Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Chapter 18
"Kamusta kayo hija? Hijo?" si lola Magda habang nilalapag ni Nathan ang mga bagahe ko. Huminga ako ng malalim at nalanghap ang amoy probinsya.
Iba nga talaga ang amoy dito. Malayo sa usok.
Ngumiti ako kay lola Magda. Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Hay. Mabuti naman at ligtas kayong dalawa. Nabalitaan ko ang nangyari. Ang babaeng iyon talaga. Mabuti pa at dito muna kayo sa akin at ako'y nalulungkot kapag mag- isa. Si Amethyst naman ay busy sa pag aaral."
"Salamat lola. Dito po muna si Sapphire. Babalik po ako sa Manila."
Nilingon ni Lola Magda si Nathan. "Aba'y akala ko dito kana rin. Mag iingat ka doon hijo."
Sumaludo lang si Nathan kay lola habang nakangisi. Tinignan akong muli ni lola Magda.
"Hay. Ang ganda ganda mong dalaga." Kinagat ko ang labi ko ng nilakbay niya ang tingin sa aking kabuuan. "Nakakainggit! Naalala ko ang kabataan ko. Natural na brown ang iyong mga mata at buhok. Ang kinis mo rin! Hay!"
"Lola, Ang ganda mo nga rin hanggang ngayon. I bet, dami mong manliligaw?" humalukipkip ako sa kapritsuhan ni Nathan. Nasapo tuloy ni lola ang pisngi at namula.
"Talaga? Hay. Oo nga e. Iyong mga trabahante ko na biyudo..Hay ewan!"
Hindi ko na mapigilan ang pagtawa sa kapilyahan ni lola Magda. Inihatid ko si Nathan sa gate ng mansion at naramdaman ko agad ang paninibago dito sa lugar at pagkamiserable.
"Take care your self here." he kissed my hair. I nodded and did not say any word. I think, kung magsasalita pa ako ay manginginig lang ang boses ko dahil sa aking emosyon. I chose to be silent,instead.
I watched our hi-ace van, habang papaalis. I can't help but to think what would be like living here in province? The city of Tagaytay is a bit far from here.
I saw how vast the surroundings here. Mostly I see some trees, fruits and flowers unlike to the big towers of Manila.
Nakita ko ang iilang trabahante na tumitingin sa akin. May dala dala silang baskets at iba pa. They looks so happy with their simple life.
I'm wondering, what if I was raised in a simple environment like here? These people looks healthy and happy at the same time.
Kahit simple ang pamumuhay, walang sapat na pera at walang magandang pananamit ay malusog at masaya sila.
Nakakahawa ang kanilang ngiti sa labi kaya napapangiti na rin ako.
Pumasok na ako sa loob ng mansion. Ang mansion ni lola Magda ay malaki ngunit antigo na. Gayong luma man ay matibay naman ang pagkakagawa at tingin ko ay pinapaayos ito ni lola. Halata kapag titignan na alagang alaga ang mansion.
"Ma'am, kape po?" isang babaeng tingin ko ay haciendera dito dahil sa kanyang kasuotan. Nakangiti siya sa akin.
I was shock a bit dahil hindi pa ako nakakatikim ng barako na kape.
"Uh, thank you!"
"Maam, magsabi kalang ng gusto mo sa mga katulong. Marami pong bulaklak at prutas dito. Gusto mo ma'am magpakuha ako ng bago para fresh po?"
"Uh no. I'm okay with the fruits in the fridge."
"Okay po ma'am. Maiwan na kita."
And the people are so kind and approachable. This is new to me. Ang Manila kasi masyadong toxic. Naiintindihan ko ang paningin nila sakin because of my scandal. But it's just depressing to think about it.
Inayos ko ang mga gamit sa aking kuwarto. Huli ko na natanto na hindi ko dala ang bag ko na pang skwela.
"Damn it!" tinitigan ko ang maraming maleta sa kwarto ko at ang bag ko pa talaga ang naiwan ko?
Dahil nga inayos ko muna ang mga bagahe ko ay inabot ako ng hapon. Ni hindi ako nakatulog.
Natanto ko na sobrang abala ni lola Magda. Ang dami niyang inaasikaso ng bumaba ako.
Tumingin sakin ang kanyang trabahante na siniswelduhan.
"Hija! Ano ang gusto mo? Mamaya pa si Amethyst mga alas sais."
"Uh, magpapaalam lang po ako lola. I forgot my bag in our house. Kailangan kong bumili ngayon."
"Sige pero may pera ka ba? Eto.."
"Lola no..Meron na po ako. Maraming salamat po."
"Molo! Di'ba nagpapasada ka? Ikaw na muna magservice dito sa aking inaapo ha?"
Napatingin ako sa binatilyo na tinawag ni lola.
