Truyen3h.Co

Dancing With Fire (Published Under Flutter Fic)

Kabanata 13

heartlessnostalgia

Kabanata 13

​​"MAY NAKILALA KA ba?"

Nagulantang ako sa sinabi ni Rai, nararamdaman ang hapdi ng mga mata, pero ngumiti lang ako ng prente, umiiling.

"Wala naman." I gave him a faint smile.

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin, tila pinagmamasdan ang reaksyon ko, bago tumango.

"Alright. Don't force yourself. You should rest," he said as he closed his laptop.

"W-Wala pa ba kayong lead?"

"Wala pa," he replied, slowly pulling me closer as he hugged my waist. He buried his face in my neck.

"Paano ako makakatulong?"

"Don't worry about the case, baby. Ako na ang bahala."

Fuck this. Baka nagkakamali lang ako. Hindi ako naniniwala.

Si Tatay? Ang Tatay namin ni Miggy? Impossible! My father is an honorable man! He couldn't do that!

I nodded, and as I lowered my head, his lips brushed against my forehead.

"Ihahatid na kita sa inyo. You have your quiz tomorrow, right?"

I nodded again.

"Rest, okay?"

Sa biyahe pauwi, nanatili akong tahimik. I knew he noticed my silence, but he didn't ask about it.

Si Tatay? Impossible talaga. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin.

Imposibleng kasama si Tatay sa gumawa no'n! It was a crime—a murder! There is no way he'd do it! He can't be involved in that! He's the kindest man I know. He could never do that! Maybe I'm just mistaken!

I couldn't help but cry as I lay in bed, but I tried my hardest to remain quiet so I wouldn't disturb my brother. Nakasiksik kasi siya sa 'kin, natutulog.

˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖

MAAGANG-MAAGA PA LANG, sigawan na nila Nanay at Tatay ang narinig ko.

I opened my eyes and saw Miggy sitting on the bed, rubbing his eyes.

"Miggy," I called as I slowly sat up.

"Ate..."

I smiled. Lumapit ako sa kanyang at marahan kong hinaplos ang kanyang buhok, then I kissed his forehead.

"How was your sleep, Migs?"

He smiled and pointed at the mattress. "Ang sarap po sa likod ng kutson!"

I chuckled, messing up his hair playfully. Nabili ko 'yong kutson no'ng isang araw. Napadaanan kasi ako sa mall at nakita kong may super sale. Pasok naman sa budget kaya binili ko na.

"S'yempre naman. Gusto kong komportable ang Miggy ko, eh." Sinundot ko ang kanyang pisngi.

Niyaya ko siya lumabas na sa kuwarto. Naabutan naming galit na galit si Tatay.

"Ano 'tong TV na 'to, Divina?! Hindi natin 'to kailangan!" My father's voice roared.

I frowned as I noticed a big box in the living room.

"Sige na, Migs, toothbrush at ligo ka na," I said.

Pagkaalis ng kapatid ko lumapit ako kila Nanay at Tatay.

"Mahal 'yan! Magkano ang bili mo r'yan?" Tatay added.

"Wala kang pakialam! Pera ko ang ginamit ko r'yan!" Nanay exclaimed."

"Kung sana ay ipinantulong mo na lang dito sa bahay ang perang pinambili mo niyan!"

"Punyeta ka, manahimik ka nga!" sigaw ni Nanay. "Wala akong pakialam sa 'yo! Ang concern ko ay ang anak kong si Miggy!"

"'Nay," I called, stopping them.

Napatingin silang dalawa sa akin. Sa galit sa mga mata ni Tatay ay napalitan ng lambot at paumanhin, while my mother looked like she could slap me any moment.

"Tama na po muna sana," I said calmly. "Baka maapektuhan po kasi si Miggy—"

"At ano na namang sasabihin mo?!" Tinulak ako ni Nanay, kaya nagitla ako at napaatras.

"Ang concern ko lang po ay ang kapatid ko—"

I gasped and crossed my arms over my face as she lifted her hand to slap me. Naghintay ako, takot na humampas sa akin ang kanyang palad, pero walang dumating.

Napaayos ako ng tayo. I slowly looked at her and saw her hand frozen mid-air.

I was confused when she immediately lowered her hand, clearing her throat as if she had just remembered something.

"Wala akong sasayangin na lakas para sampalin ang walang kuwentang kagaya mo," aniya, bahagyang lumalayo.

