Chapter33
Kabanata 33
Phobia
Sa nakalipas na mga araw kadalasan kaming nagkikita ni Red. Sinabi ko sa kanya ang lahat na hinaing ko..
"Takot ako Red , takot akong malaman ang totoo. He's being cold." Tinuko ko ang aking panga sa aking palad habang ang siko ay nakatuko sa mesa. Red with his eva look ofcourse. Wearing a white inner and a black blazer pair with his black slack. Mas mapula pa sa aking labi ang kanyang lipstick at makapal ang eyes shadow.
Sabi niya nakabingwit daw siya ng mayamang amerikano na mahal daw siya! Binilhan daw siya ng condo unit,sports car at may botique na daw siya ngayon. Last week I brought a new cellphone. Hindi ko kasi nakaya dahil nasasaktan ako at wala akong masabihan. Tanging si Red lang ang masasabihan ko!
Ewan ko , takot akong iwalwal lahat kay Marco. Takot akong malaman na baka babae niya nga iyon! Tinawag siyamg babe! Ano paba sa tingin ko?
"Ang sakit kasi eh" Hinaing ko ulit. Gusto kong maluha pero walang lumalabas.
Umirap si Red sa akin. "Sakit ka ng sakit diyan! Bakit? tinanong mo ba siya tungkol sa nakita mo? Ha? try to confront him! Kung sabihin na totoo! eh di doon kana magbigti!" maarte itong umirap at uminom sa kanyang frappe.What the hell! yumaman lang to eh sosyalenggera na!
"Red I am not joking!"
"Well , I'm not too okay? alam mo? para sakin hindi ka naman niloloko ni Marco eh. Alam mo may mga babae talaga na ex na nga eh naghahabol pa din! At baka ex ni Marco yun at naghahabol pa sa kanya! like hello? Marco is so oh so hot papa! He will be not Marco for nothing! Kasalanan mo dahil nagmahal ka ng gwapo."
Napaisip ako sa sinabi ni Red.He's right pero bakit parang iba ang pakiramdam ko?Pakiramdam ko nagkikita sila kaya siya palaging late umuwi. Tulad ngayon , pagkauwi ay naka all black uniform na naman siya.
Bigla kong naalala yung pictures ko at mga baril na nakita ko sa secret room niya. Okay lang sakin yung makita ko yung mga pictures ko eh. Pero palaisipan sa akin bakit bata pa ako doon?kilala niya na ako noon pa?
Bakit hindi niya sinabi? tapos yung mga baril! Kaya ba siya naka uniform na puro itim dahil pumapatay na naman siya? Nakakapagod mag isip.
Nag usap pa kami ni Red.I told him what happened to me. I told him what I saw kahit siya ay napaisip din.
"Gosh! Mukhang gusto kana talaga ni Marco noon pa! " Umiling iling pa siya.
"Alam mo, pakiramdam ko ay may tinatago talaga iyang si Marco! so interesting!"
"Ma'am" Sabay kaming napalingon ni Red kay Cesar nakadungaw sa kristal na pinto ng Resto.
"Oh! mang Cesar."
Napakamot ito sa batok. "Sisisantihin daw ako ni Lor---este sir Marco pag hindi ko daw kayo iuwi ngayon." Napairap ako sa kawalan at binalingan si Red.Nakangisi ito sa akin ngayon.
"Oh! namiss kana pala ni mysterious boyfie mo! Tsupi kana!" tinaboy taboy pa ako nito. "Just call me,okay?" Paalala pa nito sa akin.
"Okay , mauna na ako.Salamat ha." Kinuha ko ang aking bag at bumeso kay Red bago lumabas.Habang lulan ng sasakyan ay hindi ko naman maiwasan ang kabahan. Simula ng makidnap ako at matuklasan ang secret room ay naging mahiwaga sa akin si Marco.
Heto na naman ako,uuwi at makikita ko na naman siya. Tanggap ko naman kung anuman siya. I love him so much but you know.Iyong feeling na wala kang alam sa lahat at naghihintay ka nalang kung anuman ang totoo. It's frustrating!
"Uh , mang Cesar bakit maaga umuwi si Marco?" Maaga pa nga. It's now six in the evening.
"Nalaman niya po kasi ma'am na lumabas ka kaya pinasunod niya ako agad" Kanina kasi lumabas ako ng taxi ang sinakyan . Hindi ako nagpahatid kay Cesar.
