CHAPTER 30
Sorry in advance for this chapter at sa mga susunod pa🤦♀️✌goodnight!
"You should tell on your wife what's happening Micheal."
"I can't, she will get scared if she knew what's happening." Sabi ni Micheal kay Eros na kausap niya ngayon sa telepono.
"Siraulo ka ba? Tell on Lily so she is aware on what's happening. Hindi yung ikaw lang ang nag-iisip kung ano ba ang mangyayari sa mga susunod na araw."
"I'll try pare, I'll try.." Yun lang at pinatay na ni Micheal ang telepono. Agad bumaling ang tingin niya sa natutulog na si Lily, it's past 11 in the evening at tulog na tulog na ang asawa. They made love since afternoon, and Lily fall asleep after he took her on the kitchen. They are already one month married, at sa loob ng isang buwan bilang mag-asawa nila ay mas nakilala nila ang isa't-isa. They are still here in Palawan, at dito nga sila sa bahay nila Lily nakatira. They move-in two weeks ago, kinumpleto muna nila ang mga gamit sa loob ng bahay bago sila lumipat dito.
He shouldn't be scared, he is a fucking Navy seal! Pero pangatlong beses ng may nagpapadala ng death threath sa Resort niya, at hindi para sa kanya kung hindi para kay Lily. And the last time he recieved was yesterday. It's a fucking sex video kung saan nire-rape ang isang babae ng limang lalaki. Mayroon pang manika kung saan nakasulat ang pangalan ng kanyang asawa. So how can he say to his wife about it? Lily thought Marko stop chasing her, pero hindi. Kaya nga natatakot siyang iwan kahit sandali ang asawa dahil baka kapag nalingat siya ay may masamang mangyari dito. Kung siya lang kayang-kaya niya hamunin ng barilan ang Marko na yun, pero matinik ang gago. Hindi niya ito mahagilap!
Maingat na tumabi si Micheal kay Lily, niyakap niya ito ng mahigpit, natuwa siya ng idantay nito ang isang binti sa kanya, she's still naked under the blanket. He never thought that he will fall very fast to her. Hindi talaga basehan ang tagal na magkakilala kayo para mahulog kayo sa isa't-isa. Parang kailan lang tinutulungan lang niya ito makatakas sa parking lot ng isang fast food chain sa kanilang bayan. Pero heto ba, asawa niya na si Lily. Pinapanay-panay niya din ito dahil excited siyang mabuntis ang asawa. He can't wait to see her bearing with his child. Inayos niya ang pagkakakumot ng asawa, hangga't kaya niyang itago ang tungkol sa mga natatanggap niyang death threath ay gagawin niya. Ayaw niyang gigising si Lily na puno ng takot at pag-aalala na baka may mangyaring masama sa kanya isang araw.
●●●●●●●
"Dapat kase sumama ka na lang sa akin eh. Uuwi din naman tayo bukas." Naiinis na sabi ni Micheal kay Lily, he will go to San Juaquin today, may kailangan kase siyang pirmahang papeles sa lupa ng pamilya nila. At itong asawa niya ay ayaw sumama, dito na lang daw ito sa Resort niya magpapaiwan ngayon at magpapalipas ng gabi.
"Susss.. saglit ka lang naman doon, tsaka hindi naman ako mawawala ah!" Pinalibot ko ang braso ko sa beywang ni Micheal, ang bango-bango talaga ng asawa ko dahil na din bagong paligo.
"Ano pa bang magagawa ko? Eh isang plane ticket lang din ang binili mo, basta huwag ka aalis ng Resort naiintindihan mo?" Pang-ilang beses na bilin ni Micheal kay Lily.
"Opo nga, hindi ako mawawala wag kang mag-alala."
"Talaga, dahil hindi ako papayag na mawala ka no!." Siniil ni Micheal ng halik si Lily, panatag siya iwan ito dito sa Resort niya. Binilinan naman niya na ang mga security guard niya dito na huwag papayagan ang asawa na lumabas ng Resort. Kung hindi lang talaga importante ang lakad niya ngayon hindi talaga siya aalis. Mas gugustuhin niyang mamasyal sila ng asawa, o di kaya dalhin ito sa firing range gaya ng pangako niya dito.
"Sige na baka mahuli ka sa flight mo." Ako na din ang kusang bumitaw sa kanya, siguradong matatagalan pa ang pag-alis nito kapag nagharutan pa kami. May pagka-isip bata pa naman itong si Micheal minsan.
"Okay, I'll see you tomorrow. Tatawag din ako mamaya bago umalis yung eroplano. At huwag ka talaga aalis naiintindihan mo?" Ulit na naman ni Micheal.
"Ay ang kulit! Opo nga sabi."
Magkahawak sila ng kamay lumabas ng villa, hinatid ni Lily ang asawa hanggang sa sasakyan nito.
"Ingat ka, ikamusta mo ako kila Abigail ha?" Sabi ko sa kanya.
"Tsk. Oo na."
"At huwag mong kakalimutan ang ibibigay niya daw sa akin."
"Tsk. Okay." Hinalikan pa ulit ni Micheal si Lily bago tuluyang sumakay sa kotse. Ano na naman kaya ibibigay ni Abigail sa asawa ko? Baka kontrabando yun tapos hindi ako makasakay ng eroplano pabalik dito sa Palawan.
Kumaway pa ako kay Micheal ng makalabas na ito ng Resort. Natatawa na lang talaga ako kung minsan, my husband is so clingy, kulang na lang ilagay ako nito sa bulsa niya. Excited akong naglakad papunta sa kuwarto ni Melody, meroon kase akong pinabili dito.
