Truyen3h.Co

Just Lust

Chapter 21

frezbae

Chapter 21
Maswerte

Naalala ko pa noon iyong ayaw ko kay Clinton dahil napaka playboy. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Pero tulad ng damit na bago habang tumatagal kumukupas rin. Si Clinton ganon' din. Kumupas din ang pagiging playboy.

Dapat lang, if he loves me. Dapat ako lang.

May mga babae parin na umaaligid kay Clinton. Kasama na si Cassy.Nawala na nga ang ate ko na karibal ko pero may naiwan pa pala.

Kinuha ko ang cocktails na bagong lapag ng waiter at ininom iyon.

Neon lights dancing anywhere. Nakakahilo iyon. Masiglang nagsasayawan ang mga tao sa dance floor. May mga lasing na at ang iba pa suray suray na. Natatawa pa ako sa mga babaeng makikita kong lasing na at halos hindi na makalakad at inalalayan na ng mga lalaki para ilabas.

"Ayan! Gang bang na iyan." sabi ni Jenn ng makita yung babae. Natawa ako sa sinabi niya.

Sinaway siya agad ng nobyong si Brandon. Pansinin ang table namin dito. Paano bang hindi? Kasama namin dito si Martin na ex ni Jenn pero okay na sila ngayon.Si Martin isang varsity player. Nandito din si Brandon na varsity din at ka team ni Martin. May iba pa na pamilyar sa akin at ibang babae na ka school mate namin. Mostly ,si Clinton sa tabi ko ay agaw pansin.Yung mga batchmates ko na babae? Ayon namumula dahil napapalibutan ng mga nagagwapuhang nilalang. At sa tuwing si Clinton na ang magsasalita parang asong askal na naglalaway.

It's okay to stare,but I dont share.

Tahimik na nakikinig si Clinton sa ibang kaibigan habang ang panga ay sa aking balikat. Nakadikit ang labi niya doon at paminsan minsan gumapang pa halik sa aking leeg. Ang kamay ay nakayakap sa akin. Sanay na ako sa ganitong galaw niya. Sanay na ako sa pagka touchy niya.

Humikab ako at hinilig ang ulo sa kanya kaya napaayos siya ng upo.

"Sleepy?" he asked.Nalanghap ko ang amoy ng pinaghalong mint at alak sa bibig niya. Parang sarap niyang halikan tuloy.

Tumango ako.

"Let's go home?" he asked.

I nodded.

Inaantok na tlaga ako. Sabayan pa ng sakit ng ulo sa tama ng alak. Nagpaalam na kami sa kanila.

"Hey Clinton iuwi mo ng maayos ang kaibigan ko ha. Sa condo niya diretso ha?" bilin ni Jenn sa kanya.

Nakatayo na kami at nakahawak na siya sa aking baywang.

"Sa condo ko siya uuwi." simpleng sagot ni Clinton.

Jenn gasped. "Bahala ka. Basta gumamit ka ng proteksyon o di kaya sa labas mo iputok---Aray!"

Hindi na ako nakapagpigil dahil anu ano na nasasabi niya sa t'wing nakainom na. Binatukan ko siya.

"Ikaw Jenn ano ano pinagsasabi mo!"

Clinton chuckled. "Don't worry. Kung maputukan man , I'll drag her to the altar. "

Halos mamula ang pisngi ko sa banat niya na ikinahiyaw ng mga kasama namin.

Napapikit nalang ako at sumuksuk sa kanyang gilid dahil sa hiya.

"Ay sige! Putukan mo na lang basta ninang ako ha." tumawa si Jenn at Brandon.

Ilang sandali pa lumabas na kami ng Bar. Hinatid niya ako sa sasakyan niya at binuksan iyon.

"Wait here. Iihi lang ako." Sabi niya na ikinahalakhak ko.

He groaned.
"What's funny?"

"Wala.Umihi ka na don' mister eight inches." sinubukan ko pa siyang inisin.

Mas lalong naningkit ang mata niya at idiniin ako sa kotse kaya napasandal ako doon. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko.

"Alam mo ba na namiss kana ni eight inches?" He said and sniffed on my ear. I shivered and bit my lip.

Mali yata ako ng biro.

"E-Ewan ko sayo.Umihi kana nga." Tinulak ko siya dahil alam kong pulang pula na ako.

Lumayo siya. "Stay there." bilin niya bago siya umalis.

May mga tao dito sa labas ng bar. May mga naninigarilyo at tumatambay.

Umikot ako para tingnan kung may mineral ba sa dashboard niya dahil nauuhaw ako.Nang makitang may isang bote pa na hindi nabubuksan tumingkayad ako para maabot iyon mula dito sa kinatatayuan ko sa labas.

Nang maabot ko na iyon I heared someone whistled. Nangunot ang noo ko at nilingon iyon.

A man wearing a white shirt at jeans.
Tiningnan ko siya ng masama ng tiningnan niya ang legs ko. Napasinghap ako sa inis nang napagtanto na sinisilipan niya ako kanina?

