Kabanata 10
Kabanata 10
Pagkababa ko pa lang sa jeep ay agad kong nakita si Jara na bumaba sa kotse ng boyfriend niyang doktor. Mabilis akong tumakbo sa kaniya at pagkatapos ay tinawag ko siya. Napansin kong umalis na ang kotse ng boyfriend niya. Lunes kasi ngayon kaya day off ang boyfriend niya. Hinatid lang talaga si Jara sa pagpasok sa ospital.
"Jara!" muli kong tawag sa kaniya.
Luminga-linga siya sa paligid at noong makita niya ako ay agad niya akong nginitian ng sobrang lawak. May ngiti sa labi na kumapit ako sa braso niya.
"Sana all may sweet na boyfriend." Pabirong sabi ko.
Hindi naman ako naiingit sa mga may jowa. Talagang gusto ko lang umarte na jowang jowa na kahit na hindi. Hindi pa ako handa sa pag-bo-boyfriend. Ayoko lang na pumasok sa relasyon dahil may priority pa ako sa buhay.
Yung gusto ko din kasi masyado pang pakipot.
"Darating din y'ung lalaking mamahalin ka ng lubos." biglang sabi niya.
Napalabi ako dahil sa kaniyang sinabi. Alam ko naman iyon, lagi sa aking sinasabi ni Mama na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalong lalo na sa buhay pag-ibig. May tamang panahon para dito.
"Kung dadating, edi thank you. Pero kung hindi maghihintay na lang ako." sabi ko at pagkatapos ay natawa ako nang mahina.
"Tama. Hindi naman nagmamadali ang pag-ibig. Hindi rin yan hinahanap kaya tama ang desisyon mo." wika niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng ospital.
Dumaan kami sa employees entrance at agad kaming nag-in sa biometric.
"Si Melny nga pala? Hindi mo kasabay?" tanong ko habang pumipirma sa log book na required laging pirmahan ng mga employees.
May biometric na nga tapos kailangan pang pumirma sa log book. Ang daming pa-puchu puchu ng security guard.
"Hindi sumabay sa akin. Sabi niya ay kay Doctor Gatmire daw siya sasabay." mahinang bulong niya sa akin kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.
Gulat na napatingin ako sa kaniya. "Ha? Jowa niya na?"
Napansin kong nagkibit balikat si Jara at pagkatapos ay umiling siya. "Hindi ko alam eh. Siguro? Napapansin ko kasi na laging magkasama."
Bigla akong napanguso dahil may napagtanto ako. Kaya pala parang muntik na siyang madulas noong isang araw.
"Si Melny talaga! Sabi niya hihintayin niya daw akong magka-boyfriend at tsaka daw siya mag-bo-boyfriend din." nagkakamot ng ulo na sabi ko.
Narinig kong napatawa si Jara sa tabi ko. Tapos na din siyang pumirma kaya naman naglakad na kami papunta sa locker room.
"Huwag ka na nga magtaka sa babaeng iyon dahil hindi naman 'yun makakapaghintay." sambit niya kaya bigla akong napatango.
Tama nga, masyado kasing mainipin si Melny. At tsaka gustong gusto niya si Doctor Gatmire kaya imposibleng hindi niya agad sagutin ang doctor, kung manligaw man talaga iyon.
"Sa bagay tama ka."
Marami pa kaming napag-usapan habang naghihintay kami ng alas-otso. Si Melny ay hinintay naming dumating pero sumapit na ang time namin ay wala parin siya. Pati nga si Doctor Gatmire ay hindi namin napansin na pumasok.
Naghiwalay din kami ni Jara dahil nauunang madaanan ang kwarto ng kaniyang pasyente. Mag-isa na lang akong naglakad papunta sa kwarto ni Hyron.
Medyo malapit na ako sa kwarto niya noong bigla akong mapatigil sa paglalakad dahil nakita kong may lumabas doon na isang babae.
Kahit na nakatalikod siya sa akin ay napansin kong sopistikada ang kaniyang dating. Maganda rin at mukhang mamahalin ang suot niya pati narin ang bag niya. Matangkad ang babae at kulay itim ang buhok niya. Tanging likuran lang niya ang nakita ko kaya hindi ko nakita ang kaniyang mukha. Doon kasi siya sumakay sa isang elevator na nasa kabilang way.
Lumakad na lang ako palapit sa pintuan at pagkatapos ay binuksan ko ang kwarto ni King Hyron. Napansin kong tahimik lang siyang nakaupo sa kama niya. Kapansin-pansin ang malawak na ngiti sa kaniyang labi.
Good mood ah?
May malawak na ngiti na nginitian ko din siya.
"May naging bisita ka, Sir Hyron?" mahinang tanong ko sa kaniya habang lumalapit ako sa kama niya.
