Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 14

InsaneSoldier

"Ang lalim naman ng paghinga na 'yan."

Napalingon ako kay Eris nang marinig iyon mula sa kanya. Hindi ko siya pinansin habang inaayos ang papers namin. Hindi ko naman din masungitan itong babaeng 'to dahil nandito pa kami sa room kasama ang panelist.

Kakatapos lang ng thesis proposal defense namin at sa wakas ay nakapili na ang panelist kung anong title ang magm-move forward. It took us almost an hour and a half dahil enjoy na enjoy itong mga prof magtanong sa bawat titles namin. Mga tanginamers akala mo napakatatalino magsitanong.

They said all three titles are interesting, kahit ano raw yata ay pwede namin i-push. So, ang nangyari, imbes na sila ang pumili out of three titles ay sa amin nila binigay ang desisyon to push which title to go with. Siyempre, we took the advantage of getting the one na most workable and easiest to do─kahit wala naman madali sa paggawa ng research.

We settled with quantitative, kaysa naman mag-quali kami or mixed.

Wala naman silang naging violent reaction o kahit ano, dahil pabor nga sila sa lahat ng titles. We've just made the defense really entertaining and interesting for them and unknowingly set the bar higher for others na magd-defense pa lang.

In short, walang sense itong defense dahil kami pa rin ang pumili ng title. Hindi sa nagrereklamo ako. Okay ngang kami pumili, kaya nga walang sense na nag-defend pa kami.

Iisipin ko na lang na ganoon kami kagaling.

Paanong hindi? Nagc-complement kami masyado ni Eris sa isa't isa. We were able to supply each other's lacking. Kapag may hindi ako masagot ay siya ang nags-step up and vice versa. Marunong ito makipag-cooperate and her overall appearance and accent screams confidence.

We did better kaysa sa previous practices namin. Mukhang magiging smooth ang research dahil na rin sa kanya. Pinapatunayan talaga ng loka-loka na good catch siya at wala akong pagsisisihan na naging partner siya.

Pagtapos namin mag-thank you sa mga prof ay lumabas na kami ng room. Nabungaran pa namin sina Kara at Kean maging ang ibang magd-defense na naghihintay lang. Agad naman nagsilapit yung magkapatid, yung ibang estudyante aba parang mga tsismosong lumapit din ng kaunti.

Mga tanga talaga 'to.

Napapunas ako sa sarilu dahil kung anong lamig sa room ay siyang init dito sa corridor. Paano ba naman kung magsisikan sila ang inam. Tangina.

"Uy, kamusta? Madali lang?" tanong kaagad ni Kara. "Ang tagal ninyo, Ris, kinabahan tuloy kami. Maraming tanong?"

Tumango naman itong kasama ko. "Madali lang yung tanong basta inaral ninyo yung research ninyo. It's your research, you know it better than the panelists."

Tumango naman yung mga nakiki-tsismis din. Akala mo na-gets nila. Nags-sugar coat lang naman 'tong Eris Belona na 'to, eh.

"Pwede ba mag-Tagalog? Sabi kasi English policy daw kapag defense."

"Hindi ko sure, English lang ginamit namin ni Bianca, eh. Pero Tagalog ibang tanong nila."

"Bakit ninyo naman ginalingan sa English? Kinakabahan tuloy kami. English broke ako."

"Maayos naman grammar mo, chin up lang. Relax, huwag ka kabahan."

"Eh, bakit ang tagal ng defense ninyo? Almost two hours kayo ro'n kaya."

"They kinda enjoyed asking?"

"Paano kapag ganyan din sa amin?"

"Kaya ninyo iyon."

Parang hindi naman na-satisfied yung iba sa sagot ni Eris. Ewan ko ba't sila tanong ng tanong, eh, wala rin naman sila choice kung hindi sumabak sa defense. Natigilan lang ang mga ito nang magtawag na ng kasunod na students. Sina Kara at Kean na pala.

They look confident naman, lalo na si Kean, para bang sa kanilang magkapatid ay ito ang prepared talaga. Si Kara naman ay parang wala sa sarili na nagm-mental notes pa yata ng ic-cite.

"Galingan ninyo, girls." Yumakap si Eris sa dalawa. "Sisiw lang 'yan sa inyo."

"Hopefully," Kean gave a toothy smile. Hinila na nito ang kapatid papasok sa loob.

Yung mga students namang iba ay nagpatuloy na ulit sa pagp-practice. Halatang mga kaba-kaba.

Napasimangot ako nang hawakan ako ni Eris sa braso pero hindi ko naman na hinila pabalik dahil mangungulit lang ito. "Where do you want to eat?"

Wala kaming klase the whole day dahil considerate enough ang profs namin for minor subjects na kunin na namin ang buong araw para lang sa defense. Kaya wala na rin kaming gagawin dito sa school.

"Bakit?" tanong ko. Nagsimula na kaming maglakad pababa ng floors nitong building. Siya naman ay panay ang sunod sa akin dahil siyempre parehas lang naman kaming aalis na. Pero dadaan muna siguro ako ng clinic para magpalit ng damit. This formal attire is very...tight and uncomfortable. "Uuwi na ako."

"Bakit naman?" Pakiramdam ko ay nakanguso si gago nang isatinig iyon kahit hindi ko silipin ang expression niya. "Let's go celebrate!"

"Huh?" Hindi ko na maiwasan mapalingon kaya agad siyang napahinto. Nasa landing naman kami kaya hindi delikadong huminto. Inirapan ko siya. "Anong celebrate? Thesis proposal, magc-celebrate ka?"

