Truyen3h.Co

Damsel in Distress

CHAPTER 07

Maribelatenta


Sunod sunod ko na sinuntok ang punching bag na nasa aking harapan. It's almost 8 in the morning but im still here on my gym, good thing is im all alone here. Hindi ako maka get over sa sinabi ni Lily kanina na maugat. So she likes my arms ganon? Pero bakit parang iba ang pagkaka intindi ko sa sinabi nya kanina? O ako lang ang mali ang pagkaka intindi? Muli kong sinuntok ang punching bag. Kailangan ko na yatang magka girlfriend hindi yung ganito na kung ano ano ang pumapasok sa isip ko pero sino naman ang maliligawan ko? O nahahawa na ako kay Hunyo na puro lang sex ang nasa isip? Hindi ko naman itatanggi, dalawang taon na din ng huli akong magkaroon ng sex life at one night stand pa yun ng nasa amerika pa ako. Nakaka awa pala talaga ko, people say i have everthing right now but my need as man is totally zero. As in wala!

Pagka galing ni Lily sa gym ay naupo muna sya sa duyan sa labas ng kanilang kuwarto. Hindi gaanong kainit ngayong umaga at hindi din naman makulimlim ang panahon. Tamang tama lang ang sinag ng araw. So she makes herself comfortable laying on the hammock. It mades of with a thin fabric pero mukha namang matibay. Laking pasalamat nya talaga at hindi sya nilagnat kagabi, makirot pa din ang paa nya pero uminom naman na sya ng gamot at sana tuluyan ng mawala ang sakit para makapag trabaho na sya.

After having his daily exercise routine Micheal end up on the shower. Mag iikot ikot naman sya ngayon sa resort nya pagka tapos maka ligo. He will also check some of his jetski, may isa kase na nasira noong nakaraang linggo pero napa ayos na yun nung isang araw habang nasa sa San Juaquin sya. Pinaparenta ito ng resort sa mga guess, 2500 pesos ang 15 minutes na pag sakay doon.

"Sir may bagong guess na naman po tayo mamayang hapon. Bale tatlong villa po ang nirent nila good for 3 days." Sabi ni Francine ng maka salubong nya ang boss na si Micheal.

"Nice.. Buti naman puno pa din tayo araw araw kahit hindi peak season.." Buwan pa lang kase ng oktubre ngayon at akala nila dahil nga tag ulan pa din ay kakaunti lang ang mag sisipag puntahan sa resort pero hindi pala. Madami pa ding turista ang nagpapa book. Salamat din talaga sa mga kaibigan nya sa San Juaquin na nirerecomend ang The calm resort ang pangalan ng resort nya.

"Kaya nga sir busying busy yung mga staff natin sa pag lilinis.."

"That's good, cleanliness on every villa is a must. Mahirap na kung may maireklamo ang mga guess natin."

"Kaya nga po lagi ko silang pinapa alalahanan na gawin ng maayos ang trabaho nila." Dagdag pa ni Francine.

Pero wala na ang atensyon ni Micheal sa kaharap na manager. Mula kase sa kinaroroonan nya ay tanaw na tanaw nya si Lily na naka higa sa duyan. He didn't know if she's awake or sleeping.

"Wait Francine maiwan muna kita dito. Mag iikot ikot lang muna ako."

"Okay sir no problem."

Parang may kung anong humihila sa paa ni Micheal patungo sa direksyon ni Lily. He saw her peacefully sleeping on the hammock. Hindi nito alintana ang tumatama man lang na sikat ng araw sa mukha. Pero hindi pa nag tatagal na pinag mamasdan nya ito ay nag inat naman si Lily na muntik nitong ikalaglag. With his instinct nasalo nya agad ito at hindi tuluyang nalaglag sa duyan.

"M-micheal."

"You shouldn't be sleeping here muntik ka ng malaglag sa duyan buti na lang nasalo kita." Sabi ni Micheal na hawak pa din sa may balakang si Lily.

"P-pasensya na, hindi ko namalayan naka idlip na ako.." Agad umayos si Lily at naupo na lang sa duyan. Nakaka hiya! Tinulungan na naman sya nito! At baka nakaka nganga pa sya kanina ng tulog sya! "B-bakit po pala andito kayo?"

"Napadaan lang ako, nag iikot ikot sa resort.."

"Aaahh.. okay." Patango tango pang sagot ni Lily. "M-madami palang beach activities dito ano?" Tanong niya naman. Noong isang araw kase ay napagawi sya sa may tabing dagat. Maliban sa mga jetski na naka parada doon na hindi bababa sa anim ay mayroon ding paddle boat doon. Hindi lang pala talaga pag lalangoy ang magagawa mo dito. Nag oofer din pala ang resort ng island hopping at dinner on the bay. Sabi din ni Melody ay may iba pang activities ang pwedeng gawin doon pero hindi pa sya ganon ka pamilyar.

"Yes we offer different beach activities at isa yun sa binabalik balikan ng mga guest dito. Teka ikaw Lily marunong ka ba lumangoy?"
Micheal asked from nowhere.