"Wahhhh dali na Lily subukan mo na para malaman na natin. " Excited na sabi ni Melody sa kaibigan.
"Huwag ka nga maingay, kinakabahan tuloy ako Melody." Sabi ko naman habang hawak ko ang dalawang pregnancy test na siyang pinabili ko sa kanya. Oo, sinadya ko talagang huwag sumama kay Micheal dahil dito. Feeling ko kase buntis na ako, hindi na kase ako dinatnan ng regla last week.
"Gaga pareha lang tayong kinakabahan! Kaya dali na pumasok ka na sa banyo!" Kulang na lang itulak ni Melody si Lily papasok ng banyo para subukan na nito ang pregnancy test na binili niya.
Kinakabahan ako habang hinihintay ang resulta, hinayaan ko muna si Melody na sige ang katok sa pinto. Paano kung buntis talaga ako? Siguradong matutuwa si Micheal bukas kapag nalaman niya, alam ko kung gaano ka excited ang asawa ko na mabuntis ako.
"Uy ano na Lily? Lumabas ka na diyan dali! Pati ako kinakabahan eh." Sabi ni Melody sa pintuan ng banyo.
Kanina pa siya naghihintay dito at katok ng katok pero ang tagal ni Lily lumabas.
Unti-unting pumatak ang luha ko mula sa aking mga mata. Nanginginig kong hinawakan ang dalawang pregnancy kit, im pregnant! Im really pregnant!
"Oh my god! Congratulations Lily! Waaaah! Magiging ninang na ako!" Niyakap ni Melody ang kaibigan matapos makita ang resulta ng pregnancy kit, parehong positive ang mga ito!
"Magiging nanay na ako Melody, magiging nanay na ako!" Excited ko din na sabi sa kanya.
"Oo! Atcsiguradong matutuwa niyan si Sir Micheal!"
Naupo ako sa bakanteng upuan sa kuwarto ni Melody, napahawak ako sa aking tiyan. Diyan ka lang baby, isusurprise natin ang daddy mo..
●●●●●
"M-marko?" Gulat at takot ang naramdaman ko ng mapag sino ko ang kumakatok sa pintuan. Pasado alas dose na ng gabi at naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. "A-anong ginagawa mo dito?" Napaatras ako papasok sa loob ng Villa. Bakit andito siya? Paano ito nakapasok? Nasaan na ang mga guwardiya?
"Long time no see Lily, kamusta? Balita ko nagpakasal ka sa Micheal na yun." Sabi ni Marko sabay sara ng pinto na pinasukan niya.
"A-ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka dito kung hindi sisigaw ako!" Sabi ko sa kanya kahit sa totoo lang ay natatakot na ako.
"Eh di sumigaw ka, buti kung may makarinig sayo." Asik ni Marko. "Mautak ka din ano? Hindi ka nakuntento na tinulungan ka ng lalaking yun at pinakasalan mo pa! Ano? Natira ka ba na ba ng gagong yun? Ang tagal kitang pinagnasahan Lily, ni halik hindi ako nakatikim mula sayo tapos bibigay ka din pala pero sa ibang lalaki nga lang!"
"U-umalis ka na dito please, kung ano mang pinaplano mo huwag mo ng gawin." Naiiyak na ako! Natatakot ako sa puwedeng mangyari dahil dalawa lang kami na nandito.
"Gusto lang naman kitang tikman Lily, isang tikim lang sayo at aalis na ako."
"Hindi! Hindi mangyayari yang iniisip mo!" Agad akong tumakbo sa loob ng kuwarto namin ni Micheal, mabilis kong nilock ang pinto.
Kinalabog ng kinalabog ni Marko ang pintuan pero ayaw pa din talaga mabukas nito.
"Ano? Hindi ka talaga lalabas diyan Lily?" Galit na tanong ni Marko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, wala dito sa loob ng kuwarto ang cellphone ko. Paano ako hihingi ng tulong? Kahit magsisigaw ako wala siguradong makakarinig sa akin dahil pina sound proof ni Micheal ang kuwarto niya dito sa Villa!
"Huwag ka ng lumabas kung ayaw mo! Kung hindi kita matitikman susunugin na lang kita ng buhay!" Humalaklak ng malakas si Marko bago ibinuhos ang dalang gasolina sa loob ng villa. He really plan this, isa sa tauhan niya ang security guard na nakuha ni Micheal. Tumawag ito sa kanya kahapon para sabihin nga na narito sa Resort si Lily ngayon at mag-isa lang ito dito. Umalis din pala si Micheal kaya malakas ang loob niyang pasukin ang Resort, walang kokontra sa plano niya. One thing is sure, hindi niya man makuha si Lily at mapakinabangan sisiguraduhin naman niyang maging miserable ang buhay ni Micheal pagkatapos ng gagawin niya.
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ko." Malakas na sigaw ko, napaubo na naman ako ng makalanghap ng usok, hindi ko na mabuksan ang pinto dahil mukhang may hinarang si Marko sa labas. Umiinit na ang paligid! Nakikita ko na din sa siwang ng pinto ang apoy mula sa labas. Sinunog ni Marko ang villa!
Nagsisigawan, may umiiyak at nagkakagulo ang mga tao sa loob ng Resort, limang Villa na ang nasusunog, mabilis kumalat ang apoy dahil light material lang yari ang mga pinakabubong ng bawat Villa at hanggang ngayon ay wala pa ding dumadating na mga bumbero. Madali namang nailikas ng mga empleyado ng Resort ang mga guest na naka check-in ngayon.
Nanghihina akong napahiga sa sahig, mukhang katapusan ko na ngayon. Puro usok na sa loob ng kuwarto, at wala na akong makita. Sana dumating ka Micheal para tulungan ako, sana..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co