Truyen3h.Co

Chaining Lockets

Kabanata 2

heartlessnostalgia

Kabanata 2

"My, is Dad mad at me?" I asked while my mother's fixing the coffee for that, he's been reviewing cases again at night.

"Hmm? He isn't." She chuckled, pagkatapos igilid ang kape ni Dad ay kumuha ng baso para gawan ako ng gatas.

"But he's glaring at me, pagkatapos niya ako paluin ang sama ng tingin niya." I pouted.

It made her laugh, my mother reached for my cheek, tapping it a bit, and pinched it.

"Matitiis ka ba ng Dad mo, Crest?" she asked me, chuckling. "Kahit gaano ka kakulit at katigas ang ulo, alam mo namang malambot pagdating sa inyong magkakapatid si Attorney."

"Pero he walked out at me." I pouted and she sighed, inilagay niya ang marshmallow s agatas ko bago nailing.

"He's just stressed, Crest. Alam mo namang bukod sa mga kaso niya ay inaayos din niya ang paglipat sa lower court, right?" she said, naalala kong nag-aaral din si Dad lalo dahil may nag-uudyok sa kanyang umakyat na sa pagiging lower court judge.

"Hindi ba sila napapagod mag-aral, Mom?" I asked out of curiosity, "si Adira, busy sa law school, patapos na at grabe mag-review, si Chiel na puro kaso there, kaso everywhere and Dad...palagi 'yon silang nagpupuyat, 'di ba, nakakapangit 'yon, Mom?"

Natawa si Mommy sa akin but I was really curious.

"Tapos partida, without skin care pa 'yan! Ako nga, My, kapag napuyat ng super kaka-add to cart mukha na akong walang hilamos ng one week!" I gasped, imagining my creepy face and that scary wrinkles.

"That's life, buhay nila ang korte, anak." Mommy grinned at me, "ikaw ba, don't you like to try working? I have a position for you in the company, you wanna try?"

"Like what?" I pouted at her.

"Just checking some papers, Crest. Approving proposals and such..." she shrugged. "It's a bit stressful kapag una pero kapag sanay ka na naman, okay na. Isa pa, I can teach you how."

"But I don't..." mas napabuntonghininga ako. "Ma, am I being a pabigat na for not working at all?"

"Huh? No." She smiled. "Of course not, ayaw mo bang sumubok? Wala namang kaso sa amin ng Dad mo 'yon, we want you to do whatever you want in life, ikaw bahala. If ayaw mo, I understand."

"Maybe next time?" I sighed. "I just can't imagine myself drowning and working and having no sleep at all. Gosh, the horror!" I gasped, touching both of my cheeks.

"Tara, 'nak, sama ka sa akin sa office ni Dad mo? Para magbati na kayo?" aniya kaya dali-dali akong tumango at kinuha ang tray kung nasaan ang kape ni Daddy.

Nagsabi si Mommy na mauna na ako dahil dadalhan niya muna ng gatas ang nag-aaral na si Adira, I knocked on the door and heard my Dad's voice.

"Come in." He said and I did, sumasayad na sa sahig ang long night dress ko, ang mahabang buhok ay nakalagay sa balikat at may facial mask sa mukha.

My father's busy reading the papers on his desk, nakasalamin pa si Attorney pogi kaya marahang nilapag ko sa harapan niya ang tray ng gatas.

"Here po." I said.

"Thanks," he said, lifting his face and to my horror, he screamed. "Multo!" he exclaimed.

I screamed too in shock, napahawak pa sa dibdib at nanlaki ang mata. Nagsisigawan lang kaming dalawa roon, sabay na gulat sa isa't-isa nang may magsalita.

"W-what's the matter?! Is anyone hurt?!" biglang lumitaw si Mommy kaya sabay kaming natahimik na dalawa.

"M-may multo—" Dad pointed me.

"Dad is—"

"Crest?!" Dad exclaimed kaya mabilis akong napatingin sa kanya, nanlalaki pa rin ang mata.

"D-Dad? Why are you..."