Marahan siyang tumango habang nakatingin sa akin. Napansin ko ang kakaibang tingin na ibinibigay niya sa akin.
"Masaya ako dahil nakikita kong masaya ka ngayon." masayang sabi ko.
Did something happened? Real happiness and contentment are visible in his blue eyes.
"I'm happy now." sabi niya habang hindi parin mawala-wala ang kasiyahan sa mukha niya.
"Bakit? Nandito ako para makinig sa kwento mo." tanong ko habang umuupo sa kaniyang tabi.
Magli-limang buwan ko na siyang kasama at marami na kaming napag-usapan na mga bagay bagay. Naikwento na niya sa akin ang nangyari sa nakaraan niya. Ang mga bagay tungkol kay Hera. Nasabi na niya sa akin na nabaliw siya sa pagmamahal niya dito kaya nagpanggap siya bilang kakambal niya.
Parang kwento lang sa wattpad ang love story niya pero ang kaibahan lang ay hindi siya ang protagonists kundi siya ang kontrabida sa love story ng kapatid niya.
"Stop collecting some gossip." sabi niya sa akin kaya napanguso ako.
Napansin kong napatingin siya sa aking labi kaya inalis ko ang pagkaka-nguso ko. Naiilang na inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.
"Hindi ako sumasagap ng tsismis no. Gusto ko lang malaman kung bakit masaya ang pasyente ko." pagdadahilan ko sa kaniya.
Sa totoo lang ay gusto kong malaman kung sino iyong dumalaw sa kaniya na babae. Ex niya ba iyon? Pero wala naman siyang nabanggit sa akin na may ex siya. Si Hera lang ang babaeng minahal niya pero hindi niya iyon matatawag na ex dahil wala naman talaga silang relasyon.
"I'm just happy. Do I need to have a valid reason to be happy?" umiiling na tanong niya sa akin.
Umiiling na umiwas ako sa kaniya ng tingin. Ang lahat ng kaligayahan ay may rason. Hindi ka naman magiging masaya kung wala lang diba? Hindi ka naman baliw kung tatawa ka at magiging masaya ng mag-isa.
King Hyron might be crazy, but right now I know that there's something different in him. He's not the same guy that I met before. The first time I saw him, I know that he's broken and lost but now, he's slightly picking up the broken pieces.
"Lahat ng tao may dahilan pag masaya sila. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng pagiging masaya mo?" may ngiti sa labi na tanong ko.
Isa sa dahilan kung bakit kami nananatili lagi sa tabi ng aming mga pasyente ay upang maging kausap nila kami tuwing malungkot sila o masaya. Dapat maramdaman nila na may kaibigan sila at hindi sila nag-iisa.
"She came here, and I'm so happy because after how many months, she visited me." Sagot niya sa tanong ko.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at kalaunan ay napatango ako. Nagkapatawaran na ba sila?
"Kahit naging matagal, ang mahalaga gumawa parin siya ng paraan para mapuntahan ako." wika niya habang nakatingin sa kawalan. Nakangiti siya habang may iniisip.
I don't know but I feel a little jealousy towards that girl. I know that, she's still in his heart. In the past months, I want King Hyron to see me as someone who he can choose and be his girlfriend when he's okay and fully recovered. I might be crazy but I'm dreaming of it.
"Is she still the one you want to be with when you step out in this hospital?" may kuryosidad na tanong ko sa kaniya.
Pilit akong napangiti dahil nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso sapagkat alam ko kung ano ang isasagot niya.
"She's the woman that I love, but she doesn't love me." diretsang sagot niya sa akin.
Malungkot akong napangiti sa kaniya habang dinadama ang puso kong bahagyang nawasak dahil sa sinabi niya.
She's the woman that I love.
Paano kung sabihin ko sayo na mahal kita? Paano kung sabihin ko sa'yo na nahulog ako sayo? Bibigyan mo ba ng pagkakataon na mahalin din ako? O iiwasan mo na lang ako habang iniingatan sa puso mo ang pagmamahal mo sa kaniya?
"That's why I am here. Mourning for my love to her. I became insane for my lost love." mahina niyang sabi habang napapatawa ng pagak.
Sinabayan ko rin ang pagtawa niya upang alisin ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.
Ang tanga ko dahil sa kaniya pa ako nagkagusto? Crush lang naman noong una ang nararamdaman ko sa kaniya pero bakit lumalim pa iyon at nagkaugat? Paano ko huhugutin ang ugat ng pagmamahal ko sa kaniya kung hindi ko alam kung paano ito gawin?
Ang tanga ko dahil nahulog ako sa kagaya niya. He's so near but yet so far. Abot na abot kamay ko na siya pero bakit para siyang bituin na mahirap abutin?
