Dancing With Fire (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 1
Kabanata 1
MONEY. KUNG MAY pinakaimportanteng bagay sa mundong ito, 'yon ay ang pera.
They say money can't buy happiness, but for me, it can—in its own way. It's what keeps me moving forward, what fuels my motivation. Sa panahon kasi ngayon, ang mga tao, hindi na bumabase sa kung ano ka, bumabase na sila kung anong mayro'n ka. If you have the money and the status, you can have whatever you want—anywhere, anytime.
The man's dark brown eyes locked onto mine, and his calloused, rough hand felt firm yet warm against my own. I noticed the mix of playfulness and seriousness in his expression— furrowed brows, thinned lips, and a stubborn jaw.
There was something in his gaze that caught my attention, and only then did I realize, too late, that we were still holding hands long after the handshake should have ended.
"Miss?" he called, snapping me out of my reverie. Napapasong nabitawan ko ang kamay niya.
"Uh, I still haven't introduced myself to you," I said, clearing my throat. "I'm Serafine Veronica, but you can just call me Sera."
He didn't answer, just nodded, still watching me like a hawk.
Awkward kaya nagsalita ako uli. "What should I call you?"
He stared again briefly and cocked his head.
"Ephraim Miranda," he said, his voice husky.
Oh, that's a hot name. It suits his hot face.
Tumango ako, kinakagat ang labi. It suddenly dawned on me what I looked like right now and I began panicking. 'Di pa ako naliligo! Pagkagising ko'y nagtatatakbo na ako agad para makitsismis! Naka-shirt lang ako at shorts!
"Kung gusto mo, pumasok ka muna." Inilahad ko ang bahay namin.
Mayaman 'to, sigurado ako. Kaya nagulat ako nang tumango siya.
Sumunod siya sa akin patungo sa bahay. Wala ang magulang ko sa bahay, and it's scary letting a stranger inside, but he looked decent. Bahala na!
Nanunood na si Miggy ng TV pagkapasok namin kaya tinawag ko ang atensyon niya. Ang maamo niya mga mata niya'y tumulis nang makitang may kasama akong lalaki.
"Migs, si Engineer Ephraim Miranda. Engineer, si Migs—kapatid ko."
Tumayo si Miggy mula sa sofa at lumapit 'kin. Naghalo ang pagtataka at hiya sa mga mata niya habang nakatuon ang tingin sa misteryosong lalaki sa tabi ko.
"Hello po, Engineer." My brother offered his hand and smiled. "Ako po si Migs."
I smiled in amusement. Ephraim accepted his hand, a small smile now etched on his lips.
"Hi, Migs. Just call me Kuya."
Tuluyang lumaki ang ngiti ni Miggy.
"Sige po, K-Kuya. Upo po muna kayo!" masayang sabi ng kapatid ko at hinawakan niya sa pupulsuhan ni Ephraim. That made me feel lighter.
I watched them head to the sofa to watch TV.
"Excuse me, mag-aayos lang ako ng sarili sandali," paalam ko.
Bumalik ang tingin sa 'kin at napangisi ang kapatid ko.
"Kuya, sandali lang si Ate. Kailangan niya munang maligo at nahihiya kasi mabantot na siya." Miggy smirked.
My lips parted. Nagpigil ng ngiti si Ephraim kaya nag-init ang mukha ko.
"Aba't..." Kokontra pa sana ako, pero nang natawa si Ephraim ay natulala ako.
"M-Mabango ako, 'no!" depensa ko sa sarili ko at ngumuso ako.
'Di ko maiwasang mapansin ang itsura niya sa upuan. Ang laki-laki niya kaya mukhang maliit ang sofa namin.
Mabilis akong naligo at nakahihiya sa bisita. Nagsuot ako ng simple pero maayos na dress bago nag makeup ng manipis para man lang presentable. Habang nakatitig sa salamin ay 'di mawala sa isip ko iyong guwapong engineer. I have met a lot of handsome guys—sa bar, sa circle of friends ko, si Gino—pero iba ang hatak ng lalaking ito.
Somehow, he looked even manlier.
Ephraim. Even his name sounds as hot as he is! I can call him Rai for short!
No! Hindi ka p'wedeng malito, Sera! Focus lang sa goal—pera!
Isang milyon! Saan ka makakukuha ng gano'n?
Pagkalabas ko'y naabutan kong nag-uusap na sina Rai at Miggy. They're interacting like they're friends!
"Naku, Kuya, mabait iyong ate ko, medyo maarte nga lang! Pero palagi akong inaalagaan no'n! Mayaman na rin siguro kami kung hindi tumigil sa pag-aaral si Ate! Pangarap niya rin mag-engineer!"
