Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 26

InsaneSoldier

Pota, hirap humanap ng timing.

Kanina pa ako hindi mapakali rito sa klase, nag-iisip kung kailan at paano ko kakausapin si Eris para sabihan siyang huminto na sa panliligaw.

It's been a week since then at nakapag-isip naman na ako. Feeling ko talaga ay hindi naman niya ako deserved at wala rin siyang mapapala sa akin. Nag-aalangan na lang ako ngayon dahil hindi pa tapos ang thesis namin tapos what if maapektuhan yung research?

But then, naisip ko rin na professional na tao si Eris. Magiging ayos lang naman siguro iyon lalo pa't grades at yung graduation namin ang nakasalalay ro'n. Maybe it'll be awkward during internship, but if things go wrong, edi sa last setting ay hindi na ako sasama sa kanya.

"Tangina..." mahinang bulong ko habang takip ang bibig. Yumuko ako saglit at huminga ng malalim.

Hindi ko na maintindihan yung tinuturo. Bahala na.

"Friend," Napalingon ako kay Ana. "Okay ka lang? Kanina pa malalim paghinga mo, baka mahigop mo na kaming lahat."

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pero napangiti ako ng kaunti habang takip pa rin ang bibig. Nang ibaba ko 'yon ay inayos ko na ulit ang expression ko. "Wala, may iniisip lang."

"Tungkol sa...?"

"Wala."

"Sus, sa bebe mo lang 'yan, eh."

Kumunot ang noo ko. "Siraulo ka."

Napakislot ako nang tusukin niya ako sa tagiliran. Mabuti na lang hindi kami napapansin dito sa likuran kung hindi ewan ko na. Tinapik ko yung kamay niya at pinandilatan siya ng mata.

Sarap sapakin ng babaeng 'to, parang si —

Putangina, Bianca Heriel.

Automatic na hinanap ng mata ko kumg saan ang puwesto ni Eris. Mataman lang itong nakikinig sa prof na nasa harapan habang panaka-nakang nagsusulat ng notes. Ganoon din yung ginagawa ng dalawang kaibigan niyang sina Kean at Kara.

Kapag talaga ganoon siya kumilos, para siyang honor student na mabait at intimidating pero approachable once na ngumiti. No wonder people chose her to be the student government's president. Responsible din siya pero marunong maglaan ng oras para sa ibang tao na akala mo ay hindi ito busy.

Kaya hindi dapat niya sinasayang ang oras sa akin, mas okay na friends kami.

Natigilan ako nang mapalingon siya sa gawi ko at biglang ngumiti nang magsalubong ang tingin namin. Tinaasan ko siya ng kilay at muling yumuko, pasimpleng napahawak sa bandang puso ko. Tangina.

Anong ngiti 'yon?

Natapos ang buong klase na wala akong naintindihan. Wala kaming pasok ngayon sa HR at wala na rin naman nang klase kaya nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at naglakad palabas.

Panay lakad lang ako hanggang makalabas ng school, iniisip pa rin yung nangyari kanina. Parang gago talaga, sobrang weird.

Ngayon paano ko siya mapapatigil sa panliligaw kung ganitong hindi na nga ako makatiyempo ay parang natatanga pa yata ako? Pakshet talaga.

Bahala na nga. Bukas na lang. Siguro naman bukas alam ko nang gagawin.

"Maria Clara —"

"Ay, putangina." Napalingon ako sa tumawag sa akin gamit ng familiar na moniker na 'yon. Asar na nilingon ko si Eris na ngiting-ngiting nakatitig sa akin habang nasa harapan nito ang sukbit na bag. "Nanggugulat ka ba?"

"Tinawag lang kaya kita," Tumawa siya ng mahina. Sarap sakalin ng hayop. She took a step forward and I took a step back, maintaining distance. Mukhang napansin niya rin iyon. "What's up?"

"Walang up."

