Lia," he rasped.
Good morning din, bibi ko...
"G-good morning!" I greeted back. Lalaki na sana lalo ang ngisi ko pero nahuli ko ang malisyosong ngisi ni Heart kaya tinikom ko na lang.
"U-uh, ano, tara pasok muna kayo!" anyaya ko.
"Sinundo ka na lang namin, hindi ka pumunta. Sabi mo pupunta ka?" ani Heart na bumusangot.
"Nahihiya kasi ako," I mumbled. "'Tsaka ano, baka may bisita kayo ro'n o ano..."
"Ikaw ang bisita." Atlas smiled and messed with my hair, sumabog ang buhok ko roon pero 'di ako nagalit kasi okay lang.
Atlas pa ba? Okay na okay na okay talaga!
Kahit araw-araw mo 'yan guluhin! Okay lang! Malakas ka sa 'kin!
"Um, talagang nanundo na kayo, ah?" pagbaling ko kay Heart para 'di mahalata ni Atlas na nagpa-panic ako.
"'Di ka kasi dumating." She pouted. "'Tsaka baka mag-ikot kami sa rancho mamaya. Pangit naman kung 'di ka namin makakasama."
"Salamat." I smiled at them. "Tara pasok muna kayo, papaalam lang ako kay lolo, umalis kasi sina nanay at lola, pumuntang palengke."
"Nakapagpaalam ka na ba?" Atlas took a few strands of my hair na sumasabog sa hangin, nilagay niya 'yon sa likod ng tainga ko at hinuli ang tingin ko.
"Oo, pumayag sila."
Mabilis lang akong nakapagpaalam kay lolo. Habang nagbibihis ng pang-alis ay kausap ni Atlas at Heart ang lolo. Magaan ang usapan nila at nang sinilip ko sila sa may hagdan ay nagbibiro si Atlas kay lolo at natatawa naman ang huli sa kanya.
"Mag-iingat, Lia, ha?" kaway ni Lolo sa akin.
"Opo, mag-iingat kami! Bye!" kaway ko.
"Bye, Lo!" Heart smiled at kumapit siya sa braso ko. Si Atlas naman ay kausap pa si lolo, nahuli ko ang tawa ni lolo bago tapikin ang balikat ng huli.
"Luh, pa-impress," bulong-bulong ni Heart sa hangin. Nilingon ko siya at ngumisi lang siya sa akin.
"Sunduin natin si Josh sa kanila!" She beamed. Binuksan ang likod ng sasakyan. Sasakay na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Nah."
"Huh?" Kumunot ang noo ko.
"Wait, 'di ka rito," aniya at may sinenyasan sa kung saan. Nagitla ako nang humawak sa braso ko at paglingon ko ay si Atlas.
"Sa unahan ka Lia, tabi tayo," aniya.
"Pero si Heart—"
"Ayos lang ako. Naku, Heart pa ba?!" Heart even laughed and pushed me more. Nabigla ako, nawalan ng balanse pero mabuti'y nasa likod ko si Atlas at mabilis akong nasalo.
"Heart! Careful!" Atlas hissed at her pero mukhang 'di naman nabigla si Heart at tinakpan lang ang bibig.
"Oops...na-fall." She smiled and gave me a peace sign. "Sorry, Lia. Tara na!"
Nang isarado niya ang pinto ay malakas ang pintig ng puso ko.
"Hey, you okay?" he asked worriedly. Umayos ako ng tayo para harapin siya pero nagkabangga ang katawan namin. Nag-hyperventilate ako.
"O-oo, salamat," I stammered.
He tilted his head. He watched me until he flashed a smile that instantly swept me off my feet.
"I missed you," he said. The sun shined more on us and at that time, I knew this would be a wonderful day.
"A-ako rin," I muttered. He licked his lip, placed his palms on the pocket of his jeans and leaned to level his gaze.
"Anong ikaw din?" Namula ako nang ngumisi siya. "Come on, Lia, what is it?"
"I..." I sighed and cleared my throat. "I missed you too."
It was his turn to be shocked now, namula ang pisngi niya.
"Talaga?" maliit niyang sabi at tatango sana ako nang may marinig akong buntonghininga mula kay Heart na nakadungaw na pala sa amin at nakanganga.
"So, nasaan ang label?" I heard Heart's heavenly sigh at sabay kaming napaiwas ng tingin ni Atlas, tumikhim ako at mabilis na binuksan ang pintuan sa front seat at namumulang inalalayan ako ni Atlas paakyat.
"Hala, mga pa-demure!" eksaheradang sabi pa ni Heart na pareho naming 'di pinansin sa hiya.
