Dancing With Fire (TO BE PUBLISHED)
Simula
[REVISED EDITION, 2026]
˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖
Simula
Playing With Fire
"THE FIRE THAT warms us can also consume us; it is not the fault of the fire," I read the quote on the vandalized wall outside the bar. It was a quote from Swami Vivekananda.
Ngumuso ako habang pinagmamasdan iyon at hinawi ko ang aking buhok.
That's only if you let it consume you. I won't be that foolish.
"Serafine! Come back here! Let's party!" tawag ni Jesusa habang kumakaway pa.
Sumunod ako sa mga kaibigan ko papasok sa bar. Nakita kong nando'n na si Gino, kinawayan ko siya at naglakad ako palapit sa kanya.
"Hi, Gino!"
He smiled handsomely and extended his arm, kaya lumapit ako't yumakap.
"I missed you!" I exclaimed.
He chuckled. He kissed my hair first before catching my gaze.
"I missed you, too. How are you? Lalo kang gumanda, ha?"
I smirked. "I know, right? How was the States?"
"Still the States. You?"
"Still pretty," sagot ko sabay ngiti.
We ended up laughing. Lumayo ako at pabiro ko siyang pinanliitan ng mga mata.
"May pasalubong ba ako?" I shot my brow up.
"Of course! Ikaw pa ba?" He wiggled his brow and showed me his phone. "I know you won't accept gifts if it isn't money, so sent!"
Wow...
He offered me his hand. "Can we dance?"
I accepted it with no hesitation. He led me to the dance floor, where we danced our hearts out.
Maski ang mga kaibigan ko ay nagkasiyahan sa dance floor. They were with their boys, too. They waved at me, and I chuckled and winked at them.
Humigpit ang hapit sa 'kin ni Gino, kaya natawa ako at bumaling sa kanya.
"Missed me?" I asked.
"Yeah. So much."
The night was young, but socializing had already been tiring. Sama-sama ang barkada na sumakay sa sasakyan ni Gino, siya kasi ang maghahatid sa amin pauwi. Kakagaling lang niya sa States kung saan ilang linggo siyang nag-stay.
"Sera, when are you going to tour us around your school?" Jenny asked from the backseat, referring to the prestigious university they know I was enrolled.
My back stiffened, but I let out a rehearsed smile before looking at her from the passenger seat.
"Soon, Jen." I chuckled. "Kakaibiganin ko muna ang guard para makapasok kayong lahat."
She gave me a thumbs up. Ngumisi ako sa kanya at muli akong bumaling na sa harapan. I tapped my fingers against the window, watching the city lights fade.
"Are you free tomorrow night?" tanong sa akin Gino kaya nilingon ko siya.
Umiling ako at ngumiti. "Sorry, I already have an appointment. Maybe next time?"
He nodded in understanding, something I was grateful for. As much as I wanted to join him, I couldn't—I have too much on my plate.
"Dito na lang ako," I said when I saw a familiar subdivision nearby.
"Ipapasok ko na lang sa loob—"
"No!" I exclaimed.
He stopped the car, at napansin kong nagtataka ang mga kaibigan ko sa likuran. Umiling lang ako at hilaw na ngumisi.
"I mean... the guards are strict. Kailangan may sticker ang sasakyan mo to get inside. Kaya ko naman pumasok mag-isa."
"P'wede mo namang sabihing magpapahatid ka lang, 'no? You lived here naman," ani Jenny. "Saka, we're dying to see your house! I hope we can have a girls' night there sometime."
"Sure, but not yet. Nire-renovate pa kasi ang bahay—I mean, ang mansion." I cleared my throat. "Nagpapalagay kami ng indoor pool kasi ayaw kong masunog ang balat ko sa labas."
"Yehey!" Jenny exclaimed. "We are excited, Sera!"
I waved goodbye at my friends, at kumaway rin sila sa akin.
Nang bumaling ako kay Gino ay napansin kong seryoso siya.
"I can try getting in, kakausapin ko ang guard."
I shook my head. "Ayos lang. Kaunting lakad lang naman, nand'yan na ang mansiyon."
He looked hesitant but let it go. He leaned in to kiss my cheek, stepped outside, and opened the door for me. I hugged him briefly.
Habang nakatanaw siya sa akin ay nagtungo ako sa guard house ng village ng rich kids at ngumisi sa guard.