She rolled her eyes at me. Bumalik sa sofa, at doon ko nakita ang mga paper bag ng mga pinamili niya.

"Tara na, anak." Tatay touched my arm.

I flinched instinctively.

"Serafine?" Nagtatakang tawag niya.

I closed my eyes to calm myself. " Pasensiya na po, 'Tay, nagulat lang ako."

He nodded. Mukhang nagtataka pa rin siya, pero na siya hindi nagkomento po.

"Napagluto na ako, anak," sabi ni Tatay, at sinundan niya ako sa kusina. "Naayos ko na rin ang baon n'yo ni Miggy."

He smiled at me, and a soft hand touched my heart—it made my eyes sting.

Tatay walked toward me, and I felt the love and concern in his eyes. "Salamat, Sera, sa pagtulong sa akin na magtrabaho. Pasensiya na, anak, at mahina na rin ang tatay mo."

Napatungo ako. Pasimple kong pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata, at tumalikod ako para kumuha ako ng mga pinggan.

"Ayos lang po, masaya akong nakatutulong."

Dinala ko ang mga pinggan sa hapag-kainan, at naubutan kong nakaupo na si Tatay sa isa sa mga silya na nakapalibot do'n.

"Hayaan mo, 'nak, kapag napagamot na natin ang kapatid mo, matustusan ko na ang pag-aaral mo—'di ka na magtrabaho." He smiled, and I noticed his tired eyes.

Kumuha ako ng pagkain at napasulyap sa kanyang braso. Nakita ko doon ang mahabang pilat.

"'T-Tay, saan galing?" I asked, reaching out to touch his arm.

"Huwag!" he exclaimed.

Nagulat ako. Mabilis niyang inilayo sa akin ang braso niya, at nakita ko ang pagkabalisa sa kanyang mukha.

"'Yan po ba 'yong nakaraan?" I asked. "'Yong sugat n'yo no'ng gabing umuwi kayong may dugo?"

He froze, as if he had just been reminded of something.

Kumakalabog ang puso ko sa kaba habang pinagmamasdan siya.

"O-Oo, uh, ito nga—'yong sumagi ako sa alambre d'yan sa may kanto."

Nanlamig ako.

"Pero sabi mo, 'Tay, nasugatan sa pag-aayos ng jeep."

"H-Huh?" Nag-iwas niya ng tingin. "Oo nga, anak. Nakalimutan ko... Oo, tama—sumabit nga ako no'ng nag-aayos ako ng jeep."

Kumuyom ang kamay ko, at halos sumabog na sa ang kaba sa puso ko.

"Gano'n po ba?" I murmured. "Dumaan po ba kayo sa convenience store no'n?"

"Hindi." He immediately shook his head. "Bakit mo naman naitanong?"

"Hmm, wala po." I smiled faintly, afraid to press further. "May naalala po kasi akong nagpapabili ako sa inyo ng pagkain doon kapag may nadaan ka, pero nakalimutan mo."

He nodded, uminom ng tubig, at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri. Dahil nakatagilid siya sa 'kin ay umangat ang sleeves ng shirt niya at nakita ang peklat.

"Ano nga iyon ulit? Para bilhan na kita?"

Fuck! Halos mabitawan ko ang kutsara sa panlalamig nang unti-unting natanto.

He got that scar years ago! Napaso siya!

"Hindi, ayos na po," I said firmly despite my raging heartbeats.

Ayoko. Ayokong maniwala sa nakita ko. Nagkakamali lang ako.

"Kumusta pala ang internship mo, anak?" aniya.

"Uhm, may mga offers po. Sa Sandejas, sa mga Miranda—"

"Huwag ka doon!" he suddenly said.

"Po?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sa mga Sandejas ka," aniya. "O kaya sa kahit anong offer sa 'yo, hija. Huwag ka doon sa mga Miranda."

Damn... please, 'tay. Huwag mo nang dagdagan ang suspisyon ko!

"Bakit naman po?"

"Basta! Kahit anong mangyari, huwag kang tatanggap ng kahit ano do'n!"

My forehead creased.

"Hindi po p'wedeng basta lang, 'tay. May dahilan ang lahat. Bakit? Bakit ayaw mo ako roon?" I demanded, fear creeping more and more.