"Everything happens for a reason, Sir Hyron. Maaring kaya ka nandito dahil ito ang nakatadhana sa'yo. God brings you here because you are destined to meet someone." mahinang sabi ko habang nakangiti nang malawak sa kaniya. Pilit kong tinatabunan ang lungkot na nararamdaman ko.
Let me tell you that, so you'll think that I am the right woman that God sent for you, who's destined for you.
"You thinks so?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mata.
I smiled widely while nodding at him. Think about me Hyron. Think about the possibility that it's me, the person who'll love you unconditionally.
"God move in a mysterious ways. He's the one who's in-charge in creating our own destiny." makahulugan kong sabi sa kaniya.
Napansin kong ngumiti siya nang malawak sa akin.
"So, you're telling me that God wants me here just to meet my other half?" tanong niya sa akin.
Marahan akong tumango sa kaniya at pagkatapos ay tinitigan ko siya ng diretso sa mata.
"It can be the reason or not, but I'm sure that what's happening right now was going to have a big part on your life." wika ko habang binibigyan siya nang malawak na ngiti.
"There's so many reasons, pwedeng kaya ka nandito ay para makilala mo ang isang tao o kaya nandito ka para mabuo kang muli." pagdudugtong na sabi ko noong hindi siya nagsalita.
Matagal siyang nakatitig sa akin. Malalim ang pagkakatingin ng kaniyang asul na mga mata sa akin na para bang may iniisip siyang isang napagka-ganda na bagay. Maya-maya ay napansin ko ang unti-unti niyang pagngiti nang malawak.
Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil sa kalituhan. He's like....para siyang...I can't say the exact word to describe him right now.
Para siyang nakaisip ng planong makakapag-ligtas sa kaniya.
"Can you help me fix myself?" Biglang sabi niya matapos ang ilang minuto na katahimikan.
Ang aking mga ngiti ay nawala at unting-unti na nahulog ang aking panga dahil sa gulat. He's really asking me that?
"Yes, I am here to help you." nakangiti na sagot ko.
"Can you help me fix my heart?" Pagtatanong niya sa akin.
He wants me to do that? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya. He wants me to fix himself. He wants me to fix his broken heart?
"Sir Hyron...." Mahinang tawag ko sa kaniya.
Nawala na ang ngiti sa kaniyang labi at tanging seryosong ekspresyon na lang ang makikita sa mukha niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nakapatong lang sa tabihan niya. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay noong maramdaman ko ang nakakakiliti na kuryente doon.
"Can you fix my heart, Alexandra?" rinig kong pag-uulit niya sa tanong niya kanina.
Muli kong sinalubong ang tingin niya sa akin. Gusto ko. Gustong gusto kong tulungan siya. Kung dati ay gusto ko lang siyang tulungang gumaling dahil pasyente ko siya pero ngayon ay gustong gusto ko siyang mabuong muli dahil mahal ko siya. Tutulungan ko siyang buuin ang puso at sarili niya.
"I can help you but---"
Ang aking sasabihin ay agad niyang pinutol at pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko noong bigla niyang halikan ang kamay ko.
"That's settled then. Help me on fixing myself." paninigurado niyang sabi.
"Help me, please." Sabi niya.
You don't need to say please because I will gladly do that. Gusto kong mapabuti ka kahit ako y'ung mabasag.
"Okay, Sir Hyron." mahinang pagpayag ko habang nakangiti na hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Napansin kong malawak din siyang ngumiti habang hinahalikan ng tatlong beses ang kamay ko.
"Good evening, Alexandra." masiglang bati sa akin ni King Hyron pagkabukas ko pa lang ng pinto ng kwarto niya.
"Good evening, Sir Hyron." Balik na bati ko.
Masayang lumakad ako palapit sa kaniya. Inilagay ko muna ang dala kong pagkain sa bed table. Noong matapos ako sa ginagawa ay ginulo ko agad ang kaniyang medyo humahaba ng buhok. Napatawa siya sa ginawa kong paggulo sa buhok niya. Hinuli niya ang kamay ko at pagkatapos ay hinalikan niya ng tatlong beses ang kamay ko. Dahil sa kaniyang ginawa ay naramdaman kong uminit ang aking pisngi at pagkatapos ay napanguso.
"Mahaba na ang buhok mo. Gugupitan na ulit kita ng buhok, Sir Hyron." sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
Napansin kong napatigil siya sa paghalik sa aking kamay. Nakita ko ang biglang pagtaas ng kaliwa niyang kilay.
"I keep on telling you that you should call me by my name." Seryoso niyang sabi sa akin.
Napatawa ako nang mahina dahil mukhang nainis siya ng konti sa akin. Hinawakan ko ang kilay niyang nakataas ay pagkatapos ay inayos ko iyon ay minasahe.