Sinundo namin si Josh na malapit lang pala sa amin. Mas naging maingay ang biyahe pagdating niya, si Atlas ang nagda-drive ng sasakyan at hindi ko maiwasang humanga.
He was serious while driving, dahan-dahan din ang drive niya sa medyo mabatong daanan. His veins were protruding on his arms, ang relo ay nasa wrist niya at nakita ko ang pagsulyap niya sa akin kaya nagkahulihan kami ng tinging dalawa.
"Hmm?" he hummed when he saw me looking.
"Um, nag-da-drive ka na pala?" I asked and he nodded, bagay na bagay sa kanya ang shades na suot.
"Yes, I got my student license last year." He chuckled. I nodded, smiling sweetly.
"Bagay sa 'yo mag-drive,"
Pati ako...
"Really? Gwapo ba kapag hawak ko ang manibela?" he asked, glancing at me from time to time.
"Oo—" naputol ang sasabihin ko nang biglang umalog ang sasakyan, na parang may nadaan kaming biglang malaking bato o bako sa daan. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa seatbelt, paniguradong titilapon ako kung wala ito.
"Ay, puta!" Josh hissed.
"Oh, shit! Montezides! Focus!" Heart hissed and Atlas cursed under his breath.
"Shit, shit! Sorry!" he exclaimed and gulped, namula siya at nag-focus lalo sa pag-da-drive. 'Di ko alam kung matatawa ako o matatakot na baka tumilapon na kami sa sunod na bako sa daan.
We reached their ranch and I was beyond amazed when we entered. Ipinarada ni Atlas ang sasakyan pero ang mata ko'y nakatutok sa malaki nilang mansyon!
Parang mas malaki pa kaysa no'ng huling punta ko dati!
Natauhan lang ako nang bumukas ang pinto sa pwesto ko. Nilingon ko kaagad iyon at nagulat nang makita si Atlas na nakangiti at inilalahad sa akin ang kamay. Ang bilis naman?
"Mas maganda na sa loob talaga," he said.
"O-oh, sorry!" Natawa na ako, kinalas ko ang seatbelt at inabot ang kamay niya para makababa.
He filled the gaps in between my fingers and pulled me towards where Heart and Josh were. May kausap silang matandang lalaki at ngumiti ako nang makita niya ako.
"Magandang umaga po."
"Magandang umaga rin, hija," ngiti nito bago bumaling kay Atlas.
"Oh, Señorito, nasa loob na ang mga kapatid mo," ani nito at tumango si Atlas.
"Nandito ang mga kuya mo?" I asked.
"Oo, kararating lang siguro, galing Maynila pa 'yan," aniya. 'Di ko alam, 'di naman ako usually ganito pero kinabahan ako.
I noticed him watching me. Alanganin akong ngumiti. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinaplos ang daliri ko.
"You nervous?" he asked.
"Medyo, uh, 'di ko alam na nandito ang mga kuya mo..."
"Don't worry." He smiled. "Mababait 'yon, I promise."
Hindi na ako nakagalaw nang ayain ako ng tatlo na pumasok sa malaking mansyon, halos malula pa ako pagpasok. Kapag nandito kami ni manay noon, doon lang kami sa may plantation, kaya ngayon lang talaga ako nakapasok sa loob ng bahay nila!
The design was a mixture of old Spanish and modern. Mataas ang bahay nila, hula ko'y tatlong palapag. May chandelier sa gitna at may mga mamahaling mwebles at mga painting.
I could feel Atlas caressing my palm. Ang tanging nagpakalma lang sa akin ay ang init ng palad niya.
"Kuya Damon!" Nawala ang atensyon ko roon nang may kinawayan Heart. I turned my head to see a handsome man sitting on the couch.
May laptop sa harapan nito, may suot na salamin ang lalaki at naka-dress shirt. Pansin ko kaagad ang pagkakahawig nila ni Atlas.
"Heart," he greeted back. He smiled handsomely and I swore I could see Atlas' matured version!
"My brother, panganay," bulong sa akin ni Atlas at hinila ako. "Tara, papakilala kita."
"Huh?" Kinabahan na ako pero kumindat lang si Atlas at muli akong hinila.
Josh and Atlas' brother were talking. Nagtatawanan na ang dalawa at nang nagsalubong ang mata namin ng kuya niya ay napalunok ako.
"Kuya Dame," Atlas called.
"Atlas." He smirked, his dark eyes moving to me as he smiled.
"Magandang umaga po," bati ko at ngumiti.
"Good morning too." He smiled again. "Nakita na ba kita dati? You look familiar."