"Is that a fucking facial mask?!" he groaned, pointing my face, nanlalaki pa rin ang mata niya kaya suminghap ako, mabilis na hinila paalis ang mask sa mukha bago ihagis sa basurahan at tumango sa kanya.

"O-opo?" I muttered.

He cursed, napahawak pa sa dibdib. Si Mommy ay biglang natawa at napakurap-kurap ako.

"S-sorry, did I scare you?!" I asked in horror when I realized what happened, naalala ko bigla si Chiel no'ng nakaraan!

"Ay hindi..." Papa closed his eyes, nakita kong inabutan siya ni Mom ng tubig. "Let's pretend you don't look like a white lady now, Crest Veronica." Tumalim ang tingin niya sa akin.

"This is my usual sleepwear." I told him, even twirling and smiled. "Why naman si Mom? Siya rin, oh. Naka-long dress na pantulog."

"Yes but look at her, nakatali ang buhok! Walang puting facial mask tapos ikaw—"

"Oh, at least magandang mumu. Awoo!" I even teased my father glaring at me, tinaas ko pa ang kamay para mukhang multo, earning a loud laugh from my mother.

"Magandang mumu naman daw ang prinsesa mo, Iñigo." Mommy beamed.

"But still..." Dad sighed, hinihilot ang sentido. "You'll give me a heart attack, Crest."

"Opps! Sorry!" I gasped, walking a bit and dragged a chair, napangisi na si Mommy na hinahaplos pa ang buhok ni Dad nang itinabi ko ang upuan sa swivel ni Dad at nanggulo.

"You brat..." he groaned when I linked my arms on his and rested my head on his shoulder.

"Sorry na, Dad kong Attorney. Bati na tayo, please?" lambing ko.

"You kept on apologizing pero uulitin mo naman." Ani Dad sa akin kaya napanguso na ako, umayos ako ng upo, sumulyap sa kanya at naiiling na siya sa akin.

Si Mom naman ay nakasandal sa lamesa, pinagmamasdan kaming dalawa.

"Mom..." I asked for help but she shook her head at me.

"You should apologize, Crest, and learn. Nakailang libo ka na ngayong buwan?" she lectured me kaya suminghap na ako.

Wala na, hindi na kumakampi ang Mommy ko!

"But..."

"Do you want me to limit your cards?" ani Dad kaya napakurap ako at sumulyap sa kanya.

"Dad..." I whined. "Last na, hindi na ako gagastos ng sobra, promise."

"Ayos pa naman kasi ang higaan mo, Crest Veronica. Bakit ka pa bibili ng bago?" aniya sa akin kaya umiling ako.

"I just...I don't like the color anymore, Dad." I told him, "it looks dull and lifeless na."

"Bakit kasi sa lahat ng namana mo sa'kin, ayan pa?" biglang sabi ni Mom kaya napasulyap kami sa kanya ng sabay ni Dad.

"Oo nga..." we said in unison.

I saw Mom frowned, sinipa niya ang swivel ni Dad at hinagisan ako ng tissue.

"At talagang ako na ang sinisi niyo ngayon?" bumusangot siya at humalukipkip kaya natawa na kami ni Dad.

"You're a brat too, baby, you know that, right?" hinila siya ni Dad palapit kaya napaupo siya sa hita nito. "At bata pa lang itong Crest na 'to, spoiled na kaya ayan." Akmang kakaltukan ako ni Dad kaya napangiwi ako pero pinitik niya lang ang noo ko.

"I'm innocent here kaya," I told the two of them. "Bata pa lang ako spoiled niyo na ako ni Mommy tapos hanggang ngayon—"

"Should I cut your cards?" biglang baling sa akin ni Dad kaya nanlaki ang mata ko at napailing.

"K-kaya nga...super thankful akong love niyo akong dalawa." I gave them the sweetest smile ever. "Sa super love niyo sa akin hindi niyo ika-cut ang cards ko, right?"

"Shit, parang pumipintig na ang sentido ko." Napahawak si Dad sa noo niya kaya nagkatawanan kami ni Mom.