"You're acting strange for days now."

Tumalikod ako at naglakad na. Siya naman ay panay sunod lang. "Imagination mo lang 'yan. Uwi na ako."

"Sama ako." Sinabayan niya ako, panay lingon siya sa akin pero diretso lang ang tingin ko kahit pansin ko yung buhok niyang sumasabay sa bawat kilos niya dahil malaya itong nakalugay, tumatama pa sa akin yung hibla no'n minsan. "It's been a while since I visited your place kaya."

"Oh, tapos?"

"Siyempre miss ko na."

"Ayoko, umuwi ka sa inyo."

"Then how about you visit mine?"

"Edi lalong ayoko, gago 'to."

"Then tara na sa inyo?"

Huminto ako at tinitigan siya. Sinalubong niya lang ang titig ko at mukhang wala talaga siyang balak magpatalo. She was grinning. Parang gusto ko tuloy siya suntukin saglit, makabawi man lang.

"Hindi ka talaga papaawat?"

"Hmm," Kunwari ay nag-isip pa ang babaeng loka-loka. "Hindi."

"Bahala ka nga."

"I know you can't resist me!"

"Tigilan mo, baka magbago isip ko."

Mabuti na lang talaga at kaka-grocery ko lang nitong nakaraan kung kaya't hindi na namin kinailangan dumaan sa mall para bumili ng ingredients. Hapon pa lang naman, mabuti na lang at hindi kainitan. Siguro kasi umulan din kahapon.

Napahinga ako nang malalim nang makarating na sa bahay. Eris, on the other hand, looked so comfortable moving at dalagang nauna pa ito sa kusina matapos ilagay yung gamit niya sa sofa.

Akala mo talaga siya ang may ari.

Binuksan niya yung ref at naglabas ng pitsel ng tubig, natigilan pa siya nang makakita ng mansanas sa loob. She looked at me with her curious eyes. "Nahawa ka na sa akin?"

Tumikhim ako. "Kunin mo na."

"Eh, sa'yo 'to —"

"Sa'yo na nga."

Alangan sabihin kong para sa kanya talaga 'yon.

"Thanks!"

Pagtapos niya uminom ay hinugasan niya pa yung apple bago kainin, baka iniisip niyang sesermunan ko na naman siya kung basta na lang siya kakain. Eh, malinis naman 'yon. Hindi ko lang sinabi.

"Magpapalit lang akong damit," paalam ko. Kanina pa ako naiirita sa uniform ko dahil natuyuan na ng pawis, gusto ko na nga rin maligo pero aawatin lang din ako ng babaeng 'to, sure ako. "Pahiramin na lang kita ng damit."

"Hindi, may extra akong dala."

Napamaang ako sa kanya. "You planned this, didn't you?"

Ngumiti siya na parang batang may ginawang kapilyahan. "Miss kita, eh."

"Lagi mo akong nakikita."

"Miss kita masolo?"

Hindi na lang ako nagsalita. Tumalikod na ako at naglakad papuntang kwarto ko para kumuha ng pamalit. Mabilis kong tinungo ang banyo at napatitig sa salamin. Pulampula ang mukha ko hanggang leeg, parang gago amputa.

Paglabas ko ay naabutan ko siyang nakasandal lang sa sofa, halos humiga na nga siya kaya bahagyang lumilis ang blouse uniform nito. Bukas na ang tv at kung ano mang pinapanood niya ay hindi ko rin alam. Tumikhim ako. "Hoy."

Umayos siya ng puwesto at sinipat ako mula ulo hanggang paa.

"Ba't ganyan ka makatingin?" Kung makatitig parang hindi normal magsuot ng shorts at t-shirt.

"Bawal tumingin?"

"Ang creepy, tangina."

"Grabe ka naman."

"Magpalit ka na nga!"

