Truyen3h.Co

Damsel in Distress

CHAPTER 10

Maribelatenta

"What?" Maang na tanong ko habang naka tingin pa din sa akin ang tatlo kong kaibigan. Andito sila ngayon sa lounge ng resort and they are looking at me like i did something wrong. Mga siraulo talaga.

"Nothing, just never thought i have a possesive friend." Seryosong sabi ni Gerald.

"Indeed, bawal pala dito sa resort mo ang naka swimsuit ano?" Sarkastiskong sabi naman ni Abigail. "Sure ka bang empleyado mo lang yung kanina?"

"Oo nga." Segunda naman ni Oscar. "May pa hawak hawak ka pa ng kamay pare."

"Tsk. She's only my employee okay." Paliwanag ko sa kanila. Sabi na nga ba at yun ang sasabihin ng mga ito eh. Matapos maligo ni Lily kanina ay hinatid ko pa ito sa tinutuluyan nilang kuwarto. I make sure that no one will gonna harm her or even stare on her specially they have people on the gym that we passed by.

"Pero infairness Micheal maganda sya ha. Maputi tapos sexy." Sabi ulit ni Abigail.

"Ngayon pa lang im warning you na Abby you can't talk to her naiintindihan mo? baka mamaya kung ano anong sabihin mo kay Lily o kaya kung ano ano pa ang ibigay mo sa kanya hindi pwede yun!" Paalala nya sa kaibigang doktor. Pasaway kase ito hindi mo nga maiisip na doktor pala dahil puro kalokohan ang ginagawa. Naaalala nya tuloy yung binigay nito na kape kay Angela ang asawa ng isa pa nilang kaibigan na si June. Hindi lang pala basta kape kung hindi nakakapagpa init din ng katawan at ang ending ay gusto mong makipag sex. Isa lang yun sa mga kalokohan na ginawa ni Abigail meron pa nga sa asawa ni Eros na si Sienna. Kaya nunca na ipalapit nya si Lily dito.

"Grabe ka naman Micheal anong tingin mo sa akin masama?" Reklamo ni Abby.

"Puro ka daw kase kalokohan wife." Natatawang bulong naman ni Gerald sa asawa. Syempre alam na alam yun ni Gerald dahil maski sya ay hindi pinapalampas ng asawa.

"I helped her okay, hindi ko talaga sya literal na empleyado dito. Umpisa ni Micheal. Someone is after her. May grupo na humahabol sa kanya." Kwento ko sa kanila kase kilala ko ang mga ito hindi nila ako tatantanan panigurado sa kakatanong kung paano kami nagka kilala ni Lily.

"How come? She look innocent." Si Gerald.

"Nangutang yung daddy nya sa mga humahabol sa kanya ngayon at para maka bayad sya pinag trabaho sya sa club na dito din sa Palawan. Then one night nakita ko sya na hinahabol ng tatlong lalaki which is tao nung pinaka lider nila then the rest is history."

"So tinulungan mo lang pala talaga sya." Tatango tango na sabi ni Oscar. "Pero paano pare kung mag punta dito yung mga humahabol sa kanya? Eh di nasali ka na din sa gulo?"

"They did once. Armado silang mga lalaki. They do illegal stuff here on Palawan." Sabi ko pa of course i do research tama nga ang kwento ni Lily na pati tungkol sa droga ay sangkot ang mga humahabol sa kanya.

"Then you should protect her until the end. Hindi mo pala sya basta basta pwedeng paalisin dito dahil ano man ang mangyari sa kanya ay kargo de konsensya mo na sya." Sabi ni Gerald.

"I know that's what im doing."

"Pero bawal ba talaga mag two piece dito?" Singit na tanong ni Abigail. Napa kamot na lang sa ulo ang tatlo yun pa din pala ang iniisip nito.

●●●●●

"Sure ka pinapatawag ako ni Micheal?" Kinakabahan na tanong ni Lily sa kakapasok lang na si Melody.

"Oo nga andoon sila sa villa ni Sir. Naku lagot ka talaga Lily nagalit ata si Sir Micheal ng mag two piece ka kanina."

"Eh bakit naman sya magagalit? Alang naman maligo ako na naka jacket."

"Aba malay ko sa inyong dalawa basta pinapatawag ka ni Sir."

Bumuntong hininga muna si Lily bago tumayo sa pagkaka upo sa kama. Nag tataka talaga sya kung bakit ganoon ang asal kanina ni Micheal. At ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan nito tungkol sa kanya? Nag paalam muna sya kay Melody bago lumabas ng kuwarto nila. Hindi na din sya nag aksayang mag palit ng damit. Tama na ang suot nyang dress na umabot mula sa kanyang hita matutulog na din naman sya mamaya.

"M-micheal.." Naabutan ni Lily na kumakain ang binata at tatlo pa nitong kaibigan na nakita nya na kanina. Puro sea food ang naka hain sa lamesa kaya napa ngiwi sya.

"Hi! Lily" Si Abigail ang naunang nag salita. Im Abigail." Pakilala pa nito.

Agad naman ngumiti si Lily kay Abigail. Ito yung tumawag din sa kanya kanina ng sunduin sya ni Micheal sa dagat.

"Come join us for dinner.." Aya ni Micheal kay Lily. Inurong pa nito ang isang upuan para maka upo ang dalaga. "My friend want to meet you. Hindi ko sila naipakilala kanina sayo."

Nahihiyang umupo si Lily sa tabi ni Micheal. All of his friend is staring at her.

"Hindi na kami naipakilala ni Micheal kanina. Mga kaibigan nya kami galing sa San Juaquin." Sabi naman ni Gerald. "Ako nga pala si Gerald at ito naman ang asawa ko na si Abigail."

"H-hi.." Tipid na nginitian ni Abigail ang nagpa kilala sa kanya. Mukhang seryosong tao ito taliwas sa asawa nito na Abigail daw ang pangalan. Dapat ata hindi sya pumunta dito.

"And he's Oscar Lily." Pakilala naman ni Micheal kay Oscar na busy sa pagkain ng mga crabs. "And her name is Lily." Pakilala ni Micheal sa kanyang mga kaibigan sa dalaga. Gaya nga ng inaasahan hindi talaga sya tinantanan ng tatlo tungkol kay Lily kanina lalong lalo na si Abigail. They want to invite Lily for dinner kaya pinatawag nya na lang ito.

"What do you want? Shrimp? Crabs? Magra rice ka ba?" Tanong ni Micheal sa katabing dalaga. Puro fresh sea food ang pinahain nya. Buti na lang at mabilis lang ang mga ito maluto kaya maaga sila makakapag hapunan.

"Ha? Ah eh. Busog pa ako. Tsaka dun na lang ako kakain sa kuwarto namin." Tanggi ni Lily.

"Nahhh you can eat here. Masarap mag luto si Mang boy kaya magugustuhan mo ang mga ito." Si Mang boy ay lokal na taga Palawan at ang kusinero ng beach resort nya. May edad na ito pero maliksi pa din ang pangangatawan at higit sa lahat ay masarap mag luto. Nag lagay si Micheal ng buttered shrimp sa plato ni Lily pati na din ng kanin. He never do this to anyone. Ang mag asikaso ng babae sa hapag kainan ngayon lang.

"Okay lang talaga sa kuwarto na lang kami kakain." Tanggi ulit ni Lily pero inumpisahan na ni Micheal balatan ang mga ulam na nilagay nito sa plato nya. Lagot..

Lily don't have a choice but to eat the food on her plate. Ganado ang mga kasama nya sa lamesa kumain.

"Masarap diba? I told you Mang Boy is really good on cooking." Sabi pa ni Micheal habang inilalagay niya ang mga hinimay na crabs. Natutuwa sya na unang beses nya makasabay sa pagkain si Lily at sana hindi ito huli.

Micheal is right masarap nga ang pagkain na nakahain malaman ang mga crabs na hinihimay ni Micheal para sa kanya at sobrang malasa ang mga hipon. Mura kase ang mga sea food dito sa Palawan at alam nyang sa ibang lugar ay mahal ang mga ito.

"Im done.." Sumandal pa si Abigail sa upuan at hinawakan ang tiyan. "Ang sarap ng kinain natin bukas ulit!"

Si Lily naman ay nag umpisa ng hindi mapakali. "Hmmnn.. M-micheal pwede b-bang mag cr muna?" Paalam ni Lily sa katabi.

"Sure sa loob ka na lang mag cr." Turo pa ni Micheal sa villa nya.

Agad tumayo si Lily at nag lakad papasok sa villa ni Micheal. Nahihirapan syang huminga! At nangangati ang buo nyang katawan!

"Sweet ka din pala Micheal no? Kulang na lang subuan mo si Lily." Pang aasar ni Abigail matapos inumin ang hawak na softdrinks. "Ikwekwento ko talaga to kila Sienna at Angela."

"Tsk. Kumain ka na nga lang dyan." Sabi naman ni Micheal.

"Ayoko na busog na busog na ako. Mag huhugas lang ako ng kamay sa loob." Tumayo naman na si Abigail mula sa pagkaka upo.

Ang daldal talaga ng asawa mo." Sabi ni Micheal kay Gerald. Natawa lang ito sa sinabi nya.

"L-lily? Hey okay ka lang?" Pag pasok ni Abigail sa loob ng villa ni Micheal ay nakita nyang nakahawak ang dalaga sa may pintuan ng banyo.

"I-ikaw pala." Tiningnan ni Angela ang tumawag sa pangalan nya. Gusto nyang mag hilamos ng mukha pero nahihirapan syang buksan ang pinto.

"Oh my god what happen to you?" Alalang alala na sabi ni Abigail ng lapitan si Lily. Her face is red and her skin as well. "May allergy ka sa sea food???"

"O-oo.."

Hinawakan ni Abigail sa kamay si Lily at pinaupo sa upuan na naroon. Agad syang lumabas para tawagin si Micheal.

"Micheal! Micheal dalian mo si Lily!"

"Ha?" Nag tataka na tanong ni Micheal.

"Inatake ng allergy si Lily ponyeta lumapit ka na lang!" Yun lang at bumalik ulit si Abigail sa loob. Lily need to take antihistamine pero mukhang nahihirapan din itong huminga kaya baka dalhin nila ito sa ospital.

"Shit what happen to you?" Nakita ni Micheal na hindi lang basta mapula ang balat ni Lily kung hindi may pantal pantal na din ito.

"Allergy nga diba kumain nga sya ng sea food. " Si Abigail na ang sumagot. "Kailangan nyang uminom ng antihistamine meron ka ba dyan?"

Yes. yes i do have cetirizine. " Natatarantang sagot ni Micheal. Agad nitong binuksan ang cabinet nya at may kinuha doong gamot.

"Here drink this Lily.."
Tinulungan pa ni Abigail maka inom ng gamot ang dalaga. "Nahihirapan ka bang huminga? Tanong pa ni Abigail.

Tango lang ang sinagot ni Lily. Eto ang ayaw nyang mangyari ang atakihin sya ng kanyang allergy kaya nga kanina ay ayaw nya kumain dahil natatakot syang mangyari ito. Pero nahihiya din naman syang tumanggi.

"We need to bring her on the hospital Micheal." Saad ni Abigail sa katabing kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co