"Uh, nagsa-sideline po minsan ang nanay ko sa may plantation kaya minsan po ay nakakasama ako," ngiti ko.
"This is Lia, Kuya," ani Atlas at sumulyap sa akin. "Lia, this is my brother, Damon."
"Nice meeting you po," I said softly.
"You're beautiful," he smiled. He offered his hand at kinuha ko naman ang kamay ko mula kay Atlas at inabot sa kuya niya para makipagkamay pero nagulat ako nang bahagya siyang yumukod.
My eyes widened when he kissed the back of my palm like a gentleman but his eyes were on his brother.
"Damon!" Atlas hissed. Marahang binaba ng kuya niya ang kamay ko. Maya-maya'y naghahagalpakan na sila ng tawa.
"Where's the 'Kuya' now, huh?" Kuya Damon smirked.
"Damn you, parehas kayo ni Hunter!" he hissed at nagulat ako nang kunin ni Atlas ang kamay ko mula sa kuya niya at itinago ako sa likod niya.
"Aba, walang galang..." Napalipat kami ng tingin sa papasok and I saw his other brother, Hunter, nakahubad at nakasuot lang ng maong, medyo madumi pa ang katawan.
"Magdamit ka Hunter Louis!" Atlas hissed, namumula na ang tainga at nagulat ako nang biglang takpan ni Atlas ang mata ko. "Lia, wala kang nakikita!"
"Huh?" Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga Kuya niya at nila Heart. "Atlas?"
"Sandali," he said, halos mayakap na ako. "Kuya Hunter! Magdamit ka!"
"Oo na!" hagalpak ng Kuya niya at maya-maya'y napakawalan na ako ni Atlas. I opened my eyes and met his gaze.
"Sorry," he muttered, tumango ako. Umalis sa harapan ko si Atlas at nakita ko ang kuya niyang isa na naka-sando na ngayon, nakangisi sa akin.
"Hi, Miss."
"Hello po, magandang umaga." I smiled.
His brow raised, muling sumulyap kay Atlas pabalik sa akin.
"Pakilala mo naman kami sa magandang binibini," ngiti ng kuya niya at nang-aasar na sumulyap sa kapatid.
"This is Lia," malamig na sabi ni Atlas, hawak ang braso ko. "Lia." Lumambing ang boses niya kaya hinarap ko siya.
"Hmm?"
"Kuya ko, pangit." He pointed at his Kuya Hunter.
"What?" his brother hissed. Nagtawanan sila at miski ako'y natawa na rin, naiiling sa kanila.
"Hoy, Atlas, ako ang pinakagwapo kaya anong karapatan mo—"
"Si Hunter 'yan," malamyang pakilala ni Atlas na nakabusangot na sumulyap sa kuya niya. "Sana masaya ka na."
"Hoy, ako naglinis sa mga kabayo!" his brother scoffed.
"O, e 'di wow," ngisi ng pilit ni Atlas at supladong umakbay sa akin. "Alis na kami!"
I smiled at his brothers, ngumiti rin sila pabalik at si Kuya Hunter ay kumindat pa.
"I'd like to greet you formally but I'm dirty—"
"Oo, madumi buong pagkatao niyan," ani Atlas at tawang-tawa si Kuya Damon doon sa gilid habang napapanganga lang si Kuya Hunter.
Lumabas kami sa may mansyon kasama sina Heart at nagtungo sa may kwadra kung nasaan ang mga kabayo.
It made me excited. Sinulyapan ko si Atlas na nakatitig.
"Pasensya na sa mga kapatid ko, ah?" aniya. "Baliw 'yon, e. Ako lang yata matino."
Natawa ako. "Ayos lang, nakakatuwa sila, akala ko talaga dati masungit sila."
"Mukha lang, pero mabait mga 'yon, pangit nga lang," ngiwi niya.
"'Yong mga kabayo ba na 'yon ang sasakyan natin?" marahang tanong ko at tumango siya, bumaba ang kamay sa kamay ko at muling pinagsaklop ito.
"Yes, that's Acropolis, my horse." He pointed at the beautiful brown horse with shiny hair.
"Wow...ang ganda!" manghang singhap ko.
"We'll ride it together, okay? Hindi pa kasi siya sanay kapag ibang taong 'di pamilyar sa kanya," he said at na-e-excite akong tumango sa kanya.
I was hesitant at first, it was my first time riding a horse! Si Heart ay mukhang maalam na kahit papaano pero tumitili-tili kaya sumampa si Josh sa likod niya at tinulungan siya.