"Bastos ka! Umalis ka nga dito!" Ngumuso siya at namulsa.Prente siyang nakatayo sa harap ko.

"Ako bastos? Baka Ikaw?"

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa inis.

"Ako pa ang bastos na ako ang sinilipan mo! Kung ako sayo umalis ka ngayon din baka sayo ko mabuhos ang minera na ito. Try me." Nanggalaiti kong sinabi.

He smirked. "Ikaw ang bastos ikaw ang tumuwad diyan at pinakita ang panty mo. Dumaan lang ako dito. Hindi ako sumilip dahil pinakita mo."

Kinagat ko ang labi ko ng mariin at hindi kona napigilan sinampal ko ang lalaki na ito. Fuck him! Galing niyang mambara!

Napagilid ang ulo niya dahil sa sampal ko at namula agad iyon. Hindi pa ako nakuntento at hinampas ko sa ulo niya ang mineral water sa kamay ko. Napamura agad siya sa sakit.

Nabastos ako e. Nakakainis dahil napakabastos niya at obvious naman na sinilipan niya ako. Manyak!

Tiningnan niya ako ng masama at humakbang palapit sakin kaya napaatras ako sa kotse ni Clinton dahil ramdam ko ang galit niya.

Pipikit na sana ako pero humandusay na agad ang lalaki sa sahig. Nasapo ko ang bibig ko ng makitang si Clinton iyon. Natumba niya ang lalaki sa isang suntok niya lang!

"Clinton!" hinawakan ko siya sa braso at hinila ng susugod pa sana siya sa lalaki.

May mga bouncer na lumapit dahil siguro napansin nila na may gulo dito. Nakita ko pa si Rad na bagong dating lang.
Taas baba ang dibdib ni Clinton at mahigpit na hinawakan ang baywang ko palapit sa kanya.

"Anong ginawa niya sayo?" he hissed angrily.

Napalunok ako sa kaba dahil nakikita ko ang galit niya. Pumula ang dibdib at tainga niya.

Umiling ako. "Umuwi na tayo."

Pero humalakhak ang lalaki.Adik siguro ang gago na ito. Dumudugo na ang ilong nito dahil doon siya sinuntok ni Clinton.

"Itim ang panty niya dude,itim!" sumipol pa ito.

Napapikit nalang ako sa inis. Nilingon siya ni Clinton na nakaigting ang bagang at sinugod na naman ang lalaki pero madami na ang humarang isa na don' si Rad.

"Fuck off!" mura ni Clinton kay Rad na hinarangan siya.

Umiling si Radleigh. "Ako na bahala dito. Umuwi na kayo nakainom kana e."

Nakipagtitigan si Clinton sa lalaki na dinakip ng mga bouncer. "C-Clinton come on." pilit ko sa kanya at hinila siya. Masama ang tingin niya sa akin ng nilingon ako.

Padarag niyang hinawi ang kamay ko na humawak sa kanya at pumasok sa kotse.

I gasped softly at tiningnan siya habang pumapasok. Napatingin ako sa baba at tiningnan ang slip on shoes ko na Vans. Naawang ang labi ko ng makitang sira na iyon at may punit.

God.

Pumasok na agad ako sa kotse niya at inayos ang seatbelt ko. It's my fault anyway. Kanina bago kami pumunta dito ayaw niya ang suot ko dahil daw revealing pero pinilit ko pa din.

Tahimik lang kaming dalawa ng tinatahak na pauwi. Gaya ng sa isip ko sa condo niya kami umuwi.

Mula sa elevator hanggang makapasok seryoso lamang siya. I feel so sad and guilty. Parang ang pasaway ko.

Dire diretso siya papasok sa kwarto niya sa ikalawang palapag at sumunod lang ako sa kanya.

Ayoko ng ganito e. Yung seryoso lang siya at tahimik. Mas pipiliin ko pa ang pagiging seryoso niya pero touchy.

Hinubad niya ang t shirt niya mula likod at sinunod ang kanyang jeans. Nanghihina ako na umupo sa kama niya at pinagmasdan siya na hindi ako makuhang tignan.

I know he's mad and pissed off.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower. Kaya alam kong nagsa shower siya. Bumuga ako ng hangin at humalungkat sa aking sling bag at kinuha ang wipes doon at pinunasan ko ang mukha. Pinuyod ko din ang mahaba kong buhok at tinanggal ang aking Vans na sapatos.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si Clinton na nakatapis lang ang ibabang bahagi ng katawan sa tuwalya.

Napatingin ako sa kanyang eight pack of abs niya pababa sa umbok doon. Damn it.

Umiwas ako ng tingin at yumuko hinubad ang isa pang sapatos at nilapag iyon. Habang si Clinton ay nakasuot na ng boxer at pinupunasan na ang buhok. Gumulo iyon dahil sa ginawa niya pero dagdag gwapo lang iyon.

Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Hanggang sa pumasok ako sa banyo at naghilamos lang dahil inaantok na ako. Ganon ba gusto niya? Walang pansinan? Si galit nga siya sakin?