"Dahil... dahil hindi maganda ro'n, Sera. Mas maganda ang training sa mga Sandejas. May kaibigan akong do'n nag-intern ang anak kaya paniguradong maganda ang makukuha mong offer kapag naka-graduate at pumasa ka na—"

"Isa po sa leading company ang Miranda sa engineering at architecture, kasama ang mga Sandejas," I explained.

"Kahit na, Serafine," aniya at umiling. "Maniwala ka sa akin, anak. May kakilala ako roon na hindi tumagal dahil hindi maganda—"

"Talaga po bang gano'n lang, o may personal kang dahilan?" 'Di ko na napigilan ang bahagyang pagdiin ng boses. It made him stop, his lips parted briefly, defiance now in his eyes.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Serafine?" mariing tanong niya.

"Wala, 'Tay." I shook my head when I got a grip and sighed. "Pasensya na po."

"Kumain ka na at mamasada ako. Pag-isipan mo 'yang sa mga Miranda at ayaw ko," aniya, at iniwan ako.

Nanghihina akong napasandal sa upuan at pumikit.

I don't know what to do anymore. I don't know.

˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖

"SERA, COME ON! Hindi ka na sumasama sa amin, palagi kang busy!" ani Jesusa sa video call. S'yempre, sarado ang akin at makikita nila kung nasaan ako ngayon.

"Sorry, guys," paumanhin ko. "Busy kasi ako, isa pa, medyo maraming activities sa school. Alam n'yo na. Schoolgirl moments!"

"We miss you, Sera. You know we feel kulang kapag wala ka, 'di ba?" malungkot na sabi ng kaibigan.

"Miss you all, miss you too, Jen. Gusto ko mang sumama sa inyo, marami lang talaga akong inaasikaso. Pasensya na talaga."

"Where are you?" Gino asked. "Sa Manila? I can come and visit you, Sera."

"Yes, Gino. Pero huwag na, ayos lang ako! Babalik rin ako kaagad d'yan, tapos gala tayo!" I said with enthusiasm.

"Alright, we haven't seen you since Jen's birthday. Napauwi rin ako ng maaga noon kasi may mga lalaki raw na tumatawag sa akin at pinapauwi ako. Damn, naniwala pa ako!" ani Gino.

I suppressed my laugh, kinagat ko ang labi at nailing. Si Rai kasi! I was tempted to voice out but couldn't.

"I miss you all, guys." I sighed. "Babawi ako, promise!"

"We miss you, too. Naku, pag-uwi mo rito, Sera, sinasabi ko sa 'yo, bibisitahin namin 'yang mansion n'yo!"

"S-Sige, sure." Kinagat ko ang dila at napahawak sa batok na nananakit kakakayod ng buto para sa pera.

Ano ba naman itong pinasok ko? Ganito na ba ako ka ambisyosa?

Nang matapos ang pag-uusap namin ay nag-asikaso ako kaagad para makauwi.

Nakita ko ang mga katrabahong abala sa kusina, tumutulong mag-serve ng pagkain. May isang nahihirapan sa pag-aayos ng mga take-out kaya lumapit ako.

"Ches, tulungan muna kita," I said.

"Salamat, Sera! Doon ka muna sa may counter," aniya.

I nodded and quickly went to the counter to help. Tumulong ako sa cashier saglit habang abala pa sila, sa isang counter ay nag-asikaso.

Kinuha ko ang tray, inilapag sa counter para sa customer, at kaagad akong natigilan nang magkasalubong ang mata namin ni Jenny.

My eyes widened. Kita ko ang unti-unting pagbaling sa akin ni Jesusa at Gino, at kumalabog ang puso ko.

They looked so shocked seeing me. Napaatras ako at nanlamig.

Fuck!

"Sera, paabot naman no'ng tray," sabi ng isa sa mga katrabaho ko.

I immediately handed her a tray.

"K-Kailangan ko na umuwi," I murmured, quickly turning my back and nearly running to the staff room to get my things.

Lumabas ako sa restaurant na nangingilid ang luha ko at kumakalabog ang puso. I felt my phone vibrate in my pocket, at nang silipin ko iyon ay nakita ko ang sunod-sunod na tawag ng mga kaibigan ko.

"Sera?" I froze when I heard a familiar voice. Kaagad akong lumingon sa direksyon kung saan ito nagmula at nanghina ako nang makita ko ang mga kaibigan ko.

