Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 11

InsaneSoldier

Natigilan ako nang may bumunggo sa pushcart ko. Hindi ako tumingin sa nakabunggo at balewalang iniatras ang cart at pupunta na sana sa kabilang side nang mabunggo ulit ito. Tangina.

Ganoon na lang ang pagbangon ng inis ko nang makilala ko kung sino yung hayop na nantitrip sa akin. Nakasuot siya ng plain gray na shirt, white shorts, at sneaker shoes. Sling bag lang ang dala niya. Nakalugay rin ang mahaba at itim na itim niyang buhok as usual. "Tangina ka."

"Dirty mouth talaga," Maarte siyang tumawa. Kahit kailan talaga nakakairita siya. "Hi, Maria Clara."

"Layas."

"Ay, mall mo 'to?" Natawa siya ng malakas. Binitawan niya yung hawak na pushcart na napansin kong wala palang laman at tumabi sa akin. Tiningnan ko siya ng masama. "Samahan na kita. Magsisimula ka pa lang ba? Kaunti pa lang laman ng sa'yo, eh."

"Ano bang ginagawa mo rito?" I asked instead. Tangina, akala ko pa naman ay magkakaroon ako ng araw na walang makikitang Eris Abelardo pero...hay nako. Ang malas ko naman at ako pa ang napag-interesan guluhin ng babaeng 'to. "Gawin mo yung dapat mong gawin, huwag kang epal."

"Tambay lang ako today."

"So anong meron at may dala kang pushcart?"

"Ginamit ko lang para ibunggo sa'yo." Humagikhik siya pagkatapos sabihin iyon. Lalo yata akong nabanas dahil sa ginawa niya. Napaka talaga! "I'm planning to buy some apples din. I'll behave if you'll treat me."

"Asa namang magb-behave ka."

"I can be like that, you know." Ngumuso siya. Sinubukan niya pang makihawak sa handle ng pushcart ko kaya tinapik ko palayo ang kamay niya. "Sungit naman. Samahan na kasi kita."

"Wala ka bang balak magpaawat?"

"Hmm..." Nagkibit siya ng balikat at ngumiti ng matamis. "Wala."

Huminga ako ng malalim. I tried to calm myself down. Ayoko mang aminin pero sa tagal ng panggugulo ni Eris ay nasasanay na ako sa presence niya. No'ng gabi na tumawag siya sa akin at tinanong ako kung ayaw ko siya maging kaibigan, hindi ko talaga sure ang isasagot. Parang...gusto ko, na ayaw.

Ah...tangina talaga.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kailangan ng ibang tao. Hindi ko sinasabing kailangan ko 'tong babaeng ito, siguro simula nang nag-decide siyang pag-trip-an ako, kahit na nakakainis siya, yung ingay niya, yung kagaguhan niya, yung mga pasaring niyang nakakapagduda sa sexual orientation niya, pakiramdam ko lahat iyon naging part na ng daily life ko.

"So, ano na?" tanong niya.

"Nag-alcohol ka ba?"

"With sanitizer!"

Tumango ako. Naglakad ako tulak-tulak ang pushcart. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. I don't have the list of what I should buy, basta iniisa-isa ko lang yung mga sections at kumukuha ng sa tingin ko ay kailangan ko. Pero lagi kong hinuhuli yung mga bilihing related sa hygiene at cleanliness ng bahay.

"You brought your car?"

Tumango ako sa tanong niya. Kumuha ako ng condiments. Napansin naman niya yung mga kinuha ko.

"Mahilig ka sa maanghang?"

"Oo." sumagot ako. Nilagpasan namin yung section at nagpunta naman sa kasunod.

"Same!"

"Gaano kaanghang kaya mo?"

"I'm not sure." Nakihawak siya sa handle ng cart. Ang lapit niya sa akin. Hindi ko siya aawayin...for now. "Pero nasubukan ko na yung Shin Ramyun tsaka Samyang."

"Yung pinakamaanghang?" Tumango siya. "Maanghang nga. Kamusta?"

"Nakakamatay pero masarap." Nag-thumbs up siya. "Solid!"