"Ay oo naman! Basta abot ng paa ko yung buhangin kayang kaya ko." Natatawang sagot ni Lily. Hindi kase sya marunong lumangoy pero naliligo naman sya dagat yun nga lang hanggang sa abot lang ng kanyang paa ang kaya nya. Takot nya lang talaga na malunod.

Hindi napigilan ni Micheal na matawa sa sagot ng dalaga. So she doesn't know how to swim? "In short hindi ka pala marunong lumangoy?"

"Medyo lang naman basta hanggang sa abot ko lang yung buhangin okay na ako dun. Ikaw? im sure magaling ka lumangoy.."

"Hmmnn.. Medyo lang din." Tipid na sagot ni Micheal. Of course he is a good swimmer. Ano ba naman at naging navy seal sya kung ang pag langoy ay hindi nya man lang alam. Hindi ka makaka pasok sa U.s navy seal kung hindi ka marunong lumangoy. At ang training nya noon ay hindi basta basta. May araw pa nga noon na nilulubog sila sa tubig o kaya naman swimming pool na puno ng yelo. He can stay under the water for almost 12 minutes without any oxygen. Kaya kahit itapon sya sa gitna ng dagat ay mabubuhay sya.

"Siguro ang galing nyong lumangoy no? Tapos magaling din kayong sumisid.."

"S-sumisid?"

"Oo yung umiilalim sa dagat tapos doon lumalangoy."

"You mean d-diving?" Paninigurado pa ni Micheal. He's not really familiar on meaning of that word but he heard that a lot of times.

"Opo! Diving. Sumisid nga pareho lang yun eh." Sagot ulit ni Lily. "Ang galing mo siguro sumisid ano? Gusto ko din kase matututunan yun."

Damn.. Kanina her word is maugat and she's referring about my arms then now meron na naman at sumisid daw.. I pretty understand what she's saying pero bakit ibang pag sisid ang naiisip ko? This girl always say word who have other meaning to me. And worst nagi green minded ako sa mga salitang sinasabi nya. O baka ako lang ang nag iisip ng ganon? What if sabihin ko kaya na magaling akong sumisid? Ano kaya sasabihin ng babaeng ito? Oh well i should enhance my tagalog skills even better.

"Sya nga pala s-sir ay Micheal pala baka pwede akong umuwi sa tinutuluyan ko? Kukunin ko lang sana yung mga importanteng gamit ko doon." Paalam ni Lily. Simula kase ng narito sya sa resort ay hindi nya na binuksan ang cellphone nya kaya hindi nya alam kung nag text man lang ba ang may ari ng inuupahan nya na bahay sa bayan.

"You can, but how about those men who are looking at you? Kung aalis ka dito sa resort ko baka hindi ka na maka balik."

"Siguro naman after ng nangyari ng mag punta sila dito ay wala ng nag babantay sa tinutuluyan ko dahil alam nila na andito ako.."

"Pero alam nila siguro na babalik at babalik ka doon dahil may mga naiwan ka pang gamit. Kailan mo ba balak pumunta doon?"

"Bukas sana ng umaga mag papasama na lang ako kay Melody day off din daw nya kase. Mag iikot ikot daw sya sa bayan kaya gusto ko din sumama."

"Nahhh i can go with you. May pupuntahan din pala ako sa bayan so pwede kita bukas samahan doon." Really Micheal? May pupuntahan?

"P-pero baka maabala lang kita.."

"No, beside much better kung ako ang kasama mo atleast if ever na makasalubong natin ang humahabol sayo ay kaya kita ipag tanggol.."

Kinabukasan alas otso pa lang ng umaga ay umalis na si Micheal at Lily. Hindi lang pala puting kotse mayroon ang binata kung hindi tatlo pala anģ sasakyan nito at isa nga itong jeep wrangler na kulay matte black. Hindi ito makintab katulad ng ibang sasakyan kaya naman ang ganda ng kulay at ang lakas ng dating.

"How's your feet? Hindi na ba masakit?" Tanong ni Micheal habang nag mamaneho.

"Hindi naman na, naka inom na din kase ako ng gamot."

"Good. So next time mag iingat ka okay?"

"O-oo s-salamat ulit." Hindi maiwasan ni Lily na tingnan ang kamay ni Micheal na naka hawak sa kambyo ng sasakyan. Bakit parang ang sexy ng maugat na kamay nito? Parang lalaking lalaki talaga ang dating.

"Your looking on my hand again." Parang bata na sabi ni Micheal. Kanina nya pa napansin na naka tingin ito habang kausap nya sa kanyang mga kamay. She really fond on my hand isn't?

"H-hindi ah!" Mabilis na sagot ni Lily. Nahuli pa ata syang naka tingin sa mga kamay nito.

"No need to deny it. Come on you can touch it." Nilapit pa ni Micheal ang kamay niya kay Lily. Akala nya ay hindi hahawakan ng dalaga ang kamay nya pero nagka mali sya.

"M-maugat nga.." Dahan dahan na hinimas ni Lily ang kamay na nilapit ni Micheal sa kanya. "A-ang ganda ng kamay mo. Ang sexy." Komento nya pa.

Micheal start to smile ear to ear. Anong kalokohan ito at para syang teenager na kinikilig? Lily is the only person who said that his hand looks good and sexy. Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co