Truyen3h.Co

Chained By The Mafia Lord

Chapter31

frezbae

Kabanata 31
By hook or by crook

Hinila ako nito palabas.Nilock ang pintong pula na pinanggalingan ko bago hinila pabalik sa aking kwarto.Umaagos ang aking luha sa hindi maintindihang takot at pagkalito. Mahigpit ang kamay na hawak sa aking pulso at binuksan ang aking silid.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Isabella?" Gigil na aniya ni Lola Martha sa akin. Nanghihina ako dahil sa nginig nang katawan at kaba kaya napaupo ako sa kama.

"L-lola! ano iyun? bakit...b-bakit -"

"Shhh!" Pinatahimik niya ako at lumapit sa pinto. Sumilip siya sa labas na tila ba sinisigurado na walang tao at bumalik sa loob pagkatapos na ilock iyon.

Tumayo siya sa harap ko at tinitigan ako gamit ang malamlam na mata.
"Sabihin mo sa akin.Ngayon na nakita mo iyon.Takot kana ba ngayon sa alaga ko?".

Tanong nito at naupo sa gilid ko . Kinuha ang aking kamay na naginginig. I bit my lips. Oo, takot na takot ako kung bakit may mga litrato ako noong bata pa ako. Bakit hindi sinabi sa akin ni Marco? Parang nag iba ang paningin ko sa kanya.

"N-Natatakot po ako lola." dumaloy ang panibagong luha mula sa akin.Napabuntong hininga siya at mas hinimas ang aking kamay na nasa kandungan ko.

"Wag kang matakot kay Marco.Mabuting tao ang alaga ko. Kung meron man siyang hindi sinasabi sayo.Dahil pinoprotektahan ka niya. Mahal ka niya Isabella kaya sana-" humugot ito ng hininga.

"Kaya sana wag mo siyang iiwan.Dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin."

Bumundol sa akin ang kakaibang takot."Lola.. hindi ko maintindihan ang lahat. Ang g-gulo ng isip ko lola."Hinagod niya ang aking likod. Halata na sa mukha ni Lola Martha ang katandaan kaya siguro hindi siya tumutulong sa mga gawain at hanggang pagmando lamang siya dahil sa katandaan.

"Wala ako sa posisyon na sabihin sayo. Kaya sana,wag mo siyang iiwan kahit anong mangyari.Mangako ka."Napalunok ako. Kahit na mukhang strikta si Lola Martha pero nararamdaman kong mabait siya. Tumango ako na ikinangiti niya.

"Wag mong sabihin kay Marco ang tungkol sa nakita mo sa secret room niya,pwede ba?"

I heaved a sigh."Opo lola.."

Bumaba ako para kumain kahit mabigat ang aking pakiramdam. Simula nang dito kami tumira ay ginagabi na siya umuwi. Nababagot na ako dito sa mansyon.Pagkatapos kumain pumasok ako sa kwarto. Pumili ako ng pangtulog na silk na dress na hanggang tuhod ko ang haba. Walang bra pero may panty.

Naligo ako kahit na gabi na at nagsuot ng pangtulog at nahiga sa kama. Alas otso na ng gabi pero wala pa siya? Saan kaya siya? Ngayon lang ako nakabalik sa piling niya mula ng makidnap ako. Tapos ngayon,ilap pa siyang umuwi?Ano ba talaga ang kinaabalahan niya?Sa sobrang antok ko ay nakatulugan ko na ang pag hihintay.

Marco's POV.

"How's he? Doc Fuentebella?" Tanong ko sa doktor na pinaalagaan ko kay Arman. Isabella's comatosed father. Halos pitong taon ko siyang inaalagaan pagkatapos nilang ma-ambushed noon. Her wife Isabel died. She was shot in the head kaya siya namatay. Ang nag iisa nilang anak na mahal na mahal ko ang nakaligtas.

Nawala siya noon at ayun sa pag iimbestiga ko sa kanya nasa kalye na siya. Hindi ko alam kung bakit wala siyang matandaan.

Kaya nang masabi sa akin ni Hernan isang imbestigador na pumasok siya sa isang club gumawa na ako ng kilos.Isabella's dad was the right arm of my dad who's pursuing our Mafia Empire sa States. Dahil ako lang dito sa Maynila kundi ako ang nag aasikaso ng mga naiwan ni papa.

Madaming hawak sa leeg si papa kaya madaming banta sa aming buhay kung kaya bakit na ambush sila ni Isabella noon.
Matinik ang papa ni Isabella. Matalik sila na magkaibigan ni papa kaya kung tuso si Arman, mas tuso ang ama ko.

"His body became responsive,Marco. It's a good sign. Minsan gumagalaw ang daliri niya na magandang senyales. Baka bukas o makalawa ay maaring magising siya." aniya sa akin ni Fuentebella.