Hindi siya sumagot pero tumayo siya habang natatawa. Pagdaan niya sa akin ay naramdaman ko pang pinasadahan niya ng daliri ang hibla ng buhok ko bago tuluyang makalayo.

Umupo ako at parang pagod na pagod na napasandal. Napatitig ako sa kisame, rinig ko yung nasa tv pero hindi ko naman din maintindihan at parang background noise lang siya sa akin.

Nandito na rin lang si Eris, bakit hindi ko pa siya ngayon sabihan? Kaso hindi ko pa rin alam kung paano. Baka mamaya umiyak pa 'yon o ano, pero kaysa naman patagalin. Dapat talaga una pa lang pinigilan ko na siya, eh. Isa rin akong tatanga-tanga minsan, eh.

"Gusto mo kumain?" Tanong ko nang mapansin kong tapos na siya at nakabihis na. Mas nagmukha rin siyang fresh, akala mo ay bagong ligo.

Nakasuot siya ng maong shorts na hanggang bago magtuhod, tastas ang dulo no'n bilang style. Plain lang din ang pantaas niyang black na shirt na masyado yatang malaki para sa kanya. Mukha siyang hanger na ewan.

"Dito ako magd-dinner." Para talaga siyang at home kahit sa sagot niya.

"May sasabihin ako sa'yo." Para namang tinahip ang dibdib ko ng kaba nang sabihin ko iyon. I motioned her to sit beside me which she silently obliged.

Nag-indian sit ako kahit nasa sofa at umanggulo paharap sa kanya. I caught myself staring at her, still thinking how am I going to tell her what I want to happen. Parang hindi ko magawang isaboses iyon.

Nagh-hesitate ba ako? Oo, pero kailangan.

"Seryoso mo masyado." Inayos niya ang buhok ko, hindi naman ako makaalma dahil saglit lang iyon. "Okay ka lang ba?"

"Eris."

"Yes?"

Huminga ako ng malalim. Tangina talaga! Sasabihin mo lang, Bianca. Aba, galaw-galaw din!

Tinaas niya ang parehas na kilay nang sabay. "Ano?"

"Hinto ka na."

"Saan?"

"Hinto ka na," Pumikit ako saglit at muling humugot ng malalim na hininga. "Sa panliligaw."

Napababa ako nang tingin nang mapansin ko kung gaano kabilis nawala yung kislap sa mata niya maging ang ngiti sa labi nito.

"Why?" she asked. "Malabo talaga magkagusto ka sa babae?"

"Hindi sa gano'n," Napakamot ako sa sentido ko. Hindi ko siya matingnan sa mata. "Hindi lang talaga pwede."

"Dahil?"

"Wala kang mapapala sa akin."

"That's a very ambiguous response, Bianca." Humawak siya sa baba ko at inangat ang mukha ko para matingnan siya ng harapan. She leaned a bit closer. Tinapik ko yung kamay niya palayo. "Paliwanag mo naman ng maayos."

"Basta tumigil ka na."

Ilang segundo siyang natahimik. Pinagsalikop ko ang dalawang palad dahil hindi na ako mapakali. Anytime soon ay pwede siyang mainis na lang sa akin o ano, baka wala na ring dinner na plano kasi ba't namin kami kakain pa rin ng sabay mamaya kung basted na? Gaguhan lang.

"Sigurado ka?" Mahina ang boses niya. Para akong biglang tinamaan ng guilt.

"O-oo."

"Hindi mo babawiin?"

"Ba't ko babawiin?" Tagal-tagal kong inisip 'yon tapos babawiin ko lang? Para din naman sa kanya 'yon. Marami pa namang pwede, isa pa ay marami siyang magandang traits, sure ako meron at merong magkakagusto sa kanya at magugustuhan niya rin.

Nagkibit siya ng balikat. "Then can I kiss you?"

"Gago ka ba?" Napataas ang boses ko. "Basted nga, hihingi ka pa ng kiss?"

"Parting gift?"