"J-Jen..." I whispered.

I noticed the disgust on her face.

Si Jesusa ay pinasadahan ako ng tingin. Tumigil ang mga mata niya sa logo ng uniporme kong hindi ko man lang nagawang palitan.

"What the hell are you wearing?" she asked, disgust lacing her tone.

"You work here?" malamig na turan ni Gino.

Napasulyap ako sa kanya. I noticed the disappointment in his eyes.

"I can explain—"

Napasinghap ako nang lumapit si Jenny at sinampal niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko sa puwersa at hapdi.

"J-Jen, sorry—"

"Nakahihiya ka!" Tinulak niya ako.

"You were fooling us this whole time?" Jesusa exclaimed, her eyes filled with anger and disgust.

I staggered at the words to say. "N-No! Oo, hindi ako mayaman, pero 'yong pagkakaibigan ko, totoo—"

"You're poor?" Jesusa shrieked. "Fuck, you don't belong with us!"

"G-Guys—"

"We were so stupid for believing you, Serafine! Social climber ka lang pala!" Jenny exclaimed and walked closer.

"Jenny!" Gino exclaimed, stopping her.

"P-Please. I didn't... hindi ko..." Wala na akong masabi at 'di na napigilan ang pagkakahulog ng mga luha.

"Liar! May masyon-masyon ka pang sinasabi, pero mukhang sa squatter ka lang nakatira!"

"Jesusa!" Gino warned.

"Ano? Ipagtatanggol mo?! Eh, 'di ba, hinuthutan ka n'yan?! Ang laki ng perang inilabas mo para sa hampaslupang 'yan!"

Natahimik si Gino at napaiwas ng tingin.

I swallowed hard. "Guys, let me explain..."

Lalapitan ko sana sila, pero tinulak ako ni Jesusa. It was so sudden that I failed to support my weight and ended up falling on the ground.

I lowered my head. She was about to kick me when someone suddenly stepped in and blocked her.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lando sa harapan ko.

"At sino ka talaga, ha?! Bodyguard niya?!" Jenny laughed hysterically. "Oh, no way. She's poor—she can't afford one!"

"Stop it!" Gino exclaimed.

Inalalayan ako ni Lando patayo at tinago sa likuran niya para protektuhan. Sumilip ako, sinusubukang kausapin ang mga kaibigan ko, pero pilit lang nila akong itinaboy.

Masakit man, naiintindihan ko sila. Alam kong kasalanan ko—sinungaling ako at, oo, social climber.

Naiintindihan ko at masakit sa akin pero alam ko namang kasalanan ko. Sinungaling ako at oo, social climber. I didn't force anyone to give me money but they treated me. And Gino, kapag pasalubong at binibiro kong cash na lang. He did.

Siyempre kailangan ko ng pera kaya 'di ko tinanggihan pero mali ako. Maling-mali.

"Ma'am," Lando called me softly. "Tara na, Ma'am."

Sa huli, wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan ni Lando na alalayan ako papunta sa sasakyan na nakaparada malapit sa restaurant.

I quietly sat in the backseat. Tahimik ding nagmaneho si Lando, pero panay ang sulyap niya sa akin sa salamin.

Napatingin ako sa kanya, nagtataka, nang mapansin na sa building ng condo unit ni Rai niya ako dinala.

"Dito na raw po kayo maghapunan, Ma'am," marahang sabi niya.

I nodded, nag-aalala sa hitsura ko. Bukod sa hindi ako nakapagpalit ng damit bago umalis sa restaurant, paniguradong magulo pa ang pagkakapusod ng buhok ko.

"Lando, magbabanyo lang ako," paalam ko nang nasa lobby na kami.

"Sige, Ma'am."

I changed my clothes and wore the dress Rai bought for me. Nag-ponytail din ako ng buhok at siniguradong kahit papaano ay mukha akong presentable.

"Tara na po, Ma'am?" tanong ni Lando paglabas ko sa banyo.

"Uhm, Lando..." I turned to him.

"Po?"

"P'wede bang huwag mong ipaalam kay Rai ang mga nangyari kanina?"

Nabakas ko kaagad ang agam-agam niya.

"Pero nasaktan po kayo, Ma'am. Hindi po papayag si Engineer na—"

"Ayoko lang na mag-alala pa siya sa 'kin," I cut him off. "Dadagdag pa 'yon sa mga iniisip niya."

