Chapter 24
"Hindi talaga kayo papaawat, 'no?" Ang walang magawang tanong ko sa dalawang kasama. Sabay silang tumango at akala mo bulilit na nagpa-cute parehas sa harapan ko — more like, si Zeke lang ang mas nagpa-cute. "Pota."
"I sure do like it when you use blatant profanities, Bianca bb."
Parang gusto kong sakali si Zeke sa narinig. Tumawa lang naman si Amber.
Napahinga na lang ako nang malalim pagkababa namin ng sasakyan nila. Sinundo nila ako ng pagkaaga-aga para dalhin dito sa school kung kailan last day na ng University event.
Wala akong balak pumunta — lalo na no'ng ganap sa amin ni Eris sa bahay nila — dahil ang uncomfortable lang.
Matapos niya sabihin na kilala niya ako ay nagmamadali akong umalis kahit ilang beses niya akong pinigilan. Hindi ko kasi alam kung anong tamang reaction sa ganoon.
Okay, she knows me a lot longer than I imagined, pero hindi ko naman din siya kilala. Ang creepy kaya.
Gusto ko pa rin siya as a friend pero parang creepy pa rin na matagal na niya akong kilala tapos hindi niya kaagad sinabi. Wait, sinabi niya before — no'ng hindi pa kami close — but she said it was a joke.
Bahala siya. At bahala na.
Sanay na yata ako na kapag kasama ko 'tong mag-asawa na 'to ay palagi na lang kaming pinagtitinginan — or more like silang dalawa mismo ang kumukuha ng atensyon ng marami. Hanggang paglalakad papasok dito sa school ay nakamasid ang karamihan.
Lakas naman kasi ng appeal nila. Parehas maganda at matangkad, akala mo mga model pati kung lumakad — lalo na si Amber.
They looked stunning with Zeke wearing a close neck checkered crop top and a fitted denim pants, accentuating her neck, bare shoulders and undeniably toned stomach. Amber was simple yet looking elegant with her above the knee baby pink dress paired with patterned pink and white sneakers.
Napasipat ako sa suot kong buttoned up polo shirt, high-waisted mom jeans and black ankle boots. Hmm...mukha naman akong tao.
Mabuti na lang talaga at open for everyone ang one week event, estudyante man o hindi. Pero kahit naman hindi, makakalusot at makakalusot itong dalawa sa dami ng connection nila. Lalo na si Monicka, baka nga makapasok pa iyon dito as prof tapos walang magtataka.
Napakunot ako ng noo nang sabay silang humawak sa magkabilang braso ko. Sinubukan ko alisin iyon pero ayaw nila.
"Bitaw nga! Nagmumukha akong anak ninyo!"
"Smol bean ka naman so —"
"Tangina 'yan —"
"Bianca?"
Sabay-sabay kaming natigilan at napalingon sa taong ayoko sana makita muna sa ngayon pero as usual, life's a bitch.
Nagtatakang napatitig si Eris sa amin, pansin ko rin ang paglapat ng tingin nito sa mga brasong nakalingkis sa akin. Mukha siyang gulat na may hinahayaan akong dumikit-dikit lang sa akin ng ganoon.
"Your friend, baby?" Ang inosenteng tanong ni Zeke, pero kita ko sa mata niya ang pang-aasar dahil mukhang mabilis niya lang na-gets ang ambiance sa pagitan namin ni Eris. Si Amber lang yata talaga ang pure dito at walang bahid ng kasalanan bukod sa maging maganda at mabait ng sobra.
"Baby?" Kumunot ang noo ko nang mapansin yung isang pitch na pagtaas sa boses ni Eris. Bakit parang galit siya? Tumikhim siya at ngumiti. "Akala ko hindi kita pupunta."
"Nahila lang ako ng mga 'to," ang tugon ko.
Bumitaw sa akin si Zeke at humakbang hanggang sa magkaharapan na sila ni Eris, seryoso lang silang nakatingin sa isa't isa. No'n ako nagkaroon ng oras na pagmasdan si Eris nang hindi ako napapansin na nakatitig sa kanya ─ magka-height lang silang halos na dalawa pero lamang si Zeke ng ilang centimeters siguro.
As usual ay mukhang honor student si Eris kahit na hindi ito naka-uniform, although meron siyang arm band na nakasuot with her position printed on it. Nakasuot ang babaita ng plain white shirt, with the hem tucked in on her black skinny jeans, and a blue-green running shoes. Muli ay naka-pony ng mataas ang mahabang buhok niya.
Mainit kahit maaga-aga pa pero para siyang bagong ligo.
"Friend ka ni Bianca?"
Tumingin sa akin si Eris saglit bago ibalik ulit ang atensyon sa kaharap. "Girlfriend."
"Hindi!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Oh..." Nginisihan ako ni Zeke. "I knew you had it in you!"
"Ano raw?"
