Chapter 15
Chapter 15
Babawiin
Napapatingin sa amin ang bawat madaanan at nagbubulong bulongan. Sinubukan kong makawala sa hawak niya pero mas lalo lang humihigpit. Hanggang sa dinala niya ako sa parking space.
Agad akong naginawan dahil sa paghampas ng pang gabing hangin.
"Ano ba!" nakawala na ako sa kanyang hawak pero kinulong niya na agad ako sa kanyang magkabilang bisig at sinandal sa kanyang kotse.
"Tell me , para saan ang luha na yon?"
lalaking lalaki ang kanyang boses at na amoy ko ang kanyang pabango.
I scoffed and rolled my eyes. Peke lamang para ipakita sa kanya na hindi ako naapektohan ng kahit ano. Pero ang totoo, halos mapaupo na ako sa sobrang pag ngatog ng binti ko.
He saw it?
"Anong pinagsasabi mo? Anong luha?"
Umigting ang panga niya.Nilapit niyaang kanyang mukha at tumama na saking pisngi ang kanyang hininga.
Nilagay ko ang aking mga palad sa dibdib niya ng hawakan ng isa niyang kamay ang baywang ko at lalo pang idikit sa kanya.
"Little liar."
Agad uminit ang ulo ko dahil tandang tanda ko pa na naghalikan sila ni Cassy na iyon at malamang! Kaya siya turn on ay hard dahil sa make out nila kanina! At tapos nandito siya sa akin? Ako ang pag bubuntongan niya ng kalibugan niya?
"H'wag mong ilapat ang labi mong nakahalik sa bad breath." diin na saad ko nang medyo lumapit ang labi niya sa labi ko.
He sighed.
Umirap ulit ako kahit sobra sobra na akong nahihirapan! Naiinitan na ang katawan ko dahil sa hatid ng katawan niya. His body almost cover my whole frame! Kung ganito ang posisyon namin ay hindi talaga ako makikita!
"Ano na ang nangyari sa sinabi mong kahit wala ang putanginang pustahan na iyon ay may plano kana sa akin? Tapos ngayon may nakita nalang ako na may kahalikan ka? Kapal ng apog mo ha? Sana pinili mo naman yung mas maganda sa akin!" napairap ako ulit sa inis.
Medyo lumayo siya para bigyan ng space ang pagitan namin at tinignan niya ako nang madiin.
"You're being unfair Nicole.Lets say I used Cassy to get even to you. Pero hindi ka madaling palitan. I tried so hard. "
"Wow? So may plano ka talagang palitan ako?"
"Nicole may boyfriend ka! Ka'y dali mo akong pinalitan! Ang unfair mo dahil mahirap sakin ang gawin 'yon. Ang bilis mo akong palitan."
"Because you deserve it! Alam mo naman pala na may pustahan bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hinayaam mo pang mas mahalin pa kita nang todo? Napaka playboy mo talaga! I'm just one of your girltoy! Hindi ka parin--"
Napatigil ako nang mahigpit niya akong yakapin. "Fuck! Say it again baby."
"Say the what?"
"Mahal mo ako nang todo huh? Dammit!" halos maramdaman ko ang kaligayahan niya sa pag sabi niya nun.
I bit my lip nang may natanto. Parang tinulak ko lang ang sarili ko sa bangin.Shit!
"Clinton??" someone called him kaya napatigil kaming dalawa.
Cassy wearing her seductive red dress ang buhok niya ay kulot at naka killer heels.
Tamad na napasinghap si Clinton at hindi man lang siya tiningnan habang ako ay nakataas ang kilay na tinitignan si Clinton.
"Clinton w-what are you doing there? Let's get back inside."
"Uuwi na kami." umalis si Clinton sa pagkakakulong sa akin kaya nakita na ako ng tuluyan ni Cassy.
Her eyes widened.
"W-What is the meaning of this? Diba girlfriend ka ni Jedd? Are you cheating?"
Pumantig ata ang tainga ko sa sinabi niya.
