Chapter 12
Chapter 12
Taas noo
Nag ibigan noon ang mga magulang ko at ako ang naging bunga . Pero isang taon palang yata ang kanilang pagsasama at naghiwalay. My dad cheated.
Hindi ko alam kung cheat ba matawag iyon dahil bago nawalan ng buhay si lola ang nagpalaki sa akin ay bago 'raw ikasal si mama at papa ay may naunang anak na daw si papa. Nang naghiwalay sila ay iniwan ako ni mama sa lola at sumama sa kanyang lalaki.
Noong namatay si lola ng kinsi anyos ako ay umuwi si papa galing US para bilhan ako ng condo unit sa. Bata palang ako ay mulat na ako maging praktikal. Sawa na akong magmukmok at umiyak dahil alam kong wala akong ibang sandigan.
Tanging apat na sulok ng kwarto ko ang saksi sa lahat na emosyon ko. Kung paano ako umiyak sa sakit. Kung paano ako umiyak sa hirap. Kung paano ako umiyak sa saya.
Lahat na karupukan ay iniiwan ko dito sa kwarto ko at lalabas na masigla,masaya at walang bakas na lungkot ang mukha.
Ayokong kaawaan ako. Nabibili ko lahat ng gusto ko kahit milyon pa ang halaga sa isang minuto pero kulang na kulang ako sa oras ng pagmamahal.
Life is so unfair.Kung ayaw mo maging kawawa matuto kang makipagsabayan sa daloy ng mundo.
Limang buwan ang lumipas at pinunan lahat ni Clinton ang aking buhay ng pagmamahal. Hindi na ako nagmumumok sa loob ng kwarto ko at palagi na akong nasa suite niya.
I am wearing my pajama and white sando with my bra. Ayokong mamanyak ni Clinton dahil alam kong napakamanyak niya. Dito ako tuwing gabi natutulog at bawat gabi na iyon ay napupuno ang kwarto ni Clinton ng mapupusok naming halikan.
Sobrang hibang ako ng oras na iyon na halos isuko ko na ang bataan ko pero malakas siyang magtimpi. Laging sa banyo ang bagsak niya.Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon.
Sa school ay usap usapan kami ni Clinton. May mga babaeng nanghaharas sa akin dahil ako 'raw yung flavor of the month ni Clinton.
Wala sa bokabularyo ko yung mag paapi. Masyadong awang awa na ako sa sarili ko upang apihin pa ng iba.
Wala akong sandigan sa oras ng kalungkutan o hinaing ko. Kaya ayokong maging api. Lalaban ako hangga't humihinga ako.
Nasa upuab ako at minamasdan ang likod ni Clinton na nagluluto ng fried rice. May nilagay siya doong meat na hindi ko pa natatry ilagay sa fried rice.
Gumagalaw ang bawat bitak ng kanyang likod sa paghalo halo ng ingredients doon.
Napakakisig niya talaga.Kahit twenty four palang siya ay hulmado na ang katawann niya na para bang trabahante.
He's topless and wearing a white pj. Kaya kanina ay napapatingin talaga ako sa umbok sa pagitan ng hita niya. Grabe ang laki no'n!
Tumayo ako at nakitang kong napatingin siya sa akin. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tsokolate doon. Ang daming tsokolate niya dito. Simula na naging kami ay nag imbak na siya ng tsokolate sa ref niya.
Kinuha ko ang Tobleron doon at pinunit sa box no'n upang kainin.Umupo ako pabalik sa upuan at tapos na pala si Clinton sa ginawa.I saw him staring at me.
Ngumisi ako at kakagat na sana sa tsokolate ng agawin niya iyon sa akin.
"Hey! akin na!"
Umiling ito at humila ng upuan sa mesa at seninyas na doon ako umupo.
"Kain muna. Too early for sweets." anito.
Kaya napanguso ako walang nagawa at kumain nalang muna.Nilalagyan niya ang tubig ko kung wala nang laman at pinaubos niya sa akin ang gatas na siya ang nagtimpla.
Habang kumakain ay nakaisip ako ng itatanong sa kanya. Nasa tabi ko siya at pa minsan minsan na hinahalikan ang aking balikat.
