Chapter 30
Chapter 30
Lumuhod
Kabadong kabado ako habang tinutungo ang condo ni papa sa De'luxxe Condominium.
Tumawag siya sa akin at sinabing kung 'pwede daw akong pumunta doon dahil nandoon si mama at Claudette galing pa sa US. Hindi ko nga rin alam na nandito din si papa.
Nung isang araw bago kami umuwi dito sa Manila naging emosyonal si Tita Magda. Madami siyang pinadalang prutas at iba pa.
Namimiss ko na ang kapaligiran ng probinsya kaysa dito sa lungsod. Nakakalungkot tuloy dahil hindi man lang ako nakapunta sa talon doon.
Hindi na ako nag-dadrive at may kinuhang driver para sakin si Clinton. Siya naman ay maraming pending works dahil na din sa pag iwan niya ng kompanya nila.
Nang makarating ay agad kong tinungo ang front desk.
"Good afternoon! I am the daughter of Bernardo Hernandez. Anong floor siya?" Tanong ko. Hundi ko kasi natanong kanina ng tumawag 'sya dahil excited ako.
"Oh! You've must be Kylie Nicole Ma'am? This way po." Nilahad niya ang daan papasok sa elevator at pinindot ang 16th floor.
Napabuga ako ng hangin at napahimas sa aking tyan na medyo halata na. Meron pa ring morning sickness,cravings, pagkahilo aat iba pa.
Bumukas ang pinto at tinahak namin ang kulay puting pinto na may 104 na numero.
"This way Ma'am."
"Thank you." Ngumiti ako at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang lamig ng aircon at ang kulay dark and gold na sala ng pad ni papa.Nahanap ng mata ko si mama at Claudette na nakaupo sa mahabang sofa at nakatingin sa akin.
"Hija."
Wow, is this a family reunion?
Niyakap ako ni papa pero mas binigyan ko ng pansin si mama. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Mama." Sa haba ng panahon na hindi kami nagkita , maligaya ako na umuwi siya dahil buntis ako. It means. She still care for me.
Dahil sa bugso ng damdamin umamba ako ng yakap ng palapit siya para yakapin siya.
Lumagapak agad sa aking pisngi ang kanyang palad.Halos maduling ako sa lakas 'nun at ramdam ko ang sakit. Dumaloy agad ang luha sa aking mata at napahawak sa aking pisngi.
"My gracious! Helen! Your daughter is pregnant!" Dinaluhan ako ni papa at niyakap na para bang pinoprotektahan ako laban kay mama.
Namumula si mama sa galit, at umirap naman agad si Claudette habang tahimik si Berna sa gilid.
" I told you to abort that thing!" Dinuro niya pa ang tyan ko na tila ba nandidiri siya.
"Hindi mo'ko sinunod!May pinagmanahan ka talaga! Bubuntisin kalang ng lalaki mo at iiwan!"
"Stop it! Hindi kita pinatuloy dito para saktan ang anak natin Helen!" dumagundong ang boses ni papa sa buong sala.
Ang sakit. Bakit ba hindi niya matanggap? Hindi naman ako humihingi ng kahit anong tulong sa kanya a.
"Dahil magiging katulad lang natin siya! Look! Hindi pa siya graduate! Bakit hindi niya man lang magaya si Claudette?! Walang wala-"
"Palagi naman e!" Pinunasan ko ang aking luha at hinarap siya.
"Palagi nalang ang anak mo ang napapansin mo! Bakit? Kailan lang ba ako sumagi diyan sa isip niyo? Di'ba hindi? Bakit hindi niyo nalang ako pabayaan mama? Kaya akong buhayin ni Clinton! We Simula nung iwan niyo ko kay lola naghanap ako ng kalinga niyo pero wala! Hindi nga kayo nagkulang sa pagbigay ng pera pero kulang na kulang ako sa pagmamahal ng magulang! Hindi niyo ko masisi kung sa piling ni Clinton ko iyon naramdaman yung alagaan at mahalin tulad ng pagmamahal na hinihingi ko sa sainyo! Ikaw nandiyan ka palagi kay Claudette! Si papa kay Berna! Ako? Wala mama! Lumaki ako na wala kayo! Sana kahit ito man lang pabayaan niyo ako dahil kailan man hinding hindi ako tutulad sa inyo. Hindi ko iiwan ang anak ko."
"H-Hija, I'm sorry." Si papa na humahaplos sa braso ko at likod.
"Tama na yan baka may mangyari saiyo. Ako na ang bahala sa mama mo."
Nakita kong umiyak si Berna at nagmamadaling umakyat papuntang kuwarto. Humugot ako ng malalim na hininga at binalingan si mama na natahimik.