Hindi ako sumagot. For the next few minutes ay nanahimik lang kaming dalawa, panay ang pagkuha ng mga food items. Minsan nagtuturo si Eris at tinatanong kung pwede yung kinuha niya. Yung iba ayos naman, yung iba pinababalik ko sa lagyanan.

Nang mapadaan kami sa section ng mga prutas at gulay ay nahuli ko yung pasimpleng pagtingin niya sa apple. Wala naman din siyang binanggit. Nang lumingon siya sa ibang item ay saka ako pasimpleng kumuha ng mansanas at nilagay ko sa medyo malalim na part ng cart namin na hindi niya mahahalata.

--

"Uwi ka na?" Tanong ni Eris pagkatapos niya akong tulungan sa mga pinamili. Ipinasok niya sa backseat yung last na eco bag. Lagi akong may dalang sariling lagyanan dahil alam kong malinis iyon since galing sa akin.

"Oo, bakit?"

Ngumiti siya. "Gusto ko sana ayain ka maglibot pa sa mall?"

"Ilang beses ko nang nalibot ang mall, wala namang bago."

Ngumuso siya. Hindi ko maiwasang mapairap. Maigi sana kung cute, eh, hindi naman. "Ayaw mo maglaro?"

"Maraming humahawak doon na pawisang bata at feeling bata-"

"Hindi ako feeling bata-"

"Feeling bata ka. At maingay doon." I finished.

Hindi ko alam kung anong ka-enjoy-enjoy sa ganoong lugar na halos hindi na magkarinigan mga tao ro'n. Mga gamit napakarumi. Maglaro lang shooting game, after no'n yung kamay ng naglalaro parang nilubog sa putik sa dumi.

"Pero masaya pagpawisan!"

"Tumakbo ka hanggang pagpawisan ka."

"Boring."

"Exactly. Boring maglaro."

"Hindi 'yon—"

Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan kaya napahinto siya. Nang makasakay ako ay sinipat ko ng tingin si Eris at nahuli ang pagsimangot niya pero kaagad ding ngumiti ng matamis. "Sakay."

"Huh?"

"Bingi ka, Eris Abelardo?"

Napailing siya at natawa. Walang salitang naglakad siya paikot at sumakay na rin. Katabi ko siya. No'n ko lang na-realize na tinawag ko siya sa pangalan niya talaga. Hindi ko na lang pinansin.

She exhaled audibly and stared at me. "Bango."

"Malamang."

"Parang ikaw."

"Tangina mo."

"I was complimenting you."

Hindi ko siya pinansin at binuhay na ang sasakyan. I opened the aircon dahil mabilis na uminit sa loob. Ayoko namang buksan yung bintana masyado at alikabok lang makukuha namin. Polluted amputa.

"Saan pala tayo pupunta? Kasi 'di ba uuwi ka na? Kung ihahatid mo ako pauwi, out of the way ka."

"Sa malapit na bangin kung saan ka pwedeng ihulog." sagot ko. Hindi siya kumibo kaya napalingon ako sa kanya. She was grinning like an idiot. "Anong itsura 'yan?"

"Wala lang," She chuckled. "Feeling ko lang mabait ka today."

"Kung ilaglag kaya kita ngayon pa lang?"

"Alam mo hindi lang dirty bibig mo, thoughts mo rin dirty."

"Manahimik ka na nga lang." Napabuntong-hininga ako. Nakakapagod kausap 'tong babaeng ito.

"Mahilig ka ba sa music? Can we play some?"

"Buksan mo yung radio."

"Sunday ngayon, eh." Parang batang reklamo nito. "Puro old songs!"

"Anong atraso ng old songs sa'yo?"

"Puro Delilah maririnig ko!"

Napapikit ako saglit dahil sa attitude niya ngayon. She's extra childish today. "Putangina."

"Bad magmura."

Inilabas ko ang phone at ini-connect iyon. I opened my Spotify, played some random music, at mukhang kumalma naman siya. "Happy?"