Nagkibit siya ng balikat at binigyan ako ng matamis na ngiti. Sinipat ko ang kabuoan ni Eris—mukha siyang kagalang-galang as usual. Pero dugyot.

Nakasuot siya ng itim na trouser pants at heeled shoes na pinaresan ng puting long sleeve na plain coral polo lady shirt. She even matched the outfit with a silver necklace. Pwede na siyang panel sa datingan lalo pa't muli na namang nakapusod ng mataas ang mahaba nitong buhok. With light make up pa na natural ang datingan.

Parehas kami ng top, ngunit short sleeve ang akin na kulay light blue, habang pencil skirt naman ang pambaba ko. Nakasuot ako ng silver colored na watch dahil ni-request niya nang malaman na may relo naman pala ako. Gusto pala ng babaita ay match kami kahit papaano.

"Ano na?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi na siya kumibo. Akala mo na-stroke. "Galaw-galaw at baka pumanaw. Tangina nito."

Tinawanan niya ako. Napaangil ako nang kunin niya mula sa akin ang panyo ko. Walang anu-ano'y siya ang nagpunas ng pawis na namumuo sa noo at sentido ko, pati sa leeg ko ay pinunasan niya.

"Inaaya ka lang kumain, kahit hindi na celebrate. Sungit mo talaga, Maria Clara."

"Nakaka-badtrip ka." Lalo akong naiinis kaka-Maria Clara niya, eh.

"Alam ko," Nginitian niya ako kahit wala naman nakakatuwa sa sinabi ko.

Naglakad na kami ulit hanggang makalabas ng gusali. Parang kabisado na nito ang galaw ko dahil ni hindi itp nalito sa dinaanan ko kung saan papunta ang clinic. She now knows very well that I won't go home without changing my clothes lalo na kung masyado akong pinagpawisan o pakiramdam ko ay nanlalagkit ako.

Minsan nga pati siya nagdadala na ng extra damit dahil kapag nakikiligo ako sa clinic ay ganoon na rin ito. Parang tanga, hindi ko naman sinabing makigaya siya.

"Sir June, makikiligo," kaagad kong sabi pagdating.

Si Sir naman ay kibit balikat lang sa akin. Tumango pa siya nang makita itong kasama ko. Suki na talaga kaming dalawa ng clinic. Mas mukha pa nga 'tong paliguan kaysa tambayan ng mg may sakit, nagpapanggap na may sakit, at mga babaeng may dysmenorrhoea.

"I'll take a bath din," paalam sa akin ni Eris.

Hindi naman ako kumibo at dinala na ang pamalit ko pati nang towel. Sabay kaming pumasok sa magkahiwalay na cubicle. Asa naman na literal na magsasabay kami. Ew.

--

"We'll eat, ah." Nilagay namin ni Eris yung gamit namin sa backseat bagp pumasok sa loob. "Huwag ka nang kumontra."

"Bahala ka nga," Napapabuntong-hininga na lang talaga ako dahil sa kulit niya.

Natanggap ko na yatang hindi siya tatablan ng kahit anong pagsusungit at pagmumura ko. Matigas pa kasi sa semento ang mukha niya. Putangina talaga.

Nakaka-stress si Eris, minsan gusto ko na lang siya itapon.

Nakakahiya naman din kasi dahil kinontak niya talaga ang family driver nila para dalhin itong sasakyan na gamit namin. Nagsimula nang magmaneho si kuya habang ako ay nasandal na lang.

Natigilan lang ako nang ayusin ni Eris ang mga gamit na nasa gitna namin at inilipat para siya ang katabi ko. Sinipat ko siya ng masamang tingin. "Gago ka ba?"

"You're so mean talaga," Walang anuman na sagot nito. Kinuha niya ang mismong kamay ko. Kukunin ko na sana iyon pero parehas niyang nilagyan ng sanitizer ang mga kamay namin at ni-rub iyon sa isa't isa.

"What the fuck?"

"Ayaw mong hinahawakan kasi so, there," She grinned. "Parehas na tayong malinis."

"Kadiri ka," Inirapan ko siya. Sinubukan kong kunin ang kamay ko pero ayaw bumitaw, anak ng talaga naman!

Walang nagawa na hinayaan ko na lang siya lalo na nang mapansin kong lumingon sa amin ang driver niya. Nakakatakot pa naman mukha ni kuya, baka kapag sinaktan ko itong amo niya ako ang bumulagta na lang bigla.

Mas mukha kasi itong bouncer kaysa driver.

Natigilan ako nang pumalibot ang braso ni Eris sa balikat ko kaya naitulak ko siya pero parang hindi ito apektado. "Putang—"

"You're sleep deprived, 'di ba?" Pagputol niya sa akin. I can almost feel my raging heartbeat and I'm not certain if it's beating hard because I'm scared or because of something else. "You look really tired. Ina-adjust lang kita to lean on me so you can take a nap."

"Kaya ko ang sarili ko."

Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin iyon, pero parang nakaka-intimidate na hindi ko maintindihan. Her gaze looks soft but penetrating, para bang nababasa niya kung anong nasa isip ko. It feels strange and unfamiliar. I don't get that kind of stare from time to time.

Hindi maganda sa pakiramdam. "Ba't ganyan ka tumingin?"

"Ano?"

"Ang pangit," ang nasabi ko na lang.

Natawa naman siya. This time ay tuluyan na niya akong naisandal sa balikat niya. Ayoko man ay nakaramdam ako ng pagka-relax. Para bang may burden na nabawasan sa akin. Ewan ko kung bakit. Pasimple akong huminga ng malalim. I smelled her fruity scent.

Masyadong matamis. Pero hindi ko naman sinasabing ayoko ng amoy na 'yon.

_____

Woops.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co