My forehead creased. "Paano niyo po nalaman na nandoon ako sa Resto?" Biglang tanong ko. Yeah right! Bakit kaya?
Napakamot ito sa kilay at narinig ako ang impit na mura nito at binalingan ako habang nagdadrive. Nakangisi na ito pero alam kong hilaw.
" Ano kasi ,dumaan kasi ako doon at nakita kita galing sa labas.." rason nito.Tumango tango na lamang ako. Baka nga, hindi malabo dahil glass wall ang resto na yun.Habang nagpapark ang sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa kaba. Bumuga ako ng hangin ng marahan. Palagi nalang ako kinakabahan sa tuwing ganito. Palaging malikot ang puso ko kapag siya.
Lumabas ako ng sasakyan at tinungo ang malawak na balkonahe ng mansyon na ang sahig ay nalalatagan ng abong carpet at may maliit na mamahaling chandelier sa itaas. Sa bawat sulok nito ay mga naglalakihang jar na sa hulma palang at design ay alam mo nang mamahalin.
Binuksan ng katulong ang pinto patungong sala na malawak na kung saan may party yata ay dito niraraos. Sa gilid nito ay ang grand staircase na may isang paikot pataas kung saan ang mga kwarto at mga guest rooms.
Ang tanda ko din na sa likod nitong mansyon ay may swimming pool at may malawak na garden. Pagkapasok ko palang ay nakita ko na agad si Lola Martha.
Tulad ng dati she's intimidating and so strict. She eyed me. "Naghihintay si Marco sa hapag.Pumunta kana doon at kumain." Sanay na ako sa kalamigan niya. Ganyan man siya magsalita eh pero mapag alaga din naman at ni minsan ay hindi na namin napag usapan ang tungkol sa secret room.
Tumango ako "Opo lola.." Agad naman ako nitong tinalikuran. Tinungo ko agad ang hapag. Bumuga pa ako ng hangin bago tuluyang tinungo iyon.Dumapo agad ang aking mata kay Marco na nakahilig sa counter sa harap ng mahabang lamesa na puno ng pagkain.
Medyo nahiya ako dahil ako pa ang naging dahilan kung bakit hindi pa ito nakakain.And now I don't know what to say. Nakahalukipkip ito pero agad ding kinalas nang makita ako.He's wearing his usual white shirt when he's home and a khaki short.
His dark face and the way his jaw clenched make me know that he's mad.Napaka illegal ng isa na ito. Iba ang kgwapohan niya. Siguro may lahi siyang banyaga dahil sa tindig palang at tangos ng ilong iba na eh.
"Ginabi ka.." malamig nitong sabi.
Yeah, Ginabi na naman ako. Nung kailan kasi hindi naman ako ginagabi ngayon naman naulit.
Nanuyo ang aking lalamunan.
"I'm sorry.. " I tried to equal his coldness.Ang mga katulong na may nililigpit sa sink ay agad nagsilaho ng marinig ang boses namin ni Marco. Parang ayaw nilang makasaksi ng nag aaway.
Sa sobrang seryoso ng pagkatingin ni Marco hindi ko ito kinaya at una akong umiwas. He sigh heavily pinaghila niya ako ng silya kaya naupo ako doon. He sat on my front.
Habang kumukuha ako ng kanin ay nilalagyan niya ng ulam ang aking pinggan. Sa sobrang tahimik parang makakarinig na kami ng kuliglig.
"Nagbabalak sana akong pumasok na sa school sa monday." I tried to open a topic. Nilapag niya ang kanyang kutsara pagkatapos niyang isubo.
"You're not allowed to go to school for now." pinal na anito at tinuloy ang pagkain.Kumulo bigla ang dugo ko. Paano ako makakapagtapos kung ganito? Hindi pwede na makapasa lang ako dahil magkaibigan sila ng may ari.
"Marco , wala namang nangyaring masama sakin sa paglabas ko nung kailan." Nawalan akong ganang kumain.Napahilot ito sa kanyang ilong na tila ba problemado. Gusto kong umirap. Ha! Siya pa ang may ganang mag problema? Eh diba ako dapat! Dahil siya iyong may babae pero hindi ako mababaw at ipag walwal sa kanya iyon. One more evidence and lets see!
"Lets not talk about it on front of the food-"
I gasped in annoyance.
"Marco naman! Hindi ako bilanggo dito! Bored na bored na ako dito! Gusto ko nang bumalik sa pag-aaral! Gusto ko naman na makalabas--".He smashed the table na halos magkatapon tapon ang mga nandoon na ulam at kanin.