"Clinton." tawag ko.
Uminom siya sa kape niya at tumingin sa akin.
"Hmm?'' baling niya sa akin.
"Ilang babae na ang nakasex mo?" prangkang tanong ko na ikinunot ng noo niya.
Bumuga ito ng hangin at pinisil ang hita ko. ''Naughty."
Kinurot ko siya pero imbes ay napahalakhak ito. "Sagot na kasi!"
"Hindi ko na matandaan.Shit! Drop it baby." anas nito at sinenyas na kumain ako.
Umiling ako. Masyado akong nacucurious sa sex life niya noon.
"Ilang taon kana ng nakuha ang virginity mo?"Napahilot ito sa sentido niya.
"Thirteen." sagot nito.
Hell! Ang bata niyang ginawa iyon! Grabe siya! So marami na nga siyang nagalaw ! Twenty four na siya eh! Imposibleng simulang nawala ang virginty nito ay hindi naito gumalaw ng iba.
Agad kong sinapak ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin.Nanggagalaiti ako sa inis!
"Manyak ka talaga! Siguraduhin mo lang na wala kanang ibang kasex ngayon! hihiwalayan-".
Kinabig niya ako na kinabigla ko at sinakop ang labi ko.Halos hindi kona maalalaa ang mga nginangawa ko dahil sa klaseng halik niya.
"Ikaw lang ang gusto kong galawin pero hindi pa ngayon." ngumisi ito at hinalikan ulit ako ng mapusok.
Natapos ang aming weekend na sa suite ako ni Clinton namalagi. Araw ng lunes ngayon at maaga niya akong hinatid sa aking condo.Hindi niya daw ako masusundo dahil may kailangan daw siyang icheck sa kanilang airline dahil sa mga na delayed na byahe.
Natapos na akong maligo at lahat na ng tumunog ang aking cellphone. Nangunot ang noo ko ng nakita ang pangalan ni mama sa screen.
I fish it and answered the call.
"Hello mah."
"Hi anak. Sorry for the sudden call." may mga boses akong narinig sa kabilang linya.
"Okay lang ma."
"Can you do me a favor baby?" ngayon ay malambing na ang nito. Napangiti ako ng marinig iyon.
"Of course ma.Ano ba yun?"
"Good.Exchange student kase si Claudette diyan sa HMU kung saan ka pumapasok and uh , she needs a you know a condo at ayaw niya kasi na may kasama. Alam ko naman na mabait ka.Pwede bang umalis ka muna diyan sa condo mo? Kasi, mas gusto niya raw ang condo mo."
Nagpalpitate ang aking ngiti at nauwi sa kagat labi. What the. . .
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Umusbong ang sakit sa sistema ko at nangilid ang akkng luha.
"Ma wala kasi akong ibang-".
She groaned.
"Ugh. Claudette is your sister! Magbigay ka naman kahit konti! Alam kong milyon ang binibigay sayo ni Emilio! Find an apartment or what ever!"
Bumagsak ang luha ko. "Okay ma , I'm sorry."
"Good girl. I'll inform you her details okay? Love you hija." agad nitong pinatay ang tawag.
Nauupos akong umupo sa aking kama. Sa apat na taon ko dito sa condo ko ngayon ko lang iiwan ito. Pansamantala lang naman siguro kaya okay lang.Nagsalamin ulit ako at pinunasan ang aking luha.
Sayang ang mukha ko. Masaklap kasi ang buhay ko. Kailan kaya ako mamahalin ng magulang ko? Iyong aarugain din nila ako. Hindi ko kasi naranasan ang yakapin ng isang ama at ina. Hindi ko naranasan ang hagkan ng isang magulang.
Tumingala ako upang pigilan ang aking luha.
"Ang drama ko Kylie!Okay lang yan! Kaya mo yan! Laban lang!" pag chicheer ko sa sarili ko.
Nagtaxi ako patungong school.Marami nang studyante. Labas masok na iyon sa gate. Nakasalubong ko pa si Cassy na umirap sa akin at may katext.Tatlo silang magkakaibigan. Alam ko iyong isa ay nobya ni Rad.