"Pero Ma'am—"

"Please?" I almost pleaded with him.

He stared at me, kita sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan, pero sa huli'y tumango rin siya.

"Ngayon lang ito, Ma'am, ha? Sa susunod po ay sasabihin ko na."

I smiled and thanked him.

Pagdating namin sa condo, binuksan niya ang pinto para sa akin at agad kong nasalubong ang mga mata ni Rai.

I walked toward him, but before I could reach him, isang masayang boses ang kumuha sa atensyon ko.

"Ate Sera!" My eyes widened when I saw Miggy.

"Migs!" Sinalubong ko siya at niyakap.

"Ate! Ate! Ang laki po ng condo ni Kuya!" he exclaimed happily while still hugging me.

Napasulyap ako kay Rai na nakatayo sa isang gilid. Ngumiti siya nang magtagpo uli ang mga mata namin.

"Paano?" I murmured, asking him, pero ang kapatid ko ang sumagot.

"Nagpaalam siya, Ate! Kay Nanay!"

Nagtataka akong bumaling kay Rai.

"I just said I'd take him to you and we'd eat," he explained.

My forehead creased. Bumaling uli ako sa kapatid ko at hinaplos ko ang kanyang noo.

"Let's eat?" Rai said. "Migs, favorite mo 'yong ulam."

"Yehey!" Miggy cheered. "'Bait mo po talaga, Kuya! Kaya gusto ka ng ate ko, eh!"

"What?" I exclaimed.

Tumawa si Miggy. Humalakhak din si Rai bago marahang abutin ang baywang ko.

"Una ka na sa kusina, Migs," Rai said with a smile. "Lando, samahan mo siya at kumain ka na rin."

"Sige po, Engineer, Ma'am," sagot ni Lando bago samahan ang kapatid ko.

I sighed, then elbowed Rai in the stomach.

"Baby," he groaned.

"Ano 'yon?" I raised my brow at him.

"What? I just took him to a mall and bought him toys," he said, blinking innocently.

"Paano mo nakuha kay Nanay 'yan?" I asked, confused.

"Hmm?" he hummed, gently turning me to face him. He cupped my cheeks and pressed a soft kiss to my forehead.

"Rai," I called.

He hugged my waist, burying his face in my neck.

I cursed as he started kissing my collarbone.

"Ephraim!" I exclaimed.

Natigilan siya at agad na lumayo sa 'kin.

"What?" he whined, pouting.

"Paano mo nakuha si Migs kay Nanay?"

"I just asked her. Pumayag naman siya."

"Nang gano'n kadali?" I asked in disbelief. "Pero—"

"Sshh." He placed a finger on my lips. "Nakiusap lang ako, at sinabi kong kaibigan mo ako. Nagtiwala naman siya sa 'kin, mukha naman akong katiwa-tiwala 'no?" Ngumisi pa siya.

Nailing ako at natawa. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa batok niya at humilig ako sa dibdib niya. Being this close to him, his warmth and presence somehow helped relieve the tension in me.

"What's the matter?" he suddenly asked.

I sighed, clutching his shirt, and took a deep breath.

"Serafine..." he called.

"I'm fine," I whispered, and he didn't press further.

"Everything will be alright," he assured me. "Whatever you're feeling now, you know you can always count on me, right? You can tell me anything, baby—you know that, right?"

"Hmm," I hummed.

I don't know, Rai. I really don't know. Sana ay gano'n lang iyon kadali.

I kissed his jaw, pressed my face against his chest, and felt his hand gently stroking my back.

˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖

I NEVER GOT a call from my friends again, but Jenny and Jesusa started posting about me on social media. They made fun of me and cursed me—social climber daw ako na manggagamit.

Masakit pero ano bang karapatan ko para pa magkaroon ng violent reaction?

Well, Sera, you earned it. They're right—you're a scum.

Para hindi mabaliw kakaisip, nag-deactivate na lang ako ng social media accounts.

"Here's your order, Ma'am. Enjoy your meal," I told the customer, then turned my back.

"So, totoo nga—you're a waitress?"

Nilingon ko ang customer at nagulat ako nang mamukhaan ko siya. She was one of my acquaintances from parties I went to with my friends. Hindi ako malapit sa kanya, pero nakasasalamuha ko siya minsan.

"Dana," I called softly.