"Sorry na, Dad." Nguso ko, I even moved a bit to kiss his cheek, kumapit ako sa braso niya at si Mommy ay natatawang umakbay kay Dad, pinagmamasdan kaming dalawa.

"When will you learn, Crest?" he asked and I sighed.

"Sorry, Dad, babait na ako." I smiled at him and he sighed, shaking his head a bit and pinched my cheek.

"Naku talaga, kung hindi lang kita mahal, pinaluhod na kita sa asin." He frowned at me.

"Tsk! I'm so ma-swerte 'no? Mabuti na lang talaga love na love ako ni Iñigo!" I exclaimed happily and hugged his arms more, "love you, Attorney! Best Dad ever!"

I was relieved and I know Dad forgave me when I felt him kissed my hair.

"Little Thallia," he murmured after a while.

"At ganyan lang karupok ang mahal kong asawa sa mga anak..." Mommy retorted, teasing Dad pero bigla siyang napatili at ako rin ay nagulat nang tusukin ni Dad ang tagiliran ko para mangiliti sa aming dalawa.

I spent my time with my parents in Dad's office, I am busy drinking my warm milk with marshmallows and Dad with his dark, bitter coffee.

Nakikidungaw ako sa binabasa niya at hinahayaan niya lang ako.

"Dad, hindi ba masakit sa ulo?" I asked him after a while, si Mommy ay nandoon sa may sofa, sinusuklayan ang walang suklay na buhok ni Adira na abala sa binabasa niyang makapal na horrible papers.

"A bit pero kapag sanay ka naman na, hindi." Aniya sa akin kaya tumango-tango ako. "Here, tignan mo." May inabot siya sa aking papel kaya sinubukan ko 'yong basahin pero halos mahimatay naman ako roon.

"Far and away the most common mode by which a case reaches the Supreme Court is through an appeal from a decision rendered by a lower court. Appealed cases generally originate from lawsuits or criminal indictments filed and tried before the trial courts." I read out loud and frowned.

Dad glanced at me with a wicked smile and I showed him a weird face.

"Ano raw, Dad?" I asked.

He laughed, narinig ko rin ang tawa ni Adira doon na sumusulyap sa amin.

"Sabi riyan—" Adira said pero ngumuso ako at inabot ang tissue at tinapon sa kanya.

"Wala akong ma-gets, h'wag mo na ipaliwanag." Ngiwi ko at napatawa lang ang kapatid ko sa akin at inangat ang makapal niyang mga reviewers, "gusto mo, 'Te? Turuan kita—"

"No thanks, sleep na lang ako." I said kaya nagtawanan sila.

"I actually don't understand a thing." Pakunswelo pa ni Mommy kaya nagthumbs-up ako sa kanya at nginisihan si Dad.

"See that, Daddy? Sugo ni Thallia since birth!" I even put my fist where my heart is kaya pinisil lang ni Dad ang ilong ko, natatawa sa akin.

"Ewan ko sa'yo, Thallia-liit." Aniya at ginulo ang buhok ko.

Hinayaan lang naman ako ni Dad na makigulo sa desk niya at makibasa, I tried learning some weird terms kaya tanong ako ng tanong and he patiently answered me, walang sinasabi kahit may ginagawa siya kaya napapangiti ako.

"Daddy, I was just curious." I said and he glanced at me and fixed his glasses.

"Yes, princess?" he asked.

"Will you really join the lower court?" I asked and he nodded at me.

"What will you do there? I'm just curious, is that different with being a lawyer?" I asked and he nodded at me.

"Yup, I'll be a lower court judge, princess." He told me. "Being a laywer is protecting your client by taking their side, proving their innocence. Being a judge is one thing, ikaw na ang hahatol kung guilty o hindi ang isang nahahatulan."

"Oh..." I nodded and smiled at him.

"That looks bagay for you, Dad. 'Di ba, you have the black something na sinusuot?" I asked, earning a laugh from him.