Nasa hotel pang kami dito sa Maynila na pagmamay ari ko. Sekreto ang palapag kung saan ko siya nilagay. Nagpalagay ako ng mga CCTV sa buong paligid.

Sumimsim ako sa alak at tinignan ang aking pang-pulsong relo. Fuck! gabi na alam kong nag aalala na sa akin ang mahal ko.Napangiti ako nang maimagine ko ang mukha niya na umuungol.

Tangina! masyado na akong nabaliw. Mahal na mahal ko talaga siya.Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya.Pinoprotektahan ko siya dahil maraming gustong patayin siya na hindi ko hahayaan kailanman. Kung kailangang buhay ko ang kapalit ay gagawin ko.

Lalo na't dahil sa delikadong trabaho ng aming angkan kaya siya napahamak noon.Kinuha ko ang aking coat at sinampay sa aking balikat. Kinuha a
ko ang sigarilyo at sinindihan.

"Tres,bantayan niyo si Arman. Magmasid sa paligid. Gumagawa na ng hakbang ang mga Sigma kaya talasan niyo ang mata." bilin ko nang makalabas ng suite kung saan si Arman at may private guards na nakabantay.

"Masusunod Lord." Sagot ni Tres at yumuko.

"Kwatro, dagdagan ang taohan sa labas dahil uuwi ako. Just call me if there's something happen." Bilin ko na walang lingon patungo sa elevator pababa habang nakasunod sa akin si kwatro.

"Makakaasa lord." sabi nito at bigla nalang nawala sa paligid.Napangisi ako.Mga taohan ko sila. Mga matibay na mga binata kung saan pinag aral ko sa aming agency. Mabilis gumalaw,matalas ang pandinig,at nakakaamoy nang panganib sa paligid ang kanilang kakayahan. Hindi biro ang kanilang training kung saan kung kailangan na magpa baril ay mapapabaril.

Nasa elevator ako at tinipa ang numero ni Dos. "Dos, lumabas ba si Isabella?" Si Dos at si Cesar ay iisa. Si Cesar ay nasa kwarenta na.

"Hindi po,Lord."

"Good, nasaan si Uno?"tanong ko si uno ay ang palaging nakamasid kay Isabella ng palihim kung lalabas. Siya ang magsisignal sa akin kung may mali sa paligid nito.

"Naka abang po sa labas ng bintana ni Isabella lord."

"Very good uuwi na ako."

"Okay lord.."

Umuwi ako kahit hindi pa nakakain. Sa training ko ay nasanay akong mahirapan at magutom. Dyesi sais palang ako noon ng isabak ako ni papa sa training dahil ako ang taga pagmana ng kanyang ari arian. Lalo na't nag iisang anak ako .

Pagkalabas ng hotel ay sinuot ko ang cap ko para takpan ang aking mukha at hinagis ang upos ng sigarilyo. Hinagis din sa akin ni singko ang susi nang aking itim na sports car at pumasok ako doon.

Kakaupo ko palang ng tumunog ang aking cellphone sa isang tawag at halos mapamura ako kung sino ito.Napasinghap ako. Hinilig ang batok sa headrest at hinilot ang aking sentido bago pinatunog ang leeg.

"Samantha.." pagod na sabi ko.

"Gosh! babe where are you?kanina pa ako naghihintay."inis na sabi nito.

I lick my lips."Bukas na Sam.uuwi na ako."

Si Samantha ay ginagamit ko ng matagal na panahon upang makaalam ako at may alas laban sa kanyang ama na lord ng mga Sigma.

"What?! sabi mo ngayon! tapos hindi ka makakarating? Ano ba talaga tayo? Matagal muna akong binabalewala Marco!" Halos magsisigaw ito sa kabilang linya kaya napahampas ako sa manibela sa inis. Kung si Isabella papayag akong pag taasan ng boses pero siya? Oh no.

"I am tired Sam! At alam mo kung ano tayo." puno na diin na sabi ko dito.

"Fuck you Marco." mura nito sa akin at pinatay ang tawag.

Hinagis ko sa dashboard ang cellphone dahil wala akong pake kung mabasag. Alam kong may alam si Samantha. Alam ko ding ginagamit siya ng kanyang ama sa akin.Napapikit na lamang ako at naimagine ang mukha ni Isabella.

"Mahal na mahal kita." wala sa sariling sabi ko.

By hook or by crook I'll save her no matter what. hindi ko hahayaang malaman niya kung gano ka tuso ang pagkatao ko.Pumapatay nang mga halang na bituka. Pumapatay ng mga taong pumapatay ng taong inosente. Mga nagpupuksa ng mga drug lord dito sa Pilipinas.

Kung ang mga alta ay gumagalang sa Presidente ng bansa. Kami naman ay niluluhudan ng Presidente at mga alta.Wala akong sinasanto. Wala akong kinatatakutan. Isa lang ang kahinaan ko. Ang mawala si Isabella sa piling ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co