Natawa si Amber at magaang hinawakan ako sa braso, parang sinasabing pagpasensyahan ko na yung saltik ng partner niya.
"Anyway!" Hinawakan ni Zeke ang kamay ni Eris at tinaas baba iyon for a hand shake. Ang hyper na naman niya. "I'm Zekhaila, Zeke na lang. And that pretty woman beside Bianca's is my wife, Amber."
"Wi....wife?" Napatitig si Eris kay Amber. Parang nakahinga siya ng maluwag. Tangina nito, kanina ang sungit niya timgnan kung makasimangot tapos ngayon mukha na siyang mabait na tupa.
Don't tell me nagselos siya kay Zeke? Sampalin ko 'to, eh.
"Yes! Bagay kami, 'no?" Zeke looked genuinely happy. Napatango naman si Eris, this time ay nakangiti na rin siya. "This may seem too late pero guardian kami ni Bianca, parang parents-like."
I cringed. Ito na nga ba sinasabi ko. One way or another ay sasabihin niya iyon. Totoo naman na no'ng nakilala nila ako ay inako na nila ang responsibility sa akin, hindi ko rin alam kung bakit, eh, marami naman na silang natulungan. Trip na trip nila ako, hindi naman nalalayo edad ko sa kanila. Besides, mas matanda ako kay Amber! Anong guardian!
But okay, sure. They're the one who told me to get a driving license, got me a car, bought me a house to use, they gave me a job. They practically raised me for a short period of time.
Since I don't have anyone anymore.
"Oh, my gosh, I'm sorry." Parang nahihiyang napayuko si Eris. "Biro lang yung girlfriend, hindi niya pa ako sinasagot."
Nagsimula na kaming maglakad-lakad. Tuloy, nakabuntot na sa amin si Eris dahil mukhang walang balak si Zeke paalisin yung isa. Tahimik naman kami ni Amber, wala naman kaming sasabihin. Nagmumukha talaga kaming display nitong asawa ni Zeke kung minsan. Parehas na mamang hindi palasalita.
"So nanliligaw ka pala," Parang nasisiraan na yata si Zeke kung makatawa, parang may halong kilig kasi na amusement at the same time. Lumingon pa siya sa akin at walang anu-ano'y pinalo ako sa balikat nf malakas. "I knew it!"
"Aray! Putangina!" Nanggigigil na ginantihan ko siya pero parang ako pa yata yung mas nasaktan. Mukha siyang soft pero hindi. "Zekhaila Abraham, sasampalin kita!"
"Feisty, 'no?" Zeke chuckled, nakipag-apir pa ito kay Eris na tuwang-tuwa na rin. "You just love it when she curse."
"Exactly!" Parang nagf-fangirling na si gago. "Ang soft kasi ng boses kahit galit at malutong ang mura. Pero I didn't know na may guardian siya and same sex couple pa," Tumawa siya. "Akala ko kasi homophobic ng slight."
"We've been her guardians for a few years pa lang."
I can sense that Eris wanted to ask more, specifically about my parents and other whereabouts but she knows better. Hindi rin naman iyon basta sasabihin ni Zeke dahil hindi nila karapatan iyon. Ako lang ang pwedeng sumagot no'n.
"Uy, friend!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa grupo ng estudyanteng palapit sa amin — sina Ana, Melanie, Maricar, at Alden na itago natin sa totoong pangalan na Alberto.
Napatitig pa sila sa mga kasama ko, lalo na si Alberto na mukhang na-love at first sight pa yata kay Amber. Nakahinga ako ng maluwag, at least hindi na ako ang mapagti-trip-an.
"Hi, Miss —"
"Alberto, stop." Ang awat agad ng mga kasama niya.
"Stop it, Alberto —" Nagsimulang mag-inarte si Melanie.
"That's not you," segunda pa ni Maricar.
"Pero —"
"Sorry, kid," Lumapit si Zeke at tinapik si Alberto sa balikat. Natulala rin ang lalaking walang dimple sa kanya. "She's already married. To me."
Bagsak ang balikat na nagpunta ang lalaking sawi sa likod nina Ana. Malamang iniisip kung bakit lahat ng babaeng type niya ay baliko. Except sa akin, hindi naman ako baliko.
"Nagugutom na ako." Pagbabago ni Ana sa usapan. "Kumain na ba kayo?"
Sabay-sabay kaming umiling.
"Let's go eat?" Pag-aaya na rin ni Eris.
Tumingin pa siya sa akin at matamis na ngumiti. Hindi pa nakuntento ang loko at umakbay pa sa akin, nagpaubaya naman si Amber na mabilis sumiksik kay Zeke — nakita ko lang humalik si Zeke sa noo ng kabiyak. Nainggit pa yata si Eris at nakihalik din sa noo ko, kinurot ko siya sa tagiliran pero tumawa lang siya.
Gago talaga 'to. Akala mo walang nangyaring ka-creepy-han no'ng nandoon ako sa bahay nila.
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co