"Hi, Kuya!" I waved at the guard.
Napakamot ito ng ulo at napailing sa akin.
"Ano na naman, Ma'am? Eh, wala ka namang bahay rito," aniya, kaya tumawa ako at nag-peace sign.
"Ano ba, Kuya?! Makisakay ka muna, please?" paglalambing ko. "May dala akong food pang-dinner!"
Napailing siya, pero wala nang sinabi.
Kumaway ako uli sa mga kaibigan ko, at nang tuluyan na silang nakaalis ay muli akong sumulyap sa guard.
"Thanks uli, Kuya! Dinner—galing restaurant 'yan!" Iniabot ko sa kanya ang pagkain.
"Salamat, Ma'am. Bumili ka na kasi ng bahay rito para totoo nang dito ka nakatira."
"Makabili naman 'tong si Kuya! Akala mo barya lang! Mahal-mahal d'yan, pang-rich kid!"
"Eh, mukha ka namang mayaman, Ma'am."
"Maganda lang ako at magaling manamit, pero zero balance."
We both laughed.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng guardhouse habang tumatawag ang BFF kong security guard ng village ng traysikel. Nang may dumating ay tinawag niya ako.
Nagpasalamat ako sa kanya bago lumapit sa traysikel. Natigilan ako nang masilayan ko ang driver na guwapo. He has blazing green eyes, hapit sa katawan niya ang suot niyang shirt, at macho siya!
Seryoso bang driver ito? P'wede siyang mag-model!
"Sakay na, Ma'am," anyaya ng driver.
My knees wobbled at his accent. Natataranta akong pumasok sa traysikel at hindi na nakapagpaalam sa BFF ko.
Ang guwapo! Jowain ko kaya—
Napatigil ako bigla nang maisip ko ang priorities ko. Dapat praktikal. Doon tayo sa MMM or Matandang Madaling Mamatay para sa akin na agad ang buong hacienda.
Sorry, ha? Hindi naman siguro magagalit si Maslow kung pera ang highest ko sa hierarchy of needs, 'no?
Mabilis kaming nakarating sa may kanto. Lumabas ako mula sa traysikel na ngiting-ngiti. Masaya kasi ako lagi kapag may guwapo. No'n ngang nagkatinginan kami'y medyo kinilig ako.
"Thank you!" I said. "Sana 'di ka mailang, gusto ko lang sabihing ang guwapo mo."
"Ah, maliit na bagay. Alam ko naman 'yon, Miss, kaya 'di ako maiilang," he said confidently like it wasn't the first time he heard it!
Nagulat ako sa sinabi niya at natawa. "I love the confidence! Dapat nag-model ka."
Nang tumawa siya, buong-buo ang boses niya. Nakapanghihina talaga ang mga guwapo!
"I'm not into modelling, Miss."
"You speaking English? That's amazing!" papuri ko. "I'm curious, bakit ka nag-driver?"
"May binubuhay kasi akong pamilya," he answered with a bit of amusement. "Kailangan magtrabaho, Miss."
May family na? Sayang!
"Gano'n ba? Sayang, p'wede kang mag-model, pero you do you." Kumuha ako ng bente sa pouch ko at iniabot ko 'yon sa kanya.
He took it. Akmang susuklian niya ako, pero umiling ako at ngumisi.
"Keep the change," I said.
His lips curved in amusement. He nodded, sumasaludo pa sa 'kin. "Thanks, Miss! Pang-Mik-Mik na rin 'to," tuwang-tuwa niyang sabi.
Naguguluhan man ay tumango ako at kumaway.
When he left, I walked toward our small community. Pagpasok ko pa lang sa eskinita ay sinalubong na ako ng mga batang nagtatakbuhan sa kalsada.
"Hi, Ate Sera na maganda!" My favorite kid, Biboy, waved at me.
"Hi, 'Boy! Uwi na kayo, gabi na."
"Maya na, 'Te! Nagwawala pa si Tatay sa bahay."
Itinago ko ang lungkot na naramdaman ko para sa kanya sa likod ng ngiti. Normal naman na naman ang gano'n sa ganitong buhay. "Sige, mag-iingat ka, ha?"
"Opo!" bibong sabi niya.
Habang naglalakad ako ay napangiwi at napailing ako dahil nakita kong nag-iihaw nanaman sa gilid ng kalsada si Aling Kipay. Mag-aamoy barbeque nanaman ang damit ko! Kailanganin ko na nanamang bumili ng Downy Passion para mag-amoy pang-RK ito!