Tumawa lang siya. Parang gago talaga.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay naging smooth na rin naman na ang pagmamaneho ko. Almost one na ng hapon at hindi pa rin kami nagl-lunch.

"Gutom ka na ba?" tanong ko.

Bahagya niyang hininaan yung volume ng kanta. "Oo, eh. Hindi kasi ako nag-breakfast."

"Siraulo ka."

"Nakakatamad kumain."

No wonder she's slim. Pero relate naman ako sa kanya. Nakakatamad kumain kapag mag-isa. Most of the time nalilimutan ko rin kumain lalo na kung busy ako. Nakakatamad maghain para sa sarili.

"Okay, malapit na tayo."

"Saan?"

Ipinark ko ang sasakyan ko. Parang nagulat pa siya na hindi ko maintindihan. Well, sa ibang lugar ko lang naman siya dinala. Halatang gusto niyang magtanong kaya tumango na lang ako. "Dito ako nakatira."

"Oh..."

Bumaba ako at sumunod naman siya. Tinulungan niya ako sa pagdadala ng mga pinamili namin. Panay lang ang buntot ni Eris hanggang sa mabuksan ko ang pinto ko at makapasok sa loob. Nilagay ko sa gilid yung eco bag pati na rin yung dala niya. Hinubad ko ang sapatos at sinuot yung nakahandang slipper. She was about to go na rin nang pigilan ko siya. "Diyan ka muna, kukuha ako ng extra slipper para sa'yo."

Binitbit ko yung mga na-grocery at dinala sa kusina. Saka ako kumuha ng slipper na gagamitin ni Eris. Ganoon pa rin ang puwesto niya nang madatnan ko siya. Kusa na niyang hinubad ang sapatos at ginamit yung binigay ko sa kanya. Saka lang siya nakapasok.

Nang mai-lock ko ang pinto ay iginiya ko siya hanggang sa living room. Maliit lang naman ang bahay ko. Nasa right side ang sala, sa kaliwa ang kitchen and dining area. Umupo siya sa sofa matapos niyang buksan ang fan at nilibot ang tingin sa kabuoan ng pamamahay ko.

"Your place looks really neat...at mabango."

Tumango lang ako at dumiretso sa kusina. I started arranging the stuffs that I bought. Napatingin ako sa apple na isinama ko sa pagbili na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaabot sa kanya. Hindi niya napansin na binili ko 'yon dahil para siyang bata kanina na panay ang tingin sa kung saan-saan. Itinago ko na lang din muna iyon.

"Do you need help ba?" narinig kong tanong niya. Umiling ako nang hindi lumilingon. "Then can I open the tv?"

"Ikaw bahala."

Umingay ang paligid. Naririnig ko yung pag-iba-iba ng palabas, mukhang naghahanap siya ng panonoorin na trip niya. Nagpatuloy ako sa pag-aayos habang napapaisip kung bakit ko nga ba siya dinala rito. In the first place ay against ako sa ideya na malalaman niya kung saan ako nakatira, kaya nga no'ng gumawa kami ng thesis proposal ay sa bahay niya ang pinili ko.

Pasimple ko siyang nilingon. She looked so engrossed with what she's watching, she was smiling a little bit, siguro natutuwa sa kung ano mang palabas sa tv. I rarely watch, in terms ng news, nagbabasa na lang ako online para ma-filter ko kung ano lang ang gusto kong malaman. Wala naman na ring matinong balita ngayon sa tingin ko. Paulit-ulit na lang.

Putangina. Bakit ko ba siya ino-observe? Huminga ako ng malalim at tinapos na ang ginagawa. Nilapitan ko siya kaya napatingin siya sa akin. "Magpapalit lang ako ng damit. Ikaw, gusto mo ba?"

"Pahihiramin mo ako?"

"Malamang, may dala ka bang extra?"

"Wala, eh."

"Edi huwag ka nang magtanong." Inirapan ko siya. "Ano na nga, magpapalit ka ba?"

"Oo sana, sungit."

"Tangina ka." I muttered. Mukhang narinig niya dahil tinawanan lang niya ako.