"Yes, princess. If I became a judge, you can watch one of my public trials, don't worry." He said and smiled. "I will take this opportunity because somehow, I am hoping I could make a change."

"Change in the justice system?"

"Yes," he nodded at me. "Being a lawyer, alam ko kung gaano karumi ang politika at ang hustisya ay hindi na makatarungan sa ngayon, Crest. Whether we like it or not, justice can be tampered with money now."

That's true.

"Isn't it dangerous, Dad?" I asked him, "I mean, we received tons of threats through the years, mas dadami pa iyan kapag judge ka na, right? Tapos si Chiel at Adira mga lawyers na rin, malapit na si Adira."

"Ayaw mo bang mag-judge ako, 'nak?" he asked kaya nanlaki ang mata ko.

"No! Of course, okay na okay sa akin, Dad. You liked it then do it. You know I'll support everyone, as long as happy kayo." I smiled at him.

"That's good to hear, it's dangerous but in this way, I know I can still protect our family, mas na ngayon at hindi lang kayo, those people na naipit dahil sa kasakiman ng ibang tao ay may pag-asang matulungan ko."

It made me happier, hearing how my father is a man of his words.

"Hmm...how about death penalty? Ayos lang sa'yo?" I asked, wala nang paki na nanggugulo ako sa trabaho niya dahil wala naman siyang reklamo at sinasagot din ako.

"Well, that's hard." Ani Dad na sumandal na sa swivel, tinanggal ang salamin at humalukipkip, pinagmamasdan ako. "Hati ako, 'nak, p'wedeng oo o hindi."

"Why?" I asked.

"I'm into death penalty for murderers, rapists, para sa lahat ng mga taong halang ang bituka but death penalty is a big thing, lalo na sa mga mahihirap na tao."

"What do you mean po?" I asked.

"A lot of people have been wrongfully convicted of a crime they didn't commit, Crest." He shrugged at me. "Knowing how unfair and unjust the justice system? Maraming mga inosente ang madadamay. For me, in order to pass the death penalty, kailangan muna ng matibay at malaking pagbabago sa hustisya."

"Sa bagay..." I sighed and nodded, quite amazed na ganito ang usapan namin ni Attorney Iñigo Sandejas, para tuloy akong A student nito!

"You're aware some offenders are filthy rich, right? May kapit 'yan sa nakakataas kaya sila nakakatakas, kadalasan, ibang tao ang nasisisi sa mga krimeng nagawa nila, mga inosenteng mamamayan na hindi kayang ipagtanggol ang sarili dahil wala silang kakayahan." He looks bothered at that. "Gusto ko pero mahirap, kawawa ang mga nadamay at walang kasalanan."

"But murderers and...rapists...deserves that, right?" I asked and he nodded at me.

"Ang lahat ng mga halang ang bituka, they deserved to rot in hell, Crest." He sighed, nang napansing nakatitig lang ako sa kanya ay natawa siya. "Wow, that's new, we're talking about this?"

It made me laughed, ngayon lang kami nakapag-usap ni Dad ng ganito kaya natatawang niyakap ko siya at muling nanggulo sa binabasa niya.

Maybe that talk with Dad last night is so new to me na sabog ang brain cells ko pagkagising. Late na ako nagising, which is kinda not new na pero s'yempre, masakit ang ulo ko, hang-over siguro sa usapang law with Attorney Iñigo.

Gusto ko pa nga sanang matulog pa but I received some confirmation emails kaya dali-dali akong naligo at nag-ayos sa tapat ng salamin.

I curled my hair to nice, wavy curls. I fixed my make-up, put on an eyeliner and wore my black, silk organdy pleated Gucci dress and pumps I ordered online.

"Ma'am Crest?" I heard a knock on my door kaya napasulyap ako roon.

"Yes po?" I asked loudly.

"Ma'am, 'yong orders mo po nand'yan na!" aniya kaya suminghap ako at umayos ng tayo.

