Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 9

InsaneSoldier

"Sakit ng ulo ko." Sumandal ako sa sofa at tumingala. Ipinikit ko ang mata ko. Pakiramdam ko napintig ang frontal lobe ko dahil gamit na gamit. "Tangina."

Narinig ko yung paghagikhik ni Eris. Hindi siya maganda sa pandinig dahil naaasar ako. Tiningnan ko ng masama ang babaeng germs na kasama ko. Nagtaas siya ng dalawang kamay at sumandal sa single couch habang sa carpet nakaupo. Ganoon ang style niya, hindi ko na lang pinapakialamanan.

"Hot mo naman." Kumindat siya. Hiniling kong sana tamaan siya ng masamang hangin at hindi na dumilat pa ang isang mata pero wala.

"Nakakairita ka. Gago."

"Gutom lang 'yan, eh." Sinipat niya ang laptop niya which I did the same. Sinara niya iyon pagkatapos bago ako tingnan. "Tanghali na pala. Dito ka na mag-lunch, check ko lang kung anong ulam."

"Malinis—"

"Maria Clara, safe ka rito, don't worry." Kumindat na naman siya. Tangina talaga nito. "Free from germs! Malinis siento porsyento!"

"Hindi ako si—"

"Well, hindi rin ako si Eris Belona." Tumayo na siya. She stretched her shoulders para mawala ang pagkangawit. "You better start memorizing my name surname kasi kailangan mo 'yon."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi na nag-abala pang sumagot. Tinawanan niya lang ako bago umalis. Isinara ko naman ang sariling laptop at hinilot ang sentido. Masyado yata kaming nagpakadalubhasa sa thesis proposals namin. We were so serious a while ago at iyon na yata ang pinakamahabang oras na hindi kami nag-away.

Kapag nagtatanong ako sa kanya ay maayos siyang sumasagot, she was even giving suggestions to improve the proposal at sa totoo lang, lahat ng nalabas sa bibig niya ay relevant. No wonder president siya ng student government. Kung sana ganoon palagi ang pinapakita niyang ugali, siguro hindi ako aabot sa point na inis na inis sa kanya.

Asar pa rin ako kay Eris but she's tolerable when serious. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang good catch siya as a partner. I like her intelligence and sense of responsibility pero overall, ayoko pa rin sa kanya. Matapos lang talaga lahat ng ito, maka-graduate lang ako, magpapalit na ako ng number at hindi na magpapakita pa sa kanya kahit na kailan.

"Masarap ulam!" Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang bigla na lang magsalita si Eris. Huminga ako ng malalim. Ni hindi niya pinapansin kung gaano kasama ang titig ko sa kanya dahil sa panggugulat. Tinawanan pa ako ni gago. "Default mo na ba talagang sumimangot?"

"Pakialam mo?"

"Sinigang ulam!" Sa sinabi niyang iyon ay saktong nakaramdam naman ako ng gutom. She extended her hand on me. Tiningnan ko lang iyon kaya pabiro siyang umirap at ibinaba ang kamay. No'n ko napansin na naka-pony na ang buhok niya ng mataas. May baby bangs siya. "Sabi ko nga ayaw mo akong hawakan, eh. Let's go eat now?"

"Okay."

Sinundan ko siyang maglakad papuntang dining area nila. Wala pang nakahain, I think hinihintay lang ako ni Eris dahil aware na siya kung gaano ako kaarte. Tumingin siya sa akin habang todo ang ngiti. Naghugas ako ng kamay. Umupo ako habang sinusundan siya ng tingin. Siya ang nag-prepare ng mga pagkain at kasangkapan.

Hindi ko alam kung saan napunta yung mga kasambahay niya at hindi rin naman ako interesadong malaman. Iniisip ko lang kung saan sila kakain or kung kumakain na ba sila. But probably there's a separate area for them, may kalakihan naman itong bahay ni Eris.

Naupo siya ng matapos. I checked the food. Mabango at mukhang masarap. Yung mga plato at iba pang gamit, mukha namang malinis. Parang mga bagong bili lahat, o kaya yung tipo na nakatago sa kung saan at saka lang gagamitin kapag may bisita.

"Let's eat!"

"Ano pa nga ba."

She took her spoon and fork matapos maglagay ng rice sa sariling plato. Sinundan ko lang ang ginagawa niya. Nawiwirduhan ako kay Eris habang kumakain kami. Hindi naman siya nagsasalita at pabor pa nga iyon sa akin. Pero masyado naman yata siyang masaya tingnan.

"Nakain lang tayo ng lunch," I told her dahil hindi na rin ako nakatiis. Ang creepy niya, eh. Kulang na lang i-sway niya ang katawan habang kumakain. "Parang birthday mo kung makangiti ka."

Natawa siya, muntik pang mabilaukan. Nangingiwing tiningnan ko siya. Ang dugyot talaga!

Uminom siya ng tubig at tumikhim. "Bawal maging masaya habang nakain?"

"Ang exaggerated ng emotion mo." Diretsong sagot ko. "Mentally unstable ka ba?"