"Hoy, Sera! Ang utang mo?"
Napapikit ako sandali nang mapansin ako ni Aling Kipay. Ngumisi ako sa kanya at dahan-dahang umatras.
"Bukas pa ang suweldo ko, Aling Keps!"
Ngumiwi siya at namaywang. She eyed me sharply. "Aba! Ilang linggo na 'yon, ha?" galit niyang sabi sa akin.
"Bukas na, Aling Keps," sabi ko sa kanya sa malambing na boses. "May suweldo ako bukas."
"Naku, Sera! Sosyal-sosyal niyang ayos mo, wala ka namang pambayad utang!"
"S'yempre, para magkapera, idaan natin 'yan sa alindog!" biro ko, pero kinakabahan talaga ako sa curlers sa buhok niya. Baka kapag natanggal ang mga iyon ay maging kulot ang buhok niya 'tapos magta-transform to ahas. Magiging si Valentina na si Aling Kipay!
"O, siya, sige! Lumayas ka na at malas 'to sa negosyo, o!"
Tumawa ako at kumendeng pa palayo para kunwari'y 'di kabado.
Nakarating ako sa parte ng community na wala nang masyadong nakatira. Nabili na kasi ng gobyerno ang kalahati ng lupain para sa road widening project nila.
Nakakatakot ang dilim ng paligid. I quickened my steps and kept eyes fixed on our house. My back stiffened when I heard noises. I turned my head toward it, and I froze when I saw something strange—a black van!
Sa takot ay napatago ako sa may poste, pero 'di ko napigilan ang pagsilip. Nakita kong lumabas mula sa sasakyan ang isang lalaki. He was wearing a black cap and mask, at balot na balot siya.
I looked at the van again. I mentally noted the plate number and glanced at the man again, observing him. Ang ilaw lang ng headlights ang nagbibigay liwanag sa lalaki. Nakatalikod siya sa 'kin. He's medium-framed, probably around five foot six.
May inilabas siya sa van. Mukhang mabigat iyon dahil sa mukhang na-stress siya.
He stripped off his shirt, and I caught sight of an old scar just below his shoulder— possibly from a burn?
My forehead creased as I realized the thing he was carrying was a large and long bag. It is shaped like a...
Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok. Kinabahan ako kaya walang pagdadalawang isip na kumaripas paalis.
O, paano kung multo 'yon, 'tapos minumulto na pala ako?
Nakahinga lang ako nang maluwag nang unti-unti'y nakarating ako mas maliwanag na parte ng community, at tuluyan lang nawala ang kaba ko nang makita ang kaibigan ko.
"Kikay!" I exclaimed when I saw her. Siya ay anak ni Aling Kipay.
She snorted, at naiiling niya akong sinalubong.
"Saan ka na naman kumalantari, Sera?"
"Wala. Nag-ikot lang ako, day off ko kasi."
"Asus! Kumain ka na ba? May barbeque si Mammeh sa loob, baka gusto mo kumain."
"Hindi na. Pabili na lang ako ng gulay saka Downy Passion."
Pumasok siya sa tindahan nila. "Sige. Lista ko ba?"
"Hindi na. May kalembang ako today!" I said proudly. Naglabas ako ng fifty at iniabot sa kanya.
"Yaman, ah. Madatung ba ang nakalembang natin?" pang-asar niya. Natawa lang ako at umiling.
"Salamat, Kay."
Itinago ko sa bag ko ang Downy Passion habang bitbit ang ulam para kina Tatay at Miggy—gulay saka takeout galing sa restaurant na kinainan ko kanina.
Naglakad ako papunta sa aming simpleng tahanan. Gawa iyon sa plywood at may butas ang bubong, malayong-malayo sa delusyon kong mansiyon with indoor pool.
Hindi pa ako nakakapasok ng bahay, sinalubong na ako ng yakap ng bunso kong kapatid.
"Hello, Miggy!" I brushed his hair. "May dalang pagkain si Ate. Tara, kain na."
Masaya niyang kinuha mula sa akin ang pagkain at nagtatatakbo siya sa kusina. Ako nama'y nanatiling nakatayo sa sala at inilibot ang tingin sa paligid.
"Si Tatay, Migs?"
"Umalis po, Ate. Trabaho daw po."