It made me really excited, kumikinang pa ata ang mata ko sa tuwa roon, halos mapapalakpak na habang tumatayo sa harap ng salamin para titigan ang damit ko at nang makontento ay lumabas na sa kwarto.

Slowly, I walked down the stairs, naririnig ko ang boses ni Chiel sa sala, paniguradong wala na si Dad dahil may trabaho kaya kampante ako.

I saw him talking to Adira while watching TV, nakatayo siya at nakapamaywang, marahang naglakad ako papalabas pero nagtagpo ang mata namin.

Chiel's eyes widen. Nagulat ako nang bigla niyang mabuga ang kape na iniinom at naubo.

"Kuya—" Adira froze when he saw me. "Where...are you going, Ate?"

"Uh...i-rereceived and orders ko?" I smiled at the two of them.

Hindi pa rin matahimik sa pag-ubo ang kambal ko, Adira walked closer to him and helped him calm down pero naiiling lang ito at tinuro ako.

"W-wearing that?!" he exclaimed, pointing my dress kaya kumurap ako at tumango.

"Yeah, so?" I pouted. "May problem ba?"

"You just have to receive parcels, Crest Veronica! Why do you have—"

"May receive package proof nga kasi!" I exclaimed, namaywang pa at hinawi ang ang kulot na buhok. "Pi-picturan ako, mga loko!"

Napatawa si Adira, parang na-stress ang kambal ko at napahawak pa sa batok niya kaya umirap ako sa hangin.

"Bahala kayo, dapat maganda ako sa picture! Babush!" I said and flipped my hair, walking towards the gate and saw atleast three delivery man with my packages I ordered online.

"Ay, Ma'am! Ito na sila!" ani ng guard kaya ngumisi na ako, with poise na naglakad pa at kumaway.

"Magandang umaga po, sinong una?" I asked at may naglahad sa aking delivery man kaya ngumiti ako at kinuha iyon.

"Ma'am, picture po, proof of delivery." Aniya sa aking may ngiti kaya ngumisi ako.

"Sure na sure! Gora, pinaghandaan ko 'to!" I said, inilagay ang kulot na buhok sa may leeg at inilahad ang package sa isang kamay, nakapaywang.

"Ayan, Ma'am. Very byotipul!" ani ni Kuya kaya mas ginandahan ko ang pose.

"Ayan?"

"Nice! Ang ganda, Ma'am!" aniya kaya ngumisi ako at binigay muna kay Kuya guard ang unang package at kinuha ang isa.

"Next na po," I said, medyo malaki iyon, I think it's my brand new pink with glitters na maleta kaya itinabi ko iyon sa akin, sinandalan ng bahagya at tumingin sa malayo, kunwari ay stolen.

"Ganda ni Ma'am, oh! Pang-model!" ani Kuya na nagdeliver kaya ngumiti pa ako at kumindat.

"Nemen!" nag-apir pa kaming dalawa.

I saw my twin and Adira peeking on the gate with their parted mouths, napapikit na lang si Chiel sa stress at si Adira ay tatawa-tawang pinipicturan pa ako kaya nagpose ako sa kanya.

"Oh, next!" I said cheerfully when I saw a truck nearby, nakita ko ang tatlong lalaki na tulong-tulong sa pagkuha ng sofa sa likod ng truck at lumalapit sa gate.

"What the hell was that, Crest?!" ani Chiel na lumabas, napamura na nang halos mahulog na siya sa kanal sa likod niya.

"It's a sofa! Duh!" I said and clapped my hands, it color pink and it's really pretty!

"Ma'am, saan po ilalagay?" ani sa akin ng nagdeliver kaya bumungisngis ako at tinuro muna ang labas ng gate.

"There, oh." I said. "Need po ba picture?" I asked.

"Ah, yes po, Ma'am!" aniya kaya natawa ako at excited na tumango, hinila pa ang kambal ang ang bunso namin para sumama sa akin sa sofa.

"What the fuck—"

"Fuck-pakin ko 'yang nguso mo, Alchiel! Sumama ka!" I hissed and he frowned at me, wala nang nagawa nang hilahin ko na siya paupo sa sofa at pinicturan kami ni Kuya.