"Pumunta ako dito mama dahil akala ko sa ka haba haba ng panahon ay naalala niyo ako at namiss man lang.Pero kung ipipilit mo na ipalaglag ang anak ko mas mabuti pang wa'g na tayong magkita pa.Ginawa ko ito kaya pananagutan ko ang pagpapalaki ng anak ko. Wa'g kang mag alala, hinding hindi ko sainyo papakilala ang apo ninyo."
Tumalikod ako agad at hindi pa nakakalayo sa pintuan ay tuluyan na akong napahagolhol sa sakit.
All my life I'm craving for their love and care. Nagtiis ako sa mga panahon na nilalagnat at umiiyak at pa ulit ulit na sinasambit ang pangalan ni mama. Grumaduate ako ng elementary na wala siya at tanging si papa lang ang umakyat sa akin sa stage. Yung grumaduate ako ng highschool na si lola ang kasama ko at kahit isa sakanila ay wala.
Pinilit kong inintindi ,ang lahat. Sa murang kaisipan ay inintindi ko na may iba na silang pamilya at imposible nang maambunan man lang ako ng pagmamahal nila.
Naging masayahin ako sa kabila ng lungkot. Pilit akong ngumingiti kahit na malungkot. Yung feeling na kailangan mag meeting ang mama o papa mo sa school niyo pero ako ang umattend para sa sarili ko.
Ngayon, tatanggapin ko na ng lubusan na ganito na talaga. All I have is Clinton and my baby.
Tulala ako habang nanonood ng love story sa tv ng pumasok si Clinton . Gaya ng pangako niya bitbit niya ang buko pie, fresh milk at tuna pie na cravings ko.
Alas 'syete na at kakarating niya lang dito sa condo niya. Dito na ako tumutuloy.Nakapolo nalang siya at nakatupi ang hanggang siko niya iyon.
Niluwagan niya ang kurbata at umupo sa tabi ko nilagay sa mesang babasagin sa harap namin ang dalang pagkain.He kissed my cheeks.
"Good evening, nagabihan ako dahil nag close ako ng deal. So for celebration." may kinuha siya galing sa likod niya ang isang kumpol ng white roses at may mga chocolate sa gitna.
"Wow." manghang sambit ko at kinuha iyon. "Salamat dito."
"Wait, gutom kana? Kukuha lang ako ng pinggan.Just stay here."
Tumayo siya at tinungo ang kusina. I felt bad dahil hindi man lang ako nakapagluto pra sa hapunan niya dahil ayaw naman niya. Bumalik siya na may dalang pinggan at baso.
Inusog niya sa akin ang pinggan "May gusto ka pa ba?" Tanong niya.
Tahimik lang ako nanonood sakanya na hindi magkanda ugaga sa pag asikaso sa akin.Malakas ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya.
Nanubig ang mata ko at niyakap siya na ikinagulat niya.
"Mahal na mahal kita." iyak ko sa bisig niya.
Naramdaman ko ang hagod niya sa aking buhok at paghalik doon.
"What happened? Kamusta ang usapan niyo ni mama mo?"
Masuyo niyang hinahaplos ang ulo ko.
Umiling ako.
"A-Ang sakit. . .gusto niyang ipalaglag ko ang baby natin."
Humigpit ang yakap niya sa akin.
"Shit." umiling siya. "Yan ang wa'g na wa'g mong gagawin." banta niya sa akin sa nakakatakot na tono. Umiling agad ako at tumingin sa kanya.
He wiped my tears.
"I won't! Baby natin to.Nakaka disappointed 'yung reaksyon ni mama. Akala ko okay na kami pero bakit 'ganon? Parang ayaw niya sa akin."
Niyakap niya ako ulit ng mahigpit.
Huminga siya ng malalim.
"Marry me Nicole at ibibigay ko lahat na uri ng pagmamahal sayo.Just marry me. "
Natigalgal ako sa sinabi niya at kinuha ang isang kumpol na rosas.
"Find the ring baby. "
Umawang ang labi ko. I am speechless!
Dahil kuminang iyon ay nakita ko agad iyon na nasa itaas ng toblerone na chocolate.
Nakagat ko ang labi ng kinuha niya iyon at pinadausdus sa aking ring finger.
"There.Bagay na bagay."
"Hindi pa ako umu-o Clinton e."
Sabi ko dahil sa pelikula 'ganon iyon di'ba?Kailangan tatanungin at sasagot ka ng yes! Bakit sa kanya diretso suot?
"I wont take 'No' for an answer.I'll marry you kahit ayaw mo pa and I waant it soon."
Bumagsak ang luha sa aking mata at sinapo niya ang pisngi at hinalikan sa labi.
Lumalim at mas pumusok ang aming halikan. Hindi namalayan na nabuksan ko na lahat na butones ng polo niya at sinunod ang zipper ng slack niya pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Eat first Nicole."
Umiling ako.
"Ikaw ang gusto ko. I'll eat you first Clinton."
Napakagat labi siya ng lumuhod ako sa harap niya.
"Dammit!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co