Hay naku! Ang kapatid ko talaga! Saglit lang akong nawala life story ko na 'ata ang naikuwento!
I cleared my throat. Napatigil sa pagsasalita ang kapatid ko at napalingon sa akin. Nagulat siya, pero tumayo at yumakap.
"Wala akong sinabi, Ate," palusot niya.
"Oo na lang, Miggy." Tumawa ako. "O, siya at mag-uusap muna kami nitong si Engineer. Maligo ka muna roon at may pasok ka mamayang hapon!"
He nodded, at bumaling siya sa lalaki para magpaalam.
"Kuya, maliligo lang ako, ha?! Kausapin mo muna 'yong ate kong maganda!"
Nag-init ang mga pisngi ko dahil sa hiya. "Miguelito!" sita ko.
"Alright, I'll talk to your... beautiful sister." His eyes lingered on me. Napalunok ako't tumuwid ng tayo.
Bago ko pa makurot ang kapatid ko ay nagtatatakbo na siya patungo sa banyo. Nailing na lang ako, nahihiya pa dahil hindi ako nilulubayan ng tingin ng lalaki. Dahil sa araw na sumisilip sa bintana ay mas nakikita ang ganda ng mga mata niya. Tsokolate.
No'ng napadaan ako sa salamin at nakita ko ang mukha ko ay nagkibit-balikat ako. Maganda rin naman ako kaya quits lang.
"Good morning!" bati ko.
Nagtagal ang tingin niya sa akin. Umigting ang panga niya at tumango siya.
"Good morning. You should sit."
I sat in front of him, gathering my bravery.
Mas lumamig at naging seryoso ang kanyang ekspresyon.
"What kind of information can you provide?" he asked in a businesslike tone.
Hmm, formal ka, ah? Tignan natin kung matatablan 'yan ng alindog ko.
Umayos ako ng upo. I straightened my back, chest out.
Rai was serious, but his eyes accidentally dropped to my chest. They stayed there for a moment before he looked away.
Sabi na, eh! Men! I suddenly felt bad for the lady who died. He's her fiancée, 'tapos...
"I kinda saw something last night," I said.
Ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin. This time, he didn't even waver. It almost made me laugh—he really can't help but stare!
"What was it?" he asked, curious now.
I smirked and shook my head.
Businessman nga—tuso. Akala ba niya mapapa-spill niya ako sa ganitong usapan lang?
Kung businessman ka, businesswoman ako! Expert na ako sa field na 'to!
"I am sorry, Engineer, but I won't provide information until may kasunduan na tayo," I said.
Kumunot ang noo niya. "I already said yes to your condition, Miss."
"I want a written contract!" I demanded. "It's money we're talking about here. Hindi ako basta-bastang magpapadalos-dalos."
Naglaban ang mga tingin namin, walang gustong sumuko. Pero sa huli'y napaiwas din ako.
Hindi ko kayang makipagtitigan! Nanghihina ako!
Second sa hierarchy of needs pagkatapos ng pera. Gwapo!
"Fine," he said, giving up. Nakita ko ang pagtikom ng bibig niya at ang pag-igting ng panga.
"Anong fine?" Tumaas ang kilay ko.
"I'll invite you to my office to sign the contract. I'll also provide you with tight security."
My lips parted. I shook my head and blinked in disbelief.
"Y-You don't have to!" I exclaimed. "Just the money is fine with me! Hindi ko kailangan ng security!"
"You're a witness in the case, Miss," aniya, tunog iritado pa sa pagtanggi ko.
"Your safety is my top priority. If anyone finds out you know something, your life could be at risk."
Gano'n ba ka high profile ang kaso? Medyo kinabahan ako.
Shit, Sera! Ano ba 'tong pinasok mo? Paano si Miggy?!
"I'm so sorry to ask, curious lang ako. Sikat ka ba, or ang fiancée mo, kaya dapat mahigpit ang security?"
"She's not my fiancée," he clarified. "She's a family friend."
"Oh, I see!" Napatango ako at huminahon ang boses ko. "Pasensiya na, condolence sa nangyari."
Napatitig lang siya sa 'kin. Napansin ko ang pagod sa mga mata niya bago siya bumuntonghininga.
"Yes, this is a high-profile case—possibly murder. You need security wherever you are. You can't risk your safety. Think of your brother."
Naisip ko si Miggy dahil sa sinabi niya. He was right.
Tumango ako. "Okay. Salamat," pagpayag ko.
Awkward silence filled the room. Nagtitigan na naman kami, para akong kinikiliti dahil sa tingin niya. Mabuti na lang at naalala ko ang breakfast!