"Careful Lia," he muttered and touched my waist. Isang angat lang ay nakaakyat na ako at nang magkatinginan kami ay ngumiti siya.
"Comfortable?" he asked.
"Y-yeah." I nodded, medyo gumagalaw ang kabayo kaya napakapit ako sa hawakan sa nerbyos.
"Wait," he said, akmang sasama na pero tinawag ng Kuya Hunter niya kaya 'di siya natuloy.
"Ano na naman ang drama ng pangit na 'to?" he muttered but then he saw me looking, kaya ngumiti siyang parang inosente. "Wait, Lia, kausapin ko lang. D'yan ka lang, mabait naman iyan si Acropolis."
Hinaplos niya ang buhok ng kabayo at kinausap.
"H'wag kang magulo, ah? Alagaan mo 'to si Lia," aniya at muling ngumiti sa 'kin at umalis.
Pinagmasdan ko silang dalawang mag-usap at nakita kong ngumisi pa at kumaway si Kuya Hunter sa akin.
I smiled and nodded, napatingin naman si Atlas sa akin pabalik sa kuya niya at nagsipaan sila habang nag-uusap.
Kuya Damon was the serious type, he looked so professional and handsome with his glasses. Ang pangalawa naman, si Kuya Hunter ay seryoso rin but he looked more playful. Hawig silang lahat kay Atlas but Atlas had softer expressions than them.
I always loved it kapag namumula ang bibi Atlas ko. Cute and soft-looking kahit sabi nga ni Heart, may pagka-palpak.
I froze when I felt the horse move. Huli na para makakapit ako dahil gumalaw na at napatili na lang ako nang mahulog sa kabayo at napaigik, mabuti na lang ay nakakapit sa reins kaya 'di malakas ang impact pagbagsak sa may putikan.
"Fuck!" Atlas cursed at mamaya-maya'y nasa harapan ko na. "Are you okay?!"
'Di ako nakasagot kaagad sa gulat. Heart and Josh ran to check on me too.
"Lia!" Atlas called again, worried and frustrated. Naalarma ako't dagling umiling para ipakitang okay ako.
"Ayos lang ako," I said, "wala namang masakit."
"Are you sure?" he asked, his voice strained. Humawak siya sa braso ko bago sinapo ang mukha ko para hawiin ang buhok ko. "I'm sorry, fuck, I should've have left you–"
"Ayos lang," I answered and glanced at my worried friends. "Promise, nagulat lang ako kaya 'di nakahawak kaagad, okay na rin at maputik tapos nakakapit ako."
"Promise?" Atlas asked, alalang-alala. I nodded. "Hindi mo 'yan sinasabi dahil ayaw mong mag-alala ako, 'di ba?"
"Hindi." I even chuckled. "Promise, 'di masakit, nagulat lang."
He sighed. Naroon na rin si Kuya Hunter at Kuya Damon na nakasilip.
"You okay, Lia?" Kuya Hunter asked.
"Yes po," I reassured them.
"Atlas, dalhin mo muna sa loob si Lia, bukas na lang kayo mangabayo, mukhang uulan din kasi," ani Kuya Damon at nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Atlas.
"A-Atlas, kaya ko namang—"
"I insist," he murmured and carried me, at wala na akong nagawa kung hindi ang yumakap sa leeg niya at hayaan siyang buhatin ako.
I feel so embarrassed, punong-puno ako ng putik. Si Atlas na malinis ay napuno ng putik dahil sa 'kin.
"Kaya ko, Atlas. N-nakakahiya, lalakad na lang ako," pagkausap ko pero umiling siya.
"I know, but just...let me carry you. Are you really fine?" he asked again. I nodded.
"Oo, promise." I smiled at him, hinaplos ko ang buhok niya sa likod. Habang naglalakad kami'y bigla siyang natawa at tumitig sa akin, tila may naisip.
"Oh, I think I did my name's role in Greek mythology," he murmured and my forehead creased.
"Huh?"
"Remember what Atlas did?" he asked at napaisip ako bago tumango.
"Binuhat niya ang mundo?" I asked and he smirked, muling sumulyap siya sa akin at tumango. "Anong connect—"
"Buhat ko rin kasi 'yong mundo ko," he finished and winked.
I froze, parang lalabas yata ang puso ko sa sinabi niya.
Oh, God.
He bit his lip, akmang magsasalita pero biglang natalisod. Halos matapon niya ako kaya suminghap ako pero mabilis niyang napirmi ako sa braso niya at nanlaki ang mata.
"Fuck!" he cursed loudly and stared at me nervously, smiling awkwardly. "H-hindi ako napatid, ah, imagination mo lang 'yon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co