CHAPTER 36
Hayyyy.. Sarap magkape lalo na ngayong malamig. Baka naman😂😅😂 thank you in advance talaga.
Isang malakas na suntok ang natanggap ni Eros mula sa kaibigang si Micheal. "What the fuck? Bakit ka nanuntok?" Tanong ni Eros habang hawak ang kanyang panga.
"Get out, get out of my house now." Sabi ni Micheal. "I don't know what's really bring you here pero huwag niyo naman paglaruan ang pagkamatay ni Lily."
"Siraulo ka ba? Bakit kita lolokohin? Im saying the truth! Your wife is alive Micheal." Sagot ni Eros.
"That's impossible, so you better get out of my house bago ko pa kalimutan na magkaibigan tayo Eros. Isama mo na din si Gerald at Hunyo, i will not go on San Juaquin if thats what you want." Yun lang at umalis na si Micheal sa harap ng kaibigan at umakyat papunta sa kuwarto na nasa itaas. He's pissed, paanong buhay pa ang asawa niya? Eh siya mismo ang naglibing dito, at isa pa nakuha nga ng mga bumbero ang singsing ni Lily diba.
Sinundan naman ng tingin ni Eros ang kaibigan habang paakyat ito sa hagdan. Gago! Huwag ka lang talaga lalapit-lapit sa aking animal ka kapag nalaman mong buhay talaga si Lily. I will never show her to you! Sabi ni Eros na siya namang paglabas ng dalawa niyang kaibigan mula sa kusina.
"Oh ano? Nagrambulan kayo ni Micheal ano?" Tanong ni Hunyo na may hawak na tinapay at may palaman na itlog.
"Shut up! Umuwi na tayo, nalaglagan na yata ng turnilyo yang si Micheal. Ayaw sumama sa atin." Sabi ni Eros.
"I thought we will bring him on San Juaquin? Kausapin muna natin." Sabi naman ni Gerald.
"Hayaan na natin siya, gusto niya yatang mamatay sa lungkot dito." Naiinis na sabi ni Eros. First time nilang nag-away ni Micheal ngayon pero ang kinakainis niya hindi siya nito pinapaniwalaan.
Walang nagawa si June at Gerald kung hindi sumunod sa sinabi ni Eros, inakyat pa nila si Micheal sa pangalawang palapag ng bahay para magpaalam pero hindi man lang sila nilabas nito mula sa silid. Kaya tatlo na lang sila ulit sumakay ng helicopter ni Eros pabalik sa San Juaquin.
San Juaquin..
"Pasensiya na E-eros kung nasuntok ka ni Micheal." Pangalawang beses na hingi ng paumnhin ni Lily sa kaharap, kanina pa sila magkausap at sinabi nga nito na hindi daw naniwala si Micheal ng sabihin ni Eros na buhay pa siya.
"Hayaan muna natin ang gagong yun, masyadong naglulungkot-lungkutan sa bahay niyo ng makita namin kahapon. Akala yata binibiro ko lang siya."
"P-pero kamusta naman siya? Kumakain ba naman? Baka nakalimutan niya ng alagaan ang sarili niya." Nag-aalalang tanong ni Lily.
"Ganoon na nga, he lost weight. Buti nga hindi pa nagbibigti yang asawa mo. I never thought he will act like this because of you. Masyadong kinimkim ni Micheal ang pagkawala mo Lily, at akala niya siguro nag-sisinungaling ako sa kanya ng sabihin kong buhay ka kahapon."
"Paano kung umuwi na lang kaya ako sa Palawan? Ako na mismo ang pumunta doon?"
"Thats impossible for now, nasa Palawan din si Marko at kaya nga niyayaya namin si Micheal na pumunta dito sa San Juaquin kahapon. He is more safe here beside if Marko will see you alive he might do something bad again."
Nalungkot si Lily sa narinig, nag-aalala na talaga siya kay Micheal pero hindi pa din pala sila puwede magkita. Kung bakit ba naman kase hindi ito naniwala sa sinabi ni Eros eh. "Paano na si Micheal doon? Baka siya naman ang balikan ni Marko pag-nagkataon."
Kinuha ni Eros ang telepono mula sa kanyang bulsa. "Call him, tingnan lang natin ang gagong yun kung hindi pa maniwala na buhay ka matapos mong tawagan."
Nagdadalawang isip na inabot ni Lily ang cellphone ni Eros. Kinakabahan siya, paano kung babaan lang siya nito ng telepono? O baka isipin na hindi talaga siya ang tumatawag?