Doon na siya natawa ng malakas na ikinainis ko. Kapag hindi siya tumigil, isasaksak ko talaga sa kanya yung tinidor ko! Tangina nito.

Umiling-iling siya. "I'm perfectly fine, don't worry. Ikaw talaga, masyado kang concern, girl na friend ko."

"Hindi ako—"

"Alam mo kasi, Bianca," Binigyang diin niya ang pangalan ko. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko gusto yung way ng pagtawag niya sa akin. Parang nang-iinis. I hate this woman. "Madalas wala si Dad dahil sa work niya so kapag nauwi ako, mga kasambahay namin ang sinasabay ko sa pagkain. Kaso since late na ako minsan nakakauwi dahil sa ginagawa ko sa school, ganoon din, ako lang mag-isa. So, hindi na lang ako nakain."

Tiningnan ko siya. Nakangiti siya habang nagkukuwento, parang hindi apektado sa mga pinagsasabi. It's either nasanay na siya or baka ayaw niya lang ipakita na hindi okay sa kanya ang set up na ganoon. Wala pa rin naman akong pakialam. "Kaya pala ang payat mo."

"Uy, hindi ako payat. Sexy ako." She flipped her hair sabay kindat.

"Hindi synonymous ang pagiging payat sa sexy. Wala kang curves, slim ka lang." Iritableng saad ko. "Isa pang pagbubuhat mo ng sariling bangko, mawawalan na ako ng gana sa pagkain."

"Ang mean mo." Ngumuso ito at nag-sniff, yung akala mo paiyak na. Pero bigla rin naman siyang humagikhik. Tangina, baliw nga yata talaga si Eris Belona. "Uy, ha. You're checking me out pala."

"Wha—" Pinandilatan ko siya ng mata. Iniamba ko sa kanya ang tinidor at pinagkrus naman niya ang dalawang pointer fingers na akala mo talaga magkaka-shield siya sa ganoon. "Putangina ka."

"I still like you even with that dirty mouth of yours, Maria Clara." Kumindat siya at pilit itinago ang sarili sa magkakrus niyang mga daliri. Nakakagigil 'tong babaeng ito, sarap itapon sa ilog!

"Lesbian ka ba talaga?" Naiinis na singhal ko. "Tigilan mo ako, Eris! Kinikilabutan ako sa'yo!"

Napangiwi siya at ngumuso. "Grabe ka sa akin. Homophobic ka ba? Paano pala kung hindi talaga ako straight?"

"Wala akong pakialam kung straight ka o hindi basta huwag mo akong lalandiin."

"Eh, ayaw mo naman kasi maging friends tayo, eh."

"Ayoko naman talaga maging kaibigan ng kahit na sino in general." Sinubukan kong maging mahinahon. Tangina talaga, baka mas tumanda pa ako dahil sa stress kay Eris at hindi sa thesis namin. Pakiramdam ko pagka-graduate ko ay mukha na akong matanda than my actual age. "I'll tell you one thing, Eris, gusto ko lang matapos ang taon na ito ng tahimik. Pero panggulo ka."

"Bianca Heriel Cruz," Huminga siya ng malalim. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa way ng pagbanggit niya sa buong pangalan ko. Hindi ko gusto yung feeling. Kaya ayoko sa kanya, eh. "Trust me, before this school year ends, malalaman mong hindi naman masamang makasama ako."

"Malabo 'yan." Siguradong sagot ko.

"Well, look, where are you now?" Tinaasan ko siya ng kilay nang ngisihan niya ako. Ibinaba niya ang kutsara para humalumbaba. "You're here with me."

"Pumayag lang ako dahil thesis partner kita."

"See? That's one step towards friendship."

"Kadiri ka."

Tumawa siya ng malakas. Naubo pa siya dahil sa kabaliwan kaya uminom ulit siya ng tubig. Ang dugyot talaga ng ugali nito. "Can I ask something about you? How are you with your parents? Kasama mo ba sila?"

"Hindi." Umiling ako. Tuloy lang sa pagkain.

"Bakit?" tanong niya. Nagkibit ako ng balikat. Hindi naman na niya kailangang malaman yung mga ganoong bagay lalo na at wala rin namang sense. "Nasaan sila?"

"Nandiyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko pagkalunok ng kinakain.

"You don't want to talk about them?"

"Eris."

"Sorry." Bumalik siya sa kinakain.

Binitawan ko ang kutsara't tinidor. Bumuntong-hininga ako habang nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ano, napaka-probing niya magtanong, hindi ko gets kung curious ba talaga siya o ayaw niya lang itikom ang bibig niya.

Halos hindi siya makatingin sa akin. "Sorry na nga."

"Para lang manahimik ka, Eris Belona," Hinawi ko ang maikling buhok. "Wala sila rito, matagal na rin."

"O-okay." Tumikhim siya ng malakas. Halatang naiilang siya dahil walang bakas na pagsusungit miski galit sa boses ko. Kalmado lang, tingin ko nakakapanibago sa kanya iyon. "Thank you."

"Para saan?"

"For...sharing."

Inirapan ko siya. Mas mukha siyang matino kung ganyan ang ugali niya. Dapat pala kay Eris ini-intimidate, eh. Hah.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co