Pumunta ako sa kwarto at nagpalit na ng damit. Nakakapanlagkit talaga lumabas ng bahay. Malamig sa mall pero ang dumi sa feeling, lalo na kapag lumabas na, biglang pawis kaagad. Tumingin ako sa salamin at sinipat ang sarili, I looked fine na. Inayos ko saglit ang buhok ko na medyo humahaba na naman. Kumuha ako ng damit na ipapagamit kay Eris. Matangkad siya sa akin kaya medyo malaki na ang pinili ko. Kumuha na rin ako ng short.

Inabot ko iyon sa kanya paglabas ko. Itinuro ko kung nasaan ang banyo. Walang salitang sumunod naman siya habang ako ay bumalik ulit sa kusina para i-prepare yung lulutuin ko. Gusto kong mag-noodles. Lalagyan ko na lang ng meat at veggie para kahit papaano ay healthy.

"Noodles?"

Napamura ako ng malakas nang bumulong siya sa tainga ko. Ni hindi ko napansin na nandito na siya. Hinarap ko siya at hinampas ng malakas sa balikat. She winced and then chuckled.

"Ang bigat ng kamay mo."

Napahawak ako sa tainga ko. Pakiramdam ko nakatindig pa rin ang balahibo ko sa ginawa niya. "Huwag kang lalapit sa akin ng gano'n, tangina nito."

"Bakit?"

"Kasi ayoko!"

Nagkibit siya ng balikat habang nagh-hum. "So, noodles ang late lunch natin?"

"Oo kaya kung ayaw mong mapalayas ng walang kain, umayos ka diyan."

"Fine," Ngumuso siya. "Sungit mo talaga, Maria Clara."

Hindi ko siya kinibo kaya umupo na lang siya at humalumbaba sa lamesa. Tinuloy ko naman ang ginagawa. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng bisita. Ayos din naman pala kahit papaano, pero tingin ko matagal pa ulit bago 'to maulit. Ang ingay ni Eris at nakakainis pa rin siya.

"Matagal ka na ba rito?"

"Ilang taon na rin."

"Never ko pa sinubukang bumukod kay Papa since siya naman ang sumusuporta sa pag-aaral ko. Madalas siyang wala pero may kasama pa rin naman ako sa bahay. Hindi ka ba nahihirapan na mag-isa?"

"Hindi." sagot ko. Nilingon ko siya saglit. "Mas comfortable na ako lang."

Dahil mag-isa lang ako rito ay mas marami akong oras para sa maraming bagay. Sarili ko lang ang pinaglalaanan ko ng panahon. I don't have friends to hangout with, I don't have family to talk to. When I have a lot of free time, I read, or do anything that's in my mind. Sa point of view siguro ng ibang tao ay malungkot ang buhay ko. But it's not lonely if you find solitude as a company.

"Hindi ka mukhang busy, Bianca. Sinong nags-support sa financial needs mo?"

"Sarili ko. I'm working."

"Anong work mo?"

"Basta trabaho."

"Masikreto ka, alam mo 'yon?"

Hindi ako sumagot. Hindi na rin naman siya nagtanong pagkatapos no'n. Tahimik na natapos ako sa niluluto. Kaagad kong inihain iyon sa lamesa at si Eris, akala mo ngayon lang nakakita ng pagkain kung makatingin sa niluto ko.

Pinaghain ko na siya pati ang sarili ko. Nang makaupo ako ay hinintay niya pang ako ang unang kumain bago siya sumunod.

"Bakit ang sarap!" Exaggerated na reaction niya. Ewan ko kung matatawa ako o ano. "At maanghang!"

"Noodles lang 'yan."

"With meat and veggie!"

"Noodles pa rin."

Tumawa siya at umiling. "Bianca, you're nice."

Tiningnan ko siya ng masama pero parang lalo lang siyang natuwa. Tumayo ako at kinuha sa ref yung mansanas na binili ko para sa kanya at inabot iyon. 

"See? Nice."

"Tumahimik ka at baka ipalunok ko sa'yo 'yan ng buo."

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co