"Nag-breakfast ka na?" tanong ko.
Tumango siya.
"Uh, dessert? Diyan ka lang, sandali lang!"
Tumayo ako at kaagad na tumakbo sa kusina. Sinilip ko siya habang tahimik niyang ipinapalibot ang tingin sa bahay.
I opened the refrigerator and smiled when I saw the untouched cake. Galing ito sa birthday ng kapitbahay na nag-debut no'ng nakaraang gabi! 'Di naman kami close no'n, pero nag-eighteen shots ako at nag-Sharon pa!
Inilagay ko ang cake sa maayos na plato at nagtimpla ako ng juice, 'tapos bumalik na ako sa sala. Naabutan ko si Rai na nagpo-phone.
"Kain," anyaya ko sa kanya at ibinaba ko ang plato at baso sa center table. "Pasensiya na, 'yan lang ang nasa ref."
"No worries. Thanks," aniya at muli siyang nagtipa sa phone niya.
I took the opportunity to watch him. Branded clothes. Expensive watch.
Inborn na mayaman siya, sigurado ako. Parang nakahihiya tuloy na inimbitawan ko pa talaga siya sa maliit naming bahay.
"Pasensiya na sa bahay namin..." simula ko. Ibinaba niya ang phone niya at tumingin siya sa akin.
"Why?" aniya bago inabot ang cake. Kinain niya iyon sa harapan ko, at umawang ang mga labi ko. Parang bigla kong gustong hablutin paalis sa kamay niya ang plato.
"Baka sumakit ang tiyan mo," I said.
He stopped chewing. "Don't tell me... Fuck, nalunok ko na! You poisoned it?" His eyes widened, alarmed, his face pale.
"No! Of course not!" I exclaimed. "Baka sumama lang ang tiyan mo kasi hindi ka sanay sa pagkaing ganyan?"
Relief washed over his expression.
"Says who?" he asked, raising a brow.
Napanguso ako nang nilakihan niya ang bibig niya para ipakita sa akin na kinain nga niya ang cake.
"Kasi, 'di ba, mayaman ka?"
"Stereotypes." Humor mirrored his expressions. "Not every rich person is like that, Miss., and no, I ain't rich."
"'Di ba, engineer ka? Saka 'yong pangalan mo pangmayaman!"
"No. My parents are the ones who are rich. I built my own name to reach what I have now."
"Oh..." I nodded, amazed. Napasulyap ako sa plato na may cake at nagitla nang mapansin na ubos na niya ang laman no'n.
"Uh..." I pointed at the plate. He glanced at it, bit his lip shamelessly, and stared at me.
"Can I have another plate?" he asked, making me blink in surprise.
"Huh?"
"I want another slice of cake." He cleared his throat and looked away shyly. "Medyo gutom kasi ako."
"Sure!" Nagmamadali kong kinuha mula sa kanya ang plato at tumayo ako. Dederetso na sana ako sa kusina, pero narinig ko ang pangalan ko.
"Wait, Sera!"
Hearing my name from him made me swallow hard—it sounded sexy. Napalingon ako sa kanya at napakurap nang makita kong nakataas ang isang kamay niya habang mabilis na inuubos ang juice sa baso.
He licked his lips after finishing the drink in one gulp, then handed me the glass.
"Pa-refill na rin," aniya.
Aba! Patay-gutom rin pala ito!
Lumapit ako sa kanya, nangingiti. Muntik na akong matawa nang mapansing namumula na ang mukha niya sa hiya. Kung may hiya pa ba siya.
Kumuha uli ako sa kusina ng cake at juice. Pagbalik ko sa kanya'y nasa pagkain agad ang tingin niya. Mabilis niyang kinuha iyon mula sa akin, sumandok kaagad para sumubo.
Nagpaalam muna ako sa kanya para asikasuhin si Miggy. Nag-agahan na siya kanina kasabay ni Tatay, kaya pinag-aral ko muna siya sa kuwarto namin.
Habang papalabas sa kuwarto ay nahuli ng tingin ko ang Tupperware ng mga gamot ni Miggy. Tatlo na lang ang laman no'n .
I sighed. I guess I have to work harder.
Sa pagbaba ko sa hagdanan ay naabutan ko ang engineer na parang batang naghihintay sa akin. Ubos na ang pagkain niya, kaya napangiti uli ako.
"Gusto mo pa?" I asked.
Dagli siyang umiling. "May hiya pa naman ako," aniya, at natawa ako.
We talked briefly about the contract and the bodyguard he would provide for me, then he asked for my contact information.
Umalis lang siya no'ng may nag-text sa kanya. Mukhang may presscon na magaganap.
