Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Chapter 37
"So you can't come on my graduation party?" Tanong ko kay Raphael pagkatapos niyang ipaalam sakin na hindi raw siya makakapunta. Actually, hindi talaga iyon party.
Intimate iyon para sa aming magpipinsan at pamilya.
Mamayang gabi iyon gaganapin at excited akong makauwi dahil sa wakas ay magagawa ko na ang mga plano ko para aking negosyo pagkatapos ng isang linggong pahinga.
Nakausap ko na rin si mommy na wala akong plano para sa company and she wants to let Nathan handle it in the future.
"I can't. May importante akong gagawin." he said, coldly.
Natulala ako ng ilang segundo bago tumango. "Okay."
Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya. Nakakapagtaka rin dahil ang lahat ay nag-ko-congrats sakin pero siya ay hindi. We are in our fourth week of relationship and he's been cold to me.
Aaminin ko rin na mas lalo ko siyang minahal ng naging official kaming dalawa. It's like a dream for me pero not until these pass days.
Pinatay ko ang tawag at halos matulala ako sa pagd-drive pauwi ng Manila. Medyo pahapon na ng makabiyahe ako.
Isang call ang bumasag ng katahimikan at nakita kong si Amy ang tumatawag.
I was about to reach it when suddenly someone crashed into what I was riding! I was so shocked that I stopped and almost crashed my car into a tree!
Nabunggo rin ang ulo ko sa salamin dahil sa sobrang impact! Nanginginig ako ng mga oras na iyon!
Hindi ko alam ang gagawin. Ni hindi ko naisip na pwede kong tawagan sila mommy ngunit dahil sugatan ay wala akong nagawa.
My vision was blurry and I heard a few shots! Hearing that made me wince and even more nervous!
Slowly, I unbuckled my my seatbelts in trembling hands! Kailangan kong makalabas!
I was about to get out ng may nakita akong lalaki sa labas ng kotse ko. Ang harapan ng aking kotse ay umuusok na.
Gusto ko humingi ng tulong ngunit ang lugar na ito ay walang dumadaan sa mga oras na iyon! Parang nakaplano ang lahat.
But, why?
Ang lalaki sa labas ay naka bonit na itim at tinutok niya ang isang shutgun sa akin. In my fear, I close my eyes.
So this is the feeling huh? Naalala ko si daddy. Ito rin ba ang naramdaman niya? Iyong alam niyang mamamatay siya. No choice. Walang paraan kundi ang tanggapin?
May magagawa ba ako sa oras na ito? Makakaya ko bang tumawag ng mabilisan para makahingi ng tulong kung gayong isang gatilyo lang ay mamamatay na ako ngayon?
I was ready for my death ng marinig ko na nga ang sunod sunod na pagputok! Tumili ako ng husto at umiyak. Handang handa na ako sa sakit na mararamdaman bago ang kamatayan ngunit hindi iyon dumating!
Dinilat ko ang aking mga mata ng bumukas ang pintuan at nakita ko ang lalaking gustong bumaril sa akin ay nakabulagta na!
Nakakita narin ako noon ng dugo pero ngayon mas matindi! Iba ang makakita ng dugo na sobrang dami at sa karumaldumal na paraan.
And... nakita ko ang lalaking bumaril sa gustong pumatay sakin. Nakasuot siya ng tulad sa sinusuot ni Raphael sa tuwing may mission!
Naka cap rin siya. When our eyes met, napalunok ako at hindi ko alam ang gagawin! Hapong hapo ako sa mga nangyari.
My chest was up and down while beating fast. Nanginginig rin ako at namamawis. Walang mapagsidlan ang aking takot!
"You are safe now." he said lowly, almost like a growl.
Kahit na sinabo niya iyon ay parang ayokong magtiwala! At sa oras na amba niya akong hahawakan ay nawalan na ako ng malay!
~~~
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Pero swerte pa ako dahil nagising ako sa isang kwarto. And I realized it later on na nasa sarili akong kwarto ko sa mansion namin.
"You are awake.." boses ni Nathan ang narinig ko. Hindi na ako nataranta pa. Ang malaman na nasa mansion ako ay malaking ginahawa na para sakin.
But those experience might be forever my nightmare!
"N-Nathan.." umupo ako. Wala akong naramdaman na sakit sa aking katawan o sa ulo man lang. It's a miracle! Pero ramdam ko na may konting sugat ako sa ulo.
"You are safe now. Nandito kanina ang mga pinsan natin. They don't want to wake you up dahil mahimbing ang tulog mo."
"Sino iyon? Do you have any idea?"
Base sa reaksyon ni Nathan ay alam niya ang nangyari sakin!
His dark eyes looked at me. At ang paggalaw ng panga niya ay alam kong galit siya ngayon.
"Mabuti nalang at nailigtas ka ni Rollo. Dahil kung hindi, baka hindi ko mapapatawad ang sinuman ang gumawa nito sayo." sa seryosong boses ay sinabi ng kapatid ko sakin.
Maya maya pa ay pumasok si mommy kasama si tito Damon.