"Ayos na ba ang jeep ni Tatay? Nakabiyahe na ba?"
"Opo 'ata, Ate."
I was helping my brother prepare the dining table when the door opened. Lumingon ako do'n, at mas lumaki ang ngiti ko pagkakita kay Tatay. I walked toward him, but paused when I realized what he looked like.
He looked so worn out. Madumi ang damit niya at may pula siya sa braso.
Is that blood?
"'Tay?!" My eyes widened. Tumakbo ako palapit sa kanya. "Ano'ng nangyari? Bakit ka may sugat?"
He sighed. Akmang hahawakan ko ang braso niya nang lumayo siya ng bahagya at umiling.
"Galos lang ito, anak. Inaayos ko kasi ang jeep at tumama iyong braso ko ro'n sa isang gamit at natusok."
"Malaki ba ang sugat?" I asked him, worried, pero umiling lang siya.
"Hindi, anak. Sige na, aayusin ko lang itong sugat ko. Pakainin mo na ang kapatid mo at baka umuwi ang nanay mo't magalit."
I couldn't let go, worried about him, but he had already left. Mukhang ayos naman siya kaya ibinalik ko na ang atensyon ko sa kapatid ko na mukhang nag-aalala rin.
"Natamaan lang si Tatay ng makita sa jeep," paliwanag ko sa kanya. He calmed down, naupo siya sa tabi ko kaya ngumiti ako at humalik sa noo niya. "May assignment ka, Miggy? Sagutan natin pagkakain?"
Miggy slept beside me tonight. Sa papag ng maliit kong kuwarto ay sinigurado kong komportable siya, pinagdikit-dikit ko pa ang mga unan para 'di siya makaramdam ng sakit sa likod. Gusto ko mang bilhan siya ng sarili niyang kama, may mas malaki kaming priorities kami ngayon.
Dinig na dinig ang pagtatalo nina Nanay at Tatay sa kabilang, pero siguro'y sanay na ro'n si Miggy kaya mahimbing pa rin ang tulog niya.
˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖˚ˋঌ˖
NAGISING AKO KINAUMAGAHAN dahil sa alingawngaw ng sirena ng pulis. Nang dumilat ako ay hindi ko naabutan si Miggy sa tabi ko kaya tumayo agad ako.
I yawned. Mabilis akong nag-ayos bago lumabas ng kuwarto. Walang tao sa sala kaya dumeretso ko labas ng bahay at nagtaka ako nang mapansing may isang umpok ng tao na nagkakagulo.
Nakita ko ang kapatid ko na nakikiusyoso kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya.
"Miggy, bakit hindi ka nagsasabing lalabas ka?"
"Ate, may patay!"
Natigilan ako at nanlamig nang makita ang isang mahabang bag na kulay itim. Bitbit iyon ng pulis patungo sa isang ambulansya.
My heart raced. Nag-uusap-usap ang mga tao sa paligid, pero tila nabingi ako at ang mga mata ko'y nakatuon lang sa bag.
It was the same bag from last night! Hindi ko alam kung saan 'yon dinala ng lalaki pero... There was a person inside it? Did I just witness a possible murder?
"Engineer, Miss Akisha was last seen in a bar—sa bayan. Doon siya naglalagi."
Naagaw ang pansin ko nang narinig ko. Lumingon ako sa direksiyon kung saan iyon nagmula at nakita kong pulis iyong nagsalita. May kausap itong lalaki.
The man had sharp brown eyes. He was tall—easily six feet two or more—with a lean frame. Hapit sa kanyang katawan ang suot niyang itim na long-sleeved shirt, tsokolateng slacks, at leather shoes. His hair was neatly styled, at ang matangos na ilong ay tila nililok ng isang magaling na iskulptor. His lips—red and firm—were set in a grim line, and the stubborn cut of his jaw only made him look more manly.
"Her driver?" His voice almost made me stop breathing.
"Pinauwi raw po ni Ma'am," sagot ng pulis.
"Sera!"
Nawala ang atensyon ko sa kanila nang hilahin ni Kikay ang kamay ko.
"H-Huh?"
"Grabe, ano? Nakita raw 'yong bangkay sa may construction site—sinubukang ilibing do'n sa tagong parte pero may nakapansing tambay kanina! Kahapon pa raw nawawala 'yong babaeng, pinatay daw!"