"I'll just go outside, tawagan mo na siya. Pupuntahan ko muna ang mga security ko." Paalam ni Eros bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nanginginig ang kamay na dinial ni Lily, ang numero ni Micheal, pero unang tawag pa lang ay pinatayan siya agad nito ng telepono. Pangalawang beses ay ganon din. Mukhang galit nga talaga si Micheal kay Eros dahil numero nga pala nito ang gamit niya pangtawag sa asawa, baka ayaw nito makipag-usap. "Last na talaga, kapag hindi niya pa sinagot ang tawag ko hindi muna din ako magpapakita sa kanya." At muling dinial ni Lily ang number ni Micheal sa pangatlong beses.
Inis naman na dinampot ni Micheal ang telepono na nasa kama, gabi na at lahat pero tumatawag pa din sa kanya si Eros. Mukhang hindi makaintindi ang kaibigan sa sinabi niya kahapon, o baka kulang pa ang suntok na binigay niya para dito. "What do you need? Stop pestering me Jacinto!" Galit na sabi ni Micheal pagkasagot niya sa tawag nito.
"M-micheal.." Mahina at garalgal ang boses na sabi ni Lily.
Muntik ng mabitawan ni Micheal ang hawak niyang telepono. Agad niyang tiningan ang numerong tumawag sa kanya. This is not a prank right? Numero ni Eros ang naka-register but the voice, the voice called his name is familliar!
"Ano h-hindi ka sasagot? Nabingi ka na yata eh." Umiiyak na sabi ni Lily.
"L-lily?" Tanong ni Micheal habang sige ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, akala mo ay nagpapaligsahan ito sa bilis ng pagtibok. He want to make sure, kung sino ba talaga ang kausap niya ngayon! "Come on Eros, don't pissed me. Kung gagamit ka lang ng boses ng ibang babae para isipin kong si Lily ang tumatawag, sorry pero wala akong balak maniwala sayo at pumunta diyan sa San Juaquin."
"Siraulo, hindi mo ba talaga ako nabobosesan man lang? Si Lily ito ano ka ba.." Parang naiinis naman si Lily dahil ultimo boses niya ay hindi na yata maalala ni Micheal. Akala ba niya malungkot ito sa pagkawala niya?
"Lily?" Hindi makapaniwalang sabi ni Micheal.
"Im alive, hindi ito joke okay! Buhay talaga ako, tinulungan a-ako ni Eros. Bakit kase hindi ka naniwala sa kanya kahapon? Tapos sinuntok mo pa."
"Shit! Shit! Wait, are you for real? Ikaw ba talaga ito Lily?" Halos maglulundag si Micheal sa labis na saya sa loob ng kuwarto.
"Ako nga, andito ako sa Farm ni Eros ngayon."
"How come your still a-alive sweetie? I thought, i t-thought your gone."
"Ikukuwento ko na lang sayo kapag pumunta ka na dito."
Sabi ni Lily, excited na din siyang makita ito.
"Okay, okay. Pupuntahan kita diyan. I want to see you so bad, gusto kita yakapin ng mahigpit at makita!"
"Hihintayin kita Micheal, miss na kita.."
"And i miss you too, mabaliw-baliw na ako dito kakaisip sayo tapos malalaman ko na buhay ka pa pala."
"Ipapaliwanag ko na lang sayo dito kung anong nangyari, mag-iingat ka."
"Okay sige.."
Masayang ibinalik ni Lily ang telepono ni Eros, parang gumaan ang pakiramdam niya matapos nilang magkausap ni Micheal kanina. Madami silang pag-uusapan at madami siyang dapat ipaliwanag dito kapag nagkita na sila.
"Sige na Lily, uuwi na ako alam mo naman si Sienna magrereklamo na naman yun kapag hindi pa ako nakauwi." Paalam ni Eros kay Lily.
"Sige Eros maraming maraming salamat talaga."
Hinatid pa ni Lily hanggang sa labas ng resthouse si Eros. Parang hindi siya makakatulog ng maayos ngayong gabi kakaisip kay Micheal.
"Oh ano? Tatawag-tawag ka ngayon sa akin na gago ka? What do you need now?" Asik ni Eros ng makasakay sa kanyang sasakyan at sagutin ang tawag ni Micheal. Sinenyasan niya ang driver na umalis na sila. His family is waiting him now.
"Lily is still alive? Come on pare siya ba talaga ang nakausap ko kanina?" You can hear the excitement on voice of Micheal.
"I told you she is still alive, ikaw lang talaga ang siraulo at hindi naniniwala sa akin."
"You can't blame me, akala ko kaya mo lang yun sinabi para sumama ako sa inyo diyan sa San Juaquin.."
"And you know im not lying."
"Yes of course we talked awhile ago, so can i borrow your helicopter? Pasundo naman ngayon dito." Pakiusap ni Micheal sa kaibigan.
"Pagkatapos mo ako suntukin kahapon? No way!" Mabilis na tanggi ni Eros. Mag-eroplano kang gago ka ngayon o kaya languyin mo papunta dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co