Tumunog ang cellphone ko sa isang text at galing iyon kay Cinton. Napangiti ako habang papasok ng gate.
From Clinton : Hindi ako natuloy. Nasa gym ako. See you later . I love you.
Nakaramdam ako ng kilig.Bumili muna ako ng gatorade sa cafeteria bago dumiretso doon.
Nasa labas na ako ng gym malapit sa pinto nang makarinig ako nang halakhakan ng mga lalaki. Lumiko ako at nakita sila sa bleachers na nakatambay na tila namamahinga na.
Napangiti ako ng makita si Clinton na nakatalikod at ang iba ay hindi pa ako nakita dahil nasa ibaba pa ako.Isang hakbang sa hagdan ang ginawa ko.
"Damn pre! Umabot kayo ng five months! Congrats!" aniya ng lalaking kilala ko sa pangalan na Brandon.
"Yeah , talo tayo sa pustahan pre. Naka first base na nga si Clinton." sabat ni Rad.
Napatigil ako sa kanilang sinabi.Tila puzzle sa isipan ko ang lahat.
"Shut up." dinig kong malamig na boses ni Clinton.
Humalakhak sila. "What? Nagpustahan kayo?" hindi makapaniwala na sabi ni Sebe. Nakapa de kwatro ito at nilalaro ang labi.
"Yeah." humalakhak ang isa nilang kasama. Napamaang ako. Tila gumuho ang aking mundo sa narinig.
Mas lalo pa akong humakbang pataas na nanginginig na binti.
"So ano na ang plano mo kay Kylie Clinton?" dinig kong sabi ni Sebe
Putang ina!
Nabitiwan ko ang gatorade na dala na naglikha ng ingay. Sabay sabay silang napatingin sa gawi ko na ikinamura nilang lahat.
"Shit." mura ni Sebe.
"Lagot na." namutla rin si Rad.
"Nicole." napamura si Clinton at tumayo pero bago ako malapitan ay tumakbo na ako paalis.
Dahil parang nawalan ako ng lakas at lumabo ang paningin ay napahina ang takbo ko I felt someone held my arms.
"Baby let me explain."
Marahas akong hinarap siya at sinampal!
"Baby mo mukha mo!" malabo na siya sa paningin ko. Tulad ngayon. . .malabo na kami.
Umigting ang panga niya at namula ang pisngi. Tinignan niya ako ng nagsusumamo. Pilit akong hinahawakan na winaksi ko.
"You got it wrong."anito.
"Wrong?!" I mocked. "Narinig ko yon klarong klaro! Pinagpustahan niyo l-lang ako?" wala na kong pake kung madami ang nakatingin. Wala na akong pake kung luhaan man ako.
Yumuko siya at tumango.Pula ang mukha niya at mata.Nanlumo ako sa pagtango niya.
"Lahat na pinakita mo ay pagpapanggap lang p-pala yun?! " Sumbat ko.
"Lahat nang iyon!? Tangina mo rin pala eh!" patuloy sa pag agos ang luha ko.Kita kong kumuyom ang kamao niya at yayakapin sana ako pero umatras ako.
"Clinton naman! Kung gusto mo ng laro sana yung iba nalang! Sana y-yung may pamilya! Sana yung may masasandigan! D-Dahil wala a-ako no'n!"
Isang higlap lang ay niyakap niya ako at kinulong sa kanyang bisig.
"I am your family baby. Please let me explain."
Tinulak ko siya ng buong lakas at sinampal ulit.
"End of the show na Clinton.Don't pretend anymore! Don't act like you care!" pinunasan ko ang luha ko at buong tapang na hinarap siya.
I am tired of my life. Pagod na ako sa buhay ko! Pagod na akong lumuha!
"Wag kang mag-alala.Hindi pa masyadong malalim. Hindi pa kita masyadong minahal. Hindi mo kasi tinodo eh.Kaya pa kitang kalimutan at palitan.Sana maging masaya ka."
Agad ko siyang tinalikuran at narinig ko ang paglagabog ng basurahan . Alam kong si Clinton ang may gawa no'n.
Sawa na ako sa lahat. Taas noo akong lumakad at pinunasan ang aking luha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co