"Ay, Ma'am, mukhang hindi satisfied sa product si Sir!" aniya na tinuro si Chiel na walang reaksyon at nakabusangot kaya suminghap ako, halos sapakin na ang kambal ko.

"Chiel, isa!" I hissed and he sighed, forcing a smile.

"Ayan, happy?" aniya sa akin kaya ngumisi na ako at nag-dekwatro sa sofa, tinuturuan si Adira kung paano ang isang pangmalakasang satisfied customer pose.

S'yempre hindi pa 'yon doon natapos, pagkapasok ko ay nag-change outfit pa ako para sa next package na darating.

"Akala ko ba tipid ka na?" nagpamaywang na si Chiel nang makita akong inaabot ang zipper sa likod ng dress ko.

"Oo nga! Bukas!" I said, "'tsaka no'ng nakaraan ko pa 'yan orders 'no, naka-schedule lang na ngayon darating!"

"Yari ka kay Dad..." he showed me a lagot sign pero umirap lang ako at napasimangot.

"Dami mong dada, tulungan mo na lang akong i-zipper! 'Di ko abot!" I exclaimed and he sighed, wala nang nagawa at tinulungan akong abutin ang zipper ng bagong dress ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Chiel na papaalis na papunta sa trabaho, si Adira ay nagpapaka-nerd na naman at nasa tapat ng laptop niya habang may binabasa sa papel.

"Hoy, Adira-babe, magsuklay ka naman!" I frowned when I saw her with her tangled hair again, parang basta na lang inangat ang buhok niya, oh.

"Maya na 'te, may ipapasa ko." Aniyang abala kaya napabuntonghininga ako.

Wala pa naman ang mga next parcels ko kaya kinuha ko ang suklay, umupo sa sofa dahil nasa lapag siya at tinanggal ang tali niya para ayusin ang buhok niya.

"Ate—"

"Just let me, naku ikaw, aral ka ng aral 'yang buhok mo parang may gagamba na!" she gasped when I flicked her forehead.

"Sorry na..." she whined kaya napailing na lang ako at marahang inayos ang buhok niya. "Magsuklay ka ng one hundred times, Adira-babes, para 'di mukhang sapot 'yang buhok mo, okay?"

"Okay, I will, Ate." She chuckled, tahimik na may tina-type kaya 'di ko na ginulo.

"Bye, girls. Pasok na ako." Biglang lumitaw si Chiel na ready na pag-alis kaya binalingan ko siya at inilahad ang kamay ko.

He gave me his necktie na mabilis kong inayos, I fixed his collar and smacked his cheek when I'm done.

"Dapat matuto ka na!" I glared at him and he just smirked at me and shook his head.

"Wala 'kong time, kambal." He laughed, stood and kissed my head and Adira's before waving to say his goodbyes.

Of course, I waited for my parcels the whole day with my pangmalakasang order received poses na si Adira na lang ang napagod sa akin, pinapakuha ko rin siya ng pictures dahil magpo-post din ako sa Instagram ko!

"Bakit ang dami naman, 'te? Sabay-sabay dumating?" ani ng kapatid ko sa akin kaya ngumisi lang ako sa kanya.

"Sale kasi, Adira. 8.8 sale." I told her and her forehead creased. "'Tsaka may 8.8 challenge kami ng barkada ko."

"Huh?" she asked, confused. "I don't get it."

"Ganito kasi 'yan, sale 'to lahat. As in. Look at this stiletto. The original price is ten thousand sixty-five pero ten thousand na lang." I said.

"What...sale 'yon sa'yo?! That's too big!" she exclaimed in horror and I laughed at her.

"Duh, it's sale, 'no!" I explained, "naka-save ako ng sixty-five! Pang-taho na rin."

"Parang nahihilo rin ako, 'te, ah..." napahawak pa siya sa sentido niya sa gulat. "And...the 8.8 challenge?" she asked.