"Really, Serafine? You're disgusting!" she exclaimed.

I clenched my hand when I saw Mika, one of her friends, taking photos of me.

Dana chuckled. "Look at you! You look like a poor old hag!" she told me.

I heaved a deep sigh, trying to calm myself.

"Please, huwag dito, Dana, pero nasa trabaho ako," I said quietly. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. "We can talk outside, if you want—"

"Ang pangit ng lasa!" Mika suddenly yelled after tasting the soup I had just served them.

Nangunot ang noo ko. "Bakit? Ano? Papalitan ko na lang—"

"Nilagyan mo 'to ng kung ano, 'no?" she accused me.

I swallowed painfully. I have to be calm. I'm at work. Not now.

"Please, Mika..." pakiusap ko at mukhang gusto nilang magsimula ng eskandalo. "Papalitan ko na lang—"

"Nasaan ang may-ari?! Ang pangit ng serbisyo!" she exclaimed.

"Alam kong may problema kayo sa 'kin. Pakiusap, huwag n'yo sanang idamay ang trabaho ko—"

"I need to talk to the owner!" Mika screamed.

"What's happening?" I turned and breathed in relief when I saw Marco.

"Itong waitress n'yo—she should be fired!" Dana exclaimed.

Marco looked at me with concern, gently taking my arm and pulling me slightly behind him, as if to protect me.

"Serafine," Marco called softly.

Hiyang-hiya ako. "Marco, pasensiya na—"

"You have nothing to apologize for. Akong bahala dito. Can you call my Mom? She's in her office?"

"S-Sige." I nodded. "Salamat."

I quickly took the hot soup from the table and placed it back on the tray. Marco talked to Dana and Mika habang mabilis ang lakad ko, deretso ang tingin.

Suddenly, someone blocked my foot. Napatid ako at nawalan ng balanse kaya tumapon sa braso ang mainit na soap kasabay ng pagsabog ng halakhakan.

"Oops!"

I turned in the direction from which the voice came and saw Jenny pulling her foot back.

"Jenny!" Gino immediately stood from his seat to help me, but Jesusa stopped him.

"What the fuck are you doing?!" she exclaimed.

"Hindi na tama ang ginagawa n'yo!" Gino shouted, pushing Jesusa's hand away.

I immediately stood, my body trembling from humiliation in front of everyone.

A tear slipped down my cheek as I straightened up and glanced at my reddening arm. Kinakain na ako ng kahihiyan at galit mula sa mga nangyayari. Sa mga problema. Sa lahat ng 'to.

Tanginang buhay 'to...

"Sera—" Gino tried to hold me, but he fell suddenly to the floor because of a punch.

Napasigaw ako kasabay ng mga tao sa gulat.

"Rai!" I shouted when I saw him on the ground, mercilessly punching Gino's face.

"Lando! Help!" I called out.

Lando quickly grabbed Rai's arm to try and stop him but Gino seized the chance and punched Rai back, making him stumble.

I panicked. Hiyang-hiya ako sa kaguluhan dinala ko!

"Ephraim!" I screamed.

Doon na sila natigilan.

I rushed forward, grabbing Rai's arm—Lando and I tried to restrain him from his rage. His piercing eyes were dark, and his jaw was clenched tightly.

"Fuck you!" Rai cursed. "You don't get to hurt Serafine!"

"I'm not hurting her!" Gino shouted.

Gino moved closer and pulled me against him, but Rai was faster, snatching me. He placed his hand protectively on my waist, breathing heavily in frustration and pent-up anger.

"Bakit ka mo pinoprotektahan 'yan, Vioxx? That woman is a scum!" Dana shouted.

"Rai—" I tried to pull away, but his grip on my waist tightened.

"Stay here, Serafine!" he groaned.

"Vioxx! She's fooling you! She isn't rich! She's just a poor rat—"

"Stop calling her names!" he growled. Tension could be seen in the way his stance changed.

"Pero totoo naman! Don't get fooled by that pretty face—"

"I don't care if that pretty face will fool me," he spat.

"Piniperahan ka lang niya, Vioxx! Wake up! That woman isn't worth it!" Jenny screamed but Rai couldn't hear a thing—maybe he doesn't even want to hear anything.

"You're all gonna pay for this. No one messes with my girl and gets away with it," he said coldly, taking my hand and pulling me away from the restaurant.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co