"Oh my God. Hija!" niyakap ako ng mahigpit ni mommy. Nanginginig rin siya ng yakapin niya ako.
"M-Mommy... Akala ko mamamatay na ako!" dahil sa sobrang bugso ng emosyon ko ay hindi ko maiwasan ang umiyak.
"No hija, hindi mangyayari iyon. Mabuti nalang at may nagligtas saiyo."
"It's much better kung huwag ka munang lumabas labas. I hate to say this but hindi pwedeng wala kang alam Sapphire. You are on age and can decide in your own. Someone wants to kill you."
Parang bomba iyong sumabog. Halos hindi ko maproseso ang mga narinig ko!
"Malalaman ko rin iyon. Sa ngayon mas mabuti pang dito ka muna."
Naguguluhan akong umiling. Si mommy naman ay halatang sobrang nag aalala sa akin. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko.
"P-Pero bakit? Wala akong kaaway!"
"Calm down hija. My men will handle this. Nandito lang kami. You are secure with heavy men around the mansion. Sundin mo lang muna ang sinabi ko. Stay here for a while. Wait for my go signal if everything is okay."
Sinulyapan ni Tito Damon si Nathan.
"Where the fuck is your coach now? My niece's life is on danger." aniya kay Nathan. Nathan on the other hand ay napapaisip.
"I don't know." tanging sagot niya. Umigting naman ang panga ni tito Damon.
Nathan military coach is Raphael. Pero wala dito si Raphael and speaking...
Kahit text ay wala. There's nothing from him.
Dahil sa nangyari ay halos hindi ako makatulog. Umalis si Nathan at tito. May cousin's keep on messaging me which makes me busy.
Si mommy naman ay nanatili sa kwarto ko habang nakahiga ako. Ayokong lumabas ng kwarto sa ngayon dahil narin sa takot na nararamdaman ko.
"Dito nalang ako matutulog. I'll just fix something." si mommy na sobrang nag aalala. I nodded to mom and she storm out my room.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at niyakap ang unan. Uminit agad ang mga mata ko dahil hindi nagpaparamdam si Raphael!
And... one more thing. Nahihiwagaan ako sa lalaking nagligtas sakin!
Tinawagan ko ang number ni Raphael at himala na nasagot niya iyon agad.
My heart hurt dahil sa katotohanan na hindi naman pala siya abala pero hindi siya nagpaparamdam sakin!
"R-Raph!" agad na dumaloy ang luha ko. Kumalabog ng husto ang puso ko at bilang girlfriend niya ay karapatan ko ang magsumbong!
"May gustong p-pumatay sakin! May sugat ako ngayon sa ulo ko. And....I am so scared! Nandito ako kina mommy!" umiyak ako habang sinasabi iyon.
"I know."
Natahimik ng marinig iyon sa kanya. Kinagat ko ang aking labi at humilig sa aking kinahihigaan.
Iyon lang ang nasabi niya.
Ang boses niya ay tila ba malamig at walang pakeramdam. Walang pakealam sa akin.
I wiped off my tears and in trembling voice. "O-Okay. Alam mo na pala pero hindi ka man lang nag message sakin? And..kailan ka uuwi?" halos suminok ako dahil sa aking luha.
"Hindi ko pa alam sa ngayon."
Bakit ganoon? Bawat salita niya ay mas lalo lang akong nasasaktan?
But still...baka nagiging paranoid lang ako dahil sa nangyari.
He is my first boyfriend. Lahat na nasa akin ay siya ang nakauna. Ngayon ay boyfriend ko na siya. Gusto ko siyang intindihan at marahil ito na ang tamang oras na maging maayos ako na girlfriend sa kanya.
Ilang taon ko narin kinimkim ang pagmamahal ko sa kanya.
"Uh, okay. Message me anytime please. M-Maayos naman ako ngayon. Uh...."
"I'll try. Medyo...busy." aniya ulit in a lazy way.
Huminga ako ng malalim. "I understand. You are busy with work. I love you.."
"I love you.."
Kinagat ko ang labi ko at pinikit ang mga mata. Whats going on?
~~~~
Another spoiler! Ang ibang bahagi ng book na ito ay nasa aking VIP page! Hindi lang ito at mababasa mo rin ang ending ng Unang Halik at Heart of Bullets ngayong buwan sa aking VIP page! At ang bagong book ng Montemayor second generation na (Wild with you) sa aking Vip soon na mapopost doon ang Advance chapters! For only 200 pesos lang! Maari kapang mapili namin na mabigyan ng bigas at appliances every six months! Basta consistent ang pagsali sa Vip page.
And..sa huling printing ng Montemayor bookset naman po ay inaanyayahan ko ang mga gustong mag avail ng pre order nito na umorder na ngayon sa halagang 1450 ay may Montemayor bookset kana. Mapapasakamay mo ang ating mga fafa bilang isang ganap na libro (Broken, Secret Affair, Mistakes, Just Lust) Sale po ito ngayong buwan lamang! Imessage po ako sa link below at kung hindi po maopen ay isearch niyo lang po name ko na (Frezbae Montemayor) Salamat!
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co