"Ah, madali lang 'yan. Eight parcels per hour in eight hours." I said and I saw how her jaw dropped, parang mawawalan na ng ulirat.

And of course, napagalitan na naman ako pagkatapos akong mahuli ni Dad na nagpo-pose pa sa labas ng mansyon habang may hawak na parcel, alas-syete ng gabi. I tried explaining to him about the challenge me and my friends had pero halos tirisin lang ako na parang garapata ni Dad sa inis niya.

"No'ng nakaraan ko pa 'to order! Ngayon lang dumating, Dad—"

"Ilalagay ko na sa maleta lahat ng damit mo!" he warned, akmang papasok na sa kwarto ko para i-maleta ang gamit ko pero may emergency siya kaya bumalik siya sa firm.

Of course, nakaligtas na naman ako kaya nang ayain ako ng friends ko na mag-bar, gorang-gora na ako.

Saya now, pagalit from Dad later!

I wore my body con glittered black dress and my black fur coat. Ang maliit kong pouch ay hawak ko at nakalugay ang buhok.

"Crest! Hi!" the girls cheered when they saw me approaching kaya lumaki ang ngiti ko at kumaway sa kanila.

"Hi! Ngayon ko lang kayo ulit nakita!" I cheered happily, hugging them a bit bago nakipag-beso sa kanila.

"Ikaw kasi, ngayon ka lang nagpakita. We've been to a lot of parties and wala ka!" Samantha, one of my barkada said kaya natawa na ako at naupo sa stool, napapaisip.

"Oh? Really? Wala naman akong natanggap na invitation?" I asked, confused at that at nakita ko siyang natigilan din.

Nakita kong siniko siya ni Jellie, nagtaka ako roon at natawa si Samatha at napailing.

"Talaga ba?" she asked, shocked. "Baka nakalimutan? Anyway, ang mahalaga you're here!"

"Oo naman, si Crest nga magbabayad sa atin ngayon, right, Crest?" Jellie smiled and put her arms on mine. "Treat mo na kasi wala ka palagi!"

"Oh, alright..." I chuckled, kinuha ang inilalahad na mojito ng waiter at tinungga. "Game! All drinks are on me!" I exclaimed happily.

I did my best para magpakasaya sa gabing iyon, I know Dad would continue scolding me kapag uwi ko kaya sulitin na! Marupok naman na iyon kapag nilambing ko!

Medyo tinatamaan na ako kaya mas sumaya ang pakiramdam ko. I danced with the loud, party music and screamed my lungs out while moving my waist.

"Saya, ah? Lasing ka na, Crest!" my friends laughed at me but I just giggled and raised the glass of liquor I am holding.

"Pinagalitan ako ni Dad! Yehey!" I exclaimed like a freak and they laughed more.

"Cheers para sa pagalit kay Crest!" they exclaimed as we all clicked our glasses together to enjoy the night.

We partied all night, marami akong nakasayaw at tuwang-tuwa ako roon. I felt like I can do anything now, anything I want in life...like this!

Party! I am living for parties!

"Crest, cheers!" my friend cheered and I chuckled and raised my glass.

Booze. Party. Loud music.

That's my middle name, ang haba 'no? Kaya hindi ko rin masisi ang Daddy na namumuti na ata ang buhok kakasaway sa akin.

But what can he do? I'm his daughter.

Take it or leave it, his choice. He's strict but I love him anyway.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal nag-inuman at nagsayawan sa dance floor, basta ang alam ko lang ay patuloy ang pag-ilaw ng phone ko sa sunod-sunod na tawag mula kay Alchiel at Dad, my mother is calling too kaya siya ang napagdesisyunan kong replyan.

To: Mommy

Hi Mam! Indi ko lasinq uwl ma kp

Nanlalabo na ang keyboard sa phone ko pero ngumisi ako, nanliliit ang mata bago sinend kay Mommy.

Malalim na ang gabi kaya nag-aya na silang umuwi, someone offered to take me home but I refused, takot na baka makita ni Chiel at Dad at hindi na ako makauwi habang buhay sa bahay.