"Sige po lola! Akong bahala."
"Ayan hija! Makakapagkatiwalaan iyan. Kampante ako na walang mangyayari sayong masama at walang masyadong bahay patungo dito."
I really appreciate people's care about me.
Nagbihis ako at dinala ang pouch ko na may laman na perang binigay sakin ni Nathan. Mayroon akong cash ngunit nasa card ko.
Nadaanan ko ulit ang pamilyar na kamanggahan at mga bulaklak na pag mamay ari ni lola Magda. I can't help but to smile. Ang ganda talaga dito.
"Senyora. Dito na po ako magparking. Antayin po kita." sabi ng binatilyo.
Napalunok ako ng makita ang dami ng tao na tila abala. I even saw a vendor selling some bracelets and kakanin foods. Damn! Mukhang masaya dito.
Nakita ko rin ang mga bag na nakasabit sa mga tindahan na nakahilera. Ang daming namimili.
Nakihalo ako. Agad na napatingin sila sakin.
"Miss, anong sayo? Pili kalang diyan. Bag ba?"
"Uh yes. How much is this?" I pointed the skintone shoulder bag.
"250 pesos ma'am."
My eyes widened! "I heard you right? 250 pesos? Not million?" damn! I just a it's brand and I am sure it's worth million or half!
Tumawa ng malakad ang babae. "Naku ma'am! Mukhang hindi ka sanay dito sa palengke. Oo 250 pesos po. Mag ingat kayo maam baka mascam kayo!"
What?
But then I paid for the bag I chose at namili pa ng iba. Now, nasa ibang tindahan naman ako. Dahil sa aliw ko ay hindi ko namalayan na dumidilim na. Ang dami kong binili! In a cheap price!
Ngayon lang ako nakapagpalengke ng ganito at hindi ko alam na ang mumura pala. Mostly sa kilalang mall at brand ako nagsoshopping kasama ang mga pinsan ko.And most of my things were from abroad.
Pabalik na ako ng nalito ako kung saan dadaan.
"Damn!"
Baka nainip na ang lalaki sa kakaantay sakin!
Nahirapan pa ako sa dami nang dala ko at ni hindi ko na matignan ang cellphone ko.
Hinahanap ko ang tamang daan ng may naramdaman ako na nakatutok sa gilid ko. I stiffened!
"Huwag kang gagalaw! Ibigay mo lang ang mga alahas at bag mo sakin!" the man says at pasimple akong hinila sa madalim na parte!
My heart beat fast dahil sa kaba!
Napalunok ako at tumango nalang para hindi na ako masaktan pa.
"O-Okay." garalgal ang boses ko ay dahil sa kaba ay halos maiyak ako. This is the first time na nahold up ako!
"Sayang ganda mo. Kung-" aniya habang hinuhubad ko ang aking kwintas pero isang saglit lang ay natumba ang lalaki!
Napatili ako ng makitang si Raphael ay nandito! Nag iisa siya at may patalim ang lalaki.
Sinapo ko ang dibdib at tinitigan si Raphael na lumalapit sa lalaking minumura siya at nakatutok ang patalim sa kanya!
"Damn you Raph! Don't you dare go near him! He has-" naputol ang sasabihin ko ng mabilisan niyang inagaw ang kutsilyo at sinaksak sa lalaki!
I closed my eyes tight!
"Tarantado ka! Babalikan k-kita!" paika-ikang aniya ng lalaki. Si Raphael naman sa kabilang banda ay wala akong salitang narinig!
He's quiet! Taas baba lang ang dibdib niya dahil sa galit.
At muntikan na siyang masaksak at baka mamatay iyong lalaki!
He's wearing a cap, a black shirt and his pants. Damn his sex appeal!
"A-Are you insane? Sinabi kong huwag mo nang patulan sana! I am willing to give what he wants!" sugod ko sa kanya! Binagsak ko sa sahig ang pinamili ko at humalukipkip.
"Look! Baka napatay po siya o baka ikaw ang..." tinitigan ko ang katawan niyang walang ka galos galos. I mean, I witness it all! He did it smoothly! Parang hangin sa bilis ang kanyang galaw at di ko nalang namalayan na naagaw na niya ang patalim sa holdaper!
"Ang napahamak? You know! I can give my damn money and all para wala nang gulo!"
Tuloy tuloy ang talak ko dahil sa kaba. I am silent my whole life but this time... ang kaba ko ay sobra!
Nakatingin lang siya sakin habang nagsasalita ako.
"Next time... Just don't do it again-" I was cut off when his lips landed on mine. Naramdaman ko ang paghagod ng dila niya sa labi ko na ikinatahimik ko. Tila nawalan ako ng lakas sa kanyang ginawa.
"I really like your voice but I can't help it. Your damn pretty when you're mad."
Fuck.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co