FABH10
Chapter 10
Nagpakatotoo
Nagtatago sa gilid ng pinto at nakikinig sa usapan ng aking magulang.
"Umatras na talaga yung anak nila. Anong gagawin natin? Malaking hatak sila sa company kung sakali."
Nakasilip man sa pinto nakita ko parin kung paano ka problemado sila mommy.
Daddy hug her. "Baka may iba pa naman tayong paraan Clarisse. Hayaan na natin.."
Huminga ako ng malalim at humilig sa pinto. Naninikip ang dibdib ko na malamang umatras na si Anton.
Ayaw na niya ba sa akin?
Inaamin ko na may kasalanan rin ako. Kasalanan ko dahil nakita niya kaming magkayakap ni Ezekiel. Kasalanan ko dahil mula noon hanggang ngayon ayoko sa kanya.
Mapaglaro talaga ang tadhana. Kung sino pa iyong hindi nagtatagal siya pa binigyan ko ng sarili ko. Habang itong lalaking handang mahalin ako ang siya pang sinaktan ko.
Maling mali ako.
Dahil sabado nasa bahay lang sila mommy at daddy. Hindi sila umalis at mangibang bansa.
Buo na yung desisyon ko. Gusto kong makausap si Anton.
Hinatak ko yung formal dress ko sa aking walk in closet. Pinuyod ko yung mahabang buhok ko at nagsuot ng sandals na may heels. Pormal na pormal ako ngayon. Nagmukha akong sekretarya ng kung sinuman.
Palabas na ako ng bahay ng makita ako ni mommy.
"Saan ka pupunta hija?" Tanong nito.
Napayuko at huminga ako ng malalim.
"K-Kay Anton po. Pupuntahan ko siya sa opisina niya."
Lumaki ang mata nito at hinagilap ang aking kamay.
"Pumapayag ka na?" Halata ang saya sa boses nito.
"Gusto ko muna siyang makausap mommy.".
Huminga ito ng malalim. "Sige, Sana pag isipan mo ng mabuti."
Taas noo ako na pumasok sa magarang Company nila. Agad kong tinungo ang elevator papuntang floor nito. Dahil desidido ako inalam ko ang Company address nila at ang floor ng office nito.
No one dare to move, no one dare to ask. Nakatingin lamang sila sa akin. Tila natatakot rin magtanong kung bakit hindi ako huminto sa information desk.
Ginamit ko pa mismo yung VIP elevator kung saan CEO at magagarang tao lang ang puwedeng sumakay.
The hell I care.
Sobra yung kaba ko. Actually, hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Basta basta nalang akong sumugod dito.
Nanginginig yung kamay ko na inangat para katukin ang pinto nito. Bago iyon bigla na itong bumukas.
Nabitin sa ere ang aking kamay habang nakatulala sa babaeng nasa harap ko. Natigil rin ito at nangunot ang noo.
"Who's that Aubrey?"
Pumintig ng malakas ang puso ko ng marinig ang boses ni Anton.
Palagi nalang bang ganito? Pinnganak ba ako para saktan?
Tila nagulat rin si Anton nang makita ako. Agad nangilid ang aking luha.
"Sino ka?" Tanong ng babae at napatingin pa kay Anton na sa akin lang nakatingin ng seryoso.
"What are you doing here?" Malamig na tanong nito. Napalunok ako.
Oo nga naman. Noon ko pa alam kung gaano siya ka ganid sa babae. Bakit pa ako magtataka?
Pumatak na ang pesteng luha ko. "W-Wala..sorry."
I run.
I run as fast as I could. Wala na ako sa huwisyo para punasan ang aking luha. Wala na ako sa huwisyo para mahiya.
Alam kong pinagtitinginan na ako pero hindi ko na iyon pinansin. Takbo ako ng takbo hanggang sa may mabunggo ako.
"Are you okay ,miss?" The boy in a suit asked.
Hindi na ako tumingin sa kanya. Umiling nalang ako at pumara ng taxi.
Nakakahilo ang mga sari saring ilaw na nagkalat sa paligid. Hiyawan ng mga sumasayaw ang maririnig.
Tinungga ko ang huling bote ng alak. Nakatingin lamang sa akin ang mga ka banda ko na napabayaan ko na.
Si Ruchelle, si Mae,Indigo,at Carla.
"Tama na yan Lisa." awat ni Indigo.
"Hindi naman ako lasing.." Oo, hindi pa naman ako lasing. Ewan kung bakit ba ginawa kong tubig ang alak. Hindi naman ako tinablan.
"Ikaw naman kasi..masyado kang pabebe."
Inirapan ko si Ruchelle at humalakhak lamang ito. Mga kaibigan ko na handa akong damayan.
Ginala ko ang paningin sa paligid. Parami ng parami ang mga tao dito sa loob. Mabuti hindi kami nahalatang menor de edad dito.
"Hala Lisa! Yung naglaflaf saiyo andito." Singhap ni Ruchelle.
Nangunot ang noo ko at tinignn ang tinuro niya.
Napaalsa ang isa kong kilay nang makita ang isang mesa na puno ng kalalakihan. May mga kasamang babae ang ibang lalaki na nandoon.
At paulit ulit nalang ba? Nasaktan na naman ako ng makitang kasama niya ang Aubrey na iyon. Hindi man malaswa ang pagkadikit nila pero nagdikit parin kaya naiinis ako.
"Sino yang kasama niya?" Indigo asked.
"Wala namang panama yan kay Lisa. Mala anghel ang beauty ni Lisa e. "
Sige Ruch utuin mopa ako habang nakainom.
Natahimik ako bigla. Dinaramdam ang sakit sa aking dibdib. Naninikip ang dibdib ko at nangingilid ang luha.