I'm just gonna drive home! Hindi naman ako lasing! I'm not drunk! Just tipsy!

Napatid ako, muntik pang masubsob sa lapag pero nahawakan ako ng guard.

"Ma'am! Ayos lang kayo?" he asked and I grinned and stood straight.

"A-ayos lang, Kuya!" ngisi ko. "Sira lang heels ko!"

"Ah, sigurado po kayo? Papatawag na lang akong taxi—"

"No, Kuya, kaya ko!" I smiled. "I'm a big girl na."

"Ah, sige po..." alangan man ay hinayaan niya ako.

Atsaka kaunti lang ata ang nainom ko! I'm sure kapag sobra ay bulagta na ako sa dance floor! I can tolerate more glasses of liquor than my twin and Dad, anyway. I'm greater in that part of life.

I'm Crest "not-that-alcohol-intolerant" Veronica Sandejas!

Napasayaw pa ako ng balakang kahit dalawa na ang paningin.

"O-oh! Dalawa na ang car ko?" hagikhik ko habang tinuturo ang sasakyan kong pink.

Napanguso ako, kinapkap ang susi sa pouch pero hindi ko mahawakan.

"Saan na?" I muttered.

Napatalon pa ako sa gulat nang may nakitang parating na tumatakbo. My forehead creased, I saw the man holding a wallet.

"Tulong! Tumakbo siya roon!" I heard a loud voice somewhere.

Napanguso lang ako, the man saw me and he ran towards me.

"Miss!" he exclaimed in front of me.

"Ah?" bangag kong tanong.

"Ah! Pahawak, Miss!" he exclaimed, tinapon sa akin ang wallet kaya nag-panic ako at sinalo iyon.

"Huh? What am I..."

"Hawakan mo lang!" he exclaimed and I slowly nodded.

"Okay," I smiled cutely pa.

Napasulyap ako sa paahan at napanguso nang makita ang susi ng sasakyan ko.

"Oh, here you are..." tawa ko at tumungo para kunin ang susi sa paa ko.

When I stood up, kaagad kong nilingon si Kuya at nawala na siya sa harapan ko.

"Oh?" I glanced at the other side at napanguso. "Why are you running? Kuya! Ang wallet mo!" winagayway ko sa ere and wallet habang kumakaripas palayo ang lalaki.

Weird.

"Got you!" I gasped when I felt a grip on my hand from the back.

Nabitawan ko ang pouch ko at gulat na napasulyap sa likuran.

My eyes widen a bit when I saw a tall man behind me, hawak niya ang pulsuhan ko. Nang magtagpo ang mata namin ay halos kilabutan ako sa lamig ng kanya.

"O-oh, hi, handsome..." I said naughtily, medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko makuha kaagad dahil nanlalabo na ang mata ko.

His forehead creased, supladong inagaw sa aking ang wallet mula sa lalaki kaya suminghap ako.

"W-why are you..." I muttered when he tugged my other hand, nagulat ako nang maramdamang may malamig sa pulsuhan ko.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you." He said coldly and my eyes widen.

"What the..." bumaling ako sa pulsuhan ko at halos mawala ang kalasingan nang makitang naka-posas ako.

"Do you understand the rights I have just read to you?" he asked coldly.

"A-anong...what the hell?!" I exclaimed at the top of my lungs and his brow raised then took my pouch on the ground.

"Sumama ka sa akin," he said coldly, hinila ako kaya suminghap ako.

"Saan?!" I exclaimed at the top of my lungs but he glanced at me coldly and sighed.

"Sa presinto, Ma'am. This wallet was snatched." Inangat niya ang wallet na binigay no'ng lalaki kaya nanlaki ang mata ko. May nakita akong babaeng matanda na papatakbo sa amin at mukhang natuwa nang makitang hawak no'ng lalaki ang wallet.

"H-hindi sa akin 'yan! Someone—"

"Sa presinto ka na magpaliwanag." He said coldly, unaffected and pulled me towards a mobile car.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co