Truyen3h.Co

Inuman

Kabanata 14

Maasim2

Pag-usbong

JEROME'S POV

Maganda ang panaginip ko kagabi kaya sobrang himbing ng aking tulog. Pero hindi ko matandaan kung ano 'yon.

Alas singko pa lang yata ay gising na ako. Himala at nauna na naman ako kay Tyrone magising.

Mukhang napagod talaga siya kagabe. Todo bira ang ginawa niya kaya naman ito ang resulta.

Dahil sa kademunyuhan, nakangisi at tatawa tawa akong tumungo sa pwesto ni Tyrone, kumababaw sa kanya, saka dahan-dahang ibinuka ang bibig nya.

Nang makanganga na siya, inipon ko ang laway sa loob ng aking bibig, saka ko dinura sa bibig nya mismo. Sapul!

“Pwa! Pota!” Agad na napabalikwas ng bangon si Tyrone. Dumura dura pa siya. Lumingon-lingon siya saka napako ang paningin sa akin. Masama ang tingin nya, nanlilisik. “Ano'ng trip mo, Je?!”

Medyo nakaramdam ako ng konsensya. Pero nawala din agad nang maalalang ginawa nya rin sa akin 'yon nakaraang buwan.

“Kwcits na tayo!” nakangising banat ko. “Ano? Angal?”

Umasim ang mukha nya. Tapos ay umiling at bumangon na rin. Pareho kaming nakahubo lahat nang matulog kagabi, kaya sawang sawa ang mata ko sa mga burat nilang tayong tayo. Nakakayamot din minsan na ganoonang bumungad sa 'yo.
c
Matigas rin ang sa akin dahil ganito talaga 'to tuwing umaga. Parang flag pole.

Nagpasya rin kaming mag-kumot kagabe nang mga alas tres na dahil sa sobrang lamig. Pero nasa paanan na nilang lahat ang kumot pag gising ko. Letse!

Naglakad si Tyrone patungo sa brief nya saka sinuot yon, sinunod niya ang shorts. Sunod ay binuksan ang zipper ng tent at lumabas.

Ako naman ay ginising si Sam at Baldo. Inuna ko si Sam. “Sam, gising na.”

Agad naman siyang bumangon pero mukhang antok na antok pa. Hindi siya sumagot at nanatiling tulog.

“Hoy! Pupunta pa tayo ng kweba. Pag tanghali na tayo maglalakad, mainit na,” untag ko. Hindi ko na siya pinansin nang lumabi siya. Tumungo ako kay Baldo, akma nang gigisingin siya nang mapansin kong namamawis ang kanyang mukha. “Bal?”

Inalog ko ang katawan nya at tinapik. Doon ko napagtanto na medyo mainit si Baldo.

Oh?

Gulat ako sa nalaman. Nilapat ko ang likod ng palad sa leeg at noo niya at nang makumperma nga ang sinat, napa-tsked nalang ako. “Hindi mo pala kami kaya. Maburit kang bata ka ah.”

Natatawa akong sinipat si Sam. Bumangon din sa wakas. Inutusan ko siya, “Kumuha ka ng malamig na tubig. Saka bimpo. May sinat si Baldo.”

“Seryoso?” si Sam na gulat rin. Nang makitang seryoso ako ay tumalima siya. Lumabas siya para kumuha ng tubig sa ilog gamit ang plastik na bote. Bumalik siya na may laman na iyon, naghanap ng bimpo, saka nilublob sa tubig at pinigaan. Bahagya siyang tumawa ngunit agad ding nakonsensya dahil tumigil din.

Sinong hindi matatawa? Eh pano ba naman. Noong nag-overtime kami noon sa trabaho at walang pahinga, hindi siya nagkasakit. Noong umulan at umaraw nang salit-salit, hindi rin tinablan. Habang kami noon ay palit-palitang ubuhin at lagnatin.

Pero dahil lang sa pagbira namin, sumuko ang katawan niya. Nako! Haha.