Nandito ako para malibang sandali mukhang mali ang pagpunta ko dito. Nasaktan lang ako lalo.
Tinawag ko ang dumaang waiter.
"Isang bote ng bloody mary please.."
"Bakit isang bote?" Takang tanong ni Ruchelle.
"Lisa kung uhaw ka magsabi ka. Maraming tubig dito." Si Carla.
Ewan parang sarap bigwasan. Hindi ko alam kung namimilosopo ba ito o ano e.
Hindi ako nakinig. Pagdating ng alak ay naglaklak na naman ako. Hindi ko na maayos ang tube na top ko at ang aking short skirt.
Sinubukan kong tignan si Anton. Nagulat ako dahil matiim na nakatingin pala ito sa akin. Umiwas ako agad.
Ayokong malunod ulit sa mga mata na iyon. Kasi tingin ko kapag titingin ako sa mga mata niya..may matutuklasan ako.
Matuklasan ko na..mahal ko pala siya.
Pinilig ko ang ulo at nilaklak ulit ang baso. Nilapag ko iyon at tumayo.
"Saan ka?" Tanong nila.
"Naiinip ako, gusto kong mag wild." Malamig na sabi ko at walang lingon na umakyat sa mini stage ng bar.
Naghiyawan ang mga nagsasayawan sa dance floor at nagsipulan. Hinawakan ko ang pole doon.
Kung hindi niya ako papansinin. Ako ang magpapapansin.
Let's see if you can handle the bitch in me ,Anton.
Unang talbog ng aking baywang ang siyang hiyawan ng mga naroroon. I swayed my hips side to side. Mas lumakas ang hiyawan. Hindi ko tinutol ang titig kay Anton.
Umigting ang bagang nito at hinawi ang buhok.
I brushed my legs with my hands at aksidenteng napataas ang hibla ng aking black skirt. Kitang kita ang hita ko.
"Strip it off!"
"Strip it off!"
Pang uuto sa akin ng madla. Akala nila isa akong hipon na tapon ulo. I shooked my head and smirked.
May iniinis lang ako dito wag kayong feeling. Mamaya sasakit yang mga pantog niyo.
Dahan dahan kong hinawakan ang zipper ng aking tube top. Halos magwala na ang kalalakihan.
Oh, nag iinaskal na sila.
Sinubukan ko pang binaba ang siya namang pag hablot sa akin ng puwersahan.
Halos mahulog ako sa stage! Halos maduling ako sa lakas ng hatak nito sa akin!
"A-Ano ba-"
Napatigil ako ng tapunan niya ako ng nakamamatay na tingin.
Pilit ko binawi ang kamay ko.
"Anton! Ano ba-"
"Shut up! Isa ka nalang Lisa! Masasaktan na kita!"
Lumakas ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang galit niya. Patunay ang namumula kong kamay na hawak hawak niya. Namumula ang mukha nito sa galit.
Naumid ang dila ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa parking lot na.
Padarag niya akong hinilig doon at halos pigain ako sa galit.
"Nasasaktan ako! Ano ba!"
"Anong ginawa mo?" Hawak ako nito sa magkabilang baywang at pinipiga ito. Sobrang gigil siya.
Taas baba ang dibdib niya at namumula.
"Anong klaseng tanong yan? Nakita mo namang sumasayaw diba?"
"Halos maghubad kana doon Lisa! Wala ka nabang natitirang dignidad diyan sa katawan mo ha?!"
That hurt, big time.
Nasasaktan ako. Kaya ba ayaw niya na sa akin dahil wasak na ako? Dahil hindi siya yung nakauna. Ganon?
Nanginnginig ang labi ko sa pigil na iyak.
"G-Ganon ba yun Anton?"
Napalunok ako.
"Ayaw mo na sa akin dahil hindi ikaw ang nakauna. Dahil hindi na ako birhen? Ganon ba?"
Hindi siya umimik.
Silence means yes.
Tumango ako.
"Nandito ako para maglibang Anton." Hindi ko siya makuhang tignan. Nakakahiya.
He remained silent. Sobrang magkalapit naman ang aming katawan at kinukulong niya ako sa kanyang braso.
"A-Andito ako para malimutan yung sakit."
I gasped and wiped my tears. I looked away.
"Nasasaktan ako dahil ayaw mo na sakin. Nasasaktan ako dahil may iba kana. Ganon ba ako kadali palitan? Ha? Anton? Ayaw mo na sakin?"
Hindi ito sumagot nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Nalalanghap ko ang amoy ng alak sa kanya.
Tumango ako. "Anton...ayaw mo na ba talaga? Bakit ang bilis mong makahanap? H-Hindi mo ako hinintay?"
Binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Anton..sorry. Nagsisisi ako nang sobra. K-Kung sana ikaw nalang yung nauna. K-Kung sana sinagot nalang kita noon."
Sa sobrang iyak ko ay halos hindi ako makasalita ng maayos.
"Anton don't let me go."
I hugged him tight. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
"Say the fucking words Lisa!" He hissed.
Mula pa noon na pag ayaw ko sa kanya. Mula pa noon na pag iignora ko sa kanya. Heto ako ngayon umiiyak at kayakap siya. Halos magdasal na sana... huwag siyang magsawa sa akin dahil...
"Mula noon pa na pagbulag bulagan ko sa totoong nararamdaman ko Anton...sawa na ako."
He kissed my ear.
"Say it.." He whispered.. "Damn it..say it!"
"Mahal kita...Anton...Huwag mo akong iwan-"
Nabitin lahat ng sasabihin ko nang angguluhin niya ang ulo ko at halikan ako nang mariin. Mabagal na uri ng halik.
I cried.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang hinahalikan niya dahil sa wakas nagpakatotoo ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co