"Drop the Sir. King Hyron or Hyron is okay with me." Wika niya habang kinukuha ang kamay kong nakahawak sa kilay niya. Muli niyang hinalikan ang kamay ko.
Mas napangiti ako sa kaniyang ginawa. Lagi niya na lang akong pinapakilig.
"Okay, King Hyron." pagpayag ko sa kaniya.
Isang linggo na ang lumipas at sa mga panahong iyon ay sobrang nagiging sweet siya sa akin. Para tuloy sasabog ang puso ko sa sobrang kilig.
"So, how was your sleep? Did you take a rest?" May kuryosidad na tanong niya sa akin.
Natatawa na napatingin ako sa kaniyang mata na titig na titig sa aking labi. He's always like this, he keeps on looking at my lips. Minsan nga ay nahihiya ako dahil wala akong lipstick na nilalagay sa labi ko kaya kitang-kita ang pagiging dry ng lips ko.
"Hyron, I am the one who should asked you about that. Did you rest?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Tuwing uuwi naman ako sa bahay pagka-out ko ng umaga ay agad akong natutulog pagkatapos kumain. Sa kaniya ako mas naaalala kasi nababalitaan kong laging nagbabasa ng kung ano si King Hyron tuwing umaalis ako. Maghapon daw siyang nagbabasa.
"I did." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay nginitian niya ako.
"Pinahirapan mo ba si Doctor -----" tanong ko pero agad niyang pinutol.
Tinapik niya ang tabihan niya upang senyasan akong umupo sa kaniyang tabi. Walang pag-aalinlangan na umupo ako sa kama niya.
"No. I've been a good boy." sabi niya habang inihihilig niya ang kaniyang ulo sa aking braso.
Natatawa na napahawak ako sa kaniyang ulo. Naglalambing na naman ang bata.
"Good. Dahil d'yan ay may reward ka sa akin." sabi ko sa kaniya.
Inalis niya ang ulo niyang nakapatong sa aking balikat. Tiningnan niya ako at nakita ko ang pagiging excited niya.
"What's my reward?" tanong niya sa akin.
Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at pagkatapos ay kinuha ko ang plastic na may laman na binalutan. Inilabas ko ang tupperware at binuksan ko ito.
"Pinagdala kita ng pansit." masayang sabi ko habang tinitingnan siya.
Napansin kong napanguso siya at pagkatapos ay napakamot sa kaniyang ulo na parang bata. "I thought you'll give me a k... nevermind."
"Pansit?" tipid niyang paninigurado.
"Yes." sagot ko habang tumatango.
"Pansit na bihon ba or pansit na mike?" tanong niya sa akin.
Inilapit ko sa kaniya ang tupperware at ipinakita ko iyon sa kaniya. Kinuha ko ang tinidor at pagkatapos ay tumusok ako ng fishball at isinubo ko iyon sa kaniya.
"Pansit na bihon na may mike." Sagot ko sa kaniya habang nginingitian ko siya.
Nginuya niya muna ang isinubo kong fishball at pagkatapos ay tsaka siya nagsalita. "Who cooked that?"
"Si Mama ang nagluto."
"Akala mo ako no? Pasensya na lang pero hindi ako marunong magluto. Tamang tikim na lang ako." Pagpapatuloy na sabi ko at pagkatapos ay napatawa kaming dalawa.
"Your future husband is unlucky to have you." Sabi niya kaya mas lalo akong napatawa.
Bully din siya minsan.
"Grabe ka naman. Pagmahal ka ng tao tanggap niya ang lahat sayo. Kaya alam kong tanggap niya ako kung hindi ako marunong magluto at tsaka magagawan pa naman ng paraan ang pagluluto. Pwede akong mag-aral magluto para sa kaniya." pagpapaliwanag kong sabi.
Nakita kong napatango-tango siya dahil sa sinabi ko.
"You have a point." sambit niya.
Napatigil ako sa aking pagkuha ng fishball sa pansit noong makita kong titig na titig siya sa akin.
"I can cook. If ever that I will going to get married someday to a girl who doesn't know how to cook then I will be the one to cook our food." Wika niya habang seryosong tinitingnan ako.
Napalunok ako ng laway at naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng heart ko.
"But I will be happy If my wife will learn how to cook." pagpapatuloy niyang sabi.
Medyo nailang ako sa sinabi kaya napangiti ako. Kinilig din ako kasi parang ako y'ung sinasabihan niya? Pero ayokong maging assuming kaya iniwaksi ko ang posibilidad na iyon.
"Okay sana all may planong makasal." pagbibiro ko habang tumatawa. Pilit winawaglit ang kilig na nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co