"Ang alam ko bitch kalang chismosa rin pala." Nag cross arms ako at tinaasan siya nang kilay nang hawakan ni Clinton ang siko ko.
"Baby enough, Lets go." pero hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nakatingin lang ako kay Cassy.
Abangers rin ito e. Nabakante lang si Clinton ay umabang na agad.
"So you're really cheating! Goodness!" maarte nitong sinabi.
"Oh tapos? Anong pake mo? Bakit nangingialam ka? Hindi ko nga pinapakealaman ang panget mong mukha--"
"Oh baby please." Clinton stop me and he chuckled a bit dahil sa sinabi ko.
Pumula ang pisngi ni Cassy.
"What? Ako panget?" tinuro pa nito ang sarili niya.
Tumango tango ako.
"Oo ikaw nga! Bakit sino bang nagsabing maganda ka? Nilagyan molang ng kulay yang mukha mo-"
"Fuck you!" sinugod niya ako pero bago niya ako maabot ay humarang na si Clinton.
"Don't you dare Cas." banta ni Clinton sa kanya.
"Clinton hinaharass niya ako!"
"Anong harass? Feeler ka rin e. Makaharass ka parang virgin ka ah!"
Agad akong binuhat ni Clinton na parang sako ng bigas at walang salita na pinasok ako sa kotse niya.
Napatili na lamang ako.
Agad syang pumasok sa kotse at iniwan si Cassy na nagpapadyak sa labas. Ginulo niya ang buhok niya pero nakangisi.
"Gosh baby are you drunk?"
"Hindi ako lasing!" Sipat ko at tumingin sa labas. "Saan moko dadalhin? Mga kaibigan ko! nandoon pa!"
"Nandon ang mga boyfriend nila Nicole so no worries."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Saan mo gustong pumunta? " Sabay tingin sa relo nito sa pulso.
Nakatingin lang ako sa kanya at natanto na napakagwapo at astig niyang tingnan sa kanyang black v neck t shirt at naka ragged pants.
"Drive thru nalang. I'm hungry." binalik ko ang tingin ko sa labas dahil pinagpapantasyahan kona siya.
"Okay."
"Thank you sir! Come again!" masiglang sabi ng cashier kaya napairap ako.
"Saan mo gustong kumain?" tanong nito.
"Sa park nalang."
Ang gaan gaan ng pakeramdam ko ngayon. Parang nabawasan ng tinik ang aking dibdib.
Ilang sandali lang at narating na namin ang park. Bawat poste ay may ilaw. May mga tao rin dito. Malapit lang ito sa school namin eh.
Bago lumabas ay may kinuha si Clinton na jacket sa backseat. May hood iyon na kulay gray at pinasuot sa akin.
Hinawakan niya agad ang baywang ko habang sa isa ang plastik ng jollibee.
"Athena, I'm sorry.I still love you ! Mahal na mahal kita."
May narinig akong humikbi.
Hindi lang ako ang nakarinig nun dahil pate si Clinton ay napatingin doon.
Jedd and Athena hugging each other. Nakaupo pala sila sa isang bench katapat lang namin!
Teka. . .akala ko boyfriend ko siya?
"Ikaw parin Athena. . .ikaw parin."
Grabe talaga ang mundo kung hindi ka makikipagsabayan talagang mamumulubi ka.
Bago pa ako naka react ay sinugod na ni Clinton si Jedd. Pareho silang nagulat ng haklitin ni Clinton ang kwelyo niya.
"Clinton stop it!"
"K-Kylie?" namutla si Jedd nang makita ako.
Wala na talaga akong tiwala sa mga lalaki ngayon.Agad bumagsak si Jedd sa damuhan at napatili si Athena.
"Oh my god! " Athena gasped nang suntukin ng isang beses ni Clinton si Jedd at knock out na agad.Tumba talaga si Jedd.
"That's for kissing and cheating." preskong aniya ni Clinton. "Babawiin ko na ang akin at ayoko nang lalapit ka sa kanya."
Nakanganga lang ako buong pangyayari at hindi makapaniwal! Oh god!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co