"Magkikita pa naman tayo sa school."

"Oo, pero dala ko yung truth na hindi kita magiging girlfriend." sagot niya. "So?"

"Anong so?"

Napakamot siya sa ulo niya at napahinga nang malakas. Parang siya pa ang nawawalan ng pasensya sa aming dalawa, eh, siya itong parang siraulong kung anu-anong sinasabi.

"Itulak mo na nga lang ako kung ayaw mo."

Humawak siya sa pisngi at batok ko at walang seremonyas na ipinagdikit ang labi naming dalawa. Tumagal iyon nang ilang segundo, para akong naestatwa sa kinalalagyan ko at hindi na nakakibo hanggang sa lumayo siya at titigan ako.

Nakatitig lang siya sa akin, pero pabalik-balik ang tingin niya sa mata pababa sa labi ko. Ako naman ay hindi pa rin makapagsalita, parang naprito yata lahat ng braincells ko dahil sa sobang bilis ng kabog ng dibdib ko. Iyon na lang halos ang naririnig ko, wala na yung sound galing sa tv.

"Well," She bit her lower lip, like she's suppressing a smile. "Bianca?"

"H-huh?"

Natawa siya ng mahina. Hinaplos niya ang batok ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya. Muli siyang lumapit at hindi na naman ako nakakibo nang humalik siya.

Ang lambot ng lips niya, basta malambot. And she smelled really, really nice. Matagal ko naman nang alam na mabango siya, like a fruity scent as usual. Pero para bang iba ang dating no'n ngayon. Hindi ko maiwasang mapapikit.

She started moving her lips and I couldn't help but followed. Dapat ngayon pa lang nandidiri na ako pero parang tina-traydor yata ako ng sarili ko. Mahigpit na napahawak ako sa shirt niya nang simsimin niya ang ibabang labi ko bago palalimin ang halik.

It was my first time being kissed like this. It's my first kiss after all, and it's not so bad as I've initially thought.

Narinig ko ang mahinang pag-ungol ni Eris habang patuloy kami sa ginagawa. Parang pinanindigan ako ng balahibo sa narinig. She was exploring my mouth like she knew what she's doing, it kind of tickled, but it's not unpleasant. Ang init din ng palad niyang patuloy lang na humahaplos sa batok, leeg, at maging sa tainga ko habang ang isang kamay niya'y nasa baywang ko na.

Parehas kaming kapwa malalim ang paghinga nang huminto. Kakaiba siya tumitig, hindi ko maintindihan kung seryoso ba siya o may tama.

Pinahid niya ang gilid ng labi ko bago humalik sa sentido ko.

"Bianca."

"A-ano?"

"I kissed you twice on the lips," Parang umakyat ang dugo ko sa buong mukha sa narinig. Kinunutan ko siya ng noo pero wala lang sa kanya. "I said push me kung ayaw mo, and you didn't."

Hindi ako makakibo. Wala akong excuse sa part na 'yon.

"If somebody else kissed you, hahayaan mo lang din ba?"

Parang uminit yata ang ulo ko sa narinig. "Malamang, hindi! Gago ka ba?"

"Now, there's your answer." Kinuha niya ang kamay ko at walang ano'y humalik doon. "Gusto mo ako, ayaw mo lang aminin. So, manliligaw pa rin ako."

"Sabing tumigil —"

"Kapag tumigil ako, ibig sabihin no'n sinagot mo na ako." Tumawa siya na parang bata. "Although liligawan pa rin naman kita kahit tayo na by that time."

Tinapik ko pala yung kamay niya at umayos ng pagkakaupo. Inayos ko na rin ang buhok ko dahil ramdam kong nagulo niya iyon. I pursed my lips, trying to forget what it felt like a while ago.

"Tsaka Bianca —"

"Ano na naman?!"

"Cute mo mag-blush, pati lips mo namumula masyado."

"Tang-ina mo talaga."

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co