Pagkalabas ko ay nakahiga na siya sa kama. Nakatabing sa mata niya ang kanang braso. Topless siyang nakahiga doon. Hindi ko alam kung gising paba siya o tulog na?

Nakita ko din na nasa gilid na ang aking sapatos. Wala na iyon sa nilagyan ko kanina. Damn,ganito ba siya pag galit? Hindi namamansin?

Umirap ako at padabog na ini off ang buong ilaw at binuhay ang lampshade sa gilid kama. Humiga ako sa tabi niya at tumalikod. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko. Ayoko ng ganito.

Uminit ang mata ko sa luha dahil nasasaktan ako. Sa isang kama dalawa kami pero hindi niya ako hinahawakan,hindi niya ko niyayakap. Edi sana sa condo nalang ako umuwi.

Napasinghot ako ng dumaloy ang luha ko. Naramdaman ko siyang gumalaw. Napasinghot ulit ako ng dumaloy na naman ang aking luha at pinunasan iyon. Naramdaman ko na naman siyang gumalaw at nagulat ng niyakap niya ako mula likod at binaon niya ang ulo sa aking leeg.

Hindi ko alam pero mas gusto ko lalong maiyak.

Ramdam ko ang init at tigas ng katawan niya. Nakikiliti ako sa ilong niya na nasa leeg ko.

Mas humigpit ang yakap niya sakin at hinalikan ako sa balikat. Bahagya siyang umahon doon para makita ang mukha ko.

"Don't cry please." pinunasan niya ang luha ko.

Umayos ako ng higa at hinarap siya.
Ilang dangkal lang ang layo naming dalawa. Nagtatamaan ang aming hininga.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Galit ka ba sakin?"

Umigting ang panga niya at mas lumapit para patakan ako ng mainit na halik sa labi. Gumalaw pa iyon ulit bago tinapos.

Napaawang ang labi ko at bigla nakaramdam ng init.

"Galit ako pero hindi kita matiis." he burried his face again on my neck.

"Hindi ko lang matanggap na nakita ng iba ang panty mo tangina." sabi niya habang nakabaon sa aking leeg ang mukha.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. The hell.

"I'm sorry. Hindi na ako susuot ng ganon ka ikli."

"Promise?" aniya

Tumango ako. "Oo promise.Wa'g kalang ganito dahil naiiyak ako kapag ganito ka."

Kinagat niya ang labi niya.

"Hindi kita pinansin dahil galit ako. Kapag galit ako at ayokong pate ikaw mabuntunan ko nang galit kaya nanahimik ako.Pero hindi ibig sabihin babalewalain kita. Pinapahupa kolang ang galit ko." he explained.

"But still. . . " naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa hita ko at unti unting binaba ang panty ko.

Nakagat ko ang labi ko.
"Kailangan mo maparusahan sa hindi pag sunod sakin." mapusok niya akong hinalikan sa labi na ginantihan ko. Kinawit ko ang aking braso sa leeg niya. Hanggang sa bumaba siya at pinarte ang aking hita. He positioned himself sa aking gitna.

And the last time I remembered I was moaning softly with pleasure

Naglilinis ako ng kwarto ng tumawag si Clinton sakin.

"Hello Clinton." sagot ko.

"Nasa baba ako. Come down here please?"

Nangunot ang aking noo. "Bakit?"

"Just come down baby."

Napangiti ako. "Okay, bababa na."

"Ayoko ng maiksi Nicole." paalala na naman nito sa akin na baka maiksi ang suot ko.

Tiningnan ko ang sarili at okay naman ang suot ko. Naka gray t shirt ako at short hanggang taas ng tuhod.

Bumaba ako at pinuntahan siya sa baba ng condo.Nakapamulsa siya na nakahilig sa isang van. Van gamit niya? Weird huh.

I hugged him. "Bakit ka nandito? Kakauwi ko lang a."

Kinabig niya ang baywang ko at hinila ako papuntang likod ng Van. Walang imik na binuksan niya iyon. Halos lumuwa ang aking mata.

"What the hell. . . " natakpan ko ang aking bibig.

Punong puno lang naman ng iba't ibang klaseng sapatos ang compartment ng Van sa likod. Iba iba ang brand ng mga sapatos na nandoon.

"Oh my god! Clinton!" Niyugyog ko pa ang balikat niya pero nakangisi lang siya.

"Ang dami niyan! Sakin ba iyan?"

Tumango siya. "That's all for you baby. I saw your shoes last night. "

Nakagat ko ang labi ko ng maalala na kaya pala nasa gilid na iyon dahil tiningnan niya? Nakakahiya.

Napanguso ako at niyakap siya.Gusto ko na namang umiyak.

"Thank you t-talaga. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

He hugged me back at hinalikan ako sa buhok.

"As long as I have you Nicole.You're enough baby. . . you're enough." bulong niya sakin na ikinaiyak ko.

Hindi ko man naramdaman ang ganitong kalinga sa magulang ko. Pero masasabi kong maswerte parin ako dahil may isang taong pumantay sa pagmamahal na sana sa magulang ko naramdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co