Lalo akong nanlamig. Bumabalik sa utak ang mga nakita ko kagabi. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang lahat.
"'Kita mo 'yong guwapo do'n?" Itinuro niya 'yong guwapong lalaki na tinititigan ko kanina. "Sabi nila, fiancée daw n'yan 'yong babae. Bigla raw nawala 'yong babae, pero hindi na-report na missing kasi wala pang twenty-four hours, pero ayan!"
"T-Talaga?"
Muli akong sumulyap sa lalaki. Sa pagkakataong ito ay nakatitig na siya sa akin kaya kinabahan ako at napaiwas ng tingin.
"At ito pa ang pasabog, may malaking reward daw ang kung sino mang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa nangyari!"
Nabuhayan ako sa narinig at 'di ko na napigilan ang bibig ko.
"M-Magkano?" I asked.
"Five hundred thousand! Kaloka! Sana nakita ko ang nangyari! Easy money!"
It was very disturbing to talk about reward money when someone had just died, but...
Muli akong sumulyap sa body bag na nasa sasakyan na. May bahid pa ng dugo ang labas no'n.
I have information! It will help solve the woman's case and then I'll have money!
Bumaling ako sa pulis at nahuli ko uli ang tingin no'ng guwapong lalaki. I wasn't sure whether he hadn't taken his eyes off me or if it was just an accident.
He carried an air about him—intimidating yet fascinating. His arms were crossed firmly over his chest, the bulk of his biceps unmistakable. His expression was serious, his demeanor was cold.
"Five hundred thousand?" I asked.
"Oo! Sinabi 'yon kanina kaya nagkakagulo ang mga tao. Ikaw? Baka may alam ka? Share ka naman," biro ng kaibigan ko, pero hindi ko nagawang tumawa dahil totoo namang may alam ako.
Muli akong sumulyap sa lalaki at nakita kong mula sa akin, nahulog ang tingin sa orasan niya.
Nang umalis na ang sasakyang lulan ang bangkay ay nawala na rin ang mga tao.
"Pasok ka muna sa bahay, Miggy," I told my brother. Tumakbo si Miggy papasok sa bahay namin. P'wede akong sumunod sa kanya, pero may sariling isip ang mga paa ko at dumeretso ang mga ito ng lakad patungo sa mga pulis.
"Una na kami, Engineer. Babalitaan ka na lang namin kapag may lead na," narinig kong sabi ng isa sa mga pulis sa guwapong lalaki.
"Okay, thank you," he said in a monotone voice.
The man and I locked eyes again. His forehead creased before he looked away, turning his back on me, kaya tinawag ko na siya.
"W-Wait, excuse me!" I exclaimed, kaya napatigil siya. Unti-unti siyang pumihit, mukhang bored at iritado pero wala akong pakialam. If not now, kailan pa ako magkakaroon ng tiyansang magsabi ng nalalaman?
"Yeah?"
I nearly stumbled when his deep, chocolate-brown eyes locked onto mine. His baritone voice made my stomach twist.
"About the reward..." I started.
His brow shot up, interest flickering in those cold, chocolate-brown eyes of his.
"You have information?" he asked.
"Uhm..." I cleared my throat. "It's a half-million, right?"
"Yes," aniya, may pagtataka pa rin ang tingin.
"I have information."
Sa pagkakataong ito lang siya naging alerto. "What? Did you see something?" aniya.
Kinagat ko ang labi ko at bahagya akong tumango.
"Yes, but I have one condition before I give you the information," I said bravely.
"What?" Nagpamulsa siya at tumitig sa akin.
"One million peso in exchange for the information," I said, wala nang hiya-hiya!
He was startled because of what I said. He looked at me like I had grown another head. Mukhang aayaw siya! Damn, Sera! Mukhang pati kalahating milyon papalya!
"But it's your decision. Okay lang naman sa akin kung ayaw mo," bawi ko kunwari para manakot.
I thought I'd have to convince him more, so his immediate answer caught me off guard.
"Deal," he said nonchalantly.
Umawang ang mga labi ko nang inilahad niya sa akin ang kamay niya. Tumitig ako do'n saglit bago ko tinanggap iyon.
His hand, worn and calloused, closed firmly around mine. My heartbeat surged as his gaze held me captive. Those damn eyes!
"Deal," I whispered, my voice trembling as I tried to hide the fascination burning inside me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co