I followed him outside, noticing our height difference. I'm not small, but next to him, I feel tiny!
Akala ko'y papasok na siya sa kotse niya, pero nilingon niya 'ko.
"May tindahan ba dito?" tanong niya.
I nodded.
"Oo. Doon..." Itinuro ko sa kanya ang tindahan nila Aling Kipay.
"Can you come with me?"
I led the way. Habang naglalakad siya likuran ko, nakapamulsa siya at tahimik. Naabutan naming nanunood ng TV si Aling Kipay, wala na ang curlers kaya sabog na ang kulot na buhok.
"Magandang araw, Aling Kipay!" I called.
Napatalon siya sa gulat, at sumimangot nang makita ako.
"Ano?! Mangungutang na naman?!" she exclaimed.
Muntik na akong mapapikit sa hiya. Sa harapan pa talaga ng bisita ko maniningil?! H'wag kang mag-alala, Aling Kipay, kahit may tubo pa kapag nabiyayaan ako nito ng datung!
I just laughed awkwardly and let my gaze drift briefly to the curious, handsome man standing behind me. Na-expose ako, ah!
"Aling Kipay naman... May gusto lang bilhin itong kasama ko."
She shifted her gaze to the man beside me. Napanganga siya.
"Uh... eh, hello, hijo..." biglang lumambing ang boses niya kaya umismid ako. "Ano iyon?"
Ang lambing ng boses ni Aling Kipay, kaya napasulyap ako sa kasama ko. Napasulyap din siya sa akin.
"Ano raw sa 'yo?" I asked him.
He stared at the store for a moment, then pointed at something.
"Uhm, I want a full pack of Mik-Mik," he said, gesturing toward what he wanted to buy. My lips parted in surprise, and so did Aling Kipay's.
"Huh?" I muttered.
"T-Talaga? Bente isang balot, hijo," ani Aling Kipay.
Napanguso ako nang tumango si Rai at dumukot ng wallet sa bulsa.
"One pack, please."
Nagkukumahog na kumuha si Aling Kipay ng isang balot ng Mik-Mik.
Napakurap naman ako at napatitig din sa wallet na may lilibuhin. Muntik nang magliwanag ang mga mata ko nang may nagkantahang anghel sa isip ko.
"Ano'ng gagawin mo sa Mik-Mik?" I asked him curiously.
"Hmm?" He glanced at me and took a thousand pesos from his wallet. "Nothing, makikipagbugahan kami. Bonding naming magpipinsan."
Bumilog ang mga mata ko dahil sa narinig.
Iniabot niya kay Aling Kipay ang isang libo.
"Ay, wala kang barya, hijo? Masyadong malaki ito," ani Aling Kipay.
"It's alright. Pakisama na rin d'yan 'yong utang ni Sera," seryoso niyang sabi bago kinuha ang Mik-Mik.
Mas bumilog ang mga mata ko. Luluwa na yata!
"S-Seryoso?"
He looked at me and nodded.
Hallelujah!
"Anim na daan lang 'yon! May sukli ka pa!" ani Aling Kipay na gulat na gulat din.
"Pakitago na lang ang natirang sukli para sa mga susunod na bibilhin niya," sabi ni Rai na parang wala lang dahil busy na siya sa pagbibilang ng straw ng Mik-Mik, mukhang tinitingnan niya kung sakto ang dami ng mga iyon.
"Sige, sige..." Gulat na napapaypay ng sarili si Aling Kipay. Ako nama'y napapalunok at napasunod kay Rai na naglakad na papunta na sa kanyang sasakyan habang nagbibilang pa rin ng straw.
Nang matapos siya ay ibinaba niya ang plastik at sumulyap siya sa akin. Nakagat ko ang labi ko at ngumiti ako sa kanya.
"S-Salamat," I said softly.
He just nodded, running his fingers through his hair.
"No worries. Take care, I'll see you again—may pupuntahan lang ako," paalam niya.
Napaatras ako nang buksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan.
He was about to go inside, but then I remembered something. Kinakabahan man at nahihiya, tumikhim ako para tawagin ang kanyang atensyon. "Engineer..."
He stopped. Muli siyang bumaling sa akin, nagtataka.
"Yes?"
Huminga ako nang malalim at nilunok ang hiya.
"Uh, nakahihiya man pero..." I trailed off. "P'wede bang mag-request ng cash advance?" mabilis kong sabi at inilahad ang kamay.
Kinabahan ako nang makita kong seryoso siya. Akala ko'y hindi na ako pagbibigyan, pero mabilis niyang kinuha ang wallet niya sa bulsa at naglapag siya ng lilibuhin sa nakalahad kong kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co