I am so stunned! sinapak niya ang mesa kaya halos pate ako ay mayanig din. Ang mga napaadaan na katulong ay napapatakbo sa takot.
"Then get out of here! Kung gusto mong lumabas! Then go on! I am not stopping you! Now out!" He shouted on me na halos mapapikit ako sa sobrang lakas.Tigalgal ako sa nangyari at nataohan ako nang umalis ito nang walang lingon. Agad bumara ang luha sa aking mata at nagsipatakan.
So ngayon ayaw niya na sakin? Pagod na ba siya sa pag iintindi sa akin? I gasped when my tears roll down. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumakbo palabas.
Pagod naba siya sa akin? Sana sinabi niya! Hindi yung nagtitimpi pa siya kahit ayaw na niya. Ramdam ko naman eh! Masyado na siyang naging malamig nang nag daang mga araw. Baka nga siguro na may babae siya.
Tinakbo ko ang gate at nakita ko lamang si Mang Cesar sa labas at nakayuko.Hindi man lang ako nito sinulyapan.Kumirot ang puso ko sabay ang aking pagluha. He lost all his temper for me, huh?
Kung ayaw niya na sakin eh di ayaw! Lumabas ako nang malaking gate at tinawagan si Red.And he answered it immediately.
"Ohh! Shit!Faster h-honey-"Napangiwi ako at nilayo ang cellphone sa aking tenga. What the! binalik ko ulit sa aking tenga. Wrong timing yata ako. Red were bitching now.
"Red.." I called him.
"Uh wait.." Anito at nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya.
"Red , where are you? I need your help.." sabi ko at niyakap ang aking sarili dahil malamig.
"Huh? Bakit? Nasan ka?" aligaga nitong sinabi.
"Nag away kami ni Marco.Please pick me up please.." Naging mabilis ang pangyayari. Red picked me there at niyaya ako sa isang bar. I am only wearing my shirt and short. Hindi bagay sa sosyaling bar na ito. Patuloy sa pagpatak ang luha ko at ininom ang shot ng henessi.
"So war kayo ngayon? Alam mo kanina bibigwasan sana kita dahil inistorbo mo kami eh. Pero mukhang seryoso nga. " anito sa akin..
Pinunasan ko ang luha ko. "Siguro ayaw niya na sakin Red! nagsawa na siya sakin." Suminghot ako at dumaloy muli ang bagong luha. Pagkatapos ng lahat? Sa isang higlap lang ganito na kami agad.Now I dont know what to do. Wala akong damit at wala akong dala kahit na ano. Wala din akong pera dahil ang wallet ko ay nasa bag na naiwan ko doon.Nakikinig lamang si Red sa lahat nang hinaing ko.
"Mahal na mahal ko siya eh. Sa akin lang naman wag niya akong masyadong pag bawalan!" iyak ko at dama ko ang tama ng alak sa aking sistema. Kinuha ko pa ang isang glass shot ng henessi nang may humawak nun.Red gasped in shock.
"Ulalam! " impit na daing nito at napatakip pa nang kanyang bibig.
"Stop drinking." malamig na boses ni Marco ang pumukaw sa lasing na sistema ko. Agad kumalabog ang aking puso at nangilid ang aking luha.
"Ah maybe I should go now.." paalam ni Red na parang nagmadali. Marco just nodded coldly to him.
"Bakit ka nandito?" Malamig na sabi ko at medyo lumayo sa kanya dahil nakahawak na siya sa hita ko.He just sighed. Lumapit pa siya ulit sa akin..Umakbay siya sa sandalan ng couch.
He kissed my temple at gusto ko nang maiyak agad.Umiwas ako sa halik halik niya sa aking buhok.
"S-Sabi mo umalis ako diba?bakit ka nandito?" Galit na sabi ko.I tried to pushed him but he didn't even budge.He captured my hands and locked it with his.
He kissed my temple again and kissed my ear."I'm sorry. Sinubukan ko pero hindi ko kaya. Kaya kita sinundan."
I am so doomed.He buried his face on my neck that make me stiffed."Marco gusto ko lang n-naman na makalabas-".
"Bullshit.." malutong na mura nito sa tenga ko. "I just can't! may phobia na ako sa pagkawala mo. Masisisi mo ba ako huh?" Anas nito sa tenga ko na ikinalambot nang aking puso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co