“Nghnnn....” ungol ni Baldo nang dampian ko ng bimpo ang katawan nya. Mabuti nalang at hubad na siya kaya lahat ng parte ng katawan ay nadaanan ko. Napatawa pa ako nang bahagya nang sa singit nya ang dampihan ko. Naninigas kase ang burat nya at tumatango. “Ah...” ungol nyang muli. Alam kong dahil masama ang pakiramdam nya kaya siya umuungol, pero hindi ko mapigilang mapalunok dahil nanumbalik ang eksena kagabe sa utak ko.

Nagkatinginan kami ni Sam nang tite ni Baldo ang dampihan ko ng bimpo. Dahilan para umungol nang husto si Baldo.

Nakatutok si Sam sa pagkalalake ni Baldo, lumulunok siya, saka binawi ang tingin at nakipag-labanan ng tingin sa akin.

Ngumisi ako. “Itong tropa mo ay ibang klase. Nilalagnat na, nalilibugan pa rin.”

Umiling ito. “Normal na reaksyon 'yan ng katawan.”

Nagpaikot ako ng mata. “Wala ka talagang gana kausap, Samson.”

Ngunit hindi na ulit umimik ang pipi. Pinagpatuloy ko nalang dampihan si Baldo hanggang ilagay ko ang bimpo sa noo niya at pinabayaan doon.

“Ang kumag, saan?” pagtukoy ko kay Tyrone.

“Naliligo sa ilog,” sagot ni Sam.

“Alam na niya?”

“Oo.”

“Ano'ng sabe niya?”

Gusto ko rin sanang lumabas at maligo sa ilog dahil masarap maligo doon ganitong oras eh. Pero hindi ko naman maiiwan itong si Baldo.

“Chupa lang daw katapat.” Maasim ang mukha ni Sam nang sabihin iyon.

“Gago.” natawa ako. “Ikaw, ayaw mong maligo?”

Umiling si Sam. “Babantayan ko nalang si Baldo. Kung gusto mong maligo, maligo ka na.”

Lumiwanag ang mukha ko na narinig. “Wag mo nang bawiin ah?” agad akong tumungo kay Sam at hinawakan siya sa magkabilaang pisngi saka siniil nang halik. “Yan ang biyaya mo!”

Kita kong gulat na gulat siya sa ginawa ko pero mas lalo lang akong napangisi dahil doon. Ano, gulat ka ngayon ano? Yan ang napapala mo sa pabalang mong mga sagot!

Hindi ko ginagawa ang gano'n noon, pero dahil natikman na namin ang labi ng isa't isa, ano pang dahilan para hindi ko gawin, hindi ba?

Dali-dali akong tumakbo palabas ng tent at sumugod sa malapit na ilog na ilang takbo lang ang layo. Dahil hubad ako ay mabilis akong nakarating sa gilid ng ilog. Walang atubiling tumalon ako at nag-dive.

Hooh! Sarap! Ang lamig ng tubig. Sarap sa pakiramdam. Lumusong akong muli at lumangoy.

“Inamo, Je!” bwelta ni Tyrone nang languyin ko ang kinaruruonan niya at hilahin ang tarub nya. Nagsi-swing kase sa tubig lalo pa't nakatayo siya, umahon mula sa pagsisid.

Hindi masyadong malalim ang ilog, hanggang bewang lang iyon namin. Pero malinaw at masarap ang tubig. Malamig, presko sa katawan.

Umahon ako nang hinawakan nya ako sa balikat at pinwersa na ilubog.

Habol ang hiningang dinuraan ko siya. “Gago, muntik na akong malumos doon ah?!”

“Kasalanan mo ‘yan.” Tinaas niya ang parehong braso saka hinawi papunta sa batok niya ang buhok. Tumutulo ang tubig sa katawan nya, pababa sa kanyang dibdib, hanggang magtama ang mga butil ng tubig sa patag ng ilog.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin. Pero sa mga oras na iyon ay parang nahihipnotismo ako sa katawan ni Tyrone.

Nang tumingin siya sa akin ay nakakunot ang noo niya.

“Bakit mo ako tina-tsansingan?” tanong nito at pabirong tinakpan ang dede.

Hindi ako nagpahalatang naapektuhan ako sa katawan niya. Kaya pinakyuhan ko siya. “Ulol.”

Ngumisi ito ng nakakaloko. “Ano? Gusto mo ba akong chupain, Jerome?”

Umungos ako. “Ikaw nalang chumupa sa 'kin.”

Ngunit mas lalo lang akong namawis kahit nasa tubig ako nang dahan-dahang lumusong si Tyrone patungo sa akin saka niya inagat ang basang kamay at nilapat sa aking dibdib, tinungo ang utong ko saka nilapirot.

“A-Ah...” napaungol ako. Parang dumaloy ang ilang milyong bultahe sa katawan ko at pumunta sa ari ko. Nabuhay ito nang mabilis.

Pinagpatuloy ni Tyrone ang paglapirot sa akin habang ako naman ay napapakagat-labi at napatingin sa langit.

Ngunit natigil ang sarap na naramdaman ko nang mawala ang kamay ni Tyrone sa utong ko.

Napababa ang paningin ko, saka ko napansin na umahon na si Tyrone, nakatalikod sa akin habang ang pwet ay bungad na bungad. Patungo na siya sa tent.

“PO. TANG. INA.”

Bitin na bitin akong naligo sa ilog. Nang humupa ang libog ko ay saka lang ako umahon.

Hindi ko alam ang nangyayare sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang gustong gusto ko nang ginagalaw ni Tyrone ang katawan ko. O kahit sino pa sa kanilang tropa ko ang humawak, gustong gusto ko na. E dati naman kilabot ang bawat hawak ng kapwa ko lalake sa akin. Lalo na ng mga binabae.

Pero ngayon, gustong gusto kong hinahaplos ako sa katawan ng mga tropa ko. Bakit? Bakit, Je?

Sobrang tigang na ba dahil matagal nang walang kantot?

Gusto ko nang umuwi sa misis ko at barurutin siya buong araw. Pero hindi pwede eh. Hindi pa tapos ang proyekto namin. Hindi pa tapos ang building na ginagawa. Marami pang utang ang kailangang bayaran.

Hangga't maaari, kailangang kumayod para maiahon sa hirap ang pamilya.

Pero sapat na ba na rason ang mga 'yon para hindi ako umuwi? Ganoong unti-unti... unti-unti na akong natutukso.

Binagabag ako ng utak ko hanggang makauwi kami sa barong-barong.

TYRONE'S POV

“Takte! Bulagta ang barako!” untag ko pagkapasok sa tent. May sinat nga si Baldo, akala ko ay biro-biro lang ni Sam nang kumuha siya ng tubig sa ilog kanina.

Pinanuod ako ni Sam na magpunas ng katawan gamit ang tuwalya na dala ko. Pinunasan ko ang dibdib ko, ang buhok, tiyan, saka singit. Napako ang paningin ko sa burat ko na hindi matigas pero hindi rin malambot. At alam ko ang dahilan bakit ganon iyon. Ngunit agad kong iwinaksi ang rason.

Matapos kong tuyuin ang katawan ay nagsuot ako ng brief saka shorts, maging ng damit. Nakabihis na rin si Sam kahit hindi naligo. Malamig kase talaga.

Si Baldo ay nakahubad pa rin. Iyon ay dahil kahit malamig ay pawis na pawis siya.

Napailing akong pinagmasdan si Baldo na dumadaing kada minutong lumilipas.

Lagnat na yata 'to eh.

“Umuwi na kaya tayo?” suhestyon ni Sam nang mapansin na tumataas ang lagnat ni Baldo.

“Takte naman. Mahihirapan tayong ibaba 'to.” untag ko. Lalo na at mahirap talagang alalayan si Baldo pababa ng bundok kapag hindi nya makaya ang sariling maglakad.

“Umuwi na tayo,” unang beses niyang magsalita ngunit iyon agad ang binungad. Iminulat niya ang mata saka nagpumilit umupo. Nang makaupo siya ay manipis na ngiti ang ibinigay niya sa amin. “Kaya ko pa maglakad pababa. Tapos ay mag-tricycle pauwi ay hindi na mabigat.”

Nagkatinginan kami ni Sam. Sa huli, tumango kaming pareho. Doon pumasok si Jerome na basa at agad na kinuha ang tuwalyang ginamit ko. “Ginamit mo 'to Je?”

Tumango ako. Pero namilog ang mata ko nang ngumising demonyo ang loko at sininghot nang malamim ang tuwalya.

“Ang bango! Lasang pawis!”

Namilog ang mata ko. Ano'ng trip nito?!

Hindi ko na iyon pinansin at inalalayan nalang si Baldo na magbihis. Ako ang nagsuot ng brief at shorts nya, tumulong si Sam sa damit. Dahil may kalakihan rin ang katawan ni Baldo ay nahirapan kaming isuot ang damit niyang hapit na hapit na sa kanya.

“Kaya mo ba?” tanong ko kalaunan kay Baldo nang nagliligpit na kami ng gamit at nasa labas na kami ng tent.

“Mmm,” tipid na sagot niya. Nakatayo siya at pinapanuod kami. Sa aming lahat, siya ang walang dala. Kami na kase ang nagdala ng mga gamit niya.

“Ah, takte!” untag ko kalaunan nang pababa na kami ng bundok. Muntik akong madulas. Pero hinawakan ako ni Jerome sa bewang para hindi ako tuluyang madulas. “J-Jerome!” untag ko nang ilapit nya sa leeg ko ang ilong at singhutin ako. “Ang lakas ng trip mo!”

Sa puntong ito hindi na talaga ako mapanatag dahil pinapakita na talaga ni Jerome ang kakaibang galaw nya. Anong dahilan bakit gumaganito siya?

“Nghn...” ungol niya nang idikit nya ang hinaharap sa puwet ko saka kadyutin ako. Kahit may suot pa kami, randam ko na ang bukol nya. “Inamo, Ty. Kasalanan mo 'to.”

Napapalunok akong sumulyap kay Sam na nakatingin lang sa amin at si Baldo ay sa dinaraanan. Ngumit ako nang pilit. Mukhang alam ko na kung bakit gumaganito si Jerome.

Sa tagal naming magkasamang apat, ilang beses na naming nakita ang ganitong parte ng pagkatao nya. Kaya ilang beses ko nang nakita na ganito ang akto ni Jerome.

Pero ito ang unang beses na sa akin niya ginagawa. Tang ina naman oh! Hindi ko naman sinasadya na buhayin ang tinatago nyang demonyo eh. Puta. Kung alam ko lang, hindi ko na sana ginawa 'yung kanina. Eh, malay ko ba? Sa ginagawa namin nitong nakalipas na mga araw at linggo, hindi na dapat ganun ka-apektado ang mukong sa ginawa kong pag-lapirot ng kanyang utong!

Pagbaba ng bundok, pumara kami ng tricycle na dumadaan sa kalsada. Ngunit hanggang makarating kami sa barong-barong, wala kaming imikan. Tanginang ingay ng tricycle at ungol ni Baldo ang namutawi sa paligid.

Pero ang pinag-aalala ko, si Jerome na hanggang ngayon ay naka-akbay sa akin at hinihimas ang balikat ko.

Puta. Hindi ako relihiyoso. Pero sa mga oras na ito, ipinagdarasal ko na mawala agad ang pagtingin ni Jerome sa akin sa ganitong larangan at hindi na lumalim pa.

Dahil kung lumalim pa ito. Paniguradong mahihirapan akong gamayin ang sitwasyon. May anak at asawa si Jerome. Pareho kaming lalake. mag-tropa kami. Paniguradong gulo lang ang kalalabasan niyon.

Pero ang mas malalim na dahilan ng  pagtambol ng dibdib ko...

Nagugustuhan ko rin ang mga haplos niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co