CHAPTER 17
Good morning! Happy sunday! May facebook page na po ako😅 maribelatenta din ang name. Pwede kayo mag post doon about wattpad bawal lang mag promote ng kung ano ano. Salamat!
Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang sinasabi ni Micheal na San Juaquin. Parang sa Palawan na din dahil urbanisado na ang lalawigan. Kahit matagal ang byahe mula Palawan ay sulit naman pala talaga.
"Liked it?" Tanong ni Micheal sa akin. Agad akong tumango at binalik ang tingin sa labas ng sasakyan.
"Oo ang ganda pala dito." Nasa byahe na kami ngayon papunta sa kanila. Si Micheal mismo ang nag mamaneho ng kotse. Sabi nya sasakyan daw ito ni Oscar at ginagamit nya pag andito sya.
"Im thinking to buy a land here as well. Tabing dagat din sana kung saan pwede ako mag tayo ng resort."
"Talaga? Magandang plano yan." Sabi ko sa kanya. Tiyak na dadagsain din ng guess ang resort nya ditocpag nagkataon.
Matapos ang mahigit isang oras na byahe mula sa airport ay sa tapat ng isang brown na gate pinarada ni Micheal ang sasakyan. Ito daw ang bahay nila dito sa Caspir na nasasakupan ng San Juaquin. Ilang sandali lang ang hinintay namin matapos nyang bumusina ay may nag bukas na ng gate. Isang may edad na babae ang lumabas doon at tantsa ko ay nasa late 50's na ang edad nito.
"Mom!" Agad niyakap ni Micheal ang ina ng makita nya ito.
"Kanina pa namin kayo ng kapatid mo hinihintay.." Sabi naman ng ginang na naka ngiti.
Simple ko itong nginitian ng tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan. Eto pala ang ina ni Micheal.
"Si Lily nga pala mommy." Sabi ni Micheal sa ina. "Lily mommy ko."
"Hello po. Magandang hapon po!" Magiliw na bati ko.
"Good afternoon din iha, halika na kayo at baka gutom na kayong dalawa. Nag luto ako para sa inyo.." Mag aalas sais na din kase ng gabi.
Tiningnan ko naman si Micheal at ng hawakan nya ako sa kamay at igiya papasok ng bahay ay sumunod na lang ako.
Pag pasok namin sa loob ay agad kaming dumiretso sa hapag kainan. Mukhang pinag handaan talaga ng ina ni Micheal ang pag dating namin. Hindi lang iisang putahe ang naka hain sa lamesa.
"Lily kapatid ko si Elisha.." Sabi sa akin ni Lily. Agad kong nginitian at binati ang dalagita. Maputi ito at kamukha ng mommy nila.
"Hello Ate Lily.. We are excited to meet you!" Sabi nya pa sa akin. Ano kaya pakilala ni Micheal sa akin sa kanila?
"Sige na kumain na muna tayo. Pwede naman tayong mag kwentuhan habang kumakain." Sabi pa mg mommy ni Micheal.
●●●●●●●●
"Sure ka ba talaga na sa iisang kuwarto lang tayo? Pwede ako matulog sa sala nyo." Sabi ko kay Micheal ng maka pasok kami sa kuwarto nya. His room is so spacious, ang ganda ng disenyo ng kama nito na gawa sa kahoy. Pati na din ang lamesa na na andito ay halatadong primera klase na kahoy at hindi basta basta. Kung sabagay nasabi sa akin ni Micheal noon na gusto nya ang mga wood design at wood crafting kaya nga sa villa nito sa resort ay puro kahoy ang muebles doon.
"This house only have 3 rooms Lily. One for my mom, one for my sister and this one is mine. At hindi ka pwedeng matulog sa sala okay." Paliwanag ni Micheal.
"Eh bakit kase sinabi mo sa mommy mo na girlfriend mo ako?" Naiinis na sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng mag tanong ang mommy nya kanina habang kumakain kami kung gaano na daw kami katagal. Masaya daw ito na may kasintahan na ang anak sya pa lang daw kase ang unang babaeng pinakilala nito sa kanila.
"Mag tataka yun kung bakit may kasama akong babae pag balik ko dito. Beside bago pa lang tayo mag punta dito sinabi ko na sa kanya na isasama ko ang girlfriend ko."
"Pero bakit nga? Tingnan mo tuloy pati ako dito sa kuwarto mo matutulog."
"Pag sinabi ko sa mommy ko kung bakit tayo andito sa san Juaquin mag tatanong at mag tatanong pa yun. Madami pang paliwanagan. Ayokong malaman nila na may humahabol sayo kaya dinala kita dito. Kaya sinabi ko na lang na girlfriend kita."
"Pero paano to mag kasama tayo sa iisang kuwarto?"
"Don't worry hindi kita gagapangin okay? Baka nga ako pa ang dapat mag ingat sayo eh." Naka ngisi pang sabi ni Micheal.
Aba't loko to ah! "Asa ka. Hindi kita gagapangin no!"
"Sa sahig na lang ako matutulog ikaw na dyan sa kama."
"Ayan ka na naman. Eh ang laki laki mo tapos dyan ka. Baka sumakit ang katawan mo. Ako na lang dyan tapos ikaw na lang dito tutal kama mo naman ito."
"I will not let you sleep on the floor Lily. Tsaka talagang malaki ako.."
"S-siraulo!" Dinampot ko ang unan sa tabi ko at binato sa kanya. Iba kase ang pagkaka intindi ko ng sabihin nyang malaki daw sya lalo pa at tumingin pa sa suot nyang pantalon.
Kinabukasan maaga pa lang ay nagising na ako. Ang ending sa kama din natulog si Micheal at nilagyan na lang namin ng unan sa gitna. Naka tulog ako agad sa labis na pagod. Napaka komportable din ng kama ni Micheal ang lambot lambot.
"Aalis daw kayo ng anak ko? Sayang naman at gusto ko pa naman sayo makipag kwentuhan. Hindi pa ba sya tapos maligo?" Tanong ng mommy ni Micheal sa akin. Si Ginang Elizabeth. Andito na kami sa kanilang lamesa, naka luto na ito ng almusal. Sinangag na kanin, itlog at bacon ang nakahain.
"O-opo.. Pupunta daw kami sa kaibigan nyang si E-eros.."
"Aaah si Kuya gov!" Sabat naman ni Elisha ang kapatid ni Micheal. Disi otso anyos lang ito. "Crush ko yun eh.." Kinikilig na sabi pa nito.
"Anong crush crush? Tumigil ka dyan Elisha. May asawa na yun." Si Micheal na naka bihis na at kakaligo lang. Basa pa ang buhok nito. Agad itong tumabi sa akin.
"It's just a crush lang naman kuya.." Pag dadahilan pa ni Elisha sa kuya nya. Nakakatuwa ito mag tagalog dahil alam mong hindi pa sanay. Baluktot pa ang dila. Sa Amerika daw kase ito pinanganak at nag aral at noong nakaraang taon lang nakarating dito sa Pilipinas para dito na nga tumira.
"Kahit na. Focus on your study." Sabi pa ni Micheal.
Matapos naming mag agahan ay umalis na kaming dalawa. Para kong tour guide si Micheal. May nadaanan kaming restaurant kanina at sabi nya kay Oscar daw yun. Maging yung kalsada at tulay na dinaanan namin ay sa kaibigan naman nya daw na project.
"Come on Lily andito lahat ng kaibigan ko." Sabi ni Micheal ng nasa harap na kami ng isang bahay. Ay hindi pala isang mansyon!
"Kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanya.
"Kay Eros ang governor ng San Juaquin." Hinawakan nya ang isang kamay ko at nag lakad na kami papasok ng bahay. Natutuwa ako kapag hinahawakan nya ang kamay ko, para bang takot syang maiwan ako sa isang lugar na ako lang mag isa. Hindi ko na nga magawang mag reklamo pag pinag salikop na nya ang aming mga kamay pakiramdam ko kase ligtas ako at walang dapat ika bahala kapag hawak nya ito.
"Wahhhhh!! Lily!!!!" Ang matinis na sigaw ni Abigail ang umagaw sa amin ng atensyon. Andito din sya? Agad itong lumapit sa akin at ng yayakapin na sana ako nito ay agad naman akong hinila Micheal sa likod nya.
"No Abby may kasalanan ka pa sa amin akala mo." Sabi agad ni Micheal.
"Anong kasalanan? Wala ako matandaan!" Sagot ni Abigail.
"Bakit? May ginawa na namang sigurong kalokohan itomg si Abigail noong nag punta sa resort mo ano." Sabi ng isang lalaki na may katabing magandang babae sa sofa.
"Sinabi mo pa. Pero hindi ko na ikwekwento. Lily his name is June at yung katabi naman nya ay ang asawa nyang si Angela." Agad kong nginitian ang dalawa.
"And that is Eros, the governor." Turo ni Micheal sa lalaking may kausap sa cellphone. Matangkad ito at malaki ang katawan.
"And im his wife.." Inilahad ng isang babae ang kamay nya sa akin. Nakipag kamay naman ako sa kanya. "Im Sienna, the governor's wife.."
Teka bakit ang gaganda ng nila?
"Let's go Lily doon tsyo sa kusina nag luluto kami for lunch. " Aya sa akin ni Abigail. Tumingin muna ako kay Micheal na nasa tabi ko.
"Sienna, Angela please take care with her. Wag nyong ilapit si Lily kay Abigail. You know what i mean." Seryosong sabi ni Micheal sa asawa ng dalawa nyang kaibigan.
Natatawang nag salita si Angela. "Oo kami ng bahala sa kanya." Tumayo ito mula sa tabi ng asawa at lumapit sa akin. Halika Lily doon tayo sa kusina ni Sienna."
Tumango sa akin si Micheal na animo'y sinasabing safe ka dyan